ang sampung utos at ang pinakamahalagang utos

2
ANG SAMPUNG UTOS AT ANG PINAKAMAHALAGANG UTOS: ANG PAGKAKAUGNAY - Katesismo ANG SAMPUNG UTOS (ni Moises) 1. Ibigin mo ang Diyos nang higit sa lahat. - Ipinag-uutos ang pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya at pagsunod sa kanyang mga utos. 2. Huwag kang magpahamak manumpa sa ngalan ng Diyos. - Ipinagbabawal ng Diyos ang panunumpa sa walang katotohanan, nim katwiran ay di-kailangan, pagtutungayaw at at pagwiwika ng masama laban sa Diyos at sa mga santo o mga banal na bagay. - Ang panunumpa ay pagsaksi sa ngalan ng Diyos upang mapatunayang tayo ay nagsasabi ng totoo. 3. Mangilin ka kung araw ng Linggo at mga pistang pinangingilinan. - Ipinag-uutos ang pagsisimba sa ganitong mga araw. - Ipinagbabawal ang paggawa ng mabigat kung araw ng Linggo at mga pistang dapat ipangilin. 4. Igalang mo ang iyong Ama at ang iyong Ina. - Ipinag-uutos ng Diyos ang pagtalima, paggalang at pagtulong sa mga magulang at sa lahat ng maykapangyarihan, sa mga namumuno at sa mga matatanda man at sa mga guro at sa sinumang may karangalan. - Katungkulan ng mga magulang na alagaan ang kanilang mga anak, pangralan, sawayin at bigyan ng mabuting halimbawa at tulungan sa pagkakaroon ng karapat-dapat na kalagayan. 5. Huwag kang pumatay ng kapwa mo tao. - Ipinagbabawal ang pagsugat o pananakit sa kapwa; ang pagtatanim ng galit, ang pagtutungayaw at pagnanasa sa kapwa. - Ipinagbabawal ang pagpapakamatay at paglalasing. 6. Huwag makiapid sa hindi mo asawa. - Ipinagbabawal ang pag-iisip, pagnanasa, pagsasalita at paggawa ng kahalayan lalo na sa hindi mo asawa. 7. Huwag kang magnanakaw. - Ipinagbabawal ang pagkuha at pagsira sa hindi mo pag-aari. 8. Huwag kang magbintang o manirang-puri sa kapwa mo tapo at huwag ka namang magsisinungaling. - Ipinagbabawal ang pagbibintang ng di-makatwiran, ang paninirang-puri. 9. Huwag kang magnasa sa asawa ng iyong kapwa. - Ipinagbabawal ang pagnanasa sa hindi mo asawa. 10. Huwag pagnasaan ang hindi mo pag-aari. - Ipinagbabawal ang di-matuwid na paghahangad sa mga bagay na pag-aari bg iba, at ang pagkainggit sa kapwa. Upang maipakita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa lahat, simula pa noong una, Siya ay nakipagtipan. Ang isang tanda ng pakikipagtipan ng Diyos ay ang Sampung Utos. Ang Sampung Utos ay hindi ginawa para pahirapan tayo kundi gabayan tayo sa kabanalan. Sa mga Utos Niya ay natutukoy natin kung ano ang alin, ang mabuti at masama.

Upload: xtrmwrld

Post on 31-Jan-2016

425 views

Category:

Documents


9 download

DESCRIPTION

cathesism

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Sampung Utos at Ang Pinakamahalagang Utos

ANG SAMPUNG UTOS AT ANG PINAKAMAHALAGANG UTOS: ANG PAGKAKAUGNAY - Katesismo

ANG SAMPUNG UTOS (ni Moises) 1.  Ibigin mo ang Diyos nang higit sa lahat.      - Ipinag-uutos ang pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya at pagsunod sa kanyang mga   utos. 2.  Huwag kang magpahamak manumpa sa ngalan ng Diyos.      - Ipinagbabawal ng Diyos ang panunumpa sa walang katotohanan, nim katwiran ay di-kailangan, pagtutungayaw at at pagwiwika ng masama laban sa Diyos at sa mga santo o mga banal na bagay.     - Ang panunumpa ay pagsaksi sa ngalan ng Diyos upang mapatunayang tayo ay nagsasabi ng totoo. 3.  Mangilin ka kung araw ng Linggo at mga pistang pinangingilinan.      - Ipinag-uutos ang pagsisimba sa ganitong mga araw.     - Ipinagbabawal ang paggawa ng mabigat kung araw ng Linggo at mga pistang dapat ipangilin. 4. Igalang mo ang iyong Ama at ang iyong Ina.       - Ipinag-uutos ng Diyos ang pagtalima, paggalang at pagtulong sa mga magulang at sa lahat ng maykapangyarihan,  sa mga namumuno at sa mga matatanda man at sa mga guro at sa sinumang may karangalan.     - Katungkulan ng mga magulang na alagaan ang kanilang mga anak, pangralan, sawayin at bigyan ng mabuting   halimbawa at tulungan sa pagkakaroon ng karapat-dapat na kalagayan. 5.  Huwag kang pumatay ng kapwa mo tao.      - Ipinagbabawal ang pagsugat o pananakit sa kapwa; ang pagtatanim ng galit, ang pagtutungayaw at pagnanasa sa kapwa.     - Ipinagbabawal ang pagpapakamatay at paglalasing. 6.  Huwag makiapid sa hindi mo asawa.

      - Ipinagbabawal ang pag-iisip, pagnanasa, pagsasalita at paggawa ng kahalayan lalo na sa hindi mo asawa. 7.  Huwag kang magnanakaw.      - Ipinagbabawal ang pagkuha  at pagsira sa hindi mo pag-aari. 8.  Huwag kang magbintang o manirang-puri sa kapwa mo tapo at huwag ka namang                                         magsisinungaling.     - Ipinagbabawal ang pagbibintang ng di-makatwiran, ang paninirang-puri. 9.  Huwag kang magnasa sa asawa ng iyong kapwa.      - Ipinagbabawal ang pagnanasa sa hindi mo asawa. 10. Huwag pagnasaan ang hindi mo pag-aari.       - Ipinagbabawal ang di-matuwid na paghahangad sa mga bagay na pag-aari bg iba, at ang pagkainggit sa kapwa.      Upang maipakita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa lahat, simula pa noong una, Siya ay nakipagtipan. Ang isang tanda ng pakikipagtipan ng Diyos ay ang Sampung Utos. Ang Sampung Utos ay hindi ginawa para pahirapan tayo kundi gabayan tayo sa kabanalan. Sa mga Utos Niya ay natutukoy natin kung ano ang alin, ang mabuti at masama.  ANG PINAKAMAHALAGANG UTOS (ni Jesus)     Mateo 22:37-40                Sinabi ni Jsus ang pangunahin at pinakamahalagang utos:               * Mahalin ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong   pag-iisip. Ang ikalawa'y kasing halaga rin ng una;* Mahalin ang kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.                 SA DALAWANG UTOS NA ITO NAKASALALAY ANG BUONG KAUTUSAN, ANG SAMPUNG UTOS, NG                       DIYOS.