ano ang mga sintomas ng sakit na prsv sa papaya? …

2
A ng papaya (Carica papaya L.) ay kinakaing tila milong prutas na iti- natanim sa kabuuan ng mga maiinit at di may kainitang lagay ng panahong mga bansa sa kabuuan ng mundo. Ang maka- tas nitong kalamnan ay maaring ginintuang dilaw o kaya’y pula kapag hinog na bagay na bagay sa paggawa ng mga ensalada, pati na sa mga “pies “at “confectious”. Ang hilaw na papaya ay maaring durugin o kaya’y iluto na tila kalabasa na karani- wang isinasangkap o ginagawang panrekado sa mga karaniwan at batid na ng lahat na mga lutuing Asyano. Ang papain naman at iba pang nakakatas at nakukuha sa papaya ay ginagamit sa pagpu prus- eso ng mga pharmaceutical pati na mga cosmetic industries.Halimbawa na lamang ay sa Pilipinas, ito ay nakilala bilang mahalagang sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, lotion at iba pang produktong kosmetiko. Bakit mahalaga ang papaya? • Ang papaya ay saganang pinagmumulan ng bita- mina gayundin ng mineral at hibla. • Ang papaya rin ay ang saganang pinanggagalin- gan ng papain, na ginagamit sa paggawa ng beer, pagpapalambot ng karne, produksiyon ng mga produktong parmasyutikal at iba pang kosme- tikong produkto. • Ang papaya ay ang pang anim na pinakamahala- gang prutas sa Pilipinas at itinatanim ng karami- han sa mga maliliit na magsasaka. • Nagluluwas ang Pilipinas ng papaya sa mga bansang matatagpuan sa Asya, Australia, Gitnang Silangan at Estados Unidos. Ano ang Nakasasagabal sa Produk- siyon ng Papaya sa Pilipinas? Isang pangunahing prob- lema ay ang sakit nitong “papaya ringspot virus” (PRSV). Noong 1982, ang PRSV disease ay lumaga- nap sa Silang, Cavite na naka apekto ng malubha sa industriya ng papaya sa Timog Katagalugan.Ang vi- rus nito na ikinakalat ng kutong-pananim at nakaka- hawa sa ibang mga puno ng papaya ay napakabilis kumalat at makapinsala sa pananim. Ano ang mga Sintomas ng Sakit na PRSV sa Papaya? Ang mga apekta- dong pananim ay nababansot,nagbubunga ng dispalinghado o depormadong prutas na may marka ng paikot na tila singsing sa balat. Katagalan,ang hala- man ay namamatay. Kapag ang puno ng papaya ay naapektuhan ng PRSV sa panahon pa lamang ng pagbibinhi o kaya ay sa loob ng dalawang buwan bago itanim,ang bunga ng mga ito kadala- san ay hindi na gumugulang.Kung ang mga puno naman ay maapektuhan sa mga huling bahagi ng buhay nito,hindi na ito ga’nong mamumunga.Ang mga bunga rin mula sa mga naapektuhang puno ay magiging mahina rin ang klase dahil sa “ringspot” na matatagpuan sa kabuuan ng bunga. Papaanong Sinusugpo ng mga Magsa- saka ang Sakit na PRSV sa Papaya? Kapag sinalanta na ng PRSV,ang mga halaman ay hindi na magagamot pa. Dahil dito,ang mga magsasaka ay maaring gumamit ng iba’t ibang kaparaanan para mas- ugpo ang paglaganap ng karamdaman. • Ilayo ang mga tanim na papayang hinihinalang may virus na at antalain ang pagtatanim ng mga ito sa bukirin • Sunuging lahat ang mga puno ng papaya na may karamdaman at puksain na rin ang mga nalalabi pang kasama ng mga ito kapag ang sintomas ng impeksiyon ay lumabas na • Magtanim ng ibang mga puno na makakatulong sa pagkilos ng mga kutong-pananim • Iwasang magtanim ng mga tinatawag na “cucurbits” gaya ng kalabasa at pakwan,na maaring bahayan ng PRSV • Mag-iba ng sistema ng pagtatanim sa pamamagitan ng pagpapalit palit o kaya ay ng pagsasanib tanim. Paanong ang Biyoteknolo- hiya ay Makapagbibigay ng mas Mahusay na Alter- natibo sa Tradisyunal na Paraan ng Pagpuksa? May limitasyon ang ginagamit na mga mga tradisyunal o sinaunang paraan ng pagpuksa ng mga magsasaka.Idagdag pa na ang “natural resistance” sa nabanggit na sakit ay wala sa mga itinatanim na mga papaya. Sa paggamit ng biyoteknolohiya,ang isang uri ng binhi ay mapa-unlad na may panlaban sa PRSV. Ano ang PRSV-R papaya? Ang PRSV-R papaya ay isang “virus resistant pa- paya” na pina-unlad sa tulong ng biyoteknolohiya. Ang lakas nitong lumaban sa sakit na PRSV ay dahil sa paggamit ng “genetic material” na nagmula sa “ringspot virus”.Ang genetic material na ito ang siyang nangangalaga sa papaya na katulad ng pag- babakuna sa tao. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng PRSV-R papaya,ang mga magsasaka ay mag- kakaroon ng mas mataas na ani at mas mahusay na uri ng prutas. Anu anong mga Institusyon ang nag- tutulungan sa Pagtuklas at Pagpapa- unlad ng PRSV-R Papaya at Sino ang Nagkakaloob ng Panustos Para sa Proyekto? Ang Institute of Plant Breeding (IPB) sa Paman- tasan ng Pilipinas sa Los Banos ay ang nagpapa- unlad ng mga uri ng PRSV-R papaya. Ang “biotech papaya project” ay nagsimula noong 1999 na may pangunahing pondong nagmula sa Department of Science & Technology (DOST) at Philippine Council for Agriculture, Forestry, and Natural Resources Research & Development (PCARRD). Ang pondo

Upload: others

Post on 21-Oct-2021

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

A ng papaya (Carica papaya L.) ay kinakaing tila milong prutas na iti-

natanim sa kabuuan ng mga maiinit at di may kainitang lagay ng panahong mga bansa sa kabuuan ng mundo. Ang maka-tas nitong kalamnan ay maaring ginintuang dilaw o kaya’y pula kapag hinog na bagay na bagay sa paggawa ng mga ensalada, pati na sa mga “pies “at “confectious”. Ang hilaw na papaya ay maaring durugin o kaya’y iluto na tila kalabasa na karani-wang isinasangkap o ginagawang panrekado sa mga karaniwan at batid na ng lahat na mga lutuing Asyano. Ang papain naman at iba pang nakakatas at nakukuha sa papaya ay ginagamit sa pagpu prus-eso ng mga pharmaceutical pati na mga cosmetic industries.Halimbawa na lamang ay sa Pilipinas, ito ay nakilala bilang mahalagang sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, lotion at iba pang produktong kosmetiko.

Bakit mahalaga ang papaya?• Ang papaya ay saganang pinagmumulan ng bita-

mina gayundin ng mineral at hibla.• Ang papaya rin ay ang saganang pinanggagalin-

gan ng papain, na ginagamit sa paggawa ng beer, pagpapalambot ng karne, produksiyon ng mga produktong parmasyutikal at iba pang kosme-tikong produkto.

• Ang papaya ay ang pang anim na pinakamahala-gang prutas sa Pilipinas at itinatanim ng karami-han sa mga maliliit na magsasaka.

• Nagluluwas ang Pilipinas ng papaya sa mga bansang matatagpuan sa Asya, Australia, Gitnang Silangan at Estados Unidos.

Ano ang Nakasasagabal sa Produk-siyon ng Papaya sa Pilipinas?

Isang pangunahing prob-lema ay ang sakit nitong “papaya ringspot virus” (PRSV). Noong 1982, ang PRSV disease ay lumaga-nap sa Silang, Cavite na naka apekto ng malubha sa

industriya ng papaya sa Timog Katagalugan.Ang vi-rus nito na ikinakalat ng kutong-pananim at nakaka-hawa sa ibang mga puno ng papaya ay napakabilis kumalat at makapinsala sa pananim.

Ano ang mga Sintomas ng Sakit na PRSV sa Papaya?Ang mga apekta-dong pananim ay nababansot,nagbubunga ng dispalinghado o depormadong prutas na may marka ng paikot na tila singsing sa balat. Katagalan,ang hala-man ay namamatay. Kapag ang puno ng papaya ay naapektuhan ng PRSV sa panahon pa lamang ng pagbibinhi o kaya ay sa loob ng dalawang buwan bago itanim,ang bunga ng mga ito kadala-san ay hindi na gumugulang.Kung ang mga puno naman ay maapektuhan sa mga huling bahagi ng buhay nito,hindi na ito ga’nong mamumunga.Ang mga bunga rin mula sa mga naapektuhang puno ay magiging mahina rin ang klase dahil sa “ringspot” na matatagpuan sa kabuuan ng bunga.

Papaanong Sinusugpo ng mga Magsa-saka ang Sakit na PRSV sa Papaya?

Kapag sinalanta na ng PRSV,ang mga halaman ay hindi na magagamot pa. Dahil dito,ang mga magsasaka ay maaring gumamit ng iba’t ibang kaparaanan para mas-ugpo ang paglaganap ng karamdaman.

• Ilayo ang mga tanim na papayang hinihinalang may virus na at antalain ang pagtatanim ng mga ito sa bukirin

• Sunuging lahat ang mga puno ng papaya na may karamdaman at puksain na rin ang mga nalalabi pang kasama ng mga ito kapag ang sintomas ng impeksiyon ay lumabas na

• Magtanim ng ibang mga puno na makakatulong sa pagkilos ng mga kutong-pananim

• Iwasang magtanim ng mga tinatawag na “cucurbits” gaya ng kalabasa at pakwan,na maaring bahayan ng PRSV

• Mag-iba ng sistema ng pagtatanim sa pamamagitan ng pagpapalit palit o kaya ay ng pagsasanib tanim.

Paanong ang Biyoteknolo-hiya ay Makapagbibigay ng mas Mahusay na Alter-natibo sa Tradisyunal na Paraan ng Pagpuksa?May limitasyon ang ginagamit na mga mga tradisyunal o sinaunang paraan ng pagpuksa ng mga magsasaka.Idagdag pa na ang “natural resistance” sa nabanggit na sakit ay wala sa mga itinatanim na mga papaya. Sa paggamit ng biyoteknolohiya,ang isang uri ng binhi ay mapa-unlad na may panlaban sa PRSV.

Ano ang PRSV-R papaya?Ang PRSV-R papaya ay isang “virus resistant pa-paya” na pina-unlad sa tulong ng biyoteknolohiya.Ang lakas nitong lumaban sa sakit na PRSV ay dahil sa paggamit ng “genetic material” na nagmula sa “ringspot virus”.Ang genetic material na ito ang siyang nangangalaga sa papaya na katulad ng pag-babakuna sa tao. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng PRSV-R papaya,ang mga magsasaka ay mag-kakaroon ng mas mataas na ani at mas mahusay na uri ng prutas.

Anu anong mga Institusyon ang nag-tutulungan sa Pagtuklas at Pagpapa-unlad ng PRSV-R Papaya at Sino ang Nagkakaloob ng Panustos Para sa Proyekto?Ang Institute of Plant Breeding (IPB) sa Paman-tasan ng Pilipinas sa Los Banos ay ang nagpapa-unlad ng mga uri ng PRSV-R papaya. Ang “biotech papaya project” ay nagsimula noong 1999 na may pangunahing pondong nagmula sa Department of Science & Technology (DOST) at Philippine Council for Agriculture, Forestry, and Natural Resources Research & Development (PCARRD). Ang pondo

para sa proyekto ay ipinagkakaloob rin ng iba’t ibang mga pandaigdigang samahan. Ang Interna-tional Service for the Acquisition of Agri-biotech Applications (ISAAA), sa pamamagitan ng Papaya Biotechnology Network,ay ang gumawa ng paraan sa paglilipat ng teknolohiya mula sa Monsanto Company pa PCARRD.

Ligtas ba ang PRSV-R papaya?Opo,bago makarat-ing sa pamilihan ang PRSV-R papaya ay da-pat munang makapasa ito sa mga pagsususri at iba pang pagtayang pangkaligtasan. Sa Pilipinas, ang “bi-osafety” ay ini evalu-

ate sa apat na antas (1) pananaliksik sa mga labora-tory at screenhouses, (2) sa mga maliliit na bukod na material, (3) maramihang lugar na pagsusubu-kan at (4) pagpapalabas komersiyal. Ang National Committee on Biosafety ay ang may pananagutan sa pagbatid ng pagiging ligtas ng PRSV-R papaya kahit pa sa tinatawag na “contained” at “confined” na kalalagayan samantalang ang Kawaniha ng Paghahalaman sa ilalim ng Kagawaran ng Pagsa-saka ang nagma manman sa mga “field trials” bago ilabas at ipagbili ang mga ito.

Mabibili na ba sa mga Pamilihan ang PRSV-R Papaya?May mga mabibili ng PRSV-R papaya sa mga palengkeng matatagpuan sa Estados Unidos at Canada. Ang mga magsasaka sa Tsina ay nagsimula na ring I com-mercialize ang pananim na ito. Hindi pa ito mabibili sa Pilipinas dahil sumasa-ilalim pa ng mga serye ng ebalwasyon para sa “virus disease resistance”.

r i n g s p o t v i r u s r e s i s tA n t

pApAYA

Mga Tanong at Kasagutansa Pagpapaunlad ng

Para sa karagdagang impormasyon,makipag-ugnay:

Dr. Desiree M. HauteaABSPII Regional Coordinator and Product Manager

Email: [email protected]

o Dr. Pablito M. MagdalitaProject Leader

Email: [email protected]

Institute of Plant BreedingUniversity of the Philippines Los Baños

College, Laguna 4031Telefax: 049-536-5140

Project Partners:

AB SPIISeptember 24, 2007

sa Pilipinas

Ang pagpapalimbag ng babasahing ito ay inihatid sa inyo ng USAID. Ang mga pananaw at nilalaman na napapaloob dito

ay pananagutan ng ABSPII.