ang sistema ng pagpapahalaga ng mga pilipino

13
ANG SISTEMA NG ANG SISTEMA NG PAGPAPAHALAGA NG MGA PAGPAPAHALAGA NG MGA PILIPINO PILIPINO Presentasyon ni: JAYSON S. HERNANDEZ Guidance Counselor I San Miguel National High School

Upload: jayson-hernandez

Post on 20-Aug-2015

11.961 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

ANG SISTEMA NG ANG SISTEMA NG PAGPAPAHALAGA NG MGA PAGPAPAHALAGA NG MGA PILIPINOPILIPINO

Presentasyon ni:

JAYSON S. HERNANDEZGuidance Counselor ISan Miguel National High School

Ang Pagpapahalaga (value) ay ang pamantayan sa paghusga ng tama, kanais-nais o hindi karapat-dapat na mga gawi at asal (DECS, 1988). Ang pamantayan ay galing sa salitang ugat na pantay. Ito ay ginagamit upang suriin ang kaangkupan ng beheybyor sa isang sitwasyon.

Ang pamantayan bilang sukatan kung kaibig-ibig o katanggap-Ang pamantayan bilang sukatan kung kaibig-ibig o katanggap-tangap ang kalidad ng mga bagay o beheybyor.tangap ang kalidad ng mga bagay o beheybyor.

Labis (more)

 

 

Pamantayan: Tama

(standard) (right)

 

Kulang (less)

Ang patakaran sa pamantayan ay maging nasa tamang katayuan sa pananaw ng madla. Ibig sabihin, ang beheybror ay maaaring labis (more) o kulang (less). Ang nakalinyada ay nangangahulugang kinakikitaan ng mabuting asal. Halimbawa, ang nagbubuhat ng sariling bangko ay itinuturing na yabang at ang napakamahiyain ay kulang. Ang isang taong matalino ngunit hindi maipahayag ang sarili ay tinatawag na tanga. Samakatuwid, ang kumikilos ng naaayon sa pamantayan ay tinatanggap ng pangkat.

Ang apat na pamamaraan sa Ang apat na pamamaraan sa pagtingin ng pamantayanpagtingin ng pamantayanAng pamantayan bilang kodigo ng

pagpapakahulugan (code of meanings). Kinapapalooban ito ng panloob na kodigo upang malaman, maunawaan, maranasan at maisalarawan ang bumabalot sa paligid. Halimbawa, ang isang bagay ay maganda dahil kinikilala at tinatanggap ang kalidad o elemento nito sa ating kultura. Ibig sabihin, ang katangap-tanggap sa atin ay maaaring hindi katanggap-tanggap sa ibang kultura

Ito ang dahilan kung kaya’t nagkakaroon ng “culture shock” o pagkabagabag sa kakulangang makibagay sa ibang kultura. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi katanggap-tanggap sa mga dayuhan ang mga indihenong pagpapahalaga at katangian natin pati na din sa mga Pilipinong lumaki sa ibang bansa. Ang resulta: namamali ang kanilang pagkaunawa sa naobserbahang lokal na beheybyor. Samakatuwid, kinakailangan natin ang higit na pang-unawa sa sistema ng pamantayan sa ating lokal na kaalaman, paniniwala at mga kagawian dahil kung hindi ay maliligaw tayo sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga pagpapahalaga na labas sa konteksto ng ating kultura.

Ang pamantayan bilang panloob na patakaran (internal rule).

Ito ay tumutukoy sa mga tradisyunal na prinsipyo at patakarang gumagabay sa beheybyor. Ang mga patakarang ito ang nagiging pamantayan sa kilos at gawi na nagiging prinsipyong pang-etika tulad ng “paninindigan”. Kapag ang “paninindigan” ay malalim na pinahalagahan, ito ay nagiging isang moral na ideyal tulad ng “karangalan” o honor. Halimbawa, iniuugnay nating mga Pilipino ang pagpapahalaga sa sarili kung tayo ay may malinis na pangalan, karangalan, kabutihang-asal, kagandahang-loob, magandang kaugalian, kabaitan, mapagkakatiwalaan. Ito ang nagiging sukatan ng kadakilaan (greatness).

Ang pamantayan bilang sistema ng pakikipag-ugnayan (system of relationships).

Ito ay nagbibigay pagsasalarawan ng mga etikal at moral na mga aspekto ng pamumuhay sa komunidad.Ang mga aspektong pang-intelektwal, pang- emosyonal at pang-pisikal na mga beheybyor ay magkaka-ugnay sa isa’t isa upang makapagbalangkas ng iisang piniling pakikipag-ugnayan. Lahat ng ating ginagawa ay may kahalagahan. Nakikiisa tayo at nakikipag-ugnayan batay sa katanggap-tanggap na pamantayan maliban lamang kung tumataliwas tayo rito upang magkaroon ng pagbabago. Halimbawa, ang kasabihan nating mga Tagalog na: “Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kakapit;” “Kapag ang tao ay naghihikahos, handa siyang makikipaghamok” ay nangangahulugang anumang uri ng pagsubok ang kaharapin, gagawin natin ang lahat para lamang malagpasan ito. Ang pagpapahalaga para mabuhay (value of survival)

Mga Elemento ng Mga Elemento ng Pamantayan:Pamantayan:

HALAGA (Evaluative Core) 

ASAL (Expressive Core)

DIWA (Spiritual Core)

Ang proseso ng pagkilala, pagtatalaga at pagtanggap sa halaga.

Ang transpormasyon ng asal sa beheybyor

Ang pundamental na element ng diwa.

MARAMING SALAMAT MARAMING SALAMAT POSA INYONG LAHAT!POSA INYONG LAHAT!