ang klima ng pilipinas

16
ANG KLIMA NG PILIPINAS Araling Panlipunan 6

Upload: charmaine-v-banes

Post on 27-Oct-2015

2.463 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

klima ng pilipinas

TRANSCRIPT

Page 1: ANg Klima ng Pilipinas

ANG KLIMA NG PILIPINAS

Araling Panlipunan 6

Page 2: ANg Klima ng Pilipinas

Ang KlimaAng klima ay ang kabubuang

kalagayan ng panahon na tumatagal sa isang bansa. May kinalaman sa klima ang uri ng ating kasuotan at mga bahay na itinayo natin.

Ang dalawang uri ng klima sa bansa ay ang tag-araw at tag-ulan.

Page 3: ANg Klima ng Pilipinas

Ang Panahon Ang panahon ay ang kalagayan ng

papawirin at kalagayan ng hangin sa alinmang lugar sa bansa sa maikling panahon

Page 4: ANg Klima ng Pilipinas

Pag-ikot ng mundo sa araw

Page 5: ANg Klima ng Pilipinas

Ang Temperatura Ito ang nagsasabi kung gaano kainit

o kalamig ang isang lugar.

Page 6: ANg Klima ng Pilipinas

4 na Uri ng Klima

Unang Uri ng Klima Tuyo

Ikalawang Uri ng Klima

Walang panahong tuyo

Ikatlong Uri ng Klima

Hindi tiyak ang panahon

Ikaapat na Uri ng Klima

Halos pantay ng distribusyon ng ulan

Page 7: ANg Klima ng Pilipinas
Page 8: ANg Klima ng Pilipinas

Unang uri- Luzon, Negros, Palawan, Minadanao at Mindoro.

Ikalawang uri- Catanduanes, Albay, Camarines Norte, Samar, Leyte, Quezon, Sorsogon, Camarines Sur, at Silangang Mindanao.

Ikatlong uri- Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Silangang Lalawigang Bulubundukin, Masbate, Romblon, Timog Quezon, Palawan, Cebu, Negros, at Hilagang Mindanao.

Ikaapat na uri- Batanes,Mindoro, Bohol, Marinduque, Kanlurang bahagi ng Camarines Sur, Albay at sa ilang bahagi ng Mindanao

Page 9: ANg Klima ng Pilipinas

3 Uri ng Hangin

Ang hangin ng Pilipinas ay nagmumula sa iba’t ibang direksyon at pabagu-bago. May tatlong uri ng hangin sa bansa. Ang hanging balaklaot o hanging hilaga (tradewinds) ay nanggagaling sa hilagang kanluran ng bansa. Ang hanging habagat ay nagmumula sa timog-kanluran. Ang hanging amihan o sabalas ay nagmumula sa hilagang-silangan. Ang tatlong uri ng hangin a bansa ay may epekto sa temperatura, distribusyon ng ulan at kahalumigmigan ng isang lugar

Page 10: ANg Klima ng Pilipinas

Mga Babala ng Bagyo

Ang PAG-ASA (Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration) ay nagpapalabas ng apat na uri ng babala kapag panahon ng bagyo. Ipinalabas din ng PAG-ASA ang bagong paraan ng pagbibigay-babala sa bagyo na tinatawag nilang Modified Public Storm Warning System (MPSWS).

Page 11: ANg Klima ng Pilipinas

Babala ng bagyo bilang 1

Kalagayang Meteorolohikal Ang lugar ay maaapektuhan ng bagyo na may

hanging umiihip ng 30 hanggang 60 kph sa loob ng 36 na oras.May manaka-nakang pag-ulan.

Lakas ng Hangin Ang maliliit na puno ay mababali ang mga

sanga. Ang mga bahay na yari sa hindi matibay na materyales ay ililipad ng hangin.Hindi gaano ang pinsalang mararanasan. Pinapayuhan ang mga tao na subaybayan ang taya ng panahon sa loob ng anim na oras.

Page 12: ANg Klima ng Pilipinas

Babala ng bagyo bilang 2

Kalagayang Meteorolohikal Katamtamang bagyo ang makakaapekto sa

mga lugar.. Umiihip ang hangin nang 60 kph hanggang 100 kph sa loob ng 24 oras.

Lakas ng Hangin Maaaring humilig at bumagsak ang mga

puno. Ang mga bahay naman na yari sa kugon at nipa ay mabubuwal. Mapanganib para sa mga maliliit na sasakyang pandagat.

Page 13: ANg Klima ng Pilipinas

Babala ng bagyo bilang 3

Kalagayang Meteorolohikal Lubhang malakas na hangin ang

mararanasan na mula 100 kph hanggang 185 kph sa loob ng 18 oras

Page 14: ANg Klima ng Pilipinas

Babala ng bagyo bilang 4

Kalagayang Meteorolohikal Maapektuhan ng napakalakas na bagyo ang

lugar. Makararanas ng napakalakas na hangin mula 185 kph. At higit pa sa loob ng 12 oras.

Lakas ng hangin Malaki ang kapinsalaang hatid sa mga

pananim. Mabubunot ang mga ugat ng maraming puno at babagsak ang mga ito. Ang mga gusali at mga bahay na yari sa iba’t ibang materyales ay masisira. Higit na malaking pinsala ang hatid sa mga lugar na apektado.

Page 15: ANg Klima ng Pilipinas

Mga Surilaning Hatid ng Klima Nagkakaroon ng pagbaha kung tag-

ulan, nagkakabuhul-buhol ang trapiko at nasususpinde ang mga klase dahil sa pagbaha lalo na sa mga pook urban at sa Kamaynilaan. Madalas din ang bagyo tuwing tag-ulan na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga pananim at bahay. Ang mga tao ay hindi nakapagtatrabaho at hindi nakalalabas ng bahay.

Page 16: ANg Klima ng Pilipinas

Sa panahon naman ng tag-araw ay lubhang maalinsangan at napakainit ng paligid. Kadalasan ding nagkakaroon ng kakulangan sa tubig. Ang mga magsasaka ay hindi makapagtanim dahil nagkakaroon ng sobrang pagkatuyo ng mga lupang sakahan. Ang mga pananim ay namamatay. Nararanasan din ang madalas na sunog ng mga kabahayan at mga kagubatan tuwing tag-araw.