ang uhaw na uwak

10
Ang Uhaw na Uwak Boots S.A. Pastor

Upload: desiree-mercene

Post on 25-May-2015

2.270 views

Category:

Education


45 download

DESCRIPTION

Maikling Kwento para sa bata. :)

TRANSCRIPT

  • 1. Boots S.A. Pastor

2. Isang araw, isang uwak ang nakaramdam ng pagkauhaw habang palipad-lipad siya sa gubat. Agad siyang naghanap ng lugar kung saan siya makakakuha ng tubig na maiinom. 3. Napadako ang uwak sa hardin ng isang palasyo na malapit sa gubat. Sa ibabaw ng isang marmol na mesa ay may nakapatong na tapayang yari sa bubog. 4. Dumapo ang uwak sa mesa at natuwa siya nang makita niyang may tubig sa tapayan. 5. Ngunit hindi maabut- abot ng uwak ang tubig sa ilalim ng tapayan. Masyado kasing mababaw ang tubig. Isa pa, masikip ang bunganga ng tapayan para maipasok niya ang kanyang ulo sa loob. 6. Noon niya nakita ang mga maliliit na bato sa lupa. Isang magandang ideya ang pumasok sa kanyang isip , Aha! Alam ko na! sambit niya. 7. Isa-isang pinulot ng uwak ang mga bato at inihulog sa loob ng tapayan. Habang dumarami ang mga bato sa tapayan ay unti-unti namang tumaas ang tubig. 8. Nang halos mangalahati na ang tapayan sa dami ng mga batong inihulog ng uwak ay umabot na sa bunganga ng tapayan ang laman nitong tubig. Sa wakas ay nakainom din ang uwak. 9. Kaya naman, masayang lumipad ang uwak pagkatapos matighaw ang kanyang pagkauhaw.