ap iii - paglitaw ng mga unang tao

24

Upload: danz-magdaraog

Post on 18-May-2015

2.538 views

Category:

Education


9 download

DESCRIPTION

Araling Panlipunan III - Paglitaw ng mga Unang Tao

TRANSCRIPT

Page 1: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao
Page 2: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Paglitaw ng mga Unang Tao

Page 3: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Ang Simula ng Lahi ng Tao

?

Page 4: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Mga Teorya Maka-Relihiyon sa Paglikha sa Tao

Babylonian – Sa paniniwalang ito ng mga Babylonian, natalo ni Marduk na tagapagtanggol ng mga Diyos sa isang labanan si Tiamat na kinikilalang diyos ng karagatan.

Page 5: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Inca – Ayon sa mga Inca na isang sinaunang lahi sa Timog America, mayroong isang malaking lawa sa daigdig noon. Mula sa lawang ito ay lumitaw ang kanilang diyos na may dala-dalang mga tao.

Pilipinas - Alamat ni Malakas at Maganda / Silalak at Sibabay.

Page 6: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Kristiyanismo / Judaismo – Ang paniniwalang ito ay ukol sa paglikha sa tao ay nakatala sa unang aklat ng Bibliya ng mga Kristiyano at ng Torah ng mga Hudyo na tinatawag na Genesis.

Page 7: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Mga Teoryang Siyentipiko sa Pinagmulan ng Tao

Si Charles Darwin ay isang siyentipikong Ingles, kung saan nagkamit ng pangmatagalang kasikatan bilang tagapagsimula ng teorya ng ebolusyon ng mga tao.

Page 8: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Ang libro ni Darwin ay ipinakilala ang teorya na ang mga populasyon ay nagbagao sa loob ng mahabang panahon sa pamamagitan ng proseso ng likas na pagpili o Natural Selection.Ipinahayag nito na ang pagkakaiba-iba ng anyo ng buhay ay nagsimula sa iisang pinanggalingan sa pamamagitan ng pagsasanga ng kaparaanan ng ebolusyon.

Page 9: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Mga Sinaunang Kalahi ng Tao

Page 10: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Ang mga tao ay kalahi ng pamilya ng mga primates na kinabibilangan ng mga unggoy, bakulaw, lemur at mga tarsier. Natatangi sila sa pagkakaroon nila ng malalim na uri ng paningin o stereoscopic vision, kakayahang humawak ng mga bagay gamit ang mga daliri at pagkakaroon ng may kalakihang utak.

Page 11: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao
Page 12: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Dryopithecine – Isa sa mga kinikilala sa mga kanununuan ng tao at nang modernong mga unggoy. Sila ay nabuhay sa mga kagubatan ng Africa at India may 20 milyong taon na ang nakalilipas.

Page 13: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Ang Paglitaw ng mga Hominid

Hominid - Ang maagang anyo ng tao. Ito ay kabilang sa pamilya na binubuo ng mga nilalang na kawangis ng tao. Sila ay lumitaw sila may 4 hanggang 1 milyong taon na ang nakararaan.

Page 14: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Kabilang sa mga unang hominid ang Australopithecus Africanus at ang hugut na malaking australopithecus robustus. Mas kilala sila sa tawag na Australopithecine o Southern Man.

Page 15: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Australopith – wangis bakulaw subalit may kakayahang maglakad gamit ang dalawang paa (bipedalism)

Bipedalism – paglakad gamit ang dalawang paa

Page 16: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Lucy – Isa sa mga naging kilalang Australopith na natagpuan noong 1974 ng pleontologong Amerikanong si Donald Johnsson. Kinakalkulang nabuhay si Lucy 3.2 milyong taon na ang nakakalipas.

Page 17: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Ang mga Homo – ang mga Kauna-unahang Tao

Homo - Salitang Latin na ang ibig sabihin ay “tao”. Isang uri na kabilang ang tao at mga lahi na hawig dito.

Page 18: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Homo Habilis at Homo Rudolfensis – itinuturing na mga unang homo. Ang dalawang ito ay makabago na ang itsura at mayroong nang kakayahan na gumawa ng mga kagamitan o tools.

Page 19: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Homo Ergaster at Homo Erectus – ang mga homo na ito ay may mas higit na modernong mga bungo nahalos kahugis ng sa modernong tao.

Homo Erectus – (taong naglalakad ng tuwid) natatagpuan ng isang Dutch na si Eugene Dubois.

Page 20: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Ang Paglitaw ng Modernong Tao

Taong Neanderthal - Isang ubos na lahi ng uring homo na natagpuan sa Europa at bahagi ng kanluran at gitnang Asya. Natagpuan noong 1856 sa Neanderthal Valley sa Alemanya.

Page 21: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Homo Sapiens – (unang taong nag-iisip) ang taong Neanderthal ay halimbawa ng Homo Sapiens sa Kanlurang Asya at sa Europa.

Page 22: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Homo Sapiens Sapiens – o modernong tao, may higit nang kakayahan sa pamumuhay, pananalita at pakikipag-ugnayan.

Page 23: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Ang Ebolusyon ng Tao

Modelo ng Maraming Rehiyon – Sa modelong ito ay sinasabi na mula sa Africa ay kumalat sa maraming bahagi o rehiyon ng mundo ang ating mga ninuno.

Modelong “Mula sa Africa” – Sinasabi ng modelong ito na ang mga homo erectus na kumalat sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ay hindi na naging homo sapiens.

Page 24: AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao

Danny De Jesus - Magdaraog