epiko ng mga muslim - sfil 15

48
Tagapag-ulat: Vaneza E. Tuvida BFE II

Upload: vaneza22

Post on 15-Feb-2017

304 views

Category:

Education


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Tagapag-ulat: Vaneza E. Tuvida BFE II

Page 2: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

EPIKO NG MGA MUSLIM

Indarapatra at Sulayman Bantugan Bidasari

Page 3: Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Page 4: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Matapang na hari ng kahariang Mantapuli.

Page 5: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

• Dambuhalang ibon at Mababangis na hayop

Ito ay nangyayari sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng

Mantapuli.

Page 6: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Isang matapang na kawal. Kapatid ni Indarapatra.Inutusan siya ni Indarapatra na puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao.

Page 7: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

“ Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito nangangahulugang ikaw ay patay.”

Page 8: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

• Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, at dumating ang halimaw

na si Kurita. Matagal at madugo ang labanan. Ngunit natalo niya pa rin ito dahil sa tulong ng kris ni Sulayman.

Page 9: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

• Nagtungo naman siya sa Matutum. Hinanap niya ang halimaw na kumakain ng tao na may pangalang

Tarabusaw. Hinagupit ng hinagupit siya ng kahoy ngunit ng malanta ito ay nasaksak siya ni Sulayman ng kanyang espada.

Page 10: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

• Pumunta na naman siya sa Bundok ng Bita. Wala ring tao. Biglang dumilim ang paligid sa pagdating ng dambuhalang

ibong Pah.

Page 11: Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Page 12: Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Page 13: Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Page 14: Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Page 15: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Si Prinsipe Bantugan ang kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil dito ay nainggit si Haring Madali kaya ipinagbawal niya ang pakikipag-usap sa kanyang kapatid.

Page 16: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Dahil dito ay nalungkot si Prinsipe Bantugan. Siya’y naglagalag, nagkasakit at namatay sa pintuan ng Kaharian ng Lupaing nasa pagitan ng Dalawang Dagat .

Page 17: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Naguluhan ang hari at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang . Hindi nila kilala ang bangkay. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo.

Page 18: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Habang sinangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bangkay, isang loro ang pumasok.

Page 19: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula sa kaharian ng Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.

Page 20: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Nalungkot si Haring Madali kaya dali-dali siyang lumipad patungo sa langit at binawi ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Ibinalik ni Haring Madali ang kaluluwa ni Bantugan. Nabuhay si Bantugan at nagdiwang sila.

Page 21: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Nabalitaaan naman ni Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan kaya nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran kaya’t natigil ang kanilang pagdiriwang.

Page 22: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Iginapos siya ngunit ng bumalik ang dati niyang lakas ay nilagot niya ang kanyang gapos at buong ngitngit na pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw.

Page 23: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Nailigtas niya ang kaharian ng Bumbaran at nagpatuloy sila sa pagdiriwang. Nawala na ang inggit ni Haring Madali sa kapatid. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng prinsesang kaniyang katipan.

Page 24: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Pinakasalan niya ang lahat at inuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali ng malugod at galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya at ng mahabang panahon.

Page 25: Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Page 26: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nakabatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito’y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman, o ng punongkahoy.

Page 27: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon na namiminsala ng pananim at maging sa buhay ng tao ito ay ang ibong GARUDA.

Page 28: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao kapag dumarating ang Garuda upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila kay Garuda pagkat ito’y kumakain ng tao.

Page 29: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Sa pagtatakbuhan ng mga tao nagkahiwalay ang sultan at sultana ng Kembayat. Nagdadalantao ang sultana sa panahong iyon at sa matinding takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito ay naiwan niya ang sanggol sa may bangka.

Page 30: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

May nakapulot sa sanggol ang pangalan niya ay Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Itinuring niya na parang tunay niya na anak ang sanggol. Pinangalanan niya ang sanggol na Bidasari. Habang lumalaki ay lalong gumaganda.

Page 31: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Kaharian ng Indrapura

Dalawang taong kasal.

Lila SariSultan Mongindra

Mapanibughuin

Page 32: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

“mahal na mahal ka sa akin” - sultan

“Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa sa akin?”. - Lila Sari

“Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.” – sultan Mongindra

Page 33: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Dahil sa kakulangan ng kanyang tiwala at kumpiyansa sa kanyang asawa ay karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda kaysa sa kanya.

Page 34: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Nalaman niya na higit na mas maganda sa kanya si Bidasari kaya’t ito’y pinapunta sa palasyo upang gawing dama ng sultana ngunit ikinulong niya ito sa isang silid at doon pinaparusahan.

Page 35: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Hindi natiis ni Bidasari ang pagpaparusa sa kanya kaya sinabi niya sa sultana na kunin ang gintong isda sa halamanan ng kanyang ama. Isusuot niya ito bilang kwentas sa araw at sa gabi’y ibinabalik sa tubig at hindi maglaon si Bidasari ay mamatay. Pumayag naman si Lila Sari.

Page 36: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Isinusuot nga ni Lila Sari ang kwintas na gintong isda kaya si Bidasari ay nakaburol kapag araw at kung gabi ay muling nabubuhay. Nag-alala si Diyahari kaya nagpagawa siya ng malaking palasyo sa sa kagubatan at itinira niya mag-isa si Bidasari doon.

Page 37: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Isang araw, ang sultan Mongindra ay nangangaso sa kagubatan hanggang sa makita niya ang isang magandang palasyo nakapasok siya rito at may nakita siyang napakagandang babae na natutulog. Bumalik ang sultan kinabukasan at nakausap si Bidasari doon na nalaman ng sultan ang lahat.

Page 38: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Galit na galit ang sultan kay Lila Sari kaya iniwan niya ito at kaagad na pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari ay naging reyna .

Page 39: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Samantalang ang mga magulang naman ni Bidasari ay tahimik na namumuhay sa Kembayat na nagkaroon ng isa pang supling si Sinapati.

Page 40: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara nakita niya ang anak ng sultan at sultana na si Sinapati na kamukhang-kamukha ni Bidasari.

Page 41: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Nagkita ang magkapatid at kapwa sila nangilalas dahil magkamukhang-kamukha sila. Natunton ng sultan ang anak at nalaman ng sultan ng Indrapura na tunay pala na prinsesa ang kanyang pinakasalang si Bidasari

Page 42: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

PAGSUBOK

Page 43: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

1. Siya ay isang malaking ibon na nakapagpapadilim ng bundok.

a. Pah b. Kurita c. Tarabusaw

Page 44: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

2. Sino ang kapatid ni Prinsipe Bantugan na may malaking inggit sa kanya?

a. Haring Medali b. Haring Madali c. Haring Madale

Page 45: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

3. Sino ang nagpapahirap kay Bidasari?

a. Lila Sare b. Lila Sara c. Lila Sari

Page 46: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

4. Sino ang prinsipe na namatay dahil sa sakit at muling nabuhay?

a. Prinsipe Bantogan b. Prinsipe Bantugan c. Prinsipe Bantugen

Page 47: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

5. Ano ang pangalan ng ibong mapaminsala sa mga pananim at sa tao?

a. Garoda b. Garuda c. Garowda

Page 48: Epiko ng mga Muslim - sfil 15

Mga sagot:1. a2. b3. c4. b5. b