araling panlipunan · unang markahan – modyul 7: yamang tao sa asya unang edisyon, 2020 isinasaad...
TRANSCRIPT
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Yamang Tao sa Asya
-
7
ii
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gilbert C. Francisco / Leopoldo M. Galman
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /
Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD /
Benedict Viola / Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte
Tagaguhit: John Lexter R. Payumo /Maesie T. Dela Peña
Tagalapat: John Joseph V. Barrientes / John Carlo S. Carpio /
Lawrence A. dela Cruz
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD
iii
7
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7:
Yamang Tao sa Asya
iv
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yamang Tao sa Asya.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Yamang Tao sa Asya.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
v
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
vi
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito
ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang tao sa
Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.
Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng yamang tao sa Asya at
ang maidudulot nito sa kaunlaran ng kabuhayan at lipunan ng mga Asyano.
Nahahati ito sa tatlong aralin:
Leksyon 1 – Komposisyon ng Populasyon sa Asya
Leksyon 2 – Sanhi at Bunga ng Paglaki ng Populasyon sa Asya
Leksyon 3 – Tungkulin ng Yamang Tao sa Pagpapaunlad ng Kabuhayan at
Lipunan ng Isang Bansa
Kapag natapos mo na ang Modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nasusuri ang komposisyon ng populasyon sa Asya;
2. natutukoy ang kahalagahan ng yamang tao sa Asya;
3. natatalakay ang sanhi at bunga ng paglaki ng populasyon sa Asya at
4. naipaliliwanag ang kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.
Mga Tala para sa Guro
Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
2
Subukin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa?
A. populasyon C. komposisyon
B. sensus D. distribusyon
2. Alin sa mga sumusunod na bansa ang may pinakamaraming tao sa Asya maging
sa Daigdig?
A. Pilipinas C. Indonesia
B. China D. India
3. Alin sa mga sumusunod na bansa ang pangalawa sa may pinakamaraming tao
sa kontinente ng Asya?
A. Pilipinas C. Indonesia
B. China D. India
4. Alin sa mga sumusunod na bansa ang may pinakamaliit na bilang ng mga taong
naninirahan sa kontinente ng Asya?
A. Bhutan C. Macao
B. Brunei D. Maldives
5. Pang-ilan ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa Asya na may
pinakamaraming taong naninirahan?
A. pangatlo C. pangpito
B. panglima D. pangsiyam
6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng dami ng anak na
maaaring isilang ng isang babae?
A. population density C. fertility rate
B. population growth rate D. migration
7. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dami o kapal ng bilang ng tao na
naninirahan sa isang lugar?
A. population density C. fertility rate
B. population growth rate D. migration
8. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya ang may pinakamataas na bilang ng
populasyon?
A. Timog Asya C. Gitnang Asya
B. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
3
9. Alin naman sa sumusunod ang tumutukoy sa rehiyon sa Asya na may
pinakamababang bilang ng populasyon?
A. Hilagang Asya C. Gitnang Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
10. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa
isang bansa sa loob ng isang taon?
A. population density C. fertility rate
B. population growth rate D. migration
11. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa paglipat ng isang tao ng lugar o kanyang
panirahan?
A. population density C. fertility rate
B. population growth rate D. migration
12. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa o sumulat?
A. land area C. urban population
B. median age D. literacy rate
13. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa lawak ng lupain na sakop ng isang lugar
o bansa?
A. land area C. urban population
B. median age D. literacy rate
14. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa porsyento ng populasyon na naninirahan
sa urban areas o mga lungsod?
A. land area C. urban population
B. median age D. literacy rate
15. Sino sa sumusunod ang nagsabing “ang yamang tao ang pinakamahalagang
kayamanan ng isang bansa?
A. Ho Chi Minh C. Jose Rizal
B. Dalai Lama D. Mao Zedong
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.
4
Aralin
1 Yamang Tao sa Asya
Mahalaga ang mga likas na yaman ng Daigdig. Kabilang sa
mga likas na yaman na ito ang yamang tao. Ang kontinente
ng Asya ay nabiyayaan ng maraming yamang tao na maaari
nitong magamit upang mapaunlad ang kabuhayan at
lipunan ng mga Asyano. Halina at ating tuklasin ang
yamang tao sa Asya.
Balikan
Mahal Kita, Asya!
Panuto: Alamin natin kung paano sabihin ng mga pangkat etnolinggwistiko ang
salitang “mahal kita”. Narito ang talahanayan na nagpapakita ng ilang mahalagang
kaalaman sa mga pangkat. Ilagay sa unang kolum ang pangalan ng pangkat na
akma sa pinagmulang rehiyon, kontribusyon at wika. Pumili ng sagot mula sa loob
ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Arabo Indonesian Tajik
Kyrgyz Indo-Aryan Manchu
Korean Eskimo Japanese
Pangkat
Etnolinggwistiko
Pinagmulang
Rehiyon
Mga Kontribusyon Paano nila sabihin
ang “mahal kita”?
1. Silangang
Asya
Pag-gawa ng Hanji, ang
pinakamahal na papel
sa mundo
Saranghamnida
2. Timog Asya
Hinduismo,
Matematika, Algebra at
Astronomiya
Main tumase pyaar
karata hoon
3. Timog-
Silangang Asya
Wayang kulit na papet
at telang batik Aku cinta kamu
5
4. Kanlurang
Asya
Kape, pag-imbento sa
zero at bumuo sa
sistema ng decimal.
uHibbuka/uHibbuki
5. Silangan Pag-iimprenta,
porselana, tsaa at sutla Bi shimbe hairambi
6. Gitna
Pagpapastol at pag-
gawa ng alak na mula
sa binurong gatas
Men seni suyom
Sa Asya ang salitang “mahal kita” ay maaaring maisalin sa halos
dalawang-libong magkakaibang wika. Kung gaano kadami ang mga
pangkat-etnolinggiwistiko, ganoon din kayaman ang wika. Sa Pilipinas
pa lamang ay mayroon na tayong walong (8) mga pangunahing
dayalekto. Hindi ito nakapagtataka sapagkat malaki ang kabuuang
populasyon ng Pilipinas na umabot na sa lagpas isang daang milyon.
Ang Asya ay tahanan ng napakaraming mga pangkat
etnolinggwistiko na mayroong iba-ibang wika at etnisidad. Bawat
pangkat ay may rehiyong pinagmulan at mga kontribusyon sa
pamayanan. Ang mga pangkat-etnolinggwistiko ay ang bumubuo sa
populasyon sa Asya.
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang tula. Maaari din itong bigkasin nang malakas
upang maramdaman ang ipinararating na mensahe. Matapos nito ay sagutin ang
mga tanong at isulat ito sa iyong sagutang papel.
Ang Asya ay katulad ng malawak na langit,
Ang bituin ay mga taong iba-iba ang mga lahi,
Tayong mga Pilipino ay mga Asyanong kayumanggi,
Kulay man ay iba-iba, may layuning minimithi.
“Ang mga Asyano, Kayamanan ng Asya”
Gilbert C. Francisco
Ang pinakamalaking kontinente, ang ngalan ay Asya,
May samu’t saring tradisyon at mayamang kultura,
Dito nagsimula ang mga unang sibilisasyon,
Dito din umusbong, mga pangunahing relihiyon.
May limang rehiyon din na sa Asya matatagpuan,
Ang Silangan, Gitna, Timog at Kanluran,
At ang bansang Pilipinas, kung ang mapa ay titingnan,
Ito ay bahagi ng magandang Timog Silangan.
6
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Ating suriin ang tula, Subukin nating sagutin ang mga katanungan ukol sa
nilalaman nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano-anong mga lahi ang nabanggit na mula saTimog Asya?
A. Sri Lankan, Hapones at Pakistani
B. Arabo, Lebanese at Palestino
C. Hindu, Mongol, Kazakhs
D. Sri Lankan, Pakistani, Hindu
2. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga rehiyon sa Asya ayon sa ayos na may
pinakamaliit hanggang sa may pinakamalaking populasyon?
A. Gitna, Kanluran, Silangan, Timog-Silangan, Timog
B. Gitna, Kanluran, Timog-Silangan, Silangan, Timog
C. Gitna, Timog-Silangan, Kanluran, Silangan, Timog
D. Gitna, Silangan, Timog-Silangan, Kanluran, Timog
Ang Asya ay katulad ng malawak na langit,
Ang bituin ay mga taong iba-iba ang mga lahi,
Tayong mga Pilipino ay mga Asyanong kayumanggi,
Kulay man ay iba-iba, may layuning minimithi.
Sa Timog ng Asya, ang mga tao’y pinakamarami,
Naroon ang mga Hindu, Sri Lankan at Pakistani,
Pangalawa ang Silangan sa may maraming populasyon,
Koreano, Mongol, Tsino at Hapones ay naroon.
Ang lupang Timog-Silangan, pangatlo sa listahan,
Pilipino, Thai, Malaysian, dito matatagpuan,
Kanlurang Asya ang pang-apat sa dami ng mga tao,
Tahanan ng mga Iraqi, Arabo, Lebanese at Palestino.
Gitnang Asya’y may pinakakaunting bilang ng naninirahan,
Kazakhs, Tajiks, Uzbeks, Kyrgyz at Turkmen ay nariyan,
Sa wika, itsura at mga gawi ay nagkakaiba,
Mga Asyano na pinagbuklod ng lakas at pagkakaisa.
Sa limang mga rehiyon, yamang tao ay mahalaga,
Sila ang bumubuo sa mga manggagawa at pamilya,
Sangkatauhan ay kayamanang sa Diyos pa nagmula,
Nasa tao ang kinabukasan at pag-unlad nitong Asya.
7
3. Saan inihalintulad ang dami ng populasyon ng Asya?
A. Mga buhangin sa dalampasigan
B. Mga bilang ng rehiyon sa Asya
C. Mga manggagawa at pamilya
D. Mga bituin sa langit
4. Sa binasang tula, bakit sa isang langit inihalintulad ang Asya?
A. Dahil ang Asya ang pinakamalawak na kontinente
B. Dahil ang Asya ay binubuo ng maraming lahi at pangkat etniko.
C. Dahil ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon pang-heograpiya.
D. Dahil ang Asya ang pinagmulan ng ibat-ibang sibilisasyon.
5. Sinabi sa tula na ang yamang tao ay mahalaga, sa paanong paraan ito
ipinaliwanag ng tula?
A. Ang yamang tao at ang kanilang lakas pag-gawa ang susi sa pagkakaroon
ng kaunlaran sa Asya.
B. Ang yamang tao ay mahalaga sapagkat mataas ang bilang ng populasyon
sa Asya.
C. Ang yamang tao at ang kanilang lakas pag-gawa ang gagamitin ng Asya
upang maging pinakamakapangyarihang kontinente.
D. Ang yamang tao ay mahalaga sapagkat pinamataas ng mga tao ang
demand sa pagkain.
Suriin
Ayon kay Mao Zedong, ang tao ang pinakamahalagang
kayamanan ng isang bansa. Ang yamang tao ay katulad rin ng mga likas
na yaman na nagbibigay ng kalinangan at kontribusyon sa isang estado.
Ang populasyon ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa. Ang
proseso ng census ay isang kapaki-pakinabang na instrumento. Ito ay paraan ng
pag-alam at pagtatala sa laki ng populasyon ng mga bansa, kabilang na ang
komposisyon nito at ang distribusyon.
8
Batay sa State of World Population 2018 ng United Nations Fund for
Population Activities (UNFPA) na makikita sa website ng Population Commission
(PopCom) ng Pilipinas, ang Asya ang nangunguna sa mga kontinente bilang may
pinakamaraming yamang tao. Ang Asya ay may kabuuang populasyon na halos apat
na bilyong katao noong taong 2018. Tinataya na ayon sa datos ng UNFPA ay
nadagdagan ng halos 40 milyon ang kabuuang populasyon sa Asya kada taon. Ang
buong kontinente ay may antas ng pagtaas ng populasyon na 1.0% bawat taon.
Sa limang rehiyon, ang Timog Asya ang may pinakamaraming populasyon.
Sinusundan ito ng Silangan, Timog Silangan, Kanluran at pinakamaliit ang
populasyon sa Gitnang Asya.
Isinasaad din sa ulat na 52.35% ng kabuuang populasyon ng daigdig ay
nanggaling sa Asya. Sa sampung tao sa daigdig, halos anim sa kanila ay Asyano.
Patunay dito ay ang dalawang (2) bansa na may pinakamalaking populasyon na
matatagpuan sa Asya, ito ay ang China at India.
Mahalagang mapag-aralan at masuri ang katangian ng populasyon ng mga
bansa sa Asya. Sa pag-aaral na gagawin ay kinakilangang mabigyang kahulugan
ang mga pangunahing salita na karaniwang ginagamit sa pagtatayang implikasyon
ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan ng isang lugar.
Narito ang mga mahahalagang salitang dapat matutunan:
1. Ang population growth rate ay ang bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao
sa isang bansa bawat taon. Ang karaniwang growth rate sa Asya ay 1.0 %.
2. Ang population density ay tumutukoy sa dami o kapal ng populasyon.
Nakukuha ito sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang bilang ng
populasyon sa kilometro kwadradong lawak ng teritoryo ng bansa. Ang
karaniwang population density sa Asya ay 150 tao kada kilometro kwadrado
3. Ang land area naman ay ang lawak ng lupain o teritoryo ng isang bansa. Ito
ay masusukat gamit ang unit na kimlometro kwadrado (km²).
4. Ang mga migrants ay tumutukoy sa mga taong lumilipat ng lugar
panirahan habang ang migrasyon ay ang pandarayuhan o paglipat ng lugar
o tirahan.
9
5. Ang fertility rate ay ang bahagdan ng dami ng anak na maaaring isilang
ng isang babae. Ang global average fertility rate sa buong mundo ay 2.5.
6. Ang median age ay ang edad na naghahati sa populasyon sa dalawang
magkapantay na grupo. Ang kalahati ng buong populasyon ay mas bata sa
median age at ang kalahati ay mas matanda sa median age. Ang karaniwang
median age sa buong Asya ay edad na 32.
7. Ang urban population ay ang porsiyento ng populasyon na naninirahan sa
urban areas o mga lungsod. Ang karaniwang urban population sa mga
bansa sa Asya ay 50.9 %.
8. Ang life expectancy ay tumutukoy naman sa inaasahang haba ng buhay
ng tao.
9. Ang Gross Domestic Product o GDP naman ay ang kabuuang panloob na
kita ng isang bansa sa loob ng isang taon. Ang unemployment rate ay
tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na walang hanapbuhay o
pagkakakitaan.
10. Literacy rate naman ang tawag sa bahagdan ng populasyon na marunong
bumasa at sumulat.
ANG TALAHANAYAN NG POPULASYON SA ASYA
Ang talahanayan sa ibaba ay naglalaman ng mahahalagang
impormasyon sa katangian ng populasyon sa ilang bansa sa Asya.
Inihanay ang sampung bansa na may pinakamalaking populasyon at
sampung bansa na may pinakamaliit na populasyon.
Pag-aralan kung paano nagkaiba- iba ang mga populasyon sa
ibat-ibang bansa at alamin ang mga katangian nito.
SAMPUNG BANSA SA ASYA NA MAY PINAKAMALAKING POPULASYON
Bansa Populasyon
(2018) est.
milyon
Growth
Rate
(2010-
2018)
Density
(P/Km²)
Land
Area
(Km²)
Migrants
(net)
Fert.
Rate
Med.
Age
Urban
Pop %
1. China 1,415 0.50 % 150 9,388,211 -348,399 1.6 38 61%
2. India 1,354 1.20 % 455 2,973,190 -532,687 2.3 28 35%
3. Indonesia 266 1.20 % 147 1,811,570 -98,955 2.3 30 56%
4. Pakistan 200 2.00 % 259 770,880 -233,379 3.3 23 35%
5. Bangladesh 166 1.10 % 1,275 130,170 -369,501 2.1 28 39%
6. Japan 127 -0.10 % 348 364,555 71,560 1.5 48 92%
7. Philippines 107 1.60 % 356 298,170 -67,152 2.9 26 47%
8. Vietnam 97 1.10 % 310 310,070 -80,000 1.9 32 38%
9. Iran 82 1.20 % 50 1,628,550 -55,000 1.6 32 76%
10. Turkey 81 1.60 % 105 769,630 283,922 2.0 32 76%
10
SAMPUNG BANSA SA ASYA NA MAY PINAKAMALIIT POPULASYON
Bansa Populasyon
(2018) est.
Growth
Rate
(2010-
2018)
Density
(P/Km²)
Land
Area
(Km²)
Migrants
(net)
Fert.
Rate
Med.
Age
Urban
Pop %
1. Brunei 400,000 1.40 % 70 5,270 0 1.8 32 80%
2. Maldives 400,000 2.50 % 1,333 300 11,370 2.0 30 35%
3. Macao 600,000 1.39 % 21,645 30 5,000 1.2 39 N.A.
4. Bhutan 800,000 1.40 % 21 38,117 320 2.0 28 46%
5. Cyprus 1,200,000 0.80 % 130 9,240 5,000 1.3 37 67%
6. Timor-Leste 1,300,000 2.20 % 87 14,870 -5,385 5.3 21 33%
7. Bahrain 1,600,000 2.90 % 2,105 760 47,800 2.0 32 89%
8. Qatar 2,700,000 5.20 % 233 11,610 40,000 1.9 32 96%
9. Armenia 2,900,000 0.20 % 102 28,470 -4,998 1.6 35 63%
10. Mongolia 3,100,000 1.80 % 2 1,553,560 -852 2.7 28 67%
Source: State of World Population 2018. United Nations Funds for Population Activities
(UNFPA) https://popcom.gov.ph/wp-content/uploads/2019/06/State-of-the-World-
Population-2018.pdf
PAGSUSURI SA KATANGIAN NG POPULASYON NG ISANG BANSA
Sa pagsusuri ng datos mula sa talahanayan, kinakailangang
maintindihan ang lahat ng mga bahagi nito. Ang populasyon ay may
kaugnayan sa growth rate, density, land area, migrasyon, fertility rate,
median age at urban population. Gamitin nating halimbawa sa pagsusuri
ang mga datos ng populasyon patungkol sa Pilipinas.
1. Population growth rate o yearly change growth rate
Ipinapakita sa talahanayan na ang Pilipinas ang pampito sa may
pinakamataas na populasyon sa Asya sa taong 2018. Ang kabuuang bilang ng mga
tao rito ay lagpas 106 milyon. Ang bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa bawat
taon (population growth rate) ay 1.60 %. Mas mataas ito kung ikukumpara sa
pangkaraniwan na estimated annual growth rate na 1.0 %.
Ang populasyon ay magiging mataas kapag ang population growth rate o
yearly change growth rate ay mananatiling mataas sa mga susunod na taon. Ang
mataas na bahagdan ng growth rate ay nangangahulugan na mas mabilis ang
pagdami ng mga tao.
2. Sukat ng lupain o land area
Ang kabuuang sukat ng teritoryo ng Pilipinas ay 298,170 km². Pang
dalawamput-dalawang pwesto ito sa limamput-isang bansa sa Asya.
Ang populasyon ng mga bansang may malaking sukat ng lupain ay higit na
may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng mataas na populasyon kaysa sa
mga bansang may maliit na sukat ng lupain. Kapag mas malawak ang sukat ng
lupain, mas maraming tao ang maaaring manirahan.
11
3. Population density
Kung pantay-pantay na ikakalat ang 106 milyon na mga tao sa Pilipinas ay
masasabing may 356 na tao sa bawat isang kilometro kwadrado (km²). Ito ang
tinatawag na population density.
Kapag mataas ang populasyon at maliit ang sukat ng lupain ng bansa, ang
population density ay mataas. Ang mas makapal na populasyon ay
nangangahulugan na dumarami ang mga taong matatagpuan sa isang kilometro
kwadrado ng lupain. Kapag mataas ang populasyon at malaki ang sukat ng lupain
ng bansa, ang population density ay mababa. Ang maliit na populasyon ay maaari
ding magresulta sa mababang population density. Ang lawak ng lupain ay may
malaking epekto dito.
4. Migrasyon
Ang Pilipinas ay may datos na -67,152 migrants. Ang negatibong bilang na ito
ay nangangahulugan na mas marami ang mga taong lumabas kaysa sa pumasok sa
loob ng bansa noong taong 2017. Karamihan sa mga taong lumalabas ng Pilipinas
ay upang magtrabaho sa ibayong dagat.
Ang populasyon ay mas magiging mataas kapag malaki ang bilang ng mga
dumadating na migrante sa isang bansa. Ang bilang ng mga migranteng
permanenteng maninirahan sa isang bansa ay madaragdag sa populasyon nito.
5. Fertility Rate
Ang fertility rate sa mga Pilipinas ay 2.9. Malapit ang numero sa batayan na
2.5 na global average fertility rate. Nangangahulugan ito na katulad sa karaniwan
ang dami ng mga anak ng mga kababaihan sa Pilipinas.
Ang populasyon ng isang bansa ay mas magiging mataas sa paglipas ng mga
taon kapag nanatili ding mataas ang fertility rate ng kababaihan sa bansa.
6. Median Age
Ang median age sa Pilipinas ay 26. Ang numero ay nangangahulugan na ang
kalahati ng populasyon ay mas bata sa edad na 26 at ang kalahati pa ay mas
matanda sa edad ding ito. Nais ipahiwatig ng datos na ang kabuuang populasyon ng
Pilipinas ay bata pa.
Ang pagkakaroon ng batang populasyon ay nangangahulugan na mas marami
ang magiging bilang ng lakas paggawa ng bansa. Mas marami din ang mga bubuo
ng pamilya para sa susunod na henerasyon ng populasyon.
7. Urban population
Sa pagsusuri ng urban population, 47 % ng mga tao sa Pilipinas ang
naninirahan sa mga siyudad na industriyalisadong lugar. 53% ng populasyon ang
nakatira sa mga rural at liblib na mga pook. Kaunti na lamang at magiging kalahati
na ng buong populasyon ang nasa pook urban at kalahati sa pook rural.
Ang populasyon na may mataas na porsyento ng urban population ay
nangangahulugan na naaakit ang karamihan ng mga tao sa mga trabaho,
oportunidad at paraan ng pamumuhay sa mga siyudad.
12
MGA DAHILAN NG MABILIS NA PAGLAKI NG POPULASYON
Maraming dahilan kung bakit mabilis lumaki ang populasyon ng isang bansa.
Ngunit ayon sa State of Philippine Population Report 5 (2012), pangunahin sa mga
ito ang mga sumusunod:
a. Mataas na Fertility Rate
Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkakaroon ng mahigit sa isang anak
ng mga pamilya nang higit sa kanilang plano ang nagdudulot ng paglobo
ng populasyon. Sa Pilipinas noong taong 2008, nasa 3.3 % ang Total
Fertility Rate kumpara sa Wanted Fertility Rate na 2.4 % lamang. Ibig
sabihin mas marami ang naipapanganak kaysa sa naiplano ng mga
pamilya. Ganito rin ang kalagayan sa maraming bansa sa Asya.
Tinitignang dahilan nito ang pagkakaroon ng kakulangan sa
pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilya sa Family Planning. Sa
Pilipinas, ayon sa Family Health Survey ng Philippine Statistics Authority
noong taong 2011, mayroong 19.3% ng pamilyang Pilipino ang wala o
kulang ang access sa Family Planning. Ang kakulangang ito ay
nagdudulot ng pagtaas ng fertility rate na nagreresulta sa pagtaas ng
populasyon.
b. Unmanaged Urbanization
Ang pagdagsa ng mga tao sa mga lungsod ay nagdudulot rin ng
mabilis na pagtaas ng populasyon. Dahil karamihan sa oportunidad ay
makikita sa mga kalungsuran, ang mga tao sa kanayunan ay lumilipat sa
pag-asang gagaan ang kanilang pamumuhay. Mayroong pinapalad na
makahanap ng trabaho ngunit maraming pagkakataon na nakakadagdag
lamang sila sa siksikan ng mga tao sa mga lungsod na nagreresulta sa
pagtaas ng populasyon.
Ang ilan pa sa mga dahilan ng pagdami ng populasyon ay ang kultura ng
isang bansa, maaagang pag-aasawa at pagkakaroon ng makabagong teknolohiya.
Mayroong ilang kultura na mas pinapanigan ang pagkakaroon ng malalaking
pamilya. Pinaniniwalaan na magdudulot ito ng kasaganahan sa pamilya. Ang
maagang pag-aasawa naman ay nagreresulta sa maagang pagkakaroon ng anak.
Samantala ang pagkaroon ng makabagong teknolohiya lalo sa larangan ng medisina
ay magdudulot upang mas marami pa ang humaba ang buhay. Ang lahat ng ito ay
nagreresulta sa pagtaas ng populasyon sa isang bansa.
MGA BUNGA NG MABILIS NA PAGLAKI NG POPULASYON
Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay nagdudulot ng maraming epekto sa
buhay ng mga tao. Kaakibat nito ang mga suliraning may kaugnayan sa sumusunod:
a. Pabahay
Ang mas malaking populasyon ay nangangahulugan ng mas maraming
pabahay na kinakailangan. Mas malaking hamon kung malaki ang
populasyon at maliit ang lupang sakop ng isang bansa.
13
b. Hanapbuhay
Mas maraming trabaho ang kakailanganin ng mas malaking
populasyon. Kapag hindi ito nasolusyunan ay magreresulta ito sa
malawakang kawalan ng trabaho. Kung matutugunan naman ito ay
magdudulot ng mas maraming lakas paggawa na makatutulong upang
mapaunlad ang isang bansa.
c. Kalusugan
Ang mas malaking populasyon ay nangangahulugan na mas maraming
kinakailangang siguruhing malusog at nabibigyan ng mga basic health
services. Kapag hindi ito natugunan ay marami ang magkakasakit o hindi
kaya ay mamamatay.
d. Edukasyon
Mas maraming kailangang pag-aralin sa isang bansa na may malaking
populasyon. Mas maraming pondo ang kakailanganin upang maipatupad
ito.
e. Kabuhayan
Isa na siguro na maaaring maging masamang epekto ng pagkakaroon
ng malaking populasyon ay ang isyu ng kahirapan. Kapag hindi
natugunan ang pangangailangan ng malaking populasyon sa edukasyon,
kalusugan, hanapbuhay at pabahay, magreresulta ito sa kahirapan.
f. Kapaligiran
Upang matugunan ang mga pangangailangan ng dumaraming bilang
ng tao, nasasakripisyo o naaabuso ang ating kalikasan. Nagbubunga ito
ng iba’t ibang klase ng polusyon gaya ng polusyon sa hangin, tubig, lupa
at marami pang iba. Ang pagputol ng puno sa ating mga kagubatan o
deforestation ay sumisira sa tirahan ng mga hayop.
Ilan lamang ang mga ito sa mga epekto ng pagkakaroon ng malaking
populasyon. Mayroong itong positibo at negatibong epekto at nasa ating mga kamay
kung paano natin mas magagamit ang yamang tao para sa ikauunlad ng ating
ekonomiya at lipunan.
Kailangan nating malaman ang bilang ng populasyon sa Asya at
mga bansa nito sapagkat tayong mga Pilipino ay mga Asyano rin. Ang
population growth rate, land area, median age, fertility rate, migrasyon
at urban population ay may kaugnayan sa pagdami ng kasalukuyang
populasyon. Ang bilang ng populasyon ay nakaaapekto naman sa pag-
unlad ng isang bansa.
Ang mga bagay na nagaganap sa kabuuan ng populasyon kagaya
ng pagtaas ng estado ng pamumuhay at kahirapan ay maaaring
maranasan rin ng isang indibidwal na katulad mo.
14
Pagyamanin
A. Datos na Kailangan, Ibibigay ang Kasagutan
Panuto: Siyasatin ang mga datos na nakaulat sa talahanayan tungkol sa katangian
ng populasyon sa Asya. Gamit ang talahanayan, ibigay ang mga hinahanap na
kasagutan sa bawat bilang.
1. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya
na may pinakamalawak na sukat ng lupain o land area.
____________________________________________________________________________
2. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya
na may pinakamaliit na population density.
__________________________________________________________________________
3. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya na may pinakamataas na fertility rate.
____________________________________________________________________________
4. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya na may pinakamababang growth rate.
____________________________________________________________________________
B. Fill in the Blanks!
Panuto: Buoin ang mga pangungusap at gawin itong impormatibo sa pamamagitan
ng paglalagay ng nawawalang salita sa bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
China Pilipinas Asya
Brunei Japan
1. Ang kontinente ng _______________ ay may kabuuang populasyon na
halos apat na bilyon noong taong 2018.
2. Ang bansang _______________ ay may negatibong population growth rate.
3. Sa 49 na mga bansa sa Asya, ang bansang _______________ ang may
pinakamalaking populasyon.
4. Ang bansang _______________ ang may pinakamaliit na populasyon sa buong
kontinente ng Asya.
5. Ang _______________ ay nasa ika-pitong pwesto sa mga bansang may
pinakamataas na populasyon sa Asya.
15
C. Kumpletuhin Mo!
Panuto: Sa pag-aaral na iyong ginawa sa katangian ng populasyon ng Asya, nabatid
mo ang kalagayan ng mga bansa at ang kasalukuyang lagay ng populasyon nito. Sa
kabila ng mataas na bilang ng yamang tao sa kontinente, mayroong mga suliranin na
kinakaharap ang mga bansa nito sa patuloy na paglaki ng populasyon. Ang Timog
Asya ang tinaguriang pinakamataong rehiyon sa kontinente. Ilarawan ang kalagayan
ng populasyon sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagpuno ng mga impormasyon sa
tsart sa ibaba.
D. Pag-ugnayin Mo: Mababa o Mataas?
Panuto: Tukuyin ang kaugnayan ng populasyon sa iba’t ibang katangian nito.
Kumpletuhin ang ugnayan sa pamamagitan ng paglalagay ng salitang mababa o
mataas sa mga patlang.
1. Kapag kakaunti ang bilang ng mga anak ng kababaihan, _______________
ang fertility rate ng populasyon.
2. Kapag maraming tao sa isang bansa ang may hanap-buhay, _______________
ang unemployment rate.
3. Kapag dumarami nang mabilis ang populasyon, _______________ ang growth rate
ng populasyon ng isang lugar o bansa.
4. Kapag malaki ang populasyon at maliit lamang ang sukat ng lupain ng bansa,
_______________ ang population density.
5. Kapag mataas ang populasyon sa mga siyudad ng isang bansa, _______________
ang porsyento ng urban population.
Populasyon sa Timog
Asya
________
________
________
________
________
________
________
________
________
________
________
________
________
________
________
________
________
________
16
E. SANHI-BUNGA
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ukol sa sanhi at epekto ng pagkakaroon ng
malaking populasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
F. Tao’y Kayamanan, Ating Pahalagahan
Panuto: Basahin ang maikling sanaysay na tumatalakay sa Pilipinas at sa
populasyon nito. Pagkatapos ng pagbasa ay sagutin ang mga katanungan sa
pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sanhi
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Bunga
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Ang Mga Pilipino
Sabi ng marami, kahit saang bahagi ka ng mundo magpunta ay
makakakita tayo ng Pilipino. Mula sa maunlad na lupain ng Hilagang
Amerika, sa mga abalang lungsod ng Japan, sa mayayamang estado ng Middle
East at kapatagan ng Africa hanggang sa malalayong isla ng Fiji, Samoa at
Faroe Islands, tiyak na may Pilipino tayong matatagpuan. Sa dami ng bilang
ng ating populasyon, hindi nakapagtataka na marami din sa ating mga
kababayan ay lumalabas ng bansa upang maghanap ng ikabubuhay.
17
Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakatulong sa Pilipinas ang pagkakaroon nito ng maraming populasyon?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Maraming mga dayuhan ang pumipili sa mga Pilipinong manggagawa
dahil sa ating mga natatanging ugali. Ang mga Pilipino ay kilala sa ating
bansa at sa mundo bilang maabilidad at masipag sa trabaho. Ang mga Pilipino
ay kilala rin sa pagiging isa sa mga pinakamasayahing lahi sa mundo. Tayo ay
maasikaso sa panauhin, may pagpapahalaga sa pamilya at may paggalang sa
kapwa tao. Marami sa mga Pilipino ang nakangiti pa rin at patuloy na
bumabangon sa gitna ng mga pinagdaraanang pagsubok.
Kapag ang yamang tao ang pag-uusapan, ang Pilipinas ay biniyayaan
ng marami nito. Kabilang sa ating yamang tao ang nasa 2.2 milyong OFW o
Overseas Filipino Workers. Sila ang mga itinuturing na bayani ng makabagong
panahon. Ang tumataas na populasyon ng mga OFW ay masasabing
mahalaga para sa ekonomiya ng ating bansa. Maraming pamilyang Pilipino
ang nasusuportahan ng mga pera o remittances na kanilang ipinapadala sa
Pilipinas. Ayon sa ulat ng POEA (Philippine Overseas Employment
Administration), nakapagpapadala ang lahat ng mga OFW ng 31 bilyong
dolyar sa bansa kada taon. Ang halagang ito ay 10 % ng kabuuang GDP o
Gross Domestic Product ng Pilipinas.
Sa taong 2020, ipinahayag din ng POEA na ang mga bansang may
pinakamaraming mga OFW ay ang Saudi Arabia, U.A.E., Singapore, Hong
Kong at Qatar. Ang mga trabahong karaniwang pinapasukan ng mga Pilipino
ay may kinalaman sa larangan ng healthcare services, domestic services,
construction at hotel and restaurant management. Ang pagbibigay ng
trainings at mga kasanayan sa mga Pilipino upang makapagtrabaho sa
abroad ang isang paraan ng pamahalaan upang mapaunlad ang ating bansa.
Tinatayang sa mga healthcare workers pa lamang, 19,000 na professional nurses ang lumalabas ng bansa kada taon. Sa lahat ng bansang naapektuhan ng COVID 19 pandemic, may 92, 700 na mga Pilipinong nars ang patuloy na nagsisilbing frontliners at direktang nag-aalaga sa mga pasyente. Maraming buhay ang nailigtas nang dahil sa kanila. Ang kontribusyong ito sa daigdig ng mga mamamayang Pilipino ay hindi matutumbasan.
Ang pagkakaroon ng malaking populasyon ay hindi hadlang upang malugmok sa kahirapan ang ating bansa. Sa determinasyon ng mga Pilipino, bawat isa ay makahahanap ng mas malawak na oportunidad upang mapa-unlad ang pamumuhay.
Ang yamang tao ng bansa ang nagbigay dito ng lakas paggawa na naglilingkod hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati na rin sa ibat-ibang dako ng daigdig.
18
2. Ano ang mga hakbang na ginawa ng mga tao/mamamayan upang magamit nila
sa tama ang lakas sa pag-gawa? Paano sila nakapag-ambag sa GDP ng Pilipinas at
sa lipunan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Kailangan ba ang yamang tao sa pagpapaunlad ng bansa at ng Asya? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Isaisip
Puno ng Karunungan
Panuto: Sa bawat bahagi ng puno, ilagay ang mga bagay na iyong natutunan mula
sa aralin. Gamitin mo bilang gabay ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Sa iyong pananaw, ano ang natutunan mo sa kasalukuyang
komposisyon ng populasyon sa Asya?
2. Ano ang mga suliranin na maaaring maidulot ng malaki at lubhang
dumaraming populasyon?
3. Ano ang halaga ng populasyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan at
lipunan?
1
2
3
19
Isagawa
Millenial Ka, Mahusay Ka!
Panuto: Ikaw, bilang kabataan ng makabagong panahon ay nabibilang sa
kasalukuyang populasyon ng bansa. Kasama ng iba pang mga kabataan, kayo ang
lilikha ng panibagong henerasyon at pag-asa para sa Pilipinas. Ang millennial na
katulad mo ay may gagampanang mahalagang papel sa pag-unlad ng lipunan at
bansa.
Pagmasdan mo at suriin ang larawan. Ibigay mo ang mensahe ng larawang
ito sa iyo sa pamamagitan ng isang slogan. Gamiting gabay ang rubric sa susunod
na pahina. Isagawa ang iyong slogan sa hiwalay na papel o sa sagutang papel.
20
Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Anong rehiyon sa Asya ang may pinakamaliit na populasyon?
A. Gitnang Asya C. Kanlurang Asya
B. Timog Asya D. Silangang Asya
2. Anong bansa ang itinuturing na may pinakamalaking bilang ng populasyon sa
Asya at maging sa buong daigdig?
A. India C. China
B. Saudi Arabia D. Iraq
3. Ilang bahagi ng populasyon ng Daigdig ang matatagpuan sa Asya?
A. kulang sa kalahati C. lagpas sa kalahati
B. kalahati D. kabuuan
Kraytirya Di – Pangkaraniwan
4
Kahanga – hanga
3
Katanggap – tanggap
2
Pagtatangka 1
1. Paksa Angkop na angkop at
eksakto ang kaugnayan sa
paksa
May kaugnayan sa paksa
May maliit na kaugnayan
Walang kaugnayan
2. Pagkamalik-hain
Gumamit ng maraming kulay at kagamitan na may kaugnayan
sa paksa
Gumamit ng kulay at iilang kagamitan na
may kaugnayan sa
paksa
Makulay subalit hindi
tiyak ang kaugnayan
Hindi makulay
3. Takdang Oras
Nakapagsumite sa mas
mahabang oras
Nakapagsumite sa tamang oras
Nakapagsumi-te ngunit huli sa itinakdang
oras
Higit sa isang linggo ang kahulihan
4. Kalidad ng ginawa
Makapukaw interes at
tumitimo sa isipan
Makatawag pansin
Pansinin ngunit di -
makapukaw ng isipan
Di - pansinin, di -
makapukaw ng interes at
isipan
5. Kalinisan Maganda, malinis at
kahanga – hanga ang
pagkakagawa
Malinis Ginawa ng apurahan ngunit di -
marumi
Inapura ang paggawa at
marumi
21
4. Anong terminolohiya ang tumutukoy sa kapal ng tao sa isang lugar o bansa?
A. land area
B. fertility rate
C. population growth rate
D. population density
5. Ang ____________ ang bumubuo sa lakas paggawa ng bansa. Ito ay patuloy na
dumarami at ang sinasabing may hawak ng kapalaran at kaunlaran ng bawat
bansa. Alin ang tinutukoy ng pahayag na ito?
A. migrante C. populasyon
B. Asyano D. pamahalaan
6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salaping ipinadadala ng mga OFW na
nakatutulong sa pagtaas ng GDP ng Pilipinas?
A. salary C. remittances
B. expenses D. revenues
7. Ang mataas na _______________ ng populasyon ay indikasyon na maraming tao
ang may kakayahang bumasa at sumulat. Alin sa mga sumusunod ang
kukumpleto sa pahayag na ito?
A. life expectancy C. unemployment rate
B. migrasyon D. literacy rate
8. Alin sa sumusunod ang nakapagpapabago sa populasyon dahil sa
magkakaibang bilang ng mga taong pumapasok at lumalabas sa isang bansa?
A. life expectancy C. unemployment rate
B. migrasyon D. literacy rate
9. Kapag mataas ang literacy rate ng isang bansa mas may malaking tsansa na
makahanap ng trabaho ang mga tao rito. Alin sa mga sumusunod na panukat
ang bababa ayon sa pangungusap?
A. life expectancy C. unemployment rate
B. migrasyon D. literacy rate
10. Sa Timog Asya, may mataas na _______________ ang populasyon kaya naman
mahaba ang inaasahang itatagal ng buhay ng mga tao roon. Alin sa mga
sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
A. population density C. fertility rate
B. literacy rate D. life expectancy
11. Kung ang populasyon ay may mataas unemployment rate, ano ang direktang
epekto nito na lubos na magiging suliranin ng ekonomiya ng isang bansa?
A. kahirapan C. kriminalidad
B. kakulangan sa pagkain D. pagtaas ng presyo ng bilihin
12. Alin sa sumusunod ang mabilis na makapagpapadami ng populasyon ng isang
lugar o bansa?
A. kapag mababa ang life expectancy
B. kapag mataas ang fertility rate
C. kapag mataas ang GDP
D. kapag mababa ang growth rate
22
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI suliraning dulot ng malaking populasyon?
A. kahirapan
B. kakulangan ng pagkain
C. pagdami ng lakas paggawa
D. trapiko at polusyon
14. Sa mga nakalipas na taon, maraming Pilipino ang nangingibang bansa. Ano ang
dahilan nito?
A. Ang mga Pilipino ay gustong mamasyal sa ibang bansa.
B. Sa paglipas ng taon, maraming Pilipino ang pinipiling mag-aral sa ibang
bansa.
C. Ang migrasyon o pag-alis ng mga Pilipino ay nangyayari upang mabawasan
ang bilang ng tao sa Pilipinas at nang sa ganoon ay maging masagana sa
pagkain.
D. Ang pag-alis ng mga Pilipino patungo sa ibang bansa ay oportunidad para
sa kanila upang makahanap ng trabaho.
15. Bilang kabataan, ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit ang mga tao ay
isang uri ng yaman na dapat pahalagahan?
A. Ang mga tao ang siyang nagproprodyus ng mga pagkain at hilaw na
materyales sa ekonomiya.
B. Ang mga tao ang bumubuo sa lipunan at ang sanhi sa pagdaloy ng
ekonomiya ng bansa.
C. Ang mga tao ang manggagawa at prodyuser na nagpapaunlad sa bansa.
D. Ang mga tao ay may kakayahan na magkapamilya at magkaanak kaya
sila ay mahalaga.
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat
hindi mo sinukuan ang pagbabasa at pagsasagot sa ating
modyul. Dahil dito handa ka nang harapin ang mga
susunod pang paksa sa susunod na markahan. Kung
iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot
sa mga karagdagang gawain na mas magpapalalim sa
iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!
23
Karagdagang Gawain
Panuto: Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na maglakbay, ano ang isang bansa
sa Asya na gustong-gusto mong mapuntahan? Pumili ng isang bansa at mula sa
iyong napili ay suriin mo ang kalagayan ng populasyon nito. Ilahad ang kalagayan
ng populasyon ng bansa sa pamamagitan ng:
• growth rate
• density
• land area
• migrants
• fertility rate
• median age
• urban population
Criteria 1 2 3 Puntos
Nilalaman Ang populasyon ng bansa ay nasuri gamit ang isang katangian lamang ito.
Ang populasyon ng bansa ay nasuri gamit ang dalawa hanggang tatlong katangian nito.
Ang populasyon ng bansa ay nasuri gamit ang apat at higit pang katangian nito.
Daloy ng kaisipan ng pagsusuri
Ang daloy ng kaisipan sa pagsusuri ay hindi lubhang maayos at may kakaunting kaugnayan lamang.
Ang daloy ng kaisipan sa pagsusuri ay maayos at magkakaugnay subalit hindi malinaw ang konklusyon.
Ang daloy ng kaisipan sa pagsusuri ay maayos, magkakaugnay at may konklusyon.
Pagkama-katotoha-nan
Ang mga ginamit na impormasyon ay hindi lahat hango sa aktwal na datos.
Ang mga ginamit na impormasyon ay totoo subalit may ilang datos na hindi totoo o
walang batayan.
Ang lahat ng impormasyon na inilahad ay batay sa makatotohanang
datos.
Kabuuan
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN 1. A
2. B
3. D
4. B
5. C
6. C
7. A
8. A
9. C
10. B
11. D
12. D
13. A
14. C
15. D
PAGYAMANIN A.
1.Tatlong bansa na may
pinakamalaking land area 1.China 2.India 3.Kazakhstan
2.
3.Tatlong bansa na may pinakamaliit na population density
4.1.Mongolia 2.Kazakhstan 3.Turkmenistan
5.Tatlong bansa na may
pinakamataas na fertility rate
6. 1.Afghanistan
2.Timor Leste 3.Yemen 7.
8.Tatlong bansa na may pinakamababang growth rate 1.Lebanon 2.Japan 3.Georgia
PAGYAMANIN
B. 1. Asya 2. Japan 3. China 4. Brunei 5. Pilipinas
C.
May kanya-kanyang sagot
TAYAHIN
1. A 4. D 7. D 10. D 13. C
2. C 5. C 8. B 11. A 14. D
3. C 6. C 9. C 12. B 15. B
ISAGAWA
May kaniya-kaniyang
gawa
ISAISIP May kaniya-kaniyang
sagot
PAGYAMANIN D.
1. MABABA 2. MABABA 3. MATAAS 4. MATAAS 5. MATAAS
E.
May kanya-kanyang
sagot
TUKLASIN 1. D 2. D 3. B 4. D 5. A 6. A
BALIKAN
1. Korean
2. Indo-Aryan 3. Indonesian 4. Arabo 5. Manchu
6. Kyrgyz
PAGYAMANIN
F.
May kanya-kanyang sagot
KARAGDAGANG GAWAIN
May kaniya-kaniyang gawa
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.
"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of
Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01
/AP-CG.pdf.
"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management
and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.
"Project EASE: Yamang Tao Sa Asya". Learning Resource Management and
Development System, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6013.
"SPPR 5 Seeking A Healthy Balance Population, Health, And Environment
Integration". Population Commission, 2012. https://popcom.gov.ph/state-of-
the-philippine-population-report/
“State of World Population 2018”. United Nations Fund for Population Activities
(UNFPA), 2018 https://popcom.gov.ph/wp-content/uploads/2019/06/State-
of-the-World-Population-2018.pdf
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]