Download - Fil Thesis
KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligiran nito
Introduksyon
Ang edukasyon ay isang paraan kung saan natututo ang isang mamamayan sa
isang aspeto at nahahasa ang kanyang kaalaman dito. Maraming paraan para
makamtan ang edukasyon ng isang tao.Kagaya ng isang pampublikong paaralan at
pamribadong paaralan.
http://www.merriam-webster.com/dictionary/education
Sa pagtagal ng panahon, tuluyang umuunlad ang mga kagamitan ng mga
estudyante sa paaralan sa paraan kung paano sila matututo dahil sa pag-unlad ng
teknolohiya katulad ng kompyuter na kung saan dati nakikita ang mga nilalaman ng
libro ay dito din nakikita o kaya maaring gamitin din ang kompyuter upang
mapanuod at ng mga estudyante ang kanilang aralin.
Ang pagkatuto ng isang estudyante ay isang paraan kung paano malalaman
ang kondisyon niya sa kanyang pag-aaral.Sa pagtapak sa kolehiyo ng mga
estudyante na dumaan sa elemntarya at hayskul, ibat-ibang kurso ang
kanilang nakakaharap at isa na ay ang Hotel and Room Management
(HRM).
Ang kursong Hotel and Restaurant Management (HRM) ay sinasabi
na ang mga estudyante na kumukuha ng uri ng kursong ito ay napapahasa
at nabibigyang karagdagang talino at talento tulad ng sa pagluluto,
1
paggawa ng mga inumin, pagbibigay serbisyo sa mga hotel at marami pang
iba,
http://www.lattc.edu/lattc/edmasterplan/atcfash_culartsprofbaking.htm
Sa pagtahak ng mga kurso kagaya ng Hotel and Restaurant
Management (HRM), may pasilidad at mga kagamitan ang ipnapagamit sa
kanila upang aktwal nilang maranasan kung ano ang mga nababasa at
nakikita nila kanilang mga ginagamit sa kanilang mga paaralan.
Sinasabi din naang kakulangan sa pasilidad ng isang paaralan ay tuluyang
nakakaapekto sa kaalaman na natatanggap ng bawat estudyante sa kanilang paaralan at
dahil dito bumababa ang katayuan nila sa paaralan.
http://schoolfacilities.com/pdf/School%20Facilities%20Impact%2012-27-01.pdf
Ang pagkakaroon ng pasilidad at mga kagamitan sa isang paaralan ay tiyak na
nakakatulong sa lalong paghasa ng kaalaman ng mga estudyante sapagkat dito nila
naigagamit ang kanilang mga naangking kaalaman sa pagbabasa sa mga aklat at
pakikinig sa kanilang mga guro.
http://schoolfacilities.com/pdf/School%20Facilities%20Impact%2012-27-01.pdf
Ang mga estudyante ay isinasabak sa pagluluto para sa ibang tao upang lalo pa
mahasa ang kanilang angking galing dahil sa paniniwala na an g pagtuto ay ang paggawa.
http://www.rtuc.rw/index.php/food-production-laboratories
Ibig sabihin ay matutututo laman ang isang mag-aaral kung hahayaan mo siyang
gumawa at gamitin ang kanyang natanggap na kaalaman sa paaralan at maisabak sa labas
ng paaralan.
http://www.rtuc.rw/index.php/food-production-laboratories
2
Ang pagkakaroon ng pasilidad at mga kagamitan sa culinary laboratory ay ang
mga mahahalagang bagay dahil kung walang pasilidad at mga kagamitan ang isang
paaralan, tila nahihirapan matuto ang mga estudyante dahil sa binabase lamang ang
pagturo sa mga estudyante.
http://schoolfacilities.com/pdf/School%20Facilities%20Impact%2012-27-01.pdf
Ang pasilidad at kagamitan ng culinary laboratory ay sa tuwing magkakaroon ng
mga contest ayon sa pagluluto, paggawa ng mga pagkain at madami pang iba.
Dahil sa tuluyang pangangailangan ng pasilidad at kagamitan, ang
pagpapaayos ng mga kagamitan ay kumukonsyumo ng mga ilang oras o
hindi naman kaya umaabot sa pagkakataon na kaialangan pang isuspende
ang klase ng mga estudyante para lamang maisaayos muli ang mga
pasilidad at kagamitan.
http://schoolfacilities.com/pdf/School%20Facilities%20Impact%2012-27-01.pdf
Dahil sa mga kapalpakan sa pasilidad at mga kagamitan ng paaralan,
napapaisip ang mga namununo sa paaralan at nagpapasya kung kailang o
kung saan maari puwede kumuha ng pondo para maisaayos ang lugar na
ito.
Ang kadalasang problema sa pasilidad at kagamitan ng isang
paaralan ay ang hindi pantay-pantay na pagkakalat mga kagamitan at
pasilidad ng lahat ng paaralan.
http://www.lattc.edu/lattc/edmasterplan/atcfash_culartsprofbaking.htm
3
Ang pagkakaroon ndin ng hindi maganda pasilidad ng paaralan ay
hindi kanais-nais para sa mga estudyante. Tulad nalang sa pagkakaroon ng
hindi magandang pag-ikot ng hangn sa loob ng isang kuwarto.
http://www.lattc.edu/lattc/edmasterplan/atcfash_culartsprofbaking.htm
Isinaad ang pag-aaral na ito upang masuri ang pasilidad at mga
kagamitan sa Culinary Laboratory at malaman kung paano naapektuhan ng
mga ito ang pag-aaral ng mga estudyante ng Hotel and Restaurant
Management (HRM).
http://www.rtuc.rw/index.php/food-production-laboratories
Bakgrawnd ng Pag-aaral
Ang Phillippine Air Transport and Training Services (PATTS) ay isang
paaralan o pamantasan na ang isa sa mga pangunahing tungkulin ay maihanda ang
kanilang mga mag-aaral para sa mga domestiko at internasyonal na paliparan. Ang
paaralang ito ay mayroong Culinary Lab na kung saan ang mga estudyante ng Hotel
Restaurant Management (HRM) at Tourism Management ay tinuturuan ng iba’t
ibang teknik sa pagluluto. Mayroon din itong Mock Room na kung saan dito
pumupunta ang mga mag-aaral ng turismo kung mayroon silang katanungan ukol sa
mga tour at mga aktibidad na may kinalaman sa PATTS Tourism Society o PTS.
Tanging ang mga estudyante lamang na may mahalagang katanungan o kailangan
ang siyang pinahihintulutan na makapasok sa loob. Sa loob ng Mock room ay
mayroon din itong maliit na library na ekslusibo lamang para sa mga mga-aaral ng
Turismo.
4
http://www.patts.edu.ph/
Nagsaad ng sarbey ang mga mananaliksik sa mga estudyante ng PATTS upang
malaman ang mga ideya at opinyon ng mga mag-aaral HRM tungkol sa epekto ng
pasilidad at kagamitan ng Culinary Laboratory ng paaralan sa kalidad ng pag-aaral ng
mga estudyante ng HRM sa kanilang pagkatuto.
Ang Culinary Laboratory ay nahahati sa iba’t ibang lugar: Ang working area o
ang lugar kung saan naghahanda at nagluluto ang mga estudyante. Ang bar area, kung
saan naka-display ang mga iba’t ibang uri ng mga inumin. Ang storage area kung saan
nakalagay ang iba’t ibang kagamitan na ginagamit sa pagluluto. At ang dining area kung
saan inihahain ang mga pagkain ng naluto na.
Ang working area o ang lugar kung saan naghahanda at nagluluto ang mga
estudyante. Mayroon itong dalawang malaking lamesa, anim na lababo o hugasan,
dalawang freezer, isang refrigerator at sampung kalan na ang lima ditto ay hindi
nagagamit, isang fire extinguisher kung skaling magkaroon ng sunog.
Ang storage area kung saan nakalagay ang iba’t ibang kagamitan na ginagamit sa
pagluluto. Sa bahaging ito nakahiwalay ang iba’t ibang kagamitan sa pagluluto katulad
ng mga plato, platito, pinggan, mangkok, kutsara, tinidor, kutsilyo, at iba’t ibang gamit pa
para sa pagluluto. Ngunit ang ibang mga kagamitan dito ay halatang luma na dahil ang
iba ay may marka na ng kalawang at ang iba naman ay sira na.
Ang dining area kung saan inihahain ang mga pagkain ng naluto na. Sa bahaging
ito ng Culinary Laboratory ay mayroong dalawang lamesa at anim na mga upuan na
maaring gamitin upang maihain ang mga pagkain.
5
Teoretikal/ Konseptwal Framework
Ang pinanghahawakang teorya ng pag-aaral na ito ay ang mga teorya patungkol
sa mga salik sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan sa culinary laboratory.
Ayon naman kay Bustos at Espiritu (1985) na tinuruan ni Laurente,
nakakaimpluwensya sa pag-unawa ng estudyante ang paraang gamit ng guro kaya dapat
lang na mabisa ito. Sa makatuwid, nakasalalay sa pagkakaroon ng kumpletong kagamitan
at pasilidad kung makakamtan ang nais niyang maunawaan ng estudyante.
Ayon naman kay Linda M. Frazier, “Ang kakulangan sa pasilidad ng isang
paaralan ay tuluyang nakakaapekto sa kaalaman na natatanggap ng bawat estudyante sa
kanilang paaralan at dahil dito, bumababa ang katayuan nila sa paaralan”.
Isa pang teorya na ayon sa sikolohistang si David P. Ausubel na tinuran ni
Aquino (1998), natututo ang mag-aaral ng mabuti kung kumpleto ang kagamitan at
pasilidad.
Sa mga pamamaraan ng pagtuturo naman, isa na dito ay ang tradisyunal na
pamamaraan ayon kay Acero at Javier (2000), Ang lahat ng paksa sa aralin ay
kinakailangan ng sapat ng kagamitan upang mapabilis ang pagkatuto ng mga magaaral.
Ang mga salik sa pagkakaiba-iba rin ng bawat indibidwal rin ay nakakaapekto rin
sa pagkatuto sapagkat bawat mag-aaral ay may iba’t-ibang estratehiya ay kakayahan para
matuto mula sakani-kanilang karanasan maging ng lahi. Batayan rin kung paano itinuturo
ang asignatura, paraan ng pag-asesat batayan kung may natutunan. Ayon naman kay
Vygotskysa librong “Effective Teaching”na tinuran ni Aquino (2003), ang paggamit ng
scaffolding ay isang mabisang paraan sa pagbibigay ng kaalaman na ginagamit upang
punan ang kakulangan ng pasilidad at kagamitan sa Culinary Laboratory.
6
Konseptwal Framework
Ang konseptwal framework ay kailangan upang maihatid ng mga mananaliksik
ang kanilang sariling pagkakaintindi sa pagaaral na ito.
Ang interpretasyon ng mga mananaliksik sa ginawang konseptwal framework na
ito ay ang pagsusuri sa mga kagamitan at pasilidad sa culinary laboratory ay nagbabatay
sa kalidad ng mga kagamitan, bilang ng mga kagamitan at pagiging moderno nito. Ang
mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng pag-iinterview, pagsusurbey at pagtingin sa
mga libro at internet.
7
INPUT:
Pagsusuri sa mga
kagamitan at pasilidad
sa culinary laboratory
ng Patts College Of
Aeronautics batay sa:
Bilang ng mga
kagamitan
Kalidad ng
mga
kagamitan.
Pagiging
moderno ng
mga
kagamitan.
OUTPUT:
“Pagsusuri sa
pasilidad at
kagamitan sa
Culinary
Laboratory”.
PROCESS:
Ang mga datos ay
nakalap sa
pamamagitan ng:
Pagtingin sa
mga source sa
internet, libro
at iba pa.
Pagsusurvey
Pag-iinterbyu
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa kalagayang mga pasilidad at kagamitan
sa Culinary Laboratory at ang epekto nito sa mga mag-aaral ng PATTS College of
Aeronautics. Ito ay naglalayong ipakita ang mga posibleng epekto ng mga kakulangan sa
pasilidad at kagamitan, lalo na sa aspeto ng edukasyon. Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito
ay inaasahang tutugon sa mga sumusunod na mga katanungan:
1. Anu-ano ang mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral na may
kaugnayan sa kakulangan sa pasilidad at kagamitan sa Culinary
Laboratory?
2. Ano ang nagiging epekto ng mga kakulangang ito sa maayos na pagkatuto
ng mga mag-aaral na gumagamit sa Culinary Laboratory?
3. Ano ang mga hakbang na dapat gawin ng mga may-ari, guro, at mga
estudyante para masulusyunan ang mga problemang ito?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman kung may epekto basa
pagkatuto ng mag-aaral ang kakulangan ng kagamitan ata pasalidad ng Culinary
Laboratory.Ito ay ay ginawa upang tulungan ang mga estudyante na mas lalong matuto at
masabi nila ang kanilang opinyon tungkol sa pananaliksik na ito. Upang madagdagan at
mapalawak pa ang kanilang kaalaman pagkatuto sa pag-aaral. Lalo pa silang gaganahan
sa pag-aaral ng pagluluto ito sapagkat mas madali ang kanilang pag-unawa at dahil dito
lalo pa silang magsikap sa pag-aaral.
8
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa “Pagsusuri sa Pasilidad at kagamitan ng
Culinary Lab ng PATTS College of Aeronautics” Ang pananaliksik na ito ay ginawa
upang malaman ang kasulukuyang pasilidad at kagamitan ng Culinary Laboratory. Ang
magiging epekto nito sa kanila bilang isang mag-aaral. Bawat respondent ay bibigyan ng
sarbey na sasagutan sa loob lamang ng maikling panahon. Ang datos na makukuha sa
pananaliksik mula sa mga respondent ay isasa-ayos at inanalisa kung paanong
nakakaugnay sa buhay ng mga magaaral upang mas maging malinaw at maipakita ang
opinion ng mga magaaral ng PATTS College of Aeronautics. Ang mga respondente ay
ang estudyante ng PATTS College of Aeronautics na ang kurso ay BS Hotel Restaurant
Management 2nd year na sila ring gumagamit ng Culinary Laboratory sila ay may bilang
na 23 at 7 sa 1st year BS Hotel Restaurant Management.
Definisyon ng mga Terminolohiya
Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon sa
istandard na depinisyon o konsepto at operasyonal upang madaling maintindihan.
Culinary LaboratoryDito natuturuan at naisasagawa ng mga estudyante ng
PATTS College of Aeronautics ang pagluluto.
Estudyante. Sila ang mga mag-aaral . Sila ang pangunahing respondente ng
ginagawang pananaliksik. Tumutukoy ito sa lahat ng tao na nag-aaral sa isang paaralan o
sa lahat ng institusyon na nagbibigay ng edukasyon. Sa pag-aaral na ito, ang mga
esyudante na tinutukoy ay ang mga mag-aaral ng PATTS College of Aeronautics
9
Karunangang Nakamtan (Achievement). Ito’y ang kaalamang natamo ng mga
estudyante mula sa isang aralin o asignatura (Abad, 1995). Ang kaalaman na ito ay
siyang ginagamit ng tao upang lalo pang maintindihan ang mga pangyayari sa kanyang
kapaligiran at pati na rin sa pagpapaunlad ng kanyang pansariling kaunlaran. Nakukuha
ang bagay na ito sa pamamagitan ng pagtuturo o kahit ang pansariling pagmamasid.
Kapaligiran ng Paaralan (School Environment).Isa ito sa pinakaimportanteng
salik na kailangang bigyang halaga ng paaralan. Ang salik na ito ay may epekto sa pag-
aaral ng estudyante. Tumutukaoy ito hindi lang ang pisikal na katayuan kundi pati na rin
ang lebel ng relasyon sa bawat isa na mag-aaral at sa kanikanilang mga guro. Interaksyon
at pagtutulungan ang mga pangunahing katangian ng isang magandang kapaligiran ng
paaralan.
Makabagong Pamamaraan.Kabaligtaran ito sa tradisyunal dahil ang pagkatuto ng
mag-aaral ay malaya at hindi lang puro sa guro kundi binibigyan ng kalayaan ang mga
mag-aaral na mangalap ng impormasyon gamit ang sariling kakayahan (kognitib) at
gamitin ito (impormasyon) sa lahat ng gawain sa kanikanilang pang-araw-araw na
pamumuhay.
Respondente.Ito ang tawag sa taong bibigyan ng sarbey para maibigay ang
kanilang opinion.
10
KABANATA II
Rebyu ng mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at literatura o babasahing
kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik kung sinu-
sino ang mgamay akda ng naunang pag-aaral o literature, disenyo ng pananaliksik na
ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral. Mahalaga ang kabanatang ito dahil
ipinaalam ditto ng mananaliksik ang kasakulukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng
kanayang paksa.
Lokal na Literatura
Sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao lamang ang binigyan ng kapangyarihang
makapagsalita, makarinig, makabasa at makasulat ng may kritikal na pang unawa. Dahil
dito kanyang nai-explore ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang
kapaligiran at natutuklasan ang mga pangyayaring nakakatutulong sa paghubog ng
kanyang kamalayan. Ang pagkakaroon ng talino at isipan, ang kakayahang makalikha ng
tunog at makapag-kritik ang dahilan kung bakit kailangang madevelop sa tao ang
tinatawag na makrong kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at pakikinig.
Isang mahalagang kasangkapang nagagamit ng tao sa paglinang ng mga
kasanayang nabanggit ang pagaaral. Isang instrumento ng madaling pagkatuto ay ang
kagamitan at pasilidad sa paaralan.
11
Mahalaga ang kagamitan at pasilidad di lamang sa sarili kundi sa pakikipag-
interaksyon na rin sa kapwa at sa lipunan. Ginagamit sa pagkuha ng informasyon,
pagtatamo ng edukasyon, gayon din sa pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan.
Sa wika napapabilis at napapagaan ang isang gawain.
Ayon kay Dr. Jose V. Abueva, pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), “Ang
Pagkakaroon ng mga kakulangan ng kagamitan at pasilidad sa isang paaralan ay
nakapagbibigay ng suliranin sa mga magaaral. May mga pagkakamali tayong nagawa
sapagkat hiram ang ginamit nating salamin sa pag-unawa sa ating realidad.
Ang pagpapayaman ng Wikang Filipino ay tungkulin ng lahat at hindi ng isa o ng
isang grupo. Tungkulin ito ng bawat mamamayang Pilipino, sa pamamagitan ng
paggamit, paglinang at pagiging bukas ng mga isip sa mga pagbabagong nagaganap
bunga ngpatuloy na pag-inog ng mundo ang pagpapaunlad ng Wikang Filipino na patuloy
na paggamit nito at pagpapahalaga.
Lahat ng bagay ngayon ay modernona isa sa problema ngayon ay ang kahirapan
kaya hirap din makapagpalit ng mga kagamitan na bago o madagdagan pa ang mga ito.
Isa sa mga aspeto sa isang pamayanan na nagangailangan ng maganda at
modernong kagamitan. Sa pagtuturo, (mga estratehiya) ay may mga malalaki at
12
mahahalagang tungkulin sa pagbibigay ng tulong sa guro upang ang isang paksa at ang
mga katotohanang nakapaloob dito ay maihahatid patungo sa mga estudyante na mas
madali at mas maganda ang kalidad ng gawain.
Mula sa pagkabuo ng konsepto ng edukasyon, ang stratehiya ay kinukunsider na
isang mahalagang kagamitan sa pagtuturo na naglalayon sa magandang kinabukasan ng
mag-aaral at maging sa tagapagturo. Ito ay regular at sunod-sunod na mga pamamaraan
na gamit ng guro sa paggabay ng mga mg-aaral upang matamo ang mga mithiin sa lahat
ng sitwasyon. Kalakip dito ang lahat ng sikolohikal na mga proseso pati narin ang mga
materyales para maapektuhan ang performans ng mag-aaral.
Banyagang Literatura
Ayon kay Gregorio (1987),sa kanyang aklat na Principles and Methods of
Teaching, ang isang pamamaraan upang maging epektibo ay dapat magkaroon ng mga
katangian at ang mga sumusunod: una, ang epektibong metodo ay dapat may kasamang
kahusayan sa paggabay upang makamtan ang isang kaalaman o karunungan. Pangalawa,
ito’y dapat mabait at magagamit ng karamihan sa pagkatuto. Kooperasyon ang
pangatlong katangian nito. Pang-apat ay dapat na may “remedial” na prosedyurs tuwing
inaaply ang pamamaraan na ito. Panglima ay kailangang nagbibigay kalayaan sa mga
mag-aaral sa pagkuha ng impormasyon. Panghuli, dapat nakakapagresolba ito ng
mgakahinaan sa pagkuha ng impormasyon. Oras ang isa sa mga naaapketuhan sa
pagkakaroon ng kakulangan ng kagamitan at pasilidad sa paaralan. Oras ng guro sa
pagtuturo at oras ng magaaral sa pagkatuto.
13
Sa dalawang pag-aaral, mahihinuha natin na ang isang epektibong pamamaraan
ay makakamtan lamang kung ang gumagamit nito ay nakakaalam sa mga katangian at
naiaaplay niya ito ng maayos at kung saan ang lahat ng mga mag-aaral ay may
makukuhang kaalaman mula sa isang paksa gamit nga ang isang pamamaraan. Ang isang
pamamaraan ay matatawag lamang na epektibo kung may magandang resultang naidulot
ito sa performans ng mag-aaral at sa guro na gumagamit nito.
Ayon kay Cruz (1993), ang kakulangan ng kagamitan at pasilidad ay dapat na
agad solusyunan at dapat gawan ng aksyon dahil ito ay para sa ikabubuti ng paaralan at
magaaral.
Ayon naman kay Panganiban (1996), ang kagamitan ay nagiging tulay upang
magkaintidihan ang guro at estudyante.
Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang pangunahing instrumento ng
pangkommunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaring matamo sa pamamagitan
nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay
behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga lipunan upang matamo ang
pangangailangang ito.
Lokal na Pag-aaral
14
Out of School Youth
Ang populasyon ng kabataan sa edad 7-24 na hindi nakakapag-aral,walang
trabaho at hindi nakapag-gradweyt ng kolehiyo ay tumaas ng 852,000 mula 3 milyon
noong 1989 naging 3.8 milyon noong 1994. (NSO, 1994)
Samakatuwid ang lahat ng pahayag ng mga awtor nagapapatunay lamang na
napakahalaga ang papel na ginagampanan ng kagamitan sa isang paaralan. Nagiging
instrumento ang kgamitan upang makisangkot ang tao sa mga pangyayari sa kanyang
paaralan. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na makapagaral sa isang paaralan na may
sapat na kagamitan at pasilidad sapagkat ito ay isang instrumento sa mabilis na pagkatuto
ng mga estudyante.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pag-aaral na may kaugnayan sa pananaliksik
na ginagawa.
Banyagang Pag-aaral
United Nations Report
Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabingang kalidad
ng edukasyon sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ng edukasyon ng Tanzania
at Zambia, dalawang bansa sa Africa na masmahirap pa sa ating bansa.Malubha na talaga
ang kalagayan ng edukasyonsa bansa natin kung nagawang malampasan tayo sa larangan
ng edukasyonng mga bansang may sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas. Kulang
15
ng66,881 na classroom ang ating bansa. Ang pondo na inilaan ni Mrs. Arroyoay para
lamang makapagtayo ng 5,538 na classrooms. Ibig sabihin, kulangpa din ng 61,343 na
classrooms ang ating bansa. Kulang din ng 816,291 nasilya para sa mga estudyante. Kung
kaya naman kung hindi standing roomonly o SRO sa maraming klasrum ay nakaupo sa
sahig ang maramingestudyante. Kulang din ang bansa ng 64,060 na guro ngunit ang
hiningi niMrs. Arroyo sa Kongreso ay pondo para lang sa 10,000 guro. Kung
kaya’t54,060 guro ang kailangan pa rin. At kung ihahambing mo sa bilang ngestudyante,
para bang sinasabi ng administrayon na kailangang turuan ngmahigit dalawang milyong
mag-aaral ang kanilang sarili. Pati sa punong-guro ay makunat si Gng. Arroyo. Ang
hiningi niyang badyet ay para lang sa2,000 punong-guro. Ngunit ang pangangailangan ng
bansa ay para sa 6,538na punong-guro. (Jejomar Binay).
Sa librong Act of Teaching ni Cruickshank, nahinuha na ang karamihan sa mga
guro ay naniniwala sa tatlong konklusyon na may kaugnayan sa estratehiya. Una, ang
mga guro ay naniniwala na ang mga magkakaibang metodo ay para sa magkakaibang uri
ng mag-aaral. Pangalawa, ang palelektyur o diskusyon ay siyang pinaka-epektibong uri
ng metodo na magagamit sa mga mag-aaral. At panghuli, ang mga guro ay may ibat-
ibang persepsyontungkol sa diskusyon. Ipinapakita sa librong ito na ang guro ang siyang
mas nakakaalam kung anu-ano ang mas epektibong pamamaraan na gagamitin upang ang
lahat ng uri ng mag-aaral ay matututo sa isang paksa
16
KABANATA III
Metodo at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptiv na paraan. Ayon kay Jose F.
Calderon ito’y disenyo ng pag-aaral nagsusuri, kukuha, at susukat sa mga datos sa
pamamagitan ng pangangalap, pagaaanalisa at pagtukoy ng ilang impormasyon na
maaraig makatulongsa matagumpay na pananaliksik. Sa pamamagitan ng impormasyong
nakuha mula dito, nagkakaroon ng mga solusyon ang mga katanungan tungkol sa
“Pagsusuri ng Pasilidad at kagamitan sa Culinary laboratory”.
Lokal at Respondente ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nagbase sa ilang grupo ng mag-aaral ng PATTS
College of Aeronauticsna may kursong BS HRM na nasa ikalawang baitang. Sila ang
napiling respondente dahil sila ang gumagamit ng madalas sa Culinary Laboratory.
Edad- Ang halos lahat ng mga mag-aaral ay nasa edad 18 kaya’t ito ang may
pinaka malaking tala, na halos umabot ng 57% at pumangalawa ang nasa edad na 17 na
may 23% sumunod na edad ay nasa 20 na amy 2% laman at ang pinaka mababa ay ang
nasa edad 16,21 at 23 na may 3%.
17
Kasarian- ang halos lahat ng respondente ayon sa kasarian ay babae, na may 77%
at ang lalaki ay 23%
Ang kabuuan bilang ng mga respondente ay 30 na kumakatawan sa isang seksyon
ng mga mag-aaral sa kursong HRM sa paggamit ng slovin’s formula nakuha ang 30
bilang ng piling mga estudyante na maaring sagutin ang mga katanungan ng maayos.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gumamit ng sarbey-kwestyuner sa mga
respondente.Ang sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik ay mayroong labing-limang
katanungan na may kinalaman sa kung paano nakakaapekto sa mga mag-aaral ang mga
kakulangan sa pasilidad at kagamitan ng Culinary Laboratory. Naglalayon din ang sarbey
na ito na malaman kung mayroon bang epekto sa pagkatuto ang mga kakulangang ito sa
kanilang pag-aaral nila. Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang kanilang
opinyon ukol dito sa pagsusuri na ito upang malaman ang kanilang saloobin sa
pamamaraan ng pagsagot sa sarbey sa maikling panahon.
18
Prosidyur ng Pangangalap ng Datos
Ang pangangalap ng datos ay hindi ganun kadali, mayroon ilang hakbang na dapt
isa-alang alang.
Una ay ang paghahanda ng mga katanungan na kailangan sumailalim sa
pagbabago ayon sa tagapayo.
Pangalawa ang paghahanda ng sulatin na naglalaman ng paghingi ng permiso
upang makuha ang kabuuang bilang ng mga respondent.
Pangatlo matapos alamin ang bilang ng respondent magprepara ng sarbey na
papel para ipasagot ito sa maikling panahon.
Pang-apat matapos ang ilang proseso kinakailangan i-tally ang kabuuang bilang
ng mga kasagutan.
Istatistikal Tritment ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay gumamitng Slovin’s formula sa pagkuha ng kabuuang
dami ng mga respondente na kumakatawan sa:
.
Kung saan ang:
n= Bilang ng Kasama sa Sarbey
N= Kabuuang Populasyon
Ne= Margin of Error (5% / 0.05)
19
Kung saan ang:
N= Bilang ng Katugon
x= Scale
f= Bilang ng Sagot
Para naman sa pagkuha ng weighted mean ay upang malaman ang hanay ng
interpretasyon kinakailangan kunin muna ang kabuuang bilang ng mga tugon batay sa
bilang ng mga tanong at hatiin ito sa kabuuang bilang ng mga respondente.
20
KABANATA IV
Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon ng mga Datos
Sa kabanatang ito pinapakita ang mga datos na nakalap ng mga
mananaliksik sa pamamagitan ng tekswal at tabular o grafik na presentasyon. Sa tekstong
ito, inilalahad ng mananaliksik ang kanilang analisis o pagsusuri.
Talahanayan 1.Bilang at Bahagdan ng kasarian ng mga katugon.
Kasarian Bilang ng Tugon Bahagdan
Lalaki 7 23%
Babae 23 77%
Kabuuan 30 100%
Ang halos lahat ng respondent ayon sa kasrian ay babae, na may 77% at ang lalki
ay 23%.
Ang kabuuan bilang ng mga respondente ay 30 na kumakatawan sa isang seksyon
ng mga mag-aaral sa kursong HRM sa paggamit ng slovin’s formula nakuha ang 30
bilang ng piling mga estudyante na maaring sagutin ang mga katanungan ng maayos.
21
Talahanayan 2.Bilang at Bahagdan ng edad ng mga katugon.
Edad Bilang ng Tugon Bahagdan
16 1 3%
17 7 23%
18 17 57%
19 1 3%
20 2 8%
21 1 3%
22 0 0%
23 1 3%
Kabuuan 30 100%
Ang halos lahat ng mga mag-aaral ay nasa edad 18 kaya’t ito ang may pinaka
malaking tala, na halos umabot ng 57% at pumangalawa ang nasa edad na 17 na may
23% sumunod na edad ay nasa 20 na amy 2% laman at ang pinaka mababa ay ang nasa
edad 16, 21 at 23 na may 3%.
22
Talahanayan 3. Weighted Mean at Interpretasyon ng mga Tugon.
5 4 3 2 1
Weighted
Mean
(WM)Interpretasyon
1 13 10 7 0 0 4.2 Sumasang-ayon
2 4 7 12 4 3 3.17 Hindi sigurado
3 1 3 19 5 2 3.5 Sumasang-ayon
4 1 11 8 9 1 3.07 Hindi sigurado
5 5 12 9 3 1 3.57 Sumasang-ayon
6 21 6 3 0 0 4.6 Lubhang
Sumasang-ayon
7 17 5 4 4 0 4.17 Sumasang-ayon
8 1 6 12 10 1 2.87 Hindi sigurado
9 2 9 8 7 4 2.93 Hindi sigurado
10 6 11 10 2 1 3.63 Sumasang-ayon
11 0 5 9 11 5 2.47 Hindi
Sumasang-ayon
12 0 4 17 6 3 2.73 Hindi sigurado
13 14 6 8 2 0 4.07 Sumasang-ayon
14 17 9 1 0 3 4.23 Sumasang-ayon
15 13 8 7 1 1 4.03 Sumasang-ayon
23
Ang interpretasyon ng mga mananaliksik sa ginawang pagseserbey sa mga mag-
aaral ng HRM ay nagpapakita na karamihan sa kanila ay Sumasang-ayon sa kakulangan
ng kagamitan at pasilidad sa Culinary Laboratory. Ang iba naman ay Lubhang sumasang-
ayon sa kakulangan ng kagamitan at pasilidad sa Culinary Laboratory At ang iba ay
nabibilang sa mga Hindi Sumasang-ayon at Hindi sigurado kung may kakulangan sa
kagamitan at pasilidad sa Culinary Laboratory.
Graf 1. Mayroong bang tamang liwanag at tamang hangin sa Culinary Laboratory?
Ipinapakita sa graf na ito na 37% ang porsyento ng Sumasang-ayon ng mga mag-
aaral ng HRM na sila ay may nararanasang suliranin na may kaugnayan sa kakulangan sa
pasilidad at kagamitan sa Culinary Laboratory, at ito ay ang kakulangan sa tamang
liwanag at tamang hangin sa Culinary sa Laboratory. Sumunod ang Hindi Sigurago na
nakakuha ng 33%. Pangatlo ang Lubhang Sumasang-ayon na nakakukha ng 20%. Pang-
24
apat ang Hindi Sumasang-ayon na nakakuha ng 7% at panghuli ay ang Lubhang Hindi
Sumasang-ayon na may 3% lamang.
Graf 2.Mayroong bang epekto sa mag-aaral ang kakulangan ng pasilidad/
kagamitan sa Culinary Laboratory?
Ipinapakita sa graf na ito na 43% ang porsyento ng Lubhang Sumasang-ayon ang
mga mag-aaral ng HRM na may epekto ang kakulangang ito sa maayos na pagkatuto ng
mga mag-aaral na gumagamit sa Culinary Laboratory. Sumunod ang Sumasang-ayon na
nakakuha ng 28%. Pangatlo ang Hindi Sigurado na nakakukha ng 23%. At pantay lamang
ang porsyento ng Hindi Sumasang-ayon at ng Lubhang Hindi Sumasang-ayon na may
3%.
25
Graf 3.Dapat bang palitan o dagdagan ng mas modernong kagamitan/pasilidad ang
Culinary Laboratory?
Ipinapakita sa graf na ito na 70% ang porsyento ng Lubhang Sumasang-ayon ang
mga mag-aaral ng HRM na dapat ng palitan o dagdagan ng mas modernong kagamitan/
pasilidad ang Culinary Laboratory. Sumunod ang Sumasang-ayon na nakakuha ng 20%.
Pangatlo ang Hindi Sigurado na nakakukha ng 10%. At pantay lamang ang porsyento ng
Hindi Sumasang-ayon at ng Lubhang Hindi Sumasang-ayon na may 0%.
26
KABANATA V
Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon
Lagom
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ipakita ang mga posibleng may
epekto ang mga kakulangang pasilidad, kagamitan at epekto nito sa mga mag-
aaral ng PATTS College of Aeronautics.
1.Kasarian – Ang mga respondente ayon sa kanilang kasarian ay halos babae na
may 77% at ang lalaki ay 23%. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay 30.
2.Edad – Ang mga respondente ayon sa edad ay nasa 18 ito ay may pinaka
malaking tala na halos umabot sa 57% ,pumangalaw naman ang may edad na 17
at pumangatlo ang 20.
3.Interpretasyon – Ayon naman sa interpretasyon ay may 1 lubhang sumasang-
ayon, 8 na sumasang-ayon , may 5 hindi sigurado ,at 1 hindi sumasang-ayon.
0
Akademiko ng mga Respondente
Ang mga respondente ay halos nakakatanggap ng sapat na grado para sa
perforamans nila sa Culinary Caboratory at sa ibang sabjek. Ngunit ilan sakanila ay
nakakatanggap ng mababang grado na may iba’t ibang grado sa kanilang aralin sa ibang
sabjek.
27
Konklusyon
1. Ang mga respondente ay nakakakuha naman ng sapat na grado para
maipasa ang kanilang aralin.
2. Halos lahat ng respondente ay nasa tamang edad na.
3. Maraming sumasagot na sumasangayon sila na may kaugnayan sa
pagkatuto ng isang mag-aaral ang kakulangan ng gamit at pasilidad sa Culinary
Laboratory.
Rekomendasyon
1. Para sa mga susunod na mananaliksik, nirerekomenda namin na mas lalong
pang palilimin ang pananaliksik na ito para mas lalo pang maintindihan ng iba
ang problemang ito at para naman sa mag-aaral, guro at sa iba pa ay
inirerekomenda ng mananaliksik na humingi ng pinansyal na tulong sa opistal
o namumuno sa PATTS College of Aeronautics upang malutas ang
problemang ito.
2. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na magkaroon ng mas malawak at mas
malalim na pananaliksik ukol sa pagsusuri sa kagamitan at pasilidad ng
Culinary Laboratory para mas lalo pang maintindihan ng mga mag-aaral ang
epekto ng mga kakulangan sa pasilidad at kagamitan.
28
29