che che proyekto sa filipino

42
MGA BUGT ONG

Upload: april-abegail-canete-bacong

Post on 10-Nov-2014

198 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Che Che Proyekto Sa Filipino

MGA BUGTON

G

Page 2: Che Che Proyekto Sa Filipino

1. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. Sagot: sinturon

2. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.Sagot: sapatos

3. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. Sagot: langgam

4. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.Sagot: kandila

5. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.Sagot: langka

6. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.Sagot: ampalaya

7. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.Sagot: ilaw

8. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.Sagot: anino

9. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.Sagot: banig

10. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.Sagot: siper

11. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.Sagot: gamu-gamo

12. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.Sagot: gumamela

13. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.Sagot: kubyertos

14. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.Sagot: kulambo

15. May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan.Sagot: kumpisalan

16. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.Sagot: mga mata

17. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.Sagot: baril

18. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.Sagot: batya

19. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.Sagot: kamiseta

20. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.Sagot: bayabas

Page 3: Che Che Proyekto Sa Filipino

1. Puri sa harap, sa likod paglibak

MGA SALAWIKAIN

Page 4: Che Che Proyekto Sa Filipino

2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron

3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan

4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya

5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila

6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan

7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare

8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo

9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat

10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot

11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa

12. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula

13. Ang magandang asal ay kaban ng yaman

14. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat

15. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan

16. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila

17. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon

18. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula

19. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising

20. Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim

Page 5: Che Che Proyekto Sa Filipino

MGA

KWENTONG-BAYAN

Page 6: Che Che Proyekto Sa Filipino

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Page 7: Che Che Proyekto Sa Filipino

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.

Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Page 8: Che Che Proyekto Sa Filipino

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim.  May katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa.  Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.  Nalimutan ng datu ang mag-asawa.  Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay.  Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan.  Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa.  Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin.  Siya ay batang-bata at napakalambing.  Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa.  Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya.  Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu.  Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin.  Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa.  Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa.  Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu.  Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu.  Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.

Kalbo! Kalbo, ako!  sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Page 9: Che Che Proyekto Sa Filipino

Gintong Bata Sa Puting Kalabasa

KAKATWA at kakaiba ang maliit na bahay, gawa sa kawayan, ng isang lalaki at isang babaing nabubuhay sa mga gulay na tanim nila sa malaking bakuran. Mabait ang mag-asawa at mabuti ang turing sa kanila ng lahat ng mga kapitbahay. Subalit hindi sila maligaya sapagkat wala pa silang anak, bagay na maraming taon na nilang hinangad. Ipinag-dadasal nila araw-araw na kahit babae o lalaki, magka-anak lamang sila, subalit walang sagot ang kanilang mga panalangin. At ngayong tumatanda na sila, nawawalan na sila ng pag-asa.

Isa sa mga tanim nila sa bakuran ay puting kalabasa na mayabong na nagbubunga buong taon, kaya hindi sila nawawalan ng pagkain kahit kailan, hanggang isang araw nang napansin nilang walang umuusbong na kalabasa. Inusisa nilang maigi at inalagaan ang halaman araw-araw subalit kahit panay ang sulpot ng malalaking dilaw na bulaklak na, pagkalanta at pagkatuyo ay dapat sanang mapalitan ng usbong na bunga. Subalit wala kahit isang kalabasa na lumitaw at nagsimulang magutom ang mag-asawa.

Isang umaga, pagkaraan ng mahabang panahon, napasigaw sa galak ang asawang babae nang masipat niya ang isang maliit na usbong. Ipinasiya ng mag-asawa na huwag kainin agad ang kalabasa, hintaying lumaki at mahinog ito upang magkaruon sila ng mga buto na maitatanim uli sa bakuran.

Lumaking napaka-gandang puting kalabasa ang bunga subalit napakatagal nahinog kaya, sa gutom, nagbago ang isip ng mag-asawa at pinitas ang gulay upang kainin. Hihiwain na sana nila ang kalabasa nang narinig nila mula sa luob ang isang tinig. 

“Mag-ingat kayo at baka mahiwa ako!”

Natigilan ang mag-asawa, akala minumulto sila, subalit nagsalita uli mula sa luob ng kalabasa.

“Buksan n’yo na, nang makalabas ako!”

Maingat nilang hiniwa at lumabas ang isang sanggol na lalaki. Nakakatayo at nakakapag-salita na ang bata. Tuwang-tuwa ang mag-asawa, may “anak” na sila! Agad umigib ng tubig ang asawang babae at naglatag ng banig upang paliguan ang bagong panganak na “anak.” Tuwing buhos ng tubig sa bata, bawat patak ay naging ginto kaya matapos ng ligo, natakpan ng ginto ang buong banig! Lalong nalugod ang mag-asawa, may “anak” na sila, yumaman pa sila sa ginto.

Sapat na dapat ang nakamit ng mag-asawa, subalit pagmasid nila sa ginto, hinangad nila ang mas marami pa. Kinabukasan, pinaliguan uli ng asawang babae ang “anak” at natakpan uli ng ginto ang banig. May sapat na silang yaman upang magpagawa ng isang malaking bahay, subalit gusto pa nila ng higit. Kaya sa ika-3 araw, umigib uli ng tubig na pampaligo ang asawang babae, subalit nalungkot ang “anak,” umalis at naglaho. Kasabay, naglaho rin ang lahat ng ginto. Naiwang nag-iisa ang mag-asawa na, tulad ng dati, ay mahirap at walang anak.

Page 10: Che Che Proyekto Sa Filipino

Si Lalaki at Si Babae

Nuong unang panahon, may 2 bathala na namamahay sa langit, si Kaptan at si Maguayan. Napa-ibig si Kaptan kay Maguayan at sila ay nag-asawa.

Isang araw, tulad sa nangyayari sa mga mag-asawa pagkatapos ng unang pagsasama, nag-away si Kaptan at si Maguayan. Sa bugso ng galit ni Kaptan, pinalayas niya ang kanyang asawa. Malaki ang paghihinagpis na umalis si Maguayan. 

Nang wala na ang diyosa, ang diyos na Kaptan ay inabot ng lumbay. Nabagabag siya ng kamaliang ipinataw niya sa kanyang asawa. Subalit huli na upang humingi siya ng patawad. Hinalughog niya ang buong kalangitan, subalit hindi niya natagpuan si Maguayan. Tulad sa usok naglaho ang diyosa.

Upang mahupa ang kanyang lumbay, ang namimighating diyos ay lumikha ng daigdig at nagtanim ng kawayan sa halaman na pinangalanang Kahilwayan. Nagtanim din siya ng palay, mais at tubo. Sa lahat ng mga tanim, ang kawayan ang unang umusbong. Tumubo itong maganda puno na malambot ang mga sanga at mga dahon na parang balahibong kumakaway sa daloy ng hangin. 

Nang makita ang ganda ng kanyang nilikha, napuno ng ligaya ang kaluoban ni Kaptan. “Ah,” buntong hininga niya, “kung narito lamang si Maguayan, malulugod siyang masdan itong magandang tanawin sa gitna ng simoy ng hangin at kiskisan ng mga dahon!”

Patuloy ang pagtubo ng kawayan. Ang halamanan ay lalong gumaganda araw-araw. Isang dapit-hapon, habang si Kaptan ay nanunuod ng kaway-kaway ng mga dahon sa simoy ng hangin, isang sapantaha ang nabuo sa kanyang isip at, bago pa niya namalayan kung ano ang nangyayari, binulong na niya sa kanyang sarili, “Lilikha ako ng mga mag-aalaga nitong mga halaman.” 

Agad-agad, ang kawayan ay nahati sa 2 kabiyak. Mula sa isang bahagi, lumitaw ang unang tao. Pinangalan ni Kaptan ang tao ng Sikalak, pangalang nangangahulugan “ang matipunong nilikha.” At mula nga nuon, ang mga katulad ni Sikalak ay tinawag na lalak, o sa palayaw na lalaki.”

Pagkatapos, mula sa kabilang bahagi ng biyak na kawayan lumitaw ang pangalawang nilikha. Bininyagan siya ng diyos ng Sikabay, pangalang ibig sabihin ay “katulong ng nilalang na malakas.” Mula nuon, ang kanyang mga katulad ay tinawag na sibabaye o babaye, sa palayaw.

Magkasama, ang dalawang nilikha ay nagtanim sa halamanan at inalagaan ang mga pananim. Sa kabilang dako, si Kaptan ay nagpunta sa malayo upang hanapin si Maguayan. 

Isang araw, pagka-alis ng diyos, niyaya ni Sikalak si Sikabay na magpakasal sa kanya. Subalit ang babae ay tumanggi. “Hindi ba magkapatid tayo?” pinagalitan niya ang lalaki.

Page 11: Che Che Proyekto Sa Filipino

“Tutuo ang sinabi mo. Subalit walang ibang tao dito sa halamanan,” nangatwiran si Sikalak. “At kailangan natin ang mga anak na tutulong mag-alaga dito sa napaka-laking lupa para sa ating panginoon.”

Hindi natinag ang babae. “Alam ko,” sagot niya, “subalit ikay ay aking kapatid. Kapwa tayo isinilang sa iisang puno ng kawayan, at kaisa-isang biyas ang nagkabit sa ating dalawa.” 

Pagtagal-tagal, matapos ng mahabang pagtatalo, humingi sila ng payo sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid. Ipinayo ng mga isda at ng mga ibon na magpakasal sila. Hindi pa rin nahimok, sumangguni si Sikabay sa lindol, na sang-ayon din sa kanilang pag-aasawa.

“Kailangang mag-asawa kayo,” sabi ng lindol, “upang magka-tao sa daigdig.”

Kaya nag-asawa sina Sikalak at Sikabay. Ang una nilang anak ay isang lalaki, na pinangalanan nilang Sibu. Pagkatapos, nagka-anak sila ng isang babae, na tinawag nilang Samar.

Page 12: Che Che Proyekto Sa Filipino

MGA

PABULA

Page 13: Che Che Proyekto Sa Filipino

Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.

"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.

"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila.Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak."Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.

"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako."

"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.

At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila, kaya bumagal ang lipad niya.Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.

MENSAHE:Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

Page 14: Che Che Proyekto Sa Filipino

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng  gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

MENSAHE:Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi  mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na  kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay  magtutulungan.

Page 15: Che Che Proyekto Sa Filipino

Ang Pabula ng Daga at ng Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak  siyang isubo at  kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa  pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.  

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.  Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

MENSAHE:Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang  makabuluhan.

Page 16: Che Che Proyekto Sa Filipino

Si Pagong at Si Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit” nag-aayang sabi ni Pagong

“Naku baka panis na yan”sabi ni Matsing

“Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning” sabi ni Pagong

“Kahit na, ako muna ang kakain” pagmamatigas ni Matsing

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito” masayang sabi ni Pagong

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin”sabi ni Matsing

“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin.”

“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?” nakangising sabi ni Matsing

“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte”sabi ni Matsing

Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Page 17: Che Che Proyekto Sa Filipino

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.

Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.

“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo”sabi ni Matsing

“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat” paliwanag ni Pagong

“Hmp kaya pala nalanta ang aking tanim”nanggigil na sambit ni Matsing

“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin” anyaya nito

“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin.”sabi ni Pagong

“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda” sabi ni Matsing

Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.

“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing

Nanatili sa  itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.

Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong. 

“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng malakas”pagmamakaawa ni Matsing

“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. mukhang malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning

Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

Page 18: Che Che Proyekto Sa Filipino

“Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong matsing

“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin”bulong nito sa sarili

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. 

“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.

“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong

“Tatadtarin kita ng pinong pino”sabi ni Matsing

Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.

“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha”sabi ni Pagong

Nag-isip ng malalin si Matsing

“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka” sabi ni Matsing

“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito” pagyayabang ni Pagong

Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan.

“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing

Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong

Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.

“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong

Page 19: Che Che Proyekto Sa Filipino

Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan. 

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong. 

MENSAHE:Tuso man ang matsing, naiisahan din.

Page 20: Che Che Proyekto Sa Filipino

ANG PAGONG AT ANG KUNEHO

Isang hapon, nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan. Biniro ni Kuneho si Pagong sa kanyang maliliit na paa na naging dahilan kung bakit napakabagal niyang maglakad.Nainsulto si Pagong sa mga biro ni Kuneho. Sa kagustuhan ni Pagong na patunayang mali si Kuneho sa kanyang mga paratang, hinamon niya si Kuneho at nagsabing, "Kung gusto mong subukin ang aking kakayahan, bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan. Maaaring mabilis ka subalit malakas naman ang aking resistensya," ang hamon ni Pagong."Anong paligsahan ang nais mo?" tanong ni Kuneho."Kung gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok," sagot ni Pagong. Nagalak si Kuneho sa hamon ni Pagong. Tiwala sa sariling magagapi niya si Pagong sa paligsahan. Bawat isa sa kanila ay nangumbida ng kanilang mga kaibigan upang saksihan ang kagila-gilalas na paligsahan. Kinabukasan, umagang-umaga, marami ang nagsidalo. Dumating ang kalabaw na minsan na ring nakalaban ni Pagong, ang kabayo, baboy, palaka, bibe, manok, aso, pusa, kambing, baka, pato, lawin, usa, baboy ramo at marami pang iba. Hindi, magkamayaw ang mga hayop sa kasiyahan. Noon lang sila makakapanood ng ganoong klaseng labanan.Ang unggoy ang nagbigay-hudyat ng pasimula ng paligsahan.

Sa pasimula pa lang ay naiwan na nang malayo si Pagong. Halos hindi na makita ni Kuneho si Pagong dahil sa kalayuan ng kanilang pagitan.Narating ni Kuneho ang tuktok ng ikalawang bundok. Hindi na niya matanaw si Pagong. "Ah, mabuti pa ay mamahinga muna ako. Malayo pa naman si pagong. Napakalayo ng agwat naming dalawa." ang sabi ni Kuneho sa kanyang sarili.Naupo si Kuneho sa ilalim ng isang puno. Nang dahil sa kapaguran, hindi niya namalayang siya ay naidlip. Samantala, si Pagong ay nakarating sa tuktok ng ikalawang bundok nang magtatanghali. Inabutan pa niya si Kunehong naghihilik. Himbing na himbing si Kuneho. Dala marahil ng kanyang kapaguran. Magdadapit-hapon na nang matanaw ni Pagong ang rurok ng ikatlong bundok. Malapit na siya.

Noon palang nagising si Kuneho. Tinanaw niya ang ibaba ng bundok sa pag-aakalang nandoon pa rin si Pagong subalit wala pa rin. Sinimulan na niya muling tumakbo. Takbong walang pahinga. Laking gulat niya ng abutan niya si Pagong sa ituktok ng ikatlong bundok na namamahinga na. Hiyawan ang lahat ng hayop. Lahat sila ay bumati kay Pagong.Si Kuneho naman ay hiyang-hiya sa pangyayari. Humingi siya ng paumanhin kay Pagong sa ginawa niyang pang-iinsulto. Simula noon ay nagging halimbawa na ng mga hayop na hindi dapat maliitin ang kanilang kapwa.

MENSAHE:Mas mainam pa ang lumalakad nang mabagal na sigurado kaysa matulin na kung matinik ay malalim.

Page 21: Che Che Proyekto Sa Filipino

MGA ALAMAT

Page 22: Che Che Proyekto Sa Filipino

Ang Alamat ng Maya

Si Rita ay batang lubhang malikot.  Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay.  Si Rita ay nanood sa kanyang ina.  Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan.  Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas.  Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao.  Ngayon natakpan siya ng bilao.  Hindi nahalata ng ina.  Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo.  Hindi sumagot si Rita.  Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.

Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob.  Kumakain ng bigas ang ibong iyon.  Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.

Page 23: Che Che Proyekto Sa Filipino

Alamat ng Kasoy

Nasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba. Ang buto ay nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod na kuwento.Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahanan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba kungdi si KASOY.

"Sana`y makalabas ako sa aking kinalalagyan" ang pahimutok niyang nasambit. Patuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang pagbabasakaling sana`y may makarinig sa hinaing ni Kasoy. Sa oras din yaon ay may isang engkantadang naakit sa kaingayan. Sumali siya sa kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan ay narunig niya ang paghingi ng tulong ng Kasoy. "Sino kaya iyon?", ang tanong ng engkantada. Narinig ng kasoy ang tinig ng engkantada. "Para na ninyong awa mahal na engkantada, " pakiusap ng kasoy. "Gusto ko pong lumabas". Naawa ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy.

Tuwang-tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. "Ayaw ko ng bumalik sa aking pinanggalingan," pakiusap niya sa engkantada Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng kasoy at kasoy naman ay tuwang-tuwa.

Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsi-uwian na. Ang kapaligiran ay naging tahimik. Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas ang hangin, kumidlat at kumulog. Pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang buto ng kasoy ay takot na takot at basang-basa. Tinawag niya ang engkantada at humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa loob. Ngunit hindi siya narinig ng engkantada.

Tumigil ang ulan at ang engkantada ay muling nagpakita. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos di na makapagsalita. "Ito`y isang aral sa iyo," ang sabi ng engkantada. "Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang lugar, dapat nating tanggapin dahil ito`y kaloob ng Diyos sa atin." Pagkawika nito`y naglaho ang engkantada.

Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas ng prutas.

Page 24: Che Che Proyekto Sa Filipino

Ang Alamat ng Lansones

Noong unang panahon, sa isang bayan sa Laguna matatagpuan ang napakaraming mga puno na may mga bilog-bilog na bunga. Mukhang masarap ang prutas ngunit wala sino man ang mangahas na kumain nito sapagkat ang mga bunga ay lason. Ni lumapit sa nasabing puno ay ayaw gawin ng mga taong bayan.

Napatunayan nilang lason ang mga bunga nang isang araw ay may napadpad na manlalakbay sa kanilang bayan. Dahil sa pagod, naupo ang matanda sa ilalim ng nasabing puno upang makapagpahinga. Nang makita ng manlalakbay ang mga nakasabit na bunga ay bigla niyang naalala ang kanyang gutom at pumitas ng mga ito.

May isa sa mga taong bayan ang nakakita nang isubo ng matanda ang bunga. Tinangka niya itong pigilan ngunit huli na ng naabutan niya ang matanda. Nakain na nito ang lasong bunga at unti-unti na itong nangingisay at bumubula ang bibig. Dahil sa pangyayaring ito, mas lalong natakot ang mga taong bayan na lumapit sa puno.

Sumapit ang isang matinding tagtuyot sa lugar. Namatay ang mga pananim at ang tanging natira ay ang mga lasong puno na hitik na hitik sa bunga. Taimtim na nag-dasal ang mga taong bayan na matapos na sana ang tagtuyot upang sila ay muling makapagtanim at makapag-ani ng makakain sapagkat malapit ng maubos ang naka-imbak nilang pagkain.

Isang araw sa kainitan ng tanghali, isang mahiwagang babae ang dumating at kumatok sa mga pintuan ng mga taong bayan. Nanlilimos ang magandang babae ng makakain. Ngunit walang maibigay ang mga tao sapagkat salat din sila sa pagkain. Isang bata ang lumapit sa magandang babae at nagbigay ng kapiranggot na makakain. Pagpasensyahan na daw niya ito dahil iyon na lamang ang natitira niyang pagkain.

Napangiti ang babae at kinuha ang pagkaing inabot ng bata. Pinanood ng bata ang babae habang ito ay kumakain. Pagkatapos kumain, tinanong ng babae ang bata kung bakit nila nasabing salat sila sa pagkain samantalang marami namang bunga ang kanilang mga punong-kahoy. Ikinuwento ng bata sa babae na lason ang mga bungang ito. Napangiti ang babae at umiling ito.

Pumitas siya ng bunga at pinisil ito hanggang sa lumabas ang laman. Bago pa man napigilan ng bata ang babae ay naisubo na nito ang puting laman ng bunga. Nagtaka ang bata sapagkat walang nangyari sa babae; sa halip nakangiti nitong ibinigay ang prutas sa bata na siya namang tinikman din ang bunga.

Masarap at manamis-namis ang prutas. Sa tuwa ng bata ay napasigaw ito at tinawag ang mga kapitbahay upang matikman din nila ang prutas. Nagsilabasan ang mga taong bayan. Noong una ayaw nilang paniwalaan ang bata ngunit di naglaon ay tinikman din nila ito at napag-alaman

Page 25: Che Che Proyekto Sa Filipino

ngang matamis ang bunga. Hinanap nila ang magandang babae upang pasalamatan ngunit wala na ito.

Naniniwala silang tinanggal ng mahiwagang babae ang lason sa mga bunga. Simula ang dating "lason" ay naging "lansones".

Page 26: Che Che Proyekto Sa Filipino

Ang Alamat ng Saging

Maraming taon na ang nakalipas nang manirahan ang isang napakabait na matanda dito sa mundo. Ang matandang tinutukoy ay tinatawag nilang Apo Sagin.

Mag-isa man na naninirahan si Apo Sagin sa kanyang maliit na bahay kubo ay itinuring naman na siyang kapamilya ng mga kapitbahay niya. Napamahal sa kanyang mga kapitbahay si Apo Sagin dahil sa ito ay mabait at matulungin. Ang mga kapitbahay nito ay hindi mapapahiya kapag sila ay lalapit sa kanya upang humingi ng tulong. Kahit mahirap lang at matanda na ay binibigay ni Apo Sagin ang lahat ng kanyang makakaya.

Ang mga maliliit na bata ay malapit sa matanda. Itinuring na nila itong kanilang lolo. Sa tuwing hapon ay nagpupunta ang mga bata sa bahay ng matanda upang makinig sa mga kuwento ni Apo. Pagkatapos ay may nakahanda pang pagkain ang mga ito na niluto ng matanda.

Hindi lamang sa mga taong bayan matulungin ang matanda kundi pati na rin sa ibang tao maski hindi niya ito kakilala. Minsan habang nangangahoy siya sa gubat, may lumapit sa kanyang isang lalaki na nanghihina sa gutom. Agad niya itong inuwi sa kanyang bahay at inalagaan hanggang sa bumuti ang pakiramdam ng lalaki.

Noong minsan naman ay isang batang babae ang nanghingi ng limos sa kanya. Dinala niya ito sa bahay niya at ipinaghanda niya ng makakain. Bago umalis ang bata, tinuruan niya itong maghabi ng mga pinatuyong dahon upang gawing pamaypay upang maibenta. Sa ganoon hindi na manglilimos ang bata. Laking pasasalamat ng bata sa matanda. Balang araw ay makakabawi din daw siya sa kabutihang ipinakita sa kanya ng matanda. Napangiti lang si Apo Sagin.

Isang araw, dinapuan ng sakit si Apo Sagin at dahil sa matanda na ito ay masama ang naging tama nito sa kanya. Lubos na nanghina ang matanda. Marami ang dumalaw kay Apo Sagin upang alagaan siya habang may sakit ito. Halinhinan ang kanyang mga kapitbahay sa pagbabantay sa kanya. Maging ang mga batang kanyang kinukwentuhan sa tuwing hapon ay nandoroon at kinukwentuhan ang kanilang mahal na lolo.

Dumating ang oras na naghihingalo na ang matanda. Ang lahat ng taong bayan ay andoon upang makita ang mabait na matanda kahit sa huling pagkakataon man lamang. Mahinang nagpaalam ang matanda at dahan-dahan itong binawian ng buhay.

Nag-iiyakan ang mga taong bayan nang may dumating na isang bata. Ito ang pulubing tinulungan ni Sagin. Siya pala ay isang diwata. Ibinilin niya sa mga tao na ilibing si Sagin sa may bakuran. Huwag na raw silang malungkot dahil si Sagin ay mananatili sa kanila at di sila kailan pa man iiwanan. Ginawa nila ang sinabi ng diwata.

Makalipas ang ilang lingo, may isang halamang umusbong sa libingan ni Sagin. Ilang linggo pa ang nakalipas may parang hugis puso ang nakita nila sa halaman. Naalala nila ang

Page 27: Che Che Proyekto Sa Filipino

sinabi ng diwata. Ang malaking puso ay halintulad ng matabang puso ni Sagin na punung-puno ng kabaitan at pagmamahal sa kapwa. Ang naging bunga nito ay marami at matamis.

Nanatili nga si Sagin sa mga taong bayan at hanggang ngayon ito pa rin ay nagbibigay ng sobra-sobra. Ang puno ngayon ay tinawag ng taong bayan na Saging.

Page 28: Che Che Proyekto Sa Filipino

Alamat ng Gagamba

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Ang kanilang anak ay tinawag nilang Amba.

Ang mag-asawa ay may hanapbuhay na paghahabi ng mga tela. Parehas na galing sa angkan ng mga mahuhusay humabi ang mag-asawa. Kaya’t tama lamang na ito rin ay kanyang ipapamana sa nag-iisang anak.

Habang maliit pa ang bata ay itinuro na ng mag-asawa kung paano ang humabi. At habang lumalaki na nga ang bata ay unti-unti itong naging bihasa sa paghahabi ng mga tela. Maging ang mga mahihirap na disenyo ay kaya ng gawin ng bata sa murang edad. Nahigitan na nito ang kakayanan ng kanyang ama at ina.

Dahil sa kanyang natatanging kakayanan, naging tanyag ang bata sa iba’t ibang lupalop. Marami ang dumarayo hindi lamang para bumili ng mga disenyo kundi upang makita rin ang paggawa ng bata. Naging mayaman din ang mag-anak dahil sa mga bentang tela na ginagawa ng bata.

Ngunit ang bata ay naging mayabang. Dahil sa alam nito na magaling siya sa kanyang kakayanang paghahabi hinamon nito ang sino man na magkipagtagisan sa kanya. Maraming mga mahuhusay na maghahabi ang tumaggap sa hamon ng batang si Amba. Gusto rin nilang patunayan kung siya nga ay magaling tulad ng napabalita.

Nagtagisan ng galing ang mga maghahabi. Napakahusay nga ang bata. Lahat ng magagaling na maghahabi ay napakahanga sa kakayanan ni Amba. Nilaos sila ng bata at dahil dito, mas lalong yumabang ang bata.

Ani niya, wala nang makakatalo sa kanyang kakayanan. Maging ang mga diyosa ay kanyang hinamak na wala na ngang makahihigit pa sa galing niya. Narinig ng mga diyosa ang kayabangan ng bata. Hindi na sila nasisiyahan sa nagiging asal ng bata.

Isang araw, isang matanda ang nagpunta sa bahay ng bata at hinamon niya ito. Natawa ang bata ngunit pumayag din ito. Mukha namang pangkaraniwan lang ang matanda at baka nga hindi pa nito alam kung paano humabi. Sigurado na siyang walang panalo sa kanya ang matanda.

Nag-umpisa ang paligsahan. Maraming tao ang dumalo upang manood kung mananalo ang matanda sa batang si Amba. Naging napakaganda ng telang hinabi ng matanda. Maging si Amba ay natulala sa mahirap na disenyong nagawa ng matanda. Ang pasya nang pagkapanalo ay sa tela ng matanda.

Nagngingit-ngit ang bata. Paano daw siya natalo ng isang matanda na mahina na ang mata at uugod-ugod pa. Pinagalitan niya ang matanda at tinulak-tulak ito. Igigiit nito na ang

Page 29: Che Che Proyekto Sa Filipino

matanda ay nandaya at baka ipinalit lamang ang isang nagawa nang tela sa ginagawa nito. Baka nga si Amba pa gumawa ng tela aniya.

Tangka na niyang pagbubuhatan ng kamay ang matanda nang biglang lumiwag ang damit ng matanda at nagbago ang kanyang anyo. Iyon pala ay isang diyosa na nagpapanggap lamang.

Hindi na maganda ang asal ng bata ayon sa diyosa. Naging masyadong mayabang ang bata at nararapat daw itong parusahan. Nagbago ang anyo ng bata. Lumiit ito at nagkaroon ng mga mahahabang paa. Umiiyak ang kanyang mga magulang ngunit alam nilang wala na silang magawa para sa bata.

Simula noon ang batang si Amba ay naging unang gagamba. Sa ngayon, makikita pa rin ang kahusayan ng mga gagamba sa paghahabi ng kanilang mga bahay.

Page 30: Che Che Proyekto Sa Filipino

PICK-

Page 31: Che Che Proyekto Sa Filipino

1. Girl: Taxi ka ba?Boy: Bakit?Girl: Kasi minuminuto nag mamahal ka eh.

2. Boy: Kalindaryo ka ba?Girl: Bakit?Boy: Gusto ko sanang humingi ng date sayo.

3. Boy: Alam mo sipon ka ako naman ubo.Girl: Bakit?Boy: Kasi kahit anong gawin mo magkasama tayo.

4. Boy: Internet Connection ka ba.?Girl: Bakit?Boy: Hindi kasi ako mapakali pag wala ka.

5. Boy: Peanut ka ba??Girl: Bakit?Boy: Kasi Peanutibok mo ang puso ko.

6. Boy: Utot ka ba? Girl: Bakit?Boy: Tahimik ka kasi pero, ang lakas ng dating.

7. Boy: Itulak na nga kita para mahulog tayo. Girl: Huh?Boy: Sa isa’t-isa.

8. Boy: Lindol ka ba?Girl: Bakit?Boy: Kasi pag nandyan ka na nagpa-panic na ang puso ko.

9. Boy: Seesaw ka ba?Girl: Bakit?Boy: Kasi pag wala ka down ako.

10. Boy: Asin ka ba? Girl: Bakit?

Boy: Coz I love you ALAT.

Page 32: Che Che Proyekto Sa Filipino

Ipinasa ni:

Franchesca May C. ValuisGrade III – SPED

Ipinasa kay:

Gng. Elvira V. Pates

PROYEKTO

SA

FILIPINO