elemento ng tula
TRANSCRIPT
Tula – isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga pangungusap at mga talata, ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong.
SUKAT
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
3. lalabing-animin –
hal. Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
hal. Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
Ang mga tulang mgay lalabingdalawa at labingwalo ay may Cesura o hati na nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig.
Halimbawa:
Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga
panaginip
Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig,
Pg-ibig!
Noong panahon ng Hapon, may tulang dinala rito ang mga Hapones. Ito ang tinatawag na Haiku, na may limang pantig lamang sa loob ng isang saknong at Tanaga na may pitong pantig sa loob ng isang saknong.
Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet 6 linya - sestet
3 linya - tercet 7 linya - septet
4 linya - quatrain 8 linya - octave
5 linya – quintet
Ang couplets, tercets at quatrains ang mada-
las na ginagamit sa mga tula.
TUGMA
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasa -bing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
MGA URI NG TUGMA
1. Tugma sa patinig
hal. Mahirap sumaya
Ang taong may sala
hal. Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig,
dapat pare-pareho ang patinig sa loob
ng isang saknong o dalawang magkasu-
nod o salitan.
hal. a a a
a a i
a i a
a i i
2. Tugma sa katinig
a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t
hal. Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon – l,m,n,,ng,r,w,y
hal. Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
KARIKATAN
Kailangang magtaglay ang tula ng
maririkit na salita upang masiyahan
ang mambabasa gayon din mapukaw
ang damdamin at kawilihan.
TALINHAGA
Magandang basahin ang tulang di
tiyakang tumutukoy sa bagay na bina-
banggit. Ito’y isang sangkap ng tula
Na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.