Download - q4 Reviewer Hekasi

Transcript
Page 1: q4 Reviewer Hekasi

1. Ang Pamayanang Pilipino Binubuo ang Pilipinas ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong

bahagi n gating teritoryo.

Pinaghihiwalay ng KABUNDUKAN, BUROL, at ILOG ang mga pamayang Pilipino. Dahil ditto magkakaiba ang mga paraan ng kanilang pamumuhay. May kani-kaniyang katangian at may sari-sariling salita, pagkain, tirahan, pagdiriwang, pamahiin, awitin, kasuotan, at paraan ng pag-aayos ng sarili.

Mahigit sandaan ang mga pangkat ng Pilipino. NAHAHATI SILA SA DALAWANG PANGKAT – ANG MALALAKI AT MALILIIT na katutubong pamayanan.

2. MGA PAMAYANAN SA LUZON Naninirahan sa kapatagan ang malalaking pangkat. Ang maliliit na

pangkat ay sa maburol at malalayong lugar nakatira.

Marami sa mga pamayanan sa Luzon ay nagging Kristyano.

Ang mga nasa kapatagan ay mas mauunlad ang buhay dahil sa mas mabilis na ugnayan.

Page 2: q4 Reviewer Hekasi

2.b. MALILIIT NA PAMAYANAN

a) Ivatan – sa Batanes nakatira ang mga Ivatan. Nasa dulong hilaga ng Luzon ang Batanes. Madalas ito daanan ng bagyo kaya’t pinapatibay ng mga Ivatan ang kanilang mga bahay. Ang mga bahay nila ay yari sa bato, maliit at kaunti lamang ang bintana. Mga halamang ugat ang kanilang itinatanim upang di mapinsala sa bagyo at malawak ang mga pastulan para sa baka.

b) Ifugao – galing sa salitang “ipugo” o mga taong galing burol. Naging kilala sila sa pagbuo ng rice terraces na matatagpuan sa Banawe sa Ifugao. Parte ng Cordillera Administrative Region o CAR sa hilagang Luzon ang Ifugao. Ang mga ninuno nila ay mga pagano na sinusunod ang pagsamba sa kinikilala nilang may likha ng lahat na si Bathala. Sa kasalukuyan, marami na sa kanila ang Kristyano. Ang “Hudhud” at “Alim” ay epiko mg kabayanihan at bahagi ito ng kanilang panitikan. Pagsasaka, paghabi ng tela at pag-ukit ng piguring kahoy ay ilan sa kanilang hanapbuhay.

c) Kalinga – Ang lalawigan ng Kalinga ay bahagi din ng CAR. Kilala sila sa kanilang makukulay na kasuotan at adorno sa katawan. May walong sulok ang kanilang kabahayan. Palay at kopra ang kanilang produkto. Mahusay din sila sa paggawa ng basket, palayok, at produktong metal.

Page 3: q4 Reviewer Hekasi

d) Negrito – Matatagpuan sila sa iba’t ibang bahagi ng Luzon tulad ng Quezon, Zambales, Cordillera, Bataan at Palawan. Kilala din sila sa tawag na Dumagat, Agta, Batak, Ati at Tagbanua. Umaabot sila sa mahigit na 25 pangkat. Simple lang ang pamumuhay nila at ang armas lamang nila ay pana at palaso. Nangangaso (hunting) sila at nangunguha ng mga produkto sa kanilang paligid. Unti-unti na nasasanay sa pagtatanim at pag-alaga ng hayop.

e) Mangyan – Tulad ng mga Negrito, marami din silang pangkat. Sila ay naninirahan sa Mindoro. Nahahati ang kanilang pangkat sa pito at dalawa ditto ay ang Hanunuo at Ratagnon. Palay, kamote, mais at halamang-ugat ang kanilang panngunahing produkto. Ang bawat pamayanan ng mga Mangyan ay binubuo ng 5 hanggang 12 bahay na magkakamag-anak. Ang pinakamatanda sa kanila ang kanilang lider.

2.c. MALALAKING PAMAYANAN

a) Ilokano – pangunahing pangkat na naninirahan sa Ilocos. Pagsasaka at pangingisda kanilang ikinabubuhay. Palay, tabako at bawang ang ilan sa kanilang mga produkto. Lumaki silang masisikap at matitipid dahil nauunawaan nila ang hirap ng pagsasaka at paghahanapbuhay.

b) Pangasinense – Matatagpuan sila sa kanlurang bahagi ng Luzon. Sakop din sila ng rehiyong Ilocos. Pagsasaka at

Page 4: q4 Reviewer Hekasi

panginigsda din ang kanilang hanapbuhay. Ang iba pa nilang hanapbuhay ay paggawa ng itak, banig na buri at mga produktong metal. Pangasinense ang tawag sa salita nila.

c) Kapampangan – sila ang pinakamalaking pangkat sa paligid ng Ilog Pampanga. Ang kanilang rehiyon ang itinuturing na pinakamalaking imbakan ng palay, ang gitnang Luzon. Pagsasaka at panginigisda sa mga sapa at latian ng mga isdang tabang. Kilala sila sa kahusayan sa pagluluto, paggawa ng banig, preserbadong karne (tulad ng tocino, longganisa, etc.) at matamis na pagkain.

d) Bikolano – matatagpuan sila sa tangway ng Bikol. Isa itong malaking masa ng lupa na nakausli sa timog silangang bahagi ng Luzon. Ang kanilang pangunahing produkto ay abaka at niyog at mga mineral tulad ng bakal, ginto at chromite. Pagsasaka at pagmimina ang kinabubuhay sa Bicol. Kilala din sila sa pagiging relihiyoso. Isa sa mahalaga nilang pagdiriwang ay ang Penafrancia Festival sa lungsod ng Naga.

e) Tagalog – sila ang pangunahing pangkat sa Pilipinas. Ang Tagalog na kanilang dialekto ang napiling pagbatayan ng Pambansang Wikang Pilipino. Sila ay nasa CALABARZON, National Capital Region (NCR), MIMAROPA, at ilan pang lalawigan sa Gitnang Luzon. Ang kanilang kinaroroonan ay nasa patag na lugar kaya’t maunlad ang kanilang kabuhayan. Kilala sila sa pagiging masayahin at palakaibigan.

Page 5: q4 Reviewer Hekasi

3. MGA PAMAYANAN SA VISAYAS Matatagpuan ang Visayas sa pagitan ng Luzon at Mindanao

Nagkakaiba ang dialekto at paraan ng pamumuhay ang ng pamayanan sa Visayas

a) Hiligaynon o Illongo – Kilala sila sa pagiging malambing. Naninirahan sila sa Aklan, Capiz, Antique at Iloilo.

b) Cebuano – sila ang pinakamalaking pangkat sa Kabisayaan. Matatagpuan sila sa Gitnang Visayas. Ang kanilang salita ay Cebuano at kilala ang Cebu sa magagandang tanawin na pinupuntahan ng mga turistang local at dayuhan.

c) Waray – matatagpuan sila sa lalawigan ng Leyte at Samar. Sila din ay parating handa sa mapaminsalang bagyo. Ang pangunahing produkto nila ay banig, kopra at isda.

4. MGA PAMAYANAN SA MINDANAOa) Tausug – namumuhay sila sa Sulu. Malapit sa karagatan ang

kanilang mga tahanan at sila’y kilala sa kanilang tapang at hilig sa pakikipagsapalaran sa dagat. Kilala din sila sa produktong

Page 6: q4 Reviewer Hekasi

armas, alahas, mga produktong bronse, brass at mga telang maninipis.

b) Badjao – sila ay mga mandaragat din. Sila’y kilala bilang “manlalakbay sa dagat.” Nasa dalampasigan ng Sulu ang kanilang mga tahanan na nakapatong sa mga tungkod upang hindi abutin ng pagtaas ng tubig. Namumuhay sila sa panginigsda, pagsisid ng perlas at pakikipagkalakalan.

c) Maranao – sila naman ay mga taga-lawa. Sa paligid ng Lawa ng Lanao sila nakatira. Ang Lawa ng Lanao ang pinakamalaki at pinakamalalim sa Pilipinas. Mais, kamote, kape at mani ang kanilang mga produkto.

d) T’boli – naninirahan sila sa kabundukan ng Mindanao. Kasama sila sa pangkat ng mga lumad sa Mindanao. Sila ay mga pagano. Ang mga babaeng T’boli ay mahilig sa makukulay na adorno sa katawan. Ang mga lalaki naman ay mahusay sa pangangabayo. Mahilig sila sa musika. Kinabubuhay nila ang pagtatanim paggawa ng mga kalakal tulad ng alahas, palayok, basket at armas.

Page 7: q4 Reviewer Hekasi

5. MGA UGALING LIKAS SA MGA PILIPINO Magalang – nagbibigay galang sa nakatatanda sa pamamagitan ng

po at opo, pagmamano at pagbati. Masipag – Maparaan – dala ito ng kahusayan sa pag-isip ng iba’t ibang

paraan para magawa ang nais Malikhain – maraming talento ang Pilipino. Kilala sila at mahusay

sa iba’t ibang uri ng sining Matapang – magigiting at mahusay sa pakikipaglaban para sa

kalayaan Matulungin – Magiliw sa bisita – ibinibigay sa bisita ang pinakamahusay na pag-

asikaso Matapat – pagsasabi ng totoo at pagsasauli ng mga bagay na pag-

aari ng iba Makabayan – mahal ng Pilipino ang kanyang inang Bayan Makapamilya – Makakalikasan – pinangangalagaan niya ang kanyang paligid Maka-Diyos – naniniwala sya na may isang Panginoong lumikha sa

tao at sa kanyang paligid. Ipinakikita ito sa pamamagitan ng pagdadasal ng taimtim at pagtulong sa nangangailangan.

Mga Makasaysayang Lugar sa Pilipinas

Page 8: q4 Reviewer Hekasi

Luzon

Tirad Pass (Ilocos Sur) – dito napatay si Heneral Gregorio del Pilar sa pagharang nila sa mga Amerikanong kawal na humahabol sa unang Pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo

Barasoain Church (Malolos, Bulacan) – dito naganap ang Kongreso ng Malolos. Ito ay binubuo ng mga unang mambabatas ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Sila rin ang sumulat ng Konstitusyon ng Malolos.

Dambana ng Kagitingan (Mt. Samat, Bataan) – Matatagpuan ito sa tuktok ng bundok na isang malaking krus. Ito ay palatandaan ng mga namatay na sundalo bago ganap na isinuko ang Bataan noong 1942 na panahon ng giyera.

Camp O’Donnel (Capas, Tarlac) – Mula sa Bataan, ang mga sumukong sundalong Pilipino at Amerikano ay pinagmartsa patungong Capas, Tarlac. Maraming namatay sa martsang ito. Ang mga natirang buhay ay ikinulong sa kampong ito.

Aguinaldo Shrine (Kawit, Cavite) – Dito sa bahay ni Emilio Aguinaldo dineklara ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Dito unang nadinig ang Lupang Hinirang at unang beses na itinaas ang watawat ng Pilipinas.

Rizal Shrine (Calamba, Laguna) – dito isinilang si Dr. Jose Rizal noong Hunyo 19, 1861.

Metro Manila

Page 9: q4 Reviewer Hekasi

Rizal Park – isang maluwag na parke sa Lungsod ng Maynila. Dati itong tinatawag na Bagumbayan kung saan pinatay ng mga Espanyol si Jose Rizal nuong Disyembre 30, 1896. May malaking monument ni Rizal ditto.

Fort Santiago, Manila - Ito ang kuta ni Raha Sulayman nung dumating ang mga Espanyol. Ginawa itong kulungan ng mga bihag ng mga Espanyol. Dito din ikinulong si Rizal bago sya binaril sa Luneta. Makikita ditto ang isang estatwa ni Rizal.

Intramuros – matatagpuan sa Maynila.Ito ang ikatlong pamayanan ng mga Espanyol. Nababakuran ito ng makakapal na pader kaya ito tinawag na “Walled City of Intramuros.” Mga purong Espanyol lamang ang mga tumitira dito noon. Nawasak nung giyera ang mga pader ng Intramuros.

Monumento ng Balintawak, Quezon City – dati itong tinatawag ng Pugad Lawinpa. Dito naganap ditto ang Unang Sigaw sa Pugad Lawin. Dito naganap ang makasaysayan na pagpunit ng mga Pilipinong rebolusyonaryo sa kanilang sa kanilang sedula. Ito ang nagging simula ng rebolusyon ng 1896.

Pinaglabanan Shrine, San Juan – Dito unang nasabak sa labanan si Andres Bonifacio. Natalo ang kanilang grupo ng mga Espanyol ditto. Naganap ito nung 1896 nang matuklasan ang kanilang samahan na Katipunan.

Visayas

Monumento ni Lapulapu - Mactan, Cebu – Ito ang palatandaan kung saan naganap ang labanan ng Mactan. Natalo dito ng pwersa ni Lapulapu ang pwersa ni Magellan noong 1521.

Page 10: q4 Reviewer Hekasi

Sto Nino Basilica, Cebu – Sa Cebu naganap ang unang binyagan sa Pilipinas at ang lumahok ditto ay ang mga taga sunod ni Raha Humabon. Sila ang mga unang Kristyano sa Pilipinas.

MacArthur Memorial Red Beach – Palo, Leyte – Sa dalampasigan ng Red Beach dumaong ang pangkat ni Heneral MacArthur at ang pwersang Amerikano nung bumalik sila sa Pilipinas upang pasukuin ang mga Hapon. Kasama nila ang Presidente ng Pilipinas, si Sergio Osmena, Sr. Naganap ito nung 1944

Mindanao

Dapitan Rizal Shrine, Zamboanga del Norte – dito dinala si Rizal nung sya ay ipatapon ng mga Espanyol. Halos 4 na taon syang nanirahan ditto.

Fort Pilar, Zamboanga del Sur – ito ang kampo ng mga Espanyol sa Mindanao. Ito ang kanilang nagging huling tanggulan bago tuluyang sumuko sa mga Amerikano. Ginamit din ang moog na ito bilang kampo ng mga Amerkano at Hapon.

Page 11: q4 Reviewer Hekasi

MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG BATANG PILIPINO

Mga Karapatan ng Batang Pilipino

1. Maisilang at Mabuhay

2. Magkaroon ng tirahan at pamilya

3. Maipahayag ang saloobin

4. Magkaroon ng ligtas na paligid

5. Makapag-aral at Maging matalino

6. Pangalagaan ng pamahalaan

7. Maglaro at maglibang

8. Makapagsimba at magdasal

9. Magtungo saanman naisin

10. Magkaroon ng mga pangangailangan

Mga Tungkulin ng Batang Pilipino

1. Igalang ang Watawat

2. Ipagmalaki ang Sariling Bansa

3. Gamitin ang Sariling Wika

4. Sumunod sa mga Batas

5. Alagaan ang Kapaligiran

6. Pangalagaan ang Sarili

Page 12: q4 Reviewer Hekasi

Mga Tungkulin sa Bahay

1. Tumulong sa mga Gawaing Bahay

2. Igalang ang mga Nakatatanda

3. Maging Malusog

4. Mahalin ang Pamilya

Mga Tungkulin sa Simbahan

1. Magdasal ng Taimtim

2. Umawit nang Maayos

3. Making sa Salita ng Diyos

4. Lumahok sa Ritwal ng Simbahan

Mga Tungkulin sa Paaralan

1. Maglinis ng Silid-Aralan

2. Mag-aral ng Mabuti

3. Igalang ang Guro at mga Kawani ng Paaralan

4. Sundin ang mga Tuntunin ng Paaralan

Page 13: q4 Reviewer Hekasi

MGA PANGANGAILANGAN NG PAMAYANAN

Dalawang klase ng pangangailangan ng bawat tao:

1. Pangunahing pangangailangana. Pagkain – malinis na inumin at masustansyang pagkainb. Tirahan – sapat na kasya at komportable ang pamilya sa

tirahan nilac. Kasuotan na nababagay sa klima, nararanasan, lugar na

kinaroroonan at okasyong pupuntahan

2. Karagdagang pangangailangana. Edukasyon upang masagot ang maraming nyang tanong

tungkol sa kapaligiran nyab. Pakikipag-ugnayan sa Diyo s dahil ito ang magbibigay

katahimikan ng isipc. Hanapbuha y dahil ditto mangagaling ang kanyang kita na sya

naman nyang gagastusin sa lahat ng kailangan nya sa buhayd. Kaligtasan mula sa sakit at panganibe. Pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan dahil sila

magbibigay sa kanya ng panahon para making at tulungan siya

f. Ehersisyo para siya ay lumakas at lumusogg. Pahinga at libangan

MGA PANGANGAILANGAN NG PAMAYANAN1. Sapat na Pagkain – sa pamayanang rural (probinsya) madalas

na ang pagkain ay sariwa at nagmumula sa sariling ani

Page 14: q4 Reviewer Hekasi

(harvest). Sa pamayanang urban (cities) mahalaga ang may trabaho ang bawat pamayanan.

2. Matapat at Mahusay na Pinuno – Kapag tinupad ng mga pinuno sa pamayanan ang kanilang katungkulan nagiging maayos ang pamayanan. Hindi dapat nasasangkot sa korupsiyon at katiwalian ang mga pinuno ng pamayanan.

3. Pakikiisa ng mga Mamamayan – maraming proyekto para sa mga mamamayan an gating pamahalaan. Malaki ang papel ng mga mamamayan sa ikatatagumpay ng mga proyektong ito. Kapag di nila sinuportahan at sinalihan ang mga proyektong ito, wala lamang mangyayari sa mga proyekto at di uunlad ang buhay ng mga mamamayan nito.

4. Luntiang Kapaligiran – kapag luntian ang kapaligiran, produktibo ang kapaligiran. Importante na produktibo ang kapaligiran dahil dito nagmumula ang mga kailangan ng tao. Ang pagkasira ng kapaligiran ay magbubunga ng pagkawala ng pakinabang na kailangan ng tao.

5. Tahimik na Kapaligiran – Nakapamumuhay nang payapa ang mga tao kung tahimik ang kanilang kapaligiran. Ang tahimik na paligid ay ligtas sa mga panganib na dulot ng masasamang tao.

6. Masayang Pamilya – kapag masaya ang pamilya masaya din ang pamayanan. May mga ahensya sa pamahalaan na tumutulong na maging masaya ang pamilya, katulad ng pagbibigay ng trabaho sa mga walang trabaho, pagpapagamot sa maysakit, pagtulong sa biktima ng bagyo, baha at kalamidad.

7. Pagtutulungan ng Tao at Pamayanan – kapag lahat ng myembro ng pamilya ay mayroon ng kanilang kailangan, nagiging kontento sila at dahil dito madali silang tumulong sa

Page 15: q4 Reviewer Hekasi

kanilang kapwa. Maraming pangangailangan ang isang pamayanan kaya’t importanteng nagtutulungan ang bawat kasapi ng pamayanang ito.

Page 16: q4 Reviewer Hekasi

MGA LINGKOD BAYAN

Maaaraing hatiin ang mga lingkod-bayan sa:

1. Propesyonal – gumagamit ng kanilang talino at napag-aralan; sila din ay nakapagtapos ng kolehiyo

2. Lakas-bisig – gumagamit ng kanilang lakas at kakayahan; sila ay nag-aral ng isa o dalawang taon na kursong bokasyonal

Maari ding hatiin sila sa:

1. Lumilikha ng produkto – sila ang nakabubuo ng kalakal tulad ng isda, bigas, damit, ginto, de-latang pagkain, at mga kagamitan sa paaralan. Sila ang mga minero, magsasaka, mangingisda, at iba pa.

2. Nagbibigay ng serbisyo – sila ang mga manikurista, labandera, barber, guro, duktor, abogado, at iba pa.

MGA IBA’T IBANG KLASE NG LINGKOD BAYAN

1. Tagatustos ng Pagkain – sila ang nagbibigay ng pagkain sa mga mamamayan. Ang magsasaka, maghahayop, at mangingisda ang nagtutustos ng mga hilaw na pagkain. Ang mga manggagawa ay lumilikha naman ng mga yaring produkto mula sa mga hilaw na bagay. Sila ang gumagawa ng sardinas, de-latang karne, hotdog, at de-latang prutas. Ang mga pagkaing natutustos ng mga magsasaka, mangingisda, maghahayop at manggagawa ay ibinebenta naman ng mga tindera.

Page 17: q4 Reviewer Hekasi

2. Tagatustos ng Ibang Kagamitan – sila ang mga minero (kumukuha ng mga mineral tulad ng tanso, bakal at nikel, at iba pa), magtotroso (pumuputol ng malalaking puno sa gubat na ginagawang table) ang nagtutustos ng mga kagamitang kailangan sa paggawa ng bahay.

3. Tagakumpuni ng Mga Sirang Bahay – inaayos ang mga sirang kagamitan upang magamit muli. Mahalagang inaayos ang mga ito upang makapagtipid. Ang tubero ang nag-aayos ng sirang gripo at tubo; kinukumpuni naman ng mekaniko ang mga sirang sasakyan; karpintero naman ang nag-aayos ng sira sa tahanan at sapatero ang nag-aayos ng mga sirang sapatos.

4. Tagapangalaga ng Katahimikan – Ang barangay tanod, pulis at sundalo ang nangangalaga ng katahimikan ng bansa at pamayanan. Tumutulong din sila sa pag-ayos ng trapiko.

5. Nagbabantay sa Pamayanan – ang mga pulis ang lumulutas sa mga krimen ng bansa. Hihuli nila at kinukulong ang mga masasamang tao. Ang mga sundalo naman ang nagtatanggol sa bansa laban sa mga kalaban nito. Sila din ang nakikipaglaban sa mga rebelde ng bansa.

6. Tagapagturo ng mg Kaalaman – Ang mga guro ang nagtututo ng mga kaalaman at kakayahan sa paaralan. Ang mga madre, pari at pastor ang nangangaral ng Salita ng Diyos at nagtuturo ng pagdarasal. Ang imam naman ang nagtuturo ng mga kaalaman tungkol sa Islam.

Page 18: q4 Reviewer Hekasi

7. Tagapangalaga ng Tahanan – Ang kasambahay (nagluluto ng pagkain at naglilinis ng bahay), yaya (tagapag-alaga sa bata), at labandera ay mahalaga sa mag-anak. Kailangan sila ng pamilya sa tahanan.

8. Tagapangalaga ng Kalusugan – Doktor, Nars at Dentista

9. Tagapangalaga ng Kapaligiran – Kaminero, basurero at taga-walis ng daan. Sila ang nagpapanatili sa kalinisan ng paligid.

10. Taga-ayos ng Rekord – mga nagtratrabaho sa opisina at bangko. Sila ang nag-aayos at nagtatang ng mga mahahalagang papeles sa mga opisina. Ang mga clerk ang nagaayos ng mga record samantalang ang accountant ang nagbibilang ng kita ng opisina. At ang bank teller ang nagtratrabaho sa bangko.

11. Tagapagtanggol ng Karapatan – Sila ang nagpapairal ng katarungan sa pamayanan. Ang abogado ang tumutulong sa akusado o sa biktima. Ang hukom ang taga-dinig ng kaso at sya ay nagpapasya kung sino ang may sala ng naaayon sa batas. Ang punong hukom ang pinuno ng Korte Suprema. Kasama sya sa 14 na nagbibigay ng huling pasya sa kaso.

Page 19: q4 Reviewer Hekasi

MGA KAKAYANAN NG BATANG PILIPINO

Maraming kakayahan at talento ang mga batang Pilipino. Kailangan ng batang Pilipino sa paglakin ang kanyang talento.

1. Tahanana. Tumulong sa gawaing bahayb. Tumulong sa negosyo kapag walang pasok sa paaralanc. Pasayahin ang kanyang mga magulang

2. Paaralana. Kakayahang magsalita, mag-isip, bumilang, at magbasa nang

mahusay, bumigkas ng tula, umarte ng mahusay, gumuhit at umawit

3. Simbahana. Magbigay puri sa Diyosb. Magdasal at umawitc. Maupo at making ng tahimik sa kanilang pari o pastor

4. Pamahalaana. Tuparin ang tungkulin niya sa barangayb. Sumusunod sa mga batas ng barangay tulad ng pagpulog ng

basura, itapon ang sariling basura sa wastong basurahan (ihinihiwalay ang lata, bote, plastic sa ibang basura)

c. Inaalagaan ang mga alagang hayop5. Yamang tao

a. Ang mga mamamayan ang yamang tao ng bansa. Maraming Pilipino na ang nagpakita na ng kahusayan sa iba’t ibang larangan.

Page 20: q4 Reviewer Hekasi

MGA HUWARANG PILIPINO

ISPORTS1. Manny Pacquiao – kasalukuyang kampeon sa Pilipinas 2. Flash Elorde - Nagawa nyang idepensa ang titulo sa loob ng pitang

taon at sampung laban.3. Lydia de Vega – mahusay na Pilipinang mananakbo; nagkamit ng

gintong medalya sa Asian Games at Southeast Asian Games4. Rafael “Paeng” Nepomuceno – husay sa bowling. Ilang medalya ang

napanalunan sa bowling. Aktibo pa din sya hanggang nung 20085. Efren “Bata” Reyes – kilala sa buong mundo dahil sa galing sa bilyar6. Willy Wang – nagkamit ng gintong medalya sa 2008 Beijing Olympics

sa wushu7. Eugene Torre – maraming napanalunang world tournament sa chess8. Bong Coo – katulad ni Paeng Nepomuceno, madami nakamit na

medalya sa larangan ng bowling

SEKTOR NG SINING

1. Leah Salonga – kahusayan sa pag-awit at pag-arte. Nakilala sya sa Pilipinas at buong mundo dahil sa talento nya. Gumanap sya bilang pangunahing karakter sa Miss Saigon sa Inglatera (England) at Estados Unidos (United States)

2. Guillermo Tolentino – mahusay na iskultor; galing sa mahirap na pamilya sa Malolos Bulacan. Siya ang bumuo ng momumento ng UP Oblation. Naging Pambansang Alagad ng Suining ng Pilipinas nung 1976.

3. Fernando Amorsolo – kaunaunahang nahirang na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas noong 1972 dahil sa kahusayan sa pagpipinta.

Page 21: q4 Reviewer Hekasi

4. Levi Celerio – isang kompositor at maraming nalikhang awitin. Isang kakayahan nya ay ang pagtugtog nya gamit lamang ang isang dahon. Namatay sya noong 2002.

SEKTOR NG KABABAIHAN

1. Rose Ambubuyog – nanguna sa kanyang klase sa Ateneo kahit na sya’y isang bulag.

2. Hilaria Aguinaldo – kaunaunahang Unang Ginang o First Lady. Sya ang nagtatag ng Philippine Red Cross.

3. Trinidad Tecson – “Ina ng Biak na Bato” dahil sa kahusayan sa pakikipaglaban kasama ng kalalakihan

4. Filomena Tatlonghari – isang guro sa Mabini, Batangas na pinatay habang pinoprotektahan ang mga boto sa ballot boxes na gusting nakawin ng mga bumaril sa kanya.

SEKTOR NG PAMAHALAAN

1. Ramon Magsaysay – Pangulo ng Bansa mula 1953 hanggang 1957. Tinawag syang Kampeon ng Masa at minahal ng mabuti ng mga Pilipino. Namatay sya sa isang plane crash sa Cebu nuong 1957

2. Grace Padaca – Gobernador ng Isabela noong 2004. Lumaki syang pilay dahil sa polio. Tinalo nya ang kalaban na nagmula sa isang pamilya ng mga politico. Tinanghal syang Ramon Magsaysay Awrdee noong 2008 dahil sa mahusay na pamumuno

3. Crispin Beltran – Mambabatas mula sa party list na syang kumakatawan sa ilang sector sa lipunan.

Page 22: q4 Reviewer Hekasi

4. Benigno Aquino, Jr. – nagging gobernandor ng Tarlac at Senador ng Pilipinas. Nilabanan ang diktadura ni Marcos kaya’t pinakulong. Pinatay sya noong 1983 sa paliparang Ninoy Aquino International Airport.

SEKTOR NG AGHAM

1. Eduardo San Juan – tumulong sa paggawa ng lumar rover na syang sinakyan ng unang astronaut na tumapak sa buwan na si Niel Armstrong

2. Lilia Patena – pag-aaral sa mga halamanan3. Maria Paz Guanzon – kaunaunahang babaeng doctor sa Pilipinas4. Francisco Quisumbing – imbentor ng Quink-isang tintang (ink) na

medaling matuyo

Page 23: q4 Reviewer Hekasi

HUSTISYA AT KAPAYAPAAN PARA SA KABATAAN

Karapatan ng kabataan na lumaki sa isang maayos at payapang kapaligiran. Magiging ganap ang buhay ng kabataan kung iiral sa pamayanan ang kaunlaran, hustisya at kapayapaan.

MAUNLAD NA KABUHAYAN

Pangunahing kailangan ng pamilya ang sapat na pagkain at maayos na kasuotan. Noong 2006, kailangang kumita ng P6,274 buwan-buwan upang makabuhay ng pamilya na may 3 anak. Sa Metro Manila kailangan kumikita ng P8,569 para di maituring na mahirap

Ang kahirapan nag ugat sa mga sulitanin. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming kabataan ang hindi nakararang ng hustisya at kapayapaan sa kanilang buhay.

HUSTISYA – pagkakapantay-pantay ng lahat. May hustisya kung pareho ang pagtrato sa lahat. Umiiral ang hustisya kung lahat ay may pantay na pagkakataon para magawa ang nais nila. Dahil magkakaiba ang sitwasyon ng kabataan, walang pantay na pagkakataon upang lahat ay lumaki ng matalino at mamuhay ng maayos

KAPAYAPAAN – walang kapayapaan ang pamilya kung maraming suliranin. Ang kakulangan sa maraming magay ang dahilan ng di pagkakaintindihan ng isang pamilya. Magulo ang kalagayan ng pamilya dahil sa problema na dulot ng kahirapan.

Page 24: q4 Reviewer Hekasi

UPANG UMIRAL ANG HUSTISYA PARA SA KABATAAN, KAILANGAN MABAGO ANG MGA SUMUSUNOD NA SITWASYON:

Tatlo Sa bawat limang mag-aaral ay mahirap ang buhay Isa sa bawat 11 bata na limang taon pababa ay kulang sa timbang Isa sa bawat 5 sanggol ay namamatay bago maging limang taon Isa sa bawat 3 bata ay di nakakatapos ng Grade 6 3 sa bawat 20 bata ay nagtratrabaho

MGA BATANG LANSANGAN

Sila ay mga batang 5 hanggang 17 years old na nakatira sa lansangan o pampublikong lugar. Marami sa kanila ay may pamilyang inuuwian pro apat na oras sa isang araw silang nasa lansangan. Ang iba ay sa lansangan na nakatira.

Mas marami ang lalaking batang lansangan kaysa sa babae Naglalagi sa kalsada mula 6 oras pataas Kumikita sila ng P20 isang araw Marami sa kanila ay nakaranas na makulong na Nagagamit sila ng sindikato

MGA DAHIKAN NG PAGIGING BATANG LANSANGAN

Paglayas sa tahanan Pagiging ulila Kahirapan Paghihiwalay ng magulang

Page 25: q4 Reviewer Hekasi

MGA BATANG MANGGAGAWA

Kailangan nilang magtrabaho dahil sa kakulangan ng pera ng pamilya

Tumutulong sila para madagdagan ang kita ng kanilang magulang Hindi sila nakakapag-aral dahil sa nagtratrabaho buong araw Lumalaki na walang pinag-aralan Nalalagay sa panganib dahil sa trabaho

MGA BATANG KATUTUBO

Dahil sa kalayuan ng kabundukan wala silang maayos na katayuan sa buhay

Kulang sila sa nutrisyon o masustansyang pagkain Walang ospital o klinika o paaralan sa kanilang lugar

MGA BATANG MAY KAPANSANAN

Karamihan sa kanila ay mga pipi, bingi at bulag Isang samahan ang tinatag noong 1999 para tumulong sa kanila.

Ito ang Tulong Aral Walang Sagabal (TAWAG)

MGA BATA SA MINDANAO

Ang kaguluhan sa Mindanao ay malaki ang epekto sa pamumuhay ng mga bata doon

Halos kalahating milyong ang apektado ng palipat-lipat ng pamilya dahil sa madalas na barilan ng mga sundalo at rebelde

Maraming batang lalaki ang nakukumbinsi ng mga terorostang Muslim upang sumali sa kanila

Page 26: q4 Reviewer Hekasi

MGA PROYEKTO PARA TULUNGAN ANG MGA BATA

Sagip Batang Manggagawa na itinatag noong 1993. Noong 2000 may 248 na kaso na itong nailigtas

Bantay Bata 163 na nagliligtas sa mga batang Pulipino sa mga pang-aabuso

Tulong ng media dahil medaling naipararating sa samahan ang mga kaso ng abuso laban sa mga bata


Top Related