bayan o sarili

6
-nasa likod ang kasunod- BAYAN O SARILI Bayan o Sarili.... Negosyo o Pagmamahal sa Bayan.... ito ang mga katagang binigkas ni Heneral Antonio Luna noong panahon ng rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano. Ang mga katagang nasabi ni Heneral Antonio Luna ay angkop na angkop sa kasalukuyang nangyayari sa ating bayan. Sa kasalukuyang panahon sobrang hirap ang inaabot ng mga tao sa ating bayan sa kawalan ng potable water o maiinom/magagamit na tubig sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Matapos na maglabas ng Desisyon ang Ombudsman na maanomalya at labag sa batas ang kontrata sa tubig ni ISRAEL BUILDERS & DEVELOPMENT CORPORATION (IBDC) sa ating bayan, ang Provincial Attorney na si Atty. Sherwin Marc Arcega Lindo (Atty. Lindo) ay naglabas ng kanyang Legal Opinion na dapat ay take over o kunin na ng ating lokal na pamahalaan ang pamamahala sa ating water system. Ang pinakabuod po ng Legal Opinion ni Atty. Lindo ay nakasaad sa sumusunod: “HENCE, WATER BEING IMPRESSED WITH MUCH PUBLIC INTEREST; AND, HUMAN LIFE AND HEALTH, AS PRIMORDIAL CONSIDERATION, UNDERSIGNED IS OF THE OPINION THAT PURSUANT TO SAID GENERAL WELFARE CLAUSE, THE MUNICIPAL GOVERNMENT OF MAJAYJAY COULD LEGALLY TAKE OVER THE OPERATION AND MAINTENANCE OF THE WATER SYSTEM OF SAID MUNICIPALITY [LGU] FROM PRIVATE OPERATOR IBDC.” Sa kanyang liham na may petsang March 19, 2014, si Mayor Tino Rodillas ay sumulat at nag-ulat sa abogado ng bayan na kung saan ay sinasabi ni Mayor Rodillas na ang pamahalaang bayan na natin ang siya nang nagpapatakbo at namamahala sa ating Water System. Kaya magmula noong March 19, 2014 hanggang sa kasalukuyang panahon, maliwanag na ang namamahala at nagpapatakbo ng ating Water System ay ang ating pamahalaang lokal sa pamumuno ni Mayor Tino Rodillas. Subalit magmula noong March 19, 2014 at magpahanggang sa ngayon, lalong sumama ang takbo ng ating Water System at ang buong bayan natin ay tunay na naghihirap sa tubig ngayon gayong napakarami tayong bukal na panggagalingan ng tubig na maiinom. Hindi naman pwedeng sabihin na walang pera ang ating bayan upang kumpunihin at pagandahin ang ating Water System. Ang atin pong bayan ay may tinatanggap taon-taon na Internal Revenue Allocation (IRA) mula sa ating national na gobyerno. Ang IRA ang siyang kabahagi ng ating bayan sa buwis na nalilikom ng ating national na gobyerno. Ayon sa batas o Local Government Code ang dalawangpung porsyento o 20% ng IRA ay dapat ilagak at gamitin na Municipal Development Fund (MDF) tulad ng pagpapagawa at pagpapaganda ng ating Water System. Noong 2013, ang IRA na natanggap ng ating bayan ay P 48,966,522.00 at noong 2014 ang IRA natin ay P 56,056,610.00. Kaya ang 20% MDF para sa taong 2013 ay P 9,793,304.00 at ang MDF naman para sa taong 2014 ay P 11,211,322.10. Kaya sa loob ng dalawang taon lamang ang MDF na pwedeng gamitin para sa pagpapaganda ng ating Water System ay may kabuuang halaga na P 21,004,626.20. Kung ating kwentahin na lamang na ang IRA ng ating bayan para sa taong 2015 ay katulad ng IRA noong 2014, lumalabas na mayroon pondo para sa MDF sa taong 2015

Upload: romulo-urcia

Post on 02-Dec-2015

73 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

Bayan o Sarili

TRANSCRIPT

Page 1: Bayan o Sarili

-nasa likod ang kasunod-

BAYAN O SARILI

Bayan o Sarili.... Negosyo o Pagmamahal sa Bayan.... ito ang mga katagang

binigkas ni Heneral Antonio Luna noong panahon ng rebolusyon ng mga Pilipino laban

sa mga Amerikano. Ang mga katagang nasabi ni Heneral Antonio Luna ay angkop na

angkop sa kasalukuyang nangyayari sa ating bayan.

Sa kasalukuyang panahon sobrang hirap ang inaabot ng mga tao sa ating bayan sa

kawalan ng potable water o maiinom/magagamit na tubig sa pang araw-araw na

pangangailangan ng mga tao. Matapos na maglabas ng Desisyon ang Ombudsman na

maanomalya at labag sa batas ang kontrata sa tubig ni ISRAEL BUILDERS &

DEVELOPMENT CORPORATION (IBDC) sa ating bayan, ang Provincial Attorney na

si Atty. Sherwin Marc Arcega Lindo (Atty. Lindo) ay naglabas ng kanyang Legal

Opinion na dapat ay take over o kunin na ng ating lokal na pamahalaan ang pamamahala

sa ating water system. Ang pinakabuod po ng Legal Opinion ni Atty. Lindo ay nakasaad

sa sumusunod:

“HENCE, WATER BEING IMPRESSED WITH MUCH PUBLIC

INTEREST; AND, HUMAN LIFE AND HEALTH, AS PRIMORDIAL

CONSIDERATION, UNDERSIGNED IS OF THE OPINION THAT

PURSUANT TO SAID GENERAL WELFARE CLAUSE, THE

MUNICIPAL GOVERNMENT OF MAJAYJAY COULD LEGALLY

TAKE OVER THE OPERATION AND MAINTENANCE OF THE

WATER SYSTEM OF SAID MUNICIPALITY [LGU] FROM PRIVATE

OPERATOR IBDC.”

Sa kanyang liham na may petsang March 19, 2014, si Mayor Tino Rodillas ay

sumulat at nag-ulat sa abogado ng bayan na kung saan ay sinasabi ni Mayor

Rodillas na ang pamahalaang bayan na natin ang siya nang nagpapatakbo at

namamahala sa ating Water System. Kaya magmula noong March 19, 2014 hanggang

sa kasalukuyang panahon, maliwanag na ang namamahala at nagpapatakbo ng ating

Water System ay ang ating pamahalaang lokal sa pamumuno ni Mayor Tino Rodillas.

Subalit magmula noong March 19, 2014 at magpahanggang sa ngayon, lalong sumama ang takbo ng ating Water System at ang buong bayan natin ay tunay na

naghihirap sa tubig ngayon gayong napakarami tayong bukal na panggagalingan ng tubig

na maiinom. Hindi naman pwedeng sabihin na walang pera ang ating bayan upang

kumpunihin at pagandahin ang ating Water System.

Ang atin pong bayan ay may tinatanggap taon-taon na Internal Revenue

Allocation (IRA) mula sa ating national na gobyerno. Ang IRA ang siyang kabahagi ng

ating bayan sa buwis na nalilikom ng ating national na gobyerno. Ayon sa batas o Local

Government Code ang dalawangpung porsyento o 20% ng IRA ay dapat ilagak at

gamitin na Municipal Development Fund (MDF) tulad ng pagpapagawa at pagpapaganda

ng ating Water System. Noong 2013, ang IRA na natanggap ng ating bayan ay

P48,966,522.00 at noong 2014 ang IRA natin ay P56,056,610.00. Kaya ang 20% MDF

para sa taong 2013 ay P9,793,304.00 at ang MDF naman para sa taong 2014 ay

P11,211,322.10. Kaya sa loob ng dalawang taon lamang ang MDF na pwedeng gamitin

para sa pagpapaganda ng ating Water System ay may kabuuang halaga na

P21,004,626.20.

Kung ating kwentahin na lamang na ang IRA ng ating bayan para sa taong 2015

ay katulad ng IRA noong 2014, lumalabas na mayroon pondo para sa MDF sa taong 2015

Page 2: Bayan o Sarili

2 -nasa likod ang kasunod-

na halagang P11,211,322.10. Kaya sa loob ng tatlong taon (2013, 2014 at 2015) tayo ay

mayroong pondo para sa MDF na pwedeng gamitin sa pagpapaganda ng ating Water

System na may kabuuang halaga na P32,215,948.30.

Maliban po sa IRA ng ating bayan, mayroon pang pondo mula sa national na

gobyerno na pwedeng pagkunan ng malaking pondo para sa pagpapaganda ng ating Water System at ito ay ang tinatawag na pondo para sa Bottoms Up Budgeting (BUB)

ng national na gobyerno na ang namamahala ay ang DILG. Sa programa ng BUB, ang

anumang bayan ay pwedeng humingi ng pondo para sa pagawaing bayan tulad ng

pagpapaganda ng Water System. Magmula noong 2013 hanggang 2015 ay mahigit na

P20 Bilyong piso kada taon ang inilalaan ng ating national na gobyerno para sa BUB

upang matulungan ang mga bayan na makapagpagawa o magpaganda ng pagawaing

bayan tulad ng Water System. Ang iba’t-ibang bayan po sa Laguna, maliit at malaki,

ay humihingi ng pondo sa programa ng BUB upang ipagawa o pagandahin ang

kanilang Water System. Ang listahan ng mga bayan sa Laguna na humingi ng pondo

sa programa na BUB ay ang sumusunod:

CITY AND MUNICIPALITY WITH BUB-WATER

AND SALINTUBIG PROJECTS

PROVINCE OF LAGUNA

NAME OF MUN/CITY

ALLOCATION (Million)

NAME OF MUN/CITY

ALLOCATION (Million)

NAME OF MUN/CITY

ALLOCATION (Million)

2015 BUB-WATER 2014 BUB-WATER 2013 SALINTUBIG CAVINTI P 5.52M LOS BANOS P 1.50M ALAMINOS P 2.00M KALAYAAN P 4.50M

CAVINTI P 2.00M

LILIW P 1.46M 2014 SALINTUBIG SAN PEDRO P 2.00M LOS BANOS P 1.00M CALAMBA CITY P 2.00M LUMBAN P 2.00M

MABITAC P 1.61M

MAGDALENA P 1.00M

NAGCARLAN P 8.99M

PAETE P 2.00M

PAGSANJAN P 1.00M

PAKIL P 3.00M

SAN PABLO P 0.50M

SANTA MARIA P 2.00M

Kung makikita ninyo sa itaas, maraming bayan sa Laguna ang humingi ng pondo

sa ilalim ng programang BUB para sa kanilang Water System. Ang bayan ng Nagcarlan

na isang mayamang bayan ay nakakuha ng pondo sa BUB na P8.99 Million, ang bayan

ng Cavinti halos katulad lang ng ating bayan ay nakakuha ng pondo sa BUB na P5.52

Million. Ang ating bayan ay matagal ng naghihirap sa tubig ngunit ang ating mga

namumuno sa bayan kahit singko ay hindi humihingi ng pondo sa programa na BUB.

Kung ang bayan ng Nagcarlan na isang mayamang bayan ay nakahingi ng pondong P8.99

Million sa ilalim ng programang BUB walang dahilan upang ang ating bayan ay hindi

makakuha ng ganun din kalaking pondo upang magamit sa pagpapaganda ng ating Water

System.

Kaya kung gagamitin ang IRA ng ating bayan at kasama ang pondo na

manggagaling sa BUB, ang ating bayan ay may malaking pera na pwedeng gamitin sa

Page 3: Bayan o Sarili

3 -nasa likod ang kasunod-

pagpapaganda ng ating Water System. Hindi na kailangang magdusa ng ating mga

kababayan sa kawalan ng tubig kung ang mga namumuno ng ating bayan ay may

pagmamahal sa ating mga mamamayan. Halos tatlong taon nang naka-upo sa puwesto

ang mga kasalukuyang namumuno sa ating bayan pero hanggang sa ngayon ay wala

silang ginagawang aksyon upang maibsan o malunasan ang paghihirap ng tao sa ating

bayan sa kawalan ng tubig.

Sa halip na gamitin ang IRA at kumuha ng pondo sa ilalim ng BUB, lumalabas sa

pagsasaliksik ng GM na ang gustong mangyari ng mga namumuno sa ating bayan

ay pumasok ang isang negosyante ng pribadong kompanya upang siyang

magkukumpuni o magpapaganda ng ating Water System. Na sa gagastusin ng

pribadong kompanya sa pagkukumpuni o pagpapaganda ng ating Water System ay tayo

ang magbabayad sa pamamagitan ng mataas na singil sa tubig. Dito ay makikita na

natin na ang binibigyan ng halaga ng mga kasalukuyang namumuno sa ating bayan

ay ang negosyo kaysa ang kapakanan ng mga mamamayan. Kung ang pagkukumpuni

o pagpapaganda sa ating Water System ay gagastusan ang pondo na galing sa IRA at

BUB, siguradong hindi tataas ang singil sa tubig sa ating bayan.

Ang pribadong kompanya na tinutukoy na gustong papasukin ng mga namumuno

ng ating bayan upang siyang magkukumpuni o magpapaganda daw ng ating Water

System ay ang pribadong kompanyang Laguna AAA Water Corp. (Laguna Water). Ang

Laguna Water ay 70% na pagmamay-ari ng kompanya na tinatawag na AAA Water

Corp. (AAA Water). Sa madaling salita, ang Laguna Water ay kontrolado o nasa

ilalim ng kapangyarihan ni AAA Water.

Kung matatandaan po ninyo, ang kompanyang AAA Water ang siya ring

kompanya na sinasabi ng IBDC na siyang magpi-finance o gagastos tungkol sa

maanomalyang kontrata sa tubig ni IBDC sa ating bayan. Kaugnay po nito ang AAA

Water ay pinadalhan ng sulat na may petsang June 26, 2012 at June 28, 2012 ng abogado

ng bayan na kung saan ay ipinaalam (inform) at binalaan ang AAA Water na ang kontrata

ni IBDC sa tubig sa ating bayan ay maanomalya.

Matapos ma-declare o mag-desisyon ang Ombudsman na maanomalya at labag sa

batas ang kontrata ni IBDC sa ating bayan tungkol sa tubig at kung totoo ang balita na si

Laguna AAA Water ay papasok sa kontrata sa tubig sa ating bayan, sa pananaw natin ang

AAA Water ay lumalabas na gustong lusutan (circumvent or to go around) ang Decision

ng Ombudsman sa pamamagitan ng pagpasok ng subsidiary o pagmamay-ari nito na

kompanya na Laguna AAA Water sa kontrata sa ating bayan upang makuha ang mga

yamang tubig ng ating bayan. Sa madaling salita upang lumabas na malinis o hindi in bad

faith ang AAA Water, sa ating pananaw ang AAA Water ay nagpalit ng anyo at mukha sa

pamamagitan ng pagpapalabas na ang makikipagkontrata tungkol sa tubig sa ating bayan

ay ang subsidiary o pagmamay-ari nito na kompanya na Laguna AAA Water. Ito po ay

isang bulok na sistema na hindi na natin dapat pahintulutan.

Noong October 26, 2015 bandang ala una ng hapon ayon na rin sa imbitasyon ng

Laguna Water, ang mga miyembro ng Good Majayjayens (GM) ay dumalo sa isang

pulong na ipinatawag ng Laguna Water sa Munisipyo ng ating bayan. Nandoon din sa

nasabing pulong ang mga miyembro ng SB na sina Jojo Clado at Danny Vito at nandoon

din ang kinatawan ng opisina ng Punong Bayan na si Enrique “Bong” Vargas. Dito sa

pulong noong October 26, 2015, sinabi ng Laguna Water na ang kailangang gastusin

upang kumpunihin o pagandahin ang ating Water System ay nasa halagang P37Milyon at

upang mabayaran ang gagastusin ni Laguna Water ay maniningil ito sa unang dalawang

Page 4: Bayan o Sarili

4 -nasa likod ang kasunod-

taon ng singil sa tubig ng P5.00 per cubic meter at ang singil sa tubig ay tataas pa sa

mga susunod na taon.

Sa isang pag-aaral na ginawa noon ng GM, lumalabas na ang isang pamilya sa ating bayan ay gumagamit ng hindi bababa sa 30 cubic meters kada isang buwan

hanggang 60 cubic meters sa mga malalaking pamilya at kaya lumalabas sa panukala ni

Laguna Water na sa unang dalawang taon ang singil sa tubig na babayaran ng kada

bahay/pamilya dito sa ating bayan ay P150.00 hanggang P300.00 kada buwan. At ang

singil sa tubig ay tataas pa sa mga susunod na taon at kaya balang araw baka lalabas na

mas mahal pa ang singil sa tubig kaysa sa kuryente.

Kung totoo ang sinasabi ni Laguna Water na ang gagastusin para sa pagpapaganda

ng ating Water System ay P37Million, lumalabas na may sapat o sobrang pondo ang

ating bayan upang pagandahin ang ating Water System sa pamamagitan ng paggamit ng

ating IRA at paghingi ng pondo sa programa ng national na gobyerno na BUB. Kung ang

sariling pondo ng ating bayan ang gagamitin sa pagpapaganda ng ating Water System,

tayo ay nakakasigurado na hindi tataas ang singil sa tubig sa ating bayan, tayo din ay

nakakasigurado na hindi mapagsasamantalahan ang ating yamang tubig nang sinumang

pribadong kompanya na kunyari ay gustong pagandahin ang ating Water System pero ang

tunay na layunin ay kontrolin o pagsamantalahan ang ating yamang tubig sa

pamamagitan ng pagbenta nito sa ating mga kalapit bayan.

Sa nasabing pulong noong October 26, 2015, nagbigay ang GM ng isang

Kahilingan sa ating Punong Bayan at sa SB na magsagawa ng kaukulang OPEN AT

MALAWAKANG PUBLIC HEARING bago pumasok sa anumang kontrata kay

Laguna Water dahil ang anumang kontrata sa tubig kay Laguna Water ay makakaapekto

sa GENERAL WELFARE, KABUHAYAN AT KINABUKASAN ng mga tao dito sa

ating bayan. Hiniling po din ng GM sa Laguna Water na magbigay ng kaukulang

panukala o proposal kaugnay ng hangarin nito na pumasok sa isang kontrata sa tubig sa

ating bayan at hiniling ng GM na bigyan ang GM ng kaukulang mga dokumento tungkol

sa nasabing kontrata upang ito ay ating mapag-aralan.

Sa sinabing pagpupulong noong October 26, 2015, ang GM lamang ang siyang

madiin na nagsabi sa Laguna Water na kailangan na magkaroon ng isang OPEN AT

MALAWAKANG PUBLIC HEARING upang malaman ng ating mga taong bayan

kung ano ang kontrata sa tubig na pinapanukala ni Laguna Water sa ating bayan.

Sinabihan pa rin ng GM ang Laguna Water na hindi dapat magkaroon ng anumang

kontrata sa tubig ang Laguna Water sa ating bayan hanggang hindi nagkakaroon ng

sinasabing OPEN AT MALAWAKANG PUBLIC HEARING.

Ang malaking katanungan ngayon ay bakit hindi ginagamit ng kasalukuyang

namumuno ng ating bayan ang ating IRA o ang pondo na galing sa BUB para pagandahin

ang ating Water System? Nasabi na noon na lumalabas na ang dahilan dito ay upang

ikondisyon ang isip ng mga tao sa ating bayan na walang pera ang ating bayan upang

pagandahin ang ating Water System at nang sa ganoon ay magkaroon ng dahilan upang

pumasok ang pribadong kompanya tulad ni Laguna Water upang siya ang magkumpuni at

magpaganda ng ating Water System at upang magkaroon ang pribadong kompanya ng

pagkakataon na kontrolin o pagsamantalahan ang ating yamang tubig sa pamamagitan ng

pagbenta nito sa ating mga kalapit bayan.

Ang isang dahilan pa po kung bakit hindi ginagamit ang ating pondo para sa MDF

para sa pagpapaganda ng ating Water System ay dahil sa mali at labag sa batas na

Page 5: Bayan o Sarili

5 -nasa likod ang kasunod-

paggamit ng pondo ng ating bayan na nakalaan para sa MDF. Bilang maliwanag na

halimbawa, noong 2014 ang ating pamahalaang bayan ay namigay ng pondo sa lahat ng

barangay dito sa ating bayan na nanggaling sa MDF. Sa halip na gamitin ang pondo sa

pagpapaganda ng ating Water System, ito ay pinamigay na parang “pork barrel” sa mga

barangay sa ating bayan at nandito ang listahan ng mga barangay na binigyan ng pondo

na galing sa MDF at ang halagang natanggap ng mga barangay:

DATE CHECK Nos. PAYEE AMOUNT

02-04-14 1310801 Barangay Piit c/o Alejo Vito P 55,000.00

02-04-14 1310800 Barangay Suba 55,000.00

02-07-14 1310805 Brgy. Panglan c/o Kapt. Codera 55,000.00

02-11-14 1310806 Barangay Pangil c/o Kapt. Zornosa 55,000.00

02-19-14 1310814 Barangay Ibabang Bayucain 55,000.00

02-21-14 1310815 Brgy. Malinao 55,000.00

02-24-14 1310816 Brgy. Taytay 55,000.00

02-27-14 1310819 Barangay Burol 55,000.00

02-27-14 1310820 Barangay Banilad 55,000.00

03-03-14 1310829 Brgy. Burgos 55,000.00

03-20-14 1310835 Brgy. San Roque c/o Kapt. Garcia 55,000.00

03-20-14 1310836 Brgy. Rizal c/o Kapt. Juan Borines 55,000.00

04-14-14 1310849 Barangay Balanak 55,000.00

04-23-14 1310859 Brgy. San Miguel 55,000.00

04-25-14 1310862 Brgy. Tanawan c/o Kap. Julio Rubina 55,000.00

04-29-14 1310866 Brgy. Isabang c/o Kapt. Dionisio Arcenal 55,000.00

05-13-14 1310875 Barangay Olla 55,000.00

06-30-14 1310899 Barangay May-it 55,000.00

06-30-14 1310900 Barangay Bakia 40,000.00

06-30-14 1310901 Barangay Talortor 55,000.00

06-30-14 1310902 Barangay Bitaoy 55,000.00

06-30-14 1310903 Barangay Panalaban 55,000.00

06-30-14 1310904 Brgy. Bukal c/o Kapt. Libirado Brosas 55,000.00

06-30-14 1310905 Barangay San Francisco 55,000.00

06-30-14 1310906 Barangay Isabang 40,000.00 06-30-14 1310910 Barangay Origuel 55,000.00

07-14-14 1310916 Barangay Oobi 55,000.00

07-14-14 1310919 Barangay San Isidro 55,000.00

07-24-14 1310923 Barangay San Miguel 40,000.00

08-06-14 1310935 Barangay Ilayang Banga 55,000.00

08-12-14 1310937 Barangay Balayong 55,000.00

08-12-14 1310938 Barangay Coralao 55,000.00

08-12-14 1310939 Barangay Ilayang Bayucain 55,000.00

08-22-14 1310959 Barangay Banti 55,000.00

08-22-14 1310960 Barangay Sta. Catalina 55,000.00

08-28-14 1310968 Barangay Ibabang Banga 55,000.00

09-16-14 1310982 Barangay Gagalot 55,000.00

10-08-14 1310996 Barangay Pook 55,000.00

10-08-14 1310997 Barangay Amonoy 55,000.00

10-24-14 1311007 Barangay Munting Kawayan 55,000.00

10-28-14 1311008 Barangay Villa Nogales 55,000.00

11-18-14 1311025 Barangay Bakia 55,000.00

Total P 2,265,000.00

Ating makikita sa itaas nito na lahat ng barangay sa atin, maliit man o malaki, ay

binigyan ng pondo na halos pareho sa halagang P55,000.00 na galing sa MDF, maliban

sa Brgys. San Miguel, Isabang at Bakia na dalawang beses nakatanggap ng checke at

kaya ang natanggap na pondo ng nasabing tatlong barangay mula sa MDF ay mahigit na

P55,000.00. Ang mga pondo na ibinigay sa barangay na galing sa MDF ay iyon din ang

napabalita na mga checke na “pina-rediscount o pinasuklian” sa Brul Gen.

Page 6: Bayan o Sarili

6 -nasa likod ang kasunod-

Merchandise na matatagpuan sa Liliw, Laguna. Ang tinatawag dito sa bayan natin na

pasuklian ng checke ay labag sa batas. Ang MDF ayon sa batas ay hindi dapat

ipinamimigay sa mga barangay na parang isang “pork barrel.” Maaring ginamit ng ilang

barangay sa tamang pamamaraan ang ibinigay sa kanilang halaga na galing sa MDF pero

ang ginawang pagbibigay sa kanila ng Punong Bayan ay labag sa alituntunin sa paggamit

ng MDF ayon sa nakasaad sa Joint Memorandum Circular No. 2011-1 dated April 13,

2011 sa pagitan ng DILG at DBM. Kaya ang isang malaking katanungan ay

napakinabangan ba ng mga tao sa nabanggit na mga barangay ang ibinigay na pera

ng Punong Bayan na galing sa MDF?

Kung ang halagang P2,265,000.00 na ipinamigay sa mga barangay na parang pork

barrel ay ginamit sa pagpapaganda ng ating Water System malamang na nabawasan ang

paghihirap sa tubig ng ating mga kababayan. Kung ang isang namumuno sa bayan ay

may tunay na pagtingin at pagmamahal sa bayan at mamamayan dapat ay hindi niya

pinababayaan na ang mga taong bayan ay naghihirap sa kawalan ng mainom at magamit

na tubig sa pang araw-araw na pangangailangan.

Ang posisyon at patuloy na ipaglalaban at isusulong ng GM ay hindi natin

kailangan ang isang pribadong kompanya upang magkumpuni at magpaganda ng ating

Water System. Ang GM ay buo ang paniniwala na ang Water System ng ating bayan ay

dapat pagandahin at gawing makabago na ang gamit ay ang IRA ng ating bayan at sa

pamamagitan ng paghingi ng karagdagang pondo mula sa ating national na gobyerno

upang ating masigurado na hindi tataas ang singil sa tubig dito sa ating bayan at upang

maproteksyunan din ang ating mga yamang tubig sa mga pribadong kompanya na

gustong kontrolin at pagsamantalahan ang ating yamang tubig sa pamamagitan ng

pagdadala nito sa ating mga kalapit bayan. Kung kaya, KUNG GUSTO MO NG

PANGHABANGBUHAY NA MURA AT MASAGANANG TUBIG..... MAG-GM

KA NA!!!

Ang GM ay hindi tumututol sa pagdadala ng yamang tubig ng ating bayan sa mga

kalapit bayan kung ang ating bayan ay kikita ng tama at parehas at hindi

pagsasamantalahan lamang ng isang pribadong kompanya. Bago tayo magbenta at

magdala ng ating yamang tubig sa ating mga kalapit bayan, ang GM ay naniniwala na

dapat magkaroon muna tayo ng isang masusi at malawakang pag-aaral tungkol sa

magiging pangangailangan sa tubig ng ating bayan sa susunod na mga taon o panahon.

Kailangang proteksyunan natin ang pangangailangan sa tubig ng susunod na

henerasyon ng Majayjayens katulad ng ginawang pagpoproteksyon at

pakikipaglaban ng ating mga ninuno noong 1920s na kung saan ang dating

Gobernador na si “Tomas D. Dizon” ng Laguna ay nilabanan ng walang takot ng

ating mga ninuno sa kagustuhan niyang kontrolin at pamahalaan ang ating mga

yamang tubig. Ang pagkakaiba nga lamang ay noon ang mga taong bayan at

opisyales ng ating bayan ay magkakasamang lumaban upang maproteksyunan ang

ating yamang tubig samantalang sa ngayon ang mga opisyales mismo ng ating

bayan ang siyang kalaban ng mga taong bayan sa kanilang lumalabas na patuloy na

pagsusulong upang dalhin ang ating yamang tubig sa mga karatig bayan. Ganito

tayo noon at tayo ay ganoon pa rin magpahanggang ngayon..... patuloy at mabangis

tayong makikipaglaban upang protektahan ang ating yamang tubig laban sa mga

mapagsamantalang dayuhan upang ang susunod na henerasyon ng Majayjayens ay

makinabang sa ating yamang tubig.

Mabuhay ang Majayjayens!!!