filipino 3 learner's manual 3rd quarter

40
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Upload: jedith-evangelista

Post on 05-Dec-2014

2.676 views

Category:

Documents


95 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

1

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

2

Filipino

Kagamitan ng Mag-aaral

UNIT 3

PAG-AARI NG PAMAHALAAN

HINDI IPINAGBIBILI

INILAAN PARA SA

Distrito/Paaralan: ____________________________

Dibisyon: ____________________________________

Unang Taon ng Paggamit: ___________________

Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________

Baitang

Batang Pinoy Ako

3

3

BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang

Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral

Unang Edisyon, 2014

ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa

Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng

Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan

o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning

komersiyal.

Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento,

seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks,

atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga

karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng

mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC

Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo

Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa:

Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane,

Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace

Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad,

Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue.

Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego,

Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David

Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado

Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth

Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand

Bergado.

Inilimbag sa Pilipinas ng __________

Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg.

Meralco Avenue, Pasig City

Philippines 1600

Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072

E-mail Address : [email protected]

4

PAUNANG SALITA

Kumusta mga bata?

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng

Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng

Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga

kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa

pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at

pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay

gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain

ang mga panuto na mababasa dito upang maging

matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo.

Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit.

- Pamilya Ko, Mamahalin Ko

- Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko

- Bansa Ko, Ikararangal Ko

- Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko

Ang bawat aralin naman ay may mga gawain

tulad ng :

Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at

talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang

lilinangin sa bawat aralin.

Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan

o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang

ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat.

Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga

pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga

5

ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang

aralin.

Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa

mga natutuhan mo.

Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging

matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang

hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro.

Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na

Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at

makakalikasan.

Maligayang pag-aaral sa iyo!

MGA MAY-AKDA

6

TALAAN NG NILALAMAN

Yunit III – Bansa Ko, Ikararangal Ko Aralin 21 – Kilalanin Natin 8

Paggamit ng Angkop na Salita sa

Pagtatanong Tungkol sa mga Tao, Bagay,

Lugar, at Pangyayari

Paggamit ng mga Salitang Kasingkahulugan

at Kasalungat sa Pagbibigay Kahulugan sa Isang

Salita

Aralin 22 – Pangalagaan Natin 11

Paggamit ng Angkop na Pagtatanong

Gamit ang Sino, Saan, Ilan, Kailan, Ano-ano,Sino-sino

Pagsunod sa Panutong may 3-4 Hakbang

Aralin 23 – Pagyamanin Natin 13

Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, at

Lugar sa Pamayanan

Pagbibigay-Kahulugan sa Graph

Aralin 24 – Tangkilikin Natin 15

Paglalarawan ng mga Bagay, Tao at

Lugar sa Pamayanan

Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Binasang

Teksto

Aralin 25 – Ipagtatanggol Natin 19

Paggamit ng Tamang Salitang Kilos sa

Pagsasalaysay ng mga Personal na

Karanasan

Pagbibigay ng Paksa ng Kuwento o

Sanaysay na Napakinggan

Aralin 26 – Pahalagahan Natin 21

Paggamit ng Tamang Salitang Kilos

(Pandiwa)sa Pagsasalaysay ng mga

Personal na Karanasan

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Binasang

Teksto

Aralin 27 – Paunlarin Natin 25

Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay na

Naglalarawan ng Kilos o Gawi

Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

sa Kuwentong Napakinggan

7

Aralin 28 – Mahalin Natin 29

Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay na

Naglalarawan ng Kilos o Gawi

Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang

Teksto sa Tulong ng Timeline

Aralin 29 – Ipagmalaki Natin 34

Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol na –Laban sa,

-Ayon sa, at –Para sa

Pagbibigay ng Sariling Wakas sa

napakinggang Kuwento

Pagbasa ng mga Salitang may Klaster at Diptonggo

Aralin 30 – Ikarangal Natin 38

Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol

Pagbibigay ng Lagom ng Binasang Teksto

Pagsusulat ng Isang Talatang Nagsasalaysay

8

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging

magalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Isa rin ito

sa mga laging paalala ng ating mga magulang.

Alamin sa tula kung ito rin ang bilin ng mga magulang

ni Lino.

Si Linong Pilipino

Ako si Lino,

Na isang Pilipino.

Pagiging kayumanggi,

Hindi ko itinatanggi.

Laging bilin

Ng aking magulang,

Lahat ay igalang.

Lahat ay mahalin.

Saan man mapunta,

Sino man ang makasama,

Pagiging Pilipino,

Laging isasapuso.

Pumili ng isang salita sa binasang tula.

Sumulat ng limang salitang katugma nito.

Isulat sa loob ng ginuhit na b. hay ang iyong sagot.

9

Ang mga salitang magkakatugma ay ___________.

Gawin ang Bahaghari ng Magkakatugmang Salita.

Sa iyong papel, gumuhit ng isang bahaghari.

Gumupit ng limang metacard sa bawat kulay nito.

Sumulat ng magkakatugmang salita sa bawat kulay

ng papel. Idikit ito sa loob ng bahagharing ginawa.

Sino-sino ang Pilipino?

Pilipino Sila

Natatangi at naiiba talaga ang mga Pilipino. Hindi lamang

kilala sa magandang pag-uugali at kahanga-hangang kaayusan

sa iba’t ibang gawain kundi maging sa makukulay nilang kultura.

Isa sa mga tunay na maipagmamalaki ay ang mga

pangkat-etniko na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Maaaring sila ay nasa kapatagan, tabing-dagat, o tabing-ilog.

Ang iba naman ay nasa kabundukan at kagubatan. Sila ay may

sariling wika, tradisyon, kaugalian, at paniniwala.

Ang mga Tagalog ang pinakamalaking pangkat-etniko sa

Pilipinas sa kasalukuyan. Sinusundan ito ng Bisaya. Pero hindi lang

sila ang pangkat-etniko ng bansa. Nariyan ang mga Igorot,

Kalinga, Kankanaey, Ibanag, Ifugao, Negrito at Aeta na

makikita sa Luzon. Sa Mindanao naman makikita ang mga

Manobo, T’boli, Higaonon at Tiruray.

Anuman ang tawag sa kanila, ano man ang kanilang

paniniwala, wika, kaugalian at tradisyon, sila ay mga Pilipino.

Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.

10

Sumulat ng tanong na nagsisimula sa ano, sino,at saan,

tungkol sa binasang sanaysay.

Ang ano, sino, saan, at kailan ay ginagamit

sa pagtatanong.

Ang ano ay para sa ngalan ng _____________.

Ang sino ay para sa ngalan ng _____________.

Ang saan ay para sa ngalan ng _____________.

Ang kailan ay para sa ngalan ng _____________.

Umisip ng isang taong nais mong makapanayam. Sumulat

sa isang malinis na papel ng isang tanong na sasagutin niya.

Sino nga ba ang mga pangkat-etniko?

Muling basahin nang tahimik ang “Pilipino Sila” sa p. 88.

Sipiin ang isang talata mula sa “Pilipino Sila” sa p. 88.

Sa pagsipi ng talata,kailangan kong tandaan na, _____.

Isulat muli ang talata na binigyang-puna ng iyong guro.

11

Malaki ang epekto ng klima sa ating bansa lalo na

sa pamumuhay ng bawat Pilipino na nasa iba’t ibang panig

nito. Ano ang klima?

Ang Klima at ang Aking Bansa

May mga bansa sa mundo na nakararanas ng apat

na klima hindi tulad ng ating bansa. Ang Pilipinas ay isang

bansang tropikal. Ito ay nasa tropiko ng Kanser na makikita

sa itaas ng ekuwador.

Kapag nasa malapit sa ekwador ang bansa, mayroon

lamang itong dalawang uri ng klima. Ito ay ang tag-araw

o tag-ulan. Mainit at maalinsangan tuwing tag-araw samantalang

mahalumigmig at malamig kung tag-ulan.

Iguhit ang dalawang klima sa mga bansa na malapit

sa ekwador.

Natutuhan ko sa araling ito na ________________________.

Sumulat ng ngalan ng apat na bansang makikita malapit

sa ekwador.

12

Muling basahin ang “Ang Klima at ang Aking Bansa”

sa p.90.

Sumulat ng isang tanong tungkol sa tekstong “Ang Klima at

ang Aking Bansa.”

Sa pagtatanong, gumagamit ng angkop na salita tulad ng

__________________________________.

Sumulat ng dalawang tanong na nais mong sagutin

ng Presidente ng Pilipinas tungkol sa programa ng pamahalaan

para sa pangangalaga ng kapaligiran. Isulat ang mga tanong sa

iyong notebook.

Ano-ano ang ginagawa sa inyong pamayanan upang

pangalagaan ang kalikasan?

Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito.

Pag-aralan at pumili ng isang larawan.

Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang apat na

pangungusap tungkol dito.

13

C

Natutuhan ko sa aralin ngayon na ________________.

Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guro.

Tayong mga Pilipino ay maraming tradisyon at kaugalian na

dapat nating pagyamanin. Isa na rito ang masayang

pagsalubong sa Bagong Taon. Paano nga ba natin ito dapat

salubungin? Paano natin ito mapagyayaman?

Kultura sa Pagsalubong sa Bagong Taon Palitan Na - DOH ni Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon)

January 3, 2013

Naniniwala si Health Secretary Enrique Ona na panahon na

para seryosong ikonsidera ang pagpapalit ng kultura o tradisyunal

14

na paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon

dahil maaari namang lumikha ng iba’t ibang ingay sa ibang

paraan para sa pagtataboy ng ‘evil’ at ‘bad luck.’

Sabi ni Ona, karamihang nabibiktima ng paputok ay

kabataan kaya’t pinag-aaralan nilang i-ban ang kabataan sa

pagbili nito.

Inamin ng Kalihim na kahit pa masigasig ang Department of

Health o ang pamahalaan sa kampanya kontra sa

paputok, marami pa rin ang nabibiktima nito, at ang

nakalulungkot ay mga bata pa ang kadalasang napuputulan ng

daliri, kamay o maging paa kaya naman imumungkahi niya sa

stakeholders meeting, kasama ang Philippine National Police at

Bureau of Fire Protection na ibawal na sa kabataan ang

pagbebenta ng mga paputok.

Paano ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa inyong lugar?

Ibahagi ito sa klase.

Natutuhan ko na ___________________________________.

Kunin ang kagamitan mo sa Art.

Gumawa ng isang poster tungkol sa pag-iingat na dapat

gawin sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Muling basahin ang “Kultura sa Pagsalubong sa Bagong

Taon Palitan Na – DOH.” Tukuyin ang mga salitang naglalarawan

sa mga tao, lugar, bagay, o pangyayari dito.

15

Sumulat ng pangungusap na naglalarawan ng tao, bagay,

hayop, pook, o pangyayari na makikita sa larawan. Bilugan ang

mga ginamit na pang-uri.

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm

Ang pang-uri ay ___________________.

Makinig nang mabuti sa babasahing balita ng guro. Itala sa

iyong notebook ang mga pang-uring napakinggan.

16

Ano ang tatak ng suot mo ngayon? Saan ito gawa?

Ano-ano ang produktong Pilipinong dapat nating tangkilikin?

Tatak-Pinoy

Gawa sa Pilipinas. Maraming bagay na gawa ng ating

kapwa Pilipino ang puwede nating ipagmalaki. Bukod

sa magaganda nitong disenyo, hindi rin pahuhuli ang tibay

ng mga ito. Bawat produkto ay butil ng pawis at buhay

ng bawat Pilipinong manggagawa.

Ilan sa mga “Only in the Philippines” na talagang puwede

nating ipagsabayan sa buong mundo ay ang mga makukulay at

air-conditioned na dyip. Hari ng daan, samu’t sari ang gayak na

talagang nakakaaliw. Ang mga matitibay na sapatos

na gawa sa Marikina at sa Liliw, Laguna na talaga namang world

class ang dating. Ang naggagandahang parol ng Pampanga na

talagang nakadaragdag ng saya ng Pasko. Ang mga kakaibang

disenyo ng mga barong na gawa sa Batangas.

Pagdating din sa pagkain, hindi tayo pahuhuli.

Ang napakasarap na mainit na kape na galing sa Batangas

na sasabayan mo pa ng suman na galing sa Mindoro.

Ang mga matatamis na pinya ng Davao at mangga na mula sa

Guimaras ay tunay na hindi mo pagsasawaan.

O halika na at ating libutin ang sarili nating bansa.

Kung saan ang mga produkto ay subok na matibay,

ang mga pagkain ay tunay na masarap.

Basta’t sarap at tibay ang gusto, hanapin lamang

ang tatak Pinoy.

Gumupit sa lumang diyaryo o magasin ng isang bagay

na dapat tangkilikin ng mga Pilipino. Sumulat ng isang

pangungusap tungkol sa napiling bagay.

17

Ang paksa ng isang talata ay ________________.

Pumili at bumasa ng isang sanaysay o kuwento mula

sa mga nagdaang aralin. Isulat ang pamagat at ang pahina nito.

Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa paksa

ng binasang sanaysay o kuwento.

Basahin ang “Tatak-Pinoy” sa Alamin Natin, p.98.

Tukuyin ang mga pang-uri na ginamit.

Gamitin ang larawan na ginupit mo sa naunang gawain.

Sumulat ng mga pang-uri tungkol sa larawang ito.

Ang pang-uri ay ______________________.

Pumili ng isang paborito mong bagay, o lugar.

Gumawa ng isang flyer na naglalarawan nito at hihikayat sa

ibang Pilipino o dayuhan na tangkilikin ito.

Ang Child Friendly Barangay ay isang programa

ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkilala

ang mga barangay na may natatanging programa para sa

karapatan ng kabataan sa kanilang nasasakupan.

Sa paraang ito, mabibigyan din ng pagkakataon na

makilala ang barangay at matangkilik ng ibang Pilipino ang mga

produkto nito.

18

Basahin natin ang isang liham na nagkukuwento

kung ano-ano ang nangyari nang ang kanilang barangay

ay tanghaling Child-Friendly Barangay.

106 Purok 190

Brgy. Malinis, Ginhawa

Okt. 2, 2013

Mahal kong Vans,

Kumusta ka na? Bakit hindi ka nakarating noong nakaraang

Sabado? Hindi mo tuloy nasaksihan ang parangal na iginawad sa

aming barangay bilang Child-Friendly Barangay ng Reh. IV- A.

Lahat ay nagtipon-tipon sa plasa upang makiisa sa

pagdiriwang. Nagsalita ang puno ng aming barangay na

si Kapt. Joel at sinabi niya na sa wakas ay nagbunga rin

ang aming mga pagsisikap at pagtutulungan.

Dumating din si Kgg. Agnes na aming punong lungsod

at si Cong. Abraham na talaga namang ikinatuwa ng lahat.

Pagkatapos ng maikling palatuntunan, nagbigay

ng libreng serbisyong medikal ang grupo ni Dra. Rey.

Sina Bb. Badillo, G. at Gng. Derla naman ay nanguna

sa pamimigay ng libreng miryenda para sa lahat.

Ang saya talaga nang araw na iyon. Sana nakarating ka.

Ang iyong kaibigan,

Danika

Sa isang malinis na papel, sipiin nang wasto ang liham

na ipinadala ni Danika kay Vans.

Sa pagsipi ng liham at pagsulat ng mga salitang dinaglat,

dapat kong tandaan na ____________.

Isulat muli ang siniping liham. Isaalang-alang ang mga sagot

mo sa “Tama ba ang Pagkakasulat Ko?” na ipakikita ng iyong

guro.

19

Ang bawat batang Pilipino ay may karapatan. Tungkulin ng

lahat ng Pilipino na masigurong natatamasa ang mga ito ng

bawat bata saanmang sulok ng Pilipinas. Ang karapatang

mabuhay at magkaroon ng pangalan ang isa sa mga

pangunahing karapatan nila.

Ang Batang may K

Maagang naulila ang batang si Kristine. Namatay

sa isang aksidente ang kaniyang mga magulang. Kaya’t siya ay

kinupkop ng Department of Social Welfare and Development.

Hindi pa siya nagtatagal sa bahay-ampunan, may mag-

asawang dumating at nais na siya ay ampunin. Inayos kaagad

ang kaniyang mga papel at hindi nagtagal siya ay nakauwi na

sa bahay nina G. at Gng. Robles.

Itinuring siyang tunay na anak. Inalagaan siya nang maayos.

Pinapasok sa magandang eskwelahan. At higit sa lahat binigyan

siya ng isang mapagmahal na pamilya at pangalang Kristine

Robles.

Sipiin ang mga pangungusap na sumusuporta sa

pamaksang pangungusap na: Si Kristine sa bago niyang pamilya.

Ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksa ng isang

talata ay __________________________.

20

Sumulat ng dalawang pangungusap na sumusuporta sa

kaisipang “pagtatanggol sa karapatan ng mga bata.”

Muling basahin ang kuwentong “Ang Batang may K” nasa

sa Alamin Natin, p.99. Tukuyin ang mga salitang kilos na ginamit

dito.

Pumili ng isang pandiwa sa binasang kuwento.

Gamitin ito sa sariling pangungusap na nagsasalaysay

ng sariling karanasan.

Ang pandiwa ay ____________________.

Makinig nang mabuti sa kuwentong ibabahagi ng iyong

kamag-aral. Pumalakpak sa tuwing makakarinig ng pandiwa.

Nagkasakit ka na ba? Ano ang ginawa ng iyong magulang

o ng nag-aalaga sa iyo?

Pag-aralan ang graph na nasa susunod na pahina at

sagutin ang mga tanong tungkol dito.

21

Karapatan sa Atensiyong Medikal

Bilang ng Batang Babae at Lalaki

Dinala sa

ospital

Hindi dinala sa

ospital

Dinala sa

albularyo o

manghihilot

Ilan na kaya sa mga kaklase mo ang nadala na sa klinika?

Sa ospital? O sa albularyo? Gamit ang naunang graph, alamin

ang nangyari sa mga kasama mo sa pangkat.

Ang graph ay _______________________.

Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol sa natutuhan

mo sa graph na unang ipinakita ng bawat pangkat.

“Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan.”

22

Ito ang sinasabi sa ating pambansang awit. Ibig sabihin

mayaman ang Pilipinas. Bakit kaya?

Mayaman ang Pilipinas. Sa lawak ng kalupaan at

katubigang nakapaligid sa bansa, napakaraming natural na

yaman ang makikita rito.

Maraming nakukuha sa lupa. Ilan sa mga maituturing

na yaman ay mga halaman, puno, metal at hindi metal

na makukuha sa kalupaan.

Sa katubigan naman, makikita at makukuha ang iba’t ibang

klaseng isda, halamang-dagat, perlas, at korales na ginagawang

alahas. Sa tubig din natin kinukuha ang enerhiya at kuryente na

pinakikinabangan ng maraming Pilipino sa iba’t ibang sulok ng

bansa.

Kayamanan ding maituturing ang mga mamamayan ng

bansa. Sila ang mamamahala at magpapaunlad ng mga

biyayang bigay ng Poong Maykapal.

Tunay nga na mayaman ang Pilipinas. Mayaman ang mga

Pilipino. Kailangan lamang na pahalagahan natin ang ating

kapaligiran at ang ating kapwa Pilipino.

Basahing muli ang sanaysay.

Sa isang malinis na papel, isulat ang nais mong maging

pamagat nito.

Lagyan ng kulay at disenyo ang papel na pinagsulatan ng

naisip na pamagat.

Sa pagbibigay ng pamagat, kailangang _______________.

Gumuhit ng isang poster tungkol sa pagpapahalaga mo sa

yaman ng ating bansa. Lagyan ito ng pamagat.

23

Sumulat ng dalawang pangungusap kung paano mo

pahahalagahan ang ating mga likas na yaman.

Basahing muli ang mga pangungusap na nakasulat sa

pisara. Pumili ng dalawang pandiwa mula dito. Gamitin

sa sariling pangungusap at sabihin kung paano mo

pahahalagahan ang likas na yaman ng bansa.

Ang pandiwa ay may iba’t ibang kapanahunan tulad

ng ____________, ___________, at _________________.

Paano mo inaalagaan ang iyong mga tanim sa sariling

bakuran?

Isulat ang sagot sa anyong pangungusap sa loob

ng talaan. Bilugan ang pandiwang ginamit. Gawin ito

sa notebook.

Ano ang ginawa

mo nang

nagdaang araw?

Ano ang

ginagawa mo

ngayon?

Ano ang

gagawin mo

bukas?

Ang sama-samang paglilinis ng kapaligiran ay isang

palatandaan na ang mga mamamayan dito ay nagpapahalaga

sa likas na yamang taglay ng lugar na ginagalawan.

Alamin kung paano ito ipinakita ng mga taga-Bataan?

24

Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno Posted by Online Balita , April 23, 2013

Armado ng walis tingting, inilunsad ng mga tauhan ng

Bataan Police Provincial Office at mga miyembro ng Alpha Fire

Brigade and Brotherhood Association-Manila ang maghapong

paglilinis sa Bataan nitong Sabado, kaugnay ng pagdiriwang ng

Earth Day kahapon.

Ang paglilinis ay pinangunahan ng La Filipina Uygongco

Corporation, sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Mariveles

Mayor Dr. Jesse Concepcion, na nanguna sa pagtatanim ng may

400 puno ng niyog sa baybayin ng Barangay Townsite, Mariveles.

Sinabi ni La Filipina General Manager Susan Romero na

mahalagang pagtulung-tulungan ang paglilinis ng paligid upang

malinis ang hanging ating nalalanghap at mapakinabangan pa

ng susunod na henerasyon ang likas na yaman.

Hinikayat din ng kumpanya ang mga miyembro ng

Recycling129 sa Tondo na makibahagi sa paglilinis.

Katulad din ba kayo ng mga taga-Bataan? Paano ninyo

pinahahalagahan ang likas na yaman sa inyong lugar?

Sumulat ng isang pag-uulat na may dalawa hanggang apat

na pangungusap.

Sa pagsulat ng talatang nag-uulat, kinakailangang

___________________.

Isulat muli ang pag-uulat na natapos. Isaalang-alang ang

mga puna at mungkahi na ibinigay ng guro.

25

Bawat tao ay may kaniya-kaniyang katangian

at kakayahan. Ang mga ito ay kailangan nating paunlarin upang

makatulong tayo sa pagpapaunlad ng ating pamilya, ng ating

pamayanan, ng ating bansa at higit sa lahat ng ating mga sarili.

Basahin natin ang isang kuwento, upang maunawaan natin

kung gaano tayo kahalaga sa ating pamayanan.

Doon na Lamang Gratcielo Chiara D. Badillo

Buo na ang desisyon ni Doding Daga. Gusto niyang subukan

ang buhay sa siyudad. Para naman maiba. Baka doon

magbabago ang buhay. Kinuha niya ang kaniyang maliit na

lagayan ng damit at nag-umpisa siyang maglakad.

Hindi nagtagal, sinapit niya ang dati’y tinatanaw lamang na

lugar. Madilim na noon kaya namangha si Dodi sa

naggagandahan at nagkikislapang ilaw. Dahil wala pa naman

siyang matutuluyan, nagpasya na muna siyang matulog sa isang

maliit na upuan sa tabi ng kalsada.

Hindi pa nagtatagal sa kaniyang pagtulog ay bigla siyang

nagising. Isang malakas na sigawan ang kaniyang narinig. Mga

katulad niya na nagtatakbuhan at nag-aagawan sa pagkaing

nakalagay sa isang malaking plastic bag.

Maghahanap muna siya ng trabaho. Nakakita siya ng isang

malaking gusali. Dito siya susubok. Pero kinailangan niyang

makipagpatintero sa mga sasakyan para lang makarating dito.

Nakakabinging busina ang narinig niya mula sa mga naiinis sa

mga tsuper.

Muntik na siyang maipit ng otomatikong pintuan nang

papasukin siya ng guwardiya kahit wala siyang ID. Matapos

makipag-usap sa isang kahon na nagsasalita, pinaakyat siya sa

ikalawang palapag. Kahit takot ay sumakay pa rin siya sa

gumagalaw na hagdan.

26

Hapon na ngunit wala pa siyang trabaho. Hapon na pero

wala pa siyang bahay. At hapon na ay wala pa siyang pagkain.

Sa kaniyang pag-upo sa ilalim ng puno, muli niyang

nasulyapan ang mundong kaniyang pinanggalingan.

“Doon na lamang ako. May trabaho. May bahay. May

pagkain.”

Basahing muli ang kuwento ni Doding Daga upang

makagawa ng isang timeline.

Ang timeline ay isang paraan upang _______________.

Basahin ang kuwento upang makagawa ng isang timeline.

Kailangan Lima Angelika D. Jabines

May limang magkakaibigan. Sina Rose, Tess, Luz, Dennis at

Danilo. Bagamat magkakaibigan, magkakaiba naman sila ng

ugali at kagustuhan.

27

Isang araw sa kanilang pagbibisikleta, isang malaking kahoy

ang nakaharang sa kanilang daraanan.

Dahil sa pinakamalaki si Danilo, nanguna siya sa pagtanggal

ng malaking kahoy. Pero hindi niya nakaya. Sumunod si Luz, mas

maliit siya nang kaunti kay Danilo. Bahagyang gumalaw ang

malaking kahoy. Buong tapang na sumubok si Dennis, ang

pinakamataba sa lima. Pero hindi gumalaw ang malaking kahoy.

Si Tess naman ang sumunod. Pero wala rin. Huling sumubok si

Rose. Buong yabang na binuhat ang malaking kahoy. Umangat

ito.

“Aray!” ang sigaw niya. Ang malaking kahoy

ay biglang bumagsak sa kaniyang maliit na paa.

Sabay-sabay na nagtakbuhan ang magkakaibigan upang

tulungan si Rose.

“Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Buhat!” At marahang

naiangat ang malaking kahoy.

Kailangan pala lima. Hindi isa. Hindi dalawa. Hindi tatlo.

Hindi apat. Kailangan lima talaga!

Muling basahin ang “Kailangan Lima” sa p. 108.

Tukuyin ang mga pandiwa sa kuwento.

Pumili ng isang pariralang may pang-abay sa kuwentong

“Kailangan Lima.” Gamitin ito sa sariling pangungusap.

Ang pang-abay ay ____________________________.

Basahin ang “Doon na Lamang.” Pumili ng tatlong pandiwa

na ginamit dito. Sumulat ng pangungusap na maglalarawan kung

paano isinakilos ito sa kuwento.

28

Ako si Bb.

Luz.

Ako naman

si Dr. Danilo.

Ako si Lt.

Dennis

Ako si Atty.

Tess.

Tingnan at kilalanin ang mga tauhan sa kuwentong

“Kailangan Lima.”

Piliin at daglatin ang mga salita mula sa pangungusap.

1. Pinasaya ni Pangulong Aquino ang mga batang may sakit sa

Ospital ng Maynila noong Biyernes.

2. Sa darating na Oktubre magbibigay ng libreng pag-aaral

para sa kababaihan si Ginang Javier.

3. Ibinalik ni Heneral Tomas ang perang napulot niya sa may-ari

nito kaya siya ay pinarangalan.

4. Tayo ay humahanga sa mga taong mapagkakatiwalaan

katulad ni Senador Domingo.

29

5. Si Kongresman Manuel ay dumalo sa pagpupulong sa Cebu

noong Pebrero.

Sa pagsulat ng mga salitang dinaglat, _________________.

Sino- sino ang kilala mong katulong sa pagpapaunlad

ng inyong pamayanan? Isulat ang kanilang ngalan

at katungkulan sa paraang padaglat.

Paano mo ipinakikita ang pagmamahal mo sa iyong

pamayanan? Sa bansang iyong nakagisnan?

Sino ka sa kuwentong ating babasahin?

Si Maria kaya o si Rosa?

Mariang Tilapya Maria Castillo-David

Isang umaga, masayang naglalakad si Rosa sa tabing-ilog

nang marinig niya ang isang munting tinig.

“Rosa, tulungan mo ako.” Isang maliit na tinig mula

sa tabing-ilog ang narinig niya. Hinanap niya ito at laking gulat

niya nang makita ang isang tilapya na nagsasalita.

“Bakit mo ako tinawag?” tanong ni Rosa sa isda.

30

“Ako si Mariang Tilapya, at nais kong tulungan mo kaming

mga nakatira dito sa ilog. Sobra na ang pang-aabuso ng mga

tao,” wika ng isda.

“Ano ba ang ginawa namin sa inyo?” tanong muli

ni Rosa.

“Lahat ng basura ay sa ilog ninyo itinatapon, pati mga

patay na hayop ay dito rin inihahagis. Pati tuloy ang mga maliliit

at maging mga itlog pa lang ay namamatay dahil sa

labis na dumi,” mahabang himutok ni Mariang Tilapya.

“Kung patuloy kayong mga tao sa masamang gawain

ninyo, mawawala nang tuluyan ang likas na yamang tubig,”

dagdag pa ng isda.

“O sige, tutulungan kita,”pangako ni Rosa.

Biglang nagising si Rosa dahil sa nakabibinging patak

ng ulan sa kanilang bubong . Panaginip lang pala ang lahat.

Pagdungaw niya sa kanilang bintana upang silipin ang ilog

na malapit sa kanilang tahanan, nanlaki ang kaniyang

mga mata. Mistulang dagat ang kanilang paligid.

Matapos ang ilang araw, humupa na rin ang baha. Bawat

isa sa kanilang baryo ay lumabas ng bahay na may dalang

kagamitan sa paglilinis.

Lihim na napangiti si Rosa sa nakita. Tiyak siya na matutuwa

rin si Mariang Tilapya kahit siya ay isang panaginip lamang.

Ibigay ang hinihingi ng diagram na ito buhat sa mababasa

sa “Mariang Tilapya.”

Mga Kilos na

Naganap

sa Kuwento

Naging Bunga

31

Ang sanhi ay _________________________________.

Ang bunga ay ________________________________.

Ibigay ang sanhi at bunga ng kilos sa bawat larawan. Isulat

sa kaliwa ang sanhi at sa kanan naman ang bunga.

Balikang muli ang kuwento ni Mariang Tilapya. Tukuyin

ang mga pandiwa at pang-abay na ginamit.

32

Gamit ang pariralang pang-abay, ilarawan kung paano

ipinakita ng mga tauhan sa kuwentong “Mariang Tilapya”

ang pagmamahal sa kanilang pamayanan.

Ang pang-abay ay _________________________________.

Ilarawan ang mga kilos na makikita sa bawat sitwasyon.

Basahin ang “Doon na Lamang.”

Itala ang mahahalagang impormasyon tungkol

sa kuwentong ito.

33

Punan ang bawat kahon ng hinihingi tungkol sa kuwentong “

Doon na Lamang.”

Kahon ng Kuwento

Natutuhan ko ____________________________________.

Basahing muli ang “Kailangan Lima.”

Ibigay ang hinihinging impormasyon.

Pamagat May-akda

Tagpuan

Tauhan

Simula

Suliranin at

Solusyon

Wakas

34

Ano-anong magagandang lugar sa Pilipinas ang iyong

napasyalan? Halika at sumama sa paglalakbay.

Sakay Na!

Sakay na sa makulay na dyip na dito lamang sa Pilipinas

matatagpuan! Sa ilang segundo, tayo ay aarangkada na!

Isa... dalawa... tatlo...

Una nating silipin ang Palawan Underground River. Itinanghal

na isa sa mga pinakabagong magagandang tanawin sa buong

mundo kaya naman hindi ito nauubusan ng turistang lokal at

dayuhan. Ang kuwebang ito na may ilog sa loob ay sinasabing

may habang 8.2 kilometro. Upang malakbay ang kahabaan nito,

kailangan mong sumakay sa isang bangka upang masaksihan

ang pambihirang iba’t ibang hugis ng bato na nililok sa

pamamagitan ng patak ng tubig sa nakalipas na daanlibong

taon.

Kilalanin din natin ang tinaguriang Salad Bowl ng Pilipinas. Ito

ay napaliligiran ng probinsiya ng Baguio at La Trinidad. Sa lugar

Paksa

Pamagat

Problema

Solusyon Natutuhan

35

na ito makikita ang paglago ng strawberries sa bansa kaya

tinawag din itong Strawberry Country bukod pa sa iba’t ibang uri

ng prutas at gulay na nakatanim dito. Tara na sa lalawigan ng

Benguet.

Tinagong Dagat ang sunod nating destinasyon.

Ito ay isang nakatagong lawa na matatagpuan sa talampas sa

tuktok ng bundok na may sukat na humigit kumulang tatlong (3)

ektarya at lalim na nasa otsenta (80) metro. Dito makikita ang

iba't ibang isda.Napapaligiran din ito ng makapal na gubat kung

saan gumagala ang ligaw na hayop at malago ang halaman.

Tayo na sa Lambunao, Iloilo upang mapasyalan ito.

Sa Mindanao naman, makikita ang Talon ng Maria Cristina

sa dulo ng Ilog Agus. Ito ay kilala sa kagandahan na

may taas na 320 talampakan bukod pa sa ito ang pangunahing

pinagkukunan ng kuryente sa Iligan.

Ilan lang ito sa puwede nating pasyalan sa ating bansa.

Hanggang sa muling pagsakay sa ating pambihirang dyip.

Sa binasa mong “Sakay Na,” pumili ng dalawang

diptonggo at gamitin sa sariling pangungusap. Gawin din

ito sa dalawang salitang may klaster.

Sundan ang format na nasa susunod na pahina.

Diptonggo ang mga salitang ____________.

Ang mga salitang may klaster ay mga salitang __________.

diptonggo

Salita Salita

Pangu-

ngusap

Pangu-

ngusap

klaster

Salita Salita

Pangu-

ngusap

Pangu-

ngusap

36

Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang

pangungusap tungkol sa paraan na gagawin mo upang

maipagmalaki ang bansang Pilipinas. Bilugan ang mga salitang

may diptonggo at guhitan ang salitang may klaster.

Puting Sobre

Susan Formales.

Sabik na sabik na binuksan ni Susan ang isang puting sobre

na natanggap mula sa kaniyang kaibigan. Hindi maalis ang ngiti

sa kaniyang mga labi sa mga bagong kuwento na kaniyang

nabasa.

Kaya’t hindi pa man nakapagbibihis ng kaniyang damit,

agad niyang kinuha ang kaniyang ballpen at stationery.

At nagsimulang magsulat.

160 Maitim II East

Silang, Cavite

Pebrero 3, 2013

Mahal kong Susan,

Wow! Nakasama ka pala sa inyong lakbay-aral. Tiyak ako sa

susunod nating pagkikita marami tayongpagkukuwentuhan. Sa

susunod na buwan naman ang aming lakbay-aral. Sana payagan

ako ni Tatay.

Kanina sa klase, dumating ang isang tourist guide. Ipinakita

sa amin ang iba’t ibang larawan at video tungkol sa

magagandang lugar na malapit dito sa amin. Kululangin pala

ang isang araw para sa pamamasyal. Ayon pa sa kaniya, kapag

tagarito ang mamamasyal, libre daw. Kaya sa susunod

na bakasyon, marami tayong papasyalan.

Hanggang sa muli, best friend.

Ang iyong kaibigan,

Maricel

37

Dagdagan ang nilalaman ng sulat ni Maricel

sa pamamagitan ng pagsulat ng isang pangungusap gamit ang

pang-ukol na natutuhan sa aralin.

Ang pang-ukol ay _____________.

Ang tungkol sa ay ginagamit sa _____________.

Ang tungkol kay ay ginagamit sa ____________.

Ang ayon sa ay ginagamit sa ___________.

Ang ayon kay ay ginagamit sa __________.

Gamit ang mga pang-ukol na natutuhan, isalaysay

sa dalawang pangungusap ang mga natutuhan mo

sa “Sakay Na!”

Basahin muli ang “ Puting Sobre.” Tukuyin at suriin kung

paano isinulat ang mga hiram na salita.

Sipiin ang mga salitang hiram sa “Sakay Na” at gamitin ang

mga ito sa sariling pangungusap.

Sa pagsulat ng mga salitang hiram, ________________.

Sumipi ng dalawang salitang hiram na mababasa

dalawang kuwento na binasa sa araling ito. Iguhit sa tapat nito

ang pagkakaunawa mo sa mga salitang ito.

38

Ang Pilipinas ay hindi lamang mayaman sa likas na yaman

kundi maging sa kaniyang kultura. Alamin kung ano-ano ito.

Kayamanan sa Pagsulat

May mayamang tradisyon sa pagsulat ang mga Pilipino.

Patunay rito ang napakaraming tulang nalikha noong unang

panahon para sa iba’t ibang pangyayari sa buhay.

Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang tula upang

makapaghatid ng aral. Ginamit din nila ang tula upang maipasa

ang mga sinaunang kaalaman.

Hindi lang basta isinusulat ang mga tulang ito. Madalas ay

binibigkas o hindi kaya ay inaawit ito sa mga pagtitipon.

Maaaring tuwing kapistahan, kasalan, o kaya sa pag-alaala sa

namatay binibigkas ang mga tula.

Sa malakas na pagbigkas o pag-awit ng mga tula rin

naipapasa ng matatanda ang kanilang paniniwala at kultura sa

mga nakababata.

Ang mga tula at awitin na binibigkas natin hanggang

sa kasalukuyan ay patunay kung ano ang ating pinagmulan,

kaugalian at mga paniniwala.

Ito ay isang buhay na paalala ng ating sariling kultura

na dapat nating pagyamanin at ikarangal.

Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa natutuhan mo

sa binasang sanaysay.

39

Sa pagsulat ng buod, ________________.

Pumili at basahin ang isang story book sa Filipino.

Sumulat ng isang buod na may tatlo hanggang apat

na pangungusap.

Muling basahin ang “Kayamanan sa Pagsulat.” Tukuyin ang

mga pangungusap na may pang-ukol.

Ano-ano ang nalaman mo mula sa sanaysay na binasa?

Isulat ito gamit ang pang-ukol na natutuhan.

Ginagamit ang laban sa kung _________.

Ginagamit ang ayon sa kung _________.

Ginagamit ang para sa kung __________.

Tapusin ang sumusunod na parirala.

Ayon sa ______________________________.

Para sa _______________________________.

Laban sa _____________________________.

Basahin muli ang “Kayamanan sa Pagsulat.”

40

Gamit ang mga pantig sa loob ng malaking kahon, bumuo

ng mga salitang may klaster. Gamitin ang mga mabubuong salita

sa isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap.

plu pri to

som ma pla

lan bre bra

bro so ro

no tsa tra

Sa pagsulat ng talata, __________________.

Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guro

at mga kaklase.