editoryal pagpatalsik kay aquino ang tanging katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang...

24
REBOLUSYONARYONG PANGMASANG PAHAYAGAN NG BIKOL ------------------- Taon XXXIX Blg.1 Enero - Marso 2015 Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol sundan sa pahina 2 www.silyab.blogspot.com EDIT OR Y AL A ng “Tuwid na Landas”, “Walang korap, walang mahirap” at “Kayo ang Boss Ko” kalakip ang “Oplan Bayanihan” - ang pinabangong panlilinlang at pandarahas ng rehimeng US-Aquino - ay nagdulot lamang ng higit na paglala ng kahirapan at kalupitan sa mamamayan. Katotohanan at katarungan ang makatuwirang sigaw ng mamamayan upang singilin ang nakabalatkayong demokrata at inutil na kinatawan ng naghaharing-uri sa bansa na si Benigno Simeon Aquino, Jr. Sa rehimen ni Aquino naganap ang pinakamasahol na katiwalian at korupsyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga pakanang “DAP-PDAF”, maniobra sa mga pondong Malampaya at PCSO, malakihang koleksyon sa higit na talamak na ismagling, garapalang pagpabor sa mga kamag-anak, kaibigan at tagasuporta ng mga proyektong gobyerno at pagpabor sa mga malalaking dayuhan at lokal na kapital upang Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa Kataksilan nito sa Bayan at Mamamayan

Upload: others

Post on 22-Jul-2020

27 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

REBOLUSYONARYONGPANGMASANGPAHAYAGANNG BIKOL

-------------------Taon XXXIX Blg.1

Enero - Marso 2015

Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

sundan sa pahina 2

www.silyab.blogspot.com

EDITORYAL

Ang “Tuwid na Landas”, “Walang korap, walang mahirap” at “Kayo ang Boss Ko”kalakip ang “Oplan Bayanihan” - ang pinabangong panlilinlang at pandarahas ng rehimeng US-Aquino - ay nagdulot lamang ng higit na paglala ng kahirapan at

kalupitan sa mamamayan. Katotohanan at katarungan ang makatuwirang sigaw ngmamamayan upang singilin ang nakabalatkayong demokrata at inutil na kinatawan ngnaghaharing-uri sa bansa na si Benigno Simeon Aquino, Jr.

Sa rehimen ni Aquino naganap ang pinakamasahol na katiwalian at korupsyon sapamahalaan sa pamamagitan ng mga pakanang “DAP-PDAF”, maniobra sa mga pondongMalampaya at PCSO, malakihang koleksyon sa higit na talamak na ismagling, garapalangpagpabor sa mga kamag-anak, kaibigan at tagasuporta ng mga proyektong gobyerno atpagpabor sa mga malalaking dayuhan at lokal na kapital upang

Pagpatalsik kay Aquino angTanging Katarungan sa Kataksilannito sa Bayan at Mamamayan

Page 2: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

2 Enero-Marso 2015 * SILYAB

NilalamanEnero-Marso 2015

p. 1

p. 4

p. 9

p. 13

p. 17

p. 19

p. 21

p. 23

p. 23

p. 24

sundan sa pahina 3

EDITORYAL:Pagpatalsik kayAquino ang TangingKatarungan saKataksilan nito saBayan atMamamayan

Ang Mga KomitengSub-Seksyon:Mahuhusay naPangkat sa GawaingMasa

Ang Yunit Milisya:Bukal ng Lakas ngBagong HukbongBayan

Ang Umiigting naLaban ng mgaMagniniyog saPagbawi sa CocoLevy Funds

Ang Pagsasamantalasa ManggagawangBikolano

KADENABICOLANDIA, Kapit-bisig ng mgaBikolano Laban saRehimeng US-Aquino

SILYABALITA

Pag-aresto kayReynaldo Hugo,Kinundena ng NDF-Bicol

Ang Kusog:RebolusyonaryongPahayagan ngMasbate

Liham ni Gat AndresBonifacio kay Oryang

EDITORYALmagkamal ng dambuhalang tubo sa mga produktong langis,tubig, kuryente at mga mineral na yaman. Hindi na lamangbilyones kundi trilyones ang halagang kinakamal ng paksyongAquino mula sa mga imbweltong maniobra at transaksyon sapanunungkulan nito.

Sa rehimen ni Aquino namalas ang kawalang malasakit nitosa mamamayang Pilipino na siyang “Boss Ko”. Sa mga milyongbiktima ng “Yolanda”, “Pablo”, “Glenda” at iba pang bagyo atbaha, lindol sa Bohol at Cebu, kontra-atake sa ZamboangaCity, pagsakripisyo sa “SAF 44” upang iligtas ang mga tropangKano, pagpaslang sa mga mamamahayag, pagpabaya kay “MaryJane Veloso” at iba pang overseas contract workers, mahal nakuryente at tubig, taunang pagtaas ng bayaring matrikula attuition at higit sa lahat ang pagpanatili ng mababang sahod atsweldo, kawalan ng trabaho, kawalang interes sa tunay nareporma sa lupa at pambansang industrialisasyon.

Sa rehimen ni Aquino buong kayabangangipinangangalandakang pinakamalakas ang pagsulong ngekonomya samantalang ang mga dayuhang puhunang

“portfolio” sa pamilihang pampinansya, real-estates, bangko, pagmimina, power

generation at malalaking kompanya angsiyang nagpalobo ng pampinansyangkasiglahan diumano at anumang orasna ilabas ito ng mga imperyalistamatapos gumanansya ay biglanglulugso ang mas sumasahol na krisissa ekonomiya. Higit na mas malaki naang mga puhunang “portfolio” kaysaipinapasok na kitang dolyar ng mgamigrante na siyang kapwa itinuturingna paglago ng ekonomya. Nanatilingbansot ang lokal na industriya atagrikultura at mas nangingibabaw angpag-angkat ng mga kalakal maging sa

mga produktong pagkain habang patuloy ang paghakot ngdambuhalang kita at hilaw na materyales kabilang ang yamangmineral ang mga dayuhang kapital.

Ang lahat ng rehimen sa ilalim ng imperyalismong US mulasa Komonwealth ni Quezon hanggangwww.silyab.blogspot.com

Page 3: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 3

sa mga papet na republika ni Roxashanggang kasalukuyan ay pawangpamumunong pangunahing naglilingkod sadayuhang among US at lokal na naghaharinguri. Ang mala-kolonyal at mala-pyudal nasistemang ekonomiya at pulitika ay paborlamang sa dayuhang kapital at hindikailanman tumungo sa kaunlaran ng bansaat kasaganaan ng mamamayan sa kabilang likas yaman at lakas paggawa nganakpawis na Pilipino. Angrelasyong ito ang patuloy nanagpapasahol sa komunoy nakrisis ng lipunang Pilipino bungang nakabalaho at papalugsopang pandaigdigang krisis ngkapitalismo dulot ng labis naproduksyon at labis nakonsentrasyon ng kapital sa mgaimperyalistang bansa.

Panlilinlang at panunupil angmagkaakibat na pormula ng lokal nanaghaharing uri sa giya ng amongimperyalistang US. Pagkatatag ngRepublika ng Pilipinas kagyat itinali ng USang ekonomya sa mga tratado ng hindipantay na kalakalan at kasunduang militar.Hindi na pinahintulutang umunlad angumusbong na lokal na manupaktura atpinanatili ang atrasadong agrikultura natagaluwas lamang ng mga hilaw na produkto.Ang kakulangan ng kita ng gobyerno mulasa mga buwis ay pinunuan ng papalakingimperyalistang pautang na may panggigipitna kondisyong magpapatuloy ngdeindustriyalisyon, denasyunalisyon atpagiging agraryo at atrasado ng bansa.Higit pa itong pinipiga sa kasalukuyangkrisis na bunga ng mga neo-liberal napatakarang liberalisasyon, deregulasyon at sundan sa pahina 4

pribatisasyon. Samantala walang tigil angpambibilog-ulo sa sambayanan nalumalakas ang ekonomiya, “tigrengekonomiya”, “matatag” ang ekonomiya,“umuunlad” na pamilihan, “kasunod langsa China sa kasiglahan” sa kabila ng patuloyna kagutuman, kasalatan at kababaang-antas ng pamumuhay ng malawak namasang Pilipino.

Mapanlikhang iwinasiwas ang walangkupas na mga burgis demokratikong isloganbilang adorno ng mga naghaharing uringburgesya-komprador at malakingpanginoong maylupa kakambal ang mgatunay na pasistang programa ng karahasansa manggagawa, magsasaka, petiburgesyaat mga progresibong pwersa ng lipunan.Habang nakasaad sa konstitusyon ang mgapagkilala sa mga demokratikong karapatanat kalayaan, taun-taon naman ay pinaiiralang mga “Oplan” ng panunupil kontra salumalabang mamamayan na naghahangadng tunay na kalayaan, ganap na kasaganaanat makatarungang kapayapaan. Sa rehimenni Aquino higit na pinalaki ang badyet militarpara sa modernisasyon nito kaysamodernisasyon ng agrikultura at mulingp i n a y a g a n g

EDITORYAL

Page 4: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

4 Enero-Marso 2015 * SILYAB

magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan angpanghihimasok ng tropa nito sa bansa. Milyun-milyong masa sa kanayunan ang biktimang sapilitang paglikas at dislokasyon bunga ng denisenyo ng US Army na “Oplan Bayanihan”upang wakasan ang insurhensya sa ilalim ng rehimen ni Aquino.

Hindi na dapat palinlang mula sa kawangwangang mga islogan ng reaksyunaryongsosyal na demokrata at populismong burges bagkus dapat singilin ang rehimeng ito sabuong kataksilan sa bayan at mamamayan. Hindi na kailangang hintayin ang halalan atkailangang ito ay mapatalsik upang bigyang katarungan ang walang habas na katiwalianat kurakutan sa kabang-bayan, pagpakatuta sa dayuhan at kawalang malasakit sa masangPilipino na higit na nasadlak sa kahirapan at mas malupit na karahasan ng bayarangmilitar at pasismo ng estado.

Ang bawat kilusang paglalantad at pagpapatalsik o pagbabagsak ng nakapwestongrehimen ay pagpapahina sa naghaharing estado at pagpapalakas sa kilusang pagpapalayang sambayanan. Dapat pang itulak ng mga aksyong protesta, kilusang masang talsik atmga taktikal na opensiba ng hukbong bayan ang pampulitikang krisis ng naghaharing-uriat isulong ang armadong rebolusyon sa mas mataas na antas. Higit dapat pagpunyagiangmapaunlad ang rebolusyonaryong kalutasan na higit magbibigay katarungan sa kasalatanat kaapihan ng masang Pilipino sa ilalim ng imperyalismo, pyudalismo at burukratakapitalismo.

EDITORYAL

SSSSS

Ang Mga Komiteng Sub-seksyon:Mahuhusay na Pangkatsa Gawaing Masa

M akabu luhangmga tungkulin

ang ihinahakbangngayon ngmamamayan ng Bikolupang higit pangiabante ang kanilangrebo lusyonaryonglakas sa kanayunan.Sa pagbalikat ng mahahalagang responsibilidad sa mga kinikilusang baryo, napahihigpitng mga kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pakikipagkaisa at napahuhusay angpamumuno sa kanilang mga kababaryo. Dahil dito, malalaking igpaw pasulong angtinatanaw ng mamamayan sa pagsusulong ng rebolusyong agraryo, armadong pakikibaka,at pagpapatatag ng rebolusyonaryong baseng masa. sundan sa pahina 5

Page 5: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 5

sundan sa pahina 6

Sa mgalarangang gerilyang Bikol,pinangangasiwaanat ipinatutupad ngmga KomitengSeksyon (KomSek)ang mgarebolusyonaryongtungkulin sasaklaw ng isah a n g g a n gd a l a w a n gmunisipyo na maykatamtamang laki.Ang mga KomSek ay pinamumunuan ng mgaKomiteng Larangan na sumasaklaw namansa tatlo hanggang limang bayan bilang mgaintermedyang antas ng pamunuan ng PartidoKomunista ng Pilipinas. Ilan lamang sanapakaraming gawain ng mga KomSek ayang sumusunod: pagbibigay ng mgapampartido at pangmasang edukasyon sataumbaryo; paghikayat sa mamamayan paralumahok sa mga kampanya para sarebolusyong agraryo at iba pang kampanyangpangkabuhayan, pangkalusugan, at pang-edukasyon; pagrerekluta para sa milisya,hukbong bayan, at Partido; pagbabalak ngmga kakayaning taktikal na opensiba nghukbong bayan; at pagbubuo ng mgaorganisasyon ng magsasaka at mga sektorng kababaihan at kabataan.

Sa nakahanay na mga gawaing ito napinagpupunyagian ng mga KomSek,mahalaga ang pagkakaroon ng karagdagangpulutong ng mga rebolusyonaryong puwersana tutulong upang mapabilis ang kumpasng mga gawain at maramihang makapag-ambag ang mga baryo para sapagkukumpleto ng yugto ng estratehikongdepensiba ng digmang bayan. Ditonakakatuwang ng mga KomSek bilang bahaginito ang mga Komiteng Sub-seksyon.

Sa isang bayan sa Camarines Sur,makikilala ang mga tulad ni Ka Flor na

umiikot sa isangkulumpon ng mgabaryo upanggumampan ng mgagawaing di-p a n g k o m b a t .Miyembro siya ngisang KomitengSub-seksyon nakumikilos sa isangkulumpon nabinubuo ng apat nabaryo.

N o b y e m b r e2013 ipinaloob sa

Komiteng Sub-seksyon si Ka Flor. Ayon sakanya, unang inihapag ang panibagonggawain bilang karagdagang obligasyon. Angmga responsableng kadre ng KomSek angnagrekomenda kay Ka Flor sa Komiteng Sub-seksyon dahil isa siya sa mga masigasig nakagawad ng Sangay ng Partido sa kanilangbaryo. Maliban kay Ka Flor, tatlong iba pangkadre mula sa mga kalihim ng Sangay ngPartido sa Lokalidad (SPL) ang ipinaloob saKomiteng Sub-seksyon na kanyangkinabibilangan. Buong-panahon si Ka Florna kumikilos sa Komiteng Sub-seksyon,samantalang mayroon din sa kanilang part-taym pa lamang ang kasalukuyangnaibibigay na komitment. Bilang pagbubuodng kadreng kumausap kay Ka Flor, angKomiteng Sub-seksyon ang katulong ngKomSek sa pagpapatupad ng mgarebolusyonaryong gawain sa itinakdangkulumpon ng mga baryo. Kaya kahit nasaibang lugar ang pamunuan ng KomSek nanakabase sa platun, mapunyagingginagampanan ng Komiteng Sub-seksyonang programa at mga patakaran ng KomSeksa bawat klaster ng mga baryong saklaw ngKomiteng Sub-seksyon.

Batid ng mga Komiteng Sub-seksyon namakilos ang pamunuan ng KomSek o angK o m i t e n gTagapagpaganap

Ang Mga Komiteng Sub-seksyon

Page 6: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

6 Enero-Marso 2015 * SILYAB

sundan sa pahina 7

(KT-Komsek) nito dahil nakabase ito saplatun ng Bagong Hukbong Bayan at dapatnatitiyak na naipatutupad ang mga planong Partido kahit nasa ibang lugar ang platun.Sa gayon, malaki ang potensyal namakapagpaunlad ng mga bagong lider tuladni Ka Flor bunga ng kanilang pagbalikat ngmahahalagang responsibilidad. Maging angbuu-buong mga SPL, mga yunit milisya, mgakomiteng rebolusyonaryo sa baryo, at mgaorganisasyong masa ay tinatanaw nasusunggab din sa mga gawain sa loob ngbaryo na kayang-kaya at nararapat lang nagampanan ng mamamayan bilangpagsasabuhay ng kanilang pamumuno atpagtatayo ng demokratikong gubyernongbayan.

Ayon naman kay Ka Brad, isa ringkagawad ng Komiteng Sub-seksyon nakumikilos sa katabing kulumpon ng baryo,madali lamang makabisa ang mga gawain,dahil matagal na rin silang pamilyar sa mgatungkuling ito sa loob ng SPL. Halimbawana, ang mga alitan sa pagitan ngmamamayan sa loob ng baryo ay madali nangnareresolba katulong ang mga nasaKomiteng Sub-seksyon. Hindi na kailanganghintayin pang makabalik ang platun ng BHBmula sa pag-iikot sa erya para lamangmahanapan ng solusyon ang mga karaniwangdi-pagkakaintindihan ng magkababaryo.

Maliban pa sa dati nang pagkakabisa sa

ilang gawain, inaarmasan din ang mgakagawad ng Komiteng Sub-seksyon ngkarampatang mga kasanayan upangepektibo silang makagampan ng gawain. Isana nga dito ang pagsailalim nila sa treyningsa pagtuturo ng Batayang Kurso ng Partido.Ang kurso ay pinasimple at nilakipan pa ngmga karagdagang tulong-biswal upang higitna maging epektibo para sa mga instruktorat mag-aaral. Bunga ng treyning, nagagawanang makapagpatapos ng mga KomitengSub-seksyon ng ilang bats ng BKP sa loobmismo ng baryo. Sa loob ng ilang buwan,sina Ka Brad ay nakapagbigay ng BKP sadalawang bats na may kabuuang 20 mag-aaral, na ginanap sa loob lang ng mgakabahayan sa baryo.

Malaking simula na ang ganitongpamamaraan ng pagbibigay-edukasyon,ayon kay Ka Brad. Dagdag pa niya, hindinagsosolo ang Komiteng Sub-seksyon samga gawain. Bagkus, buo-buong mga baryoang kolektibong kumikilos. Unang una na,nariyan pa rin ang paggabay ng KomSek sapagbabalak, halimbawa na lamang sapagtukoy kung sino ang mga bibigyan ngpag-aaral, gayundin ang pagbahagi ng estiloat prinsipyo sa pagkausap sa mgapanggitnang puwersang kakatulungin sabaryo. Nandiyan din ang paggampan ngmalaking papel ng mga yunit milisya nasiyang nagtiyak ng seguridad habangisinasagawa ang pag-aaral. Ang mgakagawad naman ng lokal na mga Sangay ngPartido ay tumulong sa pagpapalitaw ng mgakakailanganing lohistika, kabilang na angpangangalap ng ayuda para sa mgamaaantalang produksyon ng mgamagsasakang dadalo sa pag-aaral atgagampan ng iba pang kaugnay natungkulin.

Samantala, si Ka Flor naman ay pinadalosa treyning medikal upang magsilbi rin bilangmedik ng masa, maliban pa sa iba niyanggawain sa loob ngKomiteng Sub-

Ang Mga Komiteng Sub-seksyon

Page 7: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 7

seksyon. Agad matapos angtreyning, kasabay ni Ka Flor angupisyal sa medikal ng hukbongbayan sa pag-iikot sa kanilangklaster ng barangay paramaglunsad ng sunud-sunod namga medical mission. Katulad ngKomiteng Sub-seksyon nina KaBrad, sina Ka Flor ay umuupo dinsa pulong ng mga SPL ng klasterupang makatulong sapagpapatupad ng programa ngKomSek sa bawat baryo.

Ang ganitong paglahok ng mgaKomiteng Sub-seksyon sa mgarebolusyonaryong gawain sa labas ngkanilang mga baryo ay nagpapatibay sa mgakadre ng kanilang makauring pagmalasakit.Hindi lamang kapakanan ng kapwamagsasaka sa sariling baryo angpinahahalagahan ng mga Komiteng Sub-seksyon, kundi komprehensibong nagagagapang katulad na kahirapan at kaapihangdinaranas din ng mamamayan sa iba pangbaryo.

Kaya naman, mataas angrebolusyonaryong diwa ng mga katulad ninaKa Flor at Ka Brad na abutin din ang ibapang mamamayan sa loob o sa labas manng kanilang baryo upang hakbang-hakbangna mapalahok at mapakilos sa rebolusyon.Patunay nito ang sigasig at pamamaraanna ipinamalas ng mga Komiteng Sub-seksyonnoong Disyembre 10, 2013, na kahit maynakapakat na mga sundalo ng Peace andDevelopment Team (PDT) sa kulumpon ngmga baryo, ay nagawa pang mapakilos angmga taumbaryo na lumahok sa isang anti-militarisasyong rali sa Lungsod ng Naga.Apat na pampasadang dyip ang napuno ngmga taumbaryong lumahok sa rali. Ayon kayKa Flor, hindi naman nagagawang bantayanng mga sundalo ang lahat ng lagusan sabarangay, at samu’t sari ang dahilan namaaaring isagot sa mga nagtse-tsekpoyntna militar sa sentro ng baryo. Kung gayon,

dahil sa “diskarte” ng mga nasa KomitengSub-seksyon, napanatili ang militansya ngmga taumbaryo sa harap ng atake ng mgaPDT sa kanilang mga barangay.

Ang gayong sigasig din ang nagtulak saKomiteng Sub-seksyon nina Ka Brad namagsagawa ng paraan upang muling buhayinang mga organisasyong masa sa isangkalapit na baryong pansamantalangnaiwanan ng KomSek. Ang naturangbarangay ay estratehiko para sarebolusyonaryong kilusan dahil ditodumadaan ang sakyada ng kaaway kagyatbago makapasok sa kulumpon ng mgabaryong kinikilusan nina Ka Brad. Batay saplano ng KomSek, ang Komiteng Sub-seksyonnina Ka Brad ang magtatasa sa katayuanng mga dating nasa organisasyong masabilang panimulang hakbang sa pagbalik nghukbong bayan. Sa muli, napukaw angpagka-mapamaraan ng mga kadre ngKomiteng Sub-seksyon. Isang buwang naki-kopras ang kolektibo nina Ka Brad sa ilangnyugan sa naturang baryo, habangbinabalikan ang dating mga nasaorganisasyong masa at nagsasagawa ngkaragdagang panlipunang pagsisiyasat. Saganitong estilo, direktang nakakaugnayannina Ka Brad ang mga kapwa magsasaka sabaryo, tuwirang nakukuha ang mga datos,at nakukumpirmaang mga ulat na sundan sa pahina 8

Ang Mga Komiteng Sub-seksyon

Page 8: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

8 Enero-Marso 2015 * SILYAB

dati’y dumarating lamang sa kanila. Bunganito, may ilang aktibista nang napakikilossina Ka Brad sa baryong iyon, at handa narin ang mga kasamang nasa hukbo na mulingipatupad ang komprehensibong gawain atmaibalik ang rebolusyonaryong sigla ngbarangay. Kakayanin pang kumarga ngkaragdagang mga baryo, pahayag mismo niKa Brad.

Mayroon ding natatanging husay ang pag-ugnay ng mga Komiteng Sub-seksyon sakanilang mga kababaryo. Dahil ang mgakatulad nina Ka Flor at Ka Brad ay araw-araw na kalahok sa mga gawain sapagsasaka, higit nilang nakikinis ang mgapartikular na lapit sa kapwamagsasaka. At dahilmakabuluhang bilang ngmga nasa Komiteng Sub-seksyon ay mga nanayat tatay, madalingnahihikayat ang kapwanila mga magulang nagumampan din ngmahahalagang gawain sarebolusyon – sa hukboman o sa lokalidad. Ayonnga kay Ka Flor, hindilamang ang kanilang mgaanak na nasa hustong edadat mahusay na pangangatawanang maaaring magpultaym, kundi magingang mga nanay at tatay. Mapadudulas angengganyuhan ng mga kasapi ng MilisyangBayan na kumilos ng buong-panahon saplatun ng Hukbong Bayan at mapabibilis angpagpapalaki at pagmantina ng mga platunat kumpanya ng Hukbo sa antas larangan.Kapag sumigla ng husto ang ganitongpaglahok sa armadong pakikibaka,mapapadali rin ang pagpaparami ng mgapwersang bertikal ng hukbo tulad ngpamprobinsya at pangrehiyong yunit gerilyaat iba pang mga yunit serbisyo ng BagongHukbong Bayan.

Hindi matatawaran ang dedikasyon ng

mga Komiteng Sub-seksyon na makibahagisa binabalikat na mahahalagangresponsibilidad sa rebolusyon. Ang paglargang mga ito sa lahat ng sulok ng rehiyon,gayundin sa iba pang bahagi ng bansa, ayaani ng malalaking tagumpay sa laranganng gawaing masa. Bibilis ang pag-abot sakaragdagang mga baryo, at huhusay angestilo ng mamamayan sa pagharap sa mgakahirapan sa gawain, laluna sa atake ngkaaway. Bibilis ang pag-abante ng mgaorganisasyon, kolektibo, at komite, at mulasa mga ito’y makapagpapaunlad ng mgakaragdagang lider sa baryo.

Ang mga rebolusyonaryong ito angdaragdag sa balon ng mga kadre ng Partido

na mamumuno sa mgagawain sa hukbong bayan,sa paglulunsad ngrebolusyong agraryo, atpagpapalawak atpagpapatatag ng basengmasa. Bunga rin nito, higitna makapaglalaan na angBagong Hukbong Bayan ngkaragdagang panahon parasa gawaing militar, namagpapadalas sa mgaanihilatibong operasyonlaban sa kaaway.

Ang gayong malalakingaksyong militar ay higit namakapagpapataas sa diwa ng mamamayanat mag-eengganyo sa kanilang paigtingindin ang kanilang paglahok sa rebolusyon.Maging yaong mga taumbaryo sa mgabarangay na hindi pa naaabot ng BagongHukbong Bayan ay mabubuhayan din ng pag-asa sa malubhang kahirapan at kaapihanna kanilang kinalulugmukan, at sa tulongng mga Komiteng Sub-seksyon, ay mag-aantabay sa pagdating ng mga kasama.

Ang Mga Komiteng Sub-seksyon

SSSSS

Page 9: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 9

Tinitipon ng mamamayan ang kanilang armadong lakas upang ibagsak ang mgamapagsamantala’t mapang-aping uri na siyang naghahari sa bansa. Sa pamamagitan

ng Bagong Hukbong Bayan, may mabisang armas ang mamamayan sa kanilang pagsusulongng pambansa-demokratikong rebolusyon. At upang mapalaki at mapalakas ang hukbongbayan, ang mga yunit milisya ang pangunahing bukal ng mga pultaym na yunit gerilya.

Ang Yunit Milisya: Bukal Ng Lakas Ng Bagong Hukbong Bayan

Ang mga yunit milisya ang mgarebolusyonaryong armado sa baryo nanakalaan at katuwang ng mga pultaym nayunit gerilya. Sila yaong mga magsasakangmahuhusay ang isip at pangangatawan, atwalang masamang gawi na nirerekluta upangmaging suportang puwersa ng BHB sa mgabaryo. Lalaki man o babae, mag-asawa, mayasawa man o wala, basta’t handang tumupadsa mga tungkulin ng milisya at sumunod samga patakaran at alituntunin ng hukbo, aypuwedeng pumaloob sa yunit milisya.Patuloy pa rin sa kanilang gawain sapagsasaka ang mga milisya, ngunitgumagampan ng mga pulitiko-militar na mgatungkulin sa mga lokalidad. Bilang isangbahagi ng Bagong Hukbong Bayan, kinikilalang mga yunit milisya ang absolutongpamumuno ng Partido Komunista ngPilipinas.

Mayaman na ang karanasan ngmamamayang Bikolano sa pagtaguyod samga yunit milisya. Sa mahigit apat nadekadang magiting na paglahok ng rehiyonsa rebolusyon, napanday na sa mgasuportang gawain ng pultaym na mga yunitgerilya ang mga magsasakangnagboluntaryong maging mga mandirigmang mga yunit milisya. Sa pagbibigaydireksyon ng Partido sa pamamagitan ngmga lokal na Sangay ng Partido, angkasalukuyang katayuan ng mga yunit milisyaay pinauunlad upang matupad ang mgarekisito sa pag-abante ng digmang bayan.Ang Dalawang Kategorya ng Yunit Milisya

Si Ka Ayris ay isa sa libu-libong milisyasa Bikol na nakahandang tumalima sapanawagan ng Partido na paigtingin angdigmang bayan. Mahigit dalawang dekadanang lumalahok sa rebolusyon si Ka Ayris sundan sa pahina 10

mula pa noong dekada 90. Lumaki siya saisang rebolusyonaryong pamilya ngmaralitang magsasaka sa isang bayan saCamarines Sur. Una siyang sumapi sarebolusyonaryong organisasyong KabataangMakabayan noong maagang bahagi ngdekada 90, at noong 1996, ay nagboluntaryoding pumaloob sa yunit milisya sa kanilangbaryo.

Sa loob ng yunit milisya, maihahanay siKa Ayris sa kategorya ng reserba sa hukbo.Bilang reserba sa hukbo, ang kategorya niKa Ayris ang pangunahing isinasabay sa mgaoperasyong militar, kaya’t sila yaong maysapat pang lakas, may kakayahang lumaban,at handang mag-pultaym kung sakalingmainit na sa baryo. Sila rin ang mgapangunahing sasampa bilang mgapultaym na gerilya.

Page 10: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

10 Enero-Marso 2015 * SILYAB

sundan sa pahina 11

Ang Yunit MilisyaDahil sa ganitong katangian ng kanilang

kategorya, ang mga tulad ni Ka Ayris samilisya ang pinahahawak ng malalakas nariple at pinagsasanay ng Batayang KursongPulitiko-Militar (BKPM) at iba pangkinakailangang pagsasanay, upang magamitsa mga labanan. Sila rin ang pangunahingkinakatulong sa pagtataguyod ng iba’t ibanggawain ng Partido.

Ang isa pang kategorya sa loob ng yunitmilisya ay ang mga milisyang nagsisilbingpulis sa baryo.Sila namanyaong lagingnakamantini sabaryo parap a n g a l a g a a na n grebolusyonaryongkatahimikan attumulong sagawaing masa, laluna sa paglulunsad ngrebolusyong agraryo. Sa kategoryang itonakapaloob yaong may mga katandaan nangunit nagtatamasa ng paggalang ngkanilang mga kababaryo at handa pa ringgumampan ng mga tungkulin sa yunitmilisya.

Hindi man iniisyuhan ng malalakas nariple ang mga pulis milisya at hindi manmakapagsanay ng BKPM, mayroon pa rinsilang mga pistola, at nagpapakahusay sakarapatang pantao at pagpapatupad ng mgarebolusyonaryong patakaran na binalangkasng mga rebolusyonaryong organisasyongmasa.

Dahil sa ganitong pagkakategorya,nagiging malinaw ang mga direksyon nggawain ng milisya, maging ito man ay sapultaym na yunit, o sa baryo. Natitiyak nakung sakaling may milisya na hinuhugot ngpultaym na yunit, laging may naiiwan upangipatupad ang mga pangunahing tungkulinng milisya sa baryo. Dagdag pa, angpagkakaroon ng dalawang kategorya sa loobng yunit milisya ay nagpapalawak din sa

paglahok ng sinumang nagnanaismagbahagi ng kanilang kakayahan para saarmadong pakikibaka.Ang Pangunahing Mga Tungkulin ng YunitMilisya

Sa pagdaan ng panahon ay napahusayna ng yunit milisyang kinapapalooban ni KaAyris ang kanilang mga karaniwangtungkulin. “Bilang milisya, sanay na kamina naaatasang maghatid ng kasama, magingng mga gamit-militar at mga sulat,” alala

niya. Sapagkatkabisado angpasikot-sikot sabaryo, bihasa naang mga milisyasa paggiya samga kasama atpaghahatid ngmga kagamitanat komunikasyon

ng rebolusyonaryong kilusan gamit ang mgasikretong ruta at ugnayan upang mailihimang mga ito sa mata ng kaaway.

Madali na rin para sa mga milisya angpagtukoy sa pusisyon ng kaaway kapag nag-ooperasyon ang mga ito sa baryo. Ayon mulikay Ka Ayris, “Buddy-buddy kami sapagsusuri sa kaaway. Bawat tim sa amin aymay nakatoka nang ruta at erya na iikutin.Kami ng ka-buddy ko, relax lang. Tutal,madali naming malulusutan ang pag-iimbestiga ng kaaway dahil may nakahandana kaming prente kapag nagtanong sila.”

Kabilang din sa mga napahusay nangtungkulin ng mga yunit milisya ay angpagtse-tsek sa palibot ng baryo, laluna kapagnasa loob ng barangay ang mga pultaym nagerilya. Nakikipagkoordina din sila sa mgayunit milisya sa mga katabing baryo, upangmakadagdag sa pagtasa ng mga kasama saseguridad. “Relyebo din kami ng mgakasamahan namin para makatulong sapagpoposte o sa pagkukusina kapag mayaktibidad ang mgakasama,” dagdag pa

Page 11: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 11

sundan sa pahina 12

Ang Yunit Milisyani Ka Ayris. “Pati ang pagsusuri sa mga dayosa baryo ay nakagawian na rin namin.Halimbawa yung mga manininda, hindi langnamin tinatanong ang pagkatao, kundisubaybay din namin kung saan-saangkabahayan sila nagpupunta.” Nariyan man owala ang mga pultaym na gerilya sabarangay, batid ng mga yunit milisya nakabilang sa tungkulin nila ang pagtitiyak saseguridad ng mga taumbaryo, at pagsilbibilang kontra-paniktik laban sa kaaway.

Subaybay ni Ka Ayrisang pagsulong ngkanilang yunit milisyadahil bahagi siya ng pag-unlad nito. Mula sa 15elemento, nabuo silabilang platun noong 2001na may mahigit 20mandirigma. Habangpatuloy sa mga datinggawain, dumalas na rinnoon ang paglahok ngmga reserba sa mgainilulunsad na taktikal naopensiba ng BHB. Kungdati’y tagahatid lang silang mga kasama at gamit-militar, tagaluto okaya’y giya, ngayo’y direkta na silangnakapakat bilang mga kombatant. Sariwapa sa isip ni Ka Ayris ang matagumpay nareyd ng BHB sa isang istasyon ng pulis noong2001. “Ang taas ng moral namin noon. Siyamna riple at dalawang pistola ang nakuha ngmga kasama. Napapangibabawan namanang takot kasi nag-treyning din kami ngBKPM, kaya alam ng mga milisya kung paanoumakto sa gitna ng labanan.”

Ang pagsabay ng mga reserbang milisyasa mga taktikal na opensiba ay nagsisilbingpaghahanda na rin sa kanila sa paglulunsadng sariling mga inisyatiba. Naging bahagina ng kanilang mga misyon ang paglulunsadng mga atritibong aksyon laban sa kaaway.Layunin ng mga operasyong isnayp, haras,at demolisyon ay ang unti-unting pahinain

ang relatibong malakas na kaaway, upangsa tamang pagkakataon ay mabigwasan ngmariing dagok ng mga pultaym na yunit.Ayon kay Ka Ayris, na sa kalaunan ay nagingplatun lider na ng kanilang yunit milisya,kapag may sakyada ang kaaway, inaasahanna nila ang atas mula sa mga kumander ngpultaym na platung gerilya na magsagawang aksyong militar. “Madalas, nagpapakalasang yunit namin ng isa o dalawang tim namay tig-tatlong elemento. Ang mga baril na

gagamitin ay ‘yung mgapinahiram ng mgapultaym, bilangpandagdag sa paisa-isa palang na ripleng naka-disposisyon sa platunnamin ng milisya.”

Ikinalulugod nina KaAyris kapag ibinabalita ngmga kasama ang mgaaksyong militar ng mgayunit milisya sa ibanglarangang gerilya, omaging sa ibang prubinsyang rehiyon. Minsa’yibinabalita mula sa ibang

teritoryo ang ginawang pagkumando ng mgamilisya upang idikit sa mga detatsment angcommand-detonated na eksplosibo atpagpasabog nito. O kaya’y ang pagharasnaman ng yunit milisya sa ibang prubinsyalaban sa tropa ng kaaway na umaatras mulasa bigong pagkubkob sa mga kasama.

“Pagsasabuhay ito ng pakikidigmanggerilya ng masa,” sinasariwa ni Ka Ayris angpaliwanag ng mga kasama. Ayon sa kanya,dahil ang rebolusyon ay digmaangisinusulong ng mamamayan, “Dapat tayomismo sa loob ng barangay ay sama-samangkumilos para labanan ang armadong pwersang kaaway na uri.” Gagap nina Ka Ayris naang gayong mga aksyong militar ay kayang-kaya nang gampanan at paigtingin pa ngmga yunit milisya.

Page 12: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

12 Enero-Marso 2015 * SILYAB

sundan sa pahina 13

Ang Yunit MilisyaKaya naman maging ang iba pang

rebolusyonaryong tungkulin sa loob ng baryoay mulat ring binabalikat ng mga yunitmilisya. Katuwang rin sila ng mga KomitengSub-seksyon at mga lokal na Sangay ngPartido sa pagbubuo ng mga organisasyongmasa, pagbibigay ng mga pag-aaral, atpaggampan ng iba pang pampulitikanggawain sa loob ng ilang barangay. Dahilnaipundar nila ang rebolusyonaryongpakikipagkaisa sa mga kapwa magsasaka,maging ang karaniwang suliranin sa loob ngbarangay, halimbawa’y ang mga simplengalitan o kaya’y problema sa mga hanggananng lupa, ay sa mga milisya at Komiteng Sub-Seksyon na idinudulog.

Siyempre pa, lagiring nakahanay natungkulin ng yunitmilisya ang pagdalosa mga pulong atpag-aaral upanghigit na mapahusayang rebolusyonaryongkaalaman at maitakdaang mga direksyon sapag-abante at partikular na mga tungkulinng bawat upisyal at mandirigma ng yunitmilisya.

At dahil nga ang mga yunit milisya angbalon ng karagdagang pwersa para sa mgapultaym na yunit ng hukbo, mulat napinapanday nina Ka Ayris ang kanilang hanayupang maihanda sa pagpultaym. “Naka-iskedyul ang bawat isa sa amin na sumanibsa pultaym na mga kasama sa platun.Kadalasa’y tatlong buwan ang relyebohan.Paunti-unti ay naihahanda namin ang mgasarili sa pagpultaym.” Mula isang timhanggang isang iskwad ang karaniwangipinapakat ng yunit milisya nina Ka Ayrisupang sumanib sa pultaym na platunggerilya. Samantala, ang mga naiwang milisyana nagsisilbing pulis sa baryo ay patuloy nanagpapatupad ng mga rebolusyonaryongpatakaran, at patuloy na nagpapakahusay

sa pagtaguyod ng karapatang pantao.Bahagi pa rin ng pagpapalaki ng kasapian

ng milisya, patuloy rin silang gumagampanng mga tungkuling iniaatas ng lokal naSangay ng Partido kaugnay ng pagrereklutaat pagsasanay ng mga yunit pananggol mulasa mga sityo, at mga yunit sa depensa ngmga rebolusyonaryong organisasyong masa.Tungkulin sa Pagsulong

Mag-iibayo pa ang papel ng mga yunitmilisya sa digmang bayan, batid ito ni KaAyris at ng kanyang mga kakolektibo. Nitolamang 2013 ay binuo ang mga Kumand saOperasyon ng Yunit Milisya (YMOC) na siyangmagkokoordina ng mga opensiba at

depensibang aksyon ngmga yunit milisya sa loobng mga kulumpon ngbaryo. Dahil sapagbabago-bago ngsitwasyon sa digmangbayan, kailangan dinang mabilis na pag-angkop dito ng mgarebolusyonaryongpwersa. Ang

binuong mga YMOC ang magtitiyak na angmga atas mula sa Kumand sa Operasyon ngLarangang Gerilya (FOC) ay mabilis dingnaiuugnay sa mga yunit milisya sa kulumponng mga baryo upang kagyat na matugunan.

Sa bahagi nina Ka Ayris, ang kanilangplatung milisya ay iniugnay sa yunit milisyang katabing baryo at nakapagbuo ng isangYMOC na antas-kumpanyang ugnayan saisang kulumpon. Gayundin ang binuo sa mgakaratig-baryo. Sa pangangasiwa ng FOC,mahigpit na nakakoordina ang mga gawaingmilitar ng mga pultaym na platung gerilyaat mga yunit milisya sa mga kulumpon ngbaryo.

Halimbawa, nang umatake ang mgamapanlinlang na Peace and DevelopmentTeam ng 9th Infantry Division noong hulingbahagi ng 2013,magkakatugon na

Page 13: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 13

SSSSS

Ang Yunit Milisyanagsagawa ng mga aksyong militar angpultaym na platung gerilya, ang kumpanyang milisya nina Ka Ayris, gayundin angkumpanya ng milisya sa karatig na kulumponng mga baryo. Sa koordinadong mga aksyongmilitar na iyon, apat na tim ang itinalaga ngkumpanya nina Ka Ayris upang maglunsadng mga haras, isnayp, at demolisyon.

Napakalaki ng iaabante ng digmang bayankapag naging largado ang pakikidigmanggerilya ng mamamayan. Tinatanaw nina KaAyris ang pagpapaigting ng kanilang mgarebolusyonaryong tungkulin upang magingmahalagang bahagi ng digmang bayan. Sahinaharap ay magagawa na nilangmaglunsad ng sariling mga opensiba atmakapagluwal ng mga armas. Samantala,tuluy-tuloy pa rin nilang gagampanan ang

mga pampulitikang gawain sa mga baryobilang katuwang ng mga Komiteng Sub-Seksyon at mga lokal na Sangay ng Partido.

Sa gayon, ang mga pultaym ng platun ngBagong Hukbong Bayan ay higit pangmakapaglalaan ng papalaking pokus sapaglulunsad ng malalaking opensiba namagbibigay ng maririing dagok sa kaawayat magkukumpiska ng malalaking bilang ngsandata. Aarmasan nito ang paparamingbilang ng mga pultaym na mandirigmangiluluwal ng gawaing masa ng mga yunitmilisya, mga Komiteng Sub-Seksyon, at mgaSangay sa Lokalidad upang palaganapin atpasinsinin ang pakikidigmang gerilya ngmamamayan.

Ang Umiigting na Laban ng mga Magniniyogsa Pagbawi sa Coco Levy Funds

Sumisiklab ang galit ngmamamayan sa

kabulukan ng rehimeng US-BS Aquino sa pagnakaw nitosa pondo ng mga maliit namagniniyog. Hindi matigilang mga sagad-sa-butongmandarambong sapagsagpang sa bawatp a g k a k a t a o n gmakakapagkulimbat silamula sa naghihikahos ataping mamamayan.

Nitong Marso 18, 2015 aypinirmahan ng punong magnanakaw na siNoynoy Aquino ang mga EhekutibongKautusan Bilang 179 at 180 na nag-uutossa mga kinauukulang ahensya ng kanyanggubyerno na tipunin ang P73 bilyong pondomula sa coco levy, ang mahigit P10 bilyonginteres mula sa mga sapi, at iba pang ari-arian mula sa naturang pondo. Matapos angimbentaryo ng mga pag-aari ng mgamagniniyog, nakatakdang isapribado angmga ito. sundan sa pahina 14

Ibig sabihin, sa halip na ibalik sa mgamagniniyog ang pondo at mga ari-ariangkarapat-dapat sa kanila, ipauubaya ito samalalaking negosyante upang angkinin atpagkakitaan. Walang kapantay na imoralidadat iligalidad ang muling pagnakaw ngrehimeng Aquino sa pondong dati nangninakaw mula sa mga magniniyog noongpanahon ng diktadurang US-Marcos.

Page 14: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

14 Enero-Marso 2015 * SILYAB

sundan sa pahina 15

Kinamkam noon ng mga panginoongmaylupa at malalaking burgesyakumprador ang coco levy

Magkakasabwat sina Marcos, DandingCojuangco, Juan Ponce Enrile, at Maria ClaraLobregat sa pwersahang pagkaltas ng buwissa mga magniniyog sa tuwing magbebentang kopras sa mga komprada. Ang nalikomna buwis ang tinawag na coco levy. Ginawangdahilan ng magkakasabwat ang paggamitng sinisingil na coco levy para umanopaunlarin ang industriya ng niyog atmagbigay ng suporta sa malili it namagniniyog.

Nagsimula sa 55 sentimos angbuwis na sinisingil sa bawat 100 kilong kopra noong 1971. Pinalubha angpandarambong sa mgamagniniyog at noong 1973ay itinaas ang buwis sahalagang P15, at nangsumunod na mga taon ayumabot na ng P100 angsiningil sa bawat 100 kilo ngkopras, o katumbas ng pisobawat kilo.

Mahigit isang dekadang sapilitangpinagbayad ng coco levy ang umaabot sa4.5 milyong maliliit na magniniyog, atpinagsinungalingang pauunlarin angindustriya at makatatanggap ng suportamula sa rehimeng pinaghaharian ng mgapanginoong maylupa at malalakingnegosyante.

Kasuklam-suklam ang ginawangpagnanakaw nina Marcos, Cojuangco, Enrile,at Lobregat sa maliliit na magniniyog. Walani katiting na pakinabang ang napasakamayng mga magsasaka sa nyugan. Sa halip, angmahigit P9.6 bilyong nakolekta mula sapagpapakahirap ng mga magniniyog ayginamit ng mga manghuhuthot para sakanilang sariling mga pakinabang.

Noong 1975, sa basbas ni Marcos at niEnrile na noo’y presidente ng PhilippineCoconut Authority (PCA), ginamit ni

Pagbawi sa Coco Levy FundsCojuangco ang nalikom na coco levy atipinambili sa isang naluluging bangko nasiyang pinagmulan ng ngayong UnitedCoconut Planters’ Bank (UCPB). Ginamit dinni Cojuangco ang pondo ng mga magniniyogupang bilhin ang mayorya ng mga sapi ngSan Miguel Corporation, isa sa mgahiganteng korporasyon sa pagkain at inuminsa bansa. Sa mahabang panahon ay inangkinat nilustay ni Cojuangco ang pakinabang samga sapi ng San Miguel Corporation.

Itinayo rin ni Cojuangco ang CoconutIndustry Investment Fund (CIIF) na

nangasiwa sa pagpupuhunan ngcoco levy funds sa iba’t ibang

negosyo. Bunga nito, ipinundarmula sa coco levy funds angmga pribadong korporasyon ngCIIF-Oil Mills Group, UCPB,Cocolife, at 14 holding

companies sa ilalim ng SanMiguel Corporation, at iba

pang korporasyon. Angpondong ipinuhunanmula sa coco levyfunds ay tinatayang

lumobo sa 200 Bilyong piso, kasabay anginteres na kinita ng pamumuhunan sa samu’tsaring mga pribadong korporasyon.

Ipinangasiwa ni Marcos ang coco levyfunds sa PCA, UCPB, at Philippine CoconutProducers Federation (COCOFED oorganisasyon umano ng mga magniniyogngunit sa totoo’y kontrolado ng mgapanginoong maylupa). Walang iba kundi siMarcos at ang kanyang mga alipures angnakinabang sa coco levy. Si Enrile ang noo’ychairman ng PCA, at si Cojuangco namanang direktor ng PCA at chairman din ng UCPB.Ang panginoong maylupa naman na siLobregat ang presidente ng COCOFED.

Samantala, hanggang ngayon ay atrasadoang industriya ng niyog sa bansa, at patuloyna nababaon sa matinding kahirapan angmga maliit namagniniyog at ang

Page 15: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 15

sundan sa pahina 16

Pagbawi sa Coco Levy Fundskanilang mga pamilya. Anumang pakinabangay pakitang-tao, napakalimitado, atselektibo lamang. Hindi aabot sa 1% ngmahigit 4.5 milyong magniniyog napinagkunan ng coco levy ang nagbenepisyo.Kinakamkam pa rin ngayon ng mgapanginoong maylupa at malalakingburgesya kumprador ang coco levy

Hindi pa nga napaparusahan angmga dating promotor ng coco levy,at hindi pa lubusang nababawiang iba pang bahagi ng pondomula kay Danding Cojuangco,narito at nagmamaniobrangmuli ang mga panginoongmaylupa at malalakingnegosyante na kinakatawan niAquino upang angkinin ang cocolevy funds at ang mga ari-arianmula sa pamumuhunan nito.

Sa kabila ng militantengpaggigiit ng mga magniniyog naibalik sa kanila ang mga pondo atari-arian mula sa coco levy,binabalewala ito ni Aquino at nag-aastangmay absolutong kapangyarihan sadispensasyon ng perang wala siyang ibinuhosni katiting na pagod. Sukdulang kabuktutanang ipinamamalas ni Aquino sa muling pag-agaw sa pinaghirapan ng mga magniniyog.Ang kanyang utos na ipasakamay sapribadong sektor ang mga pondo ng cocolevy ay muling nagpapatunay ng katapatanni Aquino sa kinabibilangang uringpanginoong maylupa-malaking burgesyakumprador. Nanganganib na mapasakamayang coco levy sa mga kamag-anak atmalalaking negosyanteng malalapit kayAquino, tulad ng pagpabor niya sa mga itosa mga kontratang Public-Private Partnershipna nag-alay ng mga pampublikong ari-arianbilang gatasan ng malalaking negosyante.

Matagal nang naglalaway si Aquino atang kanyang mga kasapakat na maangkinang coco levy funds, at sari-saring maniobrana ang tinangka ng rehimen. Minsan nang

binalak ni Aquino na ipamahala ang bahaging pondo sa National Anti-PovertyCommission, ibuhos sa mga mapanlinlangna programang CARPER, Cash for Work,Conditional Cash Transfer, PAMANA, at ibapang sangkap ng kontra-insurhensyangOplan Bayanihan. Tinangka rin ng rehimengAquino na ilagak ang iba pang bahagi ng

pondong coco levy sa iba’t ibangahensya ng gubyerno. Lahatng mga maniobrang ito’ynaglalayon lamang nakamkamin ni Aquino angpondong coco levy atipawaldas sa kanyang mgamasugid na tagasuporta sagubyerno.Bawiin ang mga pondo ngcoco levy!Hindi naglulubay ang mga

magnanakaw sa pagtangkangmaangkin ang pondo ng mgamagniniyog. Kailangangpaigtingin ng mga magniniyog ang

pakikibaka at puspusang igiit ang pagbawisa mga pondo ng coco levy at labanan angimbing mga pakana ng rehimeng US-Aquino.

Mahalagang maipatagos sa milyon-milyong maliliit na magniniyog, kabilang naang mga manggagawang bukid, angmakatarungang pagbawi ng mga pondo mulasa coco levy at pangangasiwa sa mga ito ngbubuuing konseho ng maliliit na magniniyog.Kailangang palawakin at palakasin ang mgasamahang magsasaka sa niyugan upanglusubin ang mga upisina ng rehimeng US-Aquino at bawiin ang ninakaw na pondo.Ang maliliit na magniniyog na siyang tunayna nagmamay-ari ng pondo ang siyang maylubos na karapatang mamahala dito at hindiang mga panginoong maylupa at malalakingburgesya kumprador na nakaupo sakapangyarihan.

Sa gitna ng araw-araw na paghagupit ngmatinding kahirapansa mamamayan,

Page 16: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

16 Enero-Marso 2015 * SILYAB

Pagbawi sa Coco Levy Fundshigit na kinakailangan ang pondong itoupang matugunan ang kagutuman ng mgapamilya ng malili it na magniniyog,maitaguyod ang mga pangangailangan nila,matulungan ang mga samahan ng mgamagsasaka sa nyugan at ang kanilang mgakooperatiba, at matustusan ang pananaliksikat mga programa para sa ikauunlad ngindustriya ng niyugan. Mahalaga angpondong coco levy para sa mga Bikolanodahil ikatlo ang Bikol sa mga coco-producingregions na nakapag-ambag sa nasabingpondo.

Dapat ding patalsikin at parusahan siAquino sa malubhang krimen niya laban samga magsasaka sa niyugan. Angpagdambong at pagkakait sa mga pondo ngcoco levy ay isa lamang sa napakaramingkasalanan ni Aquino sa mamamayan. Samaigting na pakikibaka para bawiin ang mgapondo ng coco levy, makakakabig ng mgaalyado ang mga magsasaka sapakikipagbuklod nila sa iba pang uri at sektorna inaapi’t pinagsasamantalahan ngrehimeng US-Aquino.Itaas ang antas ng paglaban!

Ang kinakaharap ngayong laban ng mgamagniniyog sa pagbawi sa mga pondo ngcoco levy ay isang katibayan lamang ngdambuhalang suliranin ng umiiral nasistemang panlipunan sa bansa. Ang

kapangyarihan sa ekonomya, pulitika, atmilitar ay kontrolado ng imperyalismong USat itinataguyod ng mga papet na panginoongmaylupa at malalaking burgesya kumpradorna siyang nakaupo sa gubyerno. Direktangkaugnay ng pakikibaka sa mga pondo ngcoco levy ang mas malalim na problema ngkawalan ng lupa at iba pang tipo ngpagsasamantala sa mga sakahan na ilangdantaon nang nagpapahirap sa mgamagsasaka. Mapagpasyang lulutasin ito ngDemokratikong Rebolusyong Bayan.

Ultimong katiyakan ng mga magsasakapara wakasan ang kanilang kaapihan atkahirapan ay ang pagsulong ng rebolusyongagraryo katugon ng armadong pakikibaka atpagpapalakas ng base ng mamamayan.Hinihikayat ang mga Bikolanong magniniyogna lumahok sa armadong rebolusyon upangmapasakamay ng mga magsasaka ang mgalupaing agraryo, paunlarin ang mga ito, atisanib sa tunay na industriyalisasyon ngbansa. Ang pagwasak sa umiiral nasistemang panlipunan sa pamamagitan ngarmadong rebolusyon ay magtatayo ng tunayna demokratikong gubyerno namagtataguyod ng katarungang panlipunanat kaunlaran, at magpaparusa sa mgamapagsamantala’t mapang-api at lalabansa pag-iral ng kanilang makauringimpluwensiya. SSSSS

ANG ISYUNG ITO NG SILYAB AY TAOS-PUSONG INIAALAY KINA

Ka EmsFRANKIE JOE SORIANOKa Greg Bañares,dating Public Information Officer -Bicol Reg’l Party Committee,at tagapagsalita ng NDF-Bicol

AT SA IBA PANG KASAMANG NAMARTIRSA JUBAN, SORSOGON NOONG

HULYO 4, 2013

Ka Miloy Ka Rey Ka Nene Ka Jay Ka Kevin

Ka Nel CHRISTINE PUCHEdating Punong-Patnugot ng Silyab,

at Kalihim ng Prop/Cultural Committee -Bicol Reg’l Party Committee

Ka Gary TED PALACIOdating Computer at Information

Technology Instructor ngNDF-Bicol

Page 17: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 17

Patuloy na hinuhuthot ng imperyalismo,mga lokal na kasabwat na malalaking

k a p i t a l i s t a -komprador atrehimeng Aquinoang lakas paggawang manggagawangPilipino. Lalo itongnaglulugmok samaraming pamilyasa labis nak a r u k h a a n .Ipinagkakait din sa

Ang Pagsasamantala sa ManggagawangBikolano

kanila ang iba pang karapatan at benepisyo na nagtutulak sa uring manggagawa namagbuklod at ipagtagumpay ang laban sa kaapihan at pagsasamantala. Ang neo-liberalna globalisasyon bilang solusyon sa imperyalistang krisis ay talamak na ganid upanghigit na pigain ang lakas paggawa ng uring anakpawis, serbisyo ng mga propesyunal atlikas yaman ng mga bansang nakukubabawan nito.

Mga desenyong neo-liberal sa paggawaang mga patakarang kontraktwalisasyon;pagpako ng minimum na sahod at sweldo omurang lakas paggawa; pagwasak ng unyonat pagpahina ng kilusang manggagawa;pagbawas ng mga gastos sa serbisyongpanlipunan, pangkalusugan at iba pangpangkagalingan at ang masaklaw nadeindustriyalisasyon ng buong ekonomiya.

Sa Bicol, sahod alipin ang itinutumbasng mga kapitalista sa matinding hirap atpagod ng mga manggagawa. Nananatililamang ang minimum na sahod sa P260bawat araw para sa mga empresang maymahigit sampung manggagawa, at P236naman bawat araw para sa may mga 10pababang bilang ng mga manggagawa.Kulang na kulang sa pangangailangan ngmga manggagawa ang sahod na itongitinakda ng Regional Tripartite Wage andProductivity Board 5 (RTWPB).

Ayon sa pag-aaral ng Kilusang Mayo Uno-Bicol, hindi bababa sa P340 ang kailangangkita ng isang pamilya para lamang makakainng tatlong beses sa isang araw. Hindi pakasama sa kwentada ang gastos para sa

pag-aaral ng mga bata, bayad sa kuryente,tubig, renta sa bahay, medikasyon, at ibapang mga gastusin ng isang karaniwangpamilyang Bikolano. Ngunit sa kabila nito,ang mga kontraktwal na manggagawa at mgamanggagawang bukid ay tumatanggaplamang ng P70 – P100 kada araw.

Malaki rin ang krimen ng sabwatang itong mga kapitalista at rehimeng Aquino sapaglabag sa karapatan ng mgamanggagawa. Ginagawang ligal ng gubyernoang pagkakait ng sahod at benepisyo sapamamagitan ng pagpapatupad ngpatakarang kontraktwalisasyon sa paggawaat pagpako ng sahod-aliping minimum.Laganap sa rehiyon ang iskemangkontraktwalisasyon maging sa mga ahensyang gobyerno kaya’t mayorya ngmanggagawang Bikolano ay regular nakontraktwal sa mga pinapasukang trabahotulad ng mga Business Process Outsourcing(BPO o call center), mga mall tulad ng SM atmga tindahang wholesale at retail,malalaking fastfood at restoran,pagmamanupaktura,at konstruksyon. sundan sa pahina 18

Page 18: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

18 Enero-Marso 2015 * SILYAB

Sa ilalim ng Batas sa Paggawa,pinapayagan ang mga kapitalista naipatupad ang iskemang kontraktwalisasyonupang maangkin ang sahod at benepisyo ngmga manggagawa. Ipinapa-sub-contract ngmga ito ang mga trabaho sa mga contractoro hiring agency na kalimitan ay pag-aari dinng kapitalista. Halimbawa, kahit matagalnang nagtatrabaho ang isang saleslady saSM, hindi siya magiging regular naempleyado dahil hanggang apat o anim nabuwan lamang angkontrata niya sa hiringagency, at kailangangmag-aplay uli paramakabalik sa trabaho. Atdahil hindi mga regular naempleyado, hindimakakapagtayo ng unyonang mga kontraktwal.Hindi rin silamakatatanggap ng mganararapat na benepisyongnakasaad sa Batas saPaggawa tulad ngovertime pay, nightdifferential, hazard pay,SSS at iba pa.Pangunahing paraan ito sapatuloy na pagkamal ngbilyones ni Henry Sy (may-ari ng SM).Pinagkakait niya ang karampatang suweldoat mga benepisyo sa kanyang mgamanggagawa at empleyado. Sa tulong ngpatakarang kontraktwalisasyon ng gubyerno,naiimbudo lamang patungo sa bulsa ng mgakapitalista ang karapat-dapat na suweldoat mga benepisyo ng mga manggagawa.

Ikinatutuwa ng gubyerno ang ganitongkalagayan ng mga manggagawa. Ang muranglakas-paggawa ang siyang panghikayat nggubyerno para maakit ang kasosyo nilangmga lokal at dayuhang mamumuhunan.Ipinagmamayabang ng Department of Laborand Employment 5 na mayroon umanong“industrial peace” sa rehiyon. Ibig sabihin,

wala raw naganap na welga sa mgapagawaan noong nakaraang taon, atnaaayos ang mga kaso ng hindipagkakasundo sa pagitan ng kapitalista atmanggagawa. Ngunit malaking panlilinlangang “industrial peace” na ito sapagkatpatuloy na binubuwag ng patakarangkontraktwalisasyon ang mga unyon na siyangtanging armas ng mga manggagawa upangmaipaglaban ang makatarungang sahod,mga karapatan at kaseguruhan sa trabaho,

karapatan para sa ligtasna paggawa, mgabenepisyo, at iba pa.

Paraan din sapagbaklas sa pagkakaisang uring manggagawa angpagtatalaga ng mgaRegional Tripartite Wageand Productivity Board(RTWPB) na siyangnagtatakda ng sahod sabawat rehiyon. Pinag-iibaiba ng gubyerno angsahod sa bawat rehiyonnang sa gayon aymapaghiwa-hiwalay angmga manggagawa sapanawagan para satamang sahod,

samantalang magkakasing-mahal naman atpatuloy na nagtataasan ang presyo ng mgapangunahing konsumo at bayarin saan mangpanig ng bansa.

Yaon namang mga masigasig sa pag-abante sa interes ng kilusang paggawa aytinatarget ng brutalidad ng Oplan Bayanihanng rehimeng US-Aquino. Gamit ang AFP-PNP,sinusupil ang mga manggagawa upangwasakin at biguing maorganisa ang mgatunay, militante, at makabayang mga unyon.Laganap din ang pagsampa ng mgakapitalista at gubyerno ng mga gawa-gawang kasong kriminal laban sa mga liderm a n g g a g a w a .Hinaharas din at sundan sa pahina 19

Pagsasamantala sa Manggagawang Bikolano

BATAYANG PAGKAIN HALAGA (P)ALMUSAL 70.00 1 kilo bigas 40.00 Tuyong isda 20.00 Mantika 10.00PANANGHALIAN 95.00 1 kilo bigas 40.00 Gulay 20.00 Niyog 15.00 Sangkap 20.00HAPUNAN 175.00 1 kilo bigas 40.00 1 kilo isda 120.00 Sangkap 15.00KABUUANG HALAGA P 340.00

Page 19: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 19

isinasailalim sa paniniktik ng mga ahenteng militar at pulis ang mga lider at kasaping mga unyon, pati ang mga indibidwal,organisasyon, at institusyong nagtataguyodsa kagalingan ng mga manggagawa.

Ibinubunga ng kawalan ng tunay narepormang agraryo at pambansangindustriyalisasyon ang paglaki ng hukbongpaggawa na nasasadlak sa sahod-alipin atmapang-aping kalagayan sa mga lugar ngtrabaho. Lumalaki ang tantos ng kahirapankung saan pito sa sampung Pilipino angitinuturing ang sarili na mahirap. Tiyak dingtataas ang bilang ng mahigit 11 milyongPilipinong walang trabaho o kulang ngtrabaho sa pagpasok ng buwan ng Mayo.Bunga ito ng pagdadag ng halos kalahatingmilyong magtatapos sa kolehiyosamantalang aabot lamang umano sa 100libo ang bakanteng mga trabaho.

Sa lugmok na kalagayan ng bayan,mahalagang magbigkis ang mgamanggagawa, pataasin ang kanilang

Pagsasamantala sa Manggagawang Bikolano

SSSSS

Sunud-sunod na malawakang mga kilosprotesta ang inilunsad ng mamamayang

Bikolano upang ipanawagan angpagpapatalsik kay Noynoy Aquino at igiitang kanilang mga demokratikong interes atkarapatan. Pinangunahan ng ligal naprogresibong alyansang Bagong AlyansangMakabayan (BAYAN) ang mga kilos-protestana sumaklaw sa mga mayor na haywey ngrehiyon. Tinagurian ang mga kilos protestabilang KADENA BICOLANDIA.

Ayon sa mga interbyu sa mga lokal naradyo, telebisyon, at dyaryo, ipinahayag ngBAYAN-Bicol na ang KADENA BICOLANDIAang kanilang porma ng paglaban sa kawing-kawing na pahirap ng rehimeng US-Aquinosa mamamayan. Kabilang sa mga ito angpagpataw ng mga neoliberal na patakaranna lalong naglulugmok sa ekonomiya ngbansa sa pagdambong ng mga imperyalista;

KADENA BICOLANDIA, Kapit-bisig ng mga Bikolano Laban saRehimeng US-Aquino

sundan sa pahina 20

ang matinding kahirapan at kawalan ngkatarungang panlipunan; ang lansakangpagpapakapapet at patuloy na pagsusukong soberanya ng bansa sa imperyalismongUS; ang higit pang pagsahol ng bulok,reaksyunaryo, burges at kontra-masangpulitika; at ang paghahasik ng iba’t ibanganyo ng pasistang kalupitan samamamayan.

kamulatan at labanan angmapagsamantala’t mapang-aping sistemangumiiral sa lipunan. Makasaysayan ang papelng uring manggagawa sa paglulunsad ngmga pakikibaka para sa karapatan atkagalingan. Makabuluhan ang mga nabuongasosasyon at unyon bilang daluyan at armasng mga manggagawa upang magkamit ngmga tagumpay sa pagpapataas ng sahod atpagpapabuti ng kalagayan sa paggawa. Angkanilang pakikitugma sa pakikibaka ng ibapang uri at sektor ay nagpalapad atnagpalakas din sa laban ng mamamayanpara sa pambansang demokrasya. Higit salahat, ang pinakaabanteng seksyon ng uringmanggagawa, sa pamamagitan ng PartidoKomunista, ang siyang nakipagkaisa samalawak na mamamayan, at siya ngayongnamumuno sa paglaban sa lahat na tipo ngpagsasamantala at pang-aapi upangmakapagpundar ng isang lipunang tunay namalaya, makatarungan, at maunlad.

Page 20: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

20 Enero-Marso 2015 * SILYAB

Kadena BicolandiaBilang tugon, inilatag ng mamamayan ang

mga Mass Action Center (MAC o Sentro ngProtesta ng Mamamayan) nasumisimbolo sa pagkakapit-bisigat pagkakaisa ng mamamayangBikolano laban sa pahirap narehimeng US-Aquino. Itinayo angmahigit 100 na mga MAC sakahabaan ng Maharlika Highwaymula sa Camarines Nortehanggang sa Sorsogon at tumawidpa sa mga islang prubinsya ngMasbate at Catanduanes.

Makikita naman sa mga bidyusa telebisyon at mga larawan sa internetang mga aktibidad sa mga MAC. Ayon samga maslider ng BAYAN-Bicol, ang mgakalahok sa KADENA BICOLANDIA ay mgamagsasakang nagmula sa mga kanayunan,mga maralitang taga-lungsod, kabataan-estudyante, mga guro at propesyunal,manggagawa, tsuper, taong simbahan atmga ordinaryong mamamayan na nakikiisasa kilos protesta. Ang mga aktibidad aykinabibilangan ng mga talumpati mula samga progresibong organisasyon at mgaindibidwal, mga malikhaing pagsasalarawanng kalagayan at paglaban ng mamamayanat mga grupong talakayan. Inilaladlad dinang mga plakard as istrimer na naglalamanng mga panawagan ng KADENA BICOLANDIA,at pagpapatugtog ng mga progresibongawitin. Dagdag pa ng BAYAN-Bicol, nag-iikotdin ang mga kalahok sa mga karatig nakalsada at namamahagi ng mga polyeto samga tumutunghay upang mahikayat ang masmarami pa na makiisa.

Sinimulan ang KADENA BICOLANDIAnoong Disyembre 10, 2013, at sinundan nghalos buwan-buwan noong 2014. Hudyat itong pagsambulat ng galit ng mgamamamayan sa korap, mapagsamantala,tuta, sinungaling, taksil at pasistangrehimeng US-Aquino. Tampok angisinagawang KADENA BICOLANDIA noongNobyembre 2014, nang mainit na sinalubong

ng mga Bikolano ang higit sa 300 namanlalakbay mula sa Mindanao nanagsagawa ng MANILAKBAYAN upangtuligsain at labanan ang matindingmilitarisasyon at mapandambong napagmimina ng mga dayuhan sa buongkalupaan ng Mindanao. Dumaan ang mgaito sa nakahilerang nagpoprotestang mgaBikolano sa kahabaan ng highway atnagsibaba upang sumama sa martsa, nakiisasa programa at sa gabi ay dumalo sakonsyerto. Buong araw na nakahalubilo ngmga nagkilos protesta mula sa Mindanaoang mga Bikolano at sa sunod na araw ayhinatid ang mga ito hanggang sa probinsyang Quezon.

Palatandaan ng matinding diskontentong mamamayan at ng kanilang paglaban angpapalaking bilang ng mga lumalahok saKADENA BICOLANDIA. Mula sa bilang namahigit 11,700 noong Disyembre 2013,umabot ito ng higit sa 13,000 noongSetyembre 2014. Noong Oktubre 2014naman, dumami ang mga kalahok sa bilangna 14,500, at 15,300 noong Nobyembre2014. Itinuturing na malaking tagumpay angKADENA BICOLANDIA dahil malaki angnaging ambag nito sa pangkalahatangpanawagan ng sambayanang Pilipino parasa tuluyang pagpapatalsik kay NoynoyAquino. SSSSS

Page 21: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 21

SSSSS

SILYABALITA

Sugatan ang apat napulis, kabilang angisang upisyal, matapossilang ambusin ng mgapulang mandirigma saBrgy. Pag-oring Viejo sabayan ng Libmanan,Camarines Sur bandang alas-singko nghapon noong Marso 13, 2015. Nakilala angapat na pulis na sina Chief Inspector RubenPadua, PO3 Jolan Aguinaldo, PO1 JohanesSabroso, at PO1 Leonil Fiesta, na pawangmga tauhan ng pamprubinsyang kumand ngPNP sa Camarines Sur na nakabase sa Brgy.Concepcion Grande, Naga City.

Ayon sa Norben Gruta Command,isinagawa ang ambus bilang kaparusahansa paglahok ng PNP-Camarines Sur sakontra-insurhensyang kampanyang OplanBayanihan. Pinahayag din ni Ka Maria RojaBanua, tagapagsalita ng NDF-Bicol, na angPNP-Camarines Sur ay nagpapagamit sa mgapanginoong maylupa upang idemolis angmga bahay ng mga magsasakangpinapalayas sa Brgy. Del Rosario sa bayanng Pamplona.

Bago ang naturangambus, nauna nanghinaras ng isang yunitng Norben GrutaCommand ang kampong 49th IB sa SityoDinumpilan, Brgy.

Malinao, na karatig-baryo ng Pag-oringViejo. Isinagawa ang operasyong harasnoong 11:25 ng gabi ng Marso 12. Mataposnaman ang ambus, muling nagkasagupa angAFP at NGC sa Brgy. Malinao, alas-syete nggabi noong Marso 13. Walang tinamongpinsala ang Norben Gruta Command satatlong labanang naganap.

Samantala, sugatan naman ang isangelemento ng CAFGU na si Richard Gonaynang magsagawa ang Norben GrutaCommand ng operasyong haras noong alas-3 ng umaga ng Pebrero 10, 2015. Isinagawaang aksyong militar bilang tugon sa reklamong mga taumbaryo na parusahan ang mgaabusadong CAFGU na nagkakampo sa gitnang mga kabahayan sa Brgy. Sta. Rita Uno,bayan ng Del Gallego sa Camarines Sur.

PNP-Camarines Sur, inambus ng Norben Gruta Command

Isinagawa ng Celso Minguez Command-NPA Sorsogon ang serye ng mga aksyongmilitar laban sa mga tropa ng 31st InfantryBattalion na mula pa Pebrero 3, 2015hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawang mapanlinlang na Peace and DevelopmentOperation sa pitong barangay samagkatabing bayan ng Juban at Bulan.

Ang dalawang sugatan sa panig ngkaaway ay naitala noong Pebrero 18, nangiharas ng isang tim ng CMC ang isang platunng 31st IB na nakapakat sa Brgy. Calmayon.Samantala, katanghalian nitong Marso 13naman, tinarget ng operasyong isnayp ng

Serye ng haras at isnayp ng CMC, nagresulta sa isang patay naupisyal at dalawang sugatan na sundalo ng 31st IB

mga pulang mandirigma ang tropa ngkaaway na nagsasagawa ng operasyon saBrgy. Dolos, Bulan. Napatay ang upisyal nainiulat ng mga taumbaryo na siyangnamumuno sa mga pagpapatawag sa mgataumbaryo upang interogahin at gipitinbilang mga tagasuporta umano ngrebolusyonaryong kilusan. Matapos angmatagumpay na isnayp ay naglunsad ngmalawakang operasyong militar sa mgabaryo ng Bulan.

SSSSS

Page 22: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

22 Enero-Marso 2015 * SILYAB

Inambus ng Norben Gruta Command-NPA-West Camarines Sur ang siyam na elementong pinagsanib na mga CAFGU at ang kanilanghandler na 22nd IB noong bandang alas 10:15ng umaga ng Nobyembre 15, 2014.Isinagawa ng mga pulang mandirigma angopensiba sa Barangay Tinalmod, Pasacao,Camarines Sur. Lima ang napatay sa panigng kaaway, samantalang walang pinsalangtinamo ang hukbong bayan.

Unang pinasabugan ng command-detonated na eksplosibo ang tropa ngkaaway bago pinaputukan ng mga riple.Tumagal lamang ng halos 30 minuto anglabanan. Malapit lamang ang pinangyarihanng ambus sa detatsment ng 22nd IB, ngunithindi nagawa ng mga tropang naiwan sakampo na sumuporta sa kanilang mgakasamahan. Sa halip ay walang pakundanganna lamang ang mga itong nagpaputok nanghindi naman umaalis sa kanilang kampo.

Apat na baril, isang granada, at mga bala nasamsam sa 22nd IB atmga CAFGU

Ang mga napalaban naman ay nagtakbuhanat iniwan ang kanilang mga kasamahangnamatay.

Sa labanang ito ay nakasamsam angrebolusyonaryong hukbo ng 1 carbin at 7magasin nito na puno ng bala, 2 magasin saM14 na puno ng mga bala, at 1 granada.

Ginanap ang pananambang habang angnasabing iskwad ng 22nd IB at CAFGU aynagsasagawa ng operasyong pagtugis bilangreaksyon sa pagparusa ng rebolusyonaryongkilusan kay Victorino Abejoro. Si Abejero,na isang elemento ng CAFGU ay pinatawanng parusang kamatayan ng araw ding iyon.Napatunayang nagkasala si Abejoro sapagpatay noong 1996 sa mag-asawangBernardo at Remedios Gata at sa kamag-anak nitong si Vicente Gata, na pawang mgataga-Barangay Salvacion, Pasacao.Nakumpiska kay Abejoro ang 1 M16, 4 naRPG at 2 kalibre 38. SSSSS

SILYABALITA

SSSSS

20 baril, naklining ng Jose Rapsing Command sa dalawanglinggong aksyong militar

Mula Nobyembre 9 hanggang Nobyembre24, 2014, sunud-sunod na mga taktikal naopensiba ang inilunsad ng Jose RapsingCommand-BHB Masbate laban sa 93rd DRC,9th IBPA, mga grupong paramilitar atmasasamang elemento sa mga isla ng Buriasat Ticao. Ang serye ng mga taktikal naopensibang ito ay nakasamsam ng 20 iba’tibang uri ng baril, mga bala at mgakagamitang militar.

Nob. 9, 2014 – nakumpiska ang 13 iba’tibang klase ng baril mula sa pamilyaBallesteros sa Brgy. Mabiton, Claveria. Angmga baril na ito ay ginagamit laban sa mgatao at sa rebolusyonaryong kilusan.

Nob.19, 2014 – 2 baril ang nasamsammula kay Brgy. Capt. Benny Capinig ng BocaEngano, Claveria. Ginagamit ni Capinig ang

mga baril sa mga iligal na negosyo niya, isana dito ang iligal na droga.

Nob. 24, 2014 – pitong baril, mgamagasin at bala, 3 handheld radio, at ibapang gamit militar ang nasamsam mula sagoons ng despotikong rantsero na si NonieJimenez sa reyd sa kanyang compound saBrgy. Macahoy, San Pascual. Ginagamit niJimenez ang kanyang armadong grupo labansa mga tao at sa rebolusyonaryong kilusan.

Samantala, noong Nob. 22, 2014,hinaras ng isang tim ng JRC ang 60-kataong93rd DRC at 9th IB sa Sityo Guiwanon, Brgy.Danao, San Jacinto. Namatay sa naturangharas ang 3 elemento ng kaaway at sugatanang 3 iba pa. Sadyang itinago ng militar angkanilang mga kaswalti.

Page 23: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

SILYAB * Enero-Marso 2015 23

Kinundena ng National Democratic Front-Bicol ang pag-aresto sa peace consultantpara sa Bikol na si Reynaldo Hugo noongEnero 27 sa Cabuyao, Laguna. Ayon satagapagsalita ng NDF-Bicol na si Ka MariaRoja Banua, labag sa NDFP-GPH JointAgreement on Safety and ImmunityGuarantees (JASIG) ang ginawang pag-aresto ng mga pulis at militar kay Hugo.

Sinabi rin ni Ka Roja na karagdagangbalakid sa prosesong pangkapayapaan angginawang pag-aresto kay Hugo, at iginiitang pagpapalaya sa kanya gayundin ang 15iba pang peace consultants ng NDFP na iligalna nakadetine. Dapat din umanong tuparinng gubyernong Aquino ang mga obligasyonnito sa ilalim ng JASIG, ng ComprehensiveAgreement of the Respect for Human Rightsand International Humanitarian Law, at ibapang kasunduang pinirmahan sa pagitan ngGPH at NDFP.

Dinakip si Hugo habang siya ay

Ibinabalita din ang mga tagumpay at hamonsa larangan ng armadong pakikibaka,rebolusyong agraryo, pagbubuo ngrebolusyonaryong baseng masa, at iba pangpakikibaka ng mamamayang Masbatenyo.Mayroon ding nakalaang seksyon para sarebolusyonaryong kultura. Nasusulat angpahayagan sa mga wikang Filipino, Cebuanoat Masbatenyo upang maabot angpinakamalawak na masang Masbatenyo.

Sinasalamin ng “Ang Kusog” angnagkakaisang lakas at pagsulong ngrebolusyonaryong kilusan sa prubinsya.Inilalarawan nito ang lumalawak at malalimna pagka-ugat ng mga rebolusyonaryongpuwersa upang pukawin ang libu-libongmasang anakpawis ng Masbate at palahukinat magkaisa sa pambansa-demokratikongrebolusyon na may sosyalistanghinaharap. SSSSS

SSSSS

Pag-aresto kay Reynaldo Hugo, kinundena ng NDF-Bicolnagpapagamot sa sakit sa nerve at bato.Tinuligsa ng NDF-Bicol ang pagpapakalat ngkasinungalingan ng AFP-Southern LuzonCommand hinggil sa umano’y “pagsuplongng ilang NPA kay Hugo sa mga awtoridad”,at iginiit na panagutan ng mga upisyal ngPNP at AFP ang P1.4 milyong pondo na nasapangangalaga ni Hugo nang siya ay inaresto.

Ayon pa kay Ka Roja, ang mga kasongisinampa kay Hugo ay bunga ng mgalehitimong aksyong pandigma at naaayonsa Geneva Conventions at mga kaugnay nainternasyunal na batas ng digma.

Tiniyak ni Ka Roja na hindi signipikantengmaaapektuhan ng pagkakaaresto kay Hugoang mga operasyon ng NPA sa rehiyon.Aniya, lahat ng mga kumander at kadre saantas ng rehiyon, prubinsya, at larangan aymay kapasidad, kaalaman sa syensyangmilitar, at determinasyong iabante angmatagalang digmang bayan.

Ang Kusog: Rebolusyonaryong Pahayagan ng MasbateKasabay sa pagdiwang ng ika-45 na

anibersaryo ng Partido Komunista ngPilipinas nitong 2013 ay inilabas ng PKP saprubinsya ng Masbate ang bagongrebolusyonaryong pahayagan ngmamamayan, ang “Ang Kusog”.

Ipinalit ang “Ang Kusog” sa pangalan ngdating pahayagang “Haguros” nanagpapakahulugan sa tunog na likha ngpagdagsa ng maraming tao. Mula sapagsulong ng mamamayan, sinasagisag ng“Ang Kusog” ang nakamit na lakas ngmamamayan laban sa mapagsamantala’tmapang-aping kalagayan na ipinataw ng mgapulitiko-rantsero.

Nilalaman ng pahayagan angrebolusyonaryong pananaw at paninindiganng Partido Komunista ng Pilipinas hinggil samga usaping kinakaharap ng mamamayanat rebolusyonaryong kilusan sa Masbate.

SILYABALITA

Page 24: EDITORYAL Pagpatalsik kay Aquino ang Tanging Katarungan sa ... · magtayo ng mga base militar ang US saan mang lugar nito naisin habang hinahayaan ang panghihimasok ng tropa nito

24 Enero-Marso 2015 * SILYAB

1897 Mayo 1

Mahal kong Oryang,

Mali ka. Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sakanan at ikaw sa kaliwa. Sapagkat saan man tayo dalhin ng atingpakikibaka, ikaw lang ang aking itatangi at makailang ulit na ihaharapsa pulang bandila. Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sapinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw ngkatahimikan. Walang pagod kitang aawitan ng imnong pambayan,Oryang. Hindi kailanman ako mauubusan ng salita upang maialay sa iyobilang mga tula. Maging ang bulong at buntung-hininga’ymagpapahayag ng pagsinta sa tulad mong umiibig din sa bansa. Hinditayo sabay na tumawa, nagkatinginan, at tumawa pa nang masmalakas, upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha namamimintana sa ating mga mata.

Loobin man ng Maykapal na pansamantala tayong magkawalay, tandaanmong ang halakhak at sigaw ng ating mga kasamahan ay sa akin rin.Hindi ka dapat masabik sa akin sapagkat ako’y mananatili sa iyongpiling. Hindi kita niyakap nang ilang ulit upang sa pagkalas ng mgabraso ko sayo ay maramdaman mong iniiwan kita. Habambuhay akongmagiging tapat sa ating panata, Oryang. Kapara ng binitawan kongsumpa sa ngalan ng bayan, tayo’y mananatiling katipun, kawal, atbayani ng ating pagmamahalan. Hindi tayo bumuo ng mga alaala saumaga, tanghali at gabi upang sa muli mong paggising ay maisip monghindi tayo nagkasama sa pakikidigma. Hindi ko man hawak ang bukas,nais kong tanganan mo ang aking pangako na ilang ulit kong pipiliingmabuhay at pumanaw upang patunayan sa iyong mali ka. At kungmagkataong ako’y paharapin sa ating anak na si Andres, buo ang loobkong haharap sa kanya at sasabihin ko sa kanyang mali ka. Hindi akobumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.

Ikaw ang aking bayan,Andres

*Ibinigay ni Julio Nakpil ang liham na ito kay Oryang ilang gabi makalipas angpagpaslang kay Andres sa Maragondon.

Mula sa "MAGHIMAGSIK: Mga Tula, Sulatin at Larawan ng Pakikibaka ni AndresBonifacio at ng Kabataang Makabayan" isang aklat pampanitikan ng CEGP atAnakbayan para sa ika-150 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Diwang Rebolusyonaryo Diwang Rebolusyonaryo Diwang Rebolusyonaryo Diwang Rebolusyonaryo Diwang Rebolusyonaryo