chapter 1,2,3 & 5

35
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS KOLEHIYO NG EDUKASYON Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Edukasyon Batsilyer sa Edukasyong Pansekundarya Medyor sa Filipino Sta. Mesa, Mabini Campus KABISAAN NG MGA ESTRATEHIYANG GINAGAMIT SA PAGTUTURO NG HAYSKUL Almayda, Marinel Ambat, Regina Macabenta, Angeline Perez, Lian Joy Sinaon, Edeza Johnzen Merez BSEDFL 1-1

Upload: angeline-macabenta

Post on 30-Nov-2015

1.857 views

Category:

Documents


41 download

DESCRIPTION

Marketing

TRANSCRIPT

Page 1: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Kolehiyo ng Edukasyon

Batsilyer sa Edukasyong Pansekundarya Medyor sa Filipino

Sta. Mesa, Mabini Campus

KABISAAN NG MGA ESTRATEHIYANG GINAGAMIT

SA PAGTUTURO NG HAYSKUL

Almayda, Marinel

Ambat, Regina

Macabenta, Angeline

Perez, Lian Joy

Sinaon, Edeza

Johnzen Merez

BSEDFL 1-1

Page 2: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula

Kaakibat na ng edukasyon sa Pilipinas, partikular sa sekundaryang antas ang iba’t

ibang estratehiya o pamamaraang ginagamit sa pagtuturo. Mga nakasanayang

pamamaraan kung saan naging epektibo katulad ng pagtukoy (identification), paglalahad

(enumeration), maramihang pagpipilian (multiple choice) at punan ang patlang (fill in the

blank).

Ang mga estratehiya sa pagtuturo ay malaki ang ginagampanan sa pagkatuto ng

isang mag-aaral. Habang patuloy na yumayabong ang kaisipan at umuunlad ang

kaalaman ay nangangailangan na rin ito ng higit na epektibong daluyan o pamamaraan

kung paano makakamtan.

Gayundin, ang pag-aaral na ito ay magbubukas sa kaisipan patungol sa paggamit

ng modernong teknolohiya kung saan siyang hinihingi ng kasalukuyang panahon. Bilang

guro at tagapagtaguyod ng edukasyon, marapat na nalalaman nito ang mga pamamaraan

na angkop at kababagayan ng kanyang mga mag-aaral upang makuha nito ang buong

atensyon ng klase na isa sa pangunahing kailangan upang matuto ang mag-aaral.

Ang sekundaryang antas ng pag-aaral ang pinakakrusyal na bahagi ng edukasyon.

Sa lebel na ito nakasalalay ang mga mahahalagang kaalaman na nararapat taglayin ng

isang estudyante magmula sa pinakasimple hanggang sa pinakakumplikado. Dito rin

sinasanay at inihahanda ang mga mag-aaral sa mas mataas na antas ng buhay kung kaya’t

sadyang napakahalaga na sa puntong ito ay masiguro ang de-kalidad na edukasyon.

Page 3: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Kaligirang Kasaysayan

Ang mga iba’t ibang estratehiyang nalilikha ng mga kaguruan para sa mas

epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa sekundaryang antas ay hindi maiiwasang

husgahan kung epektibo nga ba o hindi.

Ang pag-aaral tungkol sa kabisaang dulot ng mga nasabing estratehiya sa mga

mag-aaral ay maaaring magsiwalat ng katotohanan kung sadyang mababa nga ba ang

kalidad ng edukasyon sa bansa at ito’y mapatunayan, gayundin upang masolusyonan.

Kung papaanong ang ilang estratehiya ay umaayon sa iilang mag-aaral

samantalang sa iba naman ay hindi.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mapatunayan kung totoo nga bang

nakasalalay sa mga pamamaraang ginagamit sa pagtuturo ang mabisang pagkatuto. Kung

magkagayo’y dapat taglayin ng mga guro ang mga kaalaman at kakayahan sa

pagsasagawa ng mga istilong magiging kaaya-aya sa mga estudyante.

Ang pananaliksik na ito ay may hangaring makapagbigay ng mga alternatibo at

epektibong paraan upang mapataas pa ang kalidad ng pag-aaral hindi lamang para sa

kasalukuyan kundi maging sa hinaharap.

Balangkas teoretikal

Ang teorya ng pagtuturo ay lupon ng mga magkakaugnay na kahulugan at

proposisyon na nagpapakita ng sistematikong balangkas ng pagtuturo sa pamamagitan ng

pagkakaugnay ng mga baryabols kaakibat ang layunin ng pagpapaliwanag at

paghihinuha. Ang sumusunod ay ilan sa mahahalagang teorya ng pagtuturo gayundin ang

mga estratehiyang kaakibat nito:

Page 4: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Pormal na Teorya ng Pagtuturo ( Formal Theory of Teaching- Philosophical Theory)

Ang teorya na ito ay nakatuon sa lohika (logic), metapisikal at epistemolohikal na

pala-palagay at proposisyon.

Meutic Theory of Teaching

Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang proseso ng pagtuturo ay nakakatulong

upang muling buksan ang kaalaman patungkol sa estratehiya ng pagtatanong. Ang

sokratikong pamamaraan ay mahalaga sa naturang teorya at ang heredity ay malaki ang

ginagampanang papel sa teoryang ito.

Communication Theory of Teaching

Pinaniniwalaan ng teoryang ito na tinataglay ng mga guro ang lahat ng mga

kaalaman o kaisipan at impormasyon na maaring hindi alam ng mga mag-aaral kung saan

ang mga guro ay naglalahad at nagpapaliwanag sa silid-aralan.

Moulding Theory of Teaching

Si John Dewey ang tagapagtaguyod ng teoryang ito na nakatuon sa paghulma at

tipo ng pag-uugali ng mga estudyante na hinuhubog ng kanilang kinabibilangang

kapaligiran katulad ng paaralan.

Mutual Inquiry Theory

Ayon sa teoryang ito, bawat indibidwal ay may kakayahan na makadiskubre ng

bagong kaalaman sa pamamagitan ng mutual inquiry. Ang tunay na kaalaman ay

nakukuha sa pagsisiyasat. Magagamit ang teoryang ito sa asignaturang pananaliksik at

sining (arts).

Page 5: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Balangkas konseptual

Mabisang Pagkatuto ng estudyante; Higit na magandang ugnayan ng guro at mag-aaral;at

De-kalidad na edukasyon

Pormal na Teorya ng Pagtuturo

(Formal Theory of Teaching)

Meutic Theory of teaching

Communication Theory of Teaching

Moulding Theory

of Teaching

Mutual Inquiry theory

Mga Teorya na nagsasaad ng mga pamamaraan o estratehiya ng pagtuturo na kinabibilangan ng Sokratikong Pamamaraan (pagtatanong), paghulma sa pag-uugali ng mga estudyante, paglalahad ng mga dagdag na kaalaman

at ang pagsisiyasat.

Kasanayan, kaalaman at abilidad ng guro

Page 6: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay sasagot sa ilang mahahalagang katanungan na

magsisilbing solusyon upang higit na maging mainam ang pagkatuto ng mga mag-aaral

sa sekundaryang antas.

1. Anu-ano ang mga karaniwang estratehiya sa pagtuturo ang ginagamit ng mga

guro sa hayskul?

2. Paano nakakaapekto ang mga estratehiyang ginagamit sa kasalukuyan sa kaisipan

maging sa pagkatuto ng mga estudyante?

3. Paano nakakaapekto ang mga estratehiyang ginagamit ng mga guro sa kagustuhan

ng mga mag-aaral na pumasok sa paraan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay binuo upang alamin ang kahalagahang dulot ng paksa

sa iba’t ibang aspetong kinasasaklawan nito. Tinutukoy ng naturang pag-aaral ang

kabutihang dulot ng paksa hindi lamang para sa mismong mag-aaral kundi maging sa

kalidad ng pagtuturo ng mga guro.

Kahalagahan sa Mag-aaral

Bilang tagapagmana ng kaalaman at edukasyon, napakahalagang maging sulit ang

oras o panahong inilalaan ng mga mag-aaral sa paaralan. Ang pag-aaral na ito ay susubok

alamin ang mga estratehiyang makakatulong sa higit na ikauunawa ng mga estudyante.

Hahanap ng mga pamamaraang kababagayan ng mga mag-aaral upang higit na

mapadaling makuha ang kanilang atensyon at mahikayat na makibahagi sa talakayan. Sa

Page 7: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

huli, pagkakatuto, kanais-nais na partipasyon sa klase at grado, at mataas na kalidad ng

edukasyon na kinakailangan ng mga estudyante ang kabutihang dulot nito.

Kahalagahan sa Guro

Ang pagtuturo ay propesyon kung saan ang tagumpay ng mga guro ay

nakadepende sa kakayahan ng mga mag-aaral, ngunit may iilang mga guro na kayang

gawing pinakamahusay ang mag-aaral kahit ang mga masasabing “slow learner” o

pinakamahirap makaunawang mga estudyante. Malinaw na ang pagkaunawa sa isang

paksang itinuro ng isang guro ay depende sa pamamaraan nito. Sa pamamagitan ng mga

pamamaraan o estratehiya sa pagtuturo ay madaling naipauunawa ng mga guro sa

estudyante ang paksang tinatalakay. Mayroong ilang mga epektibong pamamaraan ng

pagtuturo na sakaling sinunod ng mga guro ay makakuha ang mga ito ng mas mahusay na

resulta mula sa kanyang mga mag-aaral.

Napakahalaga na makapagbigay ang isang guro ng isang “interactive

environment” sa loob ng silid-aralan upang ang mga mag-aaral ay makapagsalita o

makapagbahagi ng kanilang nalalamaman kung saan makakamit lamang kung ang isang

guro ay may epektibong estratehiya ng pagtuturo.

Kahalagahan sa Magulang

Bawat magulang ay naghahangad ng isang de-kalidad na edukasyon para sa

kanilang mga anak. Upang matupad ang pagnanais na ito ay nagsisikap ang mga

magulang upang mapag-aral ang kanilang mga anak sapagkat pinaniniwalaan nilang ang

edukasyon lamang ang natatanging kayamanan na kanilang maipamamana sa mga ito.

Kaya’t siguradong magiging kapaki-pakinabang ang lahat ng sakripisyo ng mga

Page 8: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

magulang kung magkakaroon ng higit na masistemang alternatibong pamamaraan o

estratehiya na makatutulong upang mas maging epektibo at mapaunlad ang kalagayan ng

edukasyon sa Pilipinas.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral at kaguruan sa

sekundaryang antas na pangunahing pokus ng paksang Kabisaan ng mga Estratehiyang

Ginagamit sa Pagtuturo ng Hayskul. Ang paksa ng naturang pag-aaral ay walang ibang

hangarin kundi alamin ang persepsyon ng mga estudyante at guro patungol sa epekto ng

mga estratehiya sa pagtuturo sa pagkatuto at malaman ang problemang sakop nang sa

gayon ay mabigyan ng karampatang kasagutan.

Hindi na sakop ng pag-aaral na ito ang iba pang isyu na may kinalaman sa

edukasyon katulad ng mga kakulangan sa silid-aralan, guro atbp. na tinatamasa ngayon

kung saan hindi na dapat pang talakayin ng pag-aaral na ito upang higit na mabigyang-

tuon ang mismong paksang tinatalakay.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Sokratikong Pamamaraan (Socratic Method) – Ipinangalan kay Socrates, isang

klasikal na griyegong pilosopo. Ito ay isang paraan ng pagtatanong at debate sa

pagitan ng dalawang indibidwal na may magkaibang pananaw.

Lohika (logic) – isang agham ng pag-aaral na nakatuon sa mga prinsipyo at

pamantayan ng bisa ng hinuha at demnstrasyon; ang agham ng pormal na

prinsipyo ng pangangatwiran

Page 9: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Metapisikal (Metaphysical) – Ito ay sangay ng pilosopiya na sinusubok linawin

ang pagkakaunawa ng tao sa mga mahahalagang paniniwala sa paraang kung

paano ang paningin ng tao sa mundo.

Epistemolohical (Epistemology) – Ito ay sangay ng pilosopiya na nag-aaral

patunkol sa kaalaman; pagsisiyasat sa kapaligiran at likas na katangian ng

kaalaman.

Instrumented Team Learning (ITL) – Pangkatang talakayan.

Teacher Centered Approach (TCA) – Ang guro ay siyang nagpapaliwanag

lamang sa buong talakayan.

Page 10: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Tungo sa higit na kalinawan ng pananaliksik na may paksang Kabisaan ng mga

Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo sa Hayskul minarapat ng mga mananaliksik na

mangalap ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura na nilikha ng mga lokal at banyagang

manunulat.

Banyagang Literatura

Ayon kina Crooks (1988) McKeachie (1986) and Wergin (1988) masusuri natin

ang pagkatuto ng estyudante base sa kung paano siya mag isip ng isasagot sa isang

tanong na siyang sumasalamin sa napag-aralan niya. Halimbawa, kung ang pagsusulit na

kaniyang inaasahan ay nakatuon sa mga katotohanan (facts), ang gagawin niya ay

kakabisaduhin ang mga detalye. Kung ang pagsusulit ay kinakailangan ng paglutas sa

isang problema o pagpapalawak ng kaalaman ay pinapairal niya ang malalim na pag

unawa at kung paano nito iaapply ang mga impormasyon. Bilang guro, ang pagsasagawa

ng ganitong istilo ng pagtuturo ay nakakatulong upang masukat ang katagumpayan ng

iyong pagpeprisinta ng materyal. Huli, ay sa ganitong paraan, nasusukat o nalalaman ng

isang guro kung ano ang mga paksa o mga kasanayan ang hindi nauunawaan ng mga

mag-aaral.

Ayon naman sa mga ekspertong sina Jacob at Chase, ang pagsusulit ay ang

pinaka-komprehensibong paraan ng pagsubok, karaniwang ibinibigay sa katapusan ng

termino, at isa o dalawang beses sa panahon ng semestre. Ang pagsusulit ay mas limitado

Page 11: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

sa saklaw, na tumutuon sa isang partikular na paksa.Samantala ang maikling pagsusulit

(quiz) ay mas limitado at karaniwang ibinibigay sa loob ng labing limang minuto o mas

mababa.

Banyagang Pag-aaral

Ayon kay Riel (1996) na ang teknolohiya ay mabilis na nagpapabago sa

maramingaspekto sa lipunan, at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan kaya

nararapat lamang iksamining mabuti ang mga pagpaplano ng paggamit ng Multimedia sa

loob ng klase upangmaibigay sa kanila ang mainam na edukasyon. Pinaniniwalaan na ang

mga mag-aaral sakasalukuyan ay nangangailangan ng maraming kasanayan para sa

kanilang propesyon pagdatingng araw upang makasabay sa mundong laging nagbabago.

Ibinahagi din ni Riel (1995) ang kanyang karanasan hinggil sa kanyang ginawang

ekspereminto sa aplikasyon ng teknolohiya sa loob ng klasrum at nalaman nya na ang

kanyang mga estudyante ay aktibong nakikisali sa talakayan, pinagawa din nya ang

kanyang mgaestudyante ng mga proyekto na mayroong kaugnayan sa kompyuter at mula

dito ay nakita nyaang magandang perpormans ng mga mag-aaral, iginiit din nya na kapag

ang Edukasyunal na Teknolohiya ay nailapat ng tama at wasto sa mga mag-aaral ay

magiging maganda ang prosesong pagkatuto

Inilabas naman ni Shepherd (2001) ang kanyang teorya na hinggil sa kabutihan

ng“Multimedia” sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa kanya na ang mabuting

pagplaplanong “Multimedia” ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang malinang ang

kanilang kakayahang pangteknolohiya upang maging kapaki pakinabang sa lipunan sa

Page 12: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

darating na panahon, iginiit din nya na mayroong kabutihang hatid ang paggamit ng

“Multimedia” sa klase gaya nalang ng mga sumusunod:

1.Nagiging aktibo at nakikisali sa talakayan ang mga mag-aaral.

2.Mas nagiging interesado sila sa mga itinuturo ng mga guro gamit ang “powerpoint

presentation”. At dahil ditto ay mas nadaragdagan ang kanilang kaalaman.

3.Nadaragdagan ang kanilang kaalaman, tungkol sa teknolohiya at dahil dito ay hindi sila

magiging mangmang o walang muwang sa patuloy na pag-unlad nito.

4.Bumilis ang kanilang pagkatuto o kaalaman.

Ayon naman kay Merrill (1986) sa librong COMPUTER IN EDUCATION na

ang pinakamahalagang layunin ng edukasyon ay ang maihanda ang mag-aaral sa

mundong laging nagbabago at malinang ang kanilang mga kakayahan at papel ng

teknolohiya sa lipunan ay isa samga importanteng salik upang mapatupad ang layuning

ito.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa nnina Norton at Wiburg (2003), ang konsepto ng

teknolohiya ay maitutumbas sa salitang “Technique” na ang ibig sabihin ay ang tamang

paraan ng pagpili at pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang

mga gawain.Ang angkop at tamang pagpili ng teknolohiya na ating gagamitan sa ating

mga klase ay nararapatding isaalang alang nang sa gayon ay mas epektibo itong mailapat

sa bawat aralin. Nagagawakasi nito na mas maging produktibo pa ang kalidad ng

Page 13: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

edukasyon ng isang lipunan bukod pa dito mas napapabilis din nito ang akses ng bawat

estudyante at Guro sa impormasyong saanmang dako sa daigdig.

Ayon kay Villacorta (2003) ang edukasyon ay ang pagpapaabot sa mga mag-aaral

ngmga kaalaman, kakayahan, at kaugaliang higit na magbibigay sa kanila ng

pagkakataong maging produktibo at malayang mamamayang makapag-ambag sa

kaunlaran ng kanilang lipunan. Ibig sabihin ang edukasyon ay ang pagbibigay sa mga

mag-aaral ng karunungan bilang produkto oend result kaakuhan ng isang indibidwal.

Nangangahulugan lamang ito na sinumang tao nasumailalim o sasailalim sa gawaing ito

ay hindi matatakasan ang mga pagbabago sa kanyang paniniwala at mga ideolohiya sa

buhay na makakaapekto hindi lamang sa kanyang sarili bagkus sa lipunang kanyang

ginagalawan.

Lokal na Literatura

Ang Paggamit ng Wikang Pambansa bilang paraan ng Pagtuturo

Kung maaalala natin ang isang kabanata ng Noli Me Tangere ni Rizal (Mga

Suliranin ng Isang Guro). Ang wikang ginagamit sapagtuturo ay ay wikang kastila

gayung hindi nila naiintindihan ang ganung wika. Dahil hindi nila nauunawaan,

minimemorya at hindi maipaliwanag ng mga bata ang kanilang aralin. Ganito rin nga ang

karaniwang nangyayari ngayon sa mga estudyante sa hayskul, kolehiyo at unibersidad sa

bansa na dahil sa Ingles nagsipag-aral, at salat sa kakayahan sa banyagang wikang ito,

mabilis na nakakalimutan ang sinaulong mga leksiyon kaya nagsisipagtapos na kabisote.

Page 14: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Ayon kay Dr. Nemesio E. Prudente

“Ang paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo ay sapilitan at pulitikal,

hindi nakabatay sa pananaliksik, sa siyensiya ng pagtuturo, at sa mga prinsipyong

sikolohikal.”

Ayon kay Dr. Amalia Cullarin Rosales: 

Mapanghamon, sapagka't napakaraming balakid ang susuungin ngmga

nagmamalasakit sa wikang Filipino upang maisakatuparan angadhikaing ito. Bagama't

nakatagpo tayo ng kasangga sa katauhan ng Pangulong Estrada sa ating adhikaing

pagpapalaganap sa wikang Filipinobilang wikang dapat na gamitin sa mga paaralan, mga

tanggapan ngpamahalaan, Kongreso at pakikipag-ugnayang panlabas, ay damang-

damanaman ang pagtutol ng ilang mga kilalang tao na ang wikang Filipino aygawing

wika ng pagtuturo at pakipagtalastasan ng ating pamahalaan.

Ayon kay Padre Pedro V. Salgado,OP: |

Bakit kinakailanagn sayangin ang buong buhay sa pagaaral ng ibang wika, kung

meron naman tayong sariling wika.

Ayon kay Jose T. Saragosa:

 Marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad angwikang

pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit angWikang Filipino bilang

wikang panturo o midyum ng edukasyon. Naniniwalaang mga makabayang dalubwika o

Page 15: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

linggwistiko na ang paggamit ngpambansang wika sa pagtuturo ng kaalamang teknikal at

aghamin ang susisa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.Mahalaga ang paggamit ng Filipino

sa pagtuturo sapagkat malaki angmaitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino.

Sa isang payak napagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa

pagtuturong anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng

edukasyon.Kung wikang dayuhan ang gagamitin sa pagtuturo, may tatlong proseso

angnagaganap sa ating isipan: Persepsyon (Kaalaman), Pagsasalin, Pag-unawa.

Ayon kay Engr. Virgillio S. Perdigon:

 Ang suliranin ng pag - aaral sa ating bayan ay kung paano isasalin angkaalaman

mula sa paaralan patungo sa masa. Ang wikang Ingles ay hindisiyang lunas.

Ayon kay G. Michael Tan: 

Madaling matututo ng ibang wika kasama na ang kahusayan sa mga asignaturang

Matematika at Siyensya kung mahusay na sa katutubong wika.

Lokal na Pag-aaral

Karamihan sa mga pananaliksik ay ipinahayag ang paggamit ng Kooperatibong

Pagtuturo. Borja et al ( 1y995 in Leyson, 1998) na inilahad ni Rufo(2007) na gumawa ng

parehong proyekto sa pag-aaral ng Kooperatibong Pagtuturong Estratehiya sa sekundarya

sa asignaturang science. Ang mananaliksk ay nagpuna na ang kagandahan ng

Kooperatibong pagtuturo ay ang kooperasyon at pagtitiwala sa sarili at sa isa't isa na

makamtan ang tunguhin ng grupo.

Page 16: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Isang pag-aaral ang isinagawa ni Carvajal (1985) na inilahad ni Ruyca (1994) sa

UP Lahug, Cebu City. Natuklasan na parehong Instrumented Team Learning (ITL) at

Teacher Centered Approach (TCA) ang epektibong estratehiya sa pagtuturo ng konsepto

sa bayolohiya .

Ibang lokal na pag-aaral na nagawa ni Lapa (1989) na inilahad ni Ruyca (1994) na

nagpapatunay na ang pagsasangkot sa mga estudyante sa ITL ay nagpapakita ng

makabuluhang pagbabago ng pag-uugali kaysa sa nasasangkot sa TCA.

May mga pananaliksik at mga pag-aaral kung saan ipinapakita na ang

kooperatibong pagtuturo ay isang mabuting paraan ng pagtuturo na ginagamit sa iba't

ibang larangan ng edukasyon. Maraming mga teorya ang iminumungkahi na ang

kooperatib na paraan sa pagtuturo ay para sa lahat ng lebel at uri ng edukasyon. Ayon sa

pag-aaral, ang kooperatib na pagtuturo ay may mabuting kahihintulutan na positibong

pag-iisip at pang edukasyunal. May tatlo itong dulog kung saan ay sinusunod ang

kooperatib na pagtuturo, ito ay ang mga sumusunod; Cognitive approach, Motivational

approach, at Social Constructivism approach.

Ang kognitibong dulog ng kooperatib na pagtuturo ay patungkol sa mga

kailangan ng konseptual na balangkas upang matutunan ang mga bagay-bagay. Ito'y

nagmumungkahi na ang mga maliliit na pangkat ay natututo sa epektibong pamamaraan

kung sila'y sinasanay sa pagbuo ng konsepto. Ang Motivational na dulog ay patungkol sa

konsepto ng pagganyak sa maliliit na pangkat. Iminungkahi nito na ang mga estudyante

ay madaling napupukaw ang interes sa isang asignatura habang may ginagawa sa maliit

Page 17: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

na pangkat. Ito'y magkakaroon ng taguri na “one for all and all for one”. Ang social

constructivism na dulog naman ay tungkol sa pangsosyal na diskurso kung saan

kinakailangan upang magkaroon ng perpektong konsepto at natutukan. Ito rin ay

kinakailangan upang matanggal ang anumang maling kaalaman na may relasyon sa

natutuhan na uusbong sa loob ng grupo.

Ayon kay Ruyca (1994), binanggit niya sa kanyang pag-aaral tungkol sa

kooperatib na pagtuturo sa mathematika 6, na ang mga estudyante sa eksperimental na

grupo na dumaan sa kooperatib na pagtuturo ay mas mabuti kaysa sa mga estudyante sa

control group kung saan sinanay sa conventional na paraan ng pagtuturo.

Kabanata III

Page 18: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

PAMAMARAANG GINAMIT

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang tseklist o listahan ng mga gawain

upang mapadali ang pagpili ng mga estudyanteng taga-sagot nang sa gayon ay ganap na

malikom ang mga kinakailangang datos. Ito ay mahalaga upang mabantayan at higit na

makita ang mahahalagang impormasyon na dapat ay mapagtuunan ng pansin upang

magkaroon ng pagkasunod-sunod at walang makaligtaan sa pananaliksik na ito.

Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang "Kabisaan ng mga Estratehiyang

Ginagamit sa Pagtuturo ng Hayskul" ay gumamit ng Deskriptibong Pamamaraan ng

Pananaliksik kung saan layuning ipakita at ipaliwanang sa tulong ng sarbey ang

kamalayan at persepsyon ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan ng Fort

Santiago, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City.

Populasyon at Bilang nito

Ang mga mananaliksik ay pumili ng tatlumput-lima (35) na respondente mula sa

Mataas na Paaralan ng Fort Santiago, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City na

silang sumagot ng mga mga inihandang katanungan para sa sarbey.Ang mga

mananaliksik ay gumamit ng random sampling sa pagpili ng mga respondente na pinili.

Paraan ng Pagpili ng kalahok

Page 19: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Pinili ang mga kalahok na direktang naapektuhan at inaasahang makapagbibigay

ng angkop na tugon patungkol sa paksang “Kabisaan ng mga Estratehiyang

Ginagamit sa Pagtuturo sa Hayskul”. Ito ay kinasasangkutan ng tatlumput-limang (35)

mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan ng Fort Santiago, J.P. Rizal Extension, West

Rembo, Makati City. Gumamit ng Random Sampling ang mga mananaliksik o walang

pinipili o itinakdang pamantayan kung saan lahat ay may pagkakataong mapiling

respondente.

Deskripsyon ng kalahok

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang paksang “Kabisaan ng mga

Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo sa Hayskul”. ay kinabibilangan ng mga mag-

aaral mula sa Mataas na Paaralan ng Fort Santiago, J.P. Rizal Extension, West Rembo,

Makati City.

Instrumentong ginamit

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Kabisaan ng mga Estratehiyang

Ginagamit sa Pagtuturo sa Hayskul” ay gumamit at naghanda ng talatanungan na

ipapasagot sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang taon sa Mataas na Paaralan ng Fort

Santiago, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City.

Paraan ng pangangalap ng datos

Page 20: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey sa pamamagitan ng pagpapasagot

sa mga talatanungang inihanda. Gayon din ay nagsagawa ng obserbasyon at panayam sa

mga gurong kalahok patungkol sa nabanggit na pananaliksik.

Kabanata V

Page 21: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

PAGLALAGOM NG NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa bahaging ito ipinakita ng mga mananaliksik ang pangkalahatang lagom ng

pag-aaral, lagom ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon.

PAGLALAGOM

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Deskriptibong pamamaraan upang ilahad

ang lahat ng mga nakalap na impormasyon mula sa mga tatlumput-limang (35)

respondente mula sa Mataas na Paaralan ng Fort Santiago, J.P. Rizal Extension, West

Rembo, Makati City.

Base sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ay natuklasan ang

mga sumusunod:

1. Halos lahat ng estudyante ay sumasang-ayon sa mga estratehiya na patuturo na

inilahad ng mga mananaliksik sa mga katanungan kung saan makakatulong sa

kanilang pagkatuto katulad reporting, paggamit ng makabagong teknolohiya,

pagkatang-gawain at recitation.

2. Nakakaapekto ang mga estratehiyang ginagamit sa pagkatuto ng mga estudyante

sa paraang nagiging kawili-wili ang taklakayan sa mha ito at nakukuha ang

kanilang atensyon.

KONKLUSYON

Page 22: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Base sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ay nabuo ang mga

sumusunod na konklusyon:

1. Higit na nagiging kawili-wili para sa mga estudyante sa hayskul kung may mga

kakaibang estratehiyang ginagamit ang guro sa pagtuturo.

2. Higit na natututo ang mga mag-aaral sa hayskul kung sila ay nagkakaroon ng

pangkatang gawain.

3. Epektibo sa pagpapalago ng kaalaman ang lakbay-aral basta’t masisisgurong may

hatid na katuturan ang mga lugar na pupuntahan.

4. Nakakatulong ang pagkakaroon ng mga pagsasanay at recitation upang matuto

ang mag-aaral sa hayskul.

5. Mabisa ang pakikiisa ng mga mag-aaral sa mga akademikong kompetisyon upang

sila’y matuto.

REKOMENDASYON

1. Para sa mga guro na siyang pangunahing instrumento ng pagkatuto ng mga

mag-aaral, higit na dapat pagtuunan ng pansin ng mga ito ang pagtukoy sa mga

estratehiya sa pagtuturo na angkop sa pag-iisip at kakayahan ng mga estudyante

na kanilang tinuturuan.

2. Maging bukas ang mga guro sa mga panibagong pamamaraan ng pagtuturo tulad

ng paggamit ng makabagong teknolohiya kung saan kinaaaliwan ng mga kabataan

ngayon.

Page 23: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Page 24: Chapter 1,2,3 & 5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG EDUKASYON