eal of artnership filipino · 2021. 6. 2. · panuto: basahin ang nilalaman ng buod ng kabanata 6...

16
1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 4 Ang Wastong Gamit ng Pang-uri 9 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Pangalan: ______________________________________ Taon at Seksiyon: ________________________________ Paaralan: _______________________________________

Upload: others

Post on 30-Jun-2021

45 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

1

Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 4 Ang Wastong Gamit ng Pang-uri

9

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Pangalan: ______________________________________

Taon at Seksiyon: ________________________________

Paaralan: _______________________________________

Page 2: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jennifer II B. Vega

Editor: Ursulina M. Bonilla

Tagasuri: Corazon Fe S. Manginsay, Allene E. Duarte

Tagalapat: EPS, Florencio R. Caballero, DTE

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD

EPS – Filipino

Page 3: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

3

Alamin

Magandang araw!

Ako si Teacher Jen at ako ang iyong makakasama sa modyul na ito.

Matututuhan natin sa modyul na ito ang wastong paggamit ng pang-uri sa

pagbibigay-katangian.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa mo ang iyong kakayahan tungkol dito.

Handa ka na ba?

Kung gayon ay simulan na natin dahil pagkatapos ng modyul na ito,

inaasahan kong makamit mo ang sumusunod na mga layunin:

• Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian F9WG-IVc-59

• Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan F9PN-IVd-58

• Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa

magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan F9PB-IVd-58

Aralin 4 Ang Wastong Gamit ng

Pang-uri

Balikan

Naalala mo pa ba ang mga tauhan sa Noli Me Tangere?

Sino sa kanila ang pinakapaborito mo rito?

Bakit mo siya nagustuhan?

Anong katangian niya ang naibigan mo nang lubos?

Upang sagutin ang aking mga katanungan, subukan mong gawin ang

inihanda kong aktibiti sa iyo..

Galingan mo.

Page 4: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

4

Mungkahing Estratehiya: Character Mapping

Panuto: Pumili ng isang tauhan sa Noli Me Tangere (maaaring sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Elias, Sisa at marami pang iba). Iguhit ang kanyang mukha

sa kahon o kung abeylabol ang resorses maaaring magdikit ng larawan ng tauhan na iyong nais. Sa palibot ng kanyang mukha ay isulat ang kanyang mga

katangian. Pagkatapos nito ay sagutin ang gabay na tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Gabay na Tanong:

1. Paano nakatulong ang mga salitang iyong isinulat upang makilala ang

tauhan?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Ano ang tawag sa mga salitang iyong ginamit sa pagbibigay-katangian sa

iyong napiling tauhan?

___________________________________________________________________________

Magaling!

Napagtagumpayan mo ang unang aktibiti. Batid kong handa ka nang sumabak sa mas malalimang paggalugad sa aralin. Maaari ka ng tumuloy sa

susunod na yugto.

Page 5: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

5

Tuklasin

Mungkahing Estratehiya: Alam mo ba?

Panuto: Punan ang speech bubble sa iyong mga nalalaman tungkol sa pang-uri.

Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ang pang-uri ay…

Pagbati dahil napagtagumpayan mo na naman ang ipinapagawa ko sa iyo!

Ngayon ay ipauunawa ko sa‘yo nang lubos ang aralin. Sundan mo ako’t

tandaan mo ang mga mahahalagang puntong ibabahagi ko dahil ito ang magiging kaalamang-susi sa mga susunod na pagsubok.

Suriin

Ano nga ba ang pang-uri?

Ang pang-uri ay ang mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa

pangngalan o panghalip.

Page 6: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

6

Kayarian ng Pang-uri 1. Payak

- Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang. 2. Maylapi

- Binubuo ito ng salitang-ugat na may panlapi.

Mga panlaping mapanuring na madalas na ginagamit: ➢ /ka-/

Nagpapahiwatig ito ng katangian ng relasyon o pag-uugnayan ng

higit sa isang taong binabanggit sa pangungusap. Halimbawa: katrabaho, kadugo

➢ /kay-/ Nagpapakita ito ng katangian ng isang bagay na inilalarawan.

Halimbawa: kaytalim, kaylinis ➢ /ma-/

Nagpapakita ito ng katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa: malabo, magaling ➢ /maka-/

Nagpapakilala ito ng pakikiayon o pakikisama. Gumagamit ng gitling kapag ito ay ikinakabit sa pangngalang pantangi.

Halimbawa: makabayan, maka-Diyos ➢ /mala-/

Nagbibigay ito ng kahulugang kaanyo o kahawig ng anumang katangiang isinasaad ng salitang-ugat.

Halimbawa: malapalasyo, malaporselana

3. Inuulit - Binubuo ito ng salitang inuulit.

a. Ganap Kapag buong salita ang inuulit

Halimbawa: sira-sira b. Di-ganap

Kapag bahagi lamang ng salita ang inuulit Halimbawa: matatamis

4. Tambalan

- Binubuo ito ng dalawang salitang-ugat. a. Karaniwang Kahulugan

Halimbawa: balikbayan b. Matalinghagang Kahulugan

Halimbawa: bukas-palad

Sanggunian: Ang Batikan ni Jose B. Bilasano

Ngayong siksik na sa mga kaalaman ang iyong isipan, gawin mo ang

sumusunod na mga pagsubok sa susunod na mga pahina.

Galingan mo lalo.

Page 7: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

7

Pagyamanin

Gawain 1. Mungkahing Estratehiya: Pagtukoy sa Kayarian ng Pang-uri

Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim na

pahalang. Tukuyin kung ano ang kayarian ng mga ito. Gawin ito sa iyong

sagutang papel.

Si Kapitan Tiyago

Si Kapitan Tiyago ay sadyang kilala at tanyag hindi lamang sa Kamaynilaan

kundi maging sa maraming bayan at lalawigan. Maliit na tao lamang si Kapitan Tiyago—kayumangging kaligatan at may

katabaan. Ayon sa mga tagahanga niya, ang katabaang ito ay dulot ng langit, ngunit sa mga kalaban niya’y buhat daw ito sa dugo ng mga mahihirap. Bata pa

siya sa tingin, kaya’t akala ng karamihan ay nasa pagitan lamang ng tatlumpu at tatlumpu’t lima ang kanyang gulang. Ang kanyang bilugang mukha ay parating

banal ang anyo. Ipinalalagay ng karamihan na ang kanyang maliit na ulo ay kinalalagyan ng maraming bagay. Walang kadamda-damdamin ang kanyang

maliit na matang hindi naman singkit kapag tumitingin. Wala rin namang

masasabi sa kanyang ilong na hindi sarat, bagkus ay may magandang hubog pa nga. Tunay na masasabing isa siyang magandang lalaki kung hindi lamang

pinapangit ng paghithit ng tabako at pagnganganga ang kanyang bibig. Si Kapitan Tiyago ay isa sa mga pinakamayaman sa Binundok. Isa siyang

tanyag na asendero sa mga lugar sa Kapampangan, Laguna de Bay at lalo na sa San Diego na mahal sa kanya dahil sa mga alaalang dala nito, huwag nang

kalimutang ang mga sabungan at paliguan dito. Marami pa rin siyang bahay at

lupa sa Sto. Cristo at sa mga daang Anloage at Rosario. Malaki ang kinikita niya sa paglalagom ng apyan na kung saan kasosyo niya ang isang Tsino.

Sa ganoong kalagayan, si Kapitan Tiyago ay isang taong maligaya at walang sinumang kagalit sa pamahalaan man o sa simbahan.

Sanggunian: Ang Batikan ni Jose B. Bilasano

Pang-uri Kayarian

1. kilala

2. kayumangging kaligatan

3. bata

4. banal

5. maliit

6. pinapangit

7. pinakamayaman

8. tanyag

9. malaki

10. maligaya

Page 8: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

8

Gawain 2. Mungkahing Estratehiya: Pag-aangkop

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salitang naglalarawan upang mabuo ang pahayag. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Si Kapitan Tiyago ay (mababa, pandak).

2. Mailalarawan siya bilang isang taong (malusog, busog). 3. Si Kapitan Tiyago ay biniyayaan din ng (mataas, matangos) na ilong.

4. Ngunit, (sinira, winasak) ng pananabako at pagnganganga ang pagiging

magandang lalaki ni Kapitan Tiyago. 5. Napabilang sa (mataas, mababaw) na antas ng lipunan si Kapitan Tiyago dahil

sa kanyang kahusayan sa pamamalakad ng kanyang negosyo.

Gawain 3. Mungkahing Estratehiya: Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin ang buod ng Kabanata 14 sa nobelang Noli Me Tangere na

pinamagatang Si Tasyo, Ang Baliw o Ang Pilosopo? Ibahagi ang sariling

damdamin hinggil sa pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan gamit ang wastong pang-uri at salungguhitan ang mga pang-uring ginamit. Isulat ang sagot

sa loob ng talahanayan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Si Tasyo, Ang Baliw o Ang Pilosopo?

Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng

lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon

ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo

o baliw. Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na

dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero, hindi niya ito

sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa

pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga

minanang kayamanan. Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat

matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya.

Tinanong siya kung bakit, diretso ang sagot niya: “Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagka’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay

sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang

pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang

ng lahat.” Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat

dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog.

Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang

pangkura. Tumanggi ang mga bata.

Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabahayan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng

mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan.

Page 9: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

9

Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe.

Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.

Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naniniwala sa

purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay.

Binigyang-diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa

nabubuhay. Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na

kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad

papalayo sa mag-asawa.

Pangyayaring naganap

sa buhay ng tauhan

Pagbabahagi ng sariling damdamin hinggil sa pangyayaring

naganap sa buhay ng tauhan

Nag-aral si Pilosopo Tasyo ng Pilosopiya.

Huminto ito dahil sa kagustuhan ng ina. Pinapili siya nito kung alin ang mas

matimbang ang pagpapari o paghinto sa pag-aaral. Pinili niya ang huwag mag-

aral at magpakasal sa kanyang kasintahan. Sa kasamaang palad

magkasunod na namatay ang dalawang

taong mahal niya. Upang maibsan ang lungkot ginugol ang sarili sa pagbabasa

ng libro hanggang sa napabayaan ang sarili at ang kanyang kabuhayan kaya

ito naghirap.

Gawain 4. Mungkahing Estratehiya: Time Travel Interview

Panuto: Sa pamamagitan ng Time Travel Interview, kausapin mo si Basilio. Ano

ang sasabihin mo sa kanya? Gumamit ng mga pang-uri sa pakikipag-usap sa tauhan. Ibahagi ang iyong monologo sa paraang pasulat. Ngunit bago mo ito

gawin sa iyong sagutang papel, basahin mo muna ang buod ng Kabanata 17 ng nobelang Noli Me Tangere na Si Basilio.

Si Basilio

Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa

kanyang ina na hinabol siya ng guwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito nagawang huminto sa paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin ng

kuwartel. Sinabi rin nito sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang nangyari.

Napag-alaman din ni Sisa na napagbintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni Sisa dahil sa awa sa kanyang anak.

Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni Crispin sa kamay

ng Sakristan. Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at bagkus ay nag-alala ng todo

sa kanyang ina nang malaman nito na dumating pala ang kanyang ama. Alam kasi

Page 10: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

10

nito na pinambubugbog ang kanyang ina. Sa hinagpis at galit ay naisambulat nito

na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at mabuhay na silang tatlo na lamang. Sa ganitong kalagayan ay mabubuhay pa sila nang maayos, na siya

namang pinagdamdam ni Sisa. Para sa kanya, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay mamarapatin pa rin niyang makasama ito at ang kanyang anak.

Nakatulugan ni Basilio ang kanyang alalahanin at pagod. Binangungot ito sa kalagitnaan ng kanyang tulog sapagkat nakita niya sa kanyang panaginip ang

pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin. Pinalo nito ng yantok si

Crispin sa ulo hanggang duguang humandusay sa lapag. Nagising si Basilio sa yugyog ng kanyang ina at pinagtapat na lamang niya ang pangarap niya para sa

kanyang ina at kapatid. Nais niyang huminto sa pagsasakristan kasama ni Crispin, magpapastol siya

ng baka at kalabaw na pag-aari ni Ibarra at pagsapit niya ng edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid, siya ay hihiling ng kapirasong lupa para sakahin.

Pauunlarin niya ang sakang iyon hanggang sa umunlad ang kanilang buhay. Pag-aaralin din niya si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang kanyang ina ay hihinto na sa

pananahi. Bagamat nagpakita ng pagkatuwa ang kanyang ina, lihim naman itong

nasaktan dahil hindi na sinama ni Basilio ang kanyang ama sa kanyang mga plano.

Binabati kita sa iyong matagumpay na pagtalima sa mga naunang pagsubok. Magpatuloy ka at hasain pang lalo ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng mga

dagdag gawaing inihanda ko para sa iyo.

Page 11: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

11

Isaisip

Sa bahaging ito susukatin ko kung natatandaan mo pa ba ang talakayan

natin kanina.

Mungkahing Estratehiya: Pagpupuno ng Puwang

Panuto: Punan nang nawawalang salita ang patlang upang mabuo ang

sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot sa kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

panghalip /kay-/

di-ganap

/maka-/ pang-uri

1. Ang panlaping mapanuring na __________ ay nagpapakita ng katangian ng isang bagay na inilalarawan.

2. Nagpapakilala ng pakikiayon o pakikisama ang panlaping mapanuring na __________. Ginagamitan din ito ng gitling kapag ito ay ikinakabit sa

pangngalang pantangi. 3. Ang pang-uri ay ang mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa

pangngalan o __________.

4. __________ ang pag-uulit kung bahagi lamang ng salita ang inuulit. 5. Payak ang kayarian ng __________ kung ito ay binubuo ng salitang-ugat

lamang.

Tayahin Mungkahing Estratehiya: Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.Tukuyin ang hinihingi nito at

isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. May dugong-bughaw ang napangasawa ni Anjelie kaya ngayon ay maginhawa na ang kaniyang buhay. Alin ang angkop na kahulugan ng salitang may

salungguhit?

A. mariwasa C. mahirap B. kainaman ang buhay D. maharlika

2. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pang-uri sa pangungusap na ito, “Si

Nanay Neneth ay __________ magluto ng pansit”? A. magaling C. mahusay

B. maganda D. masarap

Page 12: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

12

3. __________ ang alagang aso ni AK. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pang-uri na bubuo sa pangungusap?

A. malinamnam C. mahalimuyak B. maamo D. maganda

4. “Nakita ko kagabi ang aswang! Mahaba ang dila nito at matutulis ang mga ngipin. Talaga namang __________ ang kaniyang itsura!” Alin sa ibaba ang

angkop na pang-uri para mabuo ang diwa ng pangungusap? A. nakadidiri C. nakamamangha

B. nakatatakot D. nakaaliw

5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may wastong gamit ng pang-uri na “magiliw”?

A. Ang mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay magiliw na tinanggap ng mga Pilipino.

B. Marami ang natutuwa kay Alexa dahil siya ay isang magiliw na bata. C. Magiliw niyang binati ang lahat ng mga nagsipagtapos sa taong iyon.

D. Magiliw na ipinakita ni John ang kaniyang proyekto sa guro.

Para sa bilang 6—15 pumili ng isasagot mula sa kahon.

a. matangos

b. makapal c. kulot

d. malambot e. makintab

f. malabo

g. basag h. mainit

i. hinog j. madulas

6. Masarap humiga sa __________ na unan.

7. Binasa ko ang __________ na libro sa loob ng tatlong araw.

8. May __________ na saging sa kusina. 9. Magandang tingnan ang malinis na uniporme at __________ na sapatos.

10. __________ ang ilong ng kanyang nobyo. 11. __________ na ang paningin ni Lola Puring.

12. Bigyan mo ng kapeng __________ si Tatay sa balkonahe. 13. Ang buhok ni Jenjen ay __________.

14. Ibaba na natin ang __________ na salamin.

15. Huwag kayong dumaan sa sahig na basa dahil ito ay __________.

Page 13: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

13

Karagdagang Gawain

Mungkahing Estratehiya: Pananaw Ko, Sulat Ko

Panuto: Sumulat ng tig-iisang talataan tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig sa

magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan batay sa Kabanata 14 at 17 ng

nobelang Noli Me Tangere. Gamitan mo ito ng mga pang-uri. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Page 14: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

14

Susi sa Pagwawasto

Paalala: Para sa mga aytem na wala sa Susi sa Pagwawasto, ang mga sagot ay maaaring magkakaiba-iba depende sa karanasan, pagkatuto at pananaw ng

bawat estudyante.

ISAISIP 1./kay-/

2./maka-/ 3.panghalip

4.di-ganap

5.pang-uri

TAYAHIN

1.D

2.D

3.B

4.B

5.B

6.d

7.b

8.i

9.e

10.a

11.f

12.h

13.c

14.g

15.j

PAGYAMANIN

(Gawain 2) 1.pandak

2.malusog 3.matangos

4.sinira

5.mataas

BALIKAN (Gabay na Tanong 2)

Pang-uri

PAGYAMANIN (Gawain 1)

1.payak 2.tambalan

3.payak

4.payak 5.payak

6.maylapi 7.maylapi

8.payak 9.payak

10.payak

Page 15: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

15

Sanggunian “Banghay aralin Filipino 9 ikaapat na markahan aralin 4.2.” Accessed December 8,

2020. https://www.depedk12.com.

Department of Education. Most essential learning competencies in Filipino.

Philippines: Department of Education, 2020.

Nikko TwentyOne. “Baliw o pilosopo.” Last modified November 30, 2009. https://mynoli.blogspot.com.

Twinkling_Procyon. “Si Basilio.” Accessed December 26, 2020.

https://www.wattpad.com.

Page 16: eal of artnership Filipino · 2021. 6. 2. · Panuto: Basahin ang nilalaman ng buod ng Kabanata 6 sa nobelang Noli Me Tangere. Pansinin ang ilan sa mga pang-uring nakasulat nang maitim

16

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed that I

was walking along the beach with the

LORD.

In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the

other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed

only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and

helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I

have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it

was then that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain; Who

intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.