Download - HeKaSi NAT Review

Transcript
Page 1: HeKaSi NAT Review

HeKaSi NAT Review

Page 2: HeKaSi NAT Review

1. Nagpapatupad ang pamahalaan ng mga batas na may kinalaman sa pangangalaga sa mga likas na yaman. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?

A. Magmungkahi ng mga batas para sa pa-ngangalaga ng likas na yaman.

B. Pumili ng karapat-dapat na namumuno sa pagpapatupad.

C. Alamin ang mga batas upang makatulong sa pagpapatupad.

D. Tagkilikin ang mga batas.

Page 3: HeKaSi NAT Review

2. Isang ahensya ng pamahalaan ang DENR na nangangasiwa sa mga likas na yaman ng bansa. Hangad ng DENR na maparami ang mga natatanging ibon. Alin sa mga ito ang dapat mong gawin bilang isang mamamayan?

A. Hayaan ko lang ang mga taong manghuhuli ng mga natatanging ibon.

B. Sussunod at tutulong ako sa pagpaparami ng mga ibon.

C. Pabayaan ko lang ang DENR.

D. Susunod ako sa hangarin ng DENR.

Page 4: HeKaSi NAT Review

3. Isang uri ng kakahuyan ito na maganda at mai-

na kublian ng mga isda, kaya hinihikayat ng pamahalaan ang pagtatanim nito sa gilid ng mga ilog at palaisdaan. Ano ito?

A. narra C. bakawan

B. akasya D. saging

Page 5: HeKaSi NAT Review

4. Ang paglilipat ng tao buhat sa isang lugar patungo sa ibang lugar upang manirahan ay__________.

A. paglalakbay C. pagliliwaliw

B. pakikipag-ugnayan D. pandarayuhan

5. Dahil sa may mahigit na 7,100n pulo rito, anong uri ng anyong lupa ang Pilipinas?

A. tangway C. kontinente

B. arkipelago D. lambak

Page 6: HeKaSi NAT Review

6. Ano ang mangyayari kung patuloy ang pagkakaingin ng mga tao sa kabundukan?

A. Sasapat ang pagkain para sa lahat.

B. Darami ang makukuhang prutas.

C. Uunlad ang kabuhayan.

D. Guguho ang lupa at babaha ng husto sa mga mababang lugar.

Page 7: HeKaSi NAT Review

7. Ang mga sumusunod ay ay di-mabuting ginagawa ng tao maliban sa ________.

A. pagtatapon ng dumi at kemikal mula sa pagmimina.

B. pagputol ng kahoy kahit walang lisensya.

C. paghuli ng ibon at maiilap na hayop sa kagubatan.

D. pagtatanim ng maliliit na punongkahoy.

Page 8: HeKaSi NAT Review

8. Bakit kakaunti ang populasyon sa lalawigan ng Batanes?

A. Madalas daanan ito ng bagyo.

B. Mahirap ang transportasyon dito.

C. Madalas ang lindol at baha dito.

D. Maraming mahirap dito.

Page 9: HeKaSi NAT Review

9. Paano nagiging hadlang sa pagsulong ang pakikisama sa kapwa?

A. kung gumawa ka ng maganda para sa lahat.

B. kung ginagawa mo ang kagustuhan ng iba kahit may masama itong epekto.

C. kung sama-samang nagtutulungan ang lahat para sa isang magandang layunin.

D. marami kang naging kaibigan.

Page 10: HeKaSi NAT Review

10. Kung isa kang nandarayuhan, anong dapat mong gawin upang umunlad ang buhay mo?

A. maging matiyaga sa paghahanap ng mabuting kapalaran.

B. mawalan ng pag-asa dahil nakakahiya na maghanap ng trabaho.

C. mamalimos sa lansangan.

D. manghingi ng tulong.

Page 11: HeKaSi NAT Review

11. Bakit tumututol ang simbahan sa artipisyal na pagkontrol ng populasyon na isinusulong ng pamahalaan?

A. Labag ito sa kautusan ng Panginoon.

B. Tataas ang gastusin ng pamahalaan dahil dito.

C. Nais lang ng simbahan na lumaki ang populasyon ng bansa.

D. Mapanganib ang mga gamot dito.

Page 12: HeKaSi NAT Review

12. Alin sa mga sumusunod ang ang naglalara-

wan sa topograpiya ng bansa.

A. Nakalatag ang Pilipinas malapit sa “ Ring of Fire of the Pacific”.

B. May iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig ang Pilipinas.

C. Mas malawak ang kinalalatagang lupa ng Pilipinas kaysa sa tubig.

D. Mas malawak ang kapatagan kaysa sa kabundukan ng bansa.

Page 13: HeKaSi NAT Review

13. Suliranin ng Pilipinas ang mabilis na paglaki ng populasyon nito. Anong hakbang ng pamahalaan ang makatutulong sa suliraning ito?

A. pagbabawas sa populasyon

B. pagpaplano ng pamilya

C. pangangalaga sa mamamayan

D. pagpapabuti ng kalusugan

Page 14: HeKaSi NAT Review

14. Bakit maraming nabubuhay na halaman at hayop sa bansa?

A. dahil magaling na magsasaka ang mga Pilipino

B. dahil pinangangalagaan ng lubasan ng ating bansa ang ating kapaligiran.

C. dahil ang mga tao ay makakalikasan

D. dahil ang bansa ay may mainam na lagay ng panahon

Page 15: HeKaSi NAT Review

15. Mag-aaral sa Maynila ang mga anak ni G. at Gng. Molina, kaya lumipat sila roon. Ano ang kanilang dahilan?

A. pangkarunungan

B. pamgrehiyon

C. pampulitika

D. pangkabuhayan

Page 16: HeKaSi NAT Review

16. Matatgpuan ang Pilipinas sa pagitan ng 4 digri at 21 digri sa anong direksyon mula sa ekwador?

A. hilaga ng ekwador

B. kahanay ng ekwador

C. timog ng ekwador

D. kanluran ng ekwador

Page 17: HeKaSi NAT Review

17. Anong batas ang nagbabawal sa pagamit ng mga pampasabog, lason at kuryente sa pangingisda at pagbebenta ng mga isdang hinuli sa bawal na paraan.

A. Atas ng Pangulo Blg. 1058

B. Kautusan Blg. 1552

C. Liham Tagubilin Blg. 1328

D. Proklamasyon Blg. 2152

Page 18: HeKaSi NAT Review

18. Anong kagawaran ng pamahalaan ang nagsasagawa ng mga hakbang at proyekto para sa pangangalaga ng mga likas na yaman?

A. Kagawaran ng Agrikultura

B. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman

C. Kagawaran ng Repormang Pansakahan

D. Kagawaran ng Edukasyon

Page 19: HeKaSi NAT Review

19. Bakit dapat iwasan ang paggamit ng lambat na may maliliit na butas sa paguli ng mga isda?

A. upang mahuhuli ang malalaking isda

B. upang hindi mapasama ang mga maliliit na isda

C. upang maraming mahuhuli na isda

D. upang madali ang paghuli

Page 20: HeKaSi NAT Review

20. Bakit maraming nabubuhay na mga hayop sa kalupaan at katubigan ng Pilipinas?

A. may mainit na klima ito na higit na kailangan ng mga hayop

B. may malawak at magandang lugar ito na natitirahan ng mga hayop

C. may katamtamang lagay na panahon ito na angkop para sa mga hayop

D. may sapat na bilang ng populasyon ito para sa pangangalagaan ang mga hayop

Page 21: HeKaSi NAT Review
Page 22: HeKaSi NAT Review
Page 23: HeKaSi NAT Review

Top Related