buod - ahr.com.auahr.com.au/wp-content/uploads/2018/02/philippines-factsheet_seedling... · farmer...
TRANSCRIPT
1 Vegetable Seedling Production Guide
Buod
Ang kapaki-pakinabang na paggugulayan ay nagsisimula
sa maganda at malusog na punla. Mataas at may kalidad
na produkto ang maani sa mga pananim gaya ng kamatis,
lara, letsugas, pechay, ampalaya at talong kung ito ay
ipinunla muna sa seedling trays bago ilipat-tanim. Ang
ibang pananim gaya ng mga butung at mais ay maganda
kung diretsong tanim na sa lupa.
Ang mga pag-aaral sa Leyte ay nagpapatunay na tumaas
ng 50-70% ang ani ng letsugas at pechay kung ipinunla sa
seedling trays bago ilipat-tanim kaysa sa diretsong tanim.
Ganoon din ang napatunayan sa kamatis at lara na
naipunla muna sa seedling trays kumpara sa kamang
punlaan bago ilipat-tanim.
Pamamahala ng Punlaan Mahalaga na palakihin muna ang mga punla sa ilalim ng istruktura, at nakataas sa lupa. Kung ang punla ay lapat
sa lupa, kalimitang nasisira ito dahil sa pag-iiba ng panahon at maagap na pagkakaroon ng mga sakit. Mga pangangailangan ng magandang produksyon ng punlang gulay:
Panghabong na tela o bubong na UV stabilized plastik. Kung gumagamit ng plastik, palagiang linisin ito para lagusan ang sikat ng araw.
Kung puede, paligiran ito ng bithay o screen upang di pasukin ng mga pesteng kulisap.
Itaas ang mga patungan ng seedling trays halos 1 m ang angat sa lupa gamit ay bakal o anumang materyal gaya ng kahoy at kawayan
Maliwanag na lugar - huwag ilagay sa ilalim ng mga puno
Maayos ang bentilasyon para di maging mainit: 20-25oC ang pinakamagandang temperatura para sa magandang paglaki ng mga punla.
(Kaliwa) Punlaan sa ilalim ng istruktura binubungan ng plastik at napaligiran ng dinding na screen o bithay
upang maliwanag at maganda ang bentilasyon. (Kanan) Nakataas sa mga patungang bakal ang mga seedling
trays.
FARMER FACTSHEET
2 Vegetable Seedling Production Guide
Vegetable Seeding Production Guide
Mga Materyal Punlaan Sangkap Vermicast na punlaan Lupang punlaan (loam) Lupang punlaan (luwad)
Pinaka-substrate
Dumi ng hayop o
kompost
70% Vermicast 1 parte ng loam na lupa 1 parte ng luwad na lupa
- 1 parte ay nabulok ng dumi o
kompost
2 parte ay nabulok ng dumi
o kompost
Ipa ng palay 30% ay supok na ipa ng
palay
1 parte ay binulok na supok
na ipa ng palay
1 parte ay binulok na supok
na ipa ng palay
Apog o dolomite,
depende sa asim o alat
(kg/m2)
2.0 2.0 2.0
Superphosphate – pino (kg/m2)
Potassium nitrate
(kg/m2)
2.0 2.0 2.0
1.0 1.0 1.0
Halong Trace element
(g/m2)
200-400 200-400 200-400
Haluing mabuti ang pagpupunlaan sa isang malinis na lugar. Kung gagamit ng vermicast, ilagay ito sa lugar na may bubong o takip. Kung ang pagpupunlaan naman ay lupa, dapat itong iluto bago gamitin.
Pagluluto ng lupang pagpupunlaan Kailangang lutuin muna ang gagamiting lupang
pagpupunlaan upang di magkaroon ng mga pesteng sakit
gaya ng natuba, kulisap at di tubuan ng mga damo.
Iluto ang lupa ng mga 30 minutos sa init na 70oC gamit ang pugon o nakasalang sa ibabaw ng apoy. Puede rin itong pasingawan. Mayroon ding nabibili ng lupang niluto o malinis na laban sa mga mikrobyo.
Ang mga lagayan at gamit sa punlaan ay kailangan ding linisin sa pamamagitan ng paglubog sa tinimplang 1:9 chlorox at tubig sa loob ng 30 minuto.
.Plastik na seedling trays
Lagayan ng mga punla o punlaan Ang mga lagayan ng punla o punlaan ay maaring nabibili
o kaya naman ay lukong o nirolyong piraso ng dahon ng
saging.
1. Seedling trays
Nabibili ito sa iba't-ibang sukat (50-128 na butas
kada tray)
Sidlan ng lupa bawat butas ng tray
Depende sa tanim, lagyan ng 1-2 butil o binhi ang
bawat butas.
Pagluluto ng lupa sa nakasalang na kawa sa apoy.
FARMER FACTSHEET
3 Vegetable Seedling Production Guide
Vegetable Seeding Production Guide
Lukong (binilot na dahon ng saging) ay ginagamit
kung walang pastik na seedling trays
Ang lalim ng paglubog sa binhi o butil ay depende sa laki
ng binhi. Dapat ilubog ito 2 beses ang laki sa binhi
2. Lukong
Ginagamit ito kung walang seedling trays, gamit ay
dahon ng saging
Ang dahon ng saging kapag nirolyo ay 2 cm ang
diyametro o luwang at 15 cm ang taas
Sidlan ng lupang pagpupunlaan ang mga lukong
bago ihanay sa patag na lagayan
Ilubog ang mga binhi sa lukong. Sundin ang mga iba
pang paraan kagaya ng sa seedling trays.
Pagpupuno ng mga sisidlan at pagpupunla Mahalagang magsimula sa magandang kalidad na binhi.
Ang binhi ay dapat buhat sa pinagtitiwalaang pinagmulan,
walang sakit, parehas ang laki at uri, mataas ang porsiyento
ng pagsibol at nakaimbak sa malamig nguni't tuyong lugar.
Punuan ng lupang punlaan ang mga seedling trays, bago
awasin pantay sa bunganga ng butas. Ganuon din sa
lukong, ihanay tabi-tabi ang lukong bago punuin ng lupa.
Ilubog ng 1 cm ang bawat butil ng binhi sa lupa bago
tabunan. Ilagay ang mga seedling trays o lukong sa mga
taasang bakal, kahoy o kawayan bago diligan ng pinong
patak ng tubig.
Takpan ang mga trays o lukong ng sako pagkadilig upang
di matuyoan ang lupa at mapanatili ang temperatura na
nagpapabilis ng pagsibol ng binhi. Kapag sumibol na ang
binhi, alisin na kaagad ang takip na sako upang di
magkaroon ng abnormal o kakaibang paglaki ang mga
punla
Pagdidilig Diligin ng ilang ulit ang mga punla upang manatiling basa-
basa (nguni't di sinlimit ng bago ito sumibol). Huwag
pasobrahan ang dilig upang di matuba ang punla. Ang
malalaking patak ng tubig ay nakakasira sa mga bagong
sibol na binhi kaya't gumamit ng maliliit na patak ng
pandilig.
Pag-aabono ng punla Lagyan ng abono 10 araw pagkasibol ng binhi. Tunawin
ang 1 kutsara ng calcium o potassium nitrate sa 1 galon ng
tubig at simulan ang pagdidilig nito kada 7-10 araw.
Hugasan ang mga dahon ng kaunting malinis na tubig
upang di tumagas ang abono.
Mga peste at sakit Mahigpit na pangalagaan ang mga punla upang di
makapasok ang mga peste at sakit sa punlaan. Subukang
maggawa ng talaan ng mga gawain sa loob ng punlaan at
huwag humawak sa malusog na punla kung humawak sa
maysakit na punla.
Bisitahin at subaybayan ang mga sintomas ng sakit kagaya
ng mapayat na puno, maiitim na patak o marka sa dahon at
puno. Habang maaga pa, gumamit ng pestesidyong pang-
amag kung kinakailangan. Tingnan ang mga ilalim ng
dahon o mga talbos kung may mga pesteng kulisap.
Gumamit ng pandilig na may maliliit na butas para
di masira ang mga bagong sibol na binhi
FARMER FACTSHEET
4 Vegetable Seedling Production Guide
Vegetable Seeding Production Guide
Applied Horticultural Research Pty Ltd (AHR), the Australian Centre for International Agricultural Research (ACIAR) and NSW Department of Primary Industries (NSW DPI) make no
representations and expressly disclaims all warranties (to the extent permitted by law) about the accuracy, completeness, or currency of information in this fact sheet. Users of this material
should take independent action before relying on it’s accuracy in any way. Reliance on any information provided by AHR, ACIAR or NSW DPI is entirely at your own risk. AHR, ACIAR or
NSW DPI are not responsible for, and will not be liable for, any loss, damage, claim, expense, cost (including legal costs) or other liability arising in any way from your use or non-use of
information in this fact sheet, or from reliance on information AHR, ACIAR or NSW DPI provides to you by any other means.
Magbomba rin ng pestesidyo kung kinakailangan. Alisin
ang mga may sakit at sirang punla, ilagay sa isang supot
na plastik at sirain ito ng di na makahawa pa sa ibang punla.
Mga peste at sakit ng mga punla
Apaya at mga maninipsip na kulisap (mga nagdadala ng
mga sakit na bayrus). Puwedeng gumamit ng mga
systemic na pestesidyo.
Natubang punla (iwasan ang paggamit ng lupa para pagpunlaan upang mapangalagaan ang pagkatuba.
Damping off o natuba : Pangkaraniwang problema sa punlaan • Ito ay sanhi ng amag na Rhizoctonia, Fusarium,
Phytophthora at Pythium. • Ang sintomas nito ay mabasa-basang patse sa puno
kaya't lumalambot at natutumba ang punla, natutuyo hanggang namamatay.
• Ang mainit na kondisyon at basang punlaan ay umaayon sa sakit na ito.
• Huwag sobrahan ang basa sa pagdidilig, hayaan lamang itong mamasa-masa.
Pagpapatigas sa punla • Ang punla ay kailangang ihanda sa pag-iiba ng
kondisyon sa taniman kanya’t ilabas ito sa initan bago
itanim
• Ang pagpapatigas sa punla ay ginagawa sa unti-unting
pagbabawas ng dilig at manaka-nakang paglalabas ng
punla sa initan 5-10 araw bago ilipat-tanim.
Paglilipat-tanim Bago pa maglipat-tanim, kailangang handa na ang
pagtataniman at napatubigan na. Mahalagang malusog at
maganda (walang sakit at mga pesteng kulisap) na punla
(tanim o sanga) ang mga pananim.
Ang mga punla ay puwede ng ilipat-tanim kung humigit-
kumulang na sa 4 na linggo o kung may 4-5 dahon na.
Basaing mabuti ang mga punla bago ilipat-tanim. Ang
pagdidilig ng tinunaw na 1 kutsara ng calcium nitrate sa 1
galon ng tubig ay makakaiwas sa pagkabigla ng punla.
Maingat na hawakan ang mga punla upang di ito masira at
mabigla sa pagkalipat sa
taniman.Iwasang masira ang
mga ugat kapag inaalis sa
seedling trays o lukong.
Maghukay sa lupa lagyan ng 1
kutsara ng 14-14-14 ang butas,
takluban ng kaunting lupa bago
maingat na ilagay ang punla
upang hindi diretsong mapadikit
ang ugat sa abono ng di masira.
Tabunan ng lupa ang paligid ng
ugat at marahang idiin ang lupa.
Ang lupa ay hindi dapat lampas
sa taas ng paligid ng ugat.
Kaagad diligan ng katamtaman
ang halaman pagkalipat-tanim.
Ang paglilipat-tanim ay
pinakamainam sa umagang-
umaga o sa hapong-hapon na
upang maiwasan ang
pagkalanta dahil sa init ng araw.
Ang punla ay dapat
ilipat-tanim sa
nabasang lupa at
nilagyan ng abono
Ang damping off o natubang punla ay namamatay lalo
na sa mainit at basang kondisyon
Punla ng lara handa ng ilipat-tanim