angaklatparakaypuchku · 2019. 7. 23. · si puchku ay abala. may aklat siyang dapat basahin....

24
Ang Aklat para kay Puchku

Upload: others

Post on 23-Oct-2020

3 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • Ang Aklat para kay Puchku

  • ”Puchku! Maligo ka na!”

    ”Puchku! Kumain ka na!”

    1

  • Puchku! Pumasok ka sa klase! Puchku!Sumakay ka sa bus! Puchku! Gawin mo angiyong takdang-aralin.

    2

  • ”Nasaan si Puchku?”

    3

  • 4

  • Si Puchku ay abala. May aklat siyang dapatbasahin.

    Si Puchku ay laging nagbabasa – sa bahay, sapaaralan, sa palaruan, sa kama.

    Pahina bawat pahina, aklat pagkatapos ngisang aklat, isa- isa, hanggang nabasa niya nalahat.

    5

  • ”Bakit lagi kang nagbabasa Puchku?” Tanong niBoltu.

    ”Halika, manood na lang tayo ng kartun” sabini Dodla.

    6

  • ”Mas masaya sa aklat!” sabi ni Puchku.

    Tignan mo! Nakikita mo ba yung bilog? Atitong pantay na guhit? Itulak ng paloob,hilahin yan nang palabas, at ito’y magigingletra. Pagpantay patayin ang mga letra,at makakabuo ka ng salita! Ang mgasalita ay pwedeng matalinghaga, pwedengnakakatuwa, pwedeng malungkot at pwedengmasaya. Kung pagsasasamahin mo ang mgasalita, makakabuo ka naman ng pangungusap.

    7

  • At ang mga pinagsamang mga pangungusapay makakabuo ng mga kuwento. Basahin moat naku! Para kang nasa ibang mundo!”

    8

  • Pero ngayon,si Puchku ay malungkot. Naubusan na siya ngaklat na babasahin! Lahat ng aklat na pwedeniyang makuha sa silid-aklatan, nabasa na nyamula sa unang kabanata hanggang katapusan.

    9

  • ”Anong gagawin ko? Wala na akong aklat namababasa!” Hagulgol ni Puchku.

    10

  • Sandali lang!Ano kaya yung naroon? Tumingala si Puchku atnakita niya di lang isa, dalawa, kundi tatlo panglalagyan ng aklat ang punong puno! Maramingaklat! Bulong ni Puchku.

    11

  • Naku! May isa pang problema. Siya ay maliit.At ang lalagyan ng aklat ay ubod ng taas.

    Paano makakaakyat si Puchku doon?

    12

  • Baka puwede siyang gumamit ng tali ngsampayan? O telang matibay para makaakyat?O di kaya’y mga upuan at lamesa na nasa loobng silid-aklatan?

    13

  • Sa tingin ni Puchku, malaki ang maitutulong sakanya ng dyirap. Maging ang matsing. O kayapareho!

    14

  • May plano si Puchku. Tinawag niya si Boltu atDodla para humingi ng tulong.

    Tahimik nilang inakyat ang bawat isa. ”Boltu,ang bigat mo!” Reklamo ni Dodla. ”Sabi konaman sa iyo hindi mo na dapat kinain yungnag-iisang puto.” ”Hindi ako yun” sabi ni Boltu.”Si Puchku!” ”Shhh! Malapit na,” sabi ni Puchku.

    Nang biglang, naging mali ang lahat.

    15

  • AHHHHHHH!

    16

  • ”Anong nangyayari dito?” Dumatingang Napakatangkad na Laybraryan! Binabanya si Puchku. Si Boltu at Dodla ay tumakbopapalayo! Malungkot na tinignan ni Puchkuang mga aklat na muntik nya ng makuha.”Puwede ba akong tumulong?” Tanong ngNapakatangkad na Laybraryan.

    17

  • Inaakyat ko ang aklat-aparador. Naubusan naako ng aklat na babasahin,” malungkot na sabini Puchku. ”Bakit hindi ka nagsabi?” Tanongng Napakatangkad na Laybraryan. ”Kapagnandito ako, hindi mo na kailangan akyatinang aklat-aparador. Pwede ba kita buhatin?”Tumango si Puchku.

    18

  • ”Kukunin ito, at ito, at ito rin!” Masayang sabi niPuchku. ”Salamat po!” ”Kunin mo rin ito,” sabing Libraryang Napakatangkad. ”Noong ako aybata pa, gusto ko ang aklat na ito.”

    19

  • ”Naging maliit ka rin minsan? Tanong niPuchku. ”Oo naman, mas maliit pa sayo,sabi ng Napakatangkad na Laybraryan. ”Perotumangkad ako at ikaw din ay tatangkad.Sa ngayon, kapag kailangan mo ng aklat aynandito ako para ibigay sayo.”

    20

  • Pero nakikinig ba si Puchku? Hindi! Nasa loobna siya ng aklat. Sa bilog, sa linya at sa letraat sa isa pa. Tapos sa isang salita! at isa pa.Ngayon nasa isang istorya naman.

    21

  • Dahil si Puchku ay may bagong aklat.

    22

  • Brought to you by

    Let’s Read! is an initiative of The Asia Foundation’s Books for Asiaprogram that fosters young readers in Asia. booksforasia.org

    To read more books like this and get further information aboutthis book, visit letsreadasia.org

    Original StoryA Book for Puchku, author: Deepanjana Pal. Released under CC BY4.0.

    This work is a modified version of the original story. © The AsiaFoundation, 2019. Some rights reserved. Released under CC BY4.0.

    For full terms of use and attribution,http://creativecommons.org/licenses/by/4.0/

    Contributing translators: Reynald Ocampo, Ramirez Melanie, andQuinones Flordeliza

    http://www.booksforasia.orghttps://www.letsreadasia.orghttp://creativecommons.org/licenses/by/4.0/