char.ed 4 3rd rating.doc

57
CHARACTER EDUCATION IV Date: _________________ I. Layunin: Natatanggap/Naigagalang ang karapatang pagmamay-ari II. Paksang Aralin Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari B.P. : Pananagutang Panlipunan K.P. : Paggalang I.B. : Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao ELC. : EKAWP p. 15 Kagamitan: Bag, lapis, papel atbp. III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Anu-ano ang tamang paraan ng paghahanda ng pagkain? 2. Pagganyak: Alam ba ninyo ang inyong mga gamit? Sabihin nga ang mga ito. B. Panlinang na Gawain 1. Kanginong lapis, bag, papel ang mga ito? 2. Ilahad ang kuwento. 3. Pagtalakay a. Ilarawan si Myrna. b. Ano ang kanyang ginagawa kalimitan? c. Bakit siya napahiya? d. Ano ang kanyang naipangako sa sarili? C. Paglalahat Ano ang dapat gawin sa gamit ng iba? D. Paglalapat Magkaroon ng pakontes o paligsahan sa pagtatala ng kani- kanilang sariling gamit. IV. Pagtataya Sagutin ng tama o mali ang bawat kalagayan: _____ 1. Hiramin ang gamit na nais matapos ay itago. _____ 2. Hiramin ang gamit pagkatapos ay isauli. _____ 3. Kuhanin ng walang paalam ang gamit na nais. _____ 4. Huwag mainggit sa iba bagkus ay tanggapin ang sari ling kakayahan.

Upload: moi-magdamit

Post on 03-Jan-2016

457 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

lesson plan

TRANSCRIPT

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Natatanggap/Naigagalang ang karapatang pagmamay-ari

II. Paksang AralinPaggalang sa Karapatang Pagmamay-ari

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangI.B. : Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang taoELC. : EKAWP p. 15Kagamitan: Bag, lapis, papel atbp.

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral: Anu-ano ang tamang paraan ng paghahanda ng pagkain? 2. Pagganyak: Alam ba ninyo ang inyong mga gamit? Sabihin nga ang mga ito.

B. Panlinang na Gawain1. Kanginong lapis, bag, papel ang mga ito? 2. Ilahad ang kuwento. 3. Pagtalakay

a. Ilarawan si Myrna. b. Ano ang kanyang ginagawa kalimitan? c. Bakit siya napahiya? d. Ano ang kanyang naipangako sa sarili?

C. PaglalahatAno ang dapat gawin sa gamit ng iba?

D. PaglalapatMagkaroon ng pakontes o paligsahan sa pagtatala ng kani-kanilang sariling gamit.

IV. PagtatayaSagutin ng tama o mali ang bawat kalagayan:_____ 1. Hiramin ang gamit na nais matapos ay itago. _____ 2. Hiramin ang gamit pagkatapos ay isauli. _____ 3. Kuhanin ng walang paalam ang gamit na nais. _____ 4. Huwag mainggit sa iba bagkus ay tanggapin ang sari ling kakayahan.

V. Takdang-AralinMagbigay ng isang paraan kung paano mo maigagalang ang karapatang pagmamay-ari ng iyong

kapwa.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Tinatanggap ng maluwag sa kalooban ang bigay ng Maykapal

II. Paksang AralinPaggalang sa Karapatang Pagmamay-ari

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangI.B. : Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang taoELC. : EKAWP p. 19Kagamitan: Mga pansariling gamit tulad ng panyo, sando, damit panloob atbp.

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral: Paano mo iginagalang ang karapatang pagmamay-ari ng iyong kapwa?2. Pagganyak: Anu-ano ang alam mong mga pansariling gamit?

B. Panlinang na Gawain1. Ano ang dala ninyong gamit ngayon? Ipakita ang panyo, bimpo, sando at mga damit panloob.

Mayroan ba kayang ganitong mga gamit? 2. Ilahad ang kuwento.3. Pagtalakay

a. Ano ang mga usong sakit pag panahon ng tag-init? b. Bakit nahawa ang katabi ni Celia sa kanya? c. Ano ang aral na iyong nakuha sa kuwento?

C. PaglalahatAno ang dapat gawin sa gamit na pansarili lamang?

D. PaglalapatHatiin ang klase sa dalawa (babae at lalaki). Magpaligsahan sa pagtatala ng mga pansariling

gamit. Bigyan ng pagpapahalaga ang grupong may pinakamaraming naitala.

IV. PagtatayaLagyan ng tsek(1) kung ang kalagayan ay nagpapakita ng pagtanggap na ang pansariling gamit ay

sa sarili lamang at ekis (X) kung hindi. _____ 1. Ginagamit ang suklay ng kapatid. _____ 2. Hiraman sa damit panloob _____ 3. Ginagamit ang sariling panyo_____ 4. Ginagamit ang sariling toothbrush.

V. Takdang-AralinAno ang dapat gawin kung gusto mo ang gamit ng iyong kapwa?

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Nagpapaalam muna sa may-ari kung may bagay na gagamitin

II. Paksang AralinPaggalang sa Karapatang Pagmamay-ari

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangI.B. : Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang taoELC. : EKAWP p. 19Kagamitan: Larawan ng batang naghihingi ng permiso sa pagkuha ng gamit ng kausap.

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral: Nanghihiram ka ba ng mga pansariling gamit sa iyong kapatid o kaibigan? 2. Pagganyak: Marunong ka bang manghiram? Nakapanghiram ka na ba ng gamit ng iyong

kaklase? Ano ang sinabi mo?

B. Panlinang na Gawain1. Ipakita ang larawan. Sa palagay mo ano ang ginagawa ng bata sa larawan? 2. Ilahad ang kuwento.3. Pagtalakay

a. Ilarawan si Romy. b. Bakit nagalit si Mang Tano? c. Nagbago ba si Romy? d. Paano niya isinauli ang asarol?

C. PaglalahatBakit kinakailang mapgaalam muna bago gamitin ang gamit ng iba?

D. PaglalapatPangkatin ang klase sa apat. Anyayahan silang magpakita ng dula-dulaang nauukol sa

paghingi ng pahintulot sa paghiram ng mga bagay na hindi sa kanila.

IV. PagtatayaAno ang gagawin mo sa mga sumusunod na kalagayan: - Wala ang may-ari pero kailangan mo na ang kaniyang pala. - Gusto mong manghiram ng makinilya sa iyong kaklase ngunit pagdating mo sa kanila narinig

mong kinagagalitan siya ng kanyang ina.

V. Takdang-AralinBakit mahalagang magpaalam muna bago kuhanin ang gamit ng iyong kapwa? Ano ang

kahalintulad kapag kumuha ka ng walang paalam?

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Nakikilala ang pagmamalasakit ng iba para sa kanilang pansarili/pribadong pagmamay-ari

II. Paksang AralinPaggalang sa Karapatang Pagmamay-ari

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangI.B. : Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang taoELC. : EKAWP p. 20Kagamitan: lapis, papel, krayola atbp.

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral: Ano ang dapat gawin kung gusto mong gamitin ang gamit ng iyong kapwa?2. Pagganyak: Anu-ano ang mga pansariling gamit mo? Paano mo ito pinahahalagahan?

B. Panlinang na Gawain1. Ipakita ang mga bagay na nasa mesa. Ito ay mga simpleng gamit o bagay na dapat

pahalagahan pero paano? 2. Ilahad ang kuwento. 3. Pagtalakay

a. Ibigay ang pagkakaiba ng magkaibigan. b. Bakit laging nawawala ang mga gamit ni Mary?c. Sino ang pipiliin mo sa dalawang bata? Bakit? d. Pinahahalagahan ba ni Mary ang pagmamalasakit ni Adette para sa kanyang gamit?

C. PaglalapatIsa-isahin ang mga bata tingnan kung nagmamalasakit sila sa kani-kanilang mga gamit at

kung ipinakikita nila o kinikilala ang pagmamalasakit ng iba para sa kanilang mga gamit

IV. PagtatayaLagyan ng tsek() kung ito ay nagpapakita ng pagkilala sa pagmamalasakit ng iba para sa

kanilang mga gamit at (x) kung hindi.______ 1. Ginugulo ang mga gamit na nakaayos ng iyong katabi ______ 2. Nahihiya lalu na kung nagulo ang gamit na pinakaiingatan ng iyong katabi. ______ 3. Nagagalit kung hindi pinahiram ng iyong kak1ase. ______ 4. Sinisikap na maisauli ang gamit na hiniram ng maayos at hindi sira.

V. Takdang-AralinPunan ang patlang ng tamang kaisipang natutunan. Mula ngayon ako ay____________________________________ sa aking mga gamit. Aking

______________________________ang pagmamalasakit ng iba sa kanilang mga gamit. Hindi na muling _______________________________ang gamit ng iba.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Nakikilala ang mga pook na pag-aari ng tao/publiko

II. Paksang AralinPaggalang sa Karapatang Pagmamay-ari

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangI.B. : Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang taoELC. : EKAWP p. 20Kagamitan: Larawan ng mga pook publiko tulad ng mga parke, paaralan atbp.

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral: Paano mo kinikilala ang pagmamamalasakit mo sa pagpapahalaga ng iba sa kanilang mga gamit.

2. Pagganyak: Saan kayo madaas mamasyal kasama ng buong pamilya? Ipakita ang mga larawan. Nakarating na ba kayo sa ganitong lugar. May bayad pa ang pagpasok dito?

B. Panlinang na Gawain1. Ano ang ibig sabihin ng publiko?2. Ilahad ang kuwento.3. Pagtalakay

a. Ano ang tawag sa mga pook pasyalan na libre? b. Ilarawan ang pamilya ni Mang Rene. c. Paano niya dinulutan ng kaligayahan ang kanyang pamilaya?

C. PaglalahatAnu-ano ang mga pook na pag-aari ng publiko?

D. PaglalapatHatiin ang klase sa dalawa. Magkontes o magpaligsahan ukol sa pagtatala ng mga pook

pampubliko.

IV. PagtatayaLagyan ng tsek() kung ang pook ay publiko at ekis (x) kung hindi

______ 1. sinehan (Victoria) ______ 2. parke ______ 3. Paaralang Barangay______ 4. Summer Place Resort______ 5. ilog

V. Takdang-AralinMagtalaga ng iba pang pampublikong lugar.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Iniiwasan ang pagpasok sa pook na pag-aari ng pribadong mamamayan

II. Paksang AralinPaggalang sa Karapatang Pagmamay-ari

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangI.B. : Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang taoELC. : EKAWP p. 20Kagamitan: Larawan ng mga pribadong pook (sinehan, resort, atbp.)

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral: Anu-ano ang mga lugar publiko?2. Pagganyak: May alam ba kayong lugar kung saan ito ay hindi dapat pasukin ng walang

pahintulot? O di kaya’y lugar na kailangang bayaran mo muna bago ka papasukin?

B. Panlinang na Gawain1. Ano ang ibig sabihin ng pribadong pook? Ipakita ang mga larawan ilan lamang ito sa mga

pribadong lugar na matatagpuan dito sa ating lugar. 2. Ilahad ang kuwento 3. Pagtalakay

a. Ilarawan ang pamilya ni Mark. b. Ano ang mayroon sa kanilang tahanan at gustong-gusto roon ng mga bata? c. Bakit sila nakagat ng aso? d. Ano ang ibig sabihin ng salitang “trespassing"?

C. PaglalahatAno ang dapat gawin sa mga lugar na pribado?

D. PaglalapatPangkatin ang klase sa apat. Hayaang pumili ang bawat pangkat ng madamdaming

kuwento/bahagi ng kuwento at ito ay isadula.

IV. PagtatayaSagutin kung tama o mali ang bawat kalagayan

______ 1. Pumapasok sa mga pribadong lugar ng walang pahintulot. ______ 2. Kinikilala muna ang mga lugar kung ito ay pribado o pampubliko bago pumasok. ______ 3. Iniiwasan ang pagpasok sa mga lugar o bakuran ng iba. ______ 4. Ang taong pumasok ang walang pahintulot ang may sala sa anumang panganib na

mangyayari sa kanya.

V. Takdang-AralinPunan ang patlang ng tamang kaisipang natutunan.Mula ngayon _______________________________ ko nang pumasok sa mga lugar na pribado.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Iniiwasan ang pagtatapon ng basura sa bakuran ng iba.

II. Paksang AralinPaggalang sa Karapatang Pagmamay-ari

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangI.B. : Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang taoELC. : EKAWP p. 20Kagamitan: Larawan ng wastong pagtatapon ng basura.

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral: Anu-ano ang alam mong pribadong lugar?Ano ang dapat mong gawin sa mga lugar na ito?

2. Pagganyak: Ano ang gingawa mo sa mga basura sa inyong tahanan? Paano mo ito itatapon?

B. Panlinang na Gawain1. Ipakita ang larawan. Tama ba ang kanyang ginawa?2. Ilahad ang kuwento

Si Criselda ay nakatira sa isang lugar kung saan dikit-dikit ang mga bahay. Tuwing umaga upang mawala ang kanyang basura, ihihahagis niya ito sa yero ng kapitbahay o di kaya naman ay sa basurahan ng iba. Dahil sa ugali niyang ito wala siyang kasundong kapitbahay. Minsan nagkaroon ng sunog sa kanilang lugar at kahit isa ay walang gustong tumulong sa kanya. Naisip niya pagkatapos ng sakunang nangyari na magbago na ng ugali. Isang aral ang idinulot sa kanya ng sunog na iyon

3. Pagtalakay a. Ilarawan si Criselda. b. Ano ang kanyang pangit na ugali? c. Bakit walang nais tumulong sa kanya? d. Tama bang maghintay muna ng isang sakuna bago ang pagbabago?

C. PaglalahatAno ang dapat gawin sa basura?

D. PaglalapatPaano mo maiiwasan ang pagtatapon ng basura sa bakuran ng iba? Itala ang iba't-ibang

rnaaring maging paraan.

IV. Pagtataya Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na kalagayan. Galit ka sa iyong kapitbahay at

nakita mong marami na palang basura sa iyong basket ng basura. Nakita mong nagtatapon ng basura ang inyong kapitbahay sa inyong bakuran.

V. Takdang-AralinPaano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit at pagmamahal sa mga matatanda? Surnulat ng

isang sitwasyon.

CHARACTER EDUCATION IVDate: _________________

I. Layunin:Naipakikita ang pagmamahal sa mga matatanda

II. Paksang AralinPaggalang sa Karapatang Pagmamay-ari

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangELC. : EKAWP p. 20Kagamitan: mga larawan, kwentong likha ng guro

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

Panalangin

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak: Kayo ba ay may mga matatandang kasambahay? Paano ninyo sila tinatrato? 2. a. Paglalahad: Tingnan ang mga larawan sa chart, ano ang ipinahihiwating ng mga ito?

b. Pagkukuwento: Mahal na mahal ni Carlo ang kanyang Lolo Kario at Lola Pina na kasama nila sa

bahay. Araw-araw sa kanyang pag-uwi mula sa klase ay hindi niya nakaliligtaang pasalubungan ang kanyang lolo at lola Minsan, nagkasakit si Lolo Kario at naospital. Nalungkot si Carlo at dahil sa pagmamahal niya sa matanda, walang araw na hindi niya ipinagdasal sa Diyos na ito'y pagalingin agad. Dininig ng Diyos ang panalangin ni Carlo at muling bumalik ang dating sigla ng matanda. Tuwang-tuwa si Carlo at lalu niyang ipinadama sa kanyang lolo at lola ang kanyang pagmamahal.

C. Pagsusuri:1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwentong inyong narinig? 2. Ano ang kanyang ibinibigay sa kanyang mga lolo at lola sa tuwing manggagaling siya sa

iskuwela? 3. Nang magkasakit si Lolo Kario, ano ang hiniling ni Carlo sa Panginoon? 4. Ano ang ipinakikita ng mga ginawa ni Carlo para sa kanyang mga lolo at lola? 5. Kung ikaw si Carlo, gagawin mo rin ba ang ganoon?

C. Paglalapat:Paano mo maipakikita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga nakatatanda sa iyo sa mga

sumusunod na sitwasyon. - pagkakasakit ng iyong lolo at lola - pag nalulungkot sila - pag may yumao sa kanilang kamag-anak

IV. PagtatayaSagutin kung tama o mali. _____ 1. Pagtulong sa mga gawain ng iyong lolo at lola _____ 2. Pagbalik sa kamay ng iyong lolo at lola_____ 3. Pagsagot nang pabalang_____ 4. Pagpapasalubong sa likod ng mga matatanda

V. Takdang-AralinIpakitang lagi ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga nakatatanda.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Tumutulong sa mga matatanda sa pagdadala ng mabigat na mga bag o dalahin.

II. Paksang AralinMalasakit sa mga Matatanda

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit sa Kapwa/Kabutihan ng NakararamiI.B. : Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang taoELC. : EKAWP 4 p. 22Kagamitan: larawan, kuwento

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Tula: “Ang Batang Matulungin”2. Balik-aral:

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Pagpapakita ng larawan. Sabihin: Tingnan ang larawang ito. Ano ang ginagawa ng batang ito? Anong ugali mayroon siya?

2. Paglalahad:Pagbasa ng kuwento habang nakapaskil ang larawanMagkasabay na naglalakad papunta sa paaralan ang magkapatid na Lito at Ben.Malapit

na sila sa paaralan nang may mamataan silang matanda na may dalang bayong na punung-puno ng gulay. Halos ay hindi na ito maiangat dahil sa kabigatan. Dali-daling tumakbo si Ben upang tulungan ang matanda samantalang si Lito ay nakatayo lamang. Inihatid ni Ben ang matanda hanggang sa sakayan at saka pa lamang siya tumakbo papasok sa paaralan. Sinabi niya sa kanyang guro ang dahilan ng kanyang pagkahuli sa klase at ito ay natuwa sa kanya.

C. Pagsusuri1. Sino sa dalawang magkapatid ang may mabuting pag-uugali? 2. Sa palagay ninyo, kagagalitan si Ben ng kanyang guro dahil nahuli siya sa pagpasok sa

paaralan? 3. Kung kayo si Ben, gagawin n'yo rin ba ang ginawa niya?

IV. PagtatayaIsulat ang titik ng tamang sago!.

1. Sino ang may dalang mabigat? a. matanda b. Ben c. Lito

2. Anong uri ng bata si Ben? a. mabait b. matulungin c. masipag

3. Ano ang naramdaman ng guro nang malaman niya ang pangyayari? a. natuwa b. nalungkot c. nagdamdam

V. Takdang-AralinMaghanap ng mga larawan ng mga batang nagpapakita ng pagkamatulungin.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Binati ang mga matatanda sa mahalagang okasyon.

II. Paksang AralinPaggalang sa Karapatang Pagmamay-ari

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit sa Kapwa/Kabutihan ng NakararamiI.B. : Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang taoELC. : EKAWP 4 p. 22Kagamitan: larawan, kuwento

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Madalas n'yo bang batiin ang inyong mga lolo't lola? kailan ninyo sila binabati? Anu-anong okasyon n'yo sila binabati?

2. Paglalahad: a. Pagpapakita sa k1ase ng larawan ng isang bata na humaha1ik sa isang matanda b. Pagkukuwento:

Si Lola Puring ay nakaupo sa silyon sa may tabi ng bintana habang nakatanaw sa malayo. Walang anu-ano ay may maliliit na kamay na tumakip sa kanyang mga mata, sabay halik. Ang kanya palang apong si Alvin. “Happy Birthday Lola", kasabay ng pag-aabot ng isang pumpon ng bulaklak. Makaraan ang ilang sandali ay nag datingan ang kanyang mga anak at apo na may dalang regalo at pagkain. Masayang-masaya si Lola Puring nang araw na iyon.

C. Pagsusuri1. Sino ang may kaarawan? 2. Ano ang ala-ala ni Alvin kay Lola Puring? 3. Ano ang naramdaman ni Lola Puring nang siya ay batiin ng kanyang apo?

D. Paglalapat:Kung tayo ay may kamag-anak na matandang may kaarawan, ano ang pinakamabuti ninyong

gawin?

IV. PagtatayaSagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Mahalaga ba ang pag-aalaga at pagbati sa mga pagkakataong ito?2. Ano ang nararamdaman mo kapag nakapagpapaligaya ka ng isang matanda3. Ano ang nararapat gawin kung may mahalagang impormasyon para sa matatanda?

V. Takdang-AralinUgaliin ang pagbati sa mga matatanda sa mahahalagang okasyon

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Laging pina-uuna ang mga nakakatanda

II. Paksang AralinMalasakit sa mga Matatanda

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng NakararamiELC. : EKAWP 4 p. 22Kagamitan: mga larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Maraming awit2. Balik-aral

Bilang pagpapakita ng pagmamahal sa mga nakatatanda, ana ang ating ginagawa kapag may mga mahahalagang okasyon?

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak: Mga bata, nakaranas na ba kayong pumila upang Makakuha ng sasakyan patungo

sa inyong pupuntahan? Ano ang inyong gagawin kung may makita kayong matandang uugod-ugod palapit sa inyong kinatatayuan?

2. Paglalahad: Pagpapakita ng mga larawan ng sumusunod.a. Batang naglaan ng kanyang puwesto upang mauna ang matanda.b. Batang hindi umiiyak at pumansin sa pagdating ng matandac. Batang nagalit sa matanda nang makiusap itong paunahin na siya sa pila.

C. Pagsusuri:1. Anong ugali ang ipinakita ng mga bata sa bawat larawan? 2. Sa inyong palagay, sino sa kanila ang tunay na nagpakita ng pagmamalasakit na matanda? 3. Dapat ba o hindi dapat tularan ang kanyang ginawa?

D. Paglalapat:Siksikan sa kantina dahil oras na ng pananghalian. May nakita kang matanda na paparating at

makikipila rin ano ang nararapat mong gawin?

IV. Pagtataya:Sumulat ng limang sitwasyon na kinakailangan ng pagpapauna sa mga nakatatanda.

V. Takdang-Aralin:Paano mo maipadarama sa mga nakatatanda sa iyo particular ang mga matatanda na sila ay

mahalaga at kapaki-pakinabang pa? Gumuhit ng mga larawang nagpapakita nito.

CHARACTER EDUCATION IVDate: _________________

I. Layunin:Naipapadama sa matatanda na silay ay mahalaga at kapaki-pakinabang pa.

II. Paksang AralinMalasakit sa mga Matatanda

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng NakararamiELC. : EKAWP 4 p. 22Kagamitan: Kuwentong likha ng guro

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin2. Balik-aral: Ano ang dapat nating gawin kapag may matatanda sa ating pinipilahan?

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak: Kung kasama ninyo sa bahay ang inyong lolo at lola, pagagawain nyo pa ba sila

ng mga gawaing bahay at hihingan ng payo?

2. Paglalahad: Masayang mag-anak ang pamilya Buencamino. Bukod sa mag-asawang Anton at Donna

at dalawang anak na sina Via at Gabriel ay kasama rin nila sina Lolo Fernando at Lola Magda sa kanilang tahanan.

Bagama't matanda na sina Lolo Fernando at Lola Magda ay masigla pa rin nilang nagagawa ang mga gawain tulad ng paglilinis ng bakuran at paghahalaman na dati na nilang kinagigiliwang gawin. Hinahayaan naman sila ng mag-asawa dahil alam nilang duon sila magiging masaya. Batid nila na kapag pinigilan nila ang mga ito ay higit itong magdaramdam.

Sa mga bagay naman na may kinalaman sa pamilya, tinatanggap ng mag-asawa ang mga opinyon at payo ng mga matatanda lalu na ang mga ito ay para sa ikabubuti ng buong mag-anak.

C. Pagsusuri:1. Anong uri ng mag-anak ang pamilya Buencamino? 2. Sinu-sino ang bumubuo sa pamilya Buencamino? 3. Anu-anong gawain ang kinawiwilihang gawin nina Lolo Fernando at Lola Magda? 4. Bakit hindi pinipigilan o pinagbabawalan ng mag-asawang Anton at Donna ang mga

matatanda sa kanilang ginagawa? 5. Tama ba ang pagbibigay ng gawain at paghingi ng payo sa mga matatanda sa kabila ng

kanilang edad? Anong buti ang maidudulot dito para sa mga matatanda?

D. Paglalapat:Kaya pang magluto ng iyng lola ngunit ayaw mo siyang mahirapan, ano ang iyong gagawin?

Bakit?

IV. Pagtataya:Lagyan ng tsek () ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapadama sa mga matatanda na sila ay

mahalaga at kapaki-pakinabang pa at ekis naman kung hindi. Ilagay ang sagot sa patlang bago dumating ang bilang.

______ 1. pagbibigay ng mga gawain sa tahanan. ______ 2. pag-ako sa mga gawain ng iyong lolo at lola ______ 3. paghingi ng tulong sa takdang-aralin pagkonsulta sa mga matatanda sa mga

mahahalagang bagay ukol sa pamilya.

V. Takdang-Aralin:Maghanap ng kuwento na maaring gamitin upang maaliw ang inyong mga lolo at lola.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Kinakausap/Kinukuwentuhan ang mga matatanda.

II. Paksang AralinMalasakit sa mga Matatanda

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng NakararamiELC. : EKAWP 4 p. 23Kagamitan: kuwentong likha ng guro

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Maraming awit2. Balik-aral

Paano ipinadama ng pamilya Buencamino sa mga matatandang kasambahay na ang mga ito ay mahalaga at kapakii-pakinabang pa?

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Sino sa inyo ang mahilig magkuwento at magpakuwento sa inyong mga lolo at lola? Masarap ba silang magkuwento?

Kayo nagkukuwento rin ba kayo sa kanila?

2. Paglalahad: Si Lolo Ambo ay lolo ni Arnel. Siya ay 90 anyos na at dahil sa katandaan nito kung

kaya't namamalagi na lamang ito sa kanilang bahay. Nuong bata pa si Arnel ay lagi itong kinukuwentuhan ng matanda ng mga nakaaawli na

alamat at pabula na paboritong pakinggan ni Arnel.Ngayong matanda na si Lolo Ambo at hindi na halos makapagkuwento tulad dati kung

kaya't si Arnel naman ang nagkukuwento, sa kanyang lolo. Bagama't hindi ang sasalita, bakas sa mukha ng matanda ang kaligayahan dahil naaaliw siya sa ginagawang pagkukuwento ni Arnel.

C. Pagsusuri:1. Sino si Lolo Ambo? 2. Bakit lagi na lamang siya sa bahay? 3. Ano ang ginagawa ni Lolo Ambo kay Arnel nuong araw? 4. Ngayong matanda na si Lolo Ambo, ano naman ang ginagawa ni Arnel sa kanya? 5. Ano ang maidulot ng pagkukuwento ni Arnel kay Lolo Ambo?

D. Paglalapat:Kung ikaw ay may kasamang matatanda sa bahay, ano ang iyong gagawin upang maaliw mo

sila?

IV. Pagtataya:Sabihin kung dapat o hindi dapat ikuwento sa inyong lolo at lola ang mga sumusunod. _____ 1. mga pangyayaring nakatatakot . _____ 2. mga nangyari sa inyo sa maghapon

_____ 3. masasayang eksena sa palabas sa telebisyon _____ 4. pag-aaway ng iyong mga magulang _____ 5. pagkamatay ng kanilang matalik na kaibigan

V. Takdang-Aralin:Maglista ng 3 paraan na inyong nagagawa ulpang pasalamatan ang mga matatanda na kasama

ninyo sa inyong tahanan?

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Nagpapasalamat sa mga matatanda sa ginagawa nilang anumang tulong sa tahanan.

II. Paksang AralinMalasakit sa mga Matatanda

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng NakararamiELC. : EKAWP 4 p. 23

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral: Pagkausap at pakikipagkuwentuhan sa mga Matatanda

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

a. May kasama ba kayong matatanda sa inyong bahay? b. Ano ang ugaling ipinakikita ninyo sa kanila? c. Paano ninyo ipinadarama sa kanla ang inyong pagmamahal?

2. Paglalahad: Pagsasagawa ng dula-dulaan mula sa aklat. Ang mag-anak ni Tito ay abalang-abala sa paglilinis ng bahay at bakuran para sa nalalapit

na Fiesta.

C. Pagsusuri:1. Ano ang ginagawa ng mag-anak? 2. Ano ang mabuting kaugalian na ipinakikita ng mag-anak? 3. Ano ang tulong na nagawa ni Lola? 4. Nararapat bang pasalamatan si Lola Maria sa kanyang ginagawa?

D. Paglalapat:Anong mabuting kaugalian ang dapat ipakita sa mga matatanda kung may tulong silang

nagawa?

IV. Pagtataya:Isulat ang Tama kung tama ang kaisipan at Mali kung mali ang kaisipan.

_____ 1. Huwag bibigyan ng pansin ang mga bagay na ginagawa ng lola mo sa bahay. _____ 2. Magpasalamat sa lolo mo kung siya ay naglilinis ng bahay. _____ 3. Pintasan ang ginawa ng lolo mo. _____ 4. Tambakan ng-mga gawaing-bahay ang lola mo at pagkatapos ay pintasan ito. _____ 5. Bigyang pansin at purihin ang anumang bagay na nagawa ng lolo at lola mo sa inyong

tahanan.

V. Takdang-Aralin:Magtala ng mga bagay na inyong nagawa para sa inyong mga lolo at lola sa inyong kuwademo.

CHARACTER EDUCATION IVDate: _________________

I. Layunin:Inaasikaso ang pangangailangan ng mga matatanda

II. Paksang AralinMalasakit sa mga Matatanda

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng NakararamiELC. : EKAWP 4 p. 23

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Maramihang Awit2. Balik-aral

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak: Mayroon ba kayong kasamang matanda sa bahay? Ano ang ginagawa ninyo

kapag sila ay nangangailangan ng tulong? 2. Paglalahad:

a. Ngayong araw na ito ay may ilalahad akong kuwento tungkol sa isang mag-anak na hindi kinalilimutan kailan man ang pangangailangan ng kanilang matandang kasambahay.

b. Pagkukuwento: Masayang nanonod ng T. V. ang mag-anak na Reyes kasama si Lolo Ramon nang

gabing iyon nang biglang inihit si Lolo Ramon ng ubo. Dali-daling tumakbo papunt sa kusina ang apo niyang si Rose. Hinagod ng kanyang anak na si Aling Mameng ang kanyang dibdib. Ilang sandali pa ay dala na ni Rose ang ilang basong tubig at ang gamot ng kanyang lolo. Nanag makainom ng gamot si Lolo Ramon ay unti-unti na itong nakalmante. Iginayak naman ng kapatid ni Rose na si Baby ang higaan ng kanilang lolo habang nagkukuwentuhan sina Rose at ang kanyang lolo tungkol sa napanood sa T.V.

C. Pagsusuri:1. Ano ang nangyari kay Lolo Ramon? 2. Ano ang ginawa ni Rose? 3. Ano naman ang ginawa ni Aling Mameng? 3. Sino naman ang naggayak ng higaan ni Lolo Ramon? 4. Anong uri ng bata ang mga apo ni Lolo Ramon?

D. Paglalapat: Kung may matandang nangangailangan ng tulong, ano ang myong gagawin.

IV. Pagtataya: Sagutjn ng Oo o Hindi.

_____ 1. Pagtawanan ang matandang mayakit o may kapansanan._____ 2. Tulungan ang matandang maysakit o may kapansanan. _____ 3. Pabayaan sila at huwag pakialamanan_____ 4. Ang mga matatandang may kapansanan ay dapat unawain at tulungan

V. Takdang-Aralin:Sumulat ng 5 paraan ng pagpapakita ng pag-aasikaso ng mga pangangailangan ng matanda.

CHARACTER EDUCATION IVDate: _________________

I. Layunin:Naipadarama sa mga matatanda na sila ay mahalagang tauhan o bahagi ng mag-anak.

II. Paksang AralinMalasakit sa mga Matatanda

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng NakararamiELC. : EKAWP 4 p. 23

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Maramihang Awit2. Balik-aral: Pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng matatanda

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Paano ninyo ipinadarama sa mga matatanda na sila ay mahalaga?Isinali n’yo ba sila sa inyong pagkukuwentuhan, pagtatawanan at pagkakainin sa bahay? Makikinig at may ialahad akong kuwento tungkol sa isang anak na hindi nalilimutan ang

bahagi ng kanilang matandang kamg-anak.

2. Paglalahad: a. Pagkukuwento:

C. Pagsusuri:1. Sino ang binili ng bagong T-shirt?2. Ano ang naramdaman ni Mang Tomas nang ibili siya ng bagong T-shirt?3. Kung kayo si Mang Luis, gagawin nyo rin ba ang kamukha ng ginawa niya?

D. Paglalapat: Paano ninyo naipadarama sa matandang kaanak na siya ay mahalagang bahagi ng inyong

buhay.

IV. Pagtataya:Isulat kung Tama o Mali ang mga kalagayang sumusunod:

_____ 1. Bigyang pansin ang kabutihan o tulong na nagawa ng matandang kasambahay. _____ 2. Laging pagagalitan ang matandang kasambahay kapag may nagawang pagkakamali. _____ 3. Unawain ang anumang bagay na nauukol sa kaligayallan ng matandang kasambahay.

V. Takdang-Aralin:Ugaliin ang pagsasagawa ng mga gawain sa tahanan nang kasama ang matandang kasambahay.

CHARACTER EDUCATION IVDate: _________________

I. Layunin:Isinasama sa mga Gawain ng mag-anak ang mga matatanda.

II. Paksang AralinMalasakit sa mga Matatanda

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng NakararamiELC. : EKAWP 4 p. 23Kagamitan: Kuwentong likha ng guro

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Maramihang Awit2. Balik-aral:

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Namamasyal ba kayong mag-anak? Kung kasama ninyo sa bahay ang inyong lolo at lola, isinasama rin ba ninyo sila sa pamamasyal at iba pang gawaing pampamilya? Bakit?

2. Paglalahad : Pagkukuwento

C. Pagsusuri:1. Ano ang magaganap sa darating na Linggo? 2. Anong paghahanda ang kanilang ginawa para sa reunion? 3. Bukod sa reunion, saan-saan pa nila isinasama sina Lolo Kiko at Lola Iska? 4. Sa iyong palagay, nakatutulong ba sa mga matatanda ang ganitong pagtrato sa kanila? 5. Ano ang naging epekto ng mga ginagawa ng pamilya Salgado sa dalawang matanda?

D. Paglalapat:Nais ng iyong pamilya na magsimba sa Manaoag at tuloy a mag-swimming sa isa sa mga

beach sa Pangasinan. Ngunit namomoblema ang iyong mga magulang kung sino ang pag-iiwanan nila sa inyong loloat lola na kasama ninyo sa bahay. Ano ang iyong magagawa upang malutas ang problema ng iyong mga magulang at mapasaya na rin ang dalawa?

IV. Pagtataya:Markahan ang sarili sa mga sumusunod.

Mga Gawain Palagi Paminsan-minsan Hindi1. Isinasama ang mga lolo at lola sa pagsisimba2. Ipinapasyal sila3. Isinasali sa mga usapang pampamilya4. Ibinubukod ang pagkain ng mga matatanda5. Isinasalo sa pagkain ang mga matatanda

V. Takdang-Aralin:Gumuhit o gumupit ng mga larawang nagpapakita na kasama ang mga lolo at lola sa isang

masayang tagpo. Sumulat ng maikling talata ukol dito.

CHARACTER EDUCATION IVDate: _________________

I. Layunin:Naipapakita ang paggalang sa kultura ng iba’t-ibang pangkat upang mapanatili ang kapayapaan.

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 24Kagamitan: Mga larawan ng pangkat etniko, pagkain, mga ritwal at kasuotan.

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral: Anu-ano ang pangkat sa ating bansa?

B. Panlinang na Gawain:1. Ilahad ang larawan ng iba't-ibang pangkat etniko sa bansa at hayaang kilalanin ng mga bata.2. Ilahad sa pisara : KULTURA

Ano ang ibig sabihin nito? 3. Obserbahang mabuti ang mga larawan ng iba't-ibang pagkain, damit, paraan ng mamumuhay

ng bawat pangkat. Bakit kaya iba-iba ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino? Dapat ba nating igalang ang kultura ng ating kababayan? Bakit?

C. Pagsusuri: 1. Ilahad at talakayan

Maraming turista na dumadayo sabayan ni John Fitz sa Aklan upang saksihan ang mga Ati-atihan. Ang mga taga-Akian ay abalang-abala sa paghahanda mula sa gagamiting kasuoan hanggang sa pagkain.

Sa araw ng pagdiriwang ay makikita ang mga pagdiriwang upang maintihan kung bakit ginagawa ito ng mga tao.

Kayo, alam ba ninyo kung bakit ipinagdiriwang at ang kahulugan ng Ati-Atihan?

D. Paglalapat: Panuto : Ipaliwanag ang inyong pipiliing sagot. 1. May pagdiriwang ang mga Igorot at nakita mo silang sumasayaw sa kalsada. Alin sa mga ito

ang iyong gagawin? Bakit? a. Pagtawanan sila b. Panoorin sila nang may paggalang c. Kainisan ang ginawa nila

IV. Pagtataya:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Nakita mo ang Muslim na humahalik sa lupa na nakaharap sa araw na sumusikat. Ano ang gagawin mo? a. Pagtatakhan ang ginagawa niya at titigan siyang mabuti b. Tatanungin siya kung ano ang kanyang ginagawa c. Pababayaan siyang isagawa ito at igalang siya

2. Kaarawan ng kaklase mo at lahat kayo ay imbitado sa kanila pagkatapos ng klase. Ang iyong best friend ay isang Iglesia ni Kristo at batid mong bawal sa kanila ang umatend sa ganitong pagdiriwang. Ano ang iyong gagawin? a. Igagalang ang kanilang paniniwala b. Hindi na siya babatiin c. Pipilitin siyang dumalo sa party at awayin kung hindi sasama

V. Takdang-Aralin:Anu-ano ang iba’t-ibang pagdiriwang sa Pilipinas?

CHARACTER EDUCATION IVDate: _________________

I. Layunin:Naipakikita ang paggalang sa kultura ng iba't-ibang pangkat upang mapanatili ang kapayapaan.

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 24Kagamitan: larawan ng isang katutubong awitin

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

Pag-awit ng isang katutubong awitin

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Paano natin maipakikita ang ating pagga1ang sa kultura ng iba'tibang tao sa ating bansa? Bakit natin ito isasagawa?

2. Paglalahad ng kuwento.

C. Pagsusuri: 1. Sino ang maraming kaibigan? 2. Bakit sila napunta sa isang pulo sa Mindanao? 3. Anong pagkakaiba ang naobserbahan ni Rosa sa uri ng pamumuhay ng kanyang mga

kaibigang Muslim?

D. Paglalapat:Isinama ka ng iyong kaibigan sa kanilang pook-dalanginan. Nakita mong nag-alis ito ng

sapin sa paa bago pumasok dito, ano ang iyong gagawin? Bakit? Ano ang ipinahihiwatig ng iyong gagawin? Ano ang maidudulot nito sa inyong pagkakaibigan.

IV. Ebalwasyon:Pagsasadula ng bawat pangkat.

Sitwasyon: Namatay ang Lolo ng kaklase mo na isang Ifugao. Nadatnan ninyo sa burol na ito ay wala sa kabaong kundi makalagay ito sa isang malaking banga. Paano ninyo maipakikita ang paggalang sa ganitong kultura na kakaiba sa inyo?

V. Takdang-Aralin:Anu-anong okasyon an gating ipinagdiriwang? Bakit natin ito isinasagawa?

CHARACTER EDUCATION IVDate: _________________

I. Layunin:Kinikilala ang pagpapahalagang ipinakikita ng iba't-ibang pagdiriwang

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 24Kagamitan: larawan ng iba’t-ibang pagdiriwang pansibiko at panrelihiyon

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:Anu-ano ang mga pansibiko at panrelihiyong pagdiriwang sa ating bansa?

B. Panlinang na Gawain:1. Kailan natin ipinagdiriwang ang "Araw ng Kapayapaan?”2. Ilang taon na ngayon ang "Kalayaan ng Pilipinas?" Ano ang napansin ninyo sa mga

"Commercials" sa TV? Tungkol saan ang tema ng mga ito? Sa mga opisina at mga paaralan, ano ang napansin ninyong suot ng mga kawani tuwing

Lunes o Biyernes?

C. Pagsusuri: 1. lladiad ang larawan ng iba't-ibang pagdiriwang na ginagavva sa bansa tulad ng Flores de

Mayo, Linggo ng Wika etc., 2. Papaano ipinakikita ng mga Pilipino sa iba't-ibang pagdiriwang ang pagpapahalaga sa

Kulturang Pilipino?

D. Paglalapat:Sa anu-anong pagkakataon naipakikita ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang pagpapahalaga

sa iba't-ibang pagdiriwang at kulturang Pilipino?

IV. Ebalwasyon:Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.1. Ang pagsusuot ng pambansang kasuotan ay isa sa pagpapahalagang ipinakikita nating sa ating

kultura. Paaano mo ito maipagmamalaki? a. Isuot ang Barong Tagalog at Baro't saya sa mahahalagang okasyon b. Isuot ang mga ito sa pamamasyal c. Isuot ito sa loob ng Amerikanong kasuotan

2. Ang mga awiting bayan natin ay kabilang din sa Kulturang Pilipino. Ano ang dapat nating gawin dito? a. Kolektahin ang mga ito at itago b. Awitin ito nang buong giliw c. Hayaang ang mga matatanda na lamang ang umawit ng mga ito.

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng isang album kung saan maipakikita ng mga Pilipino ang pagkilala o pagpapahalaga

sa ating kultura sa iba't-ibang pagdiriwang.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Kinikilala ang pagpapahalagang ipinakikita ng iba't-ibang pagdiriwang.

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 24Kagamitan: larawan, kuwentong likha ng guro

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin2. Balik-aral

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Anu-anong okasyon ang ating ipinagdiriwang? Anu-anoa ang kahalagahan ng bawat pagdiriwang na ito?

2. Paglalahad ng kuwento.

C. Pagsusuri: 1. Bakit inimbitahan ni Cristy sina Loida at iba pa ni-kaibigan sa kanilang tahanan? 2. Anu-anong paghahanda ang isinasagaw nina Cristy at mga kababaryo para sa pagdiriwang na ito? 3. Para sa inyo, tama ba ang ganitong pagdiriwang ng piyesta? Bakit? 4. Kung ang paraan ng pagdiriwang ng piyesta sa iyong kaibigan ay kakaiba sa inyo, ano ang

iyong gagawin? Bakit?

D. Paglalapat:Isinama ka ng iyong tiyahin ng pumunta sa kanilang probinsiya dahil nuon ay Todos Los

Santos. Dadalaw siya sa namayapa niyang biyenan na isang Instik. Pagdating ninyo sa sementeryo, nakita mong puno ng masasarap na pagkain ang ibabaw ng puntod nito. Nang mga oras na iyon, kumakalam na ang sikmura mo dahil sa gutom, ano ang iyong gagawin? Bakit?

IV. Ebalwasyon:Sabihin kung bakit natin pinahahalagahan ang mga sumusunod na pagdiriwang.

1. Araw ng mga Puso 2. Araw ng mga Patay 3. Pasko 4. Mahal na Araw 5. Araw ng mga Ina

V. Takdang-Aralin:Gumupit o gumuhit ng mga larawang nagpapakita kung papaano ipinagdiriwang sa inyong lugar

ang Mahal na Araw.

CHARACTER EDUCATION IVDate: _________________

I. Layunin:Naipapakita ang paghanga sa kultura at iba't-ibang rehiyon o pangkat

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 24Kagamitan: larawan ng Sinulog

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral: Ano ang kultura? Magbigay ng halimbawa ng kulturang Pilipino

B. Panlinang na Gawain:1. Ilahad ang larawan ng "Sinulog". Anong pagdiriwang ito" Saan ito ipinagdiriwang? Kailan? 2. Iparinig at talakayan.

Maraming turista ang dumarayo sa bayan nina Jet-jet sa Cebu upang saksihan ang "SINULOG" o ang pagdiriwang ng mga taga-Cebu ito ay isang pagdiriwang kung saan ginugunita ang simula ng pagiging Kristiyano ng mga Cebuano. Ang mga tao rito ay nagdarasal umaawit at sumasayaw sa kalsada. Bawat makapanuod ay nagagalak at nasisiyahan. Dapat bang hangaan at igalang ang pagdiriwang ng mga tagaCebu'? Bakit?

C. Ang Ramadan ay isang pagdiriwang ng mga Muslim. Bawat Muslim ay nagaaral ng Banal na Koran tuwing sasapit ang Ramadan. Minsan lamang silang kumain at uminom ng1ublg sa loob ng maghapon upang magsakripisyo. Ikaw bilang Kristiyano o di - Muslim, ano ang iyong gagawin sa nakikita mong

pagsasakripisyo ng mga Muslim kung panahon ng Ramadan? Dapat ba silang pagtawanan? Kutyain? Ikahiya? Bakit?

D. Paglalapat:Magtala ng tatlong gawain na nagpapakita ng paghanga sa kultura ng iba't-ibang pangkat o

rehiyon sa ating bansa.

IV. Ebalwasyon:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. May pagdiriwang ang mga Ita at nakita mo silang sumasayaw sa kalsada. Alin sa mga ito ang iyong gagawin?a. Gagayahin sila c. Panoorin sila ng may paggalangb. Pagtawanan sila

2. Nakita mo ang isang Muslim na humahalik sa lupa na nakaharap sa sumisikat na araw. Ano ang iyong gagawin?a. Pagtatahan sila c. Pababayaan sila at igagalangb. Lilibakin sila

V. Takdang-Aralin:Anu-ano ang proyekto ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng ating kultura.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Naipapakita ang paghanga sa kultura sa iba’t-ibang rehiyon o pangkat.

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 24Kagamitan: Larawan, Kuwentong Likha ng Guro

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Awit: Ati Cu Pung Singsing2. Balik-aral

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Pagpapaktia ng iba't-ibang larawan na nagpapakita ng iba't-ibang kaugalian sa iba't-ibang rehiyan? Pagtatanong ukol dito.

2. Paglalahad ng kuwento.Ang pagdiriwang ng Mahal na Araw ay mahalaga para sa ating mga Pilipina. Sapagkat sa

mga araw na ita, ginugunita natin ang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginaan. ……..pah.105

C. Pagsusuri: 1. Bakit mahalaga ang pagdiriwang ng Mahal na Araw? 2. Paano ginuginita ng mga taga-Malolos ang Mahal na Araw.3. Anong kaugalian ang hinahangaan at inaabangan kapag Linggo ng Palaspas? 4. Kapag Biyernes Santo, ano ang pinakatampok sa araw na ito na dinadaluhan ng libo-libong

mga tao? Para sa kanila ano ang kahulugan nito?

D. Paglalapat:Nagpunta ka sa isang lugar na kung san nasaksihan mo ang pagpapako sa Krus sa mga taong

namamanata dito. Paano mo maipakikita ang iyong paghanga sa ganitong kaugalian?

IV. Ebalwasyon:Ang mga sumusunod ay mga gawaing nagpapakita ng paghanga sa kultura ng iba't-ibang rehiyon

o pangkat ng tao, maliban sa isa. Tukuyin ito at bilugan. 1. Pagkuha ng mga larawan 2. Panunuod nang mataman 3. Pagtatawa sa kakaibang nasaksihan 4. Pakikiisa sa mga gawain 5. Pagpalakpak sa natunghayan

V. Takdang-Aralin:

Sumulat ng isang talata kung paano mo maipapakitang lubos ang iyong paghanga sa kultura rehiyon o0 pangkat ng tao.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Tinatangkilik ang mga proyektong pangkultura

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 24Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral: Anu-ano ang mga proyektong pangkultura ng ating pamahalaan? Paraan?

B. Panlinang na Gawain:1. Ipakita ang mga larawan ng mga magagandang tanawin sa ating bansa tulad ng Bulkang

Mayon, Hagdang-hagdang Palayan, etc. 2. Ipatukoy at ipasabi sa mga bata kung ano at saan ito matatagpuan. Dapat ba natin itong

tangkilikin? Bakit?

C. Ilahad ang mga katutubong sayaw (larawan) at kasuotan. Ipasabi ang mga kilala nilang mga sayaw sa lara wan. Ipatukoy rin kung ano ang ating katutubong mga damit. Ito ba ay tatak Pilipino?

Dapat ba natin itong ipakita sa ibang lugar o ikahiya ang paggamit nito?

D. Paglalapat:Bakit dapat tangkilikin ang mga proyektong pangkultura? Paano mo maipakikita na

tinatangkilik mo ang mga proyektong pangkultura sa ating paaralan at pamahalaan? Sayang pagkakataon mo ito maipakikita o magagawa?

IV. Ebalwasyon:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Mayroon pa tayong magagandang tanawin sa ating bayan na maari nating ipagmalaki sa ibang bansa? Anu-ano ito? Alin ang pipiliin mo kung magandang tanawin ang pupuntahan mo? a. Fujiyama ng Japan c. Hanging Bridge sa China b. Bulkanag Mayon sa Albay

2. Aling sayaw naman ang higit mong pahahalagahan? a. ltik-itik b. Boogie c. Strat

V. Takdang-Aralin:Bakit kaya nais ng mga dayuhan ang ating kultura.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Tinatangkilik ang mga proyektong pangkultura.

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 24Kagamitan: larawan, kuwento

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Awit2. Balik-aral

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Ano ang inyong gagawin kung may nagbebenta sa inyo ng tikot para sa isang palabas na pangkultura tulad na sayaw at awit na pawang katutubo?

2. Paglalahad ng kuwento.

C. Pagsusuri: 1. Sino si Mina? 2. Ano ang proyekto nila sa paaralan? 3. Ano ang layunin ng proyektong ito? 4. Ano ang ipalalabas ng mga piling mag-aaral sa bawat antas? 5. Sa inyong palagay, may buti bang maidudulot ang '"ganitogn proyekto? Bakit?

D. Paglalapat:May field trip kaya sa Nayong Pilipino bilang proyekto sa paaralan. Madalas ka na

makapasyal sa lugar na iyon. Sasama ka pa ba o hindi na? Bakit?

IV. Ebalwasyon:Suriin ang mga sumusunod kung ang bawat isa ay nagpapakita ng pagtangkilik sa mga

proyektong pangkultura. Lagyan ng tsek () kung Oo at ekist (x) naman kung hindi. _______ 1. Pagbibisita sa mga museo _______ 2. Pagdalaw sa mga makasaysayang pook _______ 3. Pagdalaw sa Libingan ng mga Bayani _______ 4. Pag-awit ng mga katutubong awitin _______ 5. Pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo

V. Takdang-Aralin:Anu-anong pagtatanghal pangkultura ang napanuod mo na? Isulat ito sa iyong notebook at

humanda sa pagsasalaysay nito sa klase.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Naipakikita ang paggalang sa kultura ng iba't-ibang pangkat upang mapanatili ang kapayapaan.

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 24Kagamitan: larawan ng isang katutubong awitin

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

Pag-awit ng isang katutubong awitin

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Paano natin maipakikita ang ating pagga1ang sa kultura ng iba'tibang tao sa ating bansa? Bakit natin ito isasagawa?

2. Paglalahad ng kuwento.

C. Pagsusuri: 1. Sino ang maraming kaibigan? 2. Bakit sila napunta sa isang pulo sa Mindanao? 3. Anong pagkakaiba ang naobserbahan ni Rosa sa uri ng pamumuhay ng kanyang mga

kaibigang Muslim?

D. Paglalapat:Isinama ka ng iyong kaibigan sa kanilang pook-dalanginan. Nakita mong nag-alis ito ng

sapin sa paa bago pumasok dito, ano ang iyong gagawin? Bakit? Ano ang ipinahihiwatig ng iyong gagawin? Ano ang maidudulot nito sa inyong pagkakaibigan.

IV. Ebalwasyon:Pagsasadula ng bawat pangkat.

Sitwasyon: Namatay ang Lolo ng kaklase mo na isang Ifugao. Nadatnan ninyo sa burol na ito ay wala sa kabaong kundi makalagay ito sa isang malaking banga. Paano ninyo maipakikita ang paggalang sa ganitong kultura na kakaiba sa inyo?

V. Takdang-Aralin:Anu-anong okasyon an gating ipinagdiriwang? Bakit natin ito isinasagawa?

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Nanonood ng mga pagtatanghal pangkultura.

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 24Kagamitan: larawan ng Pambansang Bayani

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Anong sayaw ang binanggit sa awit? Nagugustuhan mo ba ang panonood ng mga katutubong sayaw tulad ng "Tinikling"? Bakit?

2. Nakapanood ka na ba ng mga palabas na tungkol sa Kulturang Pilipino o pagtatanghal na tungko sa mga Pilipino o gawaing Pilipino? Kung wala ang sagot ng mga bata, ipaalala ang pagdiriwang ng "Linggo ng Wika" at gawin itong simula ng aralin.

B. Panlinang na Gawain:1. Ilahad at talakayan.

Gustong-gusto ng mga batang Africano sa klase ni Bb. Cruz sa Africa ang tungkol sa Pilipinas. Maraming katanungan ang kanyang mga estudyante tungkol sa mga Pilipino at paraan ng pamumuhay nito.

Nais rin nilang matuto ng mga salitang Pilipino tulad ng "Salamat." "Kamusta" etc., mapanood ang mga ritwal ng iba't-ibang pangkat etniko tulad ng Canao, kasaysayan tulad ng Ati-atihan, Sinulog at iba pa. Madalas din silang nakikinig ng mga awiting bayan ng Pilipinas at iba-ibang duladulaan o sarsuelang Pilipino.

C. Pagsusuri: 1. Ilahad ang larwan ni Dr. Jose Rizal? 2. Sino ang nasa larawan? Bakit siya naging tanyag?

D. Paglalapat:Bakit dapat ugaliin ang panonood ng mga pagtatanhal na pangkultura?

IV. Ebalwasyon:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Tuwing Lunes ng umaga ay may Lingguhang pagtatanghal sa inyong paaralan. Napili kang lider sa darating na Linggo at magtatanghal kayo ng isang sayaw, anong sayaw ang ipalalabas ninyo? a. Pandango sa Ilaw b. Boogiee c. Unos, Dos Tres (Maria)

2. Lumuwas kayo at nagkayayaang manood ng Concert sa Luneta o Basketball sa Araneta. Alin ang gugustuhin mong panoorin? a. Concert ng mga awiting Pilipino b. Basketball

V. Takdang-Aralin:Mag-isip ng batas o tuntunin tungkol sa pangangalaga sa ating kultura.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Nanunuod ng mga pagtatanghal pangkultura.

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 25Kagamitan: Larawan, kuwentong likha ng guro

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin2. Balik-aral

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Mahilig ba kayong manuod ng pagtatanghal sa plasa? Anu-anong palabas na ang inyong napanuod?

2. Paglalahad ng kuwento.

C. Pagsusuri: 1. Ano ang ginugunita sa araw na iyon? 2. Ano ang mapapanood sa plasa? 3. Sino ang naghandog ng palabas na ito? Bakit'? 4. Bakit libre ang palabas? 5. Sa inyong palagay, makabubuti ba sa atin ang makapanuod tayo ng palabas na pangkultura

kahit paminsan-minsan lang? Bakit?

D. Paglalapat:Palabas sa telebisyon ang seryent Noli Me Tangere. Nais mo sana itong panuorin subalit

nasabay ito sa oras na pinaialabas din ang paborito mong dula sa telebisyon. Alin ang iyong pipiliin at bakit? Ano ang ipinahihiwatig ng iyong ginawa?

IV. Ebalwasyon:Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na palabas? Bakit?

1. Hiraya Manawari 2. Bayani 3. Rizal sa Dapitan 4. Concert at the Park 5. Paco Park Presents

V. Takdang-Aralin:Magsaliksik tungkol sa iba't-ibang palabas sa telebisyon na makatutulong upang maging bukas

ang isipan ngmga tao tungkol sa kulturang Pilipino.

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Nakasusunod sa mga bata at tuntunin sa pangangalaga sa kapaligirang pangkultura.

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 25Kagamitan: Flashcards, larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:Anu-ano ang mga proyekto ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino?

B. Panlinang na Gawain:1. Ipakita ang flashcards: BAT AS TUNTUNIN2. Ano ang batas? Ano ang Tuntunin? 3. Iparinig ng guro at talakayan 4. Anu-anong batas o tuntunin sa pangangalaga sa kapaligirang pangkultura ang alam mo?

Magbigay ng halimbawa. Dapat ba natin itong sundin? Bakit?

C. 1. Ipabasa ang talakayan. 2. Anu-anong katangian aug ipinakikita ng mga Pilipino upang mapangalagaan ang

kapaligirang pangkultura ng atig bansa?

D. Paglalapat:Papaano nasusunod ng mga Pilipino ang mga batas at tuntunin sa pangangalaga sa

kapaligirang pangkultura ng ating bansa? Dapat ba nating ipagsawalang bahala ang ating kultura? Bakit?

IV. Ebalwasyon:1. Ang pagpapaunlad ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

a. Batas Militar b. Sentrong Pang~ultura c. Saligang Batas 2. Kung nais mong magtanghal ng isang sarsuwela, ang dapat mong puntahan ay ang nangangasiwa

ng ________. a. Tanghalan ng Sentrong Pangkultura b. Sentro ng Disenyo c. Pambansang Sentro ng Sining d. Sentro ng Katutubong sining

V. Takdang-Aralin:May nagsasabi na ang mga kaugaliang Pilipino raw ay nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa.

Naniniwala ka ba rito? Bakit?

CHARACTER EDUCATION IV

Date: _________________

I. Layunin:Nakasusunod sa mga batas at tuntunin sa pangangalaga sa kapaligirang pangkultura.

II. Paksang AralinPaggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanELC. : EKAWP 4 p. 25Kagamitan: larawan, poster at kuwento

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin2. Balik-aral

B. Panlinang na Gawain:1. Pagganyak:

Namamasyal kayo ng iyong mga kaibigan sa isang makasaysayang pook. Nakita mo ang ganitong babala:

Bawal kumuha ng larawan! Ano ang iyong gagawin? Bakit?

2. Paglalahad ng kuwento.

C. Pagsusuri: 1. Saan pupunta ang inyong klase sa darating ng Linggo? . 2. Anu - ano ang mga hindi dapat gawin sa loob ng Expo Pilipino? Bakit dapat sundin ang mga

ito? 3. Kung kayo bumibisita sa iba pang lugar at may nabasa kayong mga alintutunin, ano ang

pinakamabuti niyong gawin at bakit?

D. Paglalapat:Bumisita kayo sa National Museun. Marami kang nakitang mga bagay na nuon mo lamang

nakita at alam mong makatutulong ng malaki sa iyong pag-aaral. Ano ang gagawin mo kung napansin mo na isang panig na ding ding ay may nakalagay na "Bawal kunin ang ma ito." ltutuloy mo pa ba ang iyong binabalak? Bakit? Ano ba ang dapat mong gawin sa alituntuning iyong natunghayan"

IV. Ebalwasyon:Markahan ang sarili. Lagyan ng tsek ang tamang kolum.

Mga Batas at Alituntunin Palagi Minsan-minsan Hindi1. Bawal pitasin ang bulaklak.2. Panatilihing malinis ang kapaligiran.3. Ilagay sa tamang lalagyan ang mga basura.

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng sariling poster na naglalaman ng mga batas at alituntunin sa pangangalaga sa

kapaligirang pangkultura.