Transcript

HEKASI V

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nakikilala ang mga katangian ng populasyon na makatutugon sa pag-unlad ng bansaII.Paksang-aralin:

Laki ng Populasyon

Bills ng Paglaki ng Populasyon

Sanggunian: PELC pp. 1-2

Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 2-6

Kagamitan: Talangguhit ng Bills ng Pagdami ng Populasyon

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Magpakita ng isang mapa ng Pilipinas. Ipatukoy ang mga bumubuo rito na napag-aralan sa mga naunang baitang.B.Panlinang na Gawain:

1.Paglulunsad ng YunitPagpapakita ng iba't ibang larawan na nasa paskilan.

2.Paglalahad ng Aralin

Ano ang tawag sa taong nakatira sa Pilipinas

3.Pagtalakay

Talakayin ang mga katangian ng populasyon ng bansa pahina 3-6. Pansisnin ang mga grap, tsart at talahanayan.

C.Pangwakas na Gawain:

1.Paglalahat:

Ipaliwanag ang kaugnayan ng laki at bilis ng pagdami ng populasyon sa pagunlad ng bansa.

2. Paglalapat:

Bigyan ng pagsasanay ang klase sa paggawa ng talahanayang tsart at grap at sa pagbibigay kahulugan sa ginawa nila.

3.Pagpapahalaga:Bilang isang mamamayang Pilipino, paano ka makatutulong sa pag-unald ng ating bansa?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Humigit kumulang Ilan ang dami ng kasalukuyang populasyon ng bansa?

2. Gaano kabilis ang pagdami ng populasyon taun-taon nitong mga nakaraang huling taon?

3. Ano ang tinutukoy ng katawagang populasyon?

4. Kailan ginawa ang kauna-unahang pagtaya ng populasyon ng Pilipinas?

5. Ano ang kaugnayan ng malaki at mabilis na paglaki ng populasyon sa pag-unlad ng bansa?

V.Takdang Aralin:Itala ang mga programa ng pamahalaan hinggil sa katangian ng populasyon.HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Natatalakay ang kahalagahan ng malulusog at matatalinong mamamayan sa pagpapaunlad ng isang bansa.II.Paksang-aralin:

Laki ng Populasyon

Bills ng Paglaki ng Populasyon

Sanggunian: PELC pp. 1-2

Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 2-6

Kagamitan: Talangguhit ng Bills ng Pagdami ng Populasyon

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Magpakita ng isang mapa ng Pilipinas. Ipatukoy ang mga bumubuo rito na napag-aralan sa mga naunang baitang.B.Panlinang na Gawain:

1.Paglulunsad ng Yunit

Ipauri ang mga larawan at hayaang magbigay ng ilang pangungusap ang mga bata tungkol dito.

2.Paglalahad ng Aralin

Ano ang pinakamahalagang pinagkukunang-yaman ng bansa?3.Pagtalakay

Pasagutan ang mga tanong tungkol sa talahanayan 1.1. C.Pangwakas na Gawain:

1.Paglalahat:

Ipaliwanag ang kaugnayan ng laki at bilis ng pagdami ng populasyon sa pagunlad ng bansa.

3. Paglalapat:

Bigyan ng pagsasanay ang klase sa paggawa ng talahanayang tsart at grap at sa pagbibigay kahulugan sa ginawa nila.

3.Pagpapahalaga:Bilang isang mamamayang Pilipino, paano ka makatutulong sa pag-unald ng ating bansa?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang sumusunod na tanong.1. Humigit kumulang Ilan ang dami ng kasalukuyang populasyon ng bansa?

2. Gaano kabilis ang pagdami ng populasyon taun-taon nitong mga nakaraang huling taon?

3. Ano ang tinutukoy ng katawagang populasyon?

4. Kailan ginawa ang kauna-unahang pagtaya ng populasyon ng Pilipinas?

5. Ano ang kaugnayan ng malaki at mabilis na paglaki ng populasyon sa pag-unlad ng bansa?

V.Takdang Aralin:Itala ang kabuuang populasyon ng Pilipinas ayon sa National Statistic Office o NSO?HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nasasabi ang kabuuang populasyon ng PilipinasII.Paksang-aralin:

Distribusyon ng Populasyon Sanggunian: PELL p. 2

Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 6-7

Kagamitan: Talahanayan ng Populasyon ng Pilipinas 1799 2000.III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Magkaroon ng brainstorming session at tanggapin ang ano mang sagot ng mag-aaral.

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Ipasukat ang silid-aralan sa metro kwadrado. Patayuin ang mga bata sa mga metro kwadrado. Tiyaking magkakatulad o halos magkakatulad ang bilang ng bata sa bawat metro kwadrado.2. Paglalahad

Ibigay na halimbawa na kung ang sukat ng silid-aralan ay 6 x 8 metro at ang bilang ng bata ay 50 ang bilang ng batang tatayo sa sukat na isang metro kwadrado ay isa.3. Pag-aralan ang teksto sa pahina 7-8.4. Pagtatalakayan

Bakit hindi pantay ang distribusyon o pagkakabahagi ng mga tao sa Pilipinas? Paano nasusukat ang distribusyon ng tao sa bansa?5. Magbigay ng pagsasanay sa pagkwenta ng kapal ng populasyon.

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ano ang pagkakaiba ng Distribusyon ng Populasyon sa Kapal ng Populasyon?

Kapal ng= Bilang ng tao .

Populasyon

Kabuuang lawak ng bansa2. Paglalapat

Paano ninyo makukuha ang kapal ng populasyon ng ating bayang Norzagaray?3. Pagpapahalaga

Sa paanong paraan ka nakilahok sa gawaing pinag-aralan? Nakatulong ka ba sa kamag-aral mo upang maunawaang mabuti ang paksang tinalakay? Sa paanong paraan?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit hindi pantay ang distribusyon ng populasyon sa iba't ibang lugar ng bansa?

2. Bakit mahalaga para sa pamahalaan ang kaalaman tungkol sa distribusyon ng populasyon ng bansa?

3. Ano ang pagkakaugnay ng distribusyon ng populasyon sa kapal ng popuiasyon?

4. Ano ang kalagayan ng distribusyon ng populasyon sa Pilipinas?

5. Anu-ano ang dahilan sa pagkapal o pagliit ng populasyon sa isang lugar?

V.Takdang Aralin:

Gumawa ng grap na naglalarawan ng distribusyon ng populasyon ayon sa rehiyon.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Naipaliliwanag ang mga salik na may kinalaman sa paglaki ng populasyonII.Paksang-aralin:

Kapal ng PopulasyonSanggunian: PELL p. 2

Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 6-7

Kagamitan: Talahanayan ng Populasyon ng Pilipinas 1799 2000.III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Anong programa ng pamahalaan ng tumugon sa suliranin ng mabilis na paglaki ng populasyon?B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Ipasukat ang silid-aralan sa metro kwadrado. Patayuin ang mga bata sa mga metro kwadrado. Tiyaking magkakatulad o halos magkakatulad ang bilang ng bata sa bawat metro kwadrado.2. Paglalahad

Ano kaya ang maaaring itawag sa bilang ng mag-aaral na nakatayo sa bawat metro kwadrado?

3. Pag-aralan ang teksto sa pahina 7-8.4. Pagtatalakayan

Sa talahanayan sa p. 8, aling rehiyon ang may pinakamakapal na populasyon? Aling dalawang rehiyon ang sumusunod dito sa kapl ng populasyon? Aling rehiyon ang may pinakamaliit na populasyon?5. Magbigay ng pagsasanay sa pagkwenta ng kapal ng populasyon.

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ano ang pagkakaiba ng Distribusyon ng Populasyon sa Kapal ng Populasyon?

Kapal ng= Bilang ng tao .

Populasyon

Kabuuang lawak ng bansa2. Paglalapat

Paano ninyo makukuha ang kapal ng populasyon ng ating bayang Norzagaray?3. Pagpapahalaga

Sa paanong paraan ka nakilahok sa gawaing pinag-aralan? Nakatulong ka ba sa kamag-aral mo upang maunawaang mabuti ang paksang tinalakay? Sa paanong paraan?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit hindi pantay ang distribusyon ng populasyon sa iba't ibang lugar ng bansa?

2. Bakit mahalaga para sa pamahalaan ang kaalaman tungkol sa distribusyon ng populasyon ng bansa?

3. Ano ang pagkakaugnay ng distribusyon ng populasyon sa kapal ng popuiasyon?

4. Ano ang kalagayan ng distribusyon ng populasyon sa Pilipinas?

5. Anu-ano ang dahilan sa pagkapal o pagliit ng populasyon sa isang lugar?

V.Takdang Aralin:

Gumawa ng grap na naglalarawan ng distribusyon ng populasyon ayon sa rehiyon.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nasasabi ang kalakaran ng paglak ng populasyonII.Paksang-aralin:

Ang Paglaki ng Populasyon sa Pilipinas

Sanggunian: PELC p. 2

Pilipinas: Ang Lupang Hinirang pp.4-5 Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 4-8

Kagamitan: Piktograp, grap

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1. Balitaan ng napapanahong isyu.2. Balik-aral

Tingnan ang grap na ginawa ng mga bata na naglalarawan ng distribusyon ng populasyon. Anong rehiyon ang nangunguna na may pinakamalaking populasyon?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Ipakita ang piktograp sa p. 4 ng aklat, Pilipinas: Ang Lupang Hinirang. Ang kalakaran sa inaakalang paglaki ng populasyon ng bansa ay ipinakikita ng piktograp na ito.

2. Paglalahad

Ang bawat bansa ay may populasyon. Ang populasyon ay ang bilang ng mga tao sa isang bansa o lugar. Ang bilang ng tao sa ating barangay ay ang populasyon nito. Ang bilang ng tao sa mga lalawigan o siyudad ay ang populasyon nito. Ang bilang ng tao sa ating bansa ay ang populasyon ng Pilipinas.

3. Pagbibigay Hinuha

Aling rehiyon ang may pinakamalaking bilang ng populasyon?

Aling rehiyon ang pinakamaliit ang bilang ng populasyon?

Saan nakasalalay ang paglaki ng populasyon?

4. Pag-aralan ang mga talahanayan sa aklat pahina 4-8.

5. Pangkatin ang klase sa tatlo. Ang paksa ay "Ang Katangian ng Populasyon" na ipinakikita sa pamamagitan ng Graphic Organizer. (nakasulat sa tsart)6. Pagtatalakayan

Batay sa mga graph, talahanayan na ating nakita, ano ang masasabi sa kalakaran ng paglaki ng populasyon?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Saan nakasalalay angn paglaki ng populasyon ng ayon sa paksang tinalakay?

2. Paglalapat

Noong nakaraang sampung taon, mga 7,000 lamang ang naninirahan sa Barangay Sta. Ana. Ngunit lubhang lumaki ang kanilang bilang ngayon. ano sa palagay mo ang mga dahilan?

3. Pagpapahalaga

Ano ang dapat gawin ng bawat kasapi ng pangkat upang mayari agad ang gawain ng pangkat?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang tinutukoy na katawagang populasyon?

2. Kailan ginawa ang kauna-unahang pagtaya ng populasyon ng Pilipinas?

3. Ano ang dahilan kung bakit pinakamalaki ang populasyon sa Rehiyon IV at NCR?

4. Anong rehiyon ang may pinakamaliit na populasyon?

5. Anong ahensya ng pamahalaan nakukuha ang kasalukuyang populasyong ng ating bansa?

V.Takdang Aralin:

Paano mailalarawan ang bilis ng paglaki ng populasyon?

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nailalarawan ang bills ng paglaki ng populasyon.II.Paksang-aralin:

Bilis ng Paglaki ng Populasyon

Sanggunian: PELC, Yunit I 2.2.2

Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 5-6 Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, p. 6

Kagamitan: Talahanayan 1.2 (Populasyon ng Pilipinas, 1799 2000)

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Malaki ba ang populasyon ng Pilipinas, 1995?

Alin-aling rehiyon ng Pilipinas ang may populasyon sa mahigit na sa limang milyon?

Aling rehiyon ang pinakamalaki ang populasyon? ang pinakamaliit na populasyon?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Mabilis kaya ang paglaki ng populasyon sa ating bansa? May alam ba kayo tungkol sa Family Planning o Pagpaplano ng Pamilya?

2. Paglalahad

Pagpapakita sa Talahanayan 1.2, pahina 6.3. Pagbibigay Hinuha

Mabilis kaya ang paglaki ng populasyon sa bansa? Anu-ano kaya ang mga dahilan ng mabilis na paglaki ng populasyon sa bansa?

4. Pagtatalakayan

Ayon sa Talahanayan 1.2, Ilan ang tinatayang populasyong ng Pilipinas pagsapit ng taong 2000?

Kailan ginawa-ang kauna-unahang pagtaya ng populasyon sa bansa? Ayon sa mga tala ng mga misyonerong Espanol, may ilang katutubong Pilipino mayroon noon?

Naging ilang milyon ang populasyon ng Pilipinas noong 1799? 1812? 1990? 1985?

Kailan nagsimula ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas? May ilang milyon ang populasyon ng Pilipinas noong 1903? 1948?

C.Pangwakas na Gawain:

1.Paglalahat:

Anu-ano ang naging dahilan ng mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa?

2.Karagdagang Gawain Kailan nagsimula sang programang pampopulasyon ng bansa?

Ano ang tawag sa programang pampopulasyong ito?

Saan kayo kabilang, sa malaki o sa maliit na pamilya?

3. Paglalapat

Para sa iyo, mabuti ba ang magkaroon ng mabilis na paglaki ang populasyon ng ating bansa?4. Pagpapahalaga Ano ang ginagawa ng ating pamahalaan upang mapigilan ang mabilis na paglaki ng populasyon ng ating bansa?

IV.Pagtataya:

Ilarawan ang bilis ng paglaki ng populasyon sa bansa. Mahalaga ba ang Family Planning? Bakit?

V.Takdang Aralin:

Sumulat ng isang talata tungkol sa ating paksa. Isulat ito sa isang buong papel.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nailalarawan ang balangkas ng populasyon ayon sa gulang at kasarianII.Paksang-aralin:

Balangkas ng Populasyon Ayon sa Gulang at Kasarian

Sanggunian: PELC, 2.2.3

Pilipinas: Bansang Papaunlad pahina 10-11

Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa pahina 9-10

Kagamitan: Piramide ng Gulang at Kasarian para sa Pilipinas

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Ilarawan ang bills ng paglaki ng populasyon.

Anu-ano ang naging dahilan ng mabilis na paglaki ng populasyon? Mabuti ba ang Family Planning? Bakit?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Ilan kayong lahat sa ating silid-aralan? Ilan ang babae? lalaki? matanda? bata? Kayo ba'y naghahanapbuhay? hindi naghahanapbuhay?

2. Paglalahad

Pagbasa ng teksto upang makalap ang impormasyon tungkol sa bilang ng populasyon ayon sa gulang at kasarian.

3. Pagtalakay

Sa tulong ng piramide ng gulang at kasarian para sa Pilipinas ay makikita ang isang malawak na balangkas.

Ano ang ipinahihiwatig nito?

Ano pa ang ipinahihiwatig nito? Ilang bahagdan ang bumubuo sa populasyon ng wala pang 15 taong gulang? 15 hanggang 64 na taon? 65 taon pataas?

Alin ang ipinalalagay na naghahanapbuhay? hindi naghahanapbuhay?C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa balangkas ng gulang at kasarian batay sa mga talahanayang pinag-aralan ninyo sa teksto?

2. Paglalapat

Saan ka nabibilang, sa bata o sa may edad na populasyon?

3. Pagpapahalaga

Mahalaga ba sa populasyon ng bansa ang nakararami ang lalaki kaysa babae? babae kaysa lalaki? naghahanapbuhay? hindi naghahanapbuhay?

IV.Pagtataya:

A. Punan ang Data Retrieval Chart.

Polulasyon ng Pilipinas Ayon sa Gulang, 1980GulangBilangBahagdan

0 14

15 64

65 pataas

Kabuuan

1. Ano ang resulta ayon sa kasarian ng senso ng populasyon noong 1980?

a. Nakahihigit ng kaunti ang bilang ng mga lalaki sa babae.

b. Nakahihigit ang bilang ng mga babae.

c. Magkatulad ang bilang ng mga lalaki at babae.

2. Ilang bahagdan ng populasyon noong 1980 ang mga babae?

a. 60 bahagdan

b. 79 bahagdan

c. 49.83 bahagdan

V.Takdang Aralin:

Ilarawan ang pagkakaiba ng populasyon ng mga pook urban at pook rural.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nailaiarawan ang pagkakaiba ng populasyon sa mga pook na urban at pook na urbanII.Paksang-aralin:

Populasyong Rural at Urban

Sanggunian: PELC, 2.2.4

Pilipinas: Bansang Papaunlad, p. 9 Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa pahina 7-8

Kagamitan: Larawan ng pook rural at urban

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Ilarawan ang balangkas ng populasyon ayon sa gulang at kasarian.

Sa gulang, ilang bahagdan ang nabibilang sa mga bata o may mga edad na 0- 14? 15-64? 65 pataas?

Ano ang proporsyon ng lalaki sa babae noong 1970? Noong 1980?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Sino sa inyo ang nanggaling sa mga pook na rural? Urban? Ano kaya ang masasabi ninvo sa populasyon sa mga pook na rural at sa mga pook na urban?

2. Paglalahad

Paggamit ng aklat upang malaman ang populasyong rural at urban.

3. Pagbibigay Hinuha

Bakit kaya may mga lugar na makapal ang populasyon at bakit may kaunti lamang ang populasyon?

4. Pagbasa sa aklat

(Talahanayan 1.4, pahina 9)

Populasyong Rural Urban ng Pilipinas 1970, 1980, 1990

5. Pagtalakay

Ano ang masasabi ninyo sa distribusyon ng populasyon sa iba't ibang bahagi ng bansa?

Makapal ba ang populasyon sa pook rural? Pook urban? Kaunti lamang ba ang populasyon sa mga pook rural? Pook urban?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Paano nagkakaiba ang populasyon ng mga pook urban sa pook na rural?

2. Paglalapat

Saan mo gustong manirahan, sa mga pook na rural o mga pook na urban? Bakit?

3. Pagpapahalaga / Integrasyon EKAWP / Sining

Paano mo mapapanatiling malinis at maayos ang pook urban o pook rural na nais mong gawing panirahan?

Patuloy kayang lalaki ang populasyon sa mga pook rural at mga pook urban kung ito'y pananatilihin mong malinis at maayos?Karagdagang Gawain:

Iguhit mo ang malinis at maayos na pook urban o pook rural na nais mong gawing panirahan.

IV.Pagtataya:

Ilarawan ang pagkakaiba ng populasyon sa mga pook na urban at mga pook na rural. Isulat to sa isang buong papel.

V.Takdang Aralin:

Magsiyasat sa mga salik na may kinalaman sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon.HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nasisiyasat ang mga salik na may kinalaman sa distribusyon at dami o kapal ng populasyonII.Paksang-aralin:

Mga Salik na may Kinalaman sa Distribusyon at Dami o Kapal ng Populasyon

Sanggunian: BEC 2.3

Pilipinas: Bansang Papaunlad Pahina 7

Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6 Pahina 7

Kagamitan: Plaskard, tsart

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Paano nagkakaiba ang populasyon ng mga pook urban sa mga pook rural? B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Anu-ano kaya ang mga salik na may kinalaman sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon?

2. Paglalahad

Hindi pantay ang distribusyon ng populasyon sa bansa. Ito ay iniuugnay sa iba't ibang salik na may kinalaman sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon. Aalamin natin ngayon ang mga salik na ito.

3. Pagbibigay Hinuha

Maibibigay kaya ninyo ang mga salik na may kinalaman sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon?

4. Pagbasa sa aklat.

5. Pagtalakay

Pagbasa sa mga salik na nakasulat sa mga plaskard na nasa tsart tulad ng:

kalagayang pisikal ng mga rehiyon

pandarayuhan

pag-aanak

pagkakaroon ng trans-portasyon at komunikasyon

Bakit sinasabing may kinalaman sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon ang mga salik na ito.

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Anu-anong mga salik ang may kinalaman sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon?

2. Pagpapalawak ng Aralin

Maglahad ng mga salik na may kinalaman sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon. Ipaliwanag kung may kinalaman ang mga ito sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon.

3. Paglalapat

Para sa iyo, mahalaga ba ang mga salik na ito sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon?4. Pagpapahalaga

Bakit kaailangan arng mga salik na ito sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon?IV.Pagtataya:

Anu-ano ang mga salik na may kinalaman sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon? Ipaliwanag ang bawat isa.

V.Takdang Aralin:

Kilalanin ang pagkakaiba ng distribusyon at dami o kapal ng populasyon.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nakikilala ang pagkakaiba ng distribusyon at dami o kapal ng populasyonII.Paksang-aralin:

Pagkakaiba ng Distribusyon at Dami o Kapal ng Populasyon

Sanggunian: BEC 2.3.1

Pilipinas: Bansang Papaunlad, p. 7 Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, p. 7

Kagamitan: Plaskard na nakasulat ang mga sumusunod:

distribusyon

dami o kapa ng populasyon

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Anu-ano ang mga salik na may kinalaman sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak Alam ba ninyo ang pagkakaiba ng distribusyon at dami o kapal ng populasyon?

2. Paglalahad

Pagkalap ng impormasyon sa aklat tungkol sa distribusyon at dami o kapal ng populasyon.

3. Pagtalakay

Pantay ba o hindi pantay ang distribusyon ng populasyon sa bansa? Ano ang dahilan ng ganitong kalagayan?

Paano nasusukat ang kapal o dami ng tao sa isang lugar?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ano ang pagkakaiba ng distribusyon sa dami o kapal ng populasyon?

2. Paglalapat

Para sa iyo, mahalaga bang malaman ng pamahalaan ang distribusyon ng mga tao sa iba't ibang lugar ng bansa?

3. Pagpapahalaga

Patunayan kung gaano kaha!aga ang distribusyon ng tao sa dami o kapal mg populasyon sa bansa

IV.Pagtataya:

Ano ang pagkakaiba ng distribusyon sa dami o kapal ng populasyon?

V.Takdang Aralin:

Pag-aralan pa ang Talahanayan 1.3, pahina 8, Pilipinas: Bansang Papaunlad. Ipakita kung ano ang kapal ng popu!asyon ng bansa noong 1995.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Napaghahambing ang kapal ng populasyon ng rehiyon sa bansa sa tulong ng mapaII.Paksang-aralin:

Bills ng Paglaki ng Pbpulasyon

Sanggunian: PELC 2.3.2, p.3

Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, P. 7

Kagamitan: aklat

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Ano ang kaibahan ng distribusyon sa kapal ng populasyon?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak Tingnan ang talahanayan 1.3.

Aling rehiyon kaya ang may pinakamakapal na populasyon?

2. Paglalahad at Pag-uulat ng inatasang Mag-aaral

Tumutukoy sa bilang ng tao sa bawat kilometro kwadrado ng lupain ng bansa ang kapal ng populasyon. Natutuos Ito sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang populasyon ng bansa sa kabuuang sukat o lawak nito.

3. Pagtatalakay

Sa tulong ng talah nayan, makikita ang kalagayan ng kapal ng populasyon ng bansa noong 1995.

Aling rehiyon ang -iay pinakamakapal na populasyon?

Aling tatlong rehiyor ang sumusunod dito sa kapal ng populasyon?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ang kabuuang laki rig populasyon ng bansa noong 1980 ay 48, 098, 460. Kung ang mga taong ito ay hahatiin sa kabuuang lawak ng bansa na 3, 000, 000 kilometrong parisukat, ang kapal ng populasyon sa bawat kilometrong parisukat ay 160.3. Nangangahulugan ito na 160.3 tao ang nakatira sa bawat kilometrong parisukat.

Bakit mahalaga para sa pamahalaan ang kaalaman tungkol sa distribusyon ng populasyon ng bansa?

2. Paglalapat

Pag-aralan ang talahanayan.

Pagsunud-sunurin ang niga rhiyon mula sa may pinakamaraming bilang ng tao.

3. Pagpapahalaga

Ano ang dahilan at maraming Pilipino ang walang mahanap na trabaho?

IV.Pagtataya:

1. Ano ang kalagayan ng distribusyon ng populasyon sa Pilipinas?

2. Tingnan ang mapa. A'inu 3 rehiyon ang may pinakamadalang na populasyon?

V.Takdang Aralin:

Gumawa rig bar graphs upang mailarawan ang kapal ng populasyon sa bawat rehiyon, base sa datos ng akiat.HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Naiisa-isa ang mga dahilan ng pandarayuhanII.Paksang-aralin:

pandarayuhan

Sanggunian: PELC 2.3.3

Pilipinas: Bansang Papaunlad 6 P. 12 Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6 pahina 11-12

Kagamitan: Aklat, tsart

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Bakit mahalaga para sa pamahalaan ang kaalaman tungkol sa distribusyon at kapal ng populasyon ng bansa?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Magkaroon ng sarbey sa mga bata kung gaano na sila katagal o ilang taon na sila sa pamayanang kanilang tinitirhan.

2. Paglalahad

Nangunguna sa mga dahilan ng pandarayuhan ang kaunlarang pangkabuhayan. Isa sa mga mithiin ng bawat Pilipino ay mapabuti at mapaunlad ang kabuhayan.3. Pagbibigay Hinuha

Ano ang iba't ibang dahilan ng pandarayuhan?

4. Pagtalakay

Ang kalagayan ng pandarayuhan ay isa ring katangian ng populasyon ng Tsang bansa. Nagpapakita ito ng pagkilos ng mga kabilang sa populasyon mula sa Tsang pook patungo sa isang pook.

Bakit lumilipat sila ng tirahan?

Ano ang mga dahilan ng pandarayuhan?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ang paglipat ng lugar na panirahan ay tinatawag na pandarayuhan. Ang distribusyon ng populasyon ay naaapektuhan ng pandarayuhan. May mga dahilan kung bakit sila nandarayuhan.

2. Paglalapat

Magkaroon ng isang debate o pagtatalo tungkol sa pandarayuhan.

3. Pagpapahalaga / Integrasyon

EKAWP

Sa pandarayuhan, anong mabuting katangian ang dapat mong ipakita?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang mga tanong ayon sa sariling pagpapahalaga.

1. Anu-ano ang mga dahilan ng pandarayuhan? Magbigay ng 3 dahilan.

2. Anu-ano sa palagay mo ang mga naidudulot na kabutihan ng pandarayuhan?

V.Takdang Aralin:

Makipanayam ng isang kaibigan o kakilalang kasapi ng pamilyang bago lamang sa inyong pamayanan. Saang lalawigan sila galing at bakit sila randayuhan?

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nasasabi ang mga katangian ng mga nandarayuhan

II.Paksang-aralin:

Katangian ng mga Nandarayuhan

Sanggunian: PELC 2.3.4, p. 4

PELC 2.3.5, p.4

Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, p. 14

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral: Anu-ano ang mga dahilan ng pandarayuhan?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak: Bakit may mga nandarayuhan?

2. Pagbasa ng paksa.

3. Pagtalakay: Ano ang pandarayuhan?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ang pandarayuhan ay kalimitang nagaganap sa kagustuhang bumuti ang pamumuhay sa lugar o pook na nilipatan. Patuloy ito mula pa noon hanggang ngayon.

2. Paglalapat

Ang mga propesyonal sa Pilipinas na nagtungo sa Estados Unidos at Saudi Arabia par magtrabaho ay makabubuti ba o makasasama sa ating bansa? Bakit?

3. Pagpapahalaga

Ano ang dapat nating gawin sa mga nandarayuhan? Dapat ba natin silang iwasan? Bakit?

IV.Pagtataya:

Piliin sa mga pahayag ang nagpapatunay o nagpapakita ng katotohanan. Guhitan ito.

1. Ang paglipat ng lugar na paninirahan ay tinatawag na pandarayuhan.

2. Ang pandarayuhan ay masasabing panloob lamang o sa loob lamang ng Tsang bansa.

3. Pangunahing dahilan ng pandarayuhan ang kaunlarang pangkabuhayan.

4. Malalayong pook, ang dahilan ng pandarayuhan ay ang kaligtasan at kapayapaan.

5. Walang naidudulot na epekto sa pook na nilipatan at sa taong lumipat ang pandarayuhan.

V.Takdang Aralin:

Ipaliwanag ang epekto ng pandarayuhan sa pook na nilisan at pook na nilipatan.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Naibibigay ang epekto ng pandarayuhan sa pook nilisan at pook na nilipatan

II.Paksang-aralin:

Katangian ng mga Nandarayuhan

Sanggunian: PELC 2.3.4, p. 4

PELC 2.3.5, p.4

Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, p. 14

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral: Anu-ano ang mga dahilan ng pandarayuhan?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak: Anu-ano ang mga salik ng pandarayuhan?

2. Pagbasa ng paksa.

3. Pagtalakay: Ano ang epekto sa lugar na kanilang nilipatan at sa lugar na kanifang nilisan?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ang pandarayuhan ay kalimitang nagaganap sa kagustuhang bumuti ang pamumuhay sa lugar o pook na nilipatan. Patuloy ito mula pa noon hanggang ngayon.

2. Paglalapat

Ang mga propesyonal sa Pilipinas na nagtungo sa Estados Unidos at Saudi Arabia par magtrabaho ay makabubuti ba o makasasama sa ating bansa? Bakit?

3. Pagpapahalaga

Ano ang dapat nating gawin sa mga nandarayuhan? Dapat ba natin silang iwasan? Bakit?

IV.Pagtataya:

Piliin sa mga pahayag ang nagpapatunay o nagpapakita ng katotohanan. Guhitan ito.

1. Ang paglipat ng lugar na paninirahan ay tinatawag na pandarayuhan.

2. Ang pandarayuhan ay masasabing panloob lamang o sa loob lamang ng Tsang bansa.

3. Pangunahing dahilan ng pandarayuhan ang kaunlarang pangkabuhayan.

4. Malalayong pook, ang dahilan ng pandarayuhan ay ang kaligtasan at kapayapaan.

5. Walang naidudulot na epekto sa pook na nilipatan at sa taong lumipat ang pandarayuhan.

V.Takdang Aralin:

Ipaliwanag ang epekto ng pandarayuhan sa pook na nilisan at pook na nilipatan.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nakapagbibigay ng sariling palagayII.Paksang-aralin:

Sariling Palagay Tungkol sa Populasyon ng Pilipinas Sanggunian: PELC 2.4, p. 4

Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 3-8 Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pp. 5-7

Kagamitan: Tsart kung saan nakasaulat ang aralin

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral:

Ano ang populasyon? Ano ang pandarayuhan? Ano ang epekto ng pandarayuhan?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Anu-ano ang katangian ng populasyon ng Pilipinas?

A Bakit hindi pantay ang distribusyon ng populasyon sa iba't ibang lugar ng bansa?

2. Pagbasa ng Teksto

3. Pagtalakay

Ano ang kabuuang populasyon ng Pilipinas noong 1981?

Ilang bahagdan ang bilang ng mga naninirahan sa iba't ibang rehiyon ng bansa?

Ano angn kabuuang populasyon ng Pilipinas ayon sa pinakahuling sensus?

Ano ang kalagayang pampopulasyon ng Pilipinas ayon sa iyong sariling palagay?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ang malaki at makapal na populasyon sa pook na urban ay karaniwang nagiging sanhi ng pagsikip, polusyon, paglaganap ng epidemya at sakit, paglaganap ng krimen at kawalan ng hanapbuhay.

2. Paglalapat

3. Pagpapahalaga / Integrasyon

EKAWP

Ano ang dapat mong gawin para harapin ang mga pagsubok na dumarating sa buhay saang lugar ka man naroon?

IV.Pagtataya:

Ipaliwanag.

Ano ang kalagayang pampopulasyon ng Pihpinas sa kasalukuyan ayon sa sariling palagay?

V.Takdang Aralin:

Talakayin ang kabuuang populasyon ng Pilipinas at ang iba't ibang pangkat etnikong bumubuo nito.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Natutukoy ang mga taong bumubuo ng bansang PilipinasII.Paksang-aralin:

Mga Taong Bumubuo ng Bansang Pilipinas

Sanggunian: PELC 3, p. 4

Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 20-22 Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pp. 13-15

Kagamitan: Larawan ng mga pangkat etniko sa Pilipinas, mapa

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Pagganyak

Magpakita ng larawan ng mga pangkat etniko sa Pilipinas. Sinu-sino ang mga pangkat etniko sa Pilipinas?

B.Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad

Magpakita ng larawan ng pangkat etniko. Ilarawan ang bawat isa. Anu-anong bagay sila nagkakaiba at magkakatulad?

2. Pagbibigay Hinuha

Sa anong mga bagay nagkakaiba-iba ang mga pangkat etniko?

3. Pagpapangkat

4. Pangkatang Paggawa

5. Pag-uulat / Pagtalakay

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ang populasyon ay binubuo ng mga taong naninirahan sa bansa. Karamihan sa kanila ay kabilang sa Hang pangkat ng tao. Karaniwang naninirahan nang samasama sa isang pook angn bawat pangkat. May kanya-kanya silang wika.

2. Paglalapat

Saang pangkat etniko ka kabilang?

Ikaw ba ay Pilipino?

Paano nagkakatulad ang iba't ibang pangkat ng taong bumubuo sa populasyon ng bansa?

3. Pagpapahalaga / Integrasyon

EKAWP

Kung nabubuhay ka na noon, paano mo pakikitunguhan ang sinumang nabibilang sa ibang pangkat?

IV.Pagtataya:

Punan ng tamang sagot,

1.______ ang bumubuo sa populasyon ng Pilipinas.

2.______ ang tawag sa pangkat ng mga taong naninirahan nang sama-sama sa isang pook at may sariling wika.

3. Humigit kumulang sa ______ ang bilang ng mga pangunahing pangkat etniko sa Pilipinas.

4. Isa sa mga pagkakaiba ng mga pangkat etniko sa bansa ay ______ .5. Ang mga pangkat etnikong Tausug, Badjao ay naninirahan sa ______ .V.Takdang Aralin:

Pangalanan ang iba't ibang pangkat etnikong bumubuo sa bansa at talakayin ang bawat isa.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nakapagbibigay ng ' mga halimbawang nagpapatunay na ang mga Pilipino ay magkakatulad sa hilig at paraan ng pamumuhay dulot ng isang kasaysayan at heograpiya

II.Paksang-aralin:

Hilig at Paraan ng Pamumuhay ng mga Pilipino

Sanggunian: PELC I.4, p. 3, BEC A.5

Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pp. 16-17

Kagamitan: Mga larawang nagpapakita sa mga hilig at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Anu-ano ang mga pangkat etnikong bumubuo sa Pilipinas? Saang lalawigan sila matatagpuan? Ilarawan ang bawat pangkat.

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Pagpapakita ng mga larawang nagpapakita ng mga hilig at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino.

2. Paglalahad

Pagsuri / Pag-aaral sa mga larawang nagpapakita ng mga hilig at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino.

3. Pagtalakay

Ano ang ating kasaysayan? Anong uri ang ating heograpiya?

Ano ang hilig at paraan ng pamumuhay ang dulot ng ating kasaysayan' at heograpiya?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Magkakatulad halos sa hilig at paraan ng pamumuhay ang mga Pilipino ng iisang kasasayan at heograpiya.

2. Paglalapat

Mag-unahan sa pagbibigay ng kaisipan ukol sa aralin.

3. Pagpapahalaga

Edukasyong Pagpapahalaga

Dapat ba nating pahalagahan ang ating kasaysayan? Bakit? Paano?

IV.Pagtataya:

Sagutin at talakayin ang mga sumusunod.

1. Anu-ano ang mga hilig nating mga Pilipino?

2. Anu-ano ang mga paraan ng pamumuhay natin?

V.Takdang Aralin:

Sumulat ng isang talata na may paksang "Ang mga Piliprno ay Magkakatulad sa hilig at Paraan ng Pamumuhay Dulot ng Iisang Kasaysayan at Heograpiya".HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Naigaliliwanag ang kahalaaahan sa bansa ng pambansang wikaII.Paksang-aralin:

Kahalagahan ng Pambansang Wika sa Bansa Sanggunian: PELC A.5, p. 3, BEC A.5, p. 4

Pilipinas: bansang papaunlad pp. 24, 31-32

Kagamitan: Mga larawan ng pangkat etniko, mapa na nagpapakita ng iba't ibang wika sa bawat rehiyon sa Pilipinas

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Anu-ano ang mga halimbawang nagpapatunay na ang Pilipino at magkakatulad sa hilig at paraan ng pamumuhay?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Pag-usapan ang mga larawan ng pangkat etniko at ang wika ng mga ito.

2. Paglalahad

Pagbasa sa aralin, pp. 31-32

Ipakita ang mapa ng may iba't ibang wika sa bawat rehiyon sa Pilipinas.

3.Pagtalakay Ilang wika o diyaiekto ang ginagamit ng mga Pilipino? Anu-ano ang mga ito? Alin dito pangunahing wika ng mga Pilipino?

Anong mga wikang banyaga ang nagkaroon ng impluwensya sa mga wika natin?

Paano nagkaroon ng Wikang Filipino? Saan ito ibinatay?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang wika sa pagbubuo ng bansa. Tagalog ang naging batayan ng wikang pambansa.

2. Paglalapat

Pangkatin ang mga bata sa 4 na pangkat. Bigyan sila ng pagkakataong sagutin ang tanong na "Paano mo mapahahalagahan ang Filipino bilang Pambansang Wika?"

3. Pagpapahalaga

Mahalaga ba sa bansa ang pagkakaroon ng pambansang wika? Bakit?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang mga sumusunod.

1.Ayon sa senso ng 1970, ang mga Pilipino ay gumagamit ng mahigit nawika o diyalekto.

a. 170

b. 17

c. 70

d. 7

2. Madaling matutunan ang ibang wika kapag may alam ma isa sa mga wika dahil

a. magkakaugnay ang mga ito

c. binubuo ito ng simpleng alpabeto

b. madali ito

d. matatalino ang mga Pilipino

V.Takdang Aralin:

1. Anu-ano ang mga wika o diyalekto sa Pilipinas?

2. Ano ang kasalukuyang Wikang Pambansa?

3. Anong wika o diyalekto ang batayan nito?HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Naipaliliwanag na ang magkakatulad na pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino ay naging batayan ng pambansang pagkakaisaII.Paksang-aralin:

Mga Salik Tungo sa Pagkakaisa

Sanggunian: BEC A.6, p.4

Isang Bansa, Isang Lahi pp. 86-90

Kagamitan: Mga larawang nagpapakita ng pinahahalagahan at pinaniniwalaan ng mga Pilipino

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Paano nagkaroon ng Wikang Filipino? Saan ito ibinatay?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Ipakita ang mga larawan at pag-usapan ito.

Itanong: Anu-ano kaya ang ipinakikita sa bawat larawan?

2. Pagbibigay Hinuha

3. Pagbasa ng aklat

4. Pagtalakay

Anu-ano ang buting naidudulot g pagkakaroon ng mga mamamayang may pagpapahalaga sa kalusugan?

Sa anu-anong sitwasyon o pagkakataon ipinakikita ng mga Pilipino ang kanilang pakikiisa sa loob at labas ng bansa?

Anu-ano ang mga pagpapahalagang namana natin sa ating mga ninuno ang ating maipagmamalaki? Bakit?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Kapag may pagkakatulad na pagpapahalaga at paniniwala ang mga tao, madali silang magbuklod at magkaisa tungo sa isang layunin o adhikain. Maraming magaganda at halos magkakatulad na paniniwala at pagpapahalaga tayong nga Pilipino.

2. Paglalapat

Pangkatin ang mga bata sa 4 na pangkat. Mag-uunahan silang magtala ng mga pagpapahalaga o paniniwalang makatutulong sa pakikiisa para sa:

a. Pangkabuhayang Pag-unlad

Halimbawa:Pagpapahalaga sa kalusugan

b. Pagtatamo ng katiwasayan ng Bansa

Halimbawa:Paniniwala sa matapat na paglilingkod

3. Pagpapahalaga

Ano ang pangunahing pinahahalagahan ng inyong pamilya? Bakit?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang mga sumusunod.

1. Sa paanong paraan maipakikita ng Tsang mabuting mamamayan ang kanyang pakikiisa?

a. Pamahalaan

_________________________________________________________________b. Pamayanan

_________________________________________________________________c. Paaralan

_________________________________________________________________V.Takdang Aralin:

Sumulat ng isang talata tungkol sa aralin.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Natatalakay ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga PilipinoII.Paksang-aralin:

Pagpapahaga at Paniniwalang Nagbubuklod sa mga Pilipino

Sanggunian: BEC A.6.1, p.4

Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 44-53

Kagamitan: Larawan ng Tsang masayang mag-anak

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Anu-ano ang naidudulot ng pagkakaroon ng magkakatulad na pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Ipakita ang larawan ng isang mag-anak.

Itanong: Ano kaya ang dahilan kung bakit nagkakasundo ang bawat miyembro ng maganak?

2. Paalalahad

Ipabasa ang aklat sa pp. 44-53

3. Pagtalakay

Anu-ano ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino?

Paano pinahahalagahan ng mga Pilipino ang pananalig sa Panginoon?

Sa iyong palagay, alin sa mga nasabing pagpapahalaga ang dapat mong malinang? Bakit?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

May mga baggy na nagbubuklod sa isang pangkat ng tao. Isa sa mga to ang mga saloobin, paniniwala at pagpapahalaga.

2. Paglalapat

Mag-unahan sa pagbibigay ng epekto sa bawat pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino na tinalakay sa aralin.

3. Pagpapahalaga

Bakit mahalaga sa isang mag-anak ang tulung-tulong sa mga gawain.IV.Pagtataya:

Paano mo pinahahalagahan ang sumusunod?

a. Matibay na buklod ng pamilya

b. Pagtutulungan

c. Pagtitiwala sa sariling kakayahan

d. Paggalang sa kapangyarihan

e. Pagtangkilik sa sariling atin

V.Takdang Aralin:Magsulat ng jsang dula-dulaang naglalarawan ng wastong pagpapahalaga sa pagkakabuklod ng mag-anak o kapangyarihan.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Naibibigay ang kahulugan ng pagkakapantay-pantay ng taoII.Paksang-aralin:

Pagkakapantay-pantay ng tao

Sanggunian: PELC I.A6.1.1, p. 3, BEC 6.1.1, p. 4 Pilipinas. Bansang Papaunlad 6, pp. 44-45

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Anu-ano ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Ibigay ang ibig pakahulugan ng mga salitang "Sa mata ng Diyos, ang lahat ng tao ay pantay-pantay".

2. Paglalahad

Pagbasa sa aralin, pp. 44-45

3. Pagtalakay

Ang mga tao ba ay dapat pakitunguhan nang pantay-pantay? Bakit?

Magbigay ng halimbawa ng karapatan at kalayaang (a) pangkalikasan (b) panghukuman kung saan ang lahat ng tao ay dapat magkakapantay-pantay.

C.Pangwakas na Gawain:

1.Paglalahat:

Pinahahalagahan ng mga Pilipino ang pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan. Naniniwala sila na ang bawat tao ay mahalagang nilalang ng Panginoon. Dahil dito, kailangang igalang at pakitunguhan sila nang pantay-pantay.

2. Paglalapat

Pangkatin ang mga bata sa 4 na pangkat. Mag-uunahan sila sa pagsagot sa tanong na "Bilang isang mamamayan, ano ang maitutulong mo upang maisuiong ang pagkakapantay-pantay ang mga tao.

3. Pagpapahalaga

Magbigay ng sitwasyon na nagpapatunay na ang mga tao ay pantay-pantay.

IV.Pagtataya:

Lagyan ng tsek ang mga pangungusap na nagsasaad ng pagkakapantay-pantay ng mga tao.

1. Ang mga tao ay mahalaga lamang kapag sila ay produktibo.

2. Ang mga tao ay mahalga kaya sila ay dapat na pakitunguhan nang pantay-pantay.

3. Ang mayayaman ay dapat nakalalamang sa mahihirap.

4. Ang mayayaman at mahihirap ay may karapatang mamuhay nang matiwasay at tahimik.

5. Mayaman man o mahirap ang taong nagkasala ay dapat lapatan ng kaukulang parusa.

V.Takdang Aralin:

Ipaliwanag kung paano nakatutulong ang pagkakapantay-pantay ng mga tao upang tumaas ang pambansang ekonomiya.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Naibibigay ang kahalagahan ng matapat na paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng pamahalaanII.Paksang-aralin:

Matapat na paglilingkod sa Pamahalaan

Sanggunian: PELC I.A.6.1.2, p. 3, BEC A.6.1.2, p.4 Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 161

Kagamitan: Mga larawan ng Hang mga pinuno at kawani ng pamahalaan

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Ano ang ibig sabihin ng pagkakapantay-pantay ng tao? Mahalaga ba ito? Pangatwiranan.

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Ipakita ang mga larawan ng Hang pinuno at kawani ng pamahalaan?

Itanong: Anu-ano ang kanilang tungkulin sa pamahalaan?

2. Paglalahad

Ipabasa ang aklat sa p. 161.

3. Pagtalakay

Ano ang ating paniniwala hinggil sa karapatan sa kilos at gawa?

Paano ipinakikita ng isang tao ang karapatan ng kanyang hangarin?

Mahalaga ba ang tapat sa paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan? Bakit?

Ano ang epekto ng korupsyon sa kapakanan ng mga mamamayan?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ano ang kahalacahan ng katapatan ng paglilingkod sa pamahalaan sa pagkamit ng pambansang pagkakaisa?

2.Paglalapat

1.Panggkatin ang klase sa tatlo. Bawat pangkat ay pipili ng lider.

2.Ang sumusunod na mga kaisipan ay tumutukoy sa paraan ng pagsasagawa ng tungkulin ng mamamayan. Pipili ang bawat lider ng gagawing collage ng kanyang grupo. Kailangan ang pagtutulungan ng bawat kasapi ng grupo

a. Katangian ng kandidatong dapat ihalal o iboto upang manungkulan sa pamahalaan

b. Matapat na pagbabayad ng buwis upang maisagawa ng pamahalaan ang mga proyekto sa mamamayan

c. Paggamit ng media upang ipaalam sa lahat ang proyekto tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran

3. Pagpapahalaga

Bilang isang mag-aaral, sa anu-anong paraan ka makatutulong sa pamahalaan?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang mga sumusunod.

1. Ang mga taong nabubuhay sa malinis at marangal na paraan

a. maibigin sa paglilibang o kasiyahan

b.matapat

c. matiyaga

2. Sa mga taong matapat ang hangarin, ____________.a. ang kapakanan ng nakrarami ay higit na mahalaga kaysa sa pansariling kapakinabangan

b. ang pansariling kapakinabangan ay higit na mahalaga kaysa sa kapakanan ng nakararami

c.hindi kasiyahan ang maglingkod

V.Takdang Aralin:

Ipaliwanag kung paano nakatutulong ang matapat at mahusay na paglilingkod sa pamahalaan sa pambansang pagkakaisa.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nasasabi ang kahalagahan ng pagkakaisa ng damdamin at paniniwala ng mga taong bumubuo ng isang bansaII.Paksang-aralin:

Pagkakaisa ng Damdamin at Paniniwala

Sanggunian: PELC I.6.1.3, P. 6

Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 45-46 Ang Pilipinas sa Pagbuo ng Bansa 6, pp.35-36

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Ano kaya ang uri ng paniniwala ng mga Pilipino sa pananampalataya?

2. Paglalahad

Ang mga Pilipino ay may pagpapahalaga sa pananampalataya. Anuman ang relihiyong kinaaaniban, mahalaga sa kanila ang pananalig o paniniwala sa iisang Diyos.

3. Pagbibigay Hinuha

Magbigay ng mga hinuha tungkol sa tanong:

Ano ang paniniwala ng mga Pilipino tungkoi sa kabilang buhay? Sa pag-ibig sa kapwa? Pananalig sa Diyos?

4. Pagtatalakay

1. Ano ang paniniwala ng mga Pilipino sa pananampalatay? Paano pinakikita ng mga Kristiyano at ng mga Muslim ang kanilang pananalig sa iisang Diyos?

2. Ano ang epekto nito sa kanilang buhay?

C.Pangwakas na Gawain:

1.Paglalahat:

Ano ang kahalagahan ng damdamin at paniniwala sa pambansang pagkakaisa?

2.Paglalapat:Kung ang bumubuo sa isang pamahalaan ay hindi nagkakaunawaan, ano kaya ang maaaring mangyari?

3. Pagpapahalaga / Integrasyon

EKAWP

Paano natin maipakikita ang pagtitiwala sa ating sariling kakayahan pagdating sa pananampalataya?

IV.Pagtataya:

Punan ng tamang sagot.

1. Ang ______ ay paniniwala sa mga bagay na hindi nakikita sa kadakilaan at kapangyarihan ng lumikha ng sandaigdig.

2. Ang _______ ang paniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.

3. Naniniwala ang mga Pilipino na _______ ay walang hanggan.

4. Ang ibig sabihin ng "mapalad ang mga maawain sa kapwa, sapagkat nasa kanila ang pagpapala ng Maykapal" sa Bibliya ay _______5. Ang utos sa Koran na "Panatilihin ninyo ang katarungan at paggawa ng mabuti sa kapwa" ay nangangahulugan ng ___________.V.Takdang Aralin:

Ipaliwanag`ang kahalagahan ng pagkakaisa ng damdamin at paniniwala ng mga taong bumubuo sa isang bansa.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Naipaliliwanag at naiuugnay ang kinalaman ng mga pagpapahalaga sa pag-unlad ng bansaII.Paksang-aralin:

Mga Pagpapahalaga ng mga Pilipino

Sanggunian: PELC 7, p. 6

Ang Pilipino sa Pagbuo ng F3ansa 6, pp. 32-35 Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 44-46

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Ano ang kahalagahan ng pagkakaisa ng damdamin at paniniwala ng mga taong bumubuo sa isang bansa?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Anu-anong mga pagpapahalaga ang dapat malinang ng mga Pilipino para sa ikauunlad ng bansa?

2. Paglalahad

Bawat pangkat ng tao ay may pagpapahalaga, isa to sa mga bagay na nagbubuklod sa isang pangkat. Ang mga Pilipino ay isang pangkat na may magkakatulad na pagpapahalaga.

3. Pagbibigay Hinuha

Anu-ano ang pagpapahalaga ng mga Pilipino?

Paano ipinakikita ng mga Pilipino ang paniniwala sa simulain ng demokrasya? At kalayaan?

4. Pagtatalakay

Paano nakatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa ang mga pagpapahalagang napag-aralan?

Paano nagkakabuklod ang mga Pilipino sa kanilang pagpapahalaga at paniniwala?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

May mga paniniwala at pagpapahalacga ang mga Pilipino na patuloy nilang isinasaalang-alang saan mang bahagi ng Pilipinas sila naninirahan, nagpapapkilala sa tunay na Pilipino ang mga paniniwalang ito. Naniniwala ang marami na ang pagkakakilanlang ito ay makatutulong sa pagkakabuklod ng isang lahi.

2. Pagpapalawak ng aralin

Pagpapasagot ng mga katanungan tungkol sa paksa.

3. Pagpapahalaga

Kung ikaw ay may gustong makamit sa buhay, anu-anong katangian ang dapat mong taglayin para ikaw ay magtagumpay?IV.Pagtataya:

Paano ipinakikita ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa sumusunod:

1. Kalayaan2. Demokrasya

3. Pagkakapantay- pantay ng mga tao

4. Matapat na paglilingkod sa pamahalaan

5. Pananalig sa Diyos

V.Takdang Aralin:

Paano mo maiuugnay ang mga pagpapahalaga sa pag-unlad ng bansa? sa iyong sarili?

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Nakikilala ang ilang tradisyunal na pagpapahalaga ng mga Pilipino.II.Paksang-aralin:

Mga Tradisyunal na Pagpapahalaga ng mga Pilipino

a. Pagkakabuklod ng mag-anak

b. Pagpapahalaga sa Kapangyarihan

Sanggunian: PELC 7.1, p. 6

Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 46-48

Kagamitan: Mga larawan, Artikulo XV Seksyon 1 at Seksyon 3 ng Saligang Batas

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Mahalaga ba ang pagkakaisa ng damdamin at paniniwala ng mga taong bumubuo ng isang bansa? bakit?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Paano kaya naktutulong ang pagpapahalaga sa kabuhayan ng bansa?

2. Paglalahad

Anu-anong pagpapahalaga ang nakatutulong o nakahahadlang sa pag-unlad ng kabuhayan ng ating bansa?

3. Basahin ang teksto.

4. Pagtalakay / Pagpapatunay

Ano ang baggy na pinahahalagahan ng magkapatid?

Mabuti ba ang lubos na pagpapahalaga sa matibay na pagkakabuklod ng mag-anak?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Matibay ang pagkakabuklod ng mag-anak na Pilipino. Labis ang pagpapahalaga natin sa pagsasama-sama ng buong mag-anak.

2. Paglalapat

Ano ang kailangan para-nagkaroon tayo ng isang malusog, maligaya at maayos na pamilya? At marunong umunawa ng opinyon ng nasa katungkulan?

3. Pagpapahalaga

Integrasyon:Sining

Gumuhit ng isang larawang nagpapakita ng pagkakabuklod-buklod ng mag-anak at may pagpapahalaga sa kapangyarihan.

IV.Pagtataya:

Alin ang nagpapakita ng tamang pagpapahalaga sa pagkakabuklod ng mag-anak o kapangyarihan?

______ 1. Si Rosa ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Tiniis niyang maging malayo sa mga anak upang kumita nang malaki.______ 2. Hindi tinanggap ni Tina ang pagkakataong makapagtrabaho dahil kailungan niyang pumunta sa iba't ubang lugar.______ 3. Dahil sa pagiging mahigpit na ama ni Roy, naging matagumpay siya sa pag-aaral at sa hanapbuhay.

V.Takdang Aralin:

Magsulat ng isang dula-dulaang naglalarawan ng wastong pagpapahalaga sa pagkakabuklod ng mag-anak o kapangyarihan.

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Natatalakay kung paanong ang isang pagpapahalaga ay nakatutulong o nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa.II.Paksang-aralin:

Mga Pagpapahalaga at ang Pag-unlad ng Bansa

a. Bahala na

b. Pagpapahalaga sa Edukasyon

c. Pagtanaw ng Utang na Loob

Sanggunian: PELC 7.2, p. 6

Ang Pilipinas sa Pagbuo ng Bansa 6, pp. 43-46

Kagamitan: Mga larawan

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Anu-ano ang mga napag-aralang pagpapahalaga ng mga Pilipino?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Paano nakatutulong o nakahahadlang ang Hang pagpapahalaga sa pag-unlad ng bansa?

2. Paglalahad

Anu-ano pa ang mga pagpapahalaga ng mga Pilipino?

Ano ang maaaring ibig sabihin ng "bahala na"? Kailan ito nakabubuti o nakasasama sa kabuhayan?

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Ang pagsasabi ng tao ng "bahala na" ay nagpapakita ng pagpapaubaya ng tao sa anuman o kaninuman sa ikalulutas ng kanyang suhranin.

Sa ating bansa, maraming mga magulang ang nagsisikap na mapag-aral ang kanilang mga anak. Gumagawa sila ng iba't ibang paraan upang matupad ang kanilang pangarap sa anak.

2. Pagpapalawak ng Aralin

Pagpapasagot ng mga katanungan tungkol sa paksa.

3. Pagpapahalaga / Integrasyon

EKAWP

Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga tradisyunal na pagpapahalaga sa ating bansa? sa iyong sarili?

IV.Pagtataya:

Sagutin at ipaliwanag.

1. Anu-ano ang mga tradisyunal na pagpapahalaga sa pag-unlad ng bansa? Magbigay ng 5.

2. Paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang bawat pagpapahalagang nabanggit?

3. Paano naman ito nakahahadlang?

V.Takdang Aralin:

Anu-ano ang tradisyunal na pagpapahalaga ang nakikita sa iyong pamilya? Dapat ba itong panatilihin? Bakit?

HEKASI VIDate: _________________

I.Layunin:

Naipakikita ang pagmamalaki sa bansang Pilipinas at ang pagiging kabilang sa bansang Pilipinas

II.Paksang-aralin:

Pagmamalaki sa Bansang Pilipinas

Sanggunian: PELC B, p, 6

Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 36-48

Kagamitan: aklat

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain:

1.Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2.Balik-aral

Paano nakatutulong o nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa ang mga pagpapahalaga ng mga Pilipino?

B.Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak

Sinu-sino ang mga kabilang sa bansang Pilipinas?

Anu-ano ang mga tungkuling dapat mong gampanan bilang Pilipino?

2. Pagbasa ng Teksto

Mayroon ka bang pagmamalaki sa bansang Pilipinas?

Dapat ma bang ipakita ito? Paano?

3. Pagtatalakayan

C.Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat

Sa anumang programa at patakaran ng pamahalaan, ang pagiging produktibo ng mga Pilipino at pangangalaga sa kanilang kapakanan ang dapat isaaalang-alang. Sila ang yaman at tagapagtaguyod ng kaunlaran ng bansa.

2. Paglalapat

Bilang mag-aaral, paano mo maipagmamalaki ang ating ban,.

3. Pagpapahalaga / Integrasyon

EKAWP

Magbigay halimbawa ng isang pagmamalaki sa bansang Pilir as.

IV.Pagtataya:

Paano mo maipakikita ang pagmamalaki sa bansang Pilipino at ang Pagiging mamamayan nito sa:

1. Uri ng gawa o produkto tulad ng mga appliances at kasangkapan?

2. Paggawa ng mga makabagong gamit o inventions?

3.Pagsali sa mga pambansang paligsahan sa larangan ng sining at isperts?

V.Takdang Aralin:

Magsulat ng sanaysay tungkol sa pamagat na:

"Pilipinas: Ang Aking Bansang Ipinagmamalaki


Top Related