araling panlipunan...malugod na pagtanggap sa araling panlipunan 7 ng alternative delivery mode...
TRANSCRIPT
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 1:
Paghahating Heograpikal ng Asya
7
ii
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Paghahating Heograpikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]. ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mary Kristine S. Delfin / Jellyann M. Panganiban
Gilbert L. Sayo
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD
Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD/
Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte
Tagaguhit: Aileen C. Clemente / Gilbert L. Sayo
Tagalapat: Mary Kristine S. Delfin / Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD
iii
7
Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 1
Paghahating Heograpikal ng Asya
iv
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paghahating Heograpikal ng Asya.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
v
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
vi
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay
upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilagang
Asya at Hilaga/Gitnang Asya.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:
Leksyon 1 - Ang Konsepto ng Asya
Leksyon 2 - Batayan ng Paghahating Heograpikal ng Asya
Leksyon 3 - Mga Rehiyon at Bansa sa Asya
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. naipaliliwanag ang kahulugan ng konsepto ng Asya;
2. nasusuri ang batayan ginamit sa paghahating heograpikal ng Asya;
3. nakagagamit ng mapa sa pagtukoy ng mga rehiyon at bansa sa Asya; at
4. naipamamalas ang pagtutulungan at pagkakaisa sa kabila ng pisikal na
dibisyon sa pamamagitan ng positibong pagtugon sa mga pangyayari sa Asya.
Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. May mga rubric sa huling bahagi ng modyul na ito para sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
2
Subukin
Panuto: Basahin at isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Anong agham ang pag-aaral ukol sa paglalarawan sa ibabaw ng daigdig?
A. Heograpiya C. Kultura
B. Kasaysayan D. Sibika
2. Sa anong rehiyon nabibilang ang Tsina na pinakamalaking bansa sa Asya?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi tumutukoy na paglalarawan at
paghahambing ng sukat at laki ng Asya sa ibang kontinente ng mundo?
A. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Europa at Antartica
B. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Hilaga at Timog America
C. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Europa nang apat na beses ng
laki nito
D. katumbas nito ang ikatlong (1/3) na bahagi ng kabuuang lupain sa mundo
4. Ano ang batayan ng Eurocentric view na paghahating heograpikal ng Asya?
A. ayon sa nakapalibot na mga katubigan
B. distansya mula sa kontinente ng Europa
C. pagkakahawig ng mga kultura ng mga bansa
D. lokasyon ng mga bansa sa latitud at longhitud
5. Anong bansa ang hindi kabilang sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya?
A. Indonesia C. South Korea
B. Pilipinas D. Vietnam
6. Anong rehiyon sa Asya ang tinaguriang Farther India o Little China?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
7. Ilang bahagdan ng kabuuang lupain sa mundo ang saklaw ng buong sukat ng
Asya?
A. 1/3 C. 1/4
B. 1/8 D. 1/2
8. Ano ang kahulugan ng salitang Asu sa mga Asyano?
A. hilaga C. silangan
B. kanluran D. timog
9. Ano ang kasalukuyang ang kabuuang bilang ng pagkakahati ng rehiyon sa Asya
batay sa Asyanong pananaw?
A. 3 C. 5
B. 4 D. 6
3
10. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa mundo?
A. kapatagan C. kontinente
B. kapuluan D. rehiyon
11. Ilang sub-regions ang pagkakahati ng Timog-Silangang Asya?
A. 2 C. 4
B. 3 D. 5
12. Ilan ang kontinente ng mundo?
A. 4 C .6
B. 5 D. 7
13. Anong rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang India?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
14. Sa anong rehiyon nabibilang ang mga bansang dating bahagi ng USSR?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
15. Ilang bansa ang bumubuo sa kontinente ng Asya?
A. 48 C. 50
B. 49 D. 51
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.
4
Aralin
1 Paghahating Heograpikal ng
Asya
Ang Pilipinas ay bahagi ng daigdig, ang mundong ating
tirahan. Sa bahaging ito, ating tatalakayin ang kontinente na
kinabibilangan ng ating bansa, partikular ang mga rehiyon at
iba pang mga bansang bumubuo rito sa Asya.
.
Balikan
Pag-aralan ang mapa ng daigdig sa ibaba. Matutukoy mo ba mula rito ang
bansang Pilipinas? Sa anong direksyon matatagpuan ang Pilipinas? Ano anong mga
bansa ang bumubuo sa kontinente ng Asya?
Halina’t ating tuklasin ang mga kaalaman na tiyak magbibigay sayo ng
malalim na pang-unawa sa ating kontinente.
Mapa ng Daigdig
5
Sagutin ang mga tanong.
1. Ilang kontinente mayroon ang daigdig?
2. Sa anong kontinente nabibilang ang Pilipinas?
Kung ang iyong naging tugon sa unang tanong ay pito (7) at sa ikalawa ay
Asya, ay binabati kita sapagkat iyong natutunan ang pangunahing kaalaman
tungkol sa ating bansa sa nagdaang aralin!
Tuklasin
Sa puntong ito ay magsisimula na ang iyong pagtuklas sa bagong
leksyon. Tuklasin ang konsepto ng Asya, mga batayan ng paghahating
heograpikal ng Asya at mga rehiyon at bansa sa Asya. Halina at
gagabayan kita sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Simulan mo ito
sa pagsasagot ng gawaing magpapakilala sa bagong leksyon.
Magbugtungan tayo!
Panuto: Subukin mong sagutin ang mga bugtong sa ibaba sa
pamamagitan ng pagpuno ng tamang letra sa mga clues o pahiwatig katabi nito.
1. _ _ L _ P _ N _ S
2. _ A N _ _
Tinaguriang akong “Perlas ng Silangan”,
Hitik sa yaman, kabayanihan at kasaysayan
Nasyon ako kung tawagin sa ibang salita,
Isa ang Pilipinas sa mga halimbawa.
6
3. _ E _ I Y _ N
4. K _ _ T _ N _ _ T _
5. _ S Y _
Kung ang ibinigay mo na kasagutan sa bugtong ay ang mga sumusunod:
Pilipinas, bansa, rehiyon, kontinente at Asya, ay muli kitang binabati sapagkat ang
mga ito ang magbibigay ng paunang kaalaman sa iyo kung ano ang mga tatalakayin
sa araling ito.
Bilang panimula ng aralin. Bumuo ka ng isang pangungusap gamit ang
dalawa o higit pang kasagutan mula sa bugtong. Isulat mo ito sa loob ng kahon.
Ang ating bansa ay kabahagi ng mas malawak na kalupaan, ito ay
Ang kontinente ng Asya, katulad din ng Pilipinas, ay napapangkat sa mga
rehiyon. Sa kabila ng dibisyong ito na nagdulot ng kaibahan sa kultura at
paniniwala, ay binibigyang pagpapahalaga pa rin dapat ng mamamayan ng bawat
bansa ang pagiging kabahagi ng Asya, ang pagiging Asyano. Katulad ito ng
pagpapahalaga na ibinibigay ng bawat isa sa kanyang sariling bansa.
Sa susunod na bahagi ay tatalakayin ang Asya bilang isang kontinente, ang
mga rehiyon at bansang kabilang dito.
Suriin
Handa ka na bang suriin ang mga kaalaman hinggil sa konsepto ng
Asya. Alam mo ba ang lawak na sakop ng Asya? Ano ang tiyak na lokasyon
na kinalalagyan ng kontinente ng Asya? Saan nagmula ang salitang Asya?
Halina at iyong tuklasin ang kasagutan sa mga katanungang ito
Sa mga kontinente ako ang pinakamalaki,
Sa laki at lawak nangunguna pati.
Nasa bilang tatlo ang probinsya ng Bulacan,
Pagsama-samahin mo ang mga lalawigan.
Ako’y nahahati sa bilang na pito,
Pinakamalaking masa ng lupain sa mundo.
7
ANG KONSEPTO NG ASYA
Heograpiya ang agham na nag-aaral tungkol paglalarawan sa ibabaw ng
mundo, ang pagkakahati nito sa mga kontinente at bansa, ang klima, behetasyon
(vegetation), likas na yaman, at maging ang mamamayan.
Kontinente ang tawag sa pinakamalaking masa ng lupain sa mundo.
Mayroong pitong kontinente ang mundo kung saan ang Asya ang pinakamalaki. Ang
Africa, North America, South America, Antarctica, Europe at Australia ang anim na
iba pang kontinente na sumasakop sa dalawang katlo (2/3) ng kalupaan ng mundo.
Pag-aralan mo ang mapa at ang Talahanayan 1.
Mapa ng Asya
Talahanayan 1: Ang Konsepto ng Asya
Fast Facts Tungkol sa Asya
Kabuuang sukat 44,486,104 kilometro kuwadrado
Saklaw ng lupain sa mundo (1/3) ng kabuuang kalupaan ng daigdig
Lokasyon mula 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitud
at mula sa 11° hanggang 175° Silangang
longhitud
Bilang ng mga bansa 49
Pinagmulan ng pangalan mula sa salitang Aegean na “asu” na
nangangahulugang “lugar na sinisikatan ng
araw” o bukang-liwayway o silangan
kilala bilang “Ashiya” sa wikang Tsino at
“Ajiya” sa wikang Hapones
8
Ang Europa naman ay nagmula sa salitang Aegean na “ereb” na ibig sabihin
ay “lugar kung saan lumulubog ang araw” o “kanluran”. Nakilala ang Asya bilang
silangan sapagkat nasa gawing silangan ito ng kontinente ng Europa.
Sagutin ang tanong.
1. Bakit tinawag na Asya ang kontinente ng Asya ayon sa iyong pagkaunawa?
______________________________________________________________________________
BATAYAN NG PAGHAHATING HEOGRAPIKAL NG ASYA
Ang kontinente ng Asya ay nahahati sa mga rehiyon. Mayroong dalawang
batayan ng paghahating heograpikal ng Asya. Ang una ay Eurocentric View o
Kanluraning Pananaw na ginamit noong unang panahon ng mga Griyego at Romano,
at ang Asiancentric View o Silanganing Pananaw na ginagamit sa pagpapangkat ng
mga bansa sa Asya sa kasalukuyan. Paghambingin mo ang mga impormasyon sa
Talahanayan 2.
Talahanayan 2. Batayan ng Paghahating Heograpikal ng Asya
Pananaw Batayan ng Paghahating Heograpikal Mga Rehiyon
Eurocentric
View
(Kanluraning
Pananaw)
Nakabatay sa distansya ng mga bansa
mula sa kontinente ng Europa. Pinag-
aralan ang Asya gamit ang konseptong
Europeo
Near East o Malapit na Silangan ang
itinawag sa mga bansang malapit sa
Europa
Ang mga bansang Arabo naman ang
tinawag na Middle East o Gitnang
Silangan
Tinawag na Far East o Malayong
Silangan ang mga natuklasan ng mga
Europeo sa napakalayong lupain sa
Silangan tulad ng India, Tsina, Hapon,
at iba pang lupain sa Pasipiko
Nahahati sa tatlong (3)
rehiyong heograpikal
- Malapit na Silangan
(Near East)
- Gitnang Silangan
(Middle East)
- Malayong Silangan
(Far East)
Asiancentric
View
(Silanganing
Pananaw)
Ang paghahati sa Asya ay binatay sa
heograpikal at kultural na sona kung
saan isinaalang-alang ang pisikal,
historikal, at kultural sa paghahati nito
Itinataguyod ng pananaw na ito ang
ating pagkakakilanlan bilang Asyano
Nahahati sa limang (5)
sonang heograpikal
- Hilagang Asya
- Timog Asya
- Kanlurang Asya
- Silangang Asya
- Timog-Silangang Asya
Maging sa pagkakakilanlan ng ating bansa bilang ang “Perlas
ng Silangan” ay makikita ang pagiging kabahagi ng Pilipinas ng
malawak na kalupaan ng Asya. Kung saan ang salitang silangan ay
patungkol sa kontinente ng Asya na ating kinabibilangan.
9
Sagutin ang mga tanong.
1. Paano hinati-hati ang mga rehiyon sa kontinente ng Asya?
______________________________________________________________________________
2. Alin sa iyong palagay ang mas nararapat na gamitin sa pagpapangkat ng mga
bansa sa Asya? Bakit? _______________________________________________________
MGA REHIYON AT BANSA SA ASYA
Suriin ang mo graphic organizer patungkol sa mga rehiyon ng Asya at mga
bansang kabilang dito.
Talahanayan 3: Mga Rehiyon sa Asya
Rehiyon Katangian/Katawagan Mga Bansang
Kabilang
Silangang Asya
Binubuo ng 5 na bansa
kasama ang mga Special
Administrative Region
(SAR) na Hongkong at
Macau na bahagi ng
China na pinaka-
malaking bansa sa Asya
China
Japan
North Korea
South Korea
Taiwan
Hilagang Asya
Binubuo ng 9 na bansa
kasama ang Siberia sa
Russia
Tinatawag ding Central
Asia (Gitnang Asya) o
Inner Asia
Kabilang ang mga
nasyong dating sakop ng
USSR (Union of Soviet
Socialist Republics)
Mongolia
Tajikistan
Kyrgyztan
Uzbekistan
Tajikistan
Turkmenistan
Armenia
Georgia
Azerbaijan
Bilang mga Asyano, tunay na nararapat nating
gamitin ang pagpapangkat ng mga bansa sa Asya ayon sa
punto de vista o pananaw Asyano sapagkat tayo ang
tagapagtaguyod ng ating sariling kalinangan.
10
Timog Asya
Binubuo ng 8 na bansa
- itinuturing na sub-
kontinenteng bansa
dahil naihihiwalay ito
sa kabuuan ng Asya
sa pamamagitan ng
Bulubunduking
Himalayas
- mga bansang Muslim
- mga bansang
Himalayan
- mga bansang
pangkapuluan
India
Pakistan
Afghanistan
Bangladesh
Nepal
Bhutan
Sri Lanka
Maldives
Kanlurang Asya
Rehiyong sagana sa
langis na binubuo ng 15
bansa
Binubuo ng mga
bansang Arabo at
tinagurian ding “Moslem
World” dahil sa
impluwensya ng
relihiyong Muslim
- Gulf States
- iba pang bansang
kabilang
Saudi Arabia
Lebanon
Jordan
Syria
Iraq
Kuwait
Yemen
Oman
United Arab
Emirates(UAE)
Qatar
Bahrain
Iran
Israel
Cyprus
Turkey
11
Timog-Silangang Asya
Tinaguriang Farther
India at Little China
dahil sa impluwensya ng
kabihasnang India at
China sa kultura ng mga
bansa dito
Binubuo ng 11 bansa na
nahahati sa 2 sub-
regions:
- Pangkontinenteng
Timog-Silangang
Asya o Mainland
Southeast Asia
- Pangkapuluang
Timog-Silangang
Asya o Insular
Southeast Asia kung
saan nabibilang ang
East Timor na
pinakabatang bansa
sa Asya
Thailand
Vietnam
Laos
Cambodia
Myanmar
Pilipinas
Indonesia
Malaysia
Brunei
Darussalam
Singapore
East Timor
Sagutin ang kasunod na tanong.
1. Ilang rehiyon ang bumubuo sa kontinente ng Asya? Ano-ano ang mga rehiyong
bumubuo dito? _______________________________________________________________
ALAM MO BA?
“Bhineka tunggal ika”, hinango sa salitang Javanese ng Indonesia
na nangangahulugang “Unity in Diversity” o “Pagkakaisa sa
Pagkakaiba”. Ito ang mga katagang maaaring maglarawan sa Asya.
Ang pagkakahati ng mga bansa sa Asya sa mga rehiyon ay
nagresulta ng pagtataglay ng iba’t ibang lahi, kultura at uri ng
sistemang umiiral sa kabuuan ng kontinente. Subalit sa kabila ng
pagkakaiba na ito ay mas mahalaga pa ring pagtuunan ng pansin
ang ating pagkakatulad na nag-uugnay sa atin bilang mga
mamamayang Asyano.
12
Pagyamanin
Matapos mong masuri ang konsepto ng Asya, mga batayan ng
paghahating heograpikal ng Asya, mga rehiyon at bansa sa kontinente ng
Asya. Masusubok ang iyong husay at galing sa pagpapayaman sa
kaalaman sa leksyon sa pamamagitan ng pagsasagot sa mga
nakahandang pagsubok batay sa iyong natutuhan.
A. Iyong Tukuyin!
Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang akmang termino o salita batay sa
paglalarawan sa pahayag sa ibaba. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel.
__________ 1. Pag-aaral ng katangiang pisikal na paglalarawan sa mundo.
__________ 2. Ang pagkakagrupo ng mga bansa.
__________ 3. Pinakamalaking dibisyon ng lupa sa mundo.
__________ 4. Kabuuang sakop ng Asya sa kalupaan ng daigdig.
__________ 5. Pinakamalaking kontinente sa mundo.
B. Tama o Mali?
Panuto: Tukuyin mo kung tama o mali ang bawat pahayag. Isulat ang salitang Asya
kung ang pahayag ay tama at kontinente naman kung ito ay mali. Isulat mo ang
sagot sa sagutang papel.
____________ 1. Pinag-aaralan sa heograpiya ang pagkakahati ng daigdig sa mga
kontinente, rehiyon at bansa.
____________ 2. Saklaw ng Asya ang 2/3 ng kabuuang lupain ng mundo.
____________ 3. Kontinente ang pinakamaliit na dibisyon ng lupa sa mundo.
____________ 4. Ang Asya ay tinawag na asu o silangan.
____________ 5. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo.
Asya sangkatlo heograpiya kontinente rehiyon
13
C. Rehiyon Ko! Itala Mo!
Panuto: Isulat mo sa loob ng mga ulap ang mga rehiyon sa Asya na iyong
natutunan sa ating aralin ayon sa Silanganing Pananaw. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
D. Iyong Pag-isipan!
Panuto: Tukuyin mo kung anong rehiyon sa Asya ang inilalarawan sa bawat kahon.
Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.
____________ 1.
____________ 2.
____________ 3.
____________ 4.
____________ 5.
____________ 6.
____________ 7.
____________ 8.
Rehiyong mayaman sa langis.
Kasama sa rehiyong ito ang mga bansang dating kabilang sa
USSR.
Rehiyon ng Asya na tinaguriang “Moslem World” at may
pinakamaraming miyembrong bansa sa 5 rehiyon ng Asya.
Rehiyon sa Asya na pinangungunahan ng sub-kontinenteng
bansa na India.
Rehiyon sa Asya na may impluwensya ng China at India.
Kabilang sa rehiyong ito ang mga Special Administrative
Regions na Hongkong at Macau.
Rehiyon kung saan nabibilang ang China na pinakamalaking
bansa sa Asya.
Rehiyon sa Asya na naghahati sa dalawang sub-regions.
Mga Rehiyon sa Asya
14
____________ 9.
____________10.
E. Itala Mo!
Panuto. Kumpletuhin mo ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan
ng pagtatala ng tatlong halimbawa ng mga bansang kabilang sa bawat
rehiyon ng Asya.
F. Ihayag mo!
Panuto. Ipakilala ang bawat rehiyon ayon kanilang mga hangganan. Ipaliwanag
kung paano nakaapekto sa bawat rehiyon ang kanilang paghahating heograpikal.
1. Hilagang Asya _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________ 2. Timog Asya
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Silangang Asya
____________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Silangang Asya ____________________________________________________________________________________________________________________________________________
5. Timog- Silangang Asya ____________________________________________________________________________________________________________________________________________
Tinatawag din itong Gitnang Asya o Inner Asia.
Rehiyong kinabibilangan ng bansang Pilipinas.
15
Isaisip
Malugod kitang binabati. Napagtagumpayan mo ang mga pagsubok
na inihanda upang masukat ang iyong kaalaman at natutuhan sa leksyon.
Sa puntong ito, muling hahasain ang iyong kaalaman kung ganap na ang
iyong pagkakatuto.
Punuan Mo Ako!
Panuto: Punan mo ang patlang ng angkop na salita sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
(1) ____________ ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupa sa mundo.
Ang Asya ang pinakalamalaki sa (2) ____________ masa ng lupa sa daigdig. Nahahati
ito sa (3) ____________ rehiyon ayon sa Silanganing Pananaw. Ang Asya ay may
kabuuang bilang na (4) ____________ mga bansa.
Ang rehiyon ng (5) ____________ ay kilala bilang “Inner Central Asia” kung saan
nabibilang ang mga bansang dating bahagi ng USSR. Ang (6) ____________ naman
ay rehiyon na kilala bilang ang “Moslem World”. Ito rin ang may pinakamaraming
miyembrong bansa sa mga rehiyon sa Asya. Ang Pilipinas ay bahagi ng rehiyon ng
(7) __________. Mayroon itong dalawang sub-regions: ang mainland o pangkalupaan,
at (8) ____________ o napapaligiran ng tubig. Samantala, ang (9) ____________ ang
rehiyon na may pinakakaunting miyembrong bansa kung saan nabibilang ang
China. Hugis tatsulok naman ang rehiyon ng (10) ____________ kung saan bahagi
ang bansang India.
Isagawa
Mahusay ka bang gumuhit? Sa gawaing ito, malaya mong bakatin
ang larawan. Ang gawaing ito ay higit na magpapalalim sa kaalaman mo
sa leksyon. Gamit ang iyong natutuhan, muling susukatin ang iyong
husay sa pamamagitan ng gawaing ito.
16
Gawain 1: Rehiyon Ko, Markahan mo!
Panuto: Bakatin o gayahin mo ang mapa ng Asya at tukuyin ang pagkakapangkat
ng mga bansa sa Asya sa limang sonang heograpikal sa pamamagitan ng paglalapat
ng nakatalagang marka sa bawat rehiyon. Sundin ang legend na nakasulat sa loob
ng mapa.
Gawain 2: Kapit-bisig, Kapwa Asyano!
Panuto: Sa pamamagitan ng sumusunod na sitwasyon, bilang isang Asyanong
mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa kabila ng pagkakaisa sa
pagkakaiba-iba. Ang layunin ng gawain ay gumawa ng shoutout ngunit maging
gabay ang dalawang unang gawain.
1. Pumili ng rehiyon sa Asya at kilalanin ang turismo nito;
2. kaugnay ng rehiyong napili, alamin produkto ng rehiyon;
3. Lumikha ng shoutout, ekspresyon o opinyon ukol sa pagpapalakas ng
pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Asyano sa bawat rehiyon sa temang:
Malasakit Asyano, Ikaw at Ako tungo sa Progreso.
17
Tayahin
Muli mong alalahanin ang kaalaman na iyong natutuhan sa leksyon. Halos
nasa huling bahagi ka ng gawain. Ang matalas na pagsusuri sa leksyong
iyong pinag-aralan ay abot kamay na sa pamamagitan ng pagsasagot sa
tayahin.
Panuto: Piliin mo ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Alin ang batayang kaalaman ukol sa kahulugan ng heograpiya?
A. pag-aaral ng espasyo sa ibabaw ng mundo
B. pag-aaral ng pagkakaiba ng mga lugar sa balat ng mundo
C. pag-aaral sa likas na pag-uugnay sa pagitan ng tao at kanilang paligid
D. pag-aaral ng mga katangiang pisikal sa ibabaw ng mundo at ng iba’t ibang
gawain na nagaganap dito
2. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag sa Asya maliban sa ….
A. ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo
B. binubuo ang Asya ng 49 na bansa
C. nahahati ang Asya sa tatlong sonang heograpikal
D. matatagpuan ang Asya sa silangan ng Europa
3. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya. Tinatayang heograpikal at kultural na sona
ang mga rehiyong ito dahil isinasaalang-alang sa paghahati ang mga aspetong
pisikal, historikal at kultural. Bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang
tinitingnan bilang magkaugnay?
A. Ang mga ito ay parehong napailalim sa halos parehong karanasan sa
larangan ng historikal, kultural, agrikultural at sa klima.
B. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng
kapaligirang pisikal.
C. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos
pareho.
D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uring pamumuhay dito.
4. Sa anong rehiyon sa Asya nabibilang ang Gitnang Silangan o Middle East sa
kasalukuyan?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
5. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng tama hinggil sa Eurocentric View,
maliban sa ….
A. Nahahati ang Asya sa tatlong rehiyon.
B. Napapangkat ang Asya sa limang sonang heograpikal.
C. Ang Asya ay pag-aaral ayon sa pananaw ng mga Kanluranin.
D. Ibinatay sa distansya mula sa Europa ang pagpapangkat ng mga bansa sa
Asya.
18
6. Bakit itinuturing na isang sub-kontinenteng bansa ang India?
A. malawak ang kalupaan ng bansang ito
B. malaking bahagi ng lupain nito ay nakausli sa dagat
C. nakahiwalay ito sa kabuuan ng Asya dahil sa kabundukang Himalayas
D. ito ang pinakamalaking bansa sa Timog Asya
7. Paano pinangkat sa rehiyon ang mga bansa sa Asya ayon sa Silanganing
Pananaw o Asiancentric View?
A. ayon sa distansya ng mga ito sa Europa
B. ayon sa lokasyon nito sa latitud at longhitud
C. ayon sa heograpikal, pisikal at kultural na aspeto
D. ayon sa laki at lawak ng mga bansa
8. Anong mga bansa sa Timog Asya ang kilala rin bilang mga Bansang Himalayan?
A. Nepal at Bhutan C. Afghanistan at Pakistan
B. Sri Lanka at Maldives D. Bangladesh at India
9. Anong rehiyon sa Asya kung saan kabilang ang mga nasyong dating bahagi sa
Union Soviet of Socialist Republic?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
10. Anong rehiyon sa Asya ang kinabibilangan ng Pilipinas?
A. Kanlurang Asya C. Silangang Asya
B. Hilagang Asya D. Timog-Silangang Asya
11. Anong rehiyon sa Asya ang may walong bansang kasapi at inilarawan bilang mga
bansang Muslim, pangkapuluan, at Himalayan?
A. Hilagang Asya C.Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
12. Ano ang dalawang bansang pangkapuluan ng Timog Asya?
A. Afghanistan at Pakistan C. Nepal at Bhutan
B. Bangladesh at India D. Sri Lanka at Maldives
13. Anong rehiyon sa Asya ang may pinakamaraming bansang kabilang?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
14. Alin sa mga sumusunod ang katawagan sa mga bansa o estado sa Kanlurang
Asya na sagana sa langis at petrolyo?
A. Gulf State
B. Muslim World
C. Himalayan Countries
D. Special Administrative Region
15. Anong rehiyon sa Asya na tinaguriang na Farther India at Little China dahil sa
impluwensya ng Kabihasnang India at China?
A. Kanlurang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
19
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo
sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng
harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung
iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa
sa aralin. Muli ang aking pagbati!
Karagdagang Gawain
Ako ay nasisiyahan sapagkat iyong pinatunayan ang husay at galing sa mga
gawaing inihanda para sayo. Ang positibong pananaw sa malayang pag-aaral ang
daan upang ang kamangmangan ay hindi maging hadlang upang ikaw ay matuto
sa iyong mga paa. Ang karagdagang gawain ito, ang magpapalalim upang ikaw ay
magpatuloy na matuto.
Gawain 1: Halika at Iyong Suriin!
Panuto: Isulat mo sa ibaba ng tsart ng bawat rehiyon ang mga bansa sa Asya na
nabibilang dito. Gayahin ang talahanayan sa sagutang papel. Armenia
China
India
Iran
Japan
Jordan
Kazakhstan
Malaysia
Maldives
Pilipinas
Saudia Arabia
Singapore
South Korea
Sri Lanka
Turkmenistan
Timog Asya Timog-Silangang Asya
Silangang Asya
Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Gawain 2: Repleksyon
Panuto: Ngayong alam mo na na ang Pilipinas ay kabahagi ng kontinente ng Asya,
paano mo maipakikita ang iyong pagtulong at pakikiisa sa mga kapwa mo Asyano
sa panahon ng mga suliranin (tulad ng pandemya na COVID-19) na nagdudulot ng
dibisyon sa mga bansa? Magtala ka ng dalawang paraan bilang kasagutan.
1. _______________________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________________
20
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
1. A
2. B
3. A
4. B
5. C
6. D
7. A
8. C
9. C
10. C
11. A
12. D
13. C
14. A
15. B
TUKLASIN
1. Pilipinas
2. bansa
3. rehiyon
4. kontinente
5. Asya
PAGYAMANIN
A
1. heograpiya
2. rehiyon
3. kontinente
4. sangkatlo
5. Asya
B
1. Asya
2. kontinente
3. kontinente
4. Asya
5. Asya
C
Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Timog Asya
Timog-Silangang
Asya
Silangang Asya
D
1. Hilagang Asya
2. Kanlurang
Asya
3. Timog Asya
4. Timog-
Silangang Asya
5. Silangang
Asya
6. Timog-
Silangang Asya
7. Kanlurang
Asya
8. Silangang
Asya
9. Hilagang Asya
10. Timog-
Silangang Asya
E
Hilagang Asya
Armenia
Azerbaijan
Georgia
Kazakhstan
Kyrgyztan
Mongolia
Siberia, Russia
Tajikistan
Turkmenistan
Uzbekistan
Timog Asya
Afghanistan
Bangladesh
Bhutan
India
Maldives
Nepal
Pakistan
Sri Lanka
Silangang Asya
China
Japan
North Korea
South Korea
Taiwan
E.
(pagpapatuloy)
Kanlurang Asya
Bahrain
Cyprus
Iran
Iraq
Israel
Jordan
Kuwait
Lebanon
Oman
Qatar
Saudi Arabia
Syria
Turkey
United Arab
Emirates (UAE)
Yemen
Timog-Silangang
Asya
Pangkontinente
Cambodia
Laos
Thailand
Vietnam
Myanmar
Pangkapuluan
Brunei
Darussalam
East Timor
Indonesia
Malaysia
Pilipinas
Singapore
ISAISIP
1.kontinente 2.pito 3.lima 4.49 5.Hilagang Asya 6.Kanlurang
Asya 7.Timog-
Silangang Asya
8.insular o pangkapuluan
9.Silangang Asya
10.Timog Asya
ISAGAWA
Gawain 1:
Gawain 2: Inaasahan na ang mga
gawa ng mag-aaral ay may
pagkakaiba-iba.
TAYAHIN
1. D
2. C
3. A
4. B
5. B
6. C
7. C
8. A
9. A
10. D
11. C
12. B
13. B
14. A
15. D
KARAGDAGANG
GAWAIN 1
TimogAsya
India
Maldives
Sri Lanka
Timog-Silangang
Asya
Singapore
Pilipinas
Malaysia
Silangang Asya
Japan
China
South Korea
Hilagang Asya
Armenia
Kazakhstan
Turkmenistan
Kanlurang Asya
Iran
Saudi Arabia
Jordan
KARAGDAGANG
GAWAIN 2
mga posibleng sagot
pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan upang masugpo ang suliranin
pag-iwas sa
pagiging mapanghusga sa nasyonalidad ng isang tao
pagiging bukas
sa pagtulong
PAGYAMANIN
C
May kanya-
kanyang sagot
21
Sanggunian
"BALS: The World According to Map". Learning Resource Management and
Development System, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6458.
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.
"K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of
Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01
/AP-CG.pdf.
"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management
and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.
"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource
Management and Development System, 2014.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]