concept paper shet (edited)

24
LA CONSOLACION UNIVERSITY PHILIPPINES KONSEPTONG PAPEL SA FILIPINO 2 IPINASA NI: Renz Monique A. Ramos IPINASA KAY: Ramona R. Evanglista

Upload: renz-monique

Post on 24-Dec-2015

54 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: Concept Paper Shet (Edited)

LA CONSOLACION UNIVERSITY PHILIPPINES

KONSEPTONG PAPEL SA FILIPINO 2

IPINASA NI:

Renz Monique A. Ramos

IPINASA KAY:

Ramona R. Evanglista

Marso, 2015

Page 2: Concept Paper Shet (Edited)

EPEKTO NG DEPRESYON AT STRESS SA MGA ESTUDYANTE MULA SA COLLEGE OF ALLIED AND MEDICAL SCIENCES NG LACONSOLATION

UNIVERSITY PHILIPPINES S.Y. 2014-2015

Panimula

Ang pagpasok sa kolehiyo ay isa sa mga hakbang na pinaka-aabangan ng

maraming estudyante sa hayskul. Bagama’t ang iba ay nakaranas ng masaya o

matagumpay na buhay sa kolehiyo. Nariyan na ang problema sa pamilya, pera at

relasyon na maaaring maka abala o maging sagabal sa pag-aaral ng mga estudyante.

Karaniwang problema naman sa eskwela ay ang grado, reports, projects, “class

standing” sa klase, atbp. Dahil sa mga ito, masasabi na ang mga estudyante sa

kolehiyo ay nakakaranas ng mataas na lebel ng pagkahapo o “stress” at depresyon.

May iba’t ibang dahilan sa pagkaranas ng “stress” at depresyon. Maaaring hindi

komportable ang isang indibidwal para sa isang sitwasyon ngunit maaaring masaya

naman ito para sa iba. Nararapat lang na maging mapanuri at magkusang tuklasin ang

mga bagay na nakaaapekto sa mga estudyante upang makaranas ng “stress” o

pagkahapo at depresyon, dahil marami itong maaaring maapektuhan. Maaaring

makatuklas ng paraan ng pag-agapay dito upang maiwasan ang matinding problema na

maaaring maidulot nito at maging matagumpay ang pakikitungo sa mga problemang

makakaharap sa buhay kolehiyo. Sa pag-aaral na ito na pinamagatang “Epekto ng

Depresyong at Stress sa mga Estudyante mula sa College of Allied and Medical

Sciences ng La Consolation Univesity Philippines S.Y. 2014-2015” tatalakayin ng

mananaliksik ang mga karaniwang sanhi ng pagkahapo at depresyon at ang magiging

epekto nito sa isang indibidwal. Ibabahagi din ng pag-aaral na ito ang ibig sabihin ng

depresyon at “stress” o pagkahapo. Ayon kay Finkelstein (2000), Ang kahulugan ng

Page 3: Concept Paper Shet (Edited)

stress ay nagbibigay diin sa dalawang bagay: ‘Pressure’ o ‘Tension’ na nararamdaman

ng isang tao at mga implikasyon na maaaring idulot nito. Pag ang indibidwal ay

sinasabing nakakaranas ng stress o pagkahapo, madalas na ito ay nagtutukoy sa mga

negatibong damdamin at pag-aagam-agam na nararanasan ng isang tao kapag

mayroon itong labis na gawain o gawaing dapat gawin na hindi nito ninanais. Ang stress

ay maaari ring tumukoy sa mga bagay o gawain na nangangailangan ng matinding

pagpupursigi na maaaring maging sanhi ng pagkabalisa ng isang tao. At sa kasong ito

ang stress ay ang bagay o kaganapan na nagiging sanhi ng pagkabalisa ng isang tao.

Dahil dito, ang stress o pagkahapo ay karaniwang naiisip na isang negatibong paksa,

bilang isang estado kung saan ang mga tao at masyadong abala. Karamihan sa atin ay

hindi matukoy ang stress o pagkahapo sa mas malalim na detalye. Ang stress ay

presyon; ang stress ay ang tension na nilikha ng presyon; ang stress ay hindi kalugod-

lugod o kanais-nais. Alinsunod naman kina Ciccavelle & White (2012), Ang stress ay

ginagamit upang ilarawan ang pisikal, emosyonal, ‘cognitive’ at pang-asal na tugon sa

mga kaganapan ng humahamon sa isang indibidwal. Ang stress o pagkahapo ay

kayang ipahayag o ipakita sa maraming paraan. Isa na ang problemang pisikal, ito ay

maaaring tumukoy sa hindi pangkaraniwang karanasan sa pagod, kakulangan as tulog,

pati narin ang mga sakit na nararanasan ng isang taong nakakaranas ng stress o

pagkahapo. Ang mga taong nakakaranas ng stress ay maaaring kumilos ng kakaiba

tulad ng: ‘pacing’, pagkain ng marami, paglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng

pag iyak, paninigarilyo, at pag-inom ng alcohol beverages higit sa karaniwang

nakasanayan o pananakit ng ibang tao. Problema sa emosyon naman kung

nakakaranas ang isang indibidwal ng pagkabahala, depresyon, takot at pakiramdam ng

Page 4: Concept Paper Shet (Edited)

pagkairita pati narin ang pagkaramdam ng galit at pagkabigo sa isang bagat.

Nakakaapekto naman ang stress sa pag iisip kung naaapektuhan nito ang

‘concentration’, memorya at pagbuo ng desisyon ng isang tao at kadalasan sa mga

taong nakakaranas ng pagkahapo ay nawawalan ng ‘sense of humor’. Ayon kay

Bronson (1990), may dalawang uri ng stress o pagkahapo. Ito ay ang positibong stress

at negatibong stress. Positibo ang stress o pagkahapo kung ito ay tumutulong sa iyo

upang makamit at maabot ang mga layunin. Kapag sa tingin ng isang indibidwal ay

nasasabik o hinahamon ang sarili sa pamamagitan ng isang aktibidad, maaaring

nakakaranas ito ng positibong stress. Ang positibong stress o pagkahapo ay

nagagawang alerto ang isang tao upang ito’y gawing tutok sa isang aktibidad o Gawain.

Nakatutulong ito upang matapos ng isang indibidwal ang isang Gawain na nais nitong

tapusin. Samantalang ang negatibong stress o pagkahapo o pagkabalisa “is a stress

that can hold you back”. Kapag ang napag-uusapan ng isang grupo ay tungkol sa

pagkakaranas ng matinding pagkahapo, ito ay natutukoy sa negatibong stress. Ang

matinding karanasan nito ay maaaring makaapekto sa kalusugan. Hango sa

elektronikong sangunian http://www.childrenshealthnetwork.org/CRS/CRS/pa_

depressp_bhp_tgl.htm Retrieved date:December 8, 2014 ang depresyon ay isang

kundisyon kung saan ang mga bata ay teen ay nalulungkot, nawawalan ng pag-asa, at

hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Ang depresyon ay maaari silang pigilan

na gawin ang mga pang-araw-araw na aktibidad. Ang depresyon sa mga bata ay

maaaring minsanang problema o maaaring magpatuloy. Karamihan sa mga bata

mahihirapan nang ilang lingo o buwan. Kung walang paggagamot, maaaring bumalik

ang depresyon at lumala. Ang mga batang nagkaroon na ng depresyon ay mas malaki

Page 5: Concept Paper Shet (Edited)

ang peligro ng depresyon sa huling mga taon ng kanilang kabataan at nasa sapat ng

gulang. May isa pang kahulugan ang depresyon, ito naman ay hango sa elektronikong

sangunian http://abs-cbnnews.com/current-affairs-programs/10/12/12/salamat-dok-

teenage-depression Retrieved date:December 8, 2014. Ang depresyon ay isang

karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang tao ng labis na

kalungkutan. Ito ay namamana o kaya’y sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones,

problema sa neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan

papunta sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Ito’ maaaring

pangmatagalan o pabalik-balik.

Napili ng mananaliksik ang konseptong papel na ito sapagkat nais ng

mananaliksik na mailahad ang iba’t ibang uri ng “stress” at depresyon na kinakaharap

ng mga estudyente sa mga kolehiyo mula sa College of Allied and Medical Sciences

department at matukoy ang mga paraan upang pag silbing ka-agapay sa mga ganitong

klase ng problema. Ni-nanais rin ng mananaliksik na maitaas ang lebel ng awareness

ng mga mambabasa lalo na ang mga estudyante mula sa College of Allied and Medical

Sciences department upang makahanap ang bawat estudyante ng solusyon para sa

stress at depresyon na kanilang nararanasan. Isa pang dahilan ay ang kagustuhan ng

mananaliksik na makatulong upang mamulat ang bawat estudyanteng nag-aaral sa

kolehiyo sa reyalidad na hindi lang simple ang maaaring maging dulot ng deresyon at

stress sa mga estudyante sa mga estudyante dahil sa panahon ngayon maraming sakit

na ang maaating mai-ugnay sa depresyon at stress sa kadahilanang may mga oras na

sobra sobra na ang nararanasang hirap at pagod ng isang estudyante kung kaya’t pati

ang kalusugan nito ay naapektuhan narin. Kung kaya’t ang konseptong papel na ito ay

Page 6: Concept Paper Shet (Edited)

binuo dahil sa kagustuhang maipabatid ng mananaliksik na mga mga kaso kung saan

hindi lang pag iisip ng isang estudyante ang maaari nitong apektuhan pati narin ang

pisikal na pangangatawan. At ang huli sa lahat, binuo ng mananaliksik ang konseptong

papel na ito dahil hindi lamang ang mga estudyante na mula sa College of Allied and

Medical Sciences o CAMS department ang maaaring matulungan dahil maaaring may

mga kaso kung saan magkamuka o magkatulad ang depresyon at stress na

nararanasan ng isang estudyante na mula sa CAMS department sa isang ordinaryong

estudyante dahil alam naman ng nakararami na may maitutulong ito sa lahat o ilan

mang na mambabasa kahit hingi ito kabilang sa mga estudyante na mula sa College of

Allied ang Medical Sciences department.

Naniniwala ang mananaliksik na ang konseptong papel na ito ay

mapapakinabangan ng mga sumusunod:

Mga estudyante kabilang sa department ng College of Allied and Medical

Sciences sa kadahilanang ang konseptong papel na ito ay binuo upang malaman

ang karanasan ng mga estudyanteng nasa departamyentong ito upang makabuo

ng solusyon at maagapan ang ano mang maaaring maging maging negatibong

epekto nito sa pag-aaral ng mga ng mga nasabing estudyante

Mga mambabasa ng konseptong papel na ito, sapagkat maaaring nakakaranas o

nararasan ng mga ito ang depresyon at stress na pinagdadaanan ng mga

estudyanten mula as CAMS department.

Mga mag-aaral na balak kumuha ng kursong may kaugnayan sa kalusugan tulad

ng mga kursong nabibilang sa CAMS department, upang malaman ng mga ito

ang mga maaaring maranasan pag tung-tong ng kolehiyo

Page 7: Concept Paper Shet (Edited)

Mga magulang at guro na makakabasa ng konseptong papel na ito, upang

kanilang malaman ang mga pinagdadaanan ng mga estudyante at anak.

Mga future researchers o mananaliksik upang pag silbi itong gabay o reference

kung sakaling may kaugnayan sa konseptong papel na ito ang napili nilang topic

o paksa.

Layunin

Pangkalahatang Layunin:

Nilalayon ng konseptong papel na ito na malaman ang epekto ng depresyon at stress

sa mga estudyante mula sa College of Allied and Medical Sciences ng La Consolation

University Philippines S.Y. 2014-2015.

Mga Tiyak na Layunin:

1. Matukoy ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng stress at depresyon ng

mga estudyante ng La Consolation University Philippines na mula sa College of

Allied and Medical Sciences department.

 

2. Matalakay ang karaniwang senyales na makikita sa mga estudyante ng La

Consolation University Philippines na mula sa College of Allied and Medical

Sciences department tuwing ang mga ito’y nakakaranas ng ‘stress’ at depresyon.

 

3. Maisa-isa ang paraan ng mga naturang estudyante kung paano nila

malalampasan ang naturang stress at depresyon.

Page 8: Concept Paper Shet (Edited)

Pamamaraan sa Pananaliksik

Gagamit ang mananaliksik ng mga sumusunod na pamamaraan:

Pag sasagawa ng mga Survey Questionnaire o Talatanungan.

Interview o Pakikipanayam.

Gagawa ng talatanungan ang mananaliksik na binubuo ng 10 tanong at ito ay

pasasagutan sa mga estudyante na mula sa College of Allied and Medical Sciences

department na mga mag-aaral sa La Consolation University Philippines.

Makikipanayam ang mananaliksik sa mga estudyante ng La Consolation University

Philippine na mula sa CAMS department sapagkat interesado ang mananaliksik na

malaman ang epekto ng stress at depresyon sa mga napiling estudyante at ninanais rin

ng mananaliksik na masolusyunan ang problemang naidudulot ng stress at depresyon

sa mga naturang estudyante.

Inaasahang Bunga

Inaasahan ng konseptong papel na ito na malaman ang epekto ng stress at

depresyon sa tao particular na ang mga estudyante sa La Consolation University

Philippines na mula sa CAMS department. Nais rin nito na makatulong sa mga

mambabasa ang mga impormasyong nakalahad sa research na ito at makagawa ng

solusyon sa problemang kinakaharap ng mga estudyante pati narin ang iba pang

nakakaranas ng naturang stress at depresyon.

Page 9: Concept Paper Shet (Edited)

Pagtalakay:

Hango sa elektronikong sangunian http://health.wikipilipinas.org/index.php/Stress

Retrieved date: January 18, 2015 Ang stress ay nararanasan ng karaniwang tao sa

bawat araw. Ito ay maaaring pagdaanan sa iba’t ibang paraan at grado. Sa maliit na

paraan, ang stress ay maaaring makatulong sa isang tao. Kapag ang stress ay naging

mabigat at nagsimulang maapektuhan ang pisikal o mental na tungkulin ng tao, ito ay

nagiging isa nang problema. Ang stress ay isang normal na pisikal na tugon sa mga

pangyayari na maaaring magbigay ng pakiramdam ng pagbabanta o pagkabahala.

Kapag naramdaman ng isang tao ang panganib, totoo man o kathang isip lang, ang

katawan ay mabilis na dumidipensa. Ang tawag dito ay stress response. Ang stress

response ay ang paraan ng katawan upang depensahan ang tao. Kapag ito ay normal

na gumagana, tinutulungan nito ang tao na maging alerto, masigla, at maagap. Sa

panahon ng emergency o mahigpit na pangangailangan, ang stress response ang

nagbibigay ng dagdag na lakas upang ipagtanggol ang sarili. Halimbawa, ang stress

response ang naguudyok sa isang tao upang tapakan agad ang preno ng sasakyan

upang makaiwas sa aksidente. Ang mga lugar sa katawan na maaaring maapektuhan

ng stress ay ang utak, ugat, kalamnan, kasukasuan, puso, tiyan, lapay, bituka, at

ang reproductive system.

Ayon kay Lilienfeld et. Al. (2009), May iba’t ibang pinang-gagalingan ang

pagkahapo o ‘stress’. Una na rito ang Hassles, ay karaniwang nararanasan sa pang

araw-araw na buhay. Kabilang sa mga halimbawa nito an gang pag sagupa sa

matinding traffic, mga gawaing bahay, at pagbabalanse ng oras sa trabaho at mga

relasyon lipunan. Ngunit ang akumulasyon ng araw-araw na hassle ay maaaring

Page 10: Concept Paper Shet (Edited)

maging dahilan ng hindi pagkawala ng pagkahapo o stress sa ating buhay. Ang Chronic

stress ay estado ng paulit-ulit na hindi mabuting samahan o presyon na maaaring

humantong sa pagiging magagalitin, at pagiging malumbay. Ang pangalawang

maaaring pagmulan ng stress ay ang mga kaganapan na nangyayari sa buhay o Life

events. Ang stress ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa buhay ng isang tao.

Maaaring ito ay mga negatibong kaganapan, tulad ng pagkawala ng mahal sa buhay o

pagka demote sa trabaho. Maaaring positibong mga kaganapan, tulad ng pag

papakasal, pag tanggap ng promotion sa trabaho, o pagkakaron o pagsilang sa anak.

Sa ibang salita, ang mga pagbabago sa buhay na ngangailangan na mag adjust ang

isang tao ay maaaring magdulot ng stress. Hindi tulad ng hassle, ang mga kaganapan

sa buhay ay ang mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay. Kahit lahat ng tao ay

nakakaranas ng hassle at mga pagbabago sa buhay, ang ilang mga tao ay mas mahina

laban sa mga ganitong uri ng stress kaysa sa iba. Maaaring mas kaya ng mga ito ang

pinagdadaanan na stress dahil nasanay na ang mga itong nararanasan ang ganitong

uri ng stress. Ang iba naman ay maaaring kulang sa kakayahan na mag adjust sa mga

pangayayari sa sakanilang buhay. Ang isa pang pangunahing pinagkukunan ng stress,

ay ang frustration o ang mga negatibong emosyonal na nararamdaman tuwing ang mga

pagsusumikap ng isang tao ay nababaliwala o nasasayang. Tulad ng nararamdaman

ng mga kabataan tuwing nag aasam ang mga ito na makapag maneho ng kotse,

makipag-date, o uminom ng alak. Hindi pinapayagan ng mga magulang ang mga ito

sapagkat ang iniisip ng mga ito ay bata pa ang kanilang mga anak upang gawin ang

mga ganitong gawain. Ang pang huling maaaring pagmulan ng stress ay ang tinatawag

na conflict, Ang conflict ay isang estado kung saan nakakaranas ng matinding tension

Page 11: Concept Paper Shet (Edited)

na nag mula sa presensiya ng dalawa o higit pang pagtutunggali ng mga layunin na

humingi resolution. Habang tumatagal ang pagkakaranas ng isang tao sa mga conflicts

na ito, mas tumataas ang lebel ng stress na kanilang nararanasan.

Hango sa elektronikong sangunian http://www.akoaypilipino.eu/gabay/ang-

stress-o-tensiyon-at-ilang-paraan-na-maiwasan-ito Retrieved date: January 29,2015

Ang pangmatagalang stress ay lubhang makakaapekto sa isang tao sa kanyang

pampisikal at sa pagisip. Ito ay maaring humantong sa sakit na lubhang depresyon o

pagkalungkot, atake sa puso, matinding pagsakit ng ulo, atbp. Ang tuloy-tuloy na stress

ay nakakaapekto sa pangaraw-araw na gawain, nagpapababa ng pagpapahalaga sa

sarili, nakakapanira ng magandang relasyon sa tahanan at kaibigan, pagbabawas sa

gana at pagiging produktibo sa trabaho at humahantong sa matinding pagsisi sa sarili.

Ayon kay Lahey (2002), May iba’t ibang salik ng stress na maaaring makaapekto

rito. Una na sa mga ito ang “prior experience with stress” Ang reaksyon sa stress sa

pangkalahatan ay mas malubha sa tuwing ang isang indibidwal ay may ilang mga

karanasan sa mga nangyayaring kaganapan. Halimbawa, ang isang sundalo na pang

apat na beses nang sasabak sagera ay mas mababa ang mararamdaman at

mararanasan na stress kung ikukumpara sa isang sundalong unang beses palang

sasabak sa isang gera. Sa isang katuturan, ang mga ganitong kaganatapan ay

nagtutulak satin upang maexpose sa ganitong uri ng stressor o pinagmumulan ng

stress. Pangalawang salik naman ay ang “Predictability and Control”. Sa

pangkalahatan, ang mga kaganapan ay mas mababa ang naidudulot na lebel na stress

kung ang mga ito’y kayang kontrolin ng isang tao. At mas maiiwasan ang stress kung

ang isang indibidwal ay hindi nag papaapekto sa stress na kanyang nararansan at may

Page 12: Concept Paper Shet (Edited)

abilidad itong kontrolin ang stress upang hindi nito magawang apektuhan ang

pamumuhay ng taong iyon. Ang huli sa mga salik na nakakaapekto ng stress ay ang

tinatawag na “Social Support”. Ang epekto ng stress ay masasabing mas mababa para

sa mga indibidwal na mayroong “good social support” na maaaring mang-galing sa mga

malalapit na kaibigan at pamilya kung ikukumpara sa taong hindi sapat ang “social

support” na nakukuha sa mga taong nasa palid nito. Hindi pa nalilinaw kung paano

nakakatulong ang “social support” upang maiwasan o mabawasan ang dulot ng stress.

Ang pagkakaroon ng kausap sa tuwing may pinag dadaanan ang isang indibidwal, kung

ang isang tao ay nakakatanggap ng mga payo at supporta sa mga taong nasa paligid

niya. Malaking tulong ito upang malagpasan at maiwasan ang stress na nararanasan.

Alinsunod kay Nevid (2006), may epekto sa Endocrine at Immune system ang

stress o pagkahapo. Ang Endicrine System ay ang system sa katawan ng tao na nag

papakawala o naglalabas ng hormones direkta sa daloy ng dugo. Sa ilalim ng stress,

ang hypothalamus (a small endocrine gland located in the midbrain, coordinates the

endocrine system’s response to stress) ay naglalabas ng corticotrophin-releasing

hormone (CRH), na nagdedevelop sa pituitary gland na mag secrete ng

adrenocorticotrophic hormone (ACTH). Ang ACTH na dumadaloy sa dugo na

napupunta sa adrenal glands, pares ng endocrine gland na matatagpunaan sa ibabaw

ng bato o ‘kidneys’. Ang ACTH ay dinedevelop ang adrenal cortex upang makapag

pakawala ng hormones na tinatawag na corticosteroids (o cortical steroids). Ang

hormones na ito ay nakakatulong upang labanan ang stress sa pamamagitan ng pag

gawa o pag imbak ng mga sustansya upang matugunan ang pangangailangan at

enerhiyang kinakailangan ng isang tao upang kanyang makayanan ang pinadaraanang

Page 13: Concept Paper Shet (Edited)

stress o pagkahapo. Ang Immune System ng isang tao ay nakakatulong upang

maiwasan ang mga sakit na maaaring dumapo dito. Ang mga hindi kadalasang

kaaranasan sa stress ay maaaring hindi gaanong nakakapag bigay ng masamang

epekto, ngunit ang matinding pagdanas dito ay maaaring maging sanhi ng paghina ng

immune system ng isang indibidwal na maaaring magresulta sa madalas na

pagkakasakit ng isang tao.

Ayon kay Rathus (2012), may iba’t ibang paraan upang ang stress ay maiwasan

o malagpasan ang stress na nararanasan. Ang unang paraan na maaaring gawin

upang maiwasan ang stress ay ang “Social Support”. Ang Social support sumasaklaw

sa interpersonal relasyon sa mga tao, at ang mas malaking komunidad. Ang ‘social

support’ ay maaaring makapag bigay sa isang indibidwal ng emosyonal na ginhawa,

pinansiyal na tulong, at mga impormasyon o kaalaman na maaaring makatulong o

gawin upang maging libangan ng isang tao, na makakatunglong upang malutas ang

problema, at magawang labanan ang mga nakababahalang mga sitwasyon. Pangalawa

sa mga paraan na maaaring gawin upang maiwasan ang stress ay ang tinatawag na

“Gaining Control” O pagkontrol sa stress. May iba’t ibang uri ng pagkontrol. Ang unang

uri nito ay ang ‘Behavioral Control’ ay ang kakayahang gawin ang isang bagay upang

bawasan ang epekto ng mga nakababahalang sitwasyon o pigilan ang pag-ulit nito. Ang

uri ng ganitong ‘active coping’ ay tinatawag na ‘problem focused’ at mas epektibo ito sa

pag iwas sa stress kung ikukumpara sa ‘avoidance-oriented coping (pag-iwas sa

aksyon upang malutas ang aming mga problema o pagsuko sa problema).

Pangalawang uri ng pagkontrol ay ang ‘Cognitive Control’. Ito ay ang kakayahang

magisip kung maikukumpara sa ibang tao at ang pagiisip na ito ay nakakatulong upang

Page 14: Concept Paper Shet (Edited)

makatugon sa pagiwas sa mga pangyayari o kaganapang nakakapag dulot ng stress.

Ang uri ng kontrol na ito ay ‘emotion-focused coping’, isang stratehiya na mabisa sa pag

aadjust ng isang tao sa mga sitwasyon na hindi basta basta kayang kontrolin ng isang

indibidwal. ‘Decisional Control’ ay ang kakayahang makapili sa mga alternatibong

aksyon. ‘Informational Control’ ay ang kakayahang makakuha ng impormasyon tungkol

sa isang nakababahalang kaganapan. Ang mga taong nakikipag-ugnayan sa maagap

na pagkaya o pag iwas ay may posibilidad na mas maiwasan ang stress at magkaroon

ng mas maraming oportunidad. Ang huling uri ng control ay ang ‘Emotional Control’ ito

ay ang kakayahang sugpuin at ipahayag ang mga damdamin. Pagsusulat sa isang

‘diary’, halimbawa, ay maaaring pangasiwaan ng emosyonal na kontrol at maariong

paglabasan ng saloobin. At ang huling paraan upang maiwasan ang stress ay ang

“Flexible Coping” ito ang kakayahang isaayos o pag buo ng mga diskarteng diskarte

bilang ang sitwasyon pangangailangan ay mahalaga upang contending na may

maraming mga nakababahalang mga sitwasyon.

Page 15: Concept Paper Shet (Edited)

TALASANGUNIAN

Hango sa Aklat:

Broson, M. (1990). Teen Health, United States of America: McGraw – Hill Companies Inc.

Ciccavelli, S. & White, N. (2012). Psychology, Philippines: Pearson Education South Asia Pte. Ltd.

Finkelstein, J. (2000). Biobehavioral Health, United States of America: McGraw – Hill Companies Inc.

Lahey, B. (2002). Essentials of Psychology, United States of America: McGraw –Hill Companies Inc.

Lilienfeld, S. et.al. (2009). Psychology from Inquiry to Understanding, United State of America: Pearson Education, Inc.

Nevid, J. (2006). Essentials of Psychology Concept and Applications, United States of America: Houghton Mifflin Company.

Rathus, S. (2012). Psycology, Philippines: ESP Printers, Inc.

Hango sa Elektronikoong Sangunian:

http://www.childrenshealthnetwork.org/CRS/CRS/pa_depressp_bhp_tgl.htm

http://www.abs-cbnnews.com/current-affairs-programs/10/12/12/salamat-dok-teenage-depression

http://health.wikipilipinas.org/index.php/Stress

http://www.akoaypilipino.eu/gabay/ang-stress-o-tensiyon-at-ilang-paraan-na-maiwasan-ito

Page 16: Concept Paper Shet (Edited)

TALATANUNGAN

Pangalan: ______________________________________ Kasarian: _____________

Kurso/ Taon: ____________________________ Edad: _______

Panuto:

1- Walang stress o depresyon na naidudulot2- Nakakaranas ng stress ngunit hindi nakakaapekto o hindi ini- inda3- Minsanang dahilan ng stress at depresyon4- Madalas na dahilan ng stress at depresyon5- Laging dahilan ng stress at depresyon

I-rate ang bawat Pinagmulan ng Stress at Depresyon:

5 4 3 2 1

1.Pera

2. Grades / Class Standing

3.Pamilya

4.Test / Exams / Projects / Reports

5.Mga kaibigan / barkada

6.Relasyon (Boyfriend/ Girlfriend)

Lagyan ng tsek (✔) ang mga sagot.

7. Ano ang iyo’ng nadarama sa tuwing nakakaranas ng stress at depresyon?

___ Galit ___ Pagod

___ Natataranta ___ Kawalan ng ganang kumain

___ May pagkayamot ___ Cravings ( sa pagkain)

___ Balisa ___ Pananakit ng ulo / Head ache

Page 17: Concept Paper Shet (Edited)

___ Focused / Nakatuon sa Gawain ___ Insomnia

8. Komportable ka ba sa lebel ng stress at depresyon na iyong nararanasan?

___ Oo.

___ Hindi.

9. Nakakapag focus / nagagawa mo ba ng maayos ang iyong mga gawain sa tuwing ikaw ay nakakaranas ng naturang stress at depresyon?

___ Oo.

___ Hindi.

10. Sa paanong paraan mo kinakaharap ang stress o depresyon na iyong nararanasan?

___ Pag e-ehersisyo

___ Pagkikipag usap sa mga kaibigan

___ Pakikinig sa kanta

___ Pagtulog

___ Pag babasa ng mga libro

___ Pag da-deit

___ Hobby (Pagtugtog ng gitara, pag lilinis)

___ Illegal Drugs / Pinag babawal na gamot

___ Pag inom (Alcohol / Alak)

___ Paninigarilyo