dula 111213051254-phpapp01-1

66
DULA ni: Rubie Ann Macaspac

Upload: holy-infant-academy

Post on 29-Jul-2015

279 views

Category:

Education


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Dula 111213051254-phpapp01-1

DULA ni: Rubie Ann

Macaspac

Page 2: Dula 111213051254-phpapp01-1

Isang kathang may layunin ay ilarawan sa tanghalan sa pamamagitan ng kilos at galaw ang isang kawil na mga pangyayarin na nagpapahayag ng isang kapanapanabik na bahagi ng buhay.

Page 3: Dula 111213051254-phpapp01-1

Isang sining ang dula. Magiging malikhain at mapanuri ang isang tao kung mabibigyan siya ng pagkakataong makibahagi sa pagtatanghal nito, anuman ang papel niya dahil sa bawat elemento nito ay dapat mabuo nang may kasiningan upang maging buhay na buhay at makatotohanan ang paksang inilalarawan na karaniwa’y batay sa karanasan at pangyayari sa buhay ng tao.

Page 4: Dula 111213051254-phpapp01-1

Ang kasaysayan ng Dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan  ng mga katutubong  Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na siyang  pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. 

Page 5: Dula 111213051254-phpapp01-1

Kasaysayan ng

Dula

Page 6: Dula 111213051254-phpapp01-1

Panahon Bago Dumati

ngang mga

Kastila

Page 7: Dula 111213051254-phpapp01-1

Patula ang usapan ng mga tauhang magsisiganap.

Ginaganap kaugnay ng mga seremonya sa pananampalataya at pagpaparangal sa kani-kanilang mga pinuno at bayani.

MGA HALIMBAWA :Wayang Orang at Wayang Purwa ng mga Bisaya- tumutukoy sa pagmamalupit ng mga Sultan sa kanilang aliping mga babae.

Page 8: Dula 111213051254-phpapp01-1

Embayoka at Sayatan ng mga Muslim sa Hulo at Lanaw- dulang pagtutula kahawig ng Balagtasan ng mga Tagalog. Kinapapalooban ng sayawan at awitan.

Bulong- ginagawa o ginaganap sa tunay na buhay kaugnay s panananpalataya, pamahiin o paniniwala at panggagamot.

Page 9: Dula 111213051254-phpapp01-1

Panahon ng Kastila

Page 10: Dula 111213051254-phpapp01-1

TATLONG URI NG DULAPantahanan- isinasagawa sa tahanan. Halimbawa nito ay ang Pamamanhikan.

Panlansangan- isinasagawa sa lansangan. Halimbawa nito ay Panunuluyan atbp.

Pantanghalan-isinasagawa sa loob ng tanghalan.

Page 11: Dula 111213051254-phpapp01-1

Paksa ng mga Dulang ipinapalabas

Pangkagandahang AsalPangwikaPanrelihiyon

Page 12: Dula 111213051254-phpapp01-1

Halimbawa ng Dula

Page 13: Dula 111213051254-phpapp01-1

Duplo- isang tulang patnigan na ang pinapaksa ay tungkol sa nawawalang ibon ng Hari. Ito ay kalimitang isinasagawa sa malawak na bakuran kung may namatayan sa isang nayon.

Page 14: Dula 111213051254-phpapp01-1

Karagatan-

isinasagawa rin ito tuwing may namatayan sa nayon. Ito’y hango sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa gitna ng dagat at ang sinumang binatang makahanap nito ay kaniyang papakasalan.

Page 15: Dula 111213051254-phpapp01-1

Panunuluyan- prusisyong ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Ito ay paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo.

Page 16: Dula 111213051254-phpapp01-1

Tibag-

pagsasadula ng paghahanap ng Krus na pinagpakuan kay Kristo nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino. Ginaganap tuwing Mayo sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal.

Page 17: Dula 111213051254-phpapp01-1

Panubong- mahabang tulang paawit bilang handog at pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan. Ito’y laganap sa Marinduque. Mula ito sa salitang Tagalog na “pamutong” na ang ibig sabihin ay lalagyan ng putong o korona ng mga mga bulaklak ang dalagang may kaarawan. Nahahati ito sa tatlong bahagi.

Page 18: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 19: Dula 111213051254-phpapp01-1

Karilyo- dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang karton. Pinapagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan. Ang mga taong nagsasalita ay nasa likod ng telon. Madilim kung palabasin ito sapagkat ang nakikita lamang ng mga tao ay kanilang mga anino.

Page 20: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 21: Dula 111213051254-phpapp01-1

Cenakulo- isang dulang naglalarawan ng buong buhay hanggang sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang usapan ay patula. Sinulat ng paring Pilipino. Ang Pasig, Morong at Pasay ang mga kilalang pook na pinagtatanghalan nito.

Page 22: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 23: Dula 111213051254-phpapp01-1

Moro-moro- paglalaban ng mga Muslim at mga Pilipinong Kristiyano. May magaganda at makukulay na kasuotan. Ang usapan dito ay patula at karaniwan ay totoong mataas ang tono ng mga nagsasalita, laging mag taga-dikta sa mga nag-uusap sapagkat hindi totoong naisasaulo ng mga gumaganap ang kanilang papel. Mas magara at maganda ang pagpapalabas nito sa Bisaya.

Page 24: Dula 111213051254-phpapp01-1

Panahon ng Amerikano

Page 25: Dula 111213051254-phpapp01-1

Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala ng mga pagbabago sa panitikan ng Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literatura gaya ng malayang taludturan (sa mga tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay (critical essay). Ang impluwensya ng mga Amerikanong mananakop ay nanatili kaalinsabay ng pagtatalaga sa Ingles bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa gayundin ng paglinang sa masining na kamalayan ng mga manunulat batay sa modernong panitikang dala ng mga mananakop.

Page 26: Dula 111213051254-phpapp01-1

Maliwanag na ambag ng panahong ito ang pelikula. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapanonood ang mga Pinoy ng mga larawang gumagalaw. Binigyang-daan ng imbensyong ito ang pag-ungos ng kulturang popular.

Page 27: Dula 111213051254-phpapp01-1

Dito unang kauna-unahang kinilala ang DULA o drama. Sa unang bahagi ng ika-20 siglo ang mga dula’y tungkol sa MAKABAYAN subalit noong 1920 ang karamihan sa dulaan ay nagupo mula sa makabayan napalitan ito nga MAKATOTOHANAN at MAROMANSA.Dito sa panahong ito pinanghina ang Moro-moro ng SARSWELA subalit di rin ito tumagal ng mahabang panahon at ito’y naigupo naman ng bodabil, Burlesque at sine na dala rin ng mga dayuhan,

Page 28: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 29: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 30: Dula 111213051254-phpapp01-1

SARSWELA- dulang musikal o isang melodramang may 3 yugto na ang mga paksa ay tungkol sa pag-ibig, panibugho, paghihiganti, pagkasuklam at iba’t iba pang masidhing damdamin. 1844 ng ipalaganap ni Narciso Claveria (Governador ng Pilipinas) ang komedya.Unang tatlong komedyang ipinalabas:a. La Conjuracion de Veneciab. La Bata de Cobrac. La Reduma

Page 31: Dula 111213051254-phpapp01-1

1852, tatlong komedyang komedyang itinanghal ng samahang Lopez at Asiya.a. Isabel La Catolicab. Diego Corrientesc. El Trio CamilletasPagkakaiba ng Sarsuwela sa

Moro Moro.d. Buhay Pilipino ang

tinatalakay.

Page 32: Dula 111213051254-phpapp01-1

b. Ang kasuotan ng nagsisiganap ay damit Pilipino.

c. May kasamang katatawanan na laging ginagampanan ng mga katulong sa dula.

d. Ang usapan ay tuluyan.Isa sa mga sumikat sa dulang ito ay ang “Walang Sugat” ni Severino Reyes.

Page 33: Dula 111213051254-phpapp01-1

DALAWANG BAHAGI NG TAONG NAKAPALOOB SA DULA

A. IMPESARYO- nag-aayos, pumipili sa mga magtatanghal sa palabas. Kinabibilangan ito nina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan na nagtatag ng Compania Ilagan.

B. MANUNULAT- mga tagapagsulat ng mga dula.

Page 34: Dula 111213051254-phpapp01-1

Mga Manunulat ng

Sarswela

Page 35: Dula 111213051254-phpapp01-1

Severino Reyes•Ipinanganak sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 12,1861. Ikalima sa mga anak nina Rufino Reyes at Andrea Rivero. • Mas kilala sa tawag na Don Binoy.• Itinuturing na “ Ama ng Makabagong Dulang Tagalog”.

Page 36: Dula 111213051254-phpapp01-1

•Nakasulat siya ng humigit 40 na dula.• May- akda ng “ Mga Kwento ni Lola Basyang.”• Mga Halimbawa ng mga Dula:

a. Walang Sugatb. Ang Kalupic. R.I.Pd. Cablegrama Fatal (1903)

-nagpakilala ng walang katarungang paglilitis kay Rizal.

Page 37: Dula 111213051254-phpapp01-1

e. Puso ng Isang Pilipina (1919)f. Bagong Faustog. Filotea, o Ang Pag- aasawa ni San Pedroh. Opera Italianai. San Lazaro* Maituturing ding Ama ng

Dulang Filipino.* Naging manunulat din ng

Liwayway.*Nagtatag ng unang samahan sa

dula, “Gran Compania de Zarzuela Tagala.”

Page 38: Dula 111213051254-phpapp01-1

Aurelio Tolentino•Kapampangang kapanahon nina Don Binoy at Patricio Mariano.• Mas kahanga-hanga kumpara kina Don Binoy dahil sumulat siya gamit ang ibang wika kaysa katutubong wika.

Page 39: Dula 111213051254-phpapp01-1

•Sumama sa paghihimagsik ng mga Pilipino kung kaya ilang ulit syang nabilanggo.• Siya ang pumulot sa salitang “Dula” mula sa Bisaya at ginamit ito sa Tagalog sa kahulugang “drama”.• Ang kanyang Dula ay lipos ng diwang makabayan at panunuligsang panlipunan.

Page 40: Dula 111213051254-phpapp01-1

Mga Tanyag na Dulaa. Sumpaan – 3 yugtob. Filipinas at Espanya – 2 yugtoc. Rizal y los Dioses – operang

Tagalog na puno ng mga sagisag na bansa.

d. Sinukuan – 3 yugto at pampulitika.

e. Ang Makata – 1 yugtof. La Rosa – 1 yugtog. Manood Kayo – awit at mga

pangyayaring pinag ugnay ugnay sa 3 yugto.

Page 41: Dula 111213051254-phpapp01-1

h. Bagong Kristo – panlipunani. Luhang Tagalog –

pangkasaysayan at pinalagay na kanyang obra

maestra.j. Kahapon, Ngayon, Bukas – 3

yugto, may himig paghihimagsik, protesta sa pamamalakad ng mga Amerikano at dahilan ng kanyang pagkbilanggo. Pinakamahusay niyang Dula.

Page 42: Dula 111213051254-phpapp01-1

Hermogenes Ilagan•Isinilang si Hermogenes Hagan sa Bigaa, Bulacan. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila.•Siya ang ninuno ng mga Ilagan na kinikilala sa larangan ng pagtatanghal sa radio, pelikula.• Kinilala sa tawag na “KA MUHING”.

Page 43: Dula 111213051254-phpapp01-1

at telebisyon -sina Robert Arevalo, Jay Ilagan, Liberty Ilagan at ang noo'y sumikat na si Eddie Lat Ilagan.•Mga Dulang isinulat:a. Dalagang Bukid – Dulang

nagpabantog sa kanya na tungkol sa isang taga bukid na si Angelita.

b. Dalawang Hangalc. Lucha Electorald. Despoes de Dios, el Dineroe. Biyaya ng Pag- ibig

Page 44: Dula 111213051254-phpapp01-1

Julian Cruz Balmaceda* Isinilang sa Orion, Bataan noong Enero 28, 1895. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong pag-aaral ng Batas sa Escuela de Derecho.

Page 45: Dula 111213051254-phpapp01-1

• Sa gulang na 12 sya naging taga sulat ng mga liham pag –ibig sa Udyong, Bataan.• naging sarhento sa gulang na 13 sa Bacood, Cavite.• Mambabalarila, mananaysay, makata, manunuring pampanitikan, kuwentista, mangangathambuhay at higit sa lahat mandudula.• Patnugot ng Suriang ng Wikang Pambansa

Page 46: Dula 111213051254-phpapp01-1

Mga Akda o Tanyag na Dulaa. Sugat ng Puso – kinatha niya

sa gulang na 14 na taonb. Ang Piso ni Anita – nagkamit

ng unang gantimpala sa Bureau of Posts. Ito ay hinggil sa pagtitipid, isang drama musikal na may 3 yugto.

c. Sa Bunganga ng Pating – panunuligsa sa mga usurero. Ito rin ang nagdala sa kanya ng karangalan at kabantugan

Page 47: Dula 111213051254-phpapp01-1

d. Budhi ng Manggagawa e. Dugo ng Aking Amaf. Kaaway na Lihimg. Dahil sa Anak – isa sa pinakapinaggigiliwang tula

Page 48: Dula 111213051254-phpapp01-1

Patricio Mariano• Naglingkod sa Senado ng Pilipinas kung kaya’t tinalikurang ang kanyang pag – ibig ang “Pagsusulat”• Ang kanyang istilo ay maromansa at punong puno ng simbolismo.• 1901-1934 nakasulat siya ng 45 na tula.

Page 49: Dula 111213051254-phpapp01-1

Mga Akdaa. Anak ng Dagat – 1922, 3 yugto,

obra maestra at naipasok karanasang personal bilang manghihimagsik, mamamahayag at pandudula.

b. Lakambini – Trahedya, 3 yugto, salaysaying batay sa unang pagsapit ng mga Kastila sa Maynila at ipinapalagay ding kanyang obra maestra.

Page 50: Dula 111213051254-phpapp01-1

c. Tulisand. Buhay Dapoe. Luha’t Dugof. Ang Dalawang Pag – ibigg. Ang Unang Binhih. Denii.Ang Pakakakj. Silanganank. Ako’y Iyo Rinl. Si Mayumo

Page 51: Dula 111213051254-phpapp01-1

Panahon ng

Hapon

Page 52: Dula 111213051254-phpapp01-1

*1941-1945, sinakop ng Hapon ang Pilipinas•Nabalam ang umuunlad na panitikang Pilipino.•Ang lingguhang Liwayway ay inilagay sa mahigpit na pagmamatyag ng mga Hapones.•Ipinagbawal ang mga babasahing naklimbag sa wikang Ingles.•Isinalin sa Tagalog ang mga nasa Ingles na babasahin.•Buhay Lalawigan- pangunahing pinapaksa sa mga panitikan.

Page 53: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 54: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 55: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 56: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 57: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 58: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 59: Dula 111213051254-phpapp01-1
Page 60: Dula 111213051254-phpapp01-1

IBA’T IBANG TEATRO NA NAGLABASAN SA PANAHONG ITO

Avenue Theater

Page 61: Dula 111213051254-phpapp01-1

b. Life Theaterc. Manila Grand Opera Theater

Page 62: Dula 111213051254-phpapp01-1

Mga Manunulat

Page 63: Dula 111213051254-phpapp01-1

A.Jose Ma. Hernandez – Panday PiraB.Jose Villa Panganiban- Utak Habang PanahonC. Wilfrido GuerreroD. Clodualdo del Mundo at Mateo Cruz-

sumulat ng Bulaga noong Pebrero 23, 1943E. Alfredo Pacifico Lopez- Sankuwaltang AbakaF. Francisco Soc Rodrigo- Sa Pula. Sa Puti

Page 64: Dula 111213051254-phpapp01-1

Bagong Panahon

Page 65: Dula 111213051254-phpapp01-1

• Muling sumigla ang panitikang Pilipino ng tuparin ni MacArthur ang kanyang pangako at natalo ang mga Hapon.•Nagkaroon ng iba’t ibang patimpalak sa larangan ng pagsusulat gaya ng mga ss:•Palanca Memorial Award in Pil. & English Lit.

•Gawad ni Balagtas Award•Republic Cultural Award•Taunang Gawad na Surian ng Wikang Pambansa

Page 66: Dula 111213051254-phpapp01-1

•Tuluyang namatay ang sining ng dulang pandulaan.

Dahilan: a. Pamamalasak ng pelikulang Tagalog at pelikulang dayuhan. b. Kawalan ng samahang magmamalasakit sa sining na ito. c. Kapabayaan ng pamahalaan