ap gr.1tg(q3)insidepp10-12-12-1

Upload: carrame-masibod

Post on 28-Feb-2018

303 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    1/20

    52

    Yunit 3: Ang Aking Paaralan

    Panimula:

    Sa yunit na ito masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isa

    sa mga pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na ang

    bawat kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipanat kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ng

    bawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na nagsisilbing

    pangalawang tahanan nila.

    Mapahahalagan din sa yunit na ito ang kakayahan ng mag-aaral na

    matukoy at makasunod sa ibat ibang alituntunin ng paaralan para sa

    pagpapanatili ng kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi

    isa sa mga unang hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan.

    Mauunawaan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa

    pamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ng

    paaralan.

    Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sa

    pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan.

    Mga Tema:

    Nakapaloob sa mga aralin sa Yunit 3 ang mga sumusunod na tema:

    1. Tao, Kapaligiran, at Lipunan

    2. Panahon, pagpapatuloy at pagbabago

    3. Kultura at pagkakakilanlan

    Mga Layunin:

    Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3 gamit ang modyul na ito,inaasahang magagawa ng iyong mga mag-aaral ang mga sumusunod:

    1. naipakikilala ang paaralan

    2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng paaralan

    3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa kanila

    4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa

    kwento ng paaralan

    5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral

    6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan

    7. napahahalagahan ang kanilang paaralan

    Mga Kasanayang Malilinang:Komunikasyon: Pagbabahahagi ng impormasyon

    Pagsasalaysay

    Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay

    Pakikipanayam

    Pagsusulat/ pagbubuo ng liham

    Pagsusulat ng impormasyon sa tsart

    Mapanuring pag-iisip: Pagsusuri

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    2/20

    53

    Paghahambing

    Pagbubuo ng timeline

    Pagbubuo ng graphic organizer

    Pagpapangkat ng mga impormasyon

    Pagsusuri ng mga larawan

    Pagbubuo ng hinuhaMalikhaing pag-iisip: Pagguhit

    Pagpapahalaga

    Pagkilala sa mahalagang bahaging

    ginagampanan ng paaralan sa sariling buhay

    Paggalang sa paniniwala at damdamin ng

    kapwa

    Pakikiisa sa mga pangkatang gawain

    Pagtapos sa gawain sa takdang oras

    Paglahok: Paglalaro

    Pagbabasa/pagbibigkas ng tula

    Pag-awitPakikilahok sa talakayan

    Iminumungkahing Oras na Ilalaan upang Matapos ang Yunit 3:

    50 sesyon (30 minuto bawat isang sesyon)

    Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking Kinabibilangan

    Panimula:

    Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa aking Paaralan

    Pag-isipan:

    Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyon ang masasabi ng

    mga mag-aaral tungkol sa kanilang paaralan?

    Gawain 1

    Anyayahan ang punong-guro ng inyong paaralan na maging

    tagapagsalita sa inyong klase. Hilingin na magbahagi siya ng tungkol sa mga

    batayang impormasyon ng inyong paaralan.

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    3/20

    54

    Paalalahanan ang iyong mga mag-aaral na makinig nang mabuti at

    maging magalang sa pakikipag-usap sa punong-guro. Gabayan sila sa

    pagtatanong ng mga sumusunod:

    1. Ano ang pangalan ng ating paaralan?

    2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan?

    3. Kailan itinayo ang ating paaralan?4. Saan ito matatagpuan?

    5. Sino-sino ang mga taong bumubuo sa ating paaralan?

    Gawain 2

    Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa kanilang

    kwadernoo sa isang malinis na papel. Sabihin sa kanila na gawing makulay

    ang larawang iguguhit.

    Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang paaralan, maaari

    ring hikayatin sila na ibahagi sa klase ang kanilang gawa. Ipalarawan din sa

    kanila ang kanilang iginuhit batay sa pisikal na anyo nito tulad ng lawak ng

    paaralan, dami ng silid-aralan, bilang ng palapag, at iba pa.

    Gawain 3

    Ipabuo sa mga mag-aaral ang graphic organizer na makikita sa

    ibaba upang maipakita ang mga batayang impormasyon tungkol sa

    kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o isang buong papel.

    Matapos ang pagbuo ng graphic organizer, itanong sa mga mag-

    aaral ang sumusunod:

    a. Sa kasalukuyan, Ilang taon na ang ating paaralan?

    b. Sa inyong obserbasyon, ano-ano ang bahaging ginagampanan ngmga taong bumubuo sa ating paaralan?

    Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

    Tandaan: Mahalagang makilala mo ang paaralang iyong

    pinapasukan. Ito ang nagsisilbing iyong ikalawang tahanan.

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    4/20

    55

    Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking Buhay

    Pag-isipan:

    Ano ang mabuting nagagawa ng paaralan sa mga mag-aaral?

    Gawain 1Basahin ang kwentong pinamagatang Celia Studious and Conrad

    Cat na isinulat ni Regina S. Fernandez. Maaari itong isalin sa wikang

    sinasalita ng mga mag-aaral upang maging mas madali ang kanilang pag-

    unawa sa kuwento. TRANSLATE TO FILIPINO

    Celia Studious and Conrad Cat

    Every morning, Conrad Cat watched Celia Studious

    walk to school. He listened to the tok!-tok!-tok!of her

    black shoes on the street.He smelled the pandesal and grape juice in her

    lunchbox. He watched her red backpack bobbing

    behind her.

    The backpack looked as if it were full of books to read. Celia Studious

    looked as if all she did was study.

    Doesnt Celia Studious ever have fun? Conrad wondered.

    One morning, he decided that she should.

    Celia Studious walked to school, just like she did each morning.

    On Red Street, Conrad joined her. He walked right next to her.

    Hello, Conrad said. Would you like to join me today? Would you like to join

    me and play?

    I will play sipa until sunset. I will kick this pompom way up high. I will kick it upone hundred times until it reaches the sky!

    Playing sipa sounds like fun!Celia Studious said. It is nice of you to ask me

    but I am on my way to school.

    And Celia Studious walked ahead.

    On Yellow Street, Conrad joined her. From a mango tree branch, he swung

    right in front of her.

    Hello again! Conrad said. Would you like to join me today? Would you like

    to join me and play?

    I will play my guitar until sunset; I will sing songs and dance to their time. You

    can play the drums with your lunchbox, a fork, and a spoon.

    Singing songs sounds like fun! Celia Studious said. It is nice of you to ask me,

    but I am on my way to school.And Celia Studious walked ahead.

    On Blue Street, Conrad joined her. He rode a circus bicycle around her.

    What a marvelous surprise to meet you once again! Conrad said.

    You really must join me today! You really must join me and play!

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    5/20

    56

    Matapos basahin ang kwento, itanong sa mga mag-aaral ang

    sumusunod:

    a. Saan pumupunta si Celia araw-araw?

    b. Ano-ano ang mga ginawa ni Conrad para hikayatin si Celia na

    huwag nang pumasok sa paaralan?

    c. Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na lumiban sa pagpasok sa

    paaralan?d. Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni Celia?

    e. Ano-ano ang mga masasayang karanasan ni Celia sa kaniyang

    paaralan?

    f. Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya ay napasama sa

    paaralan ni Celia? Bakit ito ang kaniyang naramdaman?

    g. Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa paaralan? Bakit?

    I will play the part of a king; You can be the queen who is taking a nap. I will

    save you from a make-believe dragon, we will bow, and the audience will

    clap! After the show, we will go on a picnic. We will sit on a red-yellow-blue-

    and-green blanket; we will eat puto, pancit, and hotdogs-on-sticks! Then we

    will chase dragonflies until sunset!

    Having a picnic and playing king and queen sounds like lots of fun! Celia

    Studious said. But I am very sorry, I cannot join you today. I am going to

    school, and must be on my way.

    And Celia Studious walked ahead, leaving Conrad behind.

    That Celia Studious has no fun, Conrad sighed. Then he looked up and saw

    Celia Studious standing before him.

    Hello, Celia Studious said. Would you like to join me today? I am on my way

    to school. You can help me lead the flag ceremony We will sing the National

    Anthems first l ine. We willbeat our arms to the music, in 4/4 time.

    In class, we will sit next to Tembong, we will laugh at his jokes and his funny

    faces! We will color our books, and trade crayons with Luz, well trade pencils,

    erasers, and places!

    We will cut cardboard shapes of seashells and stars; we will string themtogether, and hang them up high!

    We will listen to Teacher Bings stories of traveling in a magical chair, of

    mermaids with electric blue hair, of a frog whose best friend is a fly!

    When the bell rings, it willbe time for recess. We will eat chocolate biscuits

    and drink melon juice. We will play habulanand chase dragon flies with

    Rosita, Juan, Tembong and Luz!Conrad could imagine Celia Studious in school, in a room full of seashells and

    stars. It looked grand!

    In his mind, he saw Teacher Bing telling stories. He heard Celia laugh with her

    friends.

    He could see himself laughing with them!

    School sounds wonderful Conrad said. It is nice of you to ask me, CeliaStudious! I would love to go to school with you!

    And he did.

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    6/20

    57

    Ang Masasayang Karanasan ko sa Paaralan

    Gawain 2

    Itanong sa mga mag-aaral. Ano-ano ang mga masasayang

    karanasan mo sa iyong paaralan?

    Papiliin ang mga mag-

    aaral ng tatlong masasayang

    karanasan nila sa paaralan atipaguhit ito sa loob ng mga bilog.

    Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o

    isang buong papel.

    Ipabahagi sa klase ang

    kanilang mga iginuhit na larawan. Itanong din sa kanila ang mga

    sumusunod:

    a. Bakit ito ang napili ninyong masasayang karanasan sa paaralan?

    b. Sino-sino ang mga kasama ninyo sa mga karanasang ito?

    c. Natutuwa ba kayo sa pagpasok sa paaralan araw-araw? Bakit?

    Gawain 3Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart na naglalaman ng mga larawan

    ng mga ginagawa at natutunan ni Celia sa paaralan. Ipaguhit sa kanila sa

    kabilang kahon ang mga ginagawa at natututunan nila sa kanilang

    paaralan. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang

    kwaderno o sa isang buong papel.

    Ang mga ginagawa at natututunan ni

    Celia sa paaralan

    Ang mga ginagawa at

    natututunan ko sa aking

    paaralan

    Maaari ring ipagawa sa klase ang gawaing tinatawag na think-pair-

    share. Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginagawa at

    natutunan sa klase, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga iginuhit sa isasa kanilang kamag-aral. Bigyan ng sapat na oras ang magkakapareha na

    magbahaginan ng kanilang mga ginawa. Sabihin din na ihambing nila ang

    kanilang mga iginuhit. Tanungin kung mayroon bang pagkakaiba at

    pagkakatulad ang kanilang mga ginawa. Kapag tapos na ang

    pagbabahaginan ng dalawang mag-aaral, atasan naman silang ibahagi

    ang kanilang mga napag-usapan sa apat pa nilang mga kamag-aral. Ipaulit

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    7/20

    58

    ang ginawang paghahambing ng mga iginuhit na larawan sa napili nilang

    apat pang kaklase.

    Sa huling bahagi ng gawain, gabayan mo ang klase sa pagtalakay

    ng kanilang mga ginagawa at natutunan sa paaralan. Itanong ang mga

    sumusunod sa mga mag-aaral:

    a. Marami ba kayong ginagawa at natutunan sa paaralan?b. Ano ang naramdaman ninyo matapos ang ginawa ninyong

    pagbabahagi ng inyong ginawa sa inyong mga kamag-aral? Bakit ito

    ang naramdaman ninyo?

    c. Alin sa inyong mga iginuhit ang pinakagusto ninyong gawin at

    matutunan? Bakit?

    d. Kung mayroon kang kaibigan na katulad ni Conrad Cat na yayayain

    kang maglaro kaysa pumasok sa paaralan, ano ang gagawin mo?

    Sasama ka ba sa kanya o hindi? Bakit?

    Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

    Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan

    Panimula:

    Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Nagpatuloy sa Aking Paaralan

    Pag-isipan:

    Ano-ano ang mga bagay na nagbago at nagpatuloy o hindinagbago sa paaralan ng mga mag-aaral?

    Gawain 1

    Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong sa punung-guro o

    sinumang tagapagsalita na iyong inanyayahan upang magbahagi tungkol

    sa pinagmulan ng inyong paaralan.

    Tandaan:

    Ang paaralan ay isang lugar kung saan marami kang

    makikilalalang mga bagong kaibigan na iyong makakalaro,

    makakasama mo sa pagbabasa, pagsusulat, pagguhit at iba pang

    mga gawain para matuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng

    paaralan sa iyong buhay.

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    8/20

    59

    Narito ang mga tanong na maaring tanungin mga mag-aaral sa

    tagapagsalita:

    a. Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong itinatag ito?

    b. Nagbago po ba ang laki o sukat nito?

    c. Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang pumasok sa aming

    paaralan kung ikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa amingpaaralan ngayon?

    d. May uniporme po ba sila?

    e. Ano po ang mga itinuturo ng mga guro?

    f. Ano-ano pa po ba ang mga nagbago rito?

    Gawain 2

    Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Atasan ang bawat

    pangkat ng mga mag-aaral na punan ng impormasyon ang tsart na

    makikita sa ibaba. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang

    kwaderno o isang buong papel.

    Ngayon NoonPangalan ng iyong paaralan

    Lokasyon ng paaralan

    Laki o lawak ng paaralan

    Mga kasapi ng paaralan

    Bilang ng mga mag-aaral

    Uniporme ng mga mag-aaral na pumapasok sa

    paaralan

    Mga itinuturo sa paaralan

    Batay sa mga impormasyong nakuha at naisulat ng mga mag-aaral,

    tanungin sila kung ano ang mga bagay na nagbago at ang mga bagay na

    nagpatuloy o hindi nagbago sa paaralan?

    Gawain 3

    Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa mga kahong

    nasa ibaba. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang

    kwaderno o sa isang buong papel.

    Ang aking paaralan ngayon Ang aking paaralan noon

    Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

    a. Marami bang bagay ang nagbago sa ating paaralan?

    b. Sa iyong palagay, bakit nangyari ang mga pagbabagong ito?

    c. Kung papipiliin ka, alin ang mas gusto mo, ang paaralan natin ngayon

    o ang paaralan natin noon? Bakit?

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    9/20

    60

    Bigyang-diin ang mga kaisipan na nasa loob ng kahon.

    Aralin 3: AKO BILANG MAG-AARAL

    Panimula:

    Aralin 3.1 Ang Aking mga Gawain sa Paaralan

    Pag-isipanAno-ano ang mga ginagawa ng mga mag-aaral sa paaralan?

    Gawain 1

    Atasan ang mga bata na pagsunud-sunurin ang mga larawan ng

    mga gawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Ipasulat ang bilang 1-5 sa

    loob ng bilog, 1 ang pinakaunang pangyayari at 5 naman ang pinakahuli.

    Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang

    buong papel.

    A. B. C. D. E.

    Tandaan

    May mga bagay na nagbabago at may mga bagay na

    nagpapatuloy o hindi nagbabago sa iyong paaralan.

    Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga kasapi ng isang paaralanang nagdudulot ng mga pagbabago

    o pagpapatuloy.

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    10/20

    61

    Maari po baakongmakipaglaro

    kay Laya

    Matapos ang gawain, itanong sa mga mag-aaral ang mga

    sumusunod:

    a. Nadalian ka ba sa pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga

    larawan? Bakit?

    b. Bakit mahalagang alam mo ang pagkakasunod-sunod ng mga

    gawain sa paaralan?c. Ginagawa mo rin ba ang mga gawaing nasa larawan?

    Gawain 2

    Magpagawa ng isang timeline na nagpapakita ng mga gawain ng

    mag-aaral sa kanilang paaralan sa loob ng isang araw. Ipaguhit ang mga ito

    sa loob ng kahon. Sabihin sa mga mag-aaral na kulayan ang kanilang gawa.

    Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang

    buong papel.

    Pabalikan ang timeline na ginawa ng mga mag-aaral sa Gawain 2.

    Papiliin sila ng kanilang paboritong gawain na ginagawa sa paaralan at

    ipabahagi ito sa kanilang mga kaklase.

    Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

    a. Mayroon ba kayong kamag-aral na nagsabing paborito rin niya ang

    paborito ninyong gawain?

    b. Bakit ninyo ito naging paboritong gawain? Ano ang nararamdaman

    ninyo sa tuwing ginagawa ninyo ang paborito ninyong gawain sa

    paaralan?

    Gawain 3

    Ipakita sa mga mag-aaral ang

    mga larawan na nasa ibaba.

    Pakulayan ang mga larawan na

    nagpapakita ng iyong mga itinuturo

    sa kanila at mga

    natututunan nila sa

    paaralan.

    Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang

    Bago

    Magsimula

    ang Klase

    Habang

    Nagtuturo ang

    Aking Guro

    Oras ng

    Pagkain o

    Recess

    Bago Mag-

    uwian ang

    Klase

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    11/20

    62

    Mahal na ____________________,

    (Pangalan ng iyong Guro)

    Maraming salamat po sa inyong walang-

    sawang pagtuturo sa akin. Sa ating pag-aaral sa

    klase, natutunan ko pong mag-____________,

    mag-________________, at mag-_____________.

    Nangangako po akong

    ________________________________________________

    _____________________________.

    Lubos na gumagalang,

    ____________________(Isulat ang iyong buong pangalan)

    Gawain 4

    Sabihin sa mga mag-aaral na sumulat ng isang liham-pasasalamat sa

    kanilang guro. Maaari silang sumulat ng liham para sa iyo o sa iba pa nilang

    guro kung mayroon. Ipaalam sa kanila na maaari rin silang humingi ng tulong

    sa kanilang magulang o tagapag-alaga upang punan ang mga patlang sa

    kanilang isusulatna liham.

    Bigyang-diin ang mga kaisipang nakatala sa loob ng kahon.

    Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan

    Pag-isipan:Ano-ano ang mga dapat gawin ng mga bata sa paaralan bilang

    mga mag-aaral?

    Gawain 1

    Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng batang si Len.

    Tandaan: Mayroon kang ibat ibang gawain sa paaralan.Nakatutulong ang mga ito upang matutunan mong magsulat,

    magbilang, magbasa, gumuhit at magkulay ng larawan,

    makipagkaibigan at iba pa. Pahalagahan mo ang iyong pag-aaral.

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    12/20

    63

    Sabihin sa kanila:Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1. Ano-ano sa

    palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa paaralang kaniyang

    pinapasukan?

    Ipasuri ang mga larawan at ipatukoyang nagpapakita ng mga

    tungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang isang mag-aaral.

    Itanong ang mga sumusunod:

    a. Bakit ito ang napili mong mga larawang?

    b. Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing iyong

    napili?

    c. Ano naman ang magyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing

    hindi mo napili?

    Gawain 2

    Ipakita sa mga bata ang tsart na naglalaman ng mga larawan ng

    ibat ibang tungkulin ng mag-aaral sa paaralan. Itanong sa kanila kung alin

    sa mga ito ang ginagawa nila sa bawat araw. Palagyan ito ng tsek ().Ipagawa ito sa kwaderno o sa isang buong papel.

    Mga Tungkulin ng Mag-aaral Mga Araw na May Pasok

    Lunes MarTes

    MiyerKules

    Huwebes

    BiyerNes

    Pumapasok sa paaralan sa wastong oras

    Nakikinig sa guro habang siya ay nagtuturoNakikilahok sa mga gawain sa klase

    Tinatapos ang mga gawaing ipinapagawa ngguro sa klase

    Inililigpit ang pinagkainan matapos ang recess

    Itinatapon ang basura sa basurahan.

    Ginagawa ang takdang-aralin

    Binabati ang nakakasalubong na guro sa daan

    Tahimik at maayos na

    pumipila tuwing flagceremonyy

    Hindi tinatapos ang mga

    gawaing ibinibigay ng

    guro at sa halip ayinuuna niya angkaniyang paglalaro

    Nakikipag-usap sa

    kaniyang katabihabang nagtuturo ang

    guro

    Tinatapon ang mga

    ginamit na papel sa

    silid aralan

    Bumabati sa kaniyang

    guro

    Inililigpit angpinagkainan

    matapos angrecess

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    13/20

    64

    (Sumangguni sa Learners Manual Aralin 3.2 Gawain 2 para sa mga larawan)

    Matapos lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita ng kanilang

    mga ginawa, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

    a. Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart?

    b. Ano ang naramdaman mo matapos mong malagyan ng tsek ang

    mga tungkuling nagagawa mo bilang mga-aaral?c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang iyong mga

    tungkulin sa paaralan?

    Gawain 3

    Ipakita at ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan sa titik A at titik

    B. Ipatukoy ang mga larawang nagpapakita ng posibleng mangyari sa

    huling bahagi ng ipinapakitang sitwasyon.(Sumangguni sa Learners Manual

    Aralin 3.2 Gawain 3 para sa mga larawan)

    A.

    a. b.

    B.

    a. b.

    Matapos ipatukoy ang mga larawan, itanong sa mga mag-aaral ang

    mga sumusunod:a.Alin sa dalawang larawan o sitwasyon ang nagpapakita ng paggawa sa

    tungkulin ng isang mag-aaral?

    b.Bakit ito ang mga napili mong huling pangyayari sa ipinakitang

    sitwasyon?

    c.Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang kanilang mga

    tungkulin?

    Pumasok si Junsa kanilang silid

    aralan

    Tahimik siyangumupo sa

    kaniyang upuanat nakinig sa

    kaniyang guro

    Nagbigay ngpagsusulit angkaniyang guro

    Oras na ng

    recess ngklase ni Liberty.

    Masayang

    nagkainan sinaLiberty kasama

    ng kaniyangmga kaibigan

    Nag magsisimula

    na uli ang klase,itinapon ninaLiberty sa sahig

    ang kanilang mga

    pinagkainan

    Mataas ang

    makukuhang

    marka.

    Mababa ang

    makukuhang

    marka.

    Magiging

    marumi ang

    paaralan.

    Mapapanatili

    ang kalinisan

    ng paaralan

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    14/20

    65

    Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

    Aralin 4. Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan

    Panimula:

    Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan

    Pag-isipan

    Ano-ano ang mga ipinatutupad na mga alituntunin sa inyong silid-

    aralan?

    Gawain 1

    Atasan ang klase na bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakita

    ng ibat ibang alituntunin na ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan.

    Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang

    buong papel.

    Matapos ang gawain, itanong sa kanila ang mga sumusunod:

    a. Bakit tayo mayroong mga alituntunin sa ating silid-aralan?

    b. Sinusunod ba ninyo ang mga ito? Bakit?

    Bago magsimula

    ang klase

    Habang

    nagkaklase

    Tuwing recess Bago mag-uwian

    Tandaan: Mayroon kang ibat ibang tungkulin sa paaralan.

    Mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin bilang mag-aaral

    upang mapanatili ang kaayusan sa iyong paaralan. Makatutulong din

    ito upang mapabuti ang iyong pag-aaral.

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    15/20

    66

    Gawain 2

    Basahin sa mga mag-aaral ang mga sitwasyong nakatala sa ibaba.

    Itanong sa kanila kung ano kaya ang mangyayari o magiging bunga kapag

    ginawa nila ang mga ito. Kung nagsusulat na ang mga mag-aaral, ipasulat

    sa nakalaang bahagi ng graphic organizer ang kanilang sagot sa bawat

    sitwasyon. Maaari ring ipaguhit ang kanilang mga sagot kung wala pangsapat na kasanayan ang mga mag-aaral sa pagsusulat. Maaaring ipasulat

    ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong

    papel.

    Gawain 3

    Pabalikan sa mga mag-aaral ang kanilang ginawang graphic

    organizer.

    Itanong sa kanila ang mga sumusunod:

    a.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mga

    alituntunin ng inyong silid-aralan?

    b.Alin naman sa mga ito ang nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga

    alituntunin?Ipasulat sa mga mag-aaral ang titik ng sitwasyon sa loob ng angkop

    na kahon. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang

    kwaderno.

    Pagsunod sa Alituntunin Hindi Pagsunod sa Alituntunin

    B.Nakikipag-kwentuhan kasa iyong

    katabi habang nagtuturo ang iyong guro

    C.Isinisigaw mo ang iyong sagot kahithindi ka pa tinatawag ng iyong guro

    para sumagot

    D. Pumipila nang maayos

    E.Hindi nagpapasa ng takdang- aralin

    sa napagkasunduang araw ng pasahan

    F.Tinatapos ang gawaing

    ipinagpagawa ng guro sa takdangoras/ araw ng pasahan

    A.Tahimik na hinihintay ang iyong guro

    bago magsimula ang klase

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    16/20

    67

    Bata Pa AkoDi ka ba nagtatakaAko'y nasa lansangan

    At ikaw ay nasa sasakyan

    Papuntang paaralan

    Makatapos kaya ako

    Kahit mga libro'y pinaglumaan mo

    Pangarap lang baPagka't mahirap lang ako

    Pwede bang sumali sa inyong laro

    Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako

    Dala ba ng tadhana na tayo'y magkaibaSana balang araw maging tulad din kitaPaano bang sumulat, magbasa ng gaya

    mo

    Bata alam mo ba, na bata rin ako?

    Musmos pa rin ako,

    Di lang napapansin

    Tanungin ang mga mag-aaral:

    a. Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa alituntunin?

    b. Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod sa alituntunin?

    c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin?

    d. May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na maipatutupad para sa

    ikabubuti ng inyong samahan sa silid-aralan?

    Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

    Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan

    Panimula:

    Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking

    Paaralan

    Pag-isipan:

    Bakit mahalaga ang paaralan para sa mga mag-aaral?

    Gawain 1Sabayan ang mga mag-

    aaral na awitin o bigkasin ang

    Bata pa Ako na isinulat ni Julia

    Abueva.

    Tandaan: May ibat ibang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-

    aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili

    ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito

    sa pagpapanatili ng mabuting samahan ninyo ng iyong mga kamag-

    aral at ng inyong guro.

    Bata sino ba

    Ang nagtuturo't gumagabay

    sa'yoMay pag-asa pa bang

    Maturuan din nya ako

    Sa lahat ng inaasam

    Isa ang pinakagusto

    Na sana'y pagtanda natinWala ng batang tulad ko

    [From:http://www.elyrics.net/read/j/julia-

    abueva-lyrics/bata-pa-ako-

    lyrics.html]

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    17/20

    68

    Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

    a. Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o binibigkas ninyo ng

    iyong mga kaklase ang nilalaman ng Bata pa Ako?

    b. Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa inyong inawit o

    binasa? Nag-aaral kaya siya?

    c. Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala siya?d. Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin niyang magawa o

    maranasan?

    Gawain 2

    Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng ibat ibang tao na

    nakapag-aral at hindi nakapag-aral.

    Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

    a. Ano kaya ang mangyayari sa mga bata sa kanilang pagtanda kung

    hindi man lamang sila makapag-aral sa isang paaralan?

    b. Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng maaaring

    mangyari sa mga taong nakapag-aral?c. Alin naman ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong

    hindi nakapag-aral?

    Ipatukoy sa mga mag-aaral ang titik ng mga larawang nagpapakita ng

    maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral.

    Magpakita sa mga mag-aaral ng halimbawa bago ito ipagawa sa

    kanila. Narito ang halimbawang makikita ng mga mag-aaral sa kanilang

    module:

    Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa larawan ng

    paaralan.

    A.B. C.

    D.

    E.G.

    H.

    F.

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    18/20

    69

    Gawain 3

    Ipaguhit sa mga mag-aaral ng isang larawan na nagpapakita ng

    kahalagahan ng kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno.

    Sa tulong mo o ng mga magulang o tagapag-alaga ng mga mag-

    aaral, papunan ang patlang na nagpapahayag kung bakit mahalaga sa

    kanila ang kanilang paaralan.

    Mahalaga ang aking paaralan dahil ___________________

    __________________________________________________________

    __________________________________________________________

    __________________________________________________________

    Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

    Sa huling bahagi ng Yunit 3, tulungan ang mga mag-aaral na sagutin

    ang ebalwasyon ng kanilang mga nagawa at natutunan. Matapos nila itong

    gawin, sagutan ang hanay para sa ebalwasyon mo sa kanilang mga

    kasanayan at kaalaman.

    Ang Aking mga Nagawa at Natutunan

    Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng tsek ang angkop nakahon sa iyong sagot.

    Nagamit ko ang mga kasanayang ito: Mag-aaral Guro

    1. Nasunod ko ang mga panuto

    2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining

    . Nagbahagi ako ng aking kwento sa aking kamag-aral

    4. Nakinig ako sa kwento ng aking guro

    5. Nakinig ako sa kwento ng aking kaklase

    6. Nasuri ko ang ibat ibang mga bagay7. Nakapaghambing ako ng ibat ibang bagay

    8. Natukoy ko ang mga bagay na nanatili at nagbago sa

    aking paaralan

    9. Nakapag-isip ako ng maaring mangyari ng isang

    sitwasyon

    10. Napahahalagahan ko ang aking paaralang

    kinabibilangan

    Tandaan: Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa

    tulong ng paaralan, mapapaunlad mo ang iyong mga angking

    kakayahan at mga kaalaman.Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay kung

    pumapasok ka at nag-aaral nang mabuti sa isang paaralan.

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    19/20

    70

    Nagawa ko ang mga bagay na ito:Mag-aaral Guro

    1. Nasabi ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa

    aking paaralan2. Natukoy ko ang ibat ibang kasapi ng paaralan

    3. Nakagawa ako ng isang panayam

    4. Nakaguhit ako ng ibat ibang larawan

    5. Nakabuo ako ng timeline

    6. Nakagawa ako ng graphic organizer

    7. Nakaawit ako ng isang awit

    8. Nakabigkas ako ng isang tula

    9. Nakasuri ako ng isang awit o tula

    10.Naipagmalaki ko ang aking paaralan

    Mag-aaral GuroNaipapahayag ko ang mga ito:

    1. Natutunan ko ang mga batayang impormasyon tungkol

    sa aking paaralan

    2. Natutunan ko ang papel na ginagampanan ng paaralan

    sa aking buhay.

    3. Natutunan ko na may ibat ibang kasapi na bumubuo sa

    aking paaralan

    4. Natutunan ko na may mga bagay na nanatili at nagbago

    sa aking paaralan

    5. Natutunan ko ang kahalagahan ng mga alituntuning

    ipinatutupad sa aking paaralan

    6. Natutunan ko ang kahalagahan ng pagtupad sa mga

    tungkulin bilang mag-aaral

    7. Natutunan kong pahalagahan ang aking pag-aaral at

    paaralan

    Komento ng iyong guro

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

    ____________________________________________________________________________________________________________________________________________.

  • 7/25/2019 AP Gr.1TG(Q3)InsidePp10-12-12-1

    20/20

    71

    LokasyonTaon ng Pagkatatag

    Mga Taong Bumubuo ng Paaralan

    PANGALAN NG PAARALAN