ang panunumbalik ng ebanghelyo ni jesucristo

24
ANG P ANUNUMBALIK ANG P ANUNUMBALIK ANG P ANUNUMBALIK NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO

Upload: vandien

Post on 04-Jan-2017

592 views

Category:

Documents


50 download

TRANSCRIPT

ANG PANUNUMBALIKANG PANUNUMBALIKANG PANUNUMBALIKNG EBANGHELYO NI JESUCRISTONG EBANGHELYO NI JESUCRISTONG EBANGHELYO NI JESUCRISTO

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 1

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 2

ANG DIYOS ANG INYONG MAPAGMAHALNA AMA SA LANGITAng Diyos ang inyong Ama sa Langit. Kilalang-kilala Niya kayo atminamahal nang higit kaysa sa nauunawaan ninyo. Nais Niya ka-yong lumigaya sa buhay na ito at sakawalang-hanggan.

Para maisakatuparan ang layuning ito,ibinigay Niya ang plano na tinatawagna ebanghelyo* ni Jesucristo. SiJesucristo ang Anak ng Diyos; angKanyang buhay at mga turo ang gabaysa kapayapaan sa buhay na ito at sakagalakan sa kawalang-hanggan.

PINAGPAPALA NGEBANGHELYO ANG MGAPAMILYA AT INDIBIDUWALPinagpapala ng ebanghelyo ni Jesucristo ang lahat ng tumatanggapat ipinamumuhay ito. Ang isa sa mga pinakamagandang lugarpara maituro at maipamuhay ang ebanghelyo ay sa mga pamilya.Itinatag ng Diyos ang mga pamilya para mabigyan ng kaligayahanang Kanyang mga anak, para matutuhan natin ang mga tamangalituntunin sa isang kapaligirang may pagmamahalan, at ihandatayong makabalik sa Kanya pagkamatay natin. Pero kahit nagkaka-roon minsan ng problema sa mga relasyon natin sa pamilya, pinag-papala tayo ng ating Ama sa Langit kapag sinisikap nating sundinang mga turo ni Jesucristo. Nakakatulong sa atin ang mga turongito para mapatatag ang ating pamilya.

INIHAHAYAG NG AMA SA LANGITANG KANYANG EBANGHELYOBilang bahagi ng Kanyang plano, pumipili ang Diyos ng mga propeta,tulad nina Adan, Noe, Abraham, at Moises. Ang mga propeta ay:

• Nagtuturo tungkol sa Diyos at sila ay mga natatanging saksi ngKanyang Anak na si Jesucristo.

• Tumatanggap ng paghahayag, o direksyon mula sa Panginoon.

• Nagtuturo ng ebanghelyo sa mundo at nagpapaliwanag ng mgasalita ng Diyos.

3

*Ang mga salitang kulay pula ay may paliwanag sa mga pahina 18 at 19.

Mapalalakas ng ebanghelyo ni Jesucristo ang inyong pamilya.

Ibinalik—ipinanumbalik—ngating Ama sa Langit ang mgabanal na katotohanang maaarininyong malaman at ipamu-hay. Ang mga katotohanang

ito ay inihayag sa mga propetamula pa sa simula.

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 3

Tumatanggap ang mga propeta ng priesthood, o ng awtoridadna magsalita at kumilos sa ngalan ng Diyos para pamunuan angKanyang mga anak. Tinatanggap ng mga taong sumusunod sa mgapropeta ang mga biyayang ipinangako ng Diyos. Ang mga tumatang-gi sa ebanghelyo at sa mga propeta ng Diyos ay nawawalan ng mgapagpapalang iyon at inilalayo nila ang kanilang sarili sa Diyos. Angmga tumatanggi sa mga propeta at tumatalikod sa pangako nilangsusundin ang Diyos ay nasa kalagayang tinatawag na apostasiya.

Kahit marami sa Kanyang mga anakang paulit-ulit na tumanggi sa Kanyaat sa Kanyang propeta, mahal pa rin ngating Ama sa Langit ang Kanyang mgaanak. Nais Niyang ibigay ang lahat ngkailangan natin para lumigaya ngayonat makabalik sa Kanya pagkamatay na-tin. Inihahayag ng mga banal na kasula-

tan ang paraan ng paulit-ulit na pagtulong ng Diyos sa Kanyangmga anak, kahit hindi tayo palaging nakikinig:

• Pumipili ang Diyos ng isang propeta.

• Itinuturo ng propeta ang ebanghelyo at pinamumunuan angmga tao.

• Pinagpapala ng Diyos ang mga tao.

• Unti-unting binabalewala o sinusuway ng mga tao ang mga turong propeta. Kalauna’y tinatanggihan nila ang propeta at angkanyang mga turo at nag-aapostasiya.

• Dahil sa apostasiya, nawawala ang kaalaman ng mga tao saebanghelyo. Inaalis sa kanila ang awtoridad ng priesthood.

• Sa tamang panahon at kapag handa nang sumunod ulit ang mgatao sa Kanya, pumipili ang Diyos ng isa pang propeta, ibinabalikang priesthood at ang Simbahan, at inuutusan ang propeta naituro ang ebanghelyo.

4Itinala ng mga propeta ng Lumang Tipan ang mga salita ng Diyos.

*Ang mga salitang kulay pula ay may paliwanag sa mga pahina 18 at 19.

Nawawala ang mga iniha-yag na katotohanan kapaghindi tinatanggap ng mga

tao ang mga propeta.

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 4

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 5

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 6

ITINATAG NI JESUCRISTO ANGKANYANG SIMBAHANMula noong Paglikha, inasam na ng mga anak ng Diyos ang pag-dating ng Tagapagligtas na si Jesucristo. Tulad ng ipinangako Niya,isinugo ng ating Ama sa Langit ang Kanyang Anak na si Jesucristosa daigdig mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas.

Perpekto at walang bahid-sala ang buhay ni Jesucristo. ItinatagNiya ang Kanyang Simbahan, itinuro ang Kanyang ebanghelyo, atnagsagawa ng maraming himala. Pumili Siya ng labindalawang ka-lalakihan para maging mga Apostol Niya, kabilang na sina Pedro,Santiago, at Juan. Tinuruan Niyasila at binigyan ng awtoridad ngpriesthood upang magturo sangalan Niya at magsagawa ngmga sagradong ordenansa,tulad ng binyag.

Nang itatag ni Jesus angKanyang Simbahan, tumanggapSiya ng mga direksyon mula saating Ama sa Langit. Pagkataposay binilinan Niya ang Kanyangmga disipulo. Itinuro ni Jesus saKanyang mga alagad na angpaghahayag mula sa Diyos angbatong pagtatayuan Niya ngKanyang Simbahan.

Sa huling sandali ng Kanyangbuhay, nagdusa at namatay siJesucristo para sa mga kasalananng lahat ng nabuhay o mabubu-hay sa daigdig. Ang sakripisyongito ay tinatawag na Pagbabayad-sala. Sa pamamagitan ngKanyang pagdurusa, kamatayan, at Pagkabuhay na Muli, gina-wang posible ng Tagapagligtas na mapatawad tayo. Ang mga suma-sampalataya sa Kanya, nagsisisi, at sumusunod sa Kanyang mgautos ay tumatanggap ng kapatawaran sa mga kasalanan at napu-puspos ng kapayapaan at kagalakan.

7Iginawad ni Jesus ang priesthood sa Kanyang mga Apostol.

*Ang mga salitang kulay pula ay may paliwanag sa mga pahina 18 at 19.

Itinatag ni Jesucristo angKanyang Simbahan:

• Tumawag Siya at nag-ordenng mga Apostol.

• Ibinigay Niya sa kanila angKanyang awtoridad paramakapagturo at makapagbin-yag. Ang awtoridad na ito aytinatawag na priesthood.

• Pagkatapos ng Kanyang kama-tayan at Pagkabuhay na Muli,patuloy Niyang ginabayan angmga Apostol sa pamamagitanng paghahayag.

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 7

Matapos Siyang Mabuhay na Muli, ginabayan ni Jesucristo angKanyang mga Apostol sa pamamagitan ng paghahayag. Nakatalasa Biblia ang maraming paraan ng patuloy Niyang pagpatnubay saKanyang Simbahan (tingnan sa Mga Gawa 10; Apocalipsis 1:1).Dahil dito ang Simbahan ni Jesucristo ay pinamunuan ng Diyosat hindi ng tao.

ANG MALAWAKANG APOSTASIYAPagkamatay ni Jesucristo, inusig at pinatay ng masasamang tao angmaraming miyembro ng Simbahan. Ang ibang mga miyembro ngSimbahan naman ay lumayo sa mga alituntuning itinuro ni Jesucristo

at ng Kanyang mga Apostol. Pinatay angmga Apostol, at kinuha sa daigdig angawtoridad ng priesthood—pati na angmga susi sa patnubay at pagtanggap ngpaghahayag para sa Simbahan. Dahilhindi na pinamunuan ng awtoridad ngpriesthood ang Simbahan, nahaluanng mga maling turo ang mga turo ng

Simbahan. Nanatili ang mabubuting tao at maraming katotohanan,ngunit nawala na ang ebanghelyong itinatag ni Jesucristo. Ang pana-hong ito ang tinatawag na Malawakang Apostasiya.

Ang apostasiyang ito ay nauwi sa pagbuo ng maraming simbahangmagkakasalungat ang mga turo. Sa panahong ito, maramingkalalakihan at kababaihang naghanap sa katotohanan, pero hindinila ito matagpuan. Maraming mabubuting tao ang naniwala saDiyos at kay Jesucristo at sinikap unawain at ituro ang katotoha-nan, ngunit wala sa kanila ang kaganapan ng ebanghelyo o awtori-dad ng priesthood. Dahil dito, minana ng bawat henerasyon angkalagayan ng apostasiya, na naipasa sa kanila ng mga tao ng naka-raang mga henerasyon, pati na ang mga pagbabago sa ebanghelyoni Cristo.

Alam ng ilang inspiradong kalalakihan, tulad nina Martin Lutherat John Calvin, na nabago o nawala ang mga kaugalian at doktri-na. Sinikap nilang baguhin ang mga simbahang kinabibilangannila. Gayunman, kung walang awtoridad ng priesthood, hindi mai-babalik ang ebanghelyo ni Cristo sa orihinal na kalagayan nito.Kinailangan ang panunumbalik.

8

*Ang mga salitang kulay pula ay may paliwanag sa mga pahina 18 at 19.

Nang mamatay angmga Apostol ni Jesucristo,

muling nawala angkatotohanan.

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 8

Alam ng Diyos na magkakaroon ng

apostasiya. Sa pamamagitan ng isang pro-

peta sa Lumang Tipan, sinabi Niyang:

“Narito, ang mga araw ay dumarating . . .

na ako’y magpapasapit ng kagutom sa

lupain, hindi kagutom sa tinapay, o

kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa

pagkarinig ng mga salita ng Panginoon:

“At sila’y magsisilaboy sa dagat at dagat,

at mula sa hilagaan hanggang sa silanga-

nan; sila’y magsisitakbo ng paroo’t parito

upang hanapin ang salita ng Panginoon,

at hindi masusumpungan.”

Amos 8:11–12

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 9

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 10

11

ANG PANUNUMBALIK NG EBANGHELYONoong 1820, tulad ng ginawa Niya sa buong kasaysayan, mulingpumili ng propeta ang ating Ama sa Langit upang ibalik angebanghelyo at priesthood sa lupa. Angpangalan ng propetang iyon ay JosephSmith. Noong bata pa siya, nalito siJoseph sa mga pagkakaiba ng maramingsimbahan sa kanyang lugar at gusto ni-yang alamin kung aling simbahan angtama. Batid na kulang siya sa karunu-ngan, sinunod niya ang payo sa Biblia,“Kung nagkukulang ng karunungan angsinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, nanagbibigay ng sagana sa lahat at hindinanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya”(Santiago 1:5).

Nagpasiya si Joseph Smith na itanong saDiyos kung ano ang dapat niyang gawin.Nang magdasal si Joseph para malamanang katotohanan, nagpakita sa kanyaang ating Ama sa Langit at si Jesucristo.Sinabi ni Jesus kay Joseph na huwag su-mapi sa alinmang simbahan, dahil “la-hat sila ay mali” at “lumalapit sila saakin sa pamamagitan ng kanilang mgalabi, subalit ang kanilang mga puso aymalayo sa akin, itinuturo nila bilangmga doktrina ang mga kautusan ng tao,na may anyo ng kabanalan, datapwat ti-natanggihan ang kapangyarihan nito”(Joseph Smith—Kasaysayan 1:19).

Tulad ng ginawa ng Diyos kina Adan,Noe, Abraham, Moises, at iba pang mgapropeta, tinawag Niya si Joseph Smithna maging propeta na siyang magigingdaan ng panunumbalik ng kaganapanng ebanghelyo.

Nagpakita kay Joseph Smith ang ating Ama sa Langit at si Jesucristo, tulad ng inilarawansa pelikulang Ang Panunumbalik.

Nakita ni Joseph Smithang ating Ama sa Langitat si Jesucristo. Ito angsinabi niya hinggil sa

karanasang ito:

“Ako ay nakakita ng isanghaligi ng liwanag na

tamang-tama sa tapat ngaking ulo, higit pa sa liwa-

nag ng araw, na dahan-dahang bumaba hanggang saito ay pumalibot sa akin. . . .

“Nang tumuon sa akin angliwanag, nakakita ako ng

dalawang Katauhan, na angliwanag at kaluwalhatian

ay hindi kayang maisalara-wan, nakatayo sa hangin saitaas ko. Ang isa sa kanila

ay nagsalita sa akin, tinata-wag ako sa aking pangalan,at nagsabi, itinuturo ang

isa—Ito ang akingPinakamamahal na Anak.

Pakinggan Siya!”

Joseph Smith—Kasaysayan1:16–17

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 11

Ang Panunumbalik ng EbanghelyoNoong 1829, tinanggap ni Joseph Smith ang awtoridad ng priest-hood na siya ring ibinigay ni Jesucristo sa Kanyang mga Apostol.Si Juan Bautista, na nagbinyag kay Jesus, ay nagpakita kay JosephSmith at iginawad sa kanya ang Aaronic Priesthood, o nakababa-bang priesthood. Pagkatapos ay nagpakita sina Pedro, Santiago, atJuan (tatlo sa orihinal na mga Apostol ni Jesucristo) kay JosephSmith at iginawad sa kanya ang Melchizedek Priesthood, o naka-tataas na priesthood.

Matapos matanggap ang awtoridad ng priesthood, inutusan siJoseph Smith na muling itatag ang Simbahan ni Jesucristo salupa. Sa pamamagitan niya, muling tumawag si Jesucristo ngLabindalawang Apostol.

Tulad noong pamunuan ni Jesucristo angKanyang mga Apostol sa pamamagitanng paghahayag matapos Siyang Mabuhayna Muli, patuloy Niyang pinapatnubayanang Simbahan ngayon sa pamamagitanng mga buhay na propeta at apostol.Ang Pangulo ng Ang Simbahan niJesucristo ng mga Banal sa mga HulingAraw ang piniling propeta ng Diyos nga-yon. Siya, ang kanyang mga tagapayo, atang Labindalawang Apostol ang maytag-

lay ng awtoridad ng priesthood na tinaglay ng lahat ng mga propetaat apostol noong araw. Ang mga lalaking ito ay mga propeta, tagaki-ta, at tagapaghayag.

12Iginawad nina Pedro, Santiago, at Juan—mga Apostol ni Jesucristo—ang MelchizedekPriesthood kay Joseph Smith.

*Ang mga salitang kulay pula ay may paliwanag sa mga pahina 18 at 19.

Isinugo ni Jesucristo siJuan Bautista at ang tatlosa Kanyang mga Apostolupang ibigay kay Joseph

Smith ang awtoridadng priesthood.

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 12

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 13

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 14

ANG AKLAT NI MORMONBilang bahagi ng Panunumbalik ng ebanghelyo, inilabas ng Diyosang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo. Sa pamamagi-tan ng kapangyarihan ng Diyos, isinalinni Joseph Smith ang aklat na ito mula samga sinaunang talaang nakasulat sa mgalaminang ginto. Ang Aklat ni Mormon ay“isang talaan ng mga pakikipag-ugnayanng Diyos sa mga unang nanirahan saAmerika at naglalaman ng kabuuan ngwalang hanggang ebanghelyo” (pambu-ngad sa Aklat ni Mormon).

Ang Aklat ni Mormon ay isangmakapangyarihang saksi ni Jesucristo.Tinutulungan tayo nitong maunawaanang Kanyang mga turo, pati na angnasa Biblia.

Ang Aklat ni Mormon ay kapani-paniwalang katibayan ng Panunumbalikng ebanghelyo sa pamamagitan niJoseph Smith. Malalaman mo sa iyongsarili na ang Aklat ni Mormon aytotoo. Para magkaroon ng kaalamangito, dapat mo itong basahin, pag-isipangmabuti ang mga mensahe nito, at ha-ngaring malaman kung ito ay totoo.Kailangan mong hilingin sa iyong Amasa Langit na pagtibayin na ito ayKanyang salita. Kapag ginawa mo ito,ihahayag Niya sa iyo sa pamamagitanng Espiritu Santo na ito ay totoo.

Kapag nalaman mo na ang Aklat niMormon ay totoo, malalaman mo rin sapamamagitan ng Espiritu Santo na si Joseph Smith ay propeta ngDiyos, na ang ebanghelyo ni Jesucristo ay ibinalik sa pamamagitanniya, at na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga HulingAraw ay pinamumunuan ng isang propeta at mga apostol ngayon.

15

*Ang mga salitang kulay pula ay may paliwanag sa mga pahina 18 at 19.

Nakatala sa Aklat ni Mormon ang pagbisita ni Jesucristo sa mga lupain ng Amerika.

Malalaman ninyo natotoo ang itinuro ng mga

misyonero kung babasahinat ipagdarasal ninyo

ang Aklat ni Mormon:

“Kung kayo ay magtata-nong nang may matapat napuso, na may tunay na la-

yunin, na may pananampa-lataya kay Cristo, kanyangipaaalam ang katotohanannito sa inyo, sa pamamagi-tan ng kapangyarihan ng

Espiritu Santo.

“At sa pamamagitanng kapangyarihan ng

Espiritu Santo, malalamanninyo ang katotohanan

ng lahat ng bagay.”

Moroni 10:4–5

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 15

PAANO KO MALALAMAN?Maaari mong malaman na ang mensaheng ito ay totoo. Kung mag-darasal ka sa iyong Ama sa Langit, sasagutin ka Niya sa pamama-gitan ng Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ay tinatawag ding

Espiritu ng Diyos, at isa sa Kanyangmga tungkulin ang sumaksi, o magpa-totoo, tungkol sa katotohanan.

Maaaring maging mahimala at magpa-bago ng buhay ang kaalamang ito,ngunit kadalasa’y dumarating ito bi-lang tahimik na pagtiyak, na walangkagila-gilalas na pagpapakita ng ka-pangyarihan ng Diyos. Pinagtitibay ngEspiritu Santo ang katotohanan sa pa-mamagitan ng damdamin, kaisipan,at impresyon. Tulad ng turo sa Biblia,“Ang bunga ng Espiritu ay pagibig,katuwaan, kapayapaan, pagpapahinu-hod, kagandahang-loob, kabutihan,pagtatapat, kaamuan, [at] pagpipigil”(Mga Taga Galacia 5:22–23). Angdamdaming ito mula sa Espiritu Santoay personal na paghahayag sa iyo na

totoo ang ebanghelyo ni Jesucristo na ibinalik sa pamamagitan niJoseph Smith. At kakailanganin mong magpasiya kung mamumu-hay ka ayon sa kaalamang natanggap mo.

16Malalaman ninyo ang katotohanan sa pamamagitan ng taimtim na panalangin.

Paano Ako Magdarasal?

• Bigkasin ang pangalan nginyong Ama sa Langit.

• Ipahayag ang nadaramang inyong puso (pasasa-lamat, mga tanong, kahi-lingan na pagtibayin angkatotohanan ng Aklat niMormon at ang naiturong mga misyonero).

• Magwakas (“Sa panga-lan ni Jesucristo, amen”).

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 16

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 17

LISTAHAN NG MGA KATAGAAaronic Priesthood Ang nakabababang priesthood. Kabilang sa priest-hood na ito ang awtoridad na magbinyag at ipinangalan kay Aaron saLumang Tipan ng Biblia.

Apostasiya Kapag nilayuan o tinalikuran ng mga tao, ng Simbahan, o ngmga bansa ang ebanghelyo ni Jesucristo. Ang apostasiya ay nagbubungang pagkakahati-hati, pagkalito, at pagkawala ng awtoridad ng priesthood,o ng karapatang kumilos sa pangalan ng Diyos.

Apostol Ang titulong ibinigay ni Jesucristo sa labindalawang lalakingitinuring Niyang pinakamalapit Niyang mga kasamahan noong pana-hon ng Kanyang ministeryo sa lupa at binigyan Niya ng awtoridadna kumilos sa Kanyang pangalan. Sa makabagong panahon, tumawagng iba pang kalalakihan si Jesucristo para magsilbing Kanyang mgaApostol. Tulad noong una, ang Apostol ay natatanging saksi niJesucristo at may awtoridad mula sa Kanya.

Binyag Mahalagang hakbang sa pagtanggap ng kapatawaran ng mgakasalanan. Sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon ng awtoridadng priesthood, nagiging miyembro tayo ng Ang Simbahan ni Jesucristong mga Banal sa mga Huling Araw. Ang binyag ay sa pamamagitan ngpaglulubog, na ibig sabihin ay sumandaling ilulubog sa tubig ang taongbibinyagan. Ang binyag ay nagpapakita ng ating kahandaang sundinang halimbawa ni Cristo at makipagtipan sa Diyos.

Ebanghelyo Plano ng ating Ama sa Langit para tulungan tayongmagkaroon ng kapayapaan sa buhay na ito at magalak sa kawalang-hanggan. Ang ebanghelyo ay nakasentro sa Pagbabayad-sala niJesucristo at kinakailangan tayong manampalataya sa Kanya, magsisi,mabinyagan, tumanggap ng Espiritu Santo, at magtiis hanggang wakas.

Espiritu Santo Tinatawag ding Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos,at ang Mang-aaliw. Siya’y sumasaksi, o nagpapatotoo, sa Ama sa Langitat kay Jesucristo at naghahayag at nagtuturo ng katotohanan.

Melchizedek Priesthood Ang nakatataas o mas dakilang priesthood.Ipinangalan ito kay Melquisedec sa Lumang Tipan ng Biblia, na isangmakatarungang high priest at hari.

18

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 18

Ordenansa Isang sagrado at pormal na pagkilos na isinasagawa sa pa-mamagitan ng awtoridad ng priesthood. Isang halimbawa ang binyag.

Pagbabayad-sala Ang pangyayari na nagbigay-daan para makipagkasun-do tayo sa Diyos. Ang ibig sabihin ng magbayad-sala ay pagdusahan angparusa sa kasalanan, at sa gayo’y mapapawi ang mga epekto nito sa mgamakasalanan na nagsisisi. Si Jesucristo lamang ang kaisa-isang makagaga-wa ng lubos na Pagbabayad-sala para sa buong sangkatauhan. Kasamasa Kanyang Pagbabayad-sala ang Kanyang pagdurusa para sa ating mgakasalanan, pagbubuhos ng Kanyang dugo, at Kanyang kamatayan atPagkabuhay na Muli. Dahil sa Pagbabayad-sala, lahat ng nabuhay ay ma-bubuhay na muli. Maaari din tayong mapatawad sa ating mga kasalananat makapiling ang Diyos magpakailanman dahil sa Pagbabayad-sala.

Paghahayag Komunikasyon sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang mgaanak, karaniwa’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Makatatanggapng paghahayag ang mga tao upang gabayan sila sa kanilang buhay,ngunit tanging ang piniling propeta ng Diyos ang makatatanggap ngpaghahayag para sa buong mundo. Ang paghahayag ay dumarating samaraming anyo, ngunit kadalasan dumarating ito bilang mga kaisipan,damdamin, at impresyon.

Pagkabuhay na Muli Matapos ang pisikal na kamatayan, muling magsa-sama ang espiritu at ang perpektong pisikal na katawang may lamanat buto. Si Jesucristo ang unang nabuhay na muli.

Panunumbalik Pagbabalik ng isang bagay; muling pagtatatag nito; pag-papanumbalik nito. Matapos mawala ang katotohanan at awtoridadsa lupa, ibinalik ang ebanghelyo sa pamamagitan ni Propetang JosephSmith. Ang panunumbalik ay iba sa repormasyon dahil ang ibig sabi-hin ng reporma ay baguhin ang isang umiiral na organisasyon o gawi sapagsisikap na ibalik ito sa orihinal na kalagayan, samantalang ang ibigsabihin ng ipanumbalik ay muling itatag o panibaguhin ang orihinal naorganisasyon o gawi sa kabuuan nito.

Priesthood Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Ibinibigay ngDiyos ang kapangyarihang ito sa tao para kumilos sa pangalan Niya.Ang Aaronic Priesthood ay ibinalik kay Joseph Smith ni Juan Bautista,na nagbinyag kay Jesus. Ang Melchizedek Priesthood ay ibinalik ninaPedro, Santiago, at Juan, tatlo sa Labindalawang Apostol ni Jesus.

19

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 19

DAGDAG NA PAG-AARALAng sumusunod na mga tanong at banal na kasulatan ay makatutu-long sa inyo na maragdagan ang inyong kaalaman tungkol sa mga ali-tuntunin na nasa polyetong ito at mapag-isipan ang mga ito. Hindisaklaw ng listahang ito ang lahat; ituturo kayo ng mga talababa atreperensya sa mga banal na kasulatan sa mga karagdagang talata atsanggunian.

Ano ang kahulugan sa inyo na ang Diyos ang inyong Ama sa Langit?Malakias 2:10 (Biblia, Lumang Tipan)Mga Taga Hebreo 12:9–10 (Biblia, Bagong Tipan)

Ano ang papel ng isang propeta? Bakit mahalagang malaman nakinakausap ng Diyos ang mga propeta?Amos 3:7 (Biblia, Lumang Tipan)Jacob 4:4–6 (Aklat ni Mormon, pahina 176)

Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng awtoridad ng priesthood?Paano tinatanggap ng isang tao ang awtoridad na ito?Mateo 10:1 (Biblia, Bagong Tipan)Juan 15:16 (Biblia, Bagong Tipan)

Ano ang nangyayari kapag nawala ang awtoridad na iyon?Amos 8:11–12 (Biblia, Lumang Tipan)1 Nephi 13:24–29 (Aklat ni Mormon, mga pahina 35–36)

20

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 20

Nalaman ba ng mga Apostol ni Jesus na magaganap ang apostasiya?Mga Gawa 20:28–31 (Biblia, Bagong Tipan)II Mga Taga Tesalonica 2:2–3 (Biblia, Bagong Tipan)II Kay Timoteo 4:3–4 (Biblia, Bagong Tipan)

Ano ang kahulugan sa inyo ng pagkabalik ng ebanghelyo niJesucristo sa pamamagitan ni Joseph Smith?Ang Patotoo ni Propetang Joseph Smith (polyeto)

Ano ang Aklat ni Mormon? Paano ito naging saksi sa tungkulinni Joseph Smith bilang propeta?Pahina ng pamagat ng Aklat ni MormonPambungad ng Aklat ni Mormon

Ano ang papel ng Espiritu Santo?Alma 5:45–47 (Aklat ni Mormon, pahina 318)Moroni 10:3–5 (Aklat ni Mormon, pahina 773–74)

21

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 21

MAGSIMBA TAYO

HALINA’T TINGNAN KUNG PAANO MAPAGPAPALA NGIPINANUMBALIK NA EBANGHELYO ANG INYONG BUHAY

Ang sakrament miting ang pinakamahalagang bahagi ng simba.Karaniwan itong tumatagal nang mahigit isang oras at binubuong mga sumusunod:

Mga himno: Inaawit ng kongregasyon. (May nakalaan na mgahimnaryo.)

Mga panalangin: Iniaalay ng mga lokal na miyembro ng Simbahan.

Ang sakrament: Ang tinapay at tubig ay binabasbasan at ipinapasasa kongregasyon bilang pag-alaala sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Mga tagapagsalita: Karaniwan ay isa o dalawang miyembro ngkongregasyon na itinakdang magsalita tungkol sa mga paksang ebanghelyo.

Pananamit: Ang mga lalaki ay karaniwang nakasuot ng maayosna pantalon at malinis na polo at kurbata. Ang mga babae aynagsusuot ng bestida o palda’t blusa.

Hindi nanghihingi ng mga donasyon sa oras ng pagsamba.

22

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 22

Iniimbita din namin kayong dumalo sa iba pang mga miting, ayonsa inyong mga interes at batay sa inyong edad. Maaaring maibaang pagkakasunud-sunod at pagdaraos ng mga miting na ito.

Sunday School: Mga klase sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan atdoktrina ng ebanghelyo.

Mga miting ng Priesthood: Mga klase para sa mga lalaking edad 12pataas.

Relief Society: Mga klase para sa mga babaeng edad 18 pataas.

Young Women: Mga klase para sa mga babaeng edad 12 hanggang 18.

Primary: Grupo at mga klase para sa mga batang edad 3 hanggang11. Madalas ay mayroong nursery para sa mga batang edad 18buwan hanggang 3 taon.

Oras ng sakrament miting:

Address ng kapilya:

23

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 23

Mga Image CreditPabalat sa harapan: Ang Nawawalang Tupa, ni Del Parson. © Del Parson. Bawal kopyahinPahina 5: Detalye mula sa Ipinropesiya ni Propetang Isaias ang Pagsilang ni Cristo, ni Harry AndersonPahina 6: Detalye mula sa Inordena ni Cristo ang Labindawalang Apostol, ni Harry AndersonPahina 13: Detalye mula sa Ang Panunumbalik ng Melchizedek Priesthood, ni Kenneth RileyPahina 14: Detalye mula sa Binisita ni Jesucristo ang mga Lupain ng Amerika, ni John Scott

© 2006 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika.Pagsang-ayon sa Ingles: 1/06. Pagsang-ayon sa pagsasalin: 1/06. Pagsasalin ng The Restoration of the Gospelof Jesus Christ. Tagalog.

4 02011 56893 5

TAGALOG

01156 893

Ano ang DapatKong Gawin?• Basahin ang Aklat ni Mormon.

Mga mungkahing babasahin:

• Magdasal upang malaman na si Joseph Smith ay isang propetaat na ang Aklat ni Mormon ay salita ng Diyos.

• Magsimba.

• Magpasiya kung susundin ninyo ang Tagapagligtas sapamamagitan ng pagpapabinyag. Petsa ng binyag:

• Bisitahin ang www.mormon.org upang madagdagan angkaalaman tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.

• Patuloy na makipagkita sa mga misyonero upang madagdaganang kaalaman tungkol sa mga katotohanang ipinanumbalik ngDiyos sa pamamagitan ng mga makabagong propeta.

Susunod na pakikipagkita:

Mga pangalan at numero ng telepono ng mga misyonero:

www.mormon.org

01156_893_Rest_Broch.qxd 05-12-2011 8:54 AM Page 24