easter vigil

Upload: christopher-lobaton

Post on 17-Oct-2015

162 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

rites for Easter Vigil

TRANSCRIPT

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    1/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SAPASKO NG MULING PAGKABUHAY

    Alinsunod sa pinakamatandang pamana, ang gabing ito ay nakatalaga sa pag-alala sa Panginoon (Exodo

    12, 42). Sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas (12,35 at sumusunod), may paggunita sa mgatagasunod ng Panginoon upang silay maghintay habang tangan ang ilawang may sindi, katulad ng mgakatiwalang naghihintay para sa pagbabalik ng kanilang Panginoon nang sa gayoy kapag dumating siyaymadatnan niya silang handa at nagbabantay at silay kanyang padudulugin sa kanyang hapag.

    Ang Magdamagang Pagdiriwang na ito ay nahahati sa apat na yugto: 1) pagkaraan ng maiklingpagpaparangal sa ilaw, 2) ang Simbahan ay nagsasaloob sa lahat ng mga kahanga-hangang ginawa ngDiyos para sa kapakanan ng kanyang sambayanan sa mulat mula pa; ito ang pagpapahayag ng Salitang Diyos. 3) Habang papalapit ang araw ng muling pagkabuhay, ang mga bagong kaanib ng Simbahanay muling isinisilang sa pamamagitan ng binyag, at 4) ang buong Simbahan ay inaanyayahang dumulogsa piging na inihanda ng Panginoon para sa kanyang bayan bilang

    pakikinabang sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay.

    Ang kabuuan ng Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ay gaganapin kapag madilim naang paligid. Itoy hindi dapat simulan bago magtakip-silim, dapat itong magwakas bagomagbukangliwayway ang araw ng Linggo.

    Kahit na ang pagmimisa sa gabing ito ay maganap bago maghating-gabi, ang Misa ng MulingPagkabuhay ang ipagdiriwang.

    Ang mga nakikiisa sa pagmimisa ngayong gabi ay maaaring makinabang muli sa ikalawang Misa nakanilang nanaising lahukan bukas nang Linggo ng Muling Pagkabuhay.

    Ang mga nagmimisa o nakikipagmisa sa pagdiriwang na ito sa gabi ay maaaring magmisa omakipagmisa sa ikalawang Misa bukas nang Linggo ng Muling Pagkabuhay.

    Ang tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay magsusuot ng puting damit para sa pagmimisa.Dapat maghanda ng mga kandila para sa lahat ng mga makikiisa sa Magdamagang Pagdiriwang.

    U N A N G Y U G T O :A n g M a r i n g a l n a P a g s i s i m u l a

    n g M a g d a m a g a n g P a g d i r i w a n g :A n g P a g p a p a r a n g a l s a I l a w

    PAGBABASBAS AT PAGHAHANDA SA ILAW

    Lahat ng mga ilaw sa simbahan ay hindi muna sisindihan.Isang malaking siga ang ihahanda sa isang naaangkop na dako sa labas ng simbahan. Kapag natitipon

    na ang mga tao, ang pari ay lalapit doon kasama ng mga tagapaglingkod. Isa sa mga ito ay siyangmagdadala ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.

    Babatiin ng tagapagdiwang ang natitipong tao ayon sa kinaugaliang paraan. Siyay magbibigay sa kanilang maikling paliwanag tungkol sa pagdiriwang. Maaaring ang sumusunod o anumang katumbas nito angkanyang ihahayag:

    P Mga kapatid,sa kabanal-banalang gabing ito

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    2/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    na pinangyayarihan ng pagtawidng ating Panginoong Hesukristomula sa pagkamatay patungo sa pagkabuhayang Sambayanan niya ay nag-aanyayasa lahat ng mga anak na nasa ibat ibang panig ng daigdig

    upang magtipun-tipon sa pagganapng magdamagang pagdiriwang.Sa pagganap natin sa alaala ng Paskong Panginoong nagtagumpaysa pakikinig ng Salita at paghahain ng kanyang buhaymaaasahan nating tayoy makakapakinabangsa kanyang pananaig sa kamatayanat pamumuhay sa piling niya at ng Amang Maykapal.

    Ang siga ay babasbasan.

    P Manalangin tayo.

    Ama naming makapangyarihan,sa pamamagitan ng iyong Anak kamiy iyong dinulutanng ningas ng iyong kaliwanagan.

    Ang bagong ningas na ito ay iyong gawing banal at ipagkaloob mong kamiy pagningasin nitongaming pagdiriwangupang makasapit kaming may dalisay na kaloobansa walang maliw na kaliwanagansa pamamagitan ni Hesukristo

    kasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan.

    B Amen.

    Ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay ay sisindihan mula sa bagong basbas na apoy.

    Alinsunod sa kakayanan ng mga tao, maaaring naaangkop na bigyang-diin ang kahalagahan atkahulugan ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa tulong ng karagdagang sagisag sa ganitong paraan.

    Pagkabasbas ng bagong apoy, ang isa sa mga tagapaglingkod ay siyang maghaharap ng kandila ngPasko ng Pagkabuhay sa pari. Ito ay guguhitan ng pari ng krus sa pamamagitan ng pang-ukit o pansulat.Iguguhit din dito ang mga titik na Griego:

    1. (Sa pagguhit sa krus mula sa itaas hanggang ibaba)P Si Kristo ang nagmamahal

    noon sa bayang hinirangngayon pa riy syang patnubay:Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    3/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    2. (Sa pagguhit sa bisig ng krus mula sa kaliwa hanggang sa kanan)

    P Si Kristo ang nagmamahalsimula pa noong araw,wakas natin syat hantungan:

    Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    3. (Sa pagguhit ng alpha sa ulunan ng krus)

    P Si Kristo ang pinagmulan:Alphay sagisag nyang tunay.Syay ating pinanggalingan:Si Hesukristoy nabuhay,Syay ating kaliwanagan.

    4. (Sa pagguhit ng omega sa paanan ng krus)

    P Si Kristo ang syang hantungan:Omegay kanyang larawan,Sya ang ating patunguhan:Si Hesukristoy nabuhaySyay ang ating kaliwanagan.

    5. (Sa pagguhit ng unang bilang ng taon, sa itaas na kaliwang sulok ng krus)

    P Kay Kristo ay nabibilang

    lahat ng panahot araw,bawat yugto ng pag-iral:Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    6. (Sa pagguhit ng ikalawang bilang ng taon, sa itaas na kanang sulok ng krus)

    P Kay Kristo ay nabibilangmga taong daan-daan,Hari sya ng kasaysayan:Si Hesukristoy nabuhay

    Syay ating kaliwanagan.

    7. (Sa pagguhit ng ikatlong bilang ng taon, sa ibabang kaliwang sulok ng krus)

    P Kay Kristo ang karangalanlahat ng kapangyarihan.Panginoong dinarangal:Si Hesukristoy nabuhay

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    4/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    4

    Syay ating kaliwanagan.

    8. (Sa pagguhit ng ikaapat na bilang ng taon sa ibabang kanang sulok ng krus)

    P Kay Kristo ang kapurihan

    ng buong sangkatauhanngayon at magpakailanman.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    Kapag naiguhit na ang krus at ang mga iba pang palamuti, maaring itusok ng pari ang limang butil nginsenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa balangkas ng krus, habang ipinahahayag:

    P 1. Sa sugat na lubhang banalni Hesus sa tagiliran lubhangdugot tubig ay lumitaw.

    Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    P 2. May sugat sa paang kanansi Hesus na nabayubaysa krus na kinamatayan.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanangan.

    P 3. Ang kaliwang paa namanni Hesus din ay sugatan

    pakoy naglagos na tunay:Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    P 4. At sa kanan niyang kamaySi Hesus diy pinakuankayat may sugat na taglay:Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    P 5. Sa kanyang kaliwang kamay

    si Hesus ay pinakuannoong buhay nyay ialay.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    Isisindi ang kandila sa bagong basbas na apoy habang ipinahahayag:

    P Mapawi nawang tuluyan

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    5/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    5

    ang dilim ng kasalanansa puso natit isipan:Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    Ilan o lahat sa mga binanggit na palamuti ay mailalagay, ayon sa makabubuti sa buhay kristiyano ngsambayanan. Ang mga Panayam ng mga Obispo ay makapagpapasya tungkol sa mga iba pang uri ngparaang lalong bagay sa kakayanan ng mga tao.

    Kapag talagang mahirap magsiga nang malaki, ang pagbabasbas sa apoy ay ibabagay sa katayuan.Kapag ang mga nagsisimba ay natitipon na sa simbahan alinsunod sa dating ginagawa nila, ang pari atmga tagapaglingkod niya, na may dalang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay, ay paroroon sa gawi ng pintong simbahan. Kung magagawa, ang mga tao ay susunod sa tingin sa pari; silay haharap sa gawi ng

    pintuan.

    Ang pagbati at ang maiksing paliwanag ay gagawin ayon sa nasasaad sa ika-8 talata. Pagkaraaybabasbasan ang apoy (ika-9 na talata) at, kung hinahangad ay papalamutian at sisindihan din angkandila ayon sa nasasaad sa mga ika-10 at ika-12 talata.

    PRUSISYON

    Ang diyakono o ang tagapagdiwang, kapag walang diyakono, ay siyang magdadala sa kandila ng Paskong Pagkabuhay. Itoy itataas niya habang inaawit:

    P Tayo nang magbigay-dangalkay Hesus na ating ilawsa diwa natit isipan.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    Sasagot ang lahat:

    B Salamat po, Poong banal,sa ilaw na iyong bigayupang kami ay tanglawan.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    Maaring magtakda ang mga Panayam ng mga Obispo ng lalong makahulugan at mahabang pagbubunyi.

    Lahat ay papasok sa simbahan, sa pangunguna ng may dalang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay. Kung

    ginagamit ang insensaryo, ang tagadala nito ay siyang mangunguna.

    Sa pintuan ng simbahan, itataas ang kandila at aawitin sa ikalawang pagkakataon:

    P Tayo nang magbigay-dangalkay Hesus na ating ilawsa diwa natit isipan.Si Hesukristoy nabuhay

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    6/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    6

    Syay ating kaliwanagan.

    Sasagot ang lahat:

    B Salamat po, Poong banal,

    sa ilaw na iyong bigayupang kami ay tanglawan.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    Lahat ay magsisindi ng kanilang kandila mula sa kandila ng Pasko ng Pagkabuhay. Magpapatuloy angpagpuprusisyon.

    Pagsapit ng maydala ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa dako ng dambana, haharap siya sa mgatao at aawitin sa ikatlong pagkakataon:

    P Tayo nang magbigay-dangal

    kay Hesus na ating ilawsa diwa natit isipan.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    Sasagot ang lahat:

    B Salamat po, Poong banal,sa ilaw na iyong bigayupang kami ay tanglawan.Si Hesukristoy nabuhay

    Syay ating kaliwanagan.

    Ang mga ilaw sa simbahan ay sisindhan.

    Ang Maringal na Pagpapahayag na Ngayoy Pasko ng Pagkabuhay

    Pagsapit sa gawi ng dambana, ang tagapagdiwang ay paroroon sa kanyang upuan. Ilalagay ang kandilasa patungan o kandelero nito na nasa gitnang dako ng dambana o malapit sa mataas na dakongnakalaan para sa mga pagbasa. Kung ginagamit ang insensaryo, ito y lalagyan ng insenso ayon saginaganap sa loob ng Misa, sa bahagi ng paghahayag ng Mabuting Balita. Ang diyakono ay makikusapna siyay gawaran ng pagpapala ng tagapagdiwang na mangungusap nang mahina:

    Sa iyong puso at sa iyong mga labimanahan nawa ang Panginoonupang marapat mong maipahayagna ngayon ay Pasko na ng Pagkabuhay,sa ngalan ng Ama at ng Anak X at ng Espiritu Santo.

    B Amen.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    7/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    7

    Hindi kinakailangang gawin ito kung ang pagpapahayag na ngayoy Pasko ng Pagkabuhay aygagampanan ng hindi naman diyakono.

    Ang aklat at ang kandila ay iinsensuhan. Ang diyakono o ang tagapagdiwang, kapag walang diyakono, ayaawit ng paghahayag ng Pasko ng Pagkabuhay mula sa mataas na dako para sa pagbasa o mula sa

    pulpito. Lahat ay tatayo na may tangang kandila.

    Kung kinakailangan, ang pagpapahayag na ngayoy Pasko ng Pagkabuhay ay magagampanan ng isangtao na hindi naman diyakono. Sa ganitong katayuan lalaktawan niya ang mga pangungusap nanaaangkop sa diyakono lamang.

    Ang pagpapahayag na ngayoy Pasko ng Pagkabuhay aymaaaring gawin sa mahaba o maiklingparaan. Ang mga Panayam ng mga Obispo ay maaaring magpasya tungkol sa pagkakaroon ng mgapagbubunyi para sa mga tao.

    ANG MAIKLING PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NA NGAYOY PASKO NGPAGKABUHAY

    1. Magalak ngayot magdiwang,

    mga anghel na kinapal,lahat tayoy mag-awitan:Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    2. Tambuli ng kaligtasanmaghudyat ng kagalakanmagsaya ang sanlibutan.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    3. Hinirang na sambayananbumubuo ng Simbahanmagsaya sa kaningningan.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    4. Ang puso natit isipanitaas sa kalangitanang Amay pasalamatan.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    5. Ngayon nga ang kapistahan

    ng Panginoong namatayukol sa ting kalayaan.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    6. Ngayon nga ang pagdiriwangng muli nating pagsilangsa tubig ng kaligtasan.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    7. Dyos Ama ng sanlibutan,pag-ibig mot katapatanpatawad sa amiy bigay.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    8. Hain namin itong ilawsagisag ng matagumpayna Anak mong minamahal.Si Hesukristoy nabuhaySyay ating kaliwanagan.

    I K A L A W A N G Y U G T O :A n g P a g p a p a h a y a g n g S a l i t a n g D i y o s

    Sa pagdiriwang na ito, na siyang ina ng Magdamagang Pagdiriwang, siyam na pagbasa ang nakalaan,pito mula sa Matandang Tipan at dalawa mula sa Bagong Tipan (ang Sulat at ang Mabuting Balita).

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    8/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    8

    Ang bilang ng mga pagbasa buhat sa Matandang Tipan ay maaaring bawasan alinsunod sa kaayusangmakabubuti sa pamumuhay kristiyano ng mga nagsisimba, subalit dapat ay huwag kalimutang ang

    pagbasa ng Salita ng Diyos ay pangunahing sangkap nitong Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ngPagkabuhay. Tatlo man lamang sanang pagbasa mula sa Matandang Tipan ay ipahayag bagamat kungmay mabigat na dahilan, maaari rin namang itoy maging dalawa. Ang pagbasa mula sa ika-14 nakabanata ng Exodo ay hindi dapat kaligtaan.

    Matapos ang pag-awit ng pagpapahayag na ngayoy Pasko na ng Pagkabuhay, papatayin ang sindi ngmga kandila at uupo ang lahat. Bago simulan ang paglalahad ng mga pagbasa, maaaring ang pari aymagsalita ng ilang pangungusap ng paliwanag katulad ng narito o ng anumang katumbas nito:

    P Mga kapatid,ngayong nasimulan na natinang Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay,makinig tayong mabuti sa Salita ng Diyos,isaloob natin kung paano niyang ginaganapsa ibat ibang yugto ng kasaysayanang pagliligtas niya sa mga hinirang na tao.

    Noon ngang sumapit ang itinakda niyang panahon,ang kanyang sariling Anak ang kanyang sinugoupang maging ating Tagapagligtas.Hilingin natin sa Diyosang kaganapan ng kaligtasanna nangyayari ngayonsa pagdiriwang ng Pasko ng pagtubos sa tanan.

    lsusunod ngayon ang paglalahad ng mga pagbasa. Isang tagapaglahad ng pagbasa ang paroroon samataas na dakong para sa pagbasa at ipahahayag niya ang Salita ng Diyos. Ang tagapamuno naman ng

    pag-awit ang siyang mangunguna sa pag-awit ng salmo at ang mga tao ay tutugon. Tatayo ang lahat atipahahayag ng pari ang paanyayang Manalangin tayo. Kapag nakapagdasal na nang tahimik anglahat, ipahahayag ng pari ang panalangin.

    Sa halip na sagutang pag-awit ng salmo, maaari rin namang magkaroon ng saglit na katahimikan. Kapagito ang ginawa, hindi na kailangang magkaroon ng patlang pagkatapos ng paanyayang Manalangintayo.

    Sa pagdiriwang na ito, siyam na pagbasa ang nakalaan, pito mula sa Matandang Tipan at dalawa mulasa Bagong Tipan. Ang bilang ng mga pagbasa buhat sa Matandang Tipan ay maaaring bawasanalinsunod sa tanging kadahilanan. Tatlo man lamang sanang pagbasa mula sa Matandang Tipan ayipahayag bagamat kung may mabigat na dahilan, maaari rin namang itoy maging dalawa. Ang pagbasamula sa ika-14 na kabanata ng Exodo (ikatlong pagbasa) ay hindi dapat kaligtaan.

    UNANG PAGBASAGenesis 1, 1. 26-31a

    Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

    Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit, sinabi ng Diyos: Ngayon,lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    9/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    9

    mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalakiat isang babae, at silay pinagpala. Wika niya, Magpakarami kayo at punuin ng inyongmga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ngkapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging

    malalaki o maliliit. Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy nainyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay ibibigay ko naman sa maiilap nahayop, malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon. At ito nga ang nangyari.Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan.

    Ang Salita ng Diyos.

    B Salamat sa Diyos

    SALMONG TUGUNANSalmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at 12. 13-14. 24 at 35k

    Tugon: Espiritu moy suguinPoon, tanay yong baguhin.

    Pinupuri ka, Poong Diyos, nitong aking kaluluwaikaw Panginoong Diyos ko, kay dakila mong talaga!

    Ang taglay mong kasuutay dakila rit marangal pa.Nababatbat ka, Poong Diyos, ng liwanag na kay ganda. (T)

    Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa,matatag na ginawa mot hindi ito mauuga.

    Ang ibabaw ng saligay ginawa mong karagatan,at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan. (T)

    Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan,sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.Sa naroong kakahuyay umaawit ng masaya,mga iboy nagpupugad sa malabay nilang sanga. (T)

    Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig,ibinuhos ang biyayat lumaganapsa daigdig.Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka.

    Nagkaroon ng halamang masaganang namumunga;anupat ang mga taoy may pagkaing nakukuha. (T)

    Sa daigdig, Panginoon, kay rami ng iyong likhapagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa,ang dami ng nilikha mong nakalaganap sa lupaPanginooy purihin mo, purihin mo, kaluluwa!Purihin ang Panginoon, o purihin mo nga siya! (T)

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    10/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    PANALANGIN

    P Manalangin tayo.

    Ama naming makapangyarihan,

    lahat ng iyong mga nilikha ay ikaw ang itinatampok.Naway maisaloob ngiyong mga tinubosna ang daigdig sa pasimulaay lalo mo pang pinadakilasa mga huling panahon ng pagsagip ni Kristona siyang inihaing Korderong pamaskona kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    B Amen.

    IKALAWANG PAGBASA

    Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18

    Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

    Noong mga araw na iyon: Sinubok ng Diyos si Abraham.Tinawag siya ng Diyos attumugon naman siya.Sinabi sa kanya, Isamamo ang pinakamamahal mong anak na siIsaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko saiyo, at ihandog mo siya sa akin. Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos, gumawa ngdambana si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong. Nang sasaksakin naniya ang bata, tinawag siya ng anghel ng Panginoon at mula sa langit ay sinabi:Abraham, Abraham! Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan!

    Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sakanya ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak. Paglingon niyay may nakita siyangisang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito angkinuha ni Abraham at inihandog kapalit ng kanyang anak. Mula sa langit, nagsalitangmuli kay Abraham ang anghel ng Panginoon. Wika nito, Akong Panginoon angnangangako sa iyo: yamang hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak,pagpapalain kita. Ang lahi moy magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sadagat. Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. Sa pamamagitan ngiyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat ikaw ay tumalima saakin.

    Ang Salita ng Diyos.

    B Salamat sa Diyos

    SALMONG TUGUNANSalmo 15, 5 at 8. 9-10. 11

    Tugon: Dyos ko, ang aking dalangiy

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    11/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    akoy iyong tangkilikin.

    Ikaw lamang, Panginoon, ang lahat sa aking buhay.Akoy iyong tinutugon sa lahat kong kailangan;ang biyayang kaloob mo ay kahanga hangang tunay.

    Nababatid ko na ikay kasama ko oras-oras,sa piling mo kailanmay hindi ako matitinag. (T)

    Kayat akoy nagdiriwang, ang diwa koy nagagalak,ang lagi kong nadaramay hindi ako matitinag.Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas. (T)

    Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,sa piling moy madarama ang lubos na kagalakan;ang tulong moy nagdudulot ng ligayang walang hanggan. (T)

    PANALANGIN

    P Manalangin tayo.Ama naming makapangyarihan,pinararami mo sa sanlibutanang mga anak na sa pangako moy sumilangbunga ng paglawak ng saklaw ng iyong paghirang.Sa pagbibinyag, ginagawa mong matupadang iyong pangakong si Abraham ay maging ama ng lahat.Ipagkaloob mong ang iyong sambayanan

    ay marapat na makatugon sa iyong panawagansa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    B Amen.

    IKATLONG PAGBASAExodo 14, 15 - 15, 1

    Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

    Noong mga araw na iyon: Sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit mo akotinatawag? Palakarin mo ang mga Israelita. Itapat mo sa ibabaw ng dagat ang iyongtungkod; mahahati ang tubig at matutuyo ang lalakaran ninyo. Lalo kongpagmamatigasin ang mga Egipcio at pasusundan ko kayo sa kanila, ngunit doon silalilipulin: ang mga Egipcio, ang mga kawal ng Faraon, pati ang kanilang mga karwahe.Ipakikita ko sa kanila ang aking kapangyarihan. Sa gayon, malalaman ng mgaEgipciong iyan na ako ang Panginoon.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    12/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    Ang anghel ng Diyos na pumapatnubay sa paglalakbay ng mga Israelita aynagpatihuli sa kanila, gayon din ang haliging ulap. Ang ulap ay lumagay sa pagitan ngmga Israelita at ng mga Egipcio at lumatag ang kadiliman. Dumating ang gabi at angmga Egipcio ay di makalapit sa mga Israelita.

    Itinapat ni Moises ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat. Magdamag na

    pinaihip ng Panginoon ang isang malakas na hangin mula sa silangan at nahati angtubig. Ang mga Israelitay bumagtas sa dagat na ang nilakaray tuyong lupa, sa pagitanng animoy pader na tubig. Hinabol sila ng mga Egipcio, ng mga kawal, karwahe atkabayuhan ng Faraon. Nang magbubukang-liwayway na, ang mga Egipcioy ginulo ngPanginoon mula sa haliging apoy at ulap. Nalubog ang gulong ng mga karwahe at hindina sila makatugis nang matulin. Kaya sinabi nila, Umalis na tayo rito sapagkat angPanginoon na ang kalaban natin.

    Sinabi ng Panginoon kay Moises, Itapat mo ang iyong tungkod sa ibabaw ngdagat at tatabunan ng tubig ang mga Egipcio pati ng kanilang karwahe. Ganoon ngaang ginawa ni Moises, at pagbubukang-liwayway,nanumbalik sa dati ang dagat. Angmga Egipcioy nagsikap makatakas ngunit pinalakas ng Panginoon ang dating ng tubig

    kayat silay nalunod na lahat. Nang manauli ang dagat, natabunan ang mga karwahetkabayo ng Faraon, pati ng kanyang mga kawal at walang natira isa man. Ngunit angmga Israelitay nakatawid sa dagat, na tuyo ang dinaanan, sa pagitan nganimoy pader na tubig.

    Nang araw na yaon ang mga Israelitay iniligtas ng Panginoon sa mga Egipcio;nakita nila ang bangkay ng mga Egipcio, nagkalat sa baybay-dagat. Dahil sakapangyarihang ipinakita ng Panginoon laban sa mga Egipcio, nagkaroon sila ng takotsa kanya at sumampalataya sila sa kanya at sa alagad niyang si Moises.

    Ito ang inawit ni Moises at ng mga Israelita para saPanginoon: Ang Panginooy atin ngayong awitan sa kanyang kinamtang Dakilangtagumpay; ang mga kabayot kawal ng kaaway sa pusod ng dagat, lahat natabunan.

    Ang Salita ng Diyos.

    B Salamat sa Diyos

    SALMONG TUGUNANExodo 15, 1-2. 3-4. 5-6. 17-18

    Tugon: Poon ay ating awitansa kinamtan nyang tagumpay.

    Ang Panginooy atin ngayong awitansa kanyang kinamtang Dakilang tagumpay;ang mga kabayot kawal ng kaawaysa pusod ng dagat, lahat natabunan.

    Akoy pinalakas niyat pinatatag,Siya ang sa akiy nagkupkop, nag-ingat,Diyos ng magulang ko, aking manliligtas. (T)

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    13/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    Siyay mandirigma na walang kapantay,Panginooy kanyang pangalan.Nang ang mga kawal ng Faraonsa Dagat ng mga Tambo ay mangagsilusong,ang lahat ng ito ay kanyang nilunod

    pati na sasakyay kanyang pinalubog. (T)

    Silay natabunan ng alon ng dagat,tulad nilay batong lumubog kaagad.

    Ang mga bisig mo ay walang katulad,wala ngang katulad, walang kasinlakas,Sa isang hampas mo, kaaway nangalat,nangadurog mandin sayong mga palad. (T)

    Silay dadalhin mo sa pinili mong bundok.Sa lugar na itinangi mo, para maging iyong lubos

    at sa santwaryong natayo ayon sa iyong loob.Ikaw, Poon, maghahari magpakailanman. (T)

    PANALANGIN

    P Manalangin tayo.

    Ama naming makapangyarihan,ang idinudulot mong pagpapalaya noon ay sa iyongsambayananmula sa pang-aapi ng haring sa kanilay nagpapatay

    ay nababanaagan namin kahit sa aming kapanahunansa inyong pagliligtas na iyong ginaganap sa mulingpagsilangng mga bininyagang mula sa ibat ibang bansa at bayan.Ipagkaloob mong ang pagiging anak ni Abrahamat ang dangal na sa Israel mapabilangay maging lubos na kapalaran ng sanlibutansa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    B Amen.

    IKAAPAT NA PAGBASAIsaias 54, 5-14

    Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

    Ang iyong naging kasintahay ang may likha sa iyo, Siya ang MakapangyarihangPanginoon; ililigtas ka ng Diyos ng Israel, Siya ang hari ng lahat ng bansa. Israel, ang

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    14/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    katulad mo ay babaing bagong kasal, iniwan ng asawa, batbat ng kalungkutan. Ngunittinawag kang muli ng Panginoon sa kanyang piling at sinabi: Sandaling panahongkitay iniwanan ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig, muli kitang kukupkupin. Sa tindi nggalit nilisan kita sandali, ngunit habang panahon kong ipadarama sa iyo ang tapat kongpagmamahal. Iyan ang sabi ng Panginoon na nagligtas sa iyo.

    Nang panahon ni Noe,Ako ay sumumpang di na mauulit na ang mundong itoygunawin sa tubig. Gayon din sa ngayon, iiwasan ko nang sa iyoy magalit at hindi nakita parurusahan uli. Maguguho ang mga bundok at ang mga burol, ngunit ang pag-ibigkoy hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking pangako. Iyan ang sinasabing Diyos na Panginoon, na nagmamahal sa iyo.

    Sinabi ng Panginoon, O Jerusalem, nagdurusang lungsodna walang umaliw sakapighatian, muling itatayo ang mga pundasyon mo, ang gagamitin koy mamahalingbato. Gagamitiy rubi sa mga tore mo, batong maningning ang iyong pintuan, at sa mgapader ay mga hiyas na makinang. Ako ang magtuturo sa iyong mga anak. silaymagiging payapa at buhay ay uunlad. Patatatagin ka ng katarungan at katuwiran,magiging malayo sa mananakop at sa takot.

    Ang Salita ng Diyos.

    B Salamat sa Diyos

    SALMONG TUGUNANSalmo 29, 2 at 4. 5-6. 11 at 12a at 13b

    Tugon: Poong sa akiy nagligtas,ang dangal moy aking galak.

    O Panginoon ko,sa iyong ginawa, kitay pinupurit akoy iniligtas,kaya ang kaaway ay di na nakuhang matuwat magalak.Mula sa libingang daigdig ng patay, hinango mo akoat muling binuhay;ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman. (T)

    Purihin ang Poon,Siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang.Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal,ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan!

    Hindi nagtatagalyaong kanyang galit, at ang kabutihan niyay walang wakas.

    Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag,sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot,kapalit ay galak. (T)

    Kayat akoy dinggin,Ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan,

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    15/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan.Nadama koy galak nang iyong hubarin ang aking panluksa. Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay di magsasawa. (T)

    PANALANGIN

    P Manalangin tayo.

    Ama naming makapangyarihan,sa ikadarakila ng iyong ngalanparamihin mo ang mga nakikinabang sa iyong pagpapalangbigaysa mga ninuno namin sa pagsampalataya sa iyong katapatan.Ngayong ang iyong paghirang ay sanlibutan na ang saklawang matibay na pinanaligan ng mga ninuno naming banalay matanto nawa naming nagkaroonna ng malaking katuparan

    sa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    B Amen.

    IKALIMANG PAGBASAIsaias 55, 1-11

    Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

    Sinabi ng Panginoon, Narito ang tubig, mga nauuhaw. Ang mga walang salapi ay

    kumuha rito at bumili ng pagkain. Halikayo at bumili ng alak at gatas, bumili kayo, ngunitwalang bayad. Bakit ginugugol ang salapi sa mga bagay na hindi nakabubusog? Bakitinuubos ang pera sa mga bagay na walang halaga? Makinig kayo sa akin at sundin angutos ko at matitikman ninyo ang pinakamasarap na pagkain. Pumarito kayo, kayo aylumapit at akoy pakinggan, makinig sa akin nang kayoy mabuhay; akoy may gagawingwalang hanggang tipan, at ipalalasap sa inyo ang pagpapalang ipinangako ko kayDavid. Ginawa ko siyang hari at puno ng mga bansa at sa pamamagitan niyayipinamalas ang aking kapangyarihan. Iyong tatawagin ang mga bansang hindi mo kilala,mga bansang di ka kilalay sa iyo pupunta, dahilan sa Panginoon, Banal ng Israel, angDiyos na nagpalat sa iyoy dumakila. Hanapin ang Panginoon samantalang siyayiyong makikita, Siya ay tawagin habang malapit pa. Ang mga gawain ng taong

    masamay dapat nang talikdan, at ang mga likoy dapat magbago na ng maling isipan;silay manumbalik, lumapit sa Panginoon upang kahabagan, at mula sa Diyos,matatamo nila ang kapatawaran, ang wika ng Panginoon: Angaking isipay di ninyoisipan, at magkaiba ang ating daan. Kung paanong ang langit higit na mataas, mataassa lupa, ang daat isip koy hindi maaabot ng inyong akala. Ang ulan at niyebepaglagpak sa lupay di na nagbabalik, aagos na ito sa balat ng lupat nagiging pandilig,Kaya may pagkait butil na panghasik. Ganyan din ang aking mga salita,magaganap nito ang lahat kong nasa.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    16/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    Ang Salita ng Diyos.

    B Salamat sa Diyos

    SALMONG TUGUNAN Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6

    Tugon: May galak tayong sumaloksa batis ng Manunubos.

    Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin,tiwalang-tiwala ako at wala munti mang pangamba.Sapagkat ang Poon ang lahat sa akin,Siya ang aking awit, ang aking kaligtasan.Malugod kayong sasalok ng tubig

    sa batis ng kaligtasan. (T)

    Magpasalamat kayo sa Poon,Siya ang inyong tawagan;ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang ginawa.Ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.(T)

    Umawit kayo ng papuri sa Poon,sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,ipahayag ninyo ito sa buong daigdig.Mga anak ng Sion, umawit kayo nang buong galak,

    sapagkat nasa piling ninyo ang dakilaat ang Banal ng Israel. (T)

    PANALANGIN

    P Manalangin tayo.

    Ama naming makapangyarihan,ang sanlibutan ay walang ibang inaasahan kundi ikawna sa pahayag ng iyong mga propetaay naglalahad ng iyong balak na maganda.

    Malugod mong pagyamanin ang aming pananaligsapagkat wala kaming makakamit nang hindi mo iniibigpara kamiy sa iyo mapalapitsa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    B Amen.

    IKA-ANIM NA PAGBASA

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    17/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    Baruc 3, 9-15. 32 - 4, 4

    Pagbasa mula sa aklat ni propeta Baruc

    Dinggin mo, Israel, ang mga kautusang nagbibigay-buhay; makinig ka at nang ikaw ay

    matuto. Israel, bakit ka nasa lupain ng iyong mga kaaway? Bakit ka tumanda sa ibanglupain? Bakit itinakwil kang parang patay at ibinilang na sa mga patay? Ang dahilan aysapagkat itinakwil mo ang bukal ng Karunungan. Kung lumakad ka lang sa landas ngDiyos, sanay namumuhay kang matiwasay sa habang panahon. Hanapin mo ang bukalng pang-unawa, lakas at kaalaman, at malalaman mo kung nasaan ang mahabangbuhay, ang liwanag na sa iyoypapatnubay, at ang kapayapaan. May nakatuklas na bakung saan nakatira ang Karunungan, o nakapasok sa kanyang taguan ng yaman? AngDiyos na nakaaalam ng lahat ng bagay ang tanging nakakikilala sa Karunungan.Natatarok din niya ito sa pamamagitan ng kanyang kaalaman. Siya ang lumikha atnaglagay dito ng lahat ng uri ng mga hayop. Nag-utos siya at lumitaw ang liwanag;nanginginig ito sa takot kapag siyay tumatawag. Tinawag din niya ang mga tala atmadali silang nagsitugon: Narito po kami. Lumagay sila sa kani-kanilang lugar atmasayang nagniningning para bigyang lugod ang lumikha sa kanila. Ito ang ating Diyos!Walang makapapantay sa kanya. Alam niya ang daan ng Karunungan, at itoyipinagkaloob niya sa lingkod niyang si Jacob, kay Israel na kanyang minamahal. Mulanoon, nakita na sa daigdigang Karunungan, at nanatili sa sangkatauhan. AngKarunungan ang siyang aklat ng mga utos ng Diyos, ang batas na mananatilimagpakailanman. Ang manghawak ditoy mabubuhay, at ang tumalikod aymamamatay. O bayang Israel, tanggapin ninyo ang Karunungan at lumakad kayo sakanyang liwanag. Huwag ninyong ibigay sa ibang lahi ang inyong karangalan at mgamkarapatan. Mapalad tayo, mga Israelita, pagkat alam natin kung ano ang nakasisiya saDiyos.

    Ang Salita ng Diyos.

    B Salamat sa Diyos

    SALMONG TUGUNANSalmo 18, 8. 9. 10. 11

    Tugon: Panginoon, iyong taglayang Salitang bumubuhay.

    Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,

    itoy utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan,nagbibigay ng talino sa pahat ang kaisipan. (T)

    Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos,liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod;itoy wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos, pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot. (T)

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    18/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    .Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,isang banal na tungkulin na iiral na parati;pati mga hatol niyay matuwid na kahatulan,kapag siya ang humatol, ang pasiya ay pantay-pantay. (T)

    Itoy higit pa sa ginto, na maraming nagnanais,higit pa sa gintong lantay na ang hangad ay makamit;matamis pa kaysa pulot, sa pulot na sakdal tamis,kahit anong pulot ito na dalisay at malinis. (T)

    PANALANGIN

    P Manalangin tayo.

    Ama naming makapangyarihan,

    lagi mong pinararami ang iyong tinatawagansa mga bansa ng sanlibutan.Ipagkaloob mo ang iyong patuloy na pagtangkiliksa iyong mga dinadalisay sa pambinyag na tubigsa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan.

    B Amen.

    IKAPITONG PAGBASA

    Ezekiel 36, 16-17a. 18-28

    Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

    Sinabi sa akin ng Panginoon, Tao, nang ang Israel ay unang tumira sa kanilang lupain,pinarumi nila ito sa kanilang kasamaan. At dahil sa dugong pinadanak nila sa lupain, atdahil sa kanilang mga diyus-diyusan, ibinuhos ko sa kanila ang aking matinding poot.Itinapon ko sila at ikinalat sa ibat ibang panig ng daigdig. Ginawa ko sa kanila angnararapat sa kanila. Ngunit sa mga lugar na kinatapunan nila, binigyang-daan nila angmga tao upang hamakin ang aking pangalan. Sinabi ng mga tao sa kanila, Hindi basilay mga mamamayan ng Panginoon, bakit pinaalis sa kanilang bayan? Nabahala ako

    dahil sa banal kong pangalan na ipinahamak ng mga Israelita sa mga dakongkinapuntahan nila. Kaya sabihin mo sa Israel na ito ang ipinasasabi ko: Lahat ngginagawa ko ay hindi dahil sa inyo, mga Israelita, kundi sa banal kong pangalan nainyong binigyan-daang hamakin sa mga lugar na pinagtapunan ko sa inyo. Ipakikita koang kabanalan ng dakila kong pangalan na nalapastangan sa harap ng mga bansa.Makikilala ng lahat na ako ang Panginoon kung maipakita ko na sa kanila ang akingkabanalan. Titipunin ko kayo mula sa ibat ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan.Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayoy luminis. Aalisin ko rin ang naging

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    19/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    1

    mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyus-diyusan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso atbagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong masunurin. Bibigyanko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin atmasunod ninyong mabuti ang aking mga utos. Ititira ko kayo sa lupaing ibinigay ko sainyong mga ninuno. Kayo ay magiging bayan ko at ako ang inyong Diyos.

    Ang Salita ng Diyos.

    B Salamat sa Diyos

    SALMONG TUGUNANSalmo 41, 3. 5bkd; Salmo 42, 3. 4

    Tugon: Parang usang nauuhawakong sabik sa Maykapal.

    Nananabik ako sa Diyos, Diyos na buhay, walang iba;kailan kaya maaaring sa harap mo ay sumamba? (T)

    Papunta sa templo ng Diyos ako ang siyang nangunguna;pinupuri namin ang Diyos, sa pag-awit na masaya! (T)

    Ang totoot ang liwanag, buhat sayo ay pakamtan,upang sa Sion ay mabalik, sa bundok mong dakong banalsa bundok mong pinagpala,at sa templo mong tirahan. (T)

    Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog,yamang galak at ligaya ang sa akiy iyong dulot; sa saliw ng aking alpay magpupuri akong lubosbuong lugod na aawit ako sa Diyos na aking Diyos! (T)

    PANALANGIN

    P Manalangin tayo.

    Ama naming makapangyarihan,ang lakas mo ay hindi nababawasan,ang liwanag mo ay nagniningning kailanman.Tunghayan mo ang pagdiriwang ng iyong sambayananat ganapin mo ang iyong pagsagip sa tanan.Naway madamaat mamalas ng sanlibutanna ang mga hamak ay idinarangal,ang mga nasa lumang kasalanan ay napagbago na namanat kay Kristo nagkakaugnay-ugnay ang tanansapagkat siya ang pinagsisimulanngayon at magpasawalang hanggan.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    20/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    B Amen.

    Pagkatapos ng huling pagbasa mula sa Matandang Tipan at ng salmong sagutan at kaugnay napanalangin, ang mga kandila sa dambana ay sisindihan, at pasisimulan ng pari ang pag-awit ng Papurisa Diyos,na itutuloy namang awitin ng lahat ng nagsisimba. Tutugtugin ang mga batingaw, alinsunod saumiiral na kaugalian.

    GLORIA

    Ang lahat ng kampana ng simbahan ay tutugtugin.

    Papuri sa Diyos sa kaitaasanat sa lupa'y kapayapaansa mga taong kinalulugdan N'yapinupuri Ka namin, dinarangal Ka naminsinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka naminpinasasalamatan Ka namindahil sa dakila Mong angking kapurihan

    Panginoong Diyos hari ng langitDiyos Amang makapangyarihan sa lahatPanginoong Hesukristo, bugtong na anakPanginoong Diyos Kordero ng Diyos

    Anak ng Ama

    Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutanmaawa Ka sa aminlkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutantanggapin Mo ang aming kahilinganIkaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa Ka sa amin

    Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang katas-taasanikaw lamang O Hesukristo ang Panginoonkasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen.

    Sa katapusan ng pag-awit, isusunod ng pari ang pagpapahayag ng pambungad na panalangin sa datingparaan.

    PANALANGINP Manalangin tayo.

    Ama naming makapangyarihan,ang kabanal-banalang gabing itoay pinagliliwanag mosa kadakilaan ng pagkabuhay ni Kristo.

    Antigin mo ang Espiritu ng pagkupkop moupang sa pagbabago ng aming buong pagkataokamiy wagas na makapaglingkod sa iyosa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    B Amen.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    21/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    Ipahahayag ng tagapaglahad ng pagbasa ang Salita ng Diyos mula sa Sulat ni Apostol San Pablo.

    SULATRoma 6, 3-11

    Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

    Mga kapatid: Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay KristoHesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayoy namatay at nalibingna kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay na muli siKristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo namay mabuhay saisang bagong pamumuhay.

    Sapagkat kung nakaisa tayo ni Kristo sa isang kamatayang tulad ng kanyangkamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ngkanyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasamaniya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ngkasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ngkasalanan. Ngunit tayoy naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kungnamatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi namuling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Nang siyaymamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayoypara sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa kasalanandatapwat buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.

    Ang Salita ng Diyos.

    B Salamat sa Diyos

    Pagkabasa ng sulat ay tatayo at maringal na pasisimulan ng pari ang pag-awit ng Aleluya na uulitin

    naman ng lahat ng nagsisimba.

    Ipahahayag ng taga-awit ang salmo at sa bawat taludtod ang lahat ay sasagot ng Aleluya. Kungkinakailangan, maaari rin namang ang raga-awit na ito ang siyang magpasimula sa Aleluya.

    SALMONG TUGUNANSalmo 117, 1-2. 16ab-17. 22-23

    Tugon: Aleluya! Aleluya! Aleluya!

    O pasalamatanang Dyos na Panginoon, pagkat siyay mabuti;

    ang kanyang- pag-ibigay napakatatag at mananatili.

    Ang taga-Israel,bayaang sabihit kanilang ihayag,Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas. (T)

    Ang lakas ng Poon,ang siyang nagdulot ng ating tagumpay

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    22/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    sa pakikibaka sa ating kaaway.Aking sinasabingdi ako papanaw, mabubuhay ako upang isalaysayang gawa ng Diyos na Panginoon ko. (T)

    Ang batong natakwilng nangagtatayo ng tirahang-bahay,sa lahat ng batoy higit na mahusay.

    Ang lahat ng itoang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod. (T)

    Maaaring gumamit ng insenso sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, subalit hindi na dapat dalhin angmga kandila.Isusunod naman ang homilya. Pagkatapos nito ay pasisimulan ang pagdiriwang ng binyag.

    MABUTING BALITA

    Mateo 28, 1-10

    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

    Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukangliwayway ng unang araw ngsanlinggo, pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria.Biglang lumindol nang malakas. Bumaba mula sa langit ang isang anghel ngPanginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Angkanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyangdamit. Nanginig sa takot ang mga bantay at nabulagtang animoy patay nang makitaang anghel. Ngunit sinabi nito sa mga babae, Huwag kayong matakot; alam kong

    hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagka t siyay mulingnabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.Lumakad na kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siyay muling nabuhay atmauuna sa Galilea. Makikita ninyo siya roon! Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo. Atdali-dali silang umalis ng libingan. Pinagharian sila ng magkahalong takot at galak. Atpatakbong nagpunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari. Ngunit sinalubong silani Hesus at binati. At lumapit sila, niyakap ang kanyang paa at sinamba siya. Sinabi sakanila ni Hesus, Huwag kayong matakot! Humayo kayo at sabihin sa mga kapatid kona pumunta sila sa Galilea at makikita nila ako roon!

    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

    B Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

    HOMILIYA

    I K A T L O N G Y U G T O :A n g P a g d i r i w a n g n g P a g b i b i n y a g

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    23/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    Ang tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay paroroon sa pook ng pagbibinyag, kung itoy lantad sapaningin ng mga nagsisimba. Kung hindi ito lantad, ang kinalalagyan ng tubig ay dadalhin sa dako ngdambana.

    Kung may bibinyagan, silay tatawagin upang lumapit sa unahan at maiharap ng mga ninong at ninangnila sa pari. Kung mga bata ang bibinyagan, ang mga magulang at mga ninong at ninang ang magdadala

    sa mga ito sa harapan ng mga natitipong tao.Kung mayroong mga bibinyagan:

    N Tumayo po ang lahat.

    P Sa mga pagluhog natin, mga minamahal na kapatid,tulungan natin ang ating mga kapatid na may pananaligupang ang Ama nating makapangyarihanay siyang tumangkilik sa mga isisilang sa binyagpakundangan sa kanyang pag-ibig.

    Ang pagtawag sa mga banal ay aawitin ng mga namumunong dalawang taga-awit. Lahat ng nagsisimba

    ay tatayo alinsunod sa kaugaliang umiiral sa buong panahon ng Pagkabuhay at silay tutugon.

    Kung may prusisyong mahaba patungo sa pook ng pagbibinyag, gagawin ang pagtawag sa mga banalhabang nagpuprusisyon. Sa ganitong kaayusan, ang mga bibinyagan ay tatawagin muna, upang lumapitat saka pa lamang sisimulan ang prusisyon. Ganito ang pagkakasunud-sunod ng mga kabilang sa

    prusisyon: ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay ay dadalhin sa unahan, itoy susundan ng mgabibinyagan na sinasabayan ng kanilang mga ninong at ninang, sa gawing huli ang pari at mgatagapaglingkod. Ang paanyayang nasa itaas ay sasabihin ng pari bago niya basbasan ang tubig.

    Kung walang bibinyagan at hindi magbabasbas ng tubig pambinyag, lalaktawan ang pagtawag sa mgabanal at gagawin kaagad ang pagbabasbas ng tubig na iwiwisik (ika-45 na talata).

    Sa pagtawag sa mga banal, maaaring magdagdag pa ng ngalan ng mga iba pang banal, lalo na ang

    ngalan ng Tagapag-tangkilik ng simbaban ng pook, o kayay ang ngalan ng mga banal na pinipintuho ngmga bibinyagan.

    LITANYA NG MGA SANTO

    Kapag may bibinyagan ngayon, ipahahayag ang panalanging ito ng paring magkadaop ang kamay.

    P Ama naming makapangyarihan,halina at gawin mong makapiling namin ikawngayong ang muling pagsilang ay ipinagdiriwangsa pagbibinyag sa mga bagong kaanib ng iyongsambayanan.Isugo mo ang Espiritu ng iyong pagkupkopupang ang ginaganap naming mapagpakumbabangpaglilingkoday magdulot ng iyong lubusang kaloobsa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    B Amen.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    24/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    PAGBABASBAS SA TUBIG

    Ngayoy babasbasan ng tagapagdiwang ang tubig pambinyag. Ipahahayag niya ang panalangin nangmagkadaop ang mga kamay.

    P Ama naming makapangyarihan,bagamat natatago sa aming paningin,ang kapangyarihan mong maggawad ng iyong buhay sa aminay inilalahad ng mga pananda ng iyong paglagi sa aming pilinganupat ang tubig na iyong nilikhaay naging tagapagpahayag ng iyong pagpapala.

    Ama namin, noong ang daigdig ay iyong lalanginang iyong Espiritu ay lumulukob na sa tubigbilang simoy ng hanginupang ang kakayanan nitong bumuhayay maging tagapagdulot ng iyong kabanalan.

    Ama namin, ang sansinukob ay iyong panibagong ginawanoong ipahintulot na magkaroon ng malaking bahaupang ipahiwatig na ang tubig ay may katangianna tumapos sa kasamaan at magpasimula ng kabutihan.

    Ama namin, ang mga anak ni Abrahamay pinatawid mo sa karagatannoong silay palayain mo sa pagkaalipin sa Ehiptoupang ipahiwatig ang mangyayari sa mga bibinyaganbilang mga kaanib sa iyong sambayanan.

    Ama namin,niloob mong noong binyagan ni Juan sa Ilog-Jordanang Anak moay maganap ang paglukob sa kanya ng Espiritu Santo.Niloob mong dumaloy ang dugo at tubigsa sinibat na puso ng Anak mong iniibig.Niloob mong mabuhay muli ang iyong Anakna nag-utos sa mga alagad:Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa.Binyagan ninyo silasa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.Magtaglay nawa itong tubig ng pagpapalangkaloob ng Espiritu Santona idinudulot ng mahal na Anak moupang ang mga tao na pawang nilikhaayon sa iyong larawang dakilangunit nasadlak sa lusak ng kasalanan

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    25/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    ay mahugasan ngayong silay bibinyaganpara makabangong taglay ang iyong kalinisansa muling pagsilang sa tubig at Espiritu Santobilang mga kaanib ng iyong angkan.

    Maaaring ilubog ng tagapagdiwang ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay nang minsanan o makaitlongulit, habang patuloy niyang ipinahahayag:

    P Ama namin, iniluluhog namin sa iyo,manaog nawa sa tubig na itoang kapangyarihan ng Espiritu Santosa pamamagitan ni Hesukristoupang mapuspos ng iyong Espirituitong pambinyag na tubig

    Ang kandila ay hahawakan ng pari habang itoy nakatayo sa tubig.

    at sa gayoy lahat ng nakikiisasa kamatayan niya sa pamamagitan ng binyagay muling mabuhay na siya rin ang kasamabilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan.

    B Amen.

    Iaalis muna sa tubig ang kandila habang ang mga tao ay umaawit ng pagbubunyi:

    B Kaisa ng mga bukal

    ng tubig sa sanlibutanbatis, ilog, karagatanaming pinapupurihanpag-ibig mong walang hanggan.

    Maaaring umawit ng anumang pagbubunyi na bagamat naiiba ay dapat na katugma nito sa diwa atmay angkop na nilalaman.

    Ang mga bibinyagan ay isa-isang magpapahayag ng pagtatakwil sa kasamaan at sasagot sapagtatanong tungkol sa pananampalataya. Pagkatapos nito, sila ay bibinyagan.

    Ang mga may gulang sa hanay ng mga bagong binyag ay kukumpilan kaagad makaraang mabinyagan,

    kung may obispong nangungulo sa pagdiriwang na ito o kayay kung may paring nagtataglay ngganitong kapahintulutan.

    N Maupo ang lahat at tahimik nating saksihan ang pagbibinyag.

    PAGTATAKWIL SA KASALANAN AT PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

    P N. at N.,

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    26/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    sa loob ng ilang linggo ay inihanda kayopara sa iyong binyag,at ngayon kayo ay humihinging mabinyagan.Kami ay nangangakong tutulungan kayosa pamamagitan ng aming halimbawa ng tunay

    at buhay na pananampalataya.Ngayon, sa harap ng Bayan ng Diyos,ipahayag ninyo ang iyong pananampalataya.Itinatakwil ba ninyo si Satanas, ang kanyang mga gawain atang kanyang pang-aakit?

    Bibinyagan:Opo, itinatakwil ko.

    P Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na maylikha ng langit at lupa?

    Bibinyagan: Opo, sumasampalataya ako.

    P Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo,iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,ipinako sa krus, namatay, inilibing, muling nabuhayat naluluklok sa kanan ng Ama?

    Bibinyagan:Opo, sumasampalataya ako.

    P Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo,

    sa banal na Simbahang Katolika,sa kasamahan ng mga banal,sa kapatawaran ng mga kasalanan,sa muling pagkabuhay ng mga namatay,at sa buhay na walang hanggan?

    Bibinyagan:Opo, sumasampalataya ako.

    PAGBIBINYAG

    Tatlong ulit na ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig ang nagpapabinyag.

    P N., ikaw ay binibinyagan ko sa ngalan ng Ama,

    Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa unang pagkakataon.

    at ng Anak,

    Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa ikalawang pagkakataon.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    27/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    at ng Espiritu Santo.

    Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa ikatlong pagkakataon.

    PAGLALAGAY NG LANGIS

    Kapag may dahilan para ipagpaliban ang kumpil, gaganapin ng nagbinyag ang paglalagay ng langis.

    P Ang pagpapahid ng langis ay nagpapakilalang paglukob ng Espiritu Santosa muling isinilang sa binyag.Maging matatag ka nawasa iyong pakikiisa kay Kristong hari, pari, at propeta,ngayon at magpakailanman.

    B Amen.

    Lalagyan ng langis ang tuktok ng bagong binyag.

    PAGBIBIGAY NG DAMIT PAMBINYAG

    P Ang damit pambinyagay tanda ng muling pagsilang kay Kristoat ng dakilang karangalan ng mga anak ng Diyos.Naway manatiling wagasat walang bahid-dungis ang inyong karangalanhanggang inyong matamo ang buhay na walang hanggan.

    B Amen.

    llalagay ng ninong at ninang sa kanilang inaanak ang damit pambinyag.

    PAGBIBIGAY NG KANDILANG NAGDIRINGAS

    Tatanganan o hahawakan ng tagapagdiwang ang kandila ng pagkabuhay.

    P Tayo nang magbigay-dangalkay Hesus na ating ilaw sa diwa natit isipan.

    B Amen.

    P Si Hesukristoy nabuhay.Siyay ating kaliwanagan.

    Mula sa kandila ng pagkabuhay, sisindihan ng ninong at ninang ang kandila para sa kanilang inaanak.laabot ng ninong o ninang sa kanilang inaanak ang kandilang nagdiringas.

    P Ang ilaw na ito ay tanda ng liwanag ni Kristo

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    28/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    na tinanggap sa binyag.Naway mag-alab ito sa iyong pusot diwahanggang sa pagbabalik ni Kristong ating Panginoon.

    B Amen.

    N Ngayon ay gaganapin natin ang Sakramento ng Kumpil.

    KUMPILKapag obispo ang nagbinyag, dapat niyang isunod kaagad ang pakukumpil. Kapag wala ang obispo,ang kumpil ay maigagawad ng paring nagbinyag.

    PAGPAPATONG NG MGA KAMAYAng magkukumpil ay haharap sa mga tao at magkadaup-palad niyang aawitin o bibigkasin angsumusunod:

    P Mga kapatid,

    noong binyagan ang mga kukumpilan ngayon,silay muling isinilang:ipinagkaloob sa kanila ng Diyosang kanyang sariling buhaykayat silay naging mga anak niya.Idalangin natin ngayon sa Diyos Amana ipagkaloob niya sa kanila ang Espiritu Santoupang silay mapuspos ng kanyang lakasat bunga ng pagpapahid ng banal na langisay maging higit silang katulad ni Kristo,ang Anak ng Diyos.

    Tahimik na dadalangin ang lahat.Ipapatong ng magkukumpil ang kanyang mga kamay sa ulo ng mga kukumpilan. Siya lamang ang aawito bibigkas ng sumusunod:

    P O Diyos na makapangyarihan sa lahat,Ama ni Hesukristo na aming Panginoon,sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo,hinango mo sa kasalanan ang mga anak mong itoat binigyan mo sila ng pakikihati sa iyong buhay.Suguin mo sa kanila ngayon

    ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw,upang siyang maging lakas nila at patnubay.Ipagkaloob mo na silay mapusposng karunungan at pang-unawa,na silay maging makatwiran sa pagpapasyaat manatiling matibay ang loob sa lahat ng pagkakataon.Puspusin mo sila ng kaalaman at pamimitaganat ng banal na pagkatakot sa harap ng iyong kadakilaan.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    29/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    2

    Hinihiling namin ito sa iyo sa pamamagitan ni Kristona aming Panginoon magpasawalang hanggan.

    B Amen.

    PAGPAPAHID NG LANGISAng krisma ay dadalhin sa nagkukumpil. Ang mga kukumpilan ay isa-isang lalapit sa kanya, o kaya lalapitsiya sa kanila.Ipapatong ng ninong o ninang o ang magulang na naghaharap sa kukumpilan ang kanyang kanangkamay sa aanakin o anak at sasabibin niya ang ngalan nito sa nagkukumpil.Maaari ring ang kukumpilan ang magsabi ng kanyang ngalan. Ilulubog ng nagkukumpil ang kanyangkanang hinlalaki sa lalagyan ng krisma at sa pamamagitan nitoy kukrusan niya sa noo ang kinukumpilansamantalang sinasabi ito:

    P N., tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo.

    Kukumpilan:Amen.

    Igagawad ang pagbati ng kapayapaan.

    P Sumaiyo ang kapayapaan.

    Kukumpilan:At sumaiyo rin.

    Pagkatapos ng binyag at kumpil.

    N Bilang pagtanggap natin sa ating mga bagong kasapi, pasalubungannatin sila ng masigabong palakpakan.

    PAGSARIWA SA PANGAKO SA PAGBIBINYAG

    Kapag ang pagbibinyag (at pagkukumpil) ay naganap na o, kung walang pagbibinyag, mataposmabasbasan ang tubig, ang lahat ng mga tao ay tatayo at, samantalang hawak nila ang kanilang mgakandilang may sindi, gagawin nila ang pagsariwa sa pangako sa pagbibinyag. Aanyayahan ngtagapagdiwang ang mga tao sa ganito o katumbas na mga pangungusap:

    P Mga kapatid, sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay at Pagkabuhay ni Kristo,tayoy nalibing kasama niya noong tayoy binyagan upang kasama rin niya tayoymakabangonm at makapagbagong-buhay. Naganap na natin ang Apatnapung

    Araw na Paghahanda, Kayat sariwain natin ngayon ang ating pangako sa

    pagbibinyag. Talikdan natin ang kasamaan at kasalanan. Harapin natin angmatapat na paglilingkod sa Diyos bilang mga maaasahang kaanib ng kanyangbanal na Simbahang Katolika. Kung kayoy makapangangakong tatalikod salahat ng hadlang sa katuparan ng panukala ng Diyos upang kayoymakapamuhay bilang matapat at maaasahang kaanib ng kanyang angkan,pakisagot ninyo itong tatlong katanungan.

    Itinatakwil ba ninyo si Satanas?

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    30/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    B Opo, itinatakwil namin.

    P Itinatakwil ba ninyo ang mga gawain ni Satanas?

    B Opo, itinatakwil namin.

    P Itinatakwil ba ninyo ang mga pang-akit ni Satanas upang sumuway ang tao saDiyos?

    B Opo, itinatakwil namin.

    P Ngayon namay harapin ang ating pananampalataya. Kung kayoymakapangangakong magsisikap mamuhay bilang mga ikinararangal na anak ngDiyos Ama, kung tutularan ninyo siya sa kanyang kabutihan, pagmamahal salahat, at pagmamalasakit para sa pangkalahatang kapakanan, pakisagot ninyo

    ang katanungang ito:

    Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat atLumikha ng langit at lupa?

    B Opo, sumasampalataya kami.

    P Kung kayoy makapangangakong magsisikap mamuhay bilang mga tunay nakapatid ng Panginoong Hesus, kung gagawin ninyong simulain sa buhay angkanyang katwiran, katarungan, at paglilingkod sa lahat alinsunod sa kanyangpagmamahal, Pakisagot ninyo ang katanungang ito:

    Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong Hesukristo, na ipinanganak niSanta Mariang Birhen, ipinako sa krus, namatay, inilibing, muling nabuhay atnaluluklok sa kanan ng Ama kayo ba ay sumasampalataya?

    B Opo, sumasampalataya kami.

    P Kung kayoy makapangangakong susunod sa patnubay ng Espiritu Santo atkung sisikapin ninyong mapaunlad ang kaloob niyang buhay at pagmamahalupang maging mga maipagmamalaking anak ng Diyos Ama at kapatid ngPanginoong Hesus, pakisagot ninyo ang katanungang ito:

    Sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mgabanal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng mganamatay, at sa buhay na walang hanggan kayo ba ay sumasampalataya?

    B Opo, sumasampalataya kam

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    31/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    P Bunga ng pagmamahal ng Diyos na makapangyarihang Ama ng atingPanginoong Hesukristo, tayo ay pinatawad sa ating kasalanan noong tayoymuling isilang sa tubig at Espiritu Santo. Tulungan nawa niya tayong mamalagingtapat sa ating Panginoong Hesukristo ngayon at magpasawalang hanggan.

    B Amen.

    PAGWIWISIK NG TUBIG SA TAOAng nagsisimba ay wiwisikan ng tubig.Patayin ang sindi ng mga kandila matapos ang pagwiwisik.

    PANALANGIN NG BAYAN

    P Taglay ang galak na dulot ng muling pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo saating Amang nasa langit. Sa pamamagitan ng binyag, tayo ay kanyang inamponbilang mga tunay niyang minamahal na anak. Buong puso tayong manalangin.

    ILIGTAS MO KAMI SA PAMAMAGITAN NI KRISTO.

    L Magdiwang nawa ang sanlibutan sa pananaig ni Kristo sa kasalanan at tiyak nakamatayan. Maipahayag nawa ng Simbahan ang pag-asa para sa sansinukobhabang hinihintay nito ang puspusang kaligtasan. Manalangin tayo!

    L talikdan nawa namin ang mga maling gawain at pagkamakasarili upang magingkarapat-dapat kami sa bagong buhay na ipinagkaloob ni Kristo bilang mga anakng Diyos. Manalangin tayo!

    L Makamit at maranasan nawa ng mga kapatid naming patuloy na inaalipin ng

    kahirapan, kamangmangan, at imoralidad ang ganap na kalayaan ng isang tunayna anak ng Diyos. Manalangin tayo!

    L Matamasa nawa ng bawat magsasaka ang matiwasay na ani, at masagananghuli para sa mga mangingisda; basbasan nawa ng Diyos ang lahat ng amingpagsisikap at iadya sa lahat ng kapahamakan. Manalangin tayo!

    L Patuluyin nawa ng Dakilang Panginoon sa kaluwalhatian ng kanyang kaharianang mga mahal namin sa buhay na yumao na. Manalangin tayo!

    P Ama, panibaguhin mo nawa ang aming mga buhay sa pamamagitan ng Espiritu

    na kaloob ni Kristong muling nabuhay. Dinggin mo ang mga kahilingan namin atpanatilihin mo ang aming kababaang-loob upang maging karapat-dapat kami sakaligtasang kaloob ni Kristo.Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

    B Amen.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    32/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    I K A A P A T N A Y U G T O :P a g d i r i w a n g n g H u l i n g H a p u n a n

    Ang pari ay paroroon sa dambana at pasisimulan niya ang pagdiriwang ng huling hapunan sa paraangkinaugalian.

    Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang itoy ginaganap, ilalagay ng mga

    tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang aklat ng

    pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

    Nababagay na ang tinapay at alak ay dalhin sa dambana sa prusisyong binubuo ng mga bagongbinyag.

    Ngayon namay tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay

    nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya ng pabulong:

    P Kapuri-puri Ka, Diyos Amang lumikha ng sanlibutan.Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa, ang tinapay na itopara maging pagkaing nagbibigay-buhay.

    Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

    Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakasng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

    B Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at kailanman!

    Ang diyakono o pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal ng pabulong:

    P Sa paghahalong ito ng alak at tubigkami naway makasalo sa pagka-Diyos ni Kristona nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

    Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sadambana habang dinarasal niya nang pabulong:

    P Kapuri-puri Ka, Diyos Amang lumikha ng sanlibutan.Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa, ang alak na itopara maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.

    Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

    Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakasng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

    B Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at kailanman!

    Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    33/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    P Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handogupang kamiy matutong sumunod sa iyo ng buong puso.

    Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraay iinsensuhanng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

    Pagkatapos, ang pariy pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalangpabulong niyang dinarasal:

    P O Diyos kong minamahal,kasalanan koy hugasanat linisin mong lubusanang nagawa kong pagsuway.

    Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muli

    niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

    P Manalangin kayo, mga kapatid,upang ang paghahain natin ay kalugdanng Diyos Amang makapangyarihan.

    B Tanggapin nawa ng Panginoonitong paghahain sa iyong mga kamay sakapurihan niya at karangalansa ating kapakinabanganat sa buong Sambayanan niyang banal.

    PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

    P Ama naming Lumikha,

    tanggapin mo ang aming mga panalangin

    na sumasaliw sa aming paghahainupang sa nagsimulang Pasko ng Pagkabuhaykamiy itaguyod nito sa kagalingang walang katapusansa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    B Amen.

    PAGBUBUNYI O PREPASYO

    P Sumainyo ang Panginoon.

    B At sumainyo rin.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    34/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    P Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

    B Itinaas na namin sa Panginoon.

    P Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

    B Marapat na siya ay pasalamatan.

    P Ama naming makapangyarihan,tunay ngang marapat na ikaway aming pasalamatan ngayong gabingipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas,ang maamong tupa na tumubos sa aming lahat.

    Ang iyong Anak na minamahalay naghain ng sarili niyang buhay.

    Siya ang tupang maamong umako sa kaparusahanupang mapatawad ang kasalanan ng sanlibutan.Sa pagkamatay niya sa banal na krusang kamatayan namin ay kanyang nilupig.Sa pagkabuhay niya bilang Manunubos,pag-asat pagkabuhay ay aming nakamit.

    Kaya kaisa ng mga anghelna nagsisiawit ng papuri sa iyonang walang humpay sa kalangitankamiy nagbubunyi sa iyong kadakialaan.

    SANCTUS

    UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

    Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

    Ama naming maawain,ipinaabot naming ang pasasalamat sa iyosa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.

    Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.

    Ipinakikiusap naming sa pamamagitan ng Anak mong itona ang mga kaloob naming ay tanggapin at basbasan mo sa pagdiriwang naming ng paghahain niya sa iyo.

    Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

    Iniaalay namin ito sa iyo, unang-una

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    35/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    para sa iyong banal na Simbahang Katolika.Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,pagkakaisa at pagtataguyod,ang mga kaanib nito sa sansinukob,kaisa ng aming Papa N., na iyong lingkod,

    kasama ng aming Obispo N.at ng lahat na nananalig at nagpapalaganapsa pananampalatayang katolikona galling sa mga apostol.

    Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig

    Ama namin, iyong alalahaninang iyong mga anak na ngayoy aming idinadalangin:N. at N.

    Silay saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang pari ay

    patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

    Ang aming pananampalataya ay nababatid mogayun din ang pagsisikap naming maging tapat sa iyo.

    Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalaypara sa kapakanan namin at ng mga mahal namin sa buhay,para sa aming kalusugan at walang hanggang kaligtasan,sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,Diyos na totoo at nabubuhay kaylan man.

    Pag-alala sa mga Banal

    Kaisa ng buong Simbahanngayoy aming ipinagdiriwangang dakilang kapistahan ng paghahainng aming Panginoong Hesukristo para sa amin.Pinararangalan namin ngayon, unang-unaang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,si Maria na maluwalhating laging Birhen,gayundin ang kanyang kabyak ng pusong si San Jose,ang iyong pinagpalang mga Apostol at martirna sina Pedro, Pablo at Andres,

    (sina Santiago, Juan,Tomas, Santiago, Felipe,Bartolome, Mateo,Simon at Tadeo;gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,Cornelio, Cipriano,Lorenzo, Crosogono,Juan at Pablo,

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    36/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    Cosme at Damian)at ang lahat ng iyong mga banal.Pakundangan sa kanilang ginawang mga kabutihanat walang sawang pagdalangin para sa aming kapakanan,kami ay lagi mong kalingain at ipagsanggalang.

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

    (Sa pamamagitan n gaming Panginoong Hesukristo. Amen.)

    Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

    Ama namin, iyong tanggapinang handog na ito ng iyong buong angkansa pag-alala sa dakilang arawng paghahain ng Katawan at Dugong aming Panginoong Hesukristoupang pagsaluhan ng mga alagad.

    Loobin mong kamiy makapamuhayaraw-araw sa iyong kapayapaan.Huwag mong ipahintulot na kami ay mawalaysa iyo kaylan pa man.Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

    (Sa pamamagitan n gaming Panginoong Hesukristo. Amen.)

    Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siyay nagdarasal.

    Ama namin, basbasan moang mga handog na ito.Marapatin mong sambahain ka naminsa Espiritu at katotohanan,kaya para sa aminito ay gawin mong maging Katawan at Dugong pinakamamahal mong Anak,ang aming Panginoong Hesukristo.

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

    Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakitpara kami at ang lahat ng tao ay masagip,nakisalo siya ngayon sa mga alagad niyang iniibig.

    Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas habang kanyang patuloy na inihahayag.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    37/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    Hinawakan ni Hesus ang tinapaysa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.

    Ang pari ay titingala.

    Tumingala siya sa langit,sa iyo, Diyos Ama niyang makapangyarihan,at nagpasalamat siya sa iyo.Pinaghati-hati niya ang tinapay,iniabot sa kanyang mga alagadat sinabi:

    Bahagyang yuyuko ang pari.

    TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:ITO ANG AKING KATAWANNA IHAHANDOG PARA SA INYO.

    Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo, ipapatong niya ito sapinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

    Ang pari ay magpapatuloy.

    Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,

    Hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloyna inihahayag:

    hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapalasa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamaymuli ka niyang pinasalamatan,iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagadat sinabi:

    Bahagyang yuyuko ang pari:

    TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:ITO ANG KALIS NG AKING DUGO,NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,

    ANG AKING DUGO NA IBUBUHOSPARA SA INYO AT PARA SA LAHATSA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

    Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siyabilang pagsamba.

    Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    38/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    Ipagbunyi natin ang misterio ng pananampalataya.

    ANAMNESIS

    Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal.

    Ama,kaming mga lingkod mo at bumubuo sa iyong bayang banalay nagdiriwang sa alaala ni Kristona iyong Anak at aming Panginoon.Ginugunita naminang kanyang dakilang pagpapakasakitang pagbangon niya mula sa kamatayan,at ang matagumpay na pag-akyat niya sa kalangitan.Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggalinginihahandog namin sa iyong kataas-taasang kamahalanang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:ang pagkaing nagbibigay-buhay kaylan manat ang inuming nagbibigay-kagalingang walang katapusan.

    Masdan mo nang buong kasiyahan ang aming mga alay na ito.Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mosa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo,sa paghahain ni Abraham, na ama namin sa pananampalatayang totoo,at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek, na paring hirang mo.Paunlakan mo ngayong tanggapinang lahat at dalisay na paghahain.

    Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay.

    Makapangyarihang Diyos,hinihiling naming iyong ipakyat sa banal mong anghelang mga alay na ito sa dakilang dambanang nasa iyong harapupang sa pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo ng iyong Anaksa pakikinabang namin ngayon dito sa banal mong hapag

    Tatayo ng tuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal.

    Kami ay mapuspos ng iyong pagpapala at tanang pagbabasbas.

    (Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

    Pag-alala sa mga yumao sa daigdig

    Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    39/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    3

    Ama namin, iyo ring alalahaninang mga anak mong naunang yumao sa aminsa paghimlay sa iyong kapayapaanyamang ang tatak ng pananampalataya ay kanilang taglayat sila ngayoy aming ipinagdarasal:

    N. at N.

    Silay saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos ang pari ay patuloyna magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

    Sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristoay aming idinadalangin sa iyoupang iyong pagbigyang makaratingsa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa iyong piling.

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

    (Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

    Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya ay nagsisimulang magdasal.

    Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod

    Patuloy na magdarasal ang pari nang nakalahad ang mga kamay:

    kami rin ay nagtitiwala sa iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigaysa aming pamumuhay araw-araw.Kaya pagindapatin mo ring kami ay makaugnay at makapiling

    ng iyong mga banal na apostol at martir,kasama nina Juan Bautista, Esteban,Matias, Bernabe,(Ignacio, Alejandro,Marcelino, Pedro,Felicidad, Perpetua,

    Agata, Lucia,Agnes, Cecilia, Anastacia)At ng lahat ng iyong mga banal.Kami naway makapisan nilahindi dahil sa aming ginagawang kabutihang kulang na kulang

    kundi pakundangan sa iyong pagpupuno sa aming kakulangan.

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

    Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.

    At patuloy siyang magdarasal:

    Sa kanyang pamamagitan ang tanang mabubuting kaloob mong ito

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    40/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    4

    ay lagi mong pinaiiral, pinababanal, binubuhay, binasbasanat sa amin ibinibigay.

    Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang kanyangipinahahayag:

    Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya, at sa Kanyaang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,Diyos Amang makapangyarihan,kasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan.

    Ang mga tao ay magbubunyi:

    DAKILANG AMEN

    P A K I K I N A B A N G

    Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay.

    P Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utosat turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos,ipahayag natin nang lakas-loob:

    Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat.

    AMA NAMIN

    Ama namin, sumasa-langit Ka.Sambahin ang ngalan Mo.Mapasaamin ang Kaharian Mo.Sundin ang loob Modito sa lupa para nang sa langit.

    Bigyan Mo kami ngayonng aming kakanin sa araw-araw.

    At patawarin Mo kami ng aming mga sala,para nang pagpapatawad naminsa mg nagkakasala sa amin.

    At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,at iadya Mo kami sa dilang masama.

    Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

    P Hinihiling namingkamiy iadya sa lahat ng masama,pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    41/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    4

    iligtas sa kasalananat ilayo sa lahat ng kapahamakansamantalang aming pinananabikanang dakilang araw ng pagpapahayagng Tagapagligtas naming si HesuKristo.

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitongpagbubunyi:

    B Sapagkat iyo ang kaharianat ang kapangyarihan at ang kapurihanmagpakailanman! Amen.

    PAGBATI NG KAPAYAPAAN

    Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

    P Panginoong HesuKristo,sinabi Mo sa Iyong mga Apostol:Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo.

    Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.Tunghayan Mo ang aming pananampalatayaat huwag ang aming mga pagkakasala.Pagkalooban Mo kami ng kapayapaanat pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

    kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    B Amen.

    Ang pariy paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

    P Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

    B At sumainyo rin.

    P Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isat-isa.

    PAANYAYA SA PAKIKINABANG

    Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawakniya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

    P Sa pagsasawak na itong Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristotanggapin nawa namin sa pakikinabang

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    42/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    4

    ang buhay na walang hanggan.

    Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito:

    KORDERO NG DIYOS

    Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa lamangidurugtong ang ipagkaloob mo sa aming ang kapayapaan.

    Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

    Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,gawin mong akoy makasunod lagi sa iyong mga utos,

    at huwag mong ipahintulot na akoy mawalay sa iyo kaylan man.

    O kaya:

    Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,Panginoong Hesukristo,ay huwag nawang magdulot ng paghuhukomat parusa sa kasalanan ko.

    Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibignaway aking matanggapang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

    Luluhod ang pari at pagtayo niyay kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan.Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

    Ito ang Kordero ng Diyos.Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.Mapalad ang mga inaanyayahan sa Kanyang piging.

    B Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa Iyo ngunit sa isang Salita Molamang ay gagaling na ako.

    Siyay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

    P Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristopara sa buhay na walang hanggan.

    Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo

    Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    43/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    4

    Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristopara sa buhay na walang hanggan.

    Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

    Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan ang mga makikinabang, bahagyang itataas

    ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

    Katawan ni Kristo.

    Ang nakikinabang ay tutugon:

    Amen.

    Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pario diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang magdarasal:

    Ama naming mapagmahal,ang aming tinanggap ngayonay amin nawang mapakinabanganat ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa aminng kagalingang pangmagpakaylan man.

    Pagkapakinabang, ang lalagyan ng mga ostiya para sa Biyernes Santo ay hahayaang nakapatong sadambana at ang Misa ay wawakasan sa panalanging ito.

    PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

    P Manalangin tayo. (Tumahimik)

    Ama naming mapagmahal,padaluyin mo, sa amin ang batisng Espiritu ng iyong pag-ibigupang kaming pinapagsalo mosa piging ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristoay magkaisa sa pananalig sa iyosa pamamagitan niyakasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    B Amen

    PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

    Maisusunod kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maiiksing patalastas na sasabihin sa mga tao.Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang tagapagdiwang na nakalahad ng mga kamay sa mga tao aymagpapahayag:

    P Sumainyo ang Panginoon.

  • 5/27/2018 Easter Vigil

    44/44

    A

    M

    d

    P

    d i i

    4

    B At sumaiyo rin.

    P Purihin ang ngalan ng Panginoon.

    B Ngayon at magpakailanman.

    P Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon.

    B Ng may gawa ng langit at lupa.

    P Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak at Espiritu Santo.

    B Amen.

    P Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin atpaglingkuran, Aleluya! Aleluya!

    B Salamat sa Diyos, Aleluya! Aleluya!

    Kakantahin ang Pangwakas na Awit.