auto
TRANSCRIPT
![Page 1: Auto](https://reader036.vdocuments.mx/reader036/viewer/2022082406/55839648d8b42a08148b476c/html5/thumbnails/1.jpg)
Ang pangalan niya ay Basilio Alejandrino Duller, ipinanganak siya noong
dalawampu’t –tatlo ng Mayo taong labing siyam at walumpu’t pito sa bayan ng Siniloan,
Laguna Siya ay pangatlo sa anim na magkakapatid at tumatayong panganay sa ngayon sa
kadahilanang may asawa na ang dalawang sinundan niya. Ang kanyang mga magulang
ay sina Juan D. Duller at Noraida Alejandrino.
Simula pagkabata ay hilig na niyang magbasa at mag-aral kung kaya naman tunay
siyang ipinagmamalaki ng kanyang magulang. Dahil na rin sa sipag niya sa pag-aaral
natamo niya ang unang karangalan noong siya ay anim na taong gulang pa lamang sa
kinder at nakuha ang ika-tatlong pwesto, bagaman naiinggit siya sa kanyang mga kaklase
sa kadahilanang walang umaaalalay sa kanya sa kanyang pag-aaral at tanging sarili
lamang niya ang inaasahan sa paghubog ng kanyang kalinangan kung kaya’t
matagumpay niyang nalampasan ang tinuturing niyang unang dunong na natanggap mula
sa paaralan. Makaraan ang ilang buwan ay nagsimula na siyang mag elementarya sa
Paaralang Elementarya ng Halayhayin, Siniloan, Laguna. Dito sya nagpamalas ng
kanyang kagalingan at talento sa pag-aaral. Hindi siya nakaabot sa pag-eenrol sa seksyon
1 noong Grade-1 dahil sa kanyang pagkakasakit at napalipat siya sa seksyon-2 dahil nga
puno sa nasabing seksyon. Hindi iyon naging batayan para mawalan siya ng gana sa pag-
aaral at pakikipagkumpetensya sa kanyang kapwa mag-aaral. Dito nya natamo ang unang
karangalang banggit. At ng mag -grade -2 na siya ay naging ikalawang pwesto dahil sa
pagkakaroon ng di-tamang paghatol sa pakikipagkumpetensya sa pag-aaral. Dito siya
nalungkot at nag-isip ng paraan para marating ang nais na kalagyan niya. At nang siya ay
pumasok sa ikatlong baiting ng elementarya hanggang sa ikaanim ay napanatili niya ang
pangunguna sa klase at nakatapos ng elementarya bilang isang “Valedictorian” o
pagkakamit ng unang karangalang banggit. Dahil sa kanyang dedilkasyon sa pag-aaral at
![Page 2: Auto](https://reader036.vdocuments.mx/reader036/viewer/2022082406/55839648d8b42a08148b476c/html5/thumbnails/2.jpg)
pagsusunog ng kilay sa pag-aaral kung saan-saan siya nakarating na paaralan upang
ipanlaban sa mga kontes, minsan panalo minsan hindi pero ito ang gusto niyang gawin sa
buhay ang makilala kahit na sa anumang larangan ng pag-aaral. At nang tumapak siya ng
pag-aaral sa sekondarya sa Siniloan National High School ditto nabago ang lahat, ang
dating palaaral ay medyo naging pabaya sa kanyang pag-aaral. Nalibang sa mga gawaing
pampaaralan o kurikular na aktibidades. Nariyan ang iba’t-ibang organisasyon kung saan
niya natutunang makihalubilo sa mga mag-aaral. Naging aktibo sa Supreme Student
Council mula ikalawang antas ng sekondarya hanggang sa siya ay magtapos at naging
Bise-Presidente ng nasabing organisasyon. Dito niya nilinang ang kanyang sariling
kakayahan sa pagpapatakbo ng isang organisasyon na maaring makatulong sa mga kapwa
niya mag-aaral. At sa paglipas ng mga taon maraming pagbabago ang dumating
naengganyo naman sa pakikihalubilo sa mga kababaihan at maagang nagkaroon ng
karelasyon sa pag-ibig. Maraming babae na rin ang kanyang nakarelasyon kung kaya’t
nahirapan siyang pagsabayin ang pag-aaral sabayan pa ng problemang pinansyal. Dito
sya lubos na nahirapan lalo na’t sakop ang problema sa pera. Kaya nag-isip siya ng
paraan kung paano makakapag-aral ng kolehiyo. Dumulog siya sa tanggapan ng opisina
ng Mayor at napaunlakan ang kanyang hiling na maging iskolar ng bayan. Sa simula ay
nakakayanan niyang mag-aral ng maayos at nung banding huli ay nahirapan siya
sapagkat di pala sapat ang perang laan sa iskolar lang, daming proyekto ng paaralan na
kailangang ipasa kung kaya’t napatigil siya sa pag-aaral. Taong 2004 ay nagtigil siya at
naghanap ng trabaho para masolusyunan ang pagkukunan ng gastusin. Nagtrabaho siya sa
palayan katulong ang kanyang ama’t kapatid, nandoon ang pag-aalis ng suso sa mga
palayan, pagatatabas ng damo sa pilapil, pagweweder kung madamo ang mga tanim at
paggapas ng palay kung anihan na dagdagan pa ng paghahakot ng sako-sakong palay buti
na lang at may gamit na kalabaw sa paghahakot kung hindi maaga sanang nasalanta ang
kanyang kalusugan. Dahil sa sobrang hirap ng buhay sa palayan kaya inayawan niya ang
ganoong trabaho at nagpaalam sa magulang ng maghahanap na lang ng ibang
mapagkakakitaan. Makalipas ang ilang araw nakahanap siya ng trabaho sa isang gasoline
station bilang isang crew at cashier. Madalas kulang sa tulog sa trabahong ito dahil na rin
hindi sanay sa ganoong uri ng hanapbuhay. Labing dalawang oras ang trabaho nila kaya
kung minsan ay di matulog dahil sa gabi sya nagtatrabaho at pahinga pag araw. Hirap
![Page 3: Auto](https://reader036.vdocuments.mx/reader036/viewer/2022082406/55839648d8b42a08148b476c/html5/thumbnails/3.jpg)
man ay tinatyaga niya ang ganoong uri ng pamumuhay dahil kailangang kumita. Napuna
na lang ng kanyang ina ang pagpayat ng anak kaya kinausap siya nito at sinabing tumigil
na lang sa trabahong panggabi at baka magkasakit pa e kulang naman ang kinikita. Dahil
sa payo ng kanyang magulang pati narin mga kaanak,lolo’t-lola ay tumigil siya sa trabaho
bilang crew at cashier minsan kasi ay nakukulangan ang benta at kinakaltas pa sa sweldo
ang kulang na hindi alam kung bakit nagkukulang. Pagkakuha ng huling sweldo ay
umalis na siya sa kanyang trabaho. At muli sa palayan ang patak dahil sa awa sa kanyang
ama na tanging iyon lang ang alam para buhayin ang kanyang pamilya.
Lubos siyang napaawa sa kanilang kalagayan dahil nakararanas na hindi
makakain ng tama sa oras at kung minsan ay kulang sa tatlo. At muli naghanap ng
trabaho sa ibang lugar ngunit ayaw namang payagan ng kanyang magulang na mapalayo
sa kanila ang kanilang anak. Nag-apply sya sa SSS o Social Security System para sa mga
naglo-loan sa tulong na rin ng kanyang lola napadali ang pagtatrabaho dito ngunit malayo
sa Siniloan dahil sa Sta. Cruz pa ang opisina nito. Hindi na rin nakayanan dahil mabigat
rin sa bulsa ang araw-araw na gastos pagpunta pa lang sa lugar ng pagtatrabahuhan. At
umalis na rin sya sa trabaho.
Naisip niya muling mag-aral at gumawa siya ng paraan, kumuha siya ng
scholarship sa tanggapan ng Egay San Luis FOUNDATION at sa awa ng Diyos nakapasa
sa pagsusulit at nakapag-aral sa kolehiyo at kumuha ng Kursong Edukasyon sa Laguna
State Polytechnic University ditto sa Siniloan, Laguna. Dito niya muling binuo ang
kanyang pangarap na makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanilang pamilya baling
araw. Ang pangarap na kailangang tuparin at sa abot ng kanyang makakaya gagawin nya
ito. Gusto niyang suklian ang lahat ng sakripisyong inilaan ng kanyang magulang at sa
huli bigyan ng magandang bukas ang kanyang pamilya sa darating pang mga panahon.
Madami mang problema sa buhay ay kailangang harapin ng buong tapang dahil alam
niyang hindi sya nag-iisa may kasama sya sa lahat ng ginagawa niya. Lubos ang kanyang
pasasalamat sa Poong lumikha na patuloy na gumagabay sa kanya. Minsan na siyang
nadapa, at ngayon ang kanyang pagbangon sa pag-abot ng kanyang mithiin sa buhay.