ay isang mahusay na plano tag-init 2011 · 2 health talk may peligrong negosyo supilin ang sakit sa...

4
AMC-019-HI-ABD PRSRT STD U.S. Postage PAID United Health Group alam mo ba? TAG-INIT 2011 TA 6MGA NIRERESETANG GAMOT Ang humigit’ kumulang sa 23 porsyento ng mga adulto ay na- diagnose ng rayuma. Evercare QExA P.O. Box 15923 Honolulu, HI 96830 MAKATIPID NG PERA Makakatipid ka ng pera sa paggamit ng mga generic na gamot. Gusto mo bang matuto nang higit pa tungkol sa mga pakinabang ng iyong inireresetang gamot? Kailangang maghanap ng kalahok na parmasya? Bisitahin ang www.evercarehealthplans.com/ HI_QExA o tawagan ang aming mga serbisyo ng lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711). T KASING LIGTAS BA ANG MGA GENERIC NA GAMOT ANG MGA GAMOT NA MAY TATAK? A Oo. Maaaring iba ang hitsura ng mga generic na gamot kaysa sa mga gamot na may tatak, ngunit pareho lamang ang bisa ng mga ito. May parehong mga aktibong sangkap ang mga ito. Natutugunan ng mga ito ang parehong mga kalidad ng pamantayan. Sa katotohanan, ang parehong kumpanya na gumagawa ng gamot na may tatak ay madalas na gumagawa rin ng generic na bersyon. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Upload: others

Post on 14-Feb-2020

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: AY ISANG MAHUSAY NA PLANO TAG-INIT 2011 · 2 HEALTH TALK May PELIGRONG NEGOSYO SUPILIN ANG SAKIT SA BATO BAGO PA MAHULI ANG LAHAT Nangyayari ang malalang sakit sa bato kapag napinsala

AMC-019-HI-ABD

PRSRT STD U.S. Postage PAID

United Health Group

alam mo ba?

TAG-INIT 2011

TA6MGA N IRERESETANG GAMOT

Ang humigit’ kumulang sa 23 porsyento ng mga adulto ay na- diagnose ng rayuma.

Evercare QExAP.O. Box 15923Honolulu, HI 96830

MAKATIPID NG PERA Makakatipid ka ng pera sa paggamit ng mga generic na gamot. Gusto mo bang matuto nang higit pa tungkol

sa mga pakinabang ng iyong inireresetang gamot? Kailangang maghanap ng kalahok na parmasya? Bisitahin ang www.evercarehealthplans.com/HI_QExA o tawagan ang aming mga serbisyo ng lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711).

T KASING LIGTAS BA ANG MGA GENERIC NA GAMOT ANG MGA GAMOT NA MAY TATAK?

A Oo. Maaaring iba ang hitsura ng mga generic na gamot kaysa sa mga gamot na may tatak, ngunit pareho lamang

ang bisa ng mga ito. May parehong mga aktibong sangkap ang mga ito. Natutugunan ng mga ito ang parehong mga kalidad ng pamantayan. Sa katotohanan, ang parehong kumpanya na gumagawa ng gamot na may tatak ay madalas na gumagawa rin ng generic na bersyon.

ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAYAY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Page 2: AY ISANG MAHUSAY NA PLANO TAG-INIT 2011 · 2 HEALTH TALK May PELIGRONG NEGOSYO SUPILIN ANG SAKIT SA BATO BAGO PA MAHULI ANG LAHAT Nangyayari ang malalang sakit sa bato kapag napinsala

2 HEALTH TALK

MayPELIGRONG NEGOSYO

SUPILIN ANG SAKIT SA BATO BAGO PA MAHULI ANG LAHAT

Nangyayari ang malalang sakit sa bato kapag napinsala ang maliliit na daluyan ng dugo sa mga bato. Pinipigilan nito ang mga bato mula sa paggawa ng kanilang trabaho sa pagsala ng dumi mula sa dugo.

Palala nang palala ang sakit sa bato. Nangangahulugan ito na permanente ang pinsala. Hindi nalalaman ng karamihan ng taong nakakakuha ng sakit sa bato hanggang sa huli na. Maaaring kailangan na nilang sumailalim sa dialysis o kumuha ng kidney transplant.

Walang mga sintomas ang maagang yugto ng sakit sa bato, ngunit maaari itong makontrol. Kung maaga itong nasupil, maaari mong maiwasan ang paglala nito o mas pabagalin ang paglala. Mayroong mga gamot at mga espesyal na diyeta na maaaring makatulong.

Mayroong dalawang simpleng pagsusuri sa lab na maaaring sumupil sa sakit sa bato bago mangyari ang sobrang pinsala. Hinahanap ng isang pagsusuri ang protina sa iyong ihi. Sinusukat ng ibang pagsusuri kung gaano kahusay na sinasala ng iyong mga bato ang iyong dugo.

Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga pagsusuring ito kung nasa peligro ka ng sakit sa bato.

Nasa peligro ka kung mayroon kang diabetes, high blood pressure o sakit sa puso. Kung mayroon ka sa anuman sa mga kundisyong ito, mahalagang panatilihin ang mga itong kontrolado upang maiwasan ang sakit sa bato. Nasa lahi rin ang sakit sa bato, kaya kung mayroon nito ang isang malapit na miyembro ng pamilya, dapat kang masuri.

8ANG SAKIT SA BATO AY HIGIT NA KARANIWAN SA MGA AFRICAN-AMERICAN.

6MGA MALALANG KUNDISYON

pagbabago ng hati

MAS MALAKI BA ANG IYONG MGA MATA KAYSA SA IYONG SIKMURA?

Kung gaano karami ang iyong kinakain ay kasing halaga lamang ng kung ano ang iyong kinakain. Maaaring mahirap na ihain ang mga tamang dami nang hindi sinusukat. Narito ang ilang kapaki-

pakinabang na paghahambing:g Ang tatlong onsa ng karne ay ang sukat ng isang pakete

ng mga baraha.g Ang isang tasa ng pasta ay ang sukat ng isang tennis ball.g Ang kalahati ng katamtamang laki ng bagel ay ang sukat ng

isang hockey puck.g Ang isang onsa at kalahati ng keso ay ang sukat ng

tatlong domino.g Ang dalawang kutsaritang peanut butter ay ang sukat ng isang

bola ng ping pong.g Ang isang maliit na baked potato ay ang sukat ng isang mouse

ng computer.

KUMAIN NANG MAAYOS Lumikha ng pyramid ng pagkain para lamang sa iyo sa www.mypyramid.gov.

Tawagan kami sa 1-888-980-8728 upang matuto tungkol sa isang programang tutulong sa iyo na magbawas ng timbang.

MAARI KAMING TUMULONG Mayroong mga programa sa pamamahala ng sakit ang Evercare. Tinutulungan ng mga ito

ang mga taong may diabetes, sakit sa puso at ibang mga kundisyon. Makakakuha ka ng tulong mula sa isang nurse at mga paalala tungkol sa mahahalagang pagsubok. Kung mayroon kang sakit sa bato, tawagan ang 1-888-980-8728 (TTY 711) para sa higit pang impormasyon.

1-888-980-8728

1-888-980-8728

MAKIPAG-USAP SA AMIN GAMIT ANG IYONG WIKA

This document contains important information. Call 1-888-980-

8728 to get the document in another language or have it orally

translated for you.

Naglaon daytoy a dokumento iti napateg nga impormasion.

Umawag iti 1-888-980-8728 tapno maalam ti dokumento iti sab-

ali a lengguahe wenno maibasa kenka iti maawatam a lengguahe.

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mahalagang imporma-

syon. Tumawag sa 1-888-980-8728 upang makuha ang doku-

mento sa ibang wika o upang masabi ito sa inyo sa ibang wika.

6NUTRISYON

Page 3: AY ISANG MAHUSAY NA PLANO TAG-INIT 2011 · 2 HEALTH TALK May PELIGRONG NEGOSYO SUPILIN ANG SAKIT SA BATO BAGO PA MAHULI ANG LAHAT Nangyayari ang malalang sakit sa bato kapag napinsala

TAG- IN IT 2011 3

6KALUSUGAN SA PAG -UUGAL I

salik ng takotKAPAG BALISAAng pagkabalisa at takot ay mga normal na pakiramdam. Maaaring makatulong ang mga ito sa iyo upang maiwasan ang panganib at maisagawa nang maayos ang mga gawain. Karaniwang mabilis na nawawala ang mga pakiramdam. Ngunit minsan ay lumalala ang mga pakiramdam na ito. Nagiging mas matindi ang mga ito at nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

Tinatawag itong anxiety disorder. Naaape-ktuhan nito ang milyun-milyong tao. Mayroong ilang iba’t ibang uri ng anxiety disorder. Ang gamot at therapy ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng malalang pagkabalisa.

Kung nagkakaroon ka ng ilan sa mga sin-tomas na ito, maaaring panahon na upang magpagamot:

KAILANGAN NG TULONG? Tawagan ang aming lokal na koponan sa kalusugan sa

pag-uugali sa 1-888-980-8728 (TTY 711). Ire-refer ka nila sa kalahok na propesyunal sa kalusugan sa pag-iisip. Kung kumuha ka ng pangangalaga sa kalusugan sa pag-iisip, sabihin sa iyong doktor ang tungkol dito. Hilinging lumagda sa isang pagpapalabas upang maaaring magbahagi ng impormasyon ang iyong mga provider tungkol sa iyong pangangalaga.

6TUNGKOL SA IYON PLAN

g nagpa-panic o natatakot tungkol sa isang bagay na nagpapakita ng maliit na panganib

g mga pisikal na sintomas gaya ng mabilis na tibok ng puso, hirap sa paghinga o pagsakit ng dibdib

g paulit-ulit, nakakaligalig na mga pag-iisipg palagiang paulit-ulit na mga pagkilos na

nagpapaalis sa nakakaligalig na mga pag-iisip g hirap sa pagtuong problema sa pagtulog o masasamang

panaginipg biglaang pagkagalit

lulongKAPAG KAILANGAN MONG TUMIGIL SA PAGGAMIT NG MGA BAWAL NA GAMOT O PAG-INOM NG ALAKAng pagkalulong ay isang seryosong sakit. Maaaring nakamamatay ito kung hindi magagamot. Mayroong apat na sintomas:1 PAGHAHANAP: Nararamdaman mo ang matinding

pangangailangang uminom o gumamit ng mga gamot.

2 PAGKAWALA NG KONTROL: Hindi mo na malimitahan ang iyong pag-inom o paggamit ng gamot sa anumang nasabing okasyon.

3 PISIKAL NA TULONG: Mayroon kang mga sintomas ng pagtigil, hindi maayos ang pakiramdam o balisa kung wala kang iniinom na alak o gumagamit ng gamot.

4 PAGKAYA: Kailangan mong uminom nang mas maraming alak o gumamit ng mas maraming ipinagbabawal na gamot upang ma-high.

Hindi nakakahinto ang mga taong lulong. Kasing hirap ito ng pagsuko sa pagkain o pag-inom ng tubig. Kailangan nila ng panggagamot at suporta.

6KALUSUGANG PANGKAIS IPAN

KUMUHA NG TULONG Kung inaabuso mo o lulong ka sa mga bawal na gamot o alak, tawagan ang aming lokal na

koponan sa kalusugan sa pag-uugali sa 1-888-980-8728 (TTY 711) upang matuto tungkol sa aming programa sa pamamahala ng sakit at kung saan makakakuha ng tulong.

panloloko AT

pang-aabusoKUNG MAKAKITA KA NG ISANG BAGAY, MAGSALITA

Ang karamihan sa miyembro at provider ng QUEST/QExA ay matapat. Gayunpaman, kahit na ang ilang hindi tapat na tao ay maaaring magsanhi ng malalaking problema. Kung may alam kang nagaganap na panloloko o pang-aabuso, dapat mong sabihin sa isang tao. Hindi mo kailangang ibigay ang iyong pangalan.

KABILANG SA PANLOLOKO AT PANG-AABUSO NG MGA MIYEMBRO AY: g pagpayag na gamitin ng isang tao ang iyong plan o ipahayag ang

Medicaid card o numero. g pagbebenta o pagbibigay ng iyong inireresetang gamot sa sinuman.

KABILANG SA PANLOLOKO AT PANG-AABUSO NG MGA PROVIDER ANG: g pagsingil sa mga serbisyo na hindi kailanman nabibigyan o nasisingil

nang dalawang beses para sa parehong serbisyo.g pag-uutos ng mga pagsusuri o serbisyo na hindi mo kailangan.

PAANO MAG-ULAT NG PANLOLOKO AT PANG-AABUSO: Sabihin sa amin sa isa sa mga sumusunod na paraan:g Tawagan ang Helpline sa Pagsunod ng Evercare sa 1-800-455-4521.

Maaari kang tumwag 24/7.g Makipag-ugnay sa aming mga serbisyo ng lokal na miyembro sa

1-888-980-8728 (TTY 711).g Mag-ulat ng panloloko sa Department of Homeland Security/OIG

sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-323-8603.

Page 4: AY ISANG MAHUSAY NA PLANO TAG-INIT 2011 · 2 HEALTH TALK May PELIGRONG NEGOSYO SUPILIN ANG SAKIT SA BATO BAGO PA MAHULI ANG LAHAT Nangyayari ang malalang sakit sa bato kapag napinsala

4 HEALTH TALK

A N GpaghihintayMGA ORAS NG PAGHIHINTAY SA APPOINTMENTGaano katagal ka dapat maghintay para sa isang appointment sa iyong doktor? Depende ito sa kung anong uri ng appointment ang iyong kailangan.

Upang kumuha ng appointment, tawagan lamang ang iyong primary care provider (PCP). Ang pangalan at numero ng telepono ng iyong doktor ay nasa iyong ID card. Sabihin sa tanggapan kung bakit kailangan mong magpatingin sa doktor. Hinihiling namin sa mga kalahok na provider na tingnan ka sa loob ng mga sumusunod na timeframe:

ihinto ang kanser sa colon5 TIP PARA SA PAG-IWAS SA KANSER SA COLON

Alam mo ba na ang kanser sa colon ay ang pangalawang nangungunang sanhi ng mga kamatayan dahil sa kanser sa Estados Unidos Ngunit hindi dapat. Dahil maaari itong magamot kung masupil nang maaga. At maaari itong maiwasan sa mga tip na ito.I KUMAIN NANG MAAYOS. Kumain ng maraming

may fiber. I-enjoy araw-araw ang mga prutas at gulay. Magbawas sa taba at red meat.

2 HUWAG MANIGARILYO. Maniwala ka o hindi, ang mga lason na iyong nilalanghap ay pumupunta sa iyong colon at bladder.

3 ALAMIN ANG KASAYSAYAN NG IYONG PAMI-LYA. Kung nasa lahi ng iyong pamilya ang kanser sa colon, sabihin sa iyong doktor.

4 MAGSIMULA NG MALUSOG NA PARAAN NG PAMUMUHAY. Mag-ehersisyo at magpanatili ng malusog na timbang.

5 MAGPA-COLONOSCOPY. Ang pagsusuring ito ay maaaring mag-iwas sa kanser sa pamamagitan ng pag-alis sa mga polyp na maaaring maging kanser. Gawin ang iyong kauna-unahang ganito kapag nasa edad 50 ka na. Tanungin ang iyong doktor kung maaaring kailangan mo na nang mas maaga.

URI NG APPOINTMENT HALIMBAWA MGA PAMANTAYAN NG APPOINTMENT

Emergency Sakit sa dibdib, pag-atake ng hika, seryosong pinsala

Agaran, o i-refer sa isang pang-emergency na pasilidad

Apurahan o para sa mga pagbisita sa PCP ng may sakit na bata

Sakit sa sikmura, impeksyon sa tainga

24 oras

Regular na may sintomas Pantal, lagnat, pilay 72 oras

Regular na walang sinto-mas

Follow-up o checkup na mga pagbisita, pagtingin sa pre-syon ng dugo, mga pisikal na pampalakasan

21 araw

Mga pagbisita sa espesy-alista o mga paglalagi sa ospital na hindi pang-emergency

4 na linggo

Kung hindi natutugunan ng iyong doktor ang mga pamantayan sa appointment na ito, sabihin sa amin. Tumawag sa 1-888-980-8728 (TTY 711).

HINDI SIGURADO? Hindi ka sigurado kung kailangan mong magpatingin sa doktor? Tumawag sa NurseLine, 24/7, sa 1-888-980-8728 (TTY 711). Makikipag-usap ka sa isang

rehistradong nurse. Bibigyan ka ng nurse ng mga tip sa pangangalaga sa sarili. Matutulungan ka niya na magpasya kung kailangan mong magpatingin sa iyong doktor o pumunta sa agarang pangangalaga. Kung mayroon kang seryosong emergency, tumawag sa 911.

6TUNGKOL SA IYONG PLAN

6PAG- IWAS