ekawp vi lp

295
1 st CHARACTER EDUCATION VI Date: _________________ I. Layunin: Naisasagawa ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga pook pampubliko. II. Paksang Aralin Kalinisan at Kaayusan sa mga Pook Pampubliko B.P. : Kalusugan K.P. : Kalinisan Sang. : ELC 1.1 / EKAWP VI pah. 1 Kagamitan : Walis, dustpan atbp. III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Ano ang napapansin mo sa parke ng paaralan tuwing hapon? 2. Pagganyak: Maganda bang tingnan ang mamasyal sa parkeng marami kang makikitang kalat o mga pinagkainan?

Upload: mike-oliver-gallardo

Post on 08-Nov-2015

163 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

character education

TRANSCRIPT

1stCHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naisasagawa ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga pook pampubliko.

II.Paksang Aralin

Kalinisan at Kaayusan sa mga Pook Pampubliko

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kalinisan

Sang.:ELC 1.1 / EKAWP VI pah. 1

Kagamitan:Walis, dustpan atbp.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang napapansin mo sa parke ng paaralan tuwing hapon?

2.Pagganyak:

Maganda bang tingnan ang mamasyal sa parkeng marami kang makikitang kalat o mga pinagkainan?

B.Panlinang na Gawain

1.Ipaliwanag:

Ang malinis na kapaligiran ay nakapagpapagaan ng kalooban.

2. Paglalahad ng kuwento:

May biglang dumating na panauhin sa paaralan. Ang mga mag-aaral ay nasa loob ng silid-aralan. Namaamangha ang panauhin sa linis at ganda ng paligid lalo na ang parke nila. Nasisiyahang lumigid pa ang panauhin sa buong paaralan.

3.Pagtalakay: Bakit malinis ang paligid ng paaralan?

Sino ang nagtutulong-tulong upang mapanatili ang kalinisan nito at pati na ang parke?

C.Paglalahat:

Magsabi ng paraan upang mapanatili ang kalinisan ng mga pook pampubliko tulad ng parke, gym. Atbp.

D.Paglalapat:

Isalaysay ang sariling karanasan na nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga pampubliko.

IV.Pagtataya:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Ano ang dapat mong gawin kung nakita mong maraming pinagkainan / plastic sa paligid ng parke?

a.huwag pansinin at magpatuloy sa paglakad

b.magtapon narin ng basura sa paligid

c.kusang-loob na pulutin ang mga kalat kahit walang nakakita.

2.Nakita nagtapon ng balat ng kendi ang mga batang naglalaro sa parke. Ano ang gagawin mo?

a. sumali sa paglalaro at pagkakalat

b.magalang na pagsabihan ang mga bata na mali ang ginawang pagkakalat

c.isumbong sa pulis o barangay tanod.

V.Kasunduan:

Sumulat ng mga paraan upang mapanatiliing malinis ang pook pampubliko at paano ito isinasagawa.

---------------------

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nalilinis ang mga lugar piknikan, kalye, parke atbp.

II.Paksang Aralin

Kalinisan at Kaayusan sa mga Pook Pampubliko

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kalinisan

Sang.:ELC 1.1.1 / EKAWP VI pah. 1

Kagamitan:Walis, dustpan, sako atbp.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Nakasama ka na ba sa isang piknik? Ano ang masasabi mo sa lugar na pinagpiknikan ninyo?

2.Pagganyak:

Mainam bang magpunta sa lugar na malinis lalo na kung dito ninyo idadaos ang kainan ninyo?

B.Panlinang na Gawain

1.Kaya kayang gawin ang ginagawa ng bata sa kuwentong ating babasahin? Sino ang tama?

2.Paglalahad ng kuwento:

Masayang nagpipiknik ang mga bata sa tabing ilog. Marami silang dalang pagkain na nakalagay sa mga plastic, dahon at lalagyang plastic. May isang batang naka-isip na pulutin ang lahat ng pinagkainan at inilagay sa isang sako.

3.Pagtalakay:

Tama ba ang ginawa ng bata na pulutin lahat ang pinagkainan at ilagay sa isang sako, samantalang pinanood lamang siya ng ibang bata? Bakit?

4.Paglalahad:

Ano ang dapat nating gawin sa mga lugar tulad ng lugar piknikan, kalye at iba pang pook pampubliko?

IV.Pagtataya:

Isulat ang gagawin mo sa mga sumusunod na kalagayan.

1.May nakita kang mga kalat / dumi sa kalye sa tapat mismo ng gate ng paaralan.

2.Nabitiwan at nabasag ang hawak mong bote ng soft drinks habang ikaw ay naglalakad sa kalye.

V.Kasunduan:

Gumawa ng babala tungkol sa kalinisan sa mga lugar pampubliko tulad ng parke, kalye, at lugar piknikan.

--------------

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naisasagawa ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga pook pampubliko.

II.Paksang Aralin

Kalinisan at Kaayusan sa mga Pook Pampubliko

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kalinisan

Sang.:ELC 1.1 / EKAWP VI pah. 1

Kagamitan:Walis, dustpan atbp.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang napapansin mo sa parke ng paaralan tuwing hapon?

2.Pagganyak:

Maganda bang tingnan ang mamasyal sa parkeng marami kang makikitang kalat o mga pinagkainan?

B.Panlinang na Gawain

1.Ipaliwanag:

Ang malinis na kapaligiran ay nakapagpapagaan ng kalooban.

3. Paglalahad ng kuwento:

May biglang dumating na panauhin sa paaralan. Ang mga mag-aaral ay nasa loob ng silid-aralan. Namaamangha ang panauhin sa linis at ganda ng paligid lalo na ang parke nila. Nasisiyahang lumigid pa ang panauhin sa buong paaralan.

3.Pagtalakay: Bakit malinis ang paligid ng paaralan?

Sino ang nagtutulong-tulong upang mapanatili ang kalinisan nito at pati na ang parke?

C.Paglalahat:

Magsabi ng paraan upang mapanatili ang kalinisan ng mga pook pampubliko tulad ng parke, gym. Atbp.

D.Paglalapat:

Isalaysay ang sariling karanasan na nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga pampubliko.

IV.Pagtataya:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Ano ang dapat mong gawin kung nakita mong maraming pinagkainan / plastic sa paligid ng parke?

a.huwag pansinin at magpatuloy sa paglakad

b.magtapon narin ng basura sa paligid

c.kusang-loob na pulutin ang mga kalat kahit walang nakakita.

2.Nakita nagtapon ng balat ng kendi ang mga batang naglalaro sa parke. Ano ang gagawin mo?

a. sumali sa paglalaro at pagkakalat

b.magalang na pagsabihan ang mga bata na mali ang ginawang pagkakalat

c.isumbong sa pulis o barangay tanod.

V.Kasunduan:

Sumulat ng mga paraan upang mapanatiliing malinis ang pook pampubliko at paano ito isinasagawa.

-----CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naiiwasan ang pagsira ng upuan ng sasakyan o pagsulat sa mga dingding / pader.

II.Paksang Aralin

Kalinisan at Kaayusan sa mga Pook Pampubliko

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kalinisan

Sang.:ELC 1.1.2 / EKAWP VI pah. 1

Kagamitan:

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano natin mapananaitli ang kalinisan ng ating kalye? Dapat ba nating sunduin ito, Tapat Ko, Nililinis Ko.?

2.Pagganyak:

Ano ang masasabi sa mga silid-aralan natin ngayon? Maganda ba at maayos tingnan ang kabuuan ng ating paaralan?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad ng sitwasyon:

May kakayahan sa paaralan at maraming bisita ang dumating sakay ng kanilang sasakyan. Natuwa ang mga may-ari ng sasakyan, dahil hindi man lang hinipo ng mga bata ang sasakyan bagkus ay tiningnan lamang ang mga ito. Lumibot ang ibang panauhin sa paligid at nakita nilang malinis ang loob at labas ng dingding at pader ng paaralan. Nadaanan nila ang ilang paskil na nagsasabi ng pagpapanatili ng kalinisan sa mga pader at dingding ng paaralan.

2.Pagtalakay:

Bakit kaya hindi pinagkaguluhan ng mga bata ang sasakyan?

Bakit maganda at malinis tingnan ang mga dingding at pader ng mga silid-aralan?

3.Pagtalakay:

Bakit kaya hindi pinagkaguluhan ng mga bata ang sasakyan?

Bakit mahalaga at malinis tingnan ang mga dingding at pader ng mga silid-aralan?

C.Paglalahat:

Dapat ba nating sulatan ang dingding at pader ng mga silid-aralan?

Dapat bang likutin at sirain ang upuan ng sasakyang pumapasok sa ating paaralan at iba pang sasakyan?

D.Paglalapat:

Paano ba makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng dingding / pader ng pampublikong pook.

IV.Pagtataya:

Lagyan ng (() ang tamang Gawain at ( x ) kung maling gawain.

_____1.Sumakay ng sasakyan at sirain ang blade ng upuan.

_____2.Gamitin ang bagong biling krayola sa pagguhit sa dingding ang paarlaan.

_____3.Isulat ang pangalan ang kaibigan ng pader.

V.Kasunduan:

Gumawa ng paskil tulad ng nasa iba at ilagay sa lugar na dapat paglagyan. Iwasan ang pagsulat sa mga dingding ng paaralan.

------------------CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naiiwasan ang pagdura, pag-ani sa mga pook pampubliko.

II.Paksang Aralin

Kalinisan at Kaayusan sa mga Pook Pampubliko

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kalinisan

Sang.:ELC 1.1.3 / EKAWP VI pah. 1

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano natin mapapanatili ang kalinisan ng mga dingding at pader ng ating paaralan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Pagpapakita ng larawan ng ilang taong umiihi at dumudura sa parke, kalye atbp. Tama ba ang ginagawa ng ilang taong nasa larawan? Tama bang dumihan ang mga pook pampubliko tulad nito?

2.Paglalahad ng sitwasyon:

Araw ng Lingo, araw ng naglalaro ang parke ng paaralan. Nakita mong ang isa ay doon na lang umihi sa gilid ng parke, kung saan maraming halamang nakatanim. Nilapitan mo ang bata at sinabi ang mali niyang ginawa.

3.Pagtalakay:

Tama bang bumili na lang kahit saang lugar ng parke ang isang tao? Ano ang mangyayari sa parke kung dito na lang iihi at dudura?

C.Paglalahat:

Anu-ano ang dapat lang nating gawin habang tayo ay nasa parke?

Anu-ano ang dapat nating gawin dahil mali habang tayo ay nasa parke?

D.Paglalapat:

Pangkatin ang mga bata sa apat na grupo. Gumawa ng dula-dulaang na nagpapakita ng kalinisan at kaayusan sa mga pook pampubliko.

IV.Pagtataya:

Isulat ang salitang tama kung ang pangyayari ay nagsasaad ng tamang gawi at mali kung malit ito.

______ 1.Sa parke nalnag dumura habang naglalaro.

______ 2.Sa parke mo na pinaihi ang kapatid mong maliit.

______ 3.Pinagsabihan mo ang ilang bata na iwasan ang pagdura at pag-ihi sa parke.

V.Kasunduan:

Gumawa ng babala para sa park eng paaralan na makahikayat sa pagpapanatili ng kalinisan ng pook pampubliko.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakasusunod sa mga babala sa mga pook pampubliko

II.Paksang Aralin

Kalinisan at Kaayusan sa mga Pook Pampubliko

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kalinisan

Sang.:ELC 1.2.1 / EKAWP VI pah. 2

Kagamitan:Plaskard ng mga babala, Tsart ng sitwasyon.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Saan dapat dumura at umihi?

Bakit kailangan ang ganitong kalinisan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Ipakita ang mga babala sa plaskard at ipabasa.

Ipasabi ang kahulugan ng bawat babala.

2.Paglalahad ng sitwasyon:Ang Babala

Isang araw ng Lingo habang namamasyal ang magkapatid na Lito at Ana sa parke ay napansin nila ang babala sa gitna ng halamanan.

Kuya ang gaganda kay babango, ang sabi ni Ana.

Oo nga Ana at mukhang kay babango, ang wika ni Litopah.16

3.Pagtalakay:

1.Saan namasyal ang magkapatid na Lito at Ana?

2.Ano ang napansin ni Lito na nakalagay sa gitna ng halamanan?

3.Ano ang iminungkahi ni Ana?

C.Paglalahat:

Dapat ba nating sundin ang mga babala? Bakit?

D.Paglalapat:

Magbigay ng mga babala na maaari nating ibigay sa mga pampublikong pamilihan.

IV.Pagtataya:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Nakita ni Maria ang babala sa hardin ng paaralan nagsasabing Bawal ang tumapak sa damuhan. Ano ang gagawin ni Maria?

a.tatapak sa dahuhan

b.hindi tatapak sa damuhan

c.maglalaro sa damuhan

2.Dumaraan ang magkakaibigang na Jose, Tony at Celo, ng may mapansin silang nakasulat sa pintuan ng opisina ng Principal Dumaan ng Tahimik. Ano ang gagawin ng magkakaibigan.

a.sisigaw

b. tatakbo

c. daraan ng mahinahon at tahimik

V.Kasunduan:

Isasadula ng bawat pangkat ang pangyayaring ipinakita ng pagsunod sa babalang Bawal Pumitas ng Bulaklak.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naiisip ang iba pang gagamit sa mga pook pampubliko

II.Paksang Aralin

Kalinisan at Kaayusan sa mga Pook Pampubliko

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kalinisan

Sang.:ELC 1.2.2 / EKAWP VI pah. 6

Kagamitan:Larawan ng mga pook pampubliko tulad ng parke, paaralan at bahay dalanginan.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang mga babalang madalas ninyong Makita sa parke, pook dalanginan, kalye at paaralan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Anu-ano ang mga pook pampubliko? Ipakita ang larawan at ipasabi ang bawat isa.

2.Paglalahad ng sitwasyon:SA PASYALAN

Naisipang mamasyal ng magkaibigang Jose at Mario sa park eng kanilang bayan. Habang naglalakad sila ay napansin nila ang isang batang inuuga ang upuang konkreto at ibig ibuwal. Dali-daling pinuntahan ng dalawa ang bata at sinaway sa ginagawa nito.

3.Pagtalakay:

1.Saan namasyal ang magkaibigang Jose at Mario?

2.Ano ang napansin nila?

3.Ano ang ginawa ng magkaibigan?

C.Paglalahat:

Kung kayo sina Jose at Mario gagawin ba ninyo ang kanilang ginagawa? Bakit?

D.Paglalapat:

Nasa ikaanim na baiting na si Mario at ito na ang huli niyang taon sa paaralan. Ano ang dapat niyang gawin upang ang silid-aralan na kanyang ginagamit ngayon ay magamit pa rin ang mga sumusunod na mag-aaral?

IV.Pagtataya:

Lagyan ng (() kung wastong paggamit ang sinasabi at ekis (x) kung hindi.

_____ 1.Buhusan ang pampublikong palikuran pagkagamit.

_____ 2.Sulatan ang mga dingding ng paaralan.

_____ 3.Punasan ang sahig ng silid aralan.

V.Kasunduan:

Gumuhit ng larawang nagpapakita ng wastong paggamit ng mga pook pampubliko?

-----------------

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naisasagawa ang mga gawaing pang-kaangkupang pisikal

II.Paksang Aralin

Kakayahang Pangkatawan

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kaangkupang Pisikal

Sang.:ELC 1.1 / EKAWP VI pah. 3

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang kabutihang naidudulot ng malinis na kapaligiran sa ating kalusugan.

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Ano ang pagkaunawa nyo sa kaangkupang pisikal?

2.Paglalahad ng sitwasyon:

Alamin natin mula sa kwento kung ano ang tawag sa mga gawaing ating isinasagawa at kung bakit mahalaga na regular tong gawin.

Sisigla Na Si Dina

Si Dina ay lagging malungkot, malakas naman siyang kumain at umiinom pa ng bitaminang hatol ng kanyan Doktor. Subalit malata siya, ni hindi nga siya makasalo ng bola. Kaya ayaw siyang isali ng kanyang kaklase sa mga laro. Nagtataka ang lola niya.pah. 21

3.Pagtalakay:

1.Bakit noong unay malata o pata si Dina?

2.Anong kulang sa kanya?

3.Anong ipinayo ng doctor sa kanya upang siyay sumigla?

C.Paglalahat:

Ano ang naidudulot ng pagsasagawa ng kaangkupang pisikal sa ating katawan.

D.Paglalapat:

1.Kung ikaw si Dina susundin mo ba ang payo ng Doktor?

2.Ang kaangkupang pisikal bay tunay na mahalaga sa mga lumalaking baka?

IV.Pagtataya:

Bilugan ang mga gawaing kaangkupang pisikal.

1.Paglangoy

4. Panonood ng T.V.

2.Paglalaro ng bola

5. Pakikinig ng Radyo

3.Paghoholen

V.Kasunduan:

Isulat kung aling gawaing pangkaangkupang pisikal ang dapat ninyong isagawa bilang isang mag-aaral sa ika-anim na baitang.

END OF JUNE 2014

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naiisip ang iba pang gagamit sa mga pook pampubliko

II.Paksang Aralin

Kalinisan at Kaayusan sa mga Pook Pampubliko

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kalinisan

Sang.:ELC 1.2.2 / EKAWP VI pah. 6

Kagamitan:Larawan ng mga pook pampubliko tulad ng parke, paaralan at bahay dalanginan.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang mga babalang madalas ninyong Makita sa parke, pook dalanginan, kalye at paaralan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Anu-ano ang mga pook pampubliko? Ipakita ang larawan at ipasabi ang bawat isa.

2.Paglalahad ng sitwasyon:SA PASYALAN

Naisipang mamasyal ng magkaibigang Jose at Mario sa park eng kanilang bayan. Habang naglalakad sila ay napansin nila ang isang batang inuuga ang upuang konkreto at ibig ibuwal. Dali-daling pinuntahan ng dalawa ang bata at sinaway sa ginagawa nito.

3.Pagtalakay:

1.Saan namasyal ang magkaibigang Jose at Mario?

2.Ano ang napansin nila?

3.Ano ang ginawa ng magkaibigan?

C.Paglalahat:

Kung kayo sina Jose at Mario gagawin ba ninyo ang kanilang ginagawa? Bakit?

D.Paglalapat:

Nasa ikaanim na baiting na si Mario at ito na ang huli niyang taon sa paaralan. Ano ang dapat niyang gawin upang ang silid-aralan na kanyang ginagamit ngayon ay magamit pa rin ang mga sumusunod na mag-aaral?

IV.Pagtataya:

Lagyan ng (() kung wastong paggamit ang sinasabi at ekis (x) kung hindi.

_____ 1.Buhusan ang pampublikong palikuran pagkagamit.

_____ 2.Sulatan ang mga dingding ng paaralan.

_____ 3.Punasan ang sahig ng silid aralan.

V.Kasunduan:

Gumuhit ng larawang nagpapakita ng wastong paggamit ng mga pook pampubliko?

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naisasagawa ng mga pagsubok sa kaangkupang pisikal.

II.Paksang Aralin

Kakayahang Pangkatawan

B.P.:Kaangkupang Pisikal

K.P.:Kaukulang Pisikal

Sang.:ELC 1.1.3 pah.4 / EKAWP 6

Kagamitan:Larawan ng pagsubok

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang kahalagahan ng kaangkupang pisikal sa ating katawan.

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Ipagaya sa mga bata ang simpleng direksyong gagawin na may kinalaman sa kaangkupang pisikal.

Halimbawa: Paglundag sa lugar

Paglakad ng patingkayad na nakataas ang dalawang kamay.

2.Paglalahad:

Ipakita sa kaklase ang mga larawan ng pagsubok.

Papiliin ang bawat pangkat ng pagsubok na kanilang gagawin sa harap ng klase.

1.Pangkat I 30 segundong Bangon higa

2.Pangkat II Pag-upo at Pag-abot

3.Pangkat III Push-up

3.Pagtalakay:

1.Anong bahagi ng katawan ang nasubok ng pagsasagawa ng 30 segundong Bangon-Higa? Pag-upo at Pag-abot? Push-up?

2.Bakit may nahihirapan sa pagsasagawa nito? Ano ang kailangan nilang gawin?

C.Paglalahat:

1.Bakit kailangan nating gawin ang pagsubok sa kaangkupang pisikal?

2.Ano ang iyong nararamdaman kung matagumpay mong nagawa ang pagsubok?

D.Paglalapat:

Gawin ang mga pagsubok sa loob ng takdang Segundo na sabay-sabay.

10 segundo Bangon-higa

10 segundo Pag-upo at pag-abot

IV.Pagtataya:

Gagawin ang bawat pangkat na sabay-sabay ang 2 pagsubok na di ninyo nagagawa. Itala ang naging resulta at iulat sa kaklase pagkatapos.

V.Kasunduan:

Lalahok akong lagi sa mga gawaing ukol sa pagsubok ng aking kaangkupang pisikal upang malaman ko ang kakayahan ng aking katawan.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naisasagawa ang mga paraan ng matalinong pangangalaga ng likas sa pinagkukunang-yaman.

II.Paksang Aralin

Pangangalaga sa mga likas na pinagkukunang-yaman

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa kapaligiran

Sang.:ELC 1.1 EKAWP VI pah. 5

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

1.Ipaawit ang Kapaligiran

2.Talakayin ang nilalaman ng awit.

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Alam natin ang mahigpit na panawagan ng pamahalaan ukol sa pagtatanim ng mga punong kahoy?

2.Paglalahad ng sitwasyon:Ang Punong Mangga ni Mang Ador

Si Mang Ador ay isang magsasaka at mahirap ang kanyang buhay may lima siyang anak at lahat ay nag-aaral, kayat ang knikita niya ay hindi sapat sa kanilang pangangailangan.

Isang-araw sinabi ng kanyang asawa na kailangan na ang pambayad sa paaralan.wala siyang maisip na maaaring pagkunan ng pera. Natuon ang pansin niya sa punong...pah. 30

3.Pagtalakay:

1.Ano ang hanapbuhay ni Mang Ador?

2.Anong suliranin ang dumating sa kanilang mag-asawa?

3.Bakit di-sang ayon ang kanilang asawa sa plano niya?

C.Paglalahat:

Bakit dapat pangalagaan ang mga punong kahoy sa ating paligid?

D.Paglalapat:

Papaano ka nakatutulong sa pangangalaga ng mga likas na pinagkukunang yaman?

IV.Pagtataya:

Iguhit ang mga pamamaraang dapat gawin sa pangangalaga ng likas na pinagkukunang-yaman.

V.Kasunduan:

Magtanong sa punong barangay ng mga programang isinasakatuparan bilang pangangalaga sa likass na pinagkukunang-yaman.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naisasagawa ang mga paraan ng matalinong pangangalaga ng likas na pinagkukunang yaman.

II.Paksang Aralin

Pangangalaga sa mga likas na pinagkukunang-yaman

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa kapaligiran

Sang.:ELC 1.1 EKAWP VI pah. 5

Kagamitan:Larawan

.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Magbigay ng ilang paraan kung paano mapangangalagaan ang mga pook o lugar na pinagkukunang yaman.

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Mahalaga ba ang mga pook tulad ng mga parke at pook-piknikan? Bakit?

Ano ang maaaring mangyari kapag ang mga pook na ito ay nanatiling marumi at hindi maayos?

2.Paglalahad/Pagtalakay: Anu-ano ang mga pook na ipinakikita sa mga larawan. Ano ang tawag sa mga pook na ito?

Bakit ang mga pook na ito ay itinuturing na pook pampubliko?

C.Paglalahat:

Dapat ba silang panatilihing malinis? Bakit?

Anu-ano ang mga dapat gawin upang mapanatiling malinis ang mga pook-piknikan? Pake? Kalye? Atbp.

D.Paglalapat:

Pumunta kayo sa Lunera Park. Maglatag kayo ng picnic cloth at doon kumain.nakita mo ang kasama mong batang itinatapon na lamang kung saan-saan ang mga balat ng pagkain. Ano ang dapat mong gawin?

IV.Pagtataya:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Kapag nasa pampublikong sasakyan dapat na:

a.sulatan ang sandalan ng mga upuan

b.iwasan ang pagsira ng mga upuan

c.maupo sa paraang makapagbibigay ng kasiyahan sa sarili.

2.Kapag nasa pook pampubliko dapat na:

a.iwasan ang pag-ihi at pagdura.

b.umihi kahit saan kapag nakaramdam ng pag-ihi.

c.dumura sa lugar na walang nakakakita.

V.Kasunduan:

Gumupit ng mga larawan na ipinakikita ang pangangalaga sa mga lugar na pinagkukunang yaman.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Napapatay ang apoy bago iwan ang lugar piknikan/kampingan.

II.Paksang Aralin

Pangangalaga sa mga likas na pinagkukunang-yaman

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa kapaligiran

Sang.:ELC 1.1 EKAWP VI pah. 5

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Pagbigayin ang mga bata ng pinagkukunang yaman.

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Itanong sa kanila kung anu-ano ang mapapansin nila sa mga lugar na piknikan/kampingan.

2.Paglalahad ng sitwasyon:

Nagkamping ang mga Boy Iskaut sa Paaralang Barangay ng Bulacan. Pumunta sila sa isang gulod na maraming nakatanim na mga puno, nilinisan nila ang paligid, at saka sila naghanda ng paglulutuan ng kanilang pananghalian. Pagkaluto, pinatay nila ang apoy.

3.Pagtalakay:

Tama ba ang ginagawa ng mga iskaut?

Bakit kailangang patayin ang apoy sa lugar kampingan?

Ano ang dapat nating gawin upang mapangalagaan ang mga lugar piknikan/kampingan?

C.Paglalahat (Papagbigayin)

Paano pangangalagaan ang mga lugar piknikan/kampingan?

IV.Pagtataya:

Basahin ang mga sitwasyon at piliin ang dapat isagawa upang mapangalagaan ang mga likas na pinagkukunang yaman?

1.Nagkamping kayong magkakaklase at mayroong kayong ginagawang siga. Ano ang dapat ninyong gawin bago lisanin ang lugar?

a.Patayin ang apoy bago iwan.

b.Hayaang kusang mamatay ito.

c.Iwanan na lang ito.

2.Ang mga lugar piknikan, parke, kalye ay dapat na:

a.Panatilihing malinis

b.Pinababayaang marumi.

c.Hinahayaan ang mga manggagawa na binabayaran ng pamahalan na lamang ang maglinis.

V.Kasunduan:

Sumulat ng talata tungkol sa pangangalaga sa pook piknikan o kampingan.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naiiwasan ang pagkuha sa mga koral sa dagat.

II.Paksang Aralin

Pangangalaga sa mga likas na pinagkukunang-yaman

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa kapaligiran

Sang.:ELC 1.1 EKAWP VI pah. 5

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Tungkol sa paglilinis ng ating mga bakuran at pook pambayan.

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

a.Magpakita ng mga larawan ng mga kayamanan natin sa ilog at mga dagat.

b.Itanong kung paano natin mapangangalagaan ang mga kayamanan sa dagat.

c.Mahalaga ba ito sa ating pamumuhay?

2.Paglalahad ng kuwento:

Ipaliwanag ang kahulugan ang ugaling pagtutulungan at pakikipag-isa na may kinalaman sa pag-aalaga ng yamang dagat. Ilahad ang kuwento.

3.Pagtalakay:

Talakayin ang kwento ukol sa pangangalaga ng mga yamang ilog at karagatan.

C.Paglalahat:

Ano ang dapat nating gawin upang mapangalagaan ang ating mga ilog at karagatan.

D.Paglalapat:

Ang bahay ninyo ay malapit sa tabing dagat. Nakita mo na pinupukol ng mga bata ang mga isda. Ang mga ipinamumukol nila ay mga baton a binabalutan ng papel. Tama ba ang ginagawa nila?

Ano ang dapat mong gawin?

IV.Pagtataya:

Lagyan ng tsek (() ang mga bagay na dapat gawin.

_______ 1.

Panatilihing malinis an gating mga ilog at karagatan.

_______2.Hulihin pati ang maliliit na isda.

_______3.Kuhanin ang mga koral sa karagatan.

_______4.Tapunan ng mga basura ang mga ilog at dagat.

V.Kasunduan:

Sikaping paliwanagan ang mga tao ukol sa pangangalaga sa ating kapaligiran.

Koral sa Karagatan

Isang araw binabalita na tatay mo mula sa pangingisda ang nakita niya. Ang kapwa niya mangingisda ay kinukuha ang mga koral sa karagatan, dahil dito ay malaki ang kinikita nila. Natatakot ang tatay sabihan sila dahil baka may gawin sa kaniya na hindi maganda.

Tama ba ang ginagawa ng mga mangingisdang iyon?

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Sumusunod sa mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit ng pinagkukunang-yaman.

II.Paksang Aralin

Pangangalaga sa mga likas na pinagkukunang-yaman

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa kapaligiran

Sang.:ELC 1.1 EKAWP VI pah. 5

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang mga paraan ng matalinong pangangalaga ng likas na pinagkukunang yaman?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Pag-aralan ang mga larawang ipakikita ng guro.

Anu-ano ang mga maaaring mangyari o sanhi ng hindi pagsunod sa mga tuntunin tungkol sa paggamit ng pinagkukunang yaman?

2.Paglalahat:a.Pagpangkat-pangkat at pagsaliksik o pagtukoy sa mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit ng pinagkukunang-yaman sa pamamagitan ng pangkatang pagtatalakay o pagbabahaginan ng mga kuro-kuro, kaalaman at karanasan.

b.Pagtatala sa mga impormasyon o kaisipan.

c.Pangkatang pag-uulat sa mga naitalang impormasyon o kaisipan.

3.Pagtalakay:

1.Anu-ano ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit ng pinagkukunang-yaman?

2.Bakit kailangang sundin ang mga patakarang ito?

3.Anu-ano ang mga kabutihang maidudulot ng pagsunod sa mga patakarang ito?

C.Paglalahat:

1.Bakit kailangan na magtakda ng mga tuntunin/patakaran sa pangangalaga at paggamit ng pinagkukunang-yaman.

2.Bilang isang mabuting mamamayan ano ang dapat moang gawin upang pangalagaan ang pinagkukunang-yaman?

D.Paglalapat:

Ikaw ang may-ari ng isang trosohan o logging industry. Anu-ano ang mga tuntunin ang dapat mong sundin?

IV.Pagtataya:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Kapag may nakita kang babala sa isang pook na pinagkukunang-yaman. Ano ang dapat mong gawin?

a.huwag pansinin ito

b.sundin ang inuutos nito

c.suwayin o labagin ang pinag-uutos nito.

2.Ano ang maaaring bunga ng hindi pagsunod sa mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit ng pinagkukunang yaman?

a.tuluyang pagkawasak o pagkasira ng pinagkukunang yaman

b.kalutasan sa suliraning pang-ekonomiya ng bansa.

V.Kasunduan:

Sumulat ng talata tungkol sa pangangalaga ng ating likas na yamang dagat.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naiiwasan ang paggamit ng dinamita sa pangingisda

II.Paksang Aralin

Pangangalaga sa mga likas na pinagkukunang-yaman

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa kapaligiran

Sang.:ELC 1.1 EKAWP VI pah. 5

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang mga halimbawa ng mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit ng pinagkukunang-yaman ng dapat sundin.

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Ano ang palagay ninyo ang maaaring mangyari kapag ang mga mangingisda ay patuloy na gumagamit ng dinamita sa pangingisda?

2.Paglalahad:

1.Pag-aaral sa mga larawang ipakikita ng guro.

2.Pag-usapan ang mga larawang ito.

3.Pagtalakay:

1.Anong paraan ng paggamit ng mga pinagkukunang yaman ang ipinakikita sa bawat larawan?

2.Anu-ano ang mga wastong paraan ng paggamit ng pinagkukunang yaman tulad ng karagatan?

C.Paglalahat:

Bilang isang mabuting mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang pangalagaan ang ating kapaligiran?

D.Paglalapat:

Ikaw ay isang mangingisda. Paano mo maipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng karagatan.

IV.Pagtataya:

Sumulat ng mga wastong paraan ng paggmit ng karagatan bilang pinagkukunang-yaman.

V.Kasunduan:

Magsulat ng dayalogo o usapan tungkol sa pagpapakita ng wastong paraan ng paggmit ng karagatan bilang pinagkukunang yaman (3-5 tauhan) pamagatan ito na: Pangalagaan ang Karagatan

END OF JULY 11, 2014CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naiiwasan ang pagputol ng mga batang punong kahoy sa kagubatan.

II.Paksang Aralin

Pangangalaga sa mga likas na pinagkukunang-yaman

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa kapaligiran

Sang.:ELC 1.3.2, EKAWP VI pah. 6

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang mga wastong paraan ng paggamit ng pinagkukunang yaman tulad ng karagatan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Ano sa palagay ninyo ang maaaring mangyari kapag patuloy na ipaputol ang mga punong kahoy sa kagubatan?

2.Paglalahad ng sitwasyon:

Pag-aaral sa mga larawang ipinakikita ng guro.

Pag-usapan ang mga larawang ito.

3.Pagtalakay:

Anong paraan ng paggamit ng mga pinagkukunang-yaman ang ipinakikita sa bawat larawan?

Anu-ano ang mga wastong paraan ng paggamit ng pinagkukunang-yaman sa bawat larawan?

Magbigay ng mga kabutihang ibinibigay ng ating kagubatan?

C.Paglalahat:

Paano mo matutulungang mailigtas ang nakakalbo nating kagubatan?

D.Paglalapat:

Ikaw ay isang mamumutol ng torso. Paano mo maipapakita ang wastong paraan ng paggamit ng kagubatan?

IV.Pagtataya:

Sumulat ng mga wastong paraan ng paggamit ng kagubatan bilang pinagkukunang-yaman.

V.Kasunduan:

Magsulat ng sanaysay tungkol sa wastong paraan ng paggamit ng karagatan bilang pinagkukunang-yaman, pamagatan ito ng: Ating Kagubatan, Pangalagaan.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nagkukusang sumali/lumahok sa mga gawaing pansibiko gaya ng Clean and Green.

II.Paksang Aralin

Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 7

Kagamitan:Larawan ng malinis at maayos na kapaligiran, tsart.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang mga wastong paraan ng paggamit ng pinagkukunang yaman, tulad ng karagatan? Kabundukan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Anu-ano ang mga isyu o suliraning pambansa na nauukkol sa pinagkukunang yaman ng Pilipinas?

2.Paglalahad:

Suliranin:

Ang mag-anak ni Mang Luis ay nakatira sa malapit sa ilog. Marami sa mga kapit-bahay nila ay nagtatapon ng basura sa ilog. Minsan, umulan nang malakas at umpaw ang ilog. Makalipas ang ilang araw ang pagbaha ay nagkaroon ng epedemya ng sakit na pagtatae at pagsusuka sa kanilang lugar. Ang ilan ay namatay at ang iba naman ay naospital. Upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari ano ang maaring gawin nina Mang Luis at kanyang kabarangay.

3.Pagtatalakayan:

1.Ano ang nararapat mong gawin kung napapansin mo na marumi at nagkakaroon ng polusyon sa inyong pamayanan?

2.Ano ang gagawin mo kung may naglulunsad ng proyekto sa inyong lugar na may kaugnayan sa ikagaganda ng inyong pamayanan?

3.Bakit mahalaga na lumahok ka sa mga gawaing pansibika?

C.Paglalahat:

a.Ipaliliwanag ng guro ang kahalagahan ng paglahok sa mga gawaing pansibiko.

b.Itanong kung kaliangan pa bang suhulan ka o pilitin para lang lumahok sa ganitong Gawain at bakit?

D.Paglalapat:

Sa inyong barangay ay nangangailangan ng kabataang nangunguna para sa kampanya ng Clean ang Green. Alam mo sa iyong sariling kaya mong gampanan ito. Ano ang gagawin mo?

IV.Pagtataya:

Lagan ng (() kung nagawa at ekis kung hindi pa.

_____1.Nagtatanim ng puno sa likod bahay.

_____2.Nagsabi sa tatay o nanay na nakitang paggamit ng bawal na gamut ng kapatid o kaibigan?

_____3.Lumahok sa paglilinis tungkol sa nutrisyon?

V.Kasunduan:

Ipaliwanag sa mga magulang at kapatid ang kahalagahan ng kusang loob na paglahok sa mga gawaing pansibiko. Hikayatin ang gma kasambahay na makiisa sa ganitong mga gawain.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nagkukusang sumali/lumahok sa mga gawing pansibiko tulad ng gawaing pangnutrisyon.

II.Paksang Aralin

Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

Sang.:ELC 1.1.2 EKAWP VI pah. 7

Kagamitan:mga larawang nagpapakita ng ibat ibang gawaing pansibiko katulad ng gawaing pangnutrisyon.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano natin maiwasan ang ibat ibang uri ng polusyon?

Tulad ng polusyon sa tubig at hangin?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Bakit maraming batang malnutrisyon sa Pilipinas? Ano ang masasabi mo sa pangnutrisyong suliranin ng bansa?

2.Paglalahad:

Pag-aaral sa mga larawang ipakikita tungkol sa gawain ng samahang pansibikong pangnutrisyon.

3.Pagtatalakayan:

Ano ang mga gawaing ipinakikita ng bawat larawan?

Dapat ba tayong kusang sumali o lumahok sa mga gawaing pansibiko tulad ng gawaing pangnutrisyon? Bakit?

C.Paglalahat:

Bakit kailangang makiisa/makilahok ka sa mga gawaing pansibiko tulad ng pangnutrisyon?

D.Paglalapat:

Nagkasunod ang proyektong pangnutrisyon sa inyong pamayanan, ano ang dapat mong gawin?

IV.Pagtataya:

Isulat ang mga layunin ng gawaing pansibikong pangnutrisyon at ng mga gawaing ginagawa ng mga lumalahok dito.

V.Kasunduan:

Iguhit sa isang papel ang mga gawain ng samahang pansibikong pangnutrisyon.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nagkukusang sumali/lumahok sa mga gawaing pansibiko tulad ng No to Drugs

II.Paksang Aralin

Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 7

Kagamitan:larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Dapat ba tayong kusang sumali o lumahok sa mga gawaing pansibiko tulad ng gawaing pangnutrisyon? Bakit?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Bakit maraming kabataang nalululonng sa bawal na gamut? Ano ang masasabi mo sa mga suliraning nauukol sa droga sa bansa?

2.Paglalahad:

Isa ka sa sumali sa proyektong No to Drugs sa inyong pamayanan. May nabalitaan kang ilan s ainyong mga kaibigan ang gumagamit ng bawal na gamut. Ano ang dapat mong gawin?

3.Pagtatalakayan:

1.Paano ka makatutulong sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamut sa inyong pamayanan?

2.Anu-ano kaya ang maaaring mangyari sa atin kung tayo ay malululong sa ipinagbabawal na gamot?

C.Paglalahat:

Pagpapaliwanag ng guro sa kahalagahan ng pagsali sa pansibikong samahan tulad ng: No to Drugs

D.Paglalapat:

Sa inyong paaralan may KID-LISTO CLUB na naglulunsad ng gawaing makatutulong sa mga kabataan upang mailayo sa paggamit sa ipinagbabawal na gamot. Ano ang dapat mong gawin?

IV.Pagtataya:

Isulat ang mga layunin ng gawaing pansibikong No to Drugs at ang mga gawaing ginagawa ng mga lumalahok dito.

V.Kasunduan:

Sumulat ng isa o dalawang talata tungkol sa pagsali o pakikilahok ng mga kabataang katulad mo sa mga gawaing pansibiko sa inyong pamayanan. Tulad ng No to Drugs.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nagkukusang sumali/lumahok sa mga gawaing pansibiko gaya ng No to Child Abuse

II.Paksang Aralin

Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

Sang.:ELC 1.1.4 EKAWP VI pah. 7

Kagamitan:larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong upang masugpo ang ipinagbabawal na gamot?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

a.Pagpapakita ng mga larawan ng karapatan ng bawat batang Pilipino. Pag-usapan ang bawat karapatan.

b.Ano ang inyong masasabi kapag nakikita o naririnig ang Child Abuse?

2.Paglalahad:Pagppakita ng ibat ibang larawan tungkol sa gawaing pansibikong No to Child Abuse.

Paano tayo makatutulong upang masugpo ang mga pang-aabuso sa mga kabataan?

3.Pagtatalakayan:

1.Ano ang mga gawaing ipinakikita ng bawat larawan?

2.Dapat ba tayong kusang sumali o lumahok sa mga gawaing pansibiko ng gawaing No to Child Abuse? Bakit?

3.Anu-ano ang mga layunin ng gawaing pansibiko tulad ng No to Child Abuse?

C.Paglalahat:

Pagpapaliwanag ng guro sa kahalagahan ng pagsali sa gawaing pansibiko tulad ng No to Child Abuse.

D.Paglalapat:

Ang ating lipunan ay nahaharap sa suliranin ukol sa Child Abuse, bilang isang mag-aaral ano ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa paglutas ng suliraning ito?

IV.Pagtataya:

Isulat ang mga layunin ng gawaing pansibiko tulad ng Not to Child Abuse.

V.Kasunduan:

Gumawa ng poster ng mga kabataang tulad mo na ipinakikita ang mga gawaing pansibiko sa inyong pamayanan tulad ng: No to Child Abuse

End of july 2014

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nagkukusang tumulong sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa paggamit ng bagay o produkto sa paggamit ng mga bagay/podrukto na may masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran.

II.Paksang Aralin

Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

Sang.:ELC 1.2 EKAWP VI pah. 8

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang mga gawaing pansibiko na maaaring salihan o lahukan ng mga batang nasa inyong gulang?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Anu-ano ang mga bagay o produktong ginagamit ninyo sa inyong bahay?

2.Paglalahad:

Pagpapakita ng dula-dulaan tungkol sa isang lalaki na may kaunting sira sa ulo.

3.Pagtalakay:

a.Anong kakaibang kilos ang napansin ninyo sa tao?

b.Ano kaya ang dahilan kung bakit siya nagkaganon?

c.Kung ikaw ang taong iyon, ano ang iyong gagawin?

C.Paglalahat:

Ipaliliwanag ng guro ang kahalagahan ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa paggamit ng produkto na may masamang epekto sa kalusugan sa kapaligiran.

D.Paglalapat:

Nakita mo ang mga batang kalye na masayang masayang lumalanghap ng ragbi. Alam mo na masamang maidudulot nito sa kanilang kalusugan. Ano ang maaari mong gawin?

IV.Pagtataya:

Ang iyong ama ay isang magsasaka. Pupunta siya sa bukid upang magbomba ng gamot na pamatay kulisap. Ano ang sasabihin mo sa kanya bago siya umalis hinggil sa kanyang gagawin? Bakit?

V.Kasunduan:

Ibalita sa Nanay ang inyong napag-aralan. Pagtulungan ninyong sabihan nag tatay at kuya na masama sa katawan ang alak at paninigarilyo.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakatutulong na kusa sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa paggamit ng mga bagay/produkto na may masamng epekto sa katusugan at kapatigiran tuld no insecticides.

II.Paksang Aralin

Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

Sang.:ELC 1.2.1 EKAWP VI pah. 8

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Sabihin kung Tama o Mali

1. Magtaixm, ng basura sa ilog

2. Hulihin and mga maliliit na isda at ilog at karagatan

3. Tayuan ng bahay ang bahagi ng ilog.

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

a. Magpakita ng larawan ng isang babae na magpipisik ng gamot sa kanyang mga orchids.

b. Itanong kung paano mapanatiliing maganda nag mga halaman.

2.Paglalahad:

Ilahad ng kuwentong, "Ang Babae sa Hardin".

3.Pagtalakay:

Talakayin ang kuwento

1. Ano ang laging ginagawa ng babae sa hardin?

2. Bakit lagi niyang binobomba ang mga orchids?

3. Ano ang inilalagay niya sa pambomba?

C.Paglalahat:

Ano ang dapat na iwasan na nagbihigay ng masamang epekto sa ating kalusugan at kapaligiran?

D.Paglalapat:

Maraming sako ng palay sa bahay ni Mang David. Napansin nila na may nabutas na sako kaya nakakalat ng palay sa sahig. Inakala nila na ito ay gawa ng daga. Kaya si Mang David ay naglagay ng pain na kanin na may kasamang lason. Ano ang dapat na pag-iingat ang ating gawin?

IV.Pagtataya:

Sabihin kung Tama o Mali

______ 1. Ikalat ang mga gamot na pamatay daga sa bahay.

______ 2. Magbomba ng gamot sa palay nang may takip ang mukha.

______ 3. Mag-ingat sa paggamit ng mga gamot na makapipinsala sa kalusugan.

V.Kasunduan:

Sikaping ipaliwanag sa ibang samahan ang masamang epekto sa kalusugan ng mga produkto ng insecticides.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakalalahok nang masigasig sa mga kilusan/kompanya.

II.Paksang Aralin

Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

Sang.:ELC 1.3 EKAWP VI pah. 8

Kagamitan:Poster tungkol sa mga kilusan

Larawan ng mga bata na lumahok sa ibat ibang gawain

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1.Balik-Aral Ano ang dapat mong gawin kapag ikaw ay may alam na impormasyon tungkol sa paggamit ng mga bagay/produktong may masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran?

Anu-ano ang mga halimbawa ng bagay/produktong ito?

B.Panlinang na Gawain

1. PagganyakPapayagan ba ninyong ang kalusugan ninyo at ang kapaligiran ay mapinsala dahil sa mga bagay o produktong may masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran?

2. Pagtatahada. Magpakita sa mga bata ng mga larawan ng mga taong kabilang sa iba't-ibang samahan o kilusan.

b. Magkuwento tungkot dito.

3. Pagtalakaya. Anong mgag samahaan ang nilahukan ng mga bata?

b. Ano ang layunin nila sa paglahok sa nasabing kilusan?

c. Bilang kasapi ng isang kilusan, ano ang mga dapat mong gawin?

C.Paglalahat:

Ipaliwanag sa mga bata ang kahalagahan ng masigasig na paglahok sa mga kilusan.

D.Paglalapat:

Pagbigayin ang mga bata ng kahalagahan ng paglahok sa mga kilusan.

IV.Pagtataya:

May paligsahan sa pinakamalinis at pinakamaayos na barangay sa inyong bayan. Pinulong kayo ng kapitan ng barangay at ipinaliliwanag ang detalye tungkol sa paligsahan. Paano ka lalahok upang manalo ang iyong barangay?

V.Kasunduan:

Gumawa ng isang poster o slogan tungkol sa masigasig na paglahok na kilusan/kampanya. Ipakita sa Nanay/Tatay. Ipawasto at lagdaan.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakalalahok nang rnasigasig sa mga kilusan/kampanya ukol sa wastong paggamit ng mga produktong nakapipinsala o may masamang epekto sa tao.

II.Paksang Aralin:

Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

Sang.:ELC 1.3.1 EKAWP VI pah. 8

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Lagyan ng ( kung tama at( kung mali.

_____ 1. Gumamit ng mga nakapipinsalang produkto.

_____ 2. Magtakip ng ilong at bibig sa pagwiwisik ng gamot sa hayop.

_____ 3.Singhutin ang amoy ng winisik na gamot sa lamok.

B.Panlinang na Gawain

1. PagganyakNakadalo na ba kayo sa mga seminar ukol sa wastong paggamit ng mga produktong nakapipinsata sa tao?

2. Pagtatahada. Ilahad ang kuwento

Ang mga pinuno ng Barangay sa paaralan ay naglilibot sa mga silid-aralan upang magpaliwanag sa mga bata ukol sa wastong paggamit ng mga produktong nakapipinsata o may masamang epekto sa tao. Sinikap nila na ang lahat ng bata ay mapaliwanagan.

3. Pagtalakaya. Sino ang nagsagawa ng pagpapaliwanag sa mga bata?

b. Ano ang binigyan nila ng halaga sa kampanya?

C.Paglalahat:

Ano ang ipinakita nilang magandang pagtutong sa mga mag-aaral?

D.Paglalapat:

Marami sa mga punla ng palay ni Mang Kiko ay kinain ng mabait na daga. Ano kaya sa palagay ninyo ang gagawin ni Mang Kiko?

IV.Pagtataya:

Isulat kung tama o mali

_____ 1. Paglaruan ang mga gamot na nakapipinsala sa kalusugan.

_____ 2. Itago sa isang sikretong tugar ang mga gamot na pamatay sa hayop.

_____ 3. Makinig sa mga paliwanag ukol sa wastong paggamit ng mga insecticides.

_____ 4. Hipuin ng kamay ang lason sa daga.

_____ 5. Lagyan ng kemikal ang produkto upang mabili.

V.Kasunduan:

Sikaping isalin sa ibang too ang napakinggang paliwanag ukol sa wastong paggamit ng mga gamot tulad ng insecticiders.

2ndCHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nagbibigay ng mga tamang desisyon para sa kabutihan ng nakararami batay sa ginawang pagsusuri.

II.Paksang Aralin:

Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

Sang.:ELC 1.1 EKAWP VI pah. 9

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang mga kilusang ginagawa ng pamahalaan para sa kalinisan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Anu-ano ang maidudutot ng wastong desisyon sa paobibigay no posisyon o tungkulin ng isang tao?

2.Paglalahad ng Sitwasyon:Nagtatalo ang klase ni Bb. Lopez kung sino ang dapat magtanim ng mga halaman sa paligid ng paaralan at kung sino ang dapat maglinis. Sabi ng mga lalaki ay sila ang magtatanirn dahil gawaing panlalaki iyon at ang mga babae ang dapat maglinis dahil iyon ang gawaing pambabae.

Ayaw ng mga babae, gusto nila ay pare-pareho nilang gawin arg pagtatanim at paglilinis. Ipinatiwanag nila na ang bawat isa ay may tungkuling pagandahin at linisin ang kanilang paligid. Nakinig and mga lalaki at sama-samang nagtrabaho ang lahat.

3.Pagtalakay:

a. Bakit nagtatalo ang klase ni Bb. Lopez?

b. Ano ang dahilan ng mga lalaki sa kanilang pagtatalo?

c. Ano ang katwiran ng mga babae sa kanilang pagtatalo?

C.Paglalahat:

Maari tayong sumang-ayon sa pasiya ng nakararami kung itoy nakabubuti sa lahat.

D.Paglalapat:

Ano ang nararapat gawin upang ang tamang desisyon ay para sa kabutihan ng nakararami?

IV.Pagtataya:

1.Ano ang nararapat gawin upang makapagbigay ng tamang desisyon?

2.Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ng pagtatalo ng mga mag-aaral?

V.Kasunduan:

Sisikapin kong masuri muna nang mabuti ang anumang gawain bago magbigay ng mga desisyon.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Pagsusuri muna nang mabuti bago magbigay ng desisyon.

II.Paksang Aralin:

Karunungan tungo sa maunlad na buhay

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 9

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang dapat nating gawin upang maiwasan ang polusyon sa hangin at tubig?

B.Panlinang na Gawain

1. Pagganyaka. Sino sa inyo ang nakagawa ng tirador?

b. Bakit kayo gumawa nito?

c. Nasisiyahan ba kayong magtirador ng mga ibon?

2. Pag-aalis ng sagabal Insekto, buto, tirador

3. PagtatahadBasahin ang kwento "Ang Tirador" pah.62

4. Pagtalakay1. Ano ang gagawin ni Rodrigo sa mga sanga ng bayabas?

2. Ano ang sinabi ni Oscar sa kanya?

3. Nakinig ba si Rodrigo sa mga sinabi ni Qscar?

C.Paglalahat:

Ano ang dapat nating gawin bago gumawa ng desisyon?

D.Paglalapat:

Tayo ay makatututong sa magsasaka kung iiwasan natin ang pagpatay ng mga ibon. Alam natin na sila ay kumakain ng mga maliliit na insektong sumusira sa mga tanim at tumutulong na maikalat ang raga buto no mga tanim.

IV.Pagtataya:

Pitiin ang titik ng tamang sagot:

1. Nasalubong mo ang kaibigan mo na may dalang tirador. Sinabi niya na gagamitin niya ang tirador sa paghuli ng ibon. Ano ang gagawin mo?

a. Sasama ka sa kanya sa paghuhuli ng ibon.

b. Kunin ang kanyang tirador at itapon

c. Takutin siya na may malaking ahas sa mga kahoy.

d. Ipaliwanag sa kanya na ang mga ibon ay kaibigan ng tao.

2. Paano kayo makakatutong sa mga magsasaka?

a. Huwag patayin ang mga ibon.

b. Hulihin at paglaruan ang mga ito.

c. Pabayaang pinapatay no ibang hayop ang ihon.

d. Kunin ang mga itlog ng ibon.

V.Kasunduan:

Sisikapin kong masuri muna nang mabuti ang anumang gawain bago magbigay ng mga desisyon.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Sumasang-ayon sa pasiya ng nakararami kung ito'y nakabubuti.

II.Paksang Aralin:

Pasiya Para sa Nakararami

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI, GMRC To Children p. 111-112

Kagamitan:Larawan ng mga batang nagpupulong

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

1. Ano ang kahalagahan ng pagdedesisyon?

2. Nagingmodelo ka na ba sa isang mabuting desisyon? Ibahagi sa lahat.

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad:Pagbasa ng kwento "Ang Manok"

Naglatakad papunta sa paaralan sina Rey, Nilo at Marco. Napagkasunduan nilang maglaro sa parke bago magpunta sa paaralan. Nang makita ni Rey ang oras na sampung miuto na lamang bago mag bell para sa flag ceremony nagpasya na siya para pumunta sa paaralan. Hinikayat siya nina Nilo at Marco na huwag nang dumato sa flag ceremony.

Nagdesisyon si Rey na mag-isa at nanaig sa kanya na dumalo sa flag ceremony. Kaya't siya'y pinagtawan at pinangalanang manok, manok!!

3.Pagtalakay:

1. Anong ginawa nila Nilo, Marco at Rey bago pumunta sa paaralan?

2. Bakit nag-aalala si Rey sa kanilang ginagawa?

3. Kung ikaw si Rey, gagawin mo rin ba and ginawa niya?

C.Paglalahat:

Magbigay ng isang sitwasyon na kayo rin ang kailangang magdesisyon para sa inyong kabutihan at kabutihan ng lahat o nakararami.

IV.Pagtataya:

Ibigay ang katangian ng mga sumusunod ayon sa naging sitwasyon no kwento.

1. Rey -

2. Nilo -

3. Marco -

V.Kasunduan:

Gumawa ng isang dula-dulaan na naglalaman ng pagpapakita ng pagsang-ayon sa pasiya pang nakararami para sa ikabubuti.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakagagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon.

II.Paksang Aralin:

Pasiya Para sa Nakararami

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

Sang.:ELC 1.2 EKAWP VI, pp.10

Kagamitan:Larawan ng mga batang nagpupulong

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bakit kabutihan ng nakararami ang ating pahahalagahan sa pagbibgay ng desisyon?

B.Panlinang na Gawain

1. PagganyakSaan tayo dapat makakuha ng wastong impormasyon tungkol sa isang bagay?

2. Paglalahad ng GawainAng aralin sa klase ni Bb. Reyes ay tungkol sa mga uri ng pataba sa lupa. Pinagtatalunan nila kung alin sa mga pataba ang nababagay sa palay. Hindi sila makakagawa ng tamang desisyon. Tumayo si Elena at binasa ang tungkol sa mga pataba. Ayon sa aklat, ang pinakamabisang pataba sa patay ay 14-14-14. Sinabi rin sa aklat ang kagandahang dulot ng patabang ito. Matapos basahin ni Elena ang impormasyon, napagkasunduan ng marami na iyon ang gagamitin o pataba sa palay.

3. Pagtatakaya. Ano ang aralin sa klase ni Bb. Reyes?

b. Ano ang pinagtatalunan sa kanyang klase?

c. Sino ang tumayo upang magbigay ng wastong impormasyon?

d. Kung kayo si Elena, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?

IV.Pagtataya:

Ano ang nararapat nating gawin upang makagawa tayo ng tamang solusyon batay sa wastong impormasyon?

V.Kasunduan:

Sisikaping magkaroon ng paaralan sa pagbabasa ng mga aklat na kanaisnais para sa wastong impormasyon.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakagagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon.

II.Paksang Aralin:

Pasiya Para sa Nakararami

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

Sang.:ELC 1.2 EKAWP VI pah. 10

Kagamitan:laruang aso, sipi ng suliranin, larawan ng isang aso

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang maaring ilunsad o itatag laban sa paggawa ng mga bagay o produktong may masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Tungkutin ba nating tingnan ang kabutihan o kapakanan ng nakararami? Bakit?

2.Paglalahad:

Ipakita ang larawan ng isang aso, pag-usapan

Pagtanghalin ng isang piping patabas ang ilang mga piling mag-aaral. Sisikaping maihanda bago pa dumating ang araw ng palabas.

3.Pagtalakay:

1. Sino ang tunay na may-ari ng aso?

2. Paano ito tratuhin ni Tony?

3. Bakit ayaw isauli ni Toto ang aso kay Tony?

C.Paglalahat:

Ano ang kahalagahang ipinakikita ng ating ginawa?

IV.Pagtataya:

Lutasin ang mga suliranin. Ibigay ang mga naging batayan ng iyong solusyon.

a. Kapwa lumapit sa iyo na umiiyak ang dalawa mong pinsan na nag-aangkinan ng isang laruan. Alam mo na ito ay kay Ana na walang ingat sa kanyang gamit. At ngayon ay napulot ni Betty na masinop. Kanino mo ito ibibigay? Bakit? Ano ang iyong gagawin upang walang magdamdam na sino man?

b. Nagkagalit sina Pepe at Lito. Naunag maghamon ng away si Lito dahil sinabi ni Boy sa kanya na hindi kapani-paniwala ang matataas na marka ayon kay Lito. Nauwi sa malaking away ang lahat. Sino sa kanila ang may kasalanan? Bakit?

V.Kasunduan:

(Buuin mula sa mga mag-aaral)

1. Pag-aralan munang mabuti ang suliranin bago gumawa ng pasiya.

2. Alamin muna ano mga kanilang impormasyon bago gumawa ng solusyon.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga apektado sa paggawa ng pasiya.

II.Paksang Aralin:

Pasiya Para sa Nakararami

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 10

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang ginagawa ninyo para mapalinis ang lugar na tinitirhan ninyo?

B.Panlinang na Gawain

1. Pagganyaka. Anu-ano ba ang rnga sakit na kumakalat sa inyong Lugar?

b. Ano ang naging sanhi nito?

2. Pag-aalis ng sagabalPolusyon

3. PaglalahadPag-aralin natin ngayon ang mabuting gawain ng isang mamamayan upang maging malinis at maayos ang kanyang kapaligiran.

4. PagtatalakaySa pamamagitan ng kwento, alamin ang dalawang uri ng polusyon at ang epekto nito sa atin?

5. PaglalahatAng polusyon sa hangin at tubig ay maiiwasan kung iiwasan din ang pagtatapon ng basura at mga patay na hayop sa tubig o saan mang bakanteng lugar.

C.Pangwakas na Gawain:

1.Paglalapat

Pagtapon o paglagay ng mga dumi at mga patay na hayop sa butas o basurahan.

IV.Pagtataya:

Sagutin and mga sumusunod:

1. Anu-ano ang posibleng epekto no polusyon sa hangin at tubig?

2. Anu-ano ang kakalat na sakit kung marumi ang kapaligiran?

3. Ano ang mangyayari kung tinatambakan ang daanan no tubig ng mga basura?

V.Kasunduan:

(Buuin muta sa mga mag-aaral. )

1. Pag aralan munang mabuti ang suliranin bago gumawa ng pasiya.

2. Alamin rnuna ang mga kanilang impormasyon bago gumawa ng solusyon.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakapagbibigay ng wasto at angkop na pasiya.

II.Paksang Aralin:

Pasiya Para sa Nakararami

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 10

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang ginawa ni Elena upang makagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon.?

B.Panlinang na Gawain

1. PagganyakAno ang pakiramdam mo kapag ikaw ay naging makatwiran batay sa wastong impormasyon?

2. Paglatahad ng GawainSa klase ni Gng. Cruz, ang mga batang nasa ika-anim na baitang ay may pulong na ginaganap tungkol sa gagawing palabas na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ang unang pangkat ay nagmungkahi na sayaw ang gagawin nila, ng isang pangkat naman ay magdudula-dulan samantalan ang ibang pangkat ay nagpasyang tumul. Ngunit ang mga batng nasa ika-anim ay kailangang maghandog ng isang bilang tamang at ito ay isang dula-dulaan. Manwal ng Guro pah.72

3. Pagtatatakay1. Anong pagdiriwang ang pinaghandaan ng mga batang nag-aaral sa ika-anin na baitang?

2. Anu-anong palabas ang iminungkahi ng bawat pangkat?

3. Anong palabas ang pinaghandaan ng klase? Bakit?

C.Paglalahat:

Paano ipinakikita ni Efren aug kanyang pagiging pantay sa pagbibigay ng pasya?

D.Paglalapat:

Ipinagbilin ng guro na ilista niya ang mga maiingay sa klase. Nagkataon na ang namumuno sa pag-iingay ay best friend niya. Ano ang kanyang gagawin?

IV.Pagtataya:

Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Efren bilang pangulo ng klase?

V.Kasunduan:

Sumulat ng karanasan na ipinakikita mo ang pagiging pantay sa pagbibigay ng pasya.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naipapakita ang pagiging makatwiran at pantay sa pagtingin sa pagbibigay ng pasiya.

II.Paksang Aralin:

Pasiya Para sa Nakararami

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 10

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang mabuting dulot ng pagsasabi ng katotohanan sa iyong kapwa?

B.Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Ilahad ang isang kaisipan at ipaliwanag ito sa mga bata.

2. Paglalahad

Ilahad ang isang maikling kwento:

Magpasiya Ka!

Si Diana ay lider ng grupo ng mag-aaral sa HEKASI. Nalalaman niyang mayroong proyektong gagawin sa HEKASI subalit nasabay naman ito sa paggawa nila ng report sa SCIENCE Nais niyang maipasa ito sa takdang oras, ngunit di niya malaman kung ano ang uunahin. Nag-isip siya at pinag-aralan rnuna niya kung alin ang mahirap gawin at iyon ang kanila munang tatapusin. Nagpasiya siya at umayon naman ang grupo na unahin ang report sa SCIENCE dahil ito ay masalimuot gawin at pagkatapos saka nila gagawin ang proyekto sa HEKASI. Naipasa nila ito ng araw na ibinigay ng kanilana guro.

3. Pagtatalakay a. Ano ang dapat mong gawin bago magbigay ng pasya?

b. Dapat ba nating isipin ang kabutihang dulot nito bago magbigay ng pasiya?

c. Kung kayo si Diana, ganito rin ba ang gagawin ninyo? Bakit?

C.Paglalahat:

Paano mo maipapaklta ang pagiging makatwiran at pantay sa pagtingin sa pagbibigay ng pasiya?

IV.Pagtataya:

Ano ang dapat mong gawin kung:

a. Nagkagalit ang iyong kamag-aral dahil naiss ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang ibang mag-aaral sa kabilang pangkat

b. Maaari kang makagalitan ng iyong guro dahil sa pagkakaila mo sa nawawalang kagamitan sa H. E.

V.Kasunduan:

Maglahad ng sariling karanasan tungkol sa katatapos na aralin at isulat ito sa papel.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakapagsusuring sitwasyon bago magbigay ng pasya/konklusyon.

II.Paksang Aralin:

Pagtanggap ng Hamon

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 11

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano ipinakita ni Efren na pantay ang kanyang pagtingin sa pagbibigay ng pasya?

B.Panlinang na Gawain

1. PagganyakNaranasan nyo na bang malagay sa alanganin dahil sa kaibigan?

2. Paglalahad ng SitwusyonSi Romy ay nasa ika-anim na baitang. Isang hapon habang naglalakad siya pauwi ng bahay, may natanaw siyang isang grupo ng mga batang nagkakatawanan. Kabilang dito ang matalik niyang kaibigan na si Jose. Pagtapat niya sa pangkat nakita niyang may hawak na sigarilyo ang mga ito. Inialok siya ni Jose na tumitikim at binantaan pa siya na kapag hindi siya mapagbigyan, kalimutan na nito na magkaibigan sila. Sandaling nag-isip si Romy. Naalala niya ang itinuro ng kanilang guro tungkolsa sitwasyong ito. Umiling lang si Romy at tuluy-tuloy na umalis.

3. Pagtalakaya. Sinu-sino ang matalik na magkaibigan?

b. Sinu-sino ang natanaw ni Romy habang siya'y naglalakad?

c. Ano ang ginagawa ng mga ito?

C.Paglalahat:

Nakabubuting suriin muna ang sitwasyon bago magbigay ng pasya.

D.Paglalapat:

Ano ang nararapat mong gawin kung ikaw ay nasa alanganing sitwasyon?

IV.Pagtataya:

Isulat ang sagot sa papel.

1. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang gagawin mo?

2. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?

3. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na ipinagbabawal ng iyong magulang ang gawaing ito. Ano ang iyong gagawin?

V.Kasunduan:

Sisikaping suriin muna ang sitwasyon bago magbigay ng pasya.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Napag-aaralan ang gawain o pananagutan bago magbigay ng pasya/konklusyon.

II.Paksang Aralin:

Pagtanggap ng Hamon

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 11

Pilipinas: Ang Bayan Ko Ligaya Garcia ph. 156

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano mo maipapakita ang pagiging makatuwiran at pantay na pagtingin sa pagbibigay ng pasya?

B.Panlinang na Gawain

1. Pagganyak Ano ang dapat mong gawin bago magbigay ng pasya?

2. Paglalahad Ang Prinsipeng Mambabatas

"Dapat ilapat sa lahat ang kaparusahan maging siyay pinakamayaman o pinaka-makapangyarihan sa kaharian. Mataas ang batas kaysa tao." Iyan ang sinabi ng prinsipe ng Aklan ng igawad niya ang parusa ng korte ng tribu sa nagkasalang anak ng matalik niyang kaibigan sa Hagibin..M.G. pah. 79

3. Pagtalakaya. Ilarawan si Kalantiaw.

b. Paano niya pinatunayan ang kahulugan ng sinabi niya sa unahan?

c. Paano niya binigay ang pasya niya sa anak ng matalik niyang kaibigan na si Hagibin?

d. Naging makatuwiran ba ang kanyang pasya?

C.Paglalahat:

Ano ang mabuting epekto sa pagtitimbang ng kakayahan sa Gawain bago magbigay ng pasya/konklusyon?

IV.Pagtataya:

Isulat kung Tama o Mali

1. Malapit mong kaibigan si Lucas, ngunit higit na may kakayahan Si Andres, nagpasiya ka na si Andres ang gawing assistant lider sa inyong grupo.

2. Nagpasiya si Jocelyn kahit hindi magiging maganda ang kalalabasan nito.

V.Kasunduan:

Ano ang kahalagahan ng pagtitimbang ng kakayahan bago magbigay ng pasya o konklusyon?

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Natitimbang ang kakayahan sa gawain bago magbigay ng pasya/konklusiyon.

II.Paksang Aralin:

Pagtanggap ng Hamon

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 11, Likas na Pilipino Lagrimas A. Vangurdin ph. 89

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Dapat ba na pag-aralan muna ang gawain o pananagutan bago magbigay ng pasya o konklusyon.

B.Panlinang na Gawain

1. PagganyakAnu-ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang bago magbigay ng pasya o konkkusyon?

2. Paglalahad lbahagi ang maikling kwento.Wastong Desisyon sa Pagboto

Ang pamunuan ng lahat ng bata sa ika-limang baitang ay maghobotohan upang piliin ang tunay na lider ng pangkat. Abalang-abala ang mga bata sa paglalagay ng huwarang balota sa kani-kaniyang pangkat. Ang bakuran ng paaralan ay marami nang nakapaskil na listahan ng mga kandidato.

3. Pagtalakaya. Ano ang sinabi ni Susan tungkol sa matalinong pagboto?

b. Kung ikaw ay boboto, sino ang ihahalal mo? Bakit?

c. Kandidato ang kaibigan mo sa pagkapangulo. Alam rnong hindi niya kaya ang tungkulin. Iboboto mo ba siya? Bakit?

C.Paglalahat:

Ano ang mabuting epekto sa pagtitimbang ng kakayahan sa gawain bago magbigay ng pasya/ konklusyon?

D.Paglalapat:

Napili ka ng inyong guro na sumali sa paligsahan ng pagsulat ng sanaysay. Ngunit alam mong mayroon kang kamag-aral na may higit na kakayahan upang sumali dito. Tatanggapin mo ba ang pananagutang ito a hindi? Bakit?

IV.Pagtataya:

Isulat kung tama o mall ang gawain.

_____ 1. Sinusuri ni Elsa ang mga sitwasyon bago magbigay ng pasya.

_____ 2. Pinsan mo si Mariel, kaya't siya ang ibinoto mo kahit hindi siya karapat-dapat.

_____ 3. Napagdesisyunan ng guro mo na si Ana ang gawing lider dahil sa kanyang kakayahan.

V.Kasunduan:

Ano ang kahalagahan ng pagtitimbang ng kakayahan bago magbigay ng pasya o konklusyon?

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naisasagawa ang mga gawain nang maluwag sa loob.

II.Paksang Aralin:

Pagtanggap ng Hamon

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

Sang.:ELC 1.1.1 EKAWP VI pah. 11

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bakit mahalaga ang pagtupad sa pangako?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyaka. Anu-ano ang mg proyekto na nakatutulong sa pagpapa-unlad sa ating pamayanan?

b. Pagpapakita ng mga larawan ng mga bata na gumagawa sa pamayanan.

2.Paglalahad ng GawainMalapit na ang kapistahan sa Barangay Masaya. Naglunsad ng proyektong "Clean and Green ang punong Barangay. Bilang kasapi ng barangay, ano ang gagawin mo?

a. Pangkatin ang mga bata.

b. Pagbabalangkas

1. Pagbibigay ng mga tuntunin para sa gawain.

2. Pagbuo ng kaisipan.

c. Pakitang-gawa

1. Pag-uulat ng bawat pangkat.

3. Pagtalakay1. Anong proyekto ang inilunsad ng punong barangay?

2. Anu-anong kaisipan ang nabuo ng bawat pangkat?

4. Paglalapata. Sa inyong barangay, mayroon bang proyektong inilunsad ang inyong punong barangay tulad nito?

b. Kayo ba ay nakikilahok sa ganitong proyeko?

c. Anu-ano ang proyekto sa inyong barangay?

IV.Pagtataya:

Paggamit ng tseklis.

V.Kasunduan:

Mula ngayon sisikapin kong maisagawa ang mga gawain nang maluwag sa loob.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nasisimulan at natatapos ang gawain sa takdang panahonII.Paksang Aralin:

Pagtanggap ng Hamon

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

Sang.:ELC p. 12 Likas na Pilipino Lagrimas Vanguardia pah. 135.

Kagamitan:Larawan, aklat

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang mga dapat gawin kung umalis ang nanay at naiwan ang mga gawaing bahay?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga sumusunod:

Walang imposible kung gagawin mo ang iyong makakaya.

Nasa Diyos ang awa nasa tayo ang gawa

2.Paglalahad

1. Ilahad ang maikling kwento.

Tapos na Po

Araw-araw ay napakaraming takdang aralin na ibinibigay ng guro. "Nagawa mo na ba ang mga takdang aralin mo, Nene?" ang tawag ng nanay.

Nagawa ko na pa ang ibang takda. May Ilan pa pang hindi ko nagagawa, ang sagot ni Nene.

"Halika Tito, at ako na tang ang gagawa", ang alok ng ina.

"Huwag na po, Inay. Kaya ko na pong gawin ito. Heto nga po at malapit nang matapos". Ang sagot ni Nene.

3. Pagtalakay

a. Anong uri ng bata si Nene?

b. Bakit ayaw niyang ibigay sa nanay niya ang iba niyang takdang aralin?

c. Nahirapan ba siya sa kanyang takda?

d. Dapat bang tularan si Nene sa kanyang ugali sa paggawa ng takda?

C.Paglalahat:

Dapat ba nating tapusin ang mga gawain sa takdang panahon?

D.Paglalapat:

Inatasan ka ng iyong guro na gumawa ng limang slogan tungkol sa pagmamahal sa kalikasan. Sa loob ng dalawang araw. Dumating ang takdang araw ng pagpapasa ngunit tatlo pa lamang ang iyong nagagawa. Ano ang iyong gagawin?

IV.Pagtataya:

Panuto: Lagyan ng tsek ang mga (() ang mga palatandaang ginagawa mo at ekis (x) ang hindi mo pa ginagawa.

12345

1.Gumagawa akong mag-isa at di-umaasa sa tulong ng iba.

2.Gumagawa ako ng sariling gawain.

3.Humihingi ng tulong kung kinakailangan lamang.

4.Umiisip at gumagawa ng lahat ng paraan sa abot ng aking makakaya.

5. Natatapos ang mga itinakdang gawain sa tamang oras.

5 pinakamataas

1 - pinakamababa

V.Kasunduan:

Ano ang dapat mong gawin sa mga takdang-gawain na inatas sa iyo ng guro?

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nagkukusang tumulong sa kapwa kung kinakailangan

II.Paksang Aralin:

Pagtanggap ng Hamon

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

Sang.:ELC 1.2.2 EKAWP VI pah. 12, Ang Tunay na Pilipino ph. 51 Guerero, Castao

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Dapat ba tayong mamili ng mga taong tutulungan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Ipakita ang larawan ng batang si Joel na tumutulong sa kanyang kapwa.

2.Paglalahad:Ilahad ang kwentong "si Joel"

Si Joel

Si Joel ay pinakamaasahang miyembro ng pamilya. Ito ang dahilan kung bakit gustong-gustong siya ng kanyang mga kapatid, magulang at iba pang tao. Kahit hindi sinasabihan, lagi siyang naglilinis ng bahay, nagkukumpuni ng mga nasisirang kagamitan, nagdidilig ng halaman, at marami pang ibang gawain. Kapag wala ang kanyang mga magulang siya ang nag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Sa paaralan, ginagawa niya ang kanyang mga aralin nang hindi humihingi ng tulong sa iba. Tinutulungan din niya ang mga kakiase niyang nahihirapan sa kanilang aralin. Alarn ng kanyang mga kaklase na maasahan siya kapag kailangan nila ang kanyang tulong.

3.Pagtalakay:

a.Sino si Joel?

b. Anu-ano ang mga katangian niya?

c. Gaano karami ang mga kaibigan mong katulad niyang matulungin?

C.Paglalahat:

Paano mo maipapakita ang kusang loob na pagtulong mo sa iyong kapwa?

D.Paglalapat:

Ang iyong kamag-aral na may kapansanan ay nakita mong nahihirapan sa pagdadala ng kanyang mga gamit para sa inyong proyekto sa EPP. Ano ang iyong gagawin?

IV.Pagtataya:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod:

1. Nakita mong naglilinis ng daan ang inyong mga kamag-aral. Ano ang dapat mong gawin?

a. Magtago upang hindi kayo magkita

c. Tutulong sa paglilinis.

b. Titingnan mo lamang sila

2. Alin ang sumusunod na kalagayan ang hindi tama?

a. Ang pulls ang dapt maglinis ng daan

b. Magtulungan ang lahat sa paglilinis ng daan.

c. Ang mga bata ay dapat magtulungan sa paglilinis ng daan.

V.Kasunduan:

Sumulat ng isang talata tungkol sa karanasan na nag-uugnay sa kaugaliang pagkamatulungin.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nagagamit ang kakayahan nang lubusan

II.Paksang Aralin:

Pagtanggap ng Hamon

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

Sang.:ELC 1.3 EKAWP VI pah. 12

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bakit kailangan natin awin ang isang gawain na maluwag sa ating kalooban?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

a. Anu-ano ang kabutihang dulot ng pagkakaroon ng maraming kakayahan?

b. Paano gagamitin ang mga magagandang kakayahan natin?

2.Paglalahad:

Si Jeffrey ay isang boy scout na napiling lumahok sa Boy Scout. Palagi silang nagsasnaay sa ibat-ibang Gawain at nakilala ng kanilang Scout Master ang kanyang mga kakayahan bilang isang boy scout. Dahil dito palagi siyang pinaalalahanan na pagbutihin ang kanilang distrito. Pinapangako rin niyang sisikaping makauwi ng ganitong medalya. Nang dumating ang araw ng Jamboree, tuwang-tuwa ang kanilang pangkat sapagkat marami silang dalang panalo dahil kay Jeffrey.

3.Pagtalakay:

a. Saan lumahok si Jeffrey?

b. Paano nakamit ng pangkat nina Jeffrey ang maraming

c. Anong katangian ang ipinakita ni Jeffrey?

C.Paglalahat:

Paano natin maipapakita na ginagamit natin ang ating kakayahan ng lubusan?

D.Paglalapat:

Ano ang dapat mong gawin sa kakayahan, talino at galing na ibinigay sa iyo ng Poong Maykapal?

IV.Pagtataya:

Lagyan ng tsek kung kailan mo ginagawa ang mga sumusunod.

MGA GAWAINPALAGINGPAMINSAN-

MINSANHINDI GINAGAWA

1. Umaasa sa iba sa paggawa ng takdang aralin.

2. Patuloy na pagpapayarnan ng sariling talino.

3. Pagtupad sa gawain sa abot nang makakaya.

V.Kasunduan:

Mula ngayon sisikapin kong mapaunlad at magamit ang aking kakayahan nang lubusan.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Natatanggap ang mga gawain bilang lider ng pangkat.

II.Paksang Aralin:

Pagtanggap ng Hamon

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

Sang.:ELC 1.4.1 EKAWP VI pah. 12

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano ginamit ni Jeffrey and kanyang kakayahan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Kung ikaw ang pipiliin na lider ng iyong pangkat, tatanggapin mo ba?

2.Paglalahad ng sitwasyon:Nagkaroon ng paligsahan sa asignaturang English. Halos ang lahat ng bata ay gustong lumahok ngunit isa lang ang pinili ng English adviser. Si Mely ang siyang piniling lider ng pangkat. Bilang lider, sinikap niyang mapaunlad ang kanyang samahan. Palagi silang nagsasanay upang maging matagumpay ang samahan nila sa Dramatic Guild. Nang dumating ang araw ng paligsahan, nagwagi sila Mely. Ito ay nagpapatunay lamang kung gaano kasigasig ni Mely bilang lider ng pangkat.

3.Pagtalakay:

a. Sinong pinili na lider ng pangkat?

b. Ano ang ginawa ni Mely bilang lider ng kanilang samahan?

c. Nagtagumpay ba si Mely bilang lider ng pangkat?

C.Paglalahat:

Kung kayo si Mely, tatanggapin mo ba ang tungkulin bilang lider? Bakit?

D.Paglalapat:

Paano mo gagampanan ang tungkulin bilang lider?

IV.Pagtataya:

Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ni Melysa kanyang mga kasamahan?

V.Kasunduan:

Mula ngayon tatanggapin ko ang anumang tungkulin iaatas sa akin.CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakatutupad sa mga pangako/pinagkasunduan/komitment/usapan.

II.Paksang Aralin:

Pagtanggap ng Hamon

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Katapatan

Sang.:ELC 1.1.EKAWP VI pah. 3

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bakit kailangan suriin ang sitwasyon bago magbigay ng pasya o konklusyon?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Kayo ba ay mahilig gumawa ng pangako sa iyong kaibigan?

2.Paglalahad ng sitwasyon:Si Aling Juana ay isang biyuda. Ang ikinabubuhay niya ay ang paglalabada. Dahil sa kanyang kalagayan, napipilitan siang manghiram ng pera sa kanilang kapitbahay upang sila'y makaraos. Ngunit sinisikap niyang mabayaran Ito ayon sa kanilang pinag-usapan upang siya ay mapagkatiwalaan ng kanyang kapwa.

3.Pagtalakay:

a. Ano ang ginagawa ni Aling Juana kapag siya'y kinakapos sa panggastos.

b. Tinutupad ba niya ang kanyang pangako ayon sa kasunduan?

c. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ni Aling Juana?

C.Paglalahat:

Dapat bang pagkatiwalaan ang mga taong katulad ni Aling Juana? Bakst?

IV.Pagtataya:

Lagyan ng tsek kung iyong ginagawa ekis kung hindi.

MGA TANONGGINAGAWAHINDI GINAGAWA

1. Dumarating sa tamang oras ng usapan

2. Nagbabayad ng utang ayon sa takdang panahon na pinagkasunduan.

3. Nanghihingi ng paumanhin kung hindi nakatutupad sa pangako.

4. Pinagsisikapang panindigan ang pangako sa kapwa.

5. Madalas gumawa ng pangako sa kapwa.

V.Kasunduan:

Mula ngayon siskapin kong matupad ang aking pangako/komitment/pinagkasunduan/usapan.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakapagbabayad ng utang ayon sa kasunduan.

II.Paksang Aralin:

Pagtanggap ng Hamon

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Katapatan

Sang.:ELC 1.1.EKAWP VI pah. 3

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Pagtatalakay ng kasunduan ng nakaraang araw.

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Anu-anong bagay ang madalas mong hiramin sa inyong mga kamag-aral? Tingnan kung ano ang mangyayari sa hindi pagsasauli ng mga bagay na hiniram.

2.Paglalahad:Ang Karapatan ni Lila

Sina Gina at Liza ay magpinsan, sila ay matalik din na magkaibigan isang araw kailangang bumili ni Liza ng kagamitan para sa kanyang proyekto, kaya nakiusap siya kay Gina na pahiramin siya ng pera at sa kanilang pag-uwi ay ibabalik niya kaagad. Nakalipas ang dalawang araw, hindi pa niya naisasauli sapagkat pinakiusapan siya ng kanyang nanay na hiramin ang pera sa kadahilanang maysakit ang kanyang nakababatang kapatid..pah. 96

3.Pagtalakay:

a. Kanino humiram ng pera si Liza?

b. Anong dahilan ni Liza nang hindi niya pagsauli kaagad ng perang hiniram niya ayon sa kanilang kasunduan.

c. Anong ginawa ni Liza ng hindi niya maibalik sa takdang oras ang hiniram niya?

C.Pangwakas na Gawain:

a.Paglalapat:

Humiram ka ng pera sa iyong kaibigan at nangakong babayaran pagkalipas ng dalawang araw. Ano ang iyong gagawin?

IV.Pagtataya:

Basahin ang bawat pangyayari at piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang masasabi mo sa isang taong nagsasauli agad ng anumang bagay na kanyang hiniram?

a. Siya ay matapat

c. Siya ay masunurin

b. Siya ay matulungin

d. Siya ay matapang

2. Bakit kailangang tuparin ang isang pangako?

a. Upang makatanggap ng gantimpala sa taong pinangakuan

b. Upang mapanatili ang pagtitiwala ng isang tao.

c. Upang mapuri

d. Upang hindi madali ang taong kausap mo.

V.Kasunduan:

A. Pangako:

Sisikapin kong makabayad ng utang ayon sa kasunduan

B. Pagsubaybay

Maghanda sa pagkukuwento ng karanasang nangyari sa iyo tungkol sa bagay na hiniram at naisauli kaagad.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Napanindigan ang sariling komitment

II.Paksang Aralin:

Pagpapahalaga sa Pangako (Palabra de Honor)

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Katapatan

Sang.:ELC 1.1.1, EKAWP VI pah. 13

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Ano ang naging dahilan sa hindi kaagad pagbabayad ni Liza ng kanyang utang kay Gina?

Naibalik ba niya ang utang sa pangalawang pagkakataon na kanyang ipinangako?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Naranasan mo na bang maging lider ng isang samahan? Naging tapat ka ba sa iyong tungkulin?

2.Paglalahad:Isang umaga, nakita ni Carlo at Nerry and kanyang nanay na tila may iniisip, kaagad tinanong ng magkapatid ang kanilang nanay.

Carlo at Nerry: Nanay, ano po ba ang iniisip ninyo?

Nanay: Mga anak, pinag-iisipan ko kasi kung paano ako makakaalis bukas, walang mag-aalaga sa bunso ninyong kapatid.

Nerry: Saan po ba kayo pupunta?

Nanay: Magkakaroon kasi ng pagpupulong sa Barangay Hall

C.Pangwakas na Gawain:

1.Paglalahat:

Bilang isang pinuno ng samahan, paano mo mapapahalagahan ang iyong tungkulin?

IV.Pagtataya:

Lagyan ng tsek (() ang kahon kung tama ang isinasaad ng pangungusap.

(1.Tuparin ang anumang tungkulin iniatang sa iyo.

(2.Pagdating ng naayon sa takdang lugar o oras ng usapan.

(3.Pagpapahalaga sa bawat taong kausap maging nakababata o nakatatanda man.

V.Kasunduan:

Sumulat ng mga paraan na nagpapakita ng paninindigan sa sariling komitment.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakatutupad/Dumarating sa pinagkasunduang oras/lugar

II.Paksang Aralin:

Pagpapahalaga sa Pangako (Palabra de Honor)

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Katapatan

Sang.:ELC 1.1.EKAWP VI pah. 3

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bilang isang.pangulo ng klase, ano ang iyong gagawin sa oras na hindi nakarating ang guro dahil sa kanyang karamdaman?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Ano ang nararamdaman mo kung hindi dumating sa tamang oras ang taong kausap mo?

2.Paglalahad:"Ang Oras ay Ginto"

Maagang gumising Si Veronica, naglinis, nagluto at maayos na maayos na ang bahay nila bago siya umalis. Gabi pa lang ay inihanda niya ang kanyang mga kakailanganin upang makatupad siya sa takdang-oras ng pagkikita nila ng kanyang kaibigang Si Lenie

Nakarating siya ng maaga pa sa takdang-oras, at sa silid-akiatan ay nagkita silang magkaibigan.

3.Pagtalakay:

a. Anu-ano ang ginawang paghahanda ni Veronica bago siya umalis?

b. Paano nakarating ng maaga si Veronica?

c. Natagpuan ba niya si Lennie sa silid-aklatan?

d. Bakit gumising ng maaga si Veronica?

4.Paglalahat:

Anu-ano ang mabuting gawain upang makatupad ka sa pinagkasunduang oras.

C.Pangwakas na Gawain:

1.Paglalapat:Inimbita ka .ng iyong kaibigan na sa kanila kumain .ng hapunan, ano ang iyong gagawin upang makarating ka sa tamang oras?

IV.Pagtataya:

Basahin ang bawat pangyayari at piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang masasabi mo sa isang taong tumutupad sa pinagkasunduang oras?

a. Pabaya

b. May pagpapahalaga sa pangako

c. matulungin

2. Kausap mo ang iyong kapatid na magkikita kayo ng 7:30 ng umaga sa harap ng simbahan, ano ang gagawin mo?

a. Paghihintayin siya ng matagal

b. Hindi ka darating

c. Dadating ka sa takdang-oras ng usapan

V.Kasunduan:

Pangako: Sisikaping kong makatupad sa oras at lugar na pinagkasunduan ng aming samahan.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Nakatutupad sa pangakong napagkasunduan ng samahan.

II.Paksang Aralin:

Pagpapahalaga sa Pangako (Palabra de Honor)

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Katapatan

Sang.:ELC 1.2, EKAWP VI pah. 14

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano tuinupad si Veronica na makarating sa takdang-oras?

Mahalaga ba na tuparin ang iyong ipmangako?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Anu-anong mga gawain an iniatang sa inyo ng inyong magulang?

2.Paglalahad:Isang grupo nang mag-aaral ng naatasang magbigay ng maikling palatuntunan. Pagkatapos ng klase ay nagkaroon ng pagsasanay ang pangkat nila Jenny, pinangunahan niya ito at napagkasunduan ng grupo na walang liliban sa oras ng pagsasanay upang madaling mabuo ang palatuntunan?

Si Jenny ay kasama sa pangkat na magbibigay ng isang sayaw. Dalawang beses ng nagsasanay ang grupo, subalit hindi nakasipot si Jenny sa ikatlong araw ng pagsasanay, tanging siya lamang ang hindi makasunod, dahil sa kanya ay nagtagal ang oras nila sa pagpapraktis. Hiyang-hiya si Jenny sa pangyayari kaya't kinabukasan ay tinupad niya na makarating sa praktis upang matutunan niya ang buong husay ang sayaw.

3.Pagtalakay:

a. Ano ang napagkasunduan ng grupo ni Jenny?

b. Ano ang nangyari nang hindi makarating si Jenny sa praktis?

c. Ano ang ginawa ni Jenny upang matutunan ang sayaw?

4.Paglalahat:

Anu-ano ang mabuting gawain upang makatupad ka sa pinagkasunduang oras.

C.Pangwakas na Gawain:

1.Paglalapat:Inimbita ka ng iyong kaibigan na sa kanila kumain ng hapunan, ano ang iyong gagawin upang makarating ka sa tamang oras?

IV.Pagtataya:

Basahin ang bawat pangyayari at piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang masasabi mo sa isang taong tumutupad sa pinagkasunduang oras?

a. Pabaya

b. May pagpapahalaga sa pangako

c. matulungin

2. Kausap mo ang iyong kapatid na magkikita kayo ng 7:30 ng umaga sa harap ng simbahan, ano ang gagawin mo?

a. Paghihintayin siya ng matagal

b. Hindi ka darating

c. Dadating ka sa takdang-oras ng usapan

V.Kasunduan:

Pangako: Sisikaping kong makatupad sa oras at lugar na pinagkasunduan ng aming samahan.

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. Layunin:

Naipapamalas ang pagpaparaya sa kapwa.

II.Paksang Aralin:

Pagpaparaya/Pagkakait sa Sarili

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Disiplina

Sang.:ELC 1.1.EKAWP VI pah. 15

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Josefina sa pagtupad sa kasunduan ayon sa sariling kakayahan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagganyak:

Bakit natin dapat tulungan ang mga matatanda lalo na sa pagsakay sa mga sasakyan?

2.Pagbibigay ng Sitwasyon:Isang pangkat ng mga mag-aaral ang dali-daling sumakay sa bus dahil nagsisikstkan ang mga pasahero. Lahat sila ay nakahanap na agad ng uspuan habarg sila ay naytatawanan, isang matandang babae ang sumakay. Punungpuno ang bus kaya nakatayo ang matanda. Tumayo si Michael at ibiniyay ang upuan sa matanda.

3.Pagtalakay:

a. Ano ang ginawa ni Michael ng Makita ang matandang babae?

b. Kung kayo si Michael gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

C.Paglalahat:

Tama ba ang magparaya tayo sa higit na nangangailangan? Bakit?

D.Paglalapat:

Tingnan ninyo ang dalawang larawan sa pisara, alin ang tamang ginawa ng bata? Bakit?

IV.Pagtataya:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Oras ng rises, nakita mo ang iyong kamag-aral na walang baong pera o pagkain. Ikaw ay pinabaunan ng dalawang tinapay ng iyong Ina. Ano ang gagawin mo?

a. Ibibigay ang isa sa kamag-aral.

b. Kakainin ang dalawang tinapay upang mabusog ka.

c. Sabihin sa guro na walang baon ang isa mong kamag-aral.

2. Umiiyak ang bunso mong kapatid dahil gusto niyang gamitin a