deskriptibong pagsulat

1
DESKRIPTIBONG PAGSULAT Si Hanna ay anak ng mayamang –mayamang pamilya sa baryo ng San Isidro. Ang kanyang mga magulang ay may ginintuang puso ngunit kabaliktaran naman ito ng ugali ng kanilang anak. Si Hanna ay hindi kakapitan ang alikabok sa kanyang pustura at gawi sa pananamit. Siya ay mahaba ang buntot at lahat ng gusto niya ay agad- agad nyang nakukuha ng walang kahirap hirap, palibhasa’y laking Estate at kabutubutong anak. Kung minsan ay may hangin siya sa ulo sa kanyang mga ginagawa, lalong lalo na sa kanyang bagong gamit at damit. Ngunit pag akademiko na ang pinag-uusapan ay laging napag-iiwanan sya sa ire ng kanyang mga kaklase palibhasay abo ang laman ng kanyang ulo at wala syang inaatupag kundi ang mapagmata sa iba. Isa syang dalagang bayong na walang laman na nahihirapan pag walang kasama at walang nag-uubliga sa kanya. May ugali syang buwaya, kung minsan ahas na tulog at ampalayang- ampalaya ang taglay nya. Biro ng tadhana ang sa kanya’y nangyari na ang kanyang ama ay nakaratay dahil sa malubhang karamdaman. Ipinagtirik nya ng kandila ang kanyang pangamba para sa kaligtasan ng kanyang ama. Nagbago si Hanna ng nakaligtas ang kanyang ama sa bingit ng kamatayan. Mula noon sya ay nagbago at may ginintuang puso narin sya gaya ng kanyang mga magulang.

Upload: martin-federic-palco

Post on 26-Mar-2015

449 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: DESKRIPTIBONG PAGSULAT

DESKRIPTIBONG PAGSULAT

Si Hanna ay anak ng mayamang –mayamang pamilya sa baryo ng San Isidro. Ang kanyang mga magulang ay may ginintuang puso ngunit kabaliktaran naman ito ng

ugali ng kanilang anak. Si Hanna ay hindi kakapitan ang alikabok sa kanyang pustura at gawi sa pananamit. Siya ay mahaba ang buntot at lahat ng gusto niya ay agad-agad nyang nakukuha ng walang kahirap hirap, palibhasa’y laking Estate at

kabutubutong anak. Kung minsan ay may hangin siya sa ulo sa kanyang mga ginagawa, lalong lalo na sa kanyang bagong gamit at damit. Ngunit pag akademiko na ang pinag-uusapan ay laging napag-iiwanan sya sa ire ng kanyang mga kaklase

palibhasay abo ang laman ng kanyang ulo at wala syang inaatupag kundi ang mapagmata sa iba. Isa syang dalagang bayong na walang laman na nahihirapan pag

walang kasama at walang nag-uubliga sa kanya. May ugali syang buwaya, kung minsan ahas na tulog at ampalayang-ampalaya ang taglay nya. Biro ng tadhana ang

sa kanya’y nangyari na ang kanyang ama ay nakaratay dahil sa malubhang karamdaman. Ipinagtirik nya ng kandila ang kanyang pangamba para sa kaligtasan ng kanyang ama. Nagbago si Hanna ng nakaligtas ang kanyang ama sa bingit ng kamatayan. Mula noon sya ay nagbago at may ginintuang puso narin sya gaya ng

kanyang mga magulang.