epp home economics aralin 20

15
ARALIN 20 PAGLILIGPIT AT PAGHUHUGAS NG PINAGKAINAN

Upload: mutya-pablo-santos

Post on 04-Sep-2015

1.107 views

Category:

Documents


118 download

DESCRIPTION

Power point presentation

TRANSCRIPT

  • ARALIN 20PAGLILIGPIT AT PAGHUHUGAS NG PINAGKAINAN

  • PANIMULANG PAGTATASA1. May nabasag na baso at kailangang itapon.a. Dadakutin at ilalagay sa basurahan.b. Pupuluting isa-isa ang bubog.c. Ibabaon sa lupa.d. Babalutin ng lumang diyaryo at ilalagay sa basurahang may takip.

  • 2. Walang trak na kumukuha ng basura sa inyong lugar.a. Susunugin ang lahat na basura.b. Itapon sa bakanteng lote ang basura.c. Paghiwalayin at ibaon ang nabubulok na basura.d. Itapon sa malapit na ilog.

  • 3. Ikaw ay maglilinis ng kisame at mag-aagiw.a. Tumungtong sa bintana.b. Gamitin ang walis na may mahabang tangkay.c. Gamitin ang cabinet para maabot ang kisame.d. Lumundag para walisin ang agiw.

  • 4. Nakatakda kang magwalis at maglinis ng mga muwebles.a. Gumamit ng hair net.b. Gamit ang panyo magtakip ng ilong.c. Maghugas ng kamay.d. Gumamit ng gloves.

  • PagganyakPangkatin ang mag-aaral sa tatlo.Mag-usap-usap tungkol sa paraan ng paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan.Isulat ito sa manila paper.Gawin ito ng limang minuto.Ipaskil sa pisara at iulat sa klase ang ginawa.

  • Ano ang mapapansin ninyo sa inyong ginawa?Bakit kaya iba-iba ang nakasulat na paraan sa paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan?Gusto ba ninyong malaman kung ano ang wastong paraan sa paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan?

  • PAGLILINIS NG MESA1. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato.2.Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong pinggan at ilagay sa tray.3. Dalhin ang mga ito sa kusina upang hugasan.4. Itago ang mga pagkaing hindi naubos at linisin ang mesa.

  • PAGHUHUGAS NG PINAGKAINAN AT MGA KAGAMITAN SA PAGLULUTOSimulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na kasangkapan.Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan sa dakong kanan ng lababo ayon sa pagkasunod-sunod:baso,kubyertos,plato,sandok at siyansi,kaldero,kaserola,kawali, at iba pa.

  • Sabunin ang mga ito gamit ang maliit na palanggana na may sabon at espongha.Banlawang mabuti.Ilagay sa dish rack at pabayaang tumulo ang tubig.Patuyuin ang mga ito gamit ang malinis na pamunas.Ang mga baso ay hindi pinupunasan upang hindi lumabo.Iligpit o ilagay ang mga ito sa dapat kalagyan,pagkatapos hugasan at patuyuin ang lahat ng pinagkainan at pinaglutuan.

  • Tiyakin na ang mga lalagyan ay malinis at walang amoy,bago iligpit ang mga kasangkapan ginamit.Sa ganitong paraan walang ipis o daga na pupunta.Ilagay sa bandang unahan o sa lugar na madaling makuha ang mga kasangkapang karaniwang ginagamit.

  • Ano-ano ang wastong paraan ng paghuhugas sa pinagkainan at pinaglutuan?Anong kagamitan ang dapat unang huhugasan,pangalawa,pangatlo?Bakit kailangang sundin ang ganitong pagkasunod-sunod?Bakit kailangang malinis at walang amoy ang lalagyan ng mga kasangkapan?

  • 1. Ano ang dapat mong gawin pagkatapos maghanda at kumain?2. Paano ang wastong paraan ng paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan?3. Ano ang magandang dulot sa pamilya kung palaging malinis at maayos ang mga kasangkapan o gamit sa kusina?

  • PAGTATAYAAyusin ang pagkakasunod-sunod ng paghugas ng mga pinagkainan at kasangkapan sa kusina.Isulat ang bilang1-5 sa patlang.____a. mga plato,platito,tasa at mangkok____b. mga kubyertos____c. mga baso____d. palayok,kaldero,kawali,at iba pa____e. sandok at siyansi

  • TAKDANG ARALIN

    ISKEDYULLINGGOLUNESMARTESMIYERKULESHUWEBESBIYERNESSABADOAGAHANTANGHALIANHAPUNAN