filipino 9 ang pinagmulan ng tatlumput dalawang kuwento ng trono

16
ANG PINAGMULAN NG TATLUMPUT DALAWANG KUWENTO NG TRONO ( SIMHASANA BATTISI )

Upload: jmpalero

Post on 22-Feb-2017

5.058 views

Category:

Education


141 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

ANG P INAGMULAN NG

TATLUMPUT DALAWANG

KUWENTO NG TRONO

(SIMHASANA BATTIS I )

Page 2: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

NILAY-KARUNUNGAN:

Ang mabuting pinuno ay isang handog. Kabutihan, katapatan, at kadakilaan ay lubos Sadyang malaking biyaya sa bayan ng Diyos

Page 3: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

INDIA

Page 4: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

CASTE SYSTEM

Page 5: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

PAGBASA NG ALAMAT:

Page 6: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

BUOD NG ALAMAT:May isang binatang kasama ang kanyang ina na may-ari ng maliit na dampa at kapirasong lupang tinatamnan ng gulay. Dahil sa pagnanais ng binatang Brahman, na magkaroon ng asawa, nangutang siya sa kanilang kamag-anak at kaibigan. Natuloy ang kasal dahil sa limpak-limpak na pera na ibinigay sa kanila. Ang kanyang asawa ay nangangalang Mela.

Page 7: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

BUOD NG ALAMAT:Laging pinag-iingat si Mela ng ina ng binata dahil sa mga shakchunni o mga espiritung na may hangad na magpanggap bilang asawa. Naubusan na ng salapi ang mag-asawa at umalis ang binata sa kanilang tirahan para magtrabaho. Narinig ito ng isang espiritu na narinig ang pag-uusap ng mag-asawa ang nagpalit-anyo para maging asawa ni Mela pagkatapos umalis ang kanyang asawa.

Page 8: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

BUOD NG ALAMAT:Ang totoong Brahman ay nagsipag sa kanyang trabaho sa lungsod. Noong pag-uwi niya sa kanilang tirahan, nagulat siya dahil may lalaking kamukhang-kamukha niya. Sobrang litong-lito si Mela at ang ina ng Brahman kung sino ang totoong Brahman. Sumangguni sila sa raha para mairesolba ang kaso ngunit hindi din nairesolba ang kaso.

Page 9: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

BUOD NG ALAMAT:Habang papauwi na siya mula sa korte ng raha, nakita siya ng isang bata at tinanong kung bakit siya malungkot. Pagkatapos niya ito sagutin, sinamahan siya sa isang batang nakaupo sa bunton ng lupa. Kwinento ng totoong Brahman ang pangyayari at sinabi ng bata na papuntahin ang nagbabalat-kayong espiritu sa kanya. Pumunta rin ang raha para makita kung paano maireresolba ang kaso.

Page 10: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

BUOD NG ALAMAT:May isang pagsubok ang pinagawa ang Bata sa kanilang dalawa. Ang unang makapasok sa garapon ang siyang panalo. Katwiran ng totoong Brahman na paano siya magkakasiya diyan habang ang impostor ng Brahman ay nagpalit-anyo bilang hangin at pumasok sa garapon, dali-dali na tinakpan ng bata ang garapon at nakulong na ang espiritu.

Page 11: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

BUOD NG ALAMAT:Namangha ang raha sa kanyang nakita at tinanong ang batang nakaupo sa bunton ng lupa, kung paano niya ito nagawa. Sabi ng bata na ang bunton ng lupa ay kanilang nadiskubre habang sila ay nagpapastol at nalaman nila ang lupa ay nagbibigay ng pambihirang katalinuhan sa sinumang umupo rito. Pinautos ng raha ang pagbungkal ng lupa para makita kung ano ang laman ng bunton ng lupa.

Page 12: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

BUOD NG ALAMAT:Nakita ng raha ang isang trono na may tatlumput-dalawang anghel sa paligid nito. Sabi ng mga anghel na ang trono ay pagmamay-ari ng dakilang Raha Vikramaditya. Sa huli ay binuhat ng mga anghel ang trono papalayo nang papalayo sa raha hanggang napaisip nalang ang raha na hindi niya taglay ang mga katangian tulad ng kabutihan, lubos na katapatan, pagiging patas, at walang kinikilingan.

Page 13: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

MGA KATANUNGAN:Bakit kinailangang umalis ng binatang

Brahman sa kanilang bayan? Makatwiran ba ang kanyang paglisan?

Ipaliwanag.

Page 14: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

MGA KATANUNGAN:Ano ang naging pagkukulang ng tunay

na Brahman kaya hindi man lang nagduda ang kanyang ina at kanyang asawa na hindi ang tunay na Brahman

ang kanilang kasama sa bahay?

Page 15: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

MGA KATANUNGAN:Sino ang nakatulong mairesolba ang

kaso ng binata? Isalaysay ang pangyayari.

Page 16: Filipino 9 Ang Pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento ng Trono

MGA KATANUNGAN:Paano napatunayan sa akdang ito na ang katotohanan ay hindi maitatago at

lagi itong maisisiwalat sa bandang huli? Ipaliwanag.