chapter 1-3 edited 4 seminar old

Download Chapter 1-3 Edited 4 Seminar Old

Post on 09-Nov-2014

180 views

Category:

Documents

11 download

Embed Size (px)

TRANSCRIPT

LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTSGRADUATE SCHOOLKabanata 1 SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO Panimula Bawat bansa sa mundo ay may kani-kaniyang wikang bumibigkis sa damdamin ng kanyang mga mamamayan. Kung kayat ang wika ay nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa. Ang isang tao kahit saan siya magtungo ay makikilala kung sino siya at saang bansa siya nagmula dahil sa wikang taglay niya at gamit niya. Mula sa Korinto I 14:10-11 nakasaad na maraming ibat ibang wika sa daigdig at bawat isay may kahulugan, ngunit kung hindi marunong ng wikang ginagamit ng kausap, hindi magkakaunawaan ang mga tao. Sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao lamang ang binigyan ng kapangyarihang makapagsalita, makarinig, makabasa at makasulat ng may kritikal na pang unawa. Isang mahalagang kasangkapang nagagamit ng tao sa paglinang ng mga kasanayan ay ang wika. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya. Mahalaga ang wika sa pakikipagtalastasan maging sa pagtungo, paghahanapbuhay, at paninirahan sa ibang bansa. Kaugnay nito, sinasalamin ng wika ang kultura, kaisipan, kasanayan at sining ng sambayanan. Napag-uugnay-ugnay ng wika ang ibat-ibang salik ng kalinangan, ang

1

LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTSGRADUATE SCHOOLmasistemang simbolo sa tinig at sulat na ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin. Mahalaga ang wika di lamang sa sarili kundi sa pakikipag-interaksyon na rin sa kapwa at sa lipunan. Ginagamit sa pagkuha ng impormasyon, pagtatamo ng edukasyon, gayon din sa pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan. Sa wika napapabilis at napapagaan ang isang gawain. Subalit hindi maitatangging nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at pandaigdig na pagbabago. Ito ay dumedepende sa karanasan at pamumuhay ng tao. Kasama ng tao ang wika sa mga masusukal at maliligayang paglalakbay sa buhay. Itoy walang partikular na anyo at hangganan. Ang wika ay may mahalagang bahagi sa pagsulong ng kabihasnan sa alinmang panig ng daigdig. Ang sariling wika, ang Filipino, ay isang matatag na saligan ng ating bansa. Ito ay likas na kayamanan na kaagapay sa pagsulong ng bayan. Isa itong malaking maringal na pag-asa para sa lahat ng mga Pilipino. Kakambal ito ng pagunlad ng bansang may kalayaan. Nagsisilbing sandatang pumupuksa sa kaaway. Ang wika ay natural gaya ng paghinga at paglakad. Kung walang wika, walang paraan upang ang taoy makahakbang sa hinaharap. Ang wikay lumalawak at lumalaganap. Itoy nalilinang ng pangangailangang panlipunan at bumabagay sa pag-iiba ng kalagayang sosyal. Kasama ito sa mga ordinaryong bagay na kakabit na ng pang araw-araw na buhay. Sa pamamagitan din ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin, paniniwala ang mga tao. Sapat sa pangangailangan ng mga taong gumagamit ng wika ang kanilang sinasalitang wika batay sa kanilang kultura. Ang wikang Filipino, halimbawa ay sapat sa pangangailangan ng mga Pilipino para gamitin ito sa pakikipagtalastasan. Binibigyang-diin ng simulaing ito na ang sinumang nagtuturo ng wika, kasabay na itinuturo ang isang sistema ng kultura at kaugalian, pagpapahalaga, paraan ng pag-iisip, pagkilos at pagdama ng mga taong gumagamit ng target na wika. Napakahalagang magkaroon ng sariling wika ang isang bansa tulad ng Pilipinas. Isinasaad ng Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987 na ang Wikang Pambansa ng

2

LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTSGRADUATE SCHOOLPilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa wika ay susi ng pagkatuto at tagumpay sa pag-aaral ng lahat ng asignatura sa paaralan. Ang Filipino bilang wikang pambansa ay naging mabisang kasangkapan nating mga Pilipino sa pakikipagtalastasan. Kailangan itoy maging isang wikang magagamit sa pagtuturo. Alinsunod sa mga probisyon sa batas at kung mamarapatin ng kongreso, gagawa ng mga hakbang ang ating gobyerno upang simulan at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wikang opisyal na komunikasyon at bilang wika sa pagtuturo sa lahat ng sistema ng Edukasyon. Kaugnay nito isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat programa sa pag-aaral na inilatag ng DepEd ay ang Filipino. Ang asignaturang Filipino ay dinisenyo ng departamento ng edukasyon upang mapalawak ang kaalaman ng bawat Filipino patungkol sa sariling wika at ang mga kagamitan nito. Sa isang bansang maraming dayalektong ginagamit tulad ng Pilipinas, ang pag-aaral ng wikang Filipino sa paaralan ay makatutulong ng malaki sa larangan ng pakikipagkomunikasyon sa kapwa Pilipino sa anumang panig ng bansa. Pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ang paglinang sa kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. Ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa paaralan ay ang pagunawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa paaralan, pati na ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-unawa kung paano natutuhan ang wika, una o pangalawang wika man, at ang mga proseso sa pagkatuto nito. Wika ang pokus ng pagaaral sa asignaturang Filipino sa ikalawang antas ng sekundarya. Sanhi nito, ang mga mananaliksik ay naglalayon na matulungan ang mga guro upang mas mapaunlad pa ang perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang pagaaral sa mga paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng

3

LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTSGRADUATE SCHOOLperpormans ng bawat mag-aaral. Gayunpaman, nakalulungkot ang katotohanan na ilan sa mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ang hindi lubos na naka-uunawa sa kahalagahan ng pag- aaral ng wikang Filipino. Ang kabisaan kapakinabangan at kabuluhan ng pagtuturo at pagkatuto ay nakasalalay sa positibong saloobing taglay ng mga mag-aaral hinggil sa asignaturang kanyang pinag-aaralan. Kung negatibo ang saloobin magiging mabuway o mahina ang pagkatuto at ang retensyon ng kaalaman ay magiging pansamantala lamang. Kung magkagayon ay walang makikitang aplikasyon o repleksyon man lamang ng pagkatuto mula sa perpormans ng mga mag-aaral. Ito marahil ang dahilan kung bakit tila nasasayang at nauuwi lamang sa wala ang inilalaang oras ng mga guro para sa kanyang pagtuturo. Alinsunod dito mahalagang maging sensitibo ang bawat guro sa gawi at asal na ipinakikita ng mga mag-aaral sa loob ng klase sapagkat ang mga ito ay maaari nilang magamit bilang indikeytor upang malaman ang saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa asignaturang kanilang itinuturo. Ito ay maaaring magsilbing gabay ng bawat isa upang higit na mapabuti ang pagpaplano ng mga tiyak na gawain at pagpili ng mga angkop na istratehiyang makatutulong sa paghubog ng mabuting paniniwala, gawi at saloobin ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Hindi lingid sa mga guro na isa sa mga kinaaayawang asignatura ng mga mag-aaral ay ang Filipino. Ang ilang dahilan nakakabagot, nakakaantok at iba pang dahilan na hindi kaaya-aya sa pandinig. Ang nagiging bunga sa mga mag-aaral ng mga kadahilanang ito ay ang pagbagsak sa asignaturang Filipino, madalang na pagpasok sa asignaturang Filipino at kawalan ng pagpapahalaga sa wikang Filipino. Ang makabuluhang paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ang magtutulak sa kanilang linangin at paunlarin ang kanilang kaalaman upang maging mahusay sa wikang Filipino. Lubhang nakakaalarma o kung hindi man isang malaking hamon para sa mga gurong nagtuturo ng Filipino ang patuloy na pagbaba ng antas ng perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang ito gayundin

4

LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTSGRADUATE SCHOOLang paglaganap ng ibat ibang miskonsepsyon hinggil sa halaga at kabuluhan ng pag-aaral ng Filipino. Bilang mga edukador ninanais nating maging matagumpay at kapakipakinabang ang bawat minuto ng ating pagtuturo datapwat isang malaking salik tungo sa pagtatamo ng hangaring ito ang saloobin ng mga mag-aaral at mga taong nakaiimpluwensya ng malaki sa mga kabataang ito. Minabuti ng mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang mga paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Filipino at ang kaugnayan nito sa kanilang perpormans sa ikalawang antas ng Mataas na Paaralan ng Hilagang Distrito ng Lungsod ng Tanauan at upang mapaunlad ang pag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang Hilagang Distrito ng Lungsod ng Tanauan ay binubuo ng Tanauan City High School, Pantay National High School at Malaking Pulo National High School. Hindi lamang ang mga nabanggit na paaralan ang may layuning paunlarin ang pagaaral sa asignaturang Filipino, gayundin ang iba pang paaralang nasasakupan ng Lungsod ng Tanauan. Upang higit pang mapaunlad ang pag-aaral sa asignaturang Filipino, kinakailangang matukoy ang mga paniniwala at saloobin ng mga ma-aaral sa asignaturang ito. Ang makabuluhang paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral ang pagmumulan ng kanilang mabuting pag-uugali na makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang perpor

Recommended

View more >