buhay na mula sa diyos, pahalagahan
TRANSCRIPT
DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VI Division of Mandaue
Plaridel St. Centro Mandaue City
BUHAY NA MULA SA DIYOS,
PAHALAGAHAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
QUARTER 4 / WEEK 1
SELF-LEARNING KIT 1
PAUNANG SALITA
Itong SLK ay inihanda para sa mga mag-aaral sa
Ikaapat na Baitang na kagaya mo nag-aaral sa Edukasyon
sa Pagpapakatao.Layunin nito na mapatnubayan ka sa
pagbibigay ng desisyon at magsagawa ng mga hakbang
para sa kabutihan ng iyong pamilya , kapitbahay at
kapwa taong naninirahan sa paligid. Lahat ng mga
gawain dito ay iniangkop sa iyong edad ,hilig at kakayahan
na naaayon sa pangangailangan lalo na nitong panahon
ng paghihirap.
Ang kagamitang ito ay nahahati sa tatlong
bahagi para sa isang linggong pag-aaral.
A. Anong nangyari? Sa bahaging ito, kayo ay sasagot sa
mga gawaing naghahanda sa iyo para magkaroon ka
ng kaalaman sa bagong aralin.
B. Ano ang dapat kong malaman? Sa bahaging ito ay
malalaman mo ang Konsepto sa Kompetensi na iyong
pag-aralan.
C. Ano ang aking natutunan? Sa bahaging ito masusukat
ang iyong kaalaman ukol sa pagpapahalaga ng sariling
buhay na kaloob ng Dioys.
D. Paano gagamitin ang modyul?
Narito ang iyong gagawin:
1. Basahing mabuti ang modyul upang makasagot ka
sa mga tanong.
2. Kapag nahihirapan kayo sa ilang salita, magtanong
sa iyong ina, ama, ate, kuya o sa ilang kasapi ng
iyong pamilya.
3. Isulat sa isang malinis na papel ang iyong mga
sagot.
Dito sa modyul kayoý matutulungan sa :
❖ Pagpapakita ng wastong pangangalaga sa sarili;
❖ Pagbibigay ng halaga sa buhay na kaloob ng Diyos;
❖ Pagsasagawa ng mga gawaing nagdudulot ng sariling
kalusugan
Kompetensi sa Pagkakatuto:
➢ BUHAY NA MULA SA DIYOS PAHALAGAHAN
Tingnan mo ang mga larawan:
A B
Isipin ang iyong karanasan batay sa mga larawang iyong
nakikita.
Sagutin ang mga tanong:
1. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng
pangangalaga sa sarili?
2. Sila baý nagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay
nila?
3. Paano nila ito pinahalagahan?
A. Anong nangyari?
Basahin ang isang kwento.
”ALAM KO NA !”
Isang araw, kumain ng pananghalian si Benny.
Gaya ng dati, gusto niyang kumain ng pritong manok
lamang o kaya’y sinigang na baboy. Mahilig din siyang
kumain ng fries at uminom ng softdrinks pagkatapos
mananghalian. Ayaw niyang kumain ng gulay at
prutas. Kaunti lang ang kinain niya sa pananghalian
dahil ang ulam niya ay isda at gulay. Ilang araw ang
lumipas, napansin niyang bumibigat ang timbang niya.
Palaging sumasakit ang mata niya at nanghihina pa.
Dahil dito, bumaba ang kanyang grado at iniiwasan
siya sa mga kaklase dahil madali siyang mapikon sa
mga biro nila. Minsan, napagtanto niyang hindi niya ito
pinangarap. Naalala tuloy niya ang sinabi ng kanyang
tatay at nanay , ”Anak,ang buhay ay kaloob ng Diyos
kaya, ingatan mo ito at pangalagaan.” Naisipan
niyang baguhin ang kanyang pag-uugali. Mula noon,
inalagaan na niya ang kanyang sarili dahil para sa
kanya ang buhay ay kaloob ng Diyos.
B.Ano ang dapat kong
malaman?
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa isang kwaderno ang
iyong sagot.
1. Ano ang gustong kainin ni Benny noong una?
2. Palaging kumain ng fries at uminom ng softdrinks si
Benny. Anu-ano ang naging epekto nito sa katawan
niya?
3. Ano ang naalala niya sa sinabi ng kanyang mga
magulang?
4. Bakit napag-isipan niyang alagaan ang kanyang
sarili?
5. Kung ikaw si Benny, paano mo pangalagaan ang
iyong sarili?
Tandaan:
Biyaya ng Diyos ang pagpapahalaga natin sa
kalusugan ng ating katawan at isipan. Gayundin ang
pagiging malinis at maayos sa ating mga sarili. Lagi
nating tandan,”Ang kalusugan ay kayamanan”.
Sinuman at lalo’t higit ang Diyos ay magiging masaya
kung inaalagaan natin ang ating kalusugan at
pangangatawan.
C. Ano ang aking
natutuhan?
GAWAIN 1:
Bilugan ang mga larawang nagpapakita ng
pangangalaga sa sarili.
A B
C D
E F
GAWAIN 2:
Basahin ang mga sitwasyon sa unang hanay. Sa
ikalawang hanay, lagyan ng tsek (√) kung ito ay ginagawa
mo at ekis (x) kung hindi. Sa ikatlong hanay naman ay
ipaliwanag ang dahilan ng iyong mga sagot. Gawin ito sa
iyong kwaderno.
Sitwasyon √ o X Paliwanag
1.Nag-eehersisyo
ako araw-araw
2.Naghuhugas
ako ng paa
pagkahubad ng
sapatos
3.Nagpapahinga
ako pagkatapos
ng pagdidilig ng
halaman
4.Naliligo ako
pagkatapos
maglaro ng
basketball
5.Madalas akong
kumakain ng
hotdog, tocino at
barbecue
GAWAIN 3:
Anu-ano ang mga inaasahang ginagawa ng iba’t-
ibang bahagi ng ating katawan?
May mga mata ako upang
_________________________________________.
Dahil dito dapat kong ____________________.
May mga kamay ako upang
__________________________________________
Dahil dito dapat kong ____________________.
May mga tainga ako upang
____________________________________.
Dahil dito dapat kong ____________________.
May puso ako upang
__________________________. Dahil dito dapat
kong ____________________.
May mga bibig ako upang
____________________________. Dahil dito dapat
kong ___________________________.
PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN:
A. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang
titik ng wastong sagot.
1. Bumili ng pagkain si Rey sa kantina. Aling pagkain ang
kanyang bibilhin na makabubuti sa kanyang kalusugan?
a.junkfoods
b.kendi
c.nilagang kamote
d.french fries
2. Alas syete na ng gabi, inanyayahan ka sa kaibigan mong
magpunta kayo sa internet café upang maglaro. Ano ang
gagawin mo?
a.sabihin sa kanya na gabi na para magpunta doon
b.tawagin mo pa ang ibang kaibigan upang isama
c.agad kang sasama
d.aawayin mo siya
3.Masakitin ang kaibigan mong si Rose. Alam mong ayaw
niyang kumain ng gulay at prutas. Ano ang maipapayo mo
sa kanya?
a.Ipaliwanag ko sa kanya ang kahalagahan ng gulay at
prutas sa ating katawan.
b.Sasang-ayon ako sa kanyang kagustuhan.
c.Lalayo ako sa kanya
d.Tutuksuhin ko siya
4.Gustong-gusto ng kapatid mo ang pagkain ng junkfoods
at pag-inom ng softdrinks. Ano ang gagawin mo?
a.Hihingi ako ng junkfoods at softdrinks sa kanya.
b.Sasabihin ko sa kanya ang masamang epekto sa pagkain
ng junkfoods at pag-inom ng softdrinks
c.Papagalitan ko siya at ipapahiya sa mga kaibigan
d.Sasabihin ko sa nanay na parusahan siya
B. Iguhit ang kung tama ang ginawa at kung mali.
_____1. Magdamag na nagfacebook si Allen.
_____2. Kumain ng gulay at prutas si Daisy.
_____3. Nag-eehersisyo si Ernie araw-araw.
_____4. Naliligo si Jun pagkatapos maglaro ng basketball.
C. Kumpletuhin ang patlang ng pangakong
pangangalaga sa sarili.
Pangako Ko, Tutuparin Ko
Ako,_______________bilang isang nilikha ng Diyos ay
nangangakong________________simula___________upang
________________. Naniniwala ako na
____________dahil_________________.
_____________
Lagda
NOTE: (Some images if not all are taken in Google for the benefit of
clarity/emphasis of the content of this module.)
ACKNOWLEDGEMENT
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
NIMFA D. BONGO, Ed. D., CESO V
Schools Division Superintendent
ESTELLA B. SUSVILLA Ph. D.
Assistant Schools Division Superintendent
JAIME P. RUELAN, Ed. D.
Chief, Curriculum Implementation Division
MA. ISMAELITA N. DESABILLE, Ed. D.
Education Program Supervisor (LRMDS)
MILA C. GAITAN, Ed. D. & MARIA DELIA MINOZA, Ed. D.
PSDS/EsP Coordinator
ANDRESA L. GERAGO – MT-1
Illustrator/ Layout Artist
CRISANTO S. TORREGOSA – T-2
Writer
DEPARTMENT OF EDUCATION – REGIONAL OFFICE VII
SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed. D., CESO V
Director III
OIC - Regional Director
MARIA JESUSA C. DESPOJO, Ed. D.
Chief, Regional Curriculum Implementation Division
MAURIETTA F. PONCE
LRMDS, Regional Program Supervisor
JUDITH B. ABELLANEDA, Ed. D.
Regional EsP Program Supervisor
SYNOPSIS
Itong SLK ay nagpapaliwanag ng sariling buhay
na kaloob ng Diyos. May iba’t-ibang Gawain ang
nakapaloob nito upang mas lalong maintindihan at
mapalawak ang kaisipan ukol sa paksang pag-aralan.
Inaasahang pagkatapos mong mabasa at
masagutan itong SLK ay maipakita mo ang iyong
kaalaman ukol sa pagpapakita ng wastong
pangangalaga sa sarili at pagbibigay ng halaga sa
buhay na kaloob ng Diyos.
REFERENCES
❖ Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang Kagamitan sa Mag-aaral Manwal ng Guro Kagawaran ng Edukasyon Binagong Edisyon 2017 (DepEd – BLR)
May akda CRISANTO S. TORREGOSA.
Nagtapos sa Cebu Institute of
Technology ng Bachelor of Elementary
Education noong 2006. Sa kasalukuyan
ay kumukuha ng Masters Degree sa
Cebu Technological University sa Major
na Management and Supervision.
SUSI SA PAGWAWASTO Modyul 1 – Week 1 Qtr. 4
A. Anong nangyari?
1-3. Lagyan ng puntos ang mga sagot ayon sa sariling opinyon.
B. Ano ang dapat kong malaman?
Kuwento: “Alam ko na”
1. kumain ng pritong manok lamang o kaya’y sinigang na baboy. Mahilig din
siyang kumain ng fries at uminom ng softdrinks pagkatapos mananghalian.
2. bumibigat ang timbang niya. Palaging sumasakit ang mata niya at
nanghihina pa
3. Anak,ang buhay ay kaloob ng Diyos kaya, ingatan mo ito at pangalagaan.”
4. Dahil dito, bumaba ang kanyang grado at iniiwasan siya sa mga kaklase
dahil madali siyang mapikon sa mga biro nila
5. Lagyan ng puntos ang sagot ayon sa sariling opinyon.
Gawain 1.
A B C D E F
Gawain 2.
1-4. Lagyan ng puntos ang mga sagot ayon sa sariling opinyon.
Gawain 3.
1-5. Lagyan ng puntos ang mga sagot ayon sa sariling opinyon.
Pagpapalawak ng Kaalaman:
A. 1. c
2. a
3. a
4. b
B.
1.
2.
3.
4.
c.
Lagyan ng puntos ang mga sagot ayon sa sariling opinyon.