araling panlipunan...araling panlipunan – ikatlong baitang alternative delivery mode unang...

20
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at mga Karatig na Lalawigan Nito 3

Upload: others

Post on 20-Jan-2021

259 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6:

Mahahalagang Anyong Lupa at

Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

mga Karatig na Lalawigan Nito

3

Page 2: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling

Lalawigan at mga Karatig na Lalawigan Nito

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan

muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito

ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang

pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

E-mail Address: [email protected] * [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Leonora S. Valera

Editor: Mailen D. Cabillan, Glee S. Cavan, Adelma D. Cudera,

Tagasuri : Edgardo D. Pamugas III, Rosemarie T. Realino,

Alejandre S. Fernandez Jr.

Tagaguhit: Cris A. Aquino, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A.

Caduyac, Eduardo, Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita,

Marvin P. Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon,

Ryan R. Padillos, Nylle Ernand D. Silayan

Tagalapat: Alpha Amor G. Mangulicmot, Patrick John P. Peresores

Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Nelson C. Lopez

Janette G. Veloso Cheerylyn A. Cometa

Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe

Danilo R. Dohinog Leonora Liza D. Dacillo

Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste

Page 3: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

3

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 6:

Mahahalagang Anyong Lupa

at Anyong Tubig sa Sariling

Lalawigan at mga Karatig na

Lalawigan Nito

Page 4: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

ii

Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan

Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

sa araling Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling

Lalawigan at mga Karatig na Lalawigan Nito!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong

institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-

aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain

ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang

kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,

makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na

ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang

mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan - Ikatlong

Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa

Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan

at mga Karatig na Lalawigan Nito!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat

mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong

matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo

sa aralin ng modyul. Kung nakuha

mo ang lahat ng tamang sagot

(100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o

balik-aral upang matulungan

kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang

leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong

aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas

na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Page 6: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

iv

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing

para sa mapatnubay at

malayang pagsasanay upang

mapagtibay ang iyong pang-

unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang

mga sagot mo sa pagsasanay

gamit ang susi sa pagwawasto sa

huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung

anong natutuhan mo mula sa

aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon

o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Page 7: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

v

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa

iyong panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong

kaalaman o kasanayan sa

natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang

sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.

Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

Page 8: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

vi

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa

modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong

guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o

tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga

kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas

ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na

pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Page 9: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

1

Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa Ikatlong Baitang!

Ang modyul na ito ay ginawa upang mas mapalalawak pa

ang iyong kaalaman ukol sa mahahalagang anyong lupa at anyong

tubig sa iyong lalawigan at maging sa mga karatig na lalawigan sa

iyong rehiyon.

Ito ay makatutulong sa iyo kung papaano mo matutunton at

makikilala ang iba’t ibang lugar, mga anyong lupa o anyong tubig

ng iyong lalawigan at mga karatig nito sa tulong ng mapa.

Mahalagang malaman mo ang paggawa ng mapa upang

mapadali ang pagtunton o pagturo sa mapa ng mga lugar na nais

mong mapuntahan o hindi mo kilala.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo

sa karunungan!

Sa pag-aaral ng lalawigan at rehiyon, mahalagang

matutuhan ang paggamit at paggawa ng mapa. Ito’y magsisilbing

gabay sa lubusang pagkilala ng katangiang-pisikal ng sariling

lalawigan, rehiyon, at ng karatig nito.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Nagagawa ang payak na mapa na nagpapakita ng

mahahalagang anyong lupa at anyong tubig sa sariling

lalawigan at rehiyon; at

2. Nagagamit ang mapa sa pagtukoy ng mahahalagang

anyong lupa at anyong tubig sa sariling lalawigan at rehiyon

(AP3-LAR-If-10).

Page 10: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

2

Subukin

Tukuyin ang kinaroroonang lugar ng mga mahahalagang

anyong lupa at anyong tubig ng rehiyon. Isulat ang sagot mula sa

loob ng kahon sa sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

Davao de Oro Mati City Davao del Norte

Davao del Sur Davao Occidental

Photo credits to: Anna Marie V. Maynopas

Dahican Beach Resort

Photo credits to: Christian Jay R. Pasana

Balut Island Photo credits to: Vermel G. Valera

Mt. Apo

Photo credits to: Grace D. Pontillas

Maco Mainit Falls

Dayang Beach Resort Photo credits to: Micah E. Arellano

Page 11: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

3

Mayaman ang rehiyon natin sa mga mahahalagang anyong

lupa at anyong tubig na maaaring maipagmalaki natin at makikita ito

sa mapa.

Balikan

Markahan ng tsek ( ⁄ ) kapag nagsasaad ng katotohanan ang

pangungusap at ekis (X) kapag hindi. Isulat ang sagot sa sagutang

papel.

1. Ang hilagang kabundukan ng Davao del Norte ay nagsisilbing

hangganan ng lalawigan sa ibang rehiyon.

2. Madadaanan ang ilang bahagi ng lalawigan ng Davao del

Sur at Davao Oriental kung aakyat sa Mt. Apo.

3. Magtanim ng mga punongkahoy sa kabundukan upang

maiwasan ang pagguho ng mga lupa.

4. Lilinisin ang paligid ng mga ilog para manatiling malinis ang

tubig patungong kanayunan.

5. Pinagdugtong dugtong ng ilog ng Agusan ang mga lalawigan

ng Davao del Norte, Davao de Oro at Davao Oriental.

Aralin

1

Mahahalagang Anyong Lupa

at Anyong Tubig sa Sariling

Lalawigan at mga Karatig na

Lalawigan Nito

Page 12: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

4

Mga Tala para sa Guro Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa

bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na

gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga

sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga

proyekyong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng

nararapat na marka.

Tuklasin

Ang iyong kaibigan ay nais puntahan ang mga

magagandang tanawin sa inyong lugar ngunit hindi niya alam ang

papunta roon. Ano kaya ang mainam gawin? Kailangan natin siyang

bigyan ng mapa. Halika, gawa tayo ng mapa!

Suriin

Ang bawat lalawigan sa ating rehiyon ay mayroong

magagandang mga anyong lupa at anyong tubig na maari nating

ipagmalaki, kagaya na lang ng magandang dalampasigan ng

Dahican Beach na matatagpuan sa lalawigan ng Davao Oriental.

Dinarayo rin ng mga turista dahil sa malinis at magandang tanawin

nito ang Island Garden City of Samal, na nabibilang sa lalawigan ng

Davao del Norte. Hindi rin pahuhuli ang Little Boracay ng lalawigan

ng Davao Occidental. Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas,

ang Bundok Apo, na matatagpuan sa lalawigan ng Davao del Sur

ay isa rin sa mga gustong akyatin na bundok ng mga turista. Sa

lalawigan naman ng Davao de Oro ay may tanyag na pasyalan,

ang Maco Mainit Fallls. Ang lahat ng mga ito ay maaring makita sa

mapa, sa tulong ng mga simbolo upang madali mong matagpuan

ang lugar.

Page 13: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

5

Pagyamanin

Gawain A

Iguhit ang araw ( ☼ ) kung tama ang pangungusap at

buwan ( ) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel.

1. Sa lalawigan ng Davao del Norte ay matatagpuan

ang Island Garden City of Samal at ito ay kilala dahil sa

malinis at malinaw nitong baybayin at dagat.

2. Ang Little Boracay ay isang Beach Resort na dinarayo rin ng

mga tao at ito ay makikita sa lalawigan ng Davao Oriental.

3. Isa sa mga anyong lupa ang Bundok Apo at ito ay makikita sa

lalawigan ng Davao del Sur.

4. Ang lalawigan ng Davao de Oro ay kilala sa kanilang

Maco Mainit Falls.

5. Ang tanyag na Aliwagwag Falls ay matatagpuan sa

lalawigan ng Davao Occidental.

Gawain B

Tingnan ang mga simbolo sa lalawigang kinaroroonan. Isulat

ang nararapat na hanap-buhay sa bawat simbolo ng bawat bilang

sa sagutang papel.

Halimbawa: 1. panggagamot

Page 14: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

6

Isaisip

Ano-ano ang anyong lupa at anyong tubig na binanggit

sa unahan?

Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang

mapangalagaan ang mga nabanggit na anyong lupa at

anyong tubig sa kinabibilangang lalawigan?

1. 4.

2.

5.

pangangahoy pangingisda pagtatanim

panggagamot pag-aalaga ng hayop

3.

Page 15: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

7

Isagawa

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na kalagayan at

ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa

sagutang papel.

Tapos na ang pasukan at buwan na naman ng Abril kung

kaya't panahon na naman ng bakasyon. Ang magkakapatid na

sina Marielle, Nice at Verl ay mga mag-aaral na mula sa Ikatlong

Baitang ng Guihing Central Elementary School. Nakagawian na ng

tatlong bata na magbakasyon sa kanilang lolo at lola sa San Isidro,

Davao Oriental. Subalit sa pagkakataong ito ay hindi sila

masasamahan ng kanilang mga magulang dahil abala ang mga ito

sa paghahanap-buhay. Hindi alam ng tatlong bata ang patungo

roon. Tanging ang nakatatandang pinsan lamang nila na si Dhan

ang maaaring sumama sa kanila. Sinabihan sila ng kanilang

magulang na magdala ng mapa upang malaman ang daan

patungo roon at para hindi sila mawala.

1. Ano ang kinakailangan ng tatlong bata para matunton

ang lugar na gusto nilang puntahan?

A. mapa

B. globo

C. larawan

D. simbolo

2. Alin sa mga mapang ito ang dapat nilang gamitin

para mas madaling mapuntahan ang lugar na tinitirhan

ng kanilang lolo’t lola?

A. mapang pisikal

B. mapang pangklima

C. mapang pangkultura

D. mapang pang-ekonomiya

Page 16: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

8

3. Sa pagpunta nila Marielle, Nice at Verl sa kanilang lolo

at lola sa San Isidro, Davao Oriental, ano ang kailangan

nilang makita sa mapa?

A. simbolo ng mga anyong lupa at tubig sa

bawat lalawigan

B. pangalan ng mga mambabatas sa bawat lalawigan

C. natatanging daanan papunta sa Davao Oriental

D. magagandang tanawin ng mga madadaanang lugar

4. Paano nakatulong sa tatlong bata ang pagkakaroon nila

ng mapa?

A. gumaan ang kanilang pag-aaral

B. nasiyahan ang kanilang mga kaibigan

C. napuntahan ang kanilang lolo at lola D. napagaan ang hanapbuhay ng kanilang mga magulang

5. Alin sa mga sumusunod na lalawigan ang huling madadaanan

ng mga magkakapatid bago marating ang San Isidro, Davao

Oriental?

A. Davao de Oro

B. Davao Oriental

C. Davao del Norte

D. Davao Occidental

Page 17: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

9

1.

2.

. 3.

.

4.

5.

Tayahin

Gamitin ang mapa ng Davao Region. Banggitin ang

mahahalagang anyong lupa at anyong tubig na tinutukoy ng bawat

simbolo sa kinabibilangang lalawigan. Piliin ang tamang sagot sa

loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

Little Boracay Bundok Apo Dahican Beach

Pearl Farm Resort Maco Mainit Falls

Karagdagang Gawain

Gumawa ng payak na mapa ng iyong kinabibilangang

lalawigan at lagyan ng pananda na ngpapakita sa mga

mahahalagang anyong lupa at anyong tubig dito.

Page 18: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

10

Susi sa Pagwawasto

Subukin

1.Davao del Norte

2.Mati City

3.Davao Occidental

4.Davao del Sur

5.Davao de Oro

Balikan

1.X

2. X

3. /

4. /

5. X

Karagdagang Gawain

Pagyamanin

Gawain A

1. ☼

2.

3. ☼

4. ☼

5.

Gawain B

1. panggagamot

2. pangangahoy

3. pag-aalaga ng hayop

4. pagtatanim

5. pangingisda

Isagawa

1.A

2.A

3.C

4.C

5.A

Tayahin

1. Little Boracay

2. Bundok Apo

3. Pearl Farm Resort

4. Maco Mainit Falls

5. Dahican Beach

Page 19: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

11

Sanggunian

Cabigas Lilibeth, Hilay Ivy, Rafaela Lilibeth., Makabayan 3,

Module 12b pahina 1-4

Edrina Tito M., (2014) Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng

Mag- aaral pahina 60-63

Capunitan, Charity A., Galarosa, Walter F., Sampang,

Rodel C., Manalo, Thea Joy G.,(2015) Araling Panlipunan 3,

Kagamitan ng Mag - aaral, pahina 78 - 88

Capunitan, Charity A., Galarosa, Walter F.,

Sampang, Rodel C., Manalo, Thea Joy G.,(2015)

Araling Panlipunan 3, Gabay ng Guro, pahina 48 - 51

Page 20: Araling Panlipunan...Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]