ang kikitain sa pagbebenta ng bulk water

7
ANG KIKITAIN SA PAGBEBENTA NG BULK WATER SA KALAPIT BAYAN Ang atin pong punong bayan ay pumirma na sa bayan ng Lumban sa isang Water Supply Contract na may petsa December 30, 2011 at ang Water Contract po ay notaryado ng abugado na nagsisilbing legal consultant ng ating bayan. Mayron na rin pong pinirmahan ang ating punong bayan na Water Contract sa bayan ng Sta. Cruz, at ang sabi ay mayron na ring pirmadong Water Contract para sa bayan ng Magdalena. Ang pagkakaiba ng Water Contract sa Lumban, Sta. Cruz at Magdalena ay sa dami (volume) ng tubig at presyo subalit ang ibang nilalaman ng mga nasabing Water Contracts ay pareho na. Ang presyo ng pagbebenta ng tubig para sa Magdalena ay P9.00 per cubic meter, P10.00 per cubic meter para sa Sta. Cruz at P11.00 per cubic meter para sa Lumban. Bilang malinaw na halimbawa kung paano na nagisa sa sariling mantika ang ating bayan at kung papaano ang ating bayan ay harap harapan na ibenenta at niloko, ating ipapakita rito ang kikitain sa pagbebenta ng bulk water sa Lumban at ang kwenta ay ating gagawin ayon mismo sa kasunduan na nakapaloob sa Water Contract sa Lumban na may petsa December 30, 2011 na pirmado ng ating punong bayan. Nakalakip ditto para sa inyong kaalaman ang kabuuan ng Water Supply Contract na may petsa December 30, 2011 sa pagitan ng Majayjay at Lumban. Kung susundan ang Water Supply Contract ng Majayjay at Lumban petsa 12/30/11, narito ang maaaring kitain: Water Buyer : Lumban, Laguna Water Supplier: Majayjay, Laguna Water Supply of at least 5,000 cu.m./day at P11.00/cu.m. = P55,000.00/day = P1,650,000.00/month =P9,800,000.00/year

Upload: romulo-urcia

Post on 24-Oct-2014

95 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Kikitain Sa Pagbebenta Ng Bulk Water

ANG KIKITAIN SA PAGBEBENTA NG BULK WATER SA KALAPIT BAYAN

Ang atin pong punong bayan ay pumirma na sa bayan ng Lumban sa isang Water Supply Contract na may petsa December 30, 2011 at ang Water Contract po ay notaryado ng abugado na nagsisilbing legal consultant ng ating bayan. Mayron na rin pong pinirmahan ang ating punong bayan na Water Contract sa bayan ng Sta. Cruz, at ang sabi ay mayron na ring pirmadong Water Contract para sa bayan ng Magdalena. Ang pagkakaiba ng Water Contract sa Lumban, Sta. Cruz at Magdalena ay sa dami (volume) ng tubig at presyo subalit ang ibang nilalaman ng mga nasabing Water Contracts ay pareho na. Ang presyo ng pagbebenta ng tubig para sa Magdalena ay P9.00 per cubic meter, P10.00 per cubic meter para sa Sta. Cruz at P11.00 per cubic meter para sa Lumban.

Bilang malinaw na halimbawa kung paano na nagisa sa sariling mantika ang ating bayan at kung papaano ang ating bayan ay harap harapan na ibenenta at niloko, ating ipapakita rito ang kikitain sa pagbebenta ng bulk water sa Lumban at ang kwenta ay ating gagawin ayon mismo sa kasunduan na nakapaloob sa Water Contract sa Lumban na may petsa December 30, 2011 na pirmado ng ating punong bayan. Nakalakip ditto para sa inyong kaalaman ang kabuuan ng Water Supply Contract na may petsa December 30, 2011 sa pagitan ng Majayjay at Lumban.

Kung susundan ang Water Supply Contract ng Majayjay at Lumban petsa 12/30/11, narito ang maaaring kitain:

Water Buyer : Lumban, Laguna Water Supplier: Majayjay, Laguna Water Supply of at least 5,000 cu.m./day at P11.00/cu.m. = P55,000.00/day = P1,650,000.00/month =P9,800,000.00/year MGA GASTUSIN NAKAKARGA SA MAJAYJAY:

Lahat ng gastusin kasama ang cash bond, guarantee bond at performance bond para maisiguro na tutupad ang Majayjay sa kontrata na mag supply ng tubig sa Lumban. Ang bonds na katumbas ng Annual Contract Cost na ibibigay ng Majayjay para sa kapakanan ng Lumban ay ang sumusunod:

I. CASH BOND - (9,800.000.00 X 5%) P 490,000.00 II BANK GUARANTEE (9,800,000.00 X 10%) 980,000.00 III SURETY BOND (9,800,000.00 X 30%) 2,940,000.00

T: Ano ba ang layunin ng nasabing mga bonds?S: Ang nasabing mga bonds ang siyang sasagot sa anumang penalty na ipapataw ng

Lumban sa Majayjay kung hindi makatupad ang Majayjay sa responsibilidad sa Lumban at kaya ang mga Bonds na iyon ay pambayad sa Lumban.

T: Katulad ng mga bonds na ibibigay ng Majayjay sa Lumban, Mayroon bang ganoon na klase ng bonds na ibibigay ang IBDC para sa Majayjay para masiguro na tutuparin ng IBDC ang mga responsibilidad nito sa Majayjay.?

S: WALA, kaya walang kasiguruhan na ang IBDC ay tutupad sa responsibilidad sa Majayjay. At lagi ninyong tandaan , WALA RING NAKALAGAY SA KONTRATA NA

Page 2: Ang Kikitain Sa Pagbebenta Ng Bulk Water

2

PROJECT COST O HALAGA O PUHUNAN NA GAGASTUSIN NI IBDC PARA SA KONTRATA.

T: Bakit ang Majayjay ang nag post ng mga nasabing Bonds?S: Dahil ang Majayjay ang siyang pinalabas na Water Supplier sa nasabing kontrata sa Lumban.

T: Sa Water Contract na may petsa August 1, 2011 sa pagitan ng Majayjay at IBDC, sino ang pumirma ng kontrata?

S: Ang pumirma sa nasabing kontrata para sa Majayjay ay ang punong bayan rin.

T: Bakit ang ating punong bayan ay pumirma sa isang kontrata sa IBDC na walang nakalagay na ang IBDC na magbibigay ng cash bond, bank guarantee at surety bond para sa kasiguruhan na ang IBDC ay gagampanan ang kanyang mga responsibilidad sa ilalim ng kontrata?

S: Ito po ang $100 Million na katanungan na tanging ang ating punong bayan lamang ang makasasagot. Kung ang kapakanan ng ating bayan ang nasa isip ng ating punong bayan, dapat sana ay pinag-post o pinagbigay din niya ng cash bond, bank guarantee at surety bond ang IBDC bilang kasiguruhan na tutuparin ng IBDC ang kanyang responsibilidad sa Majayjay at kung hindi makatupad sa kanyang responsibilidad ang IBDC, ang Majayjay ay nakakasigurado na mababayaran ang ano mang danyos purwisyo (damages) na matatanggap ng Majayjay dahil sa hindi pagtupad ng IBDC sa kontrata.

T: Magkano po ba ang dapat na cash bond, bank guarantee at surety bond na ipost o ibigay ng IBDC para sa kasiguruhan na gagawin nito ang responsibilidad niya sa ilalim ng kontrata?

S: Kung susundan po natin ang Water Supply Contract na ginawa natin para sa bayan ng Lumban dapat ang cash bond, bank guarantee at surety bond na ibigay ng IBDC ay katumbas ng Project Cost o ng magagastos ng IBDC sa pagpapatupad ng kontrata. Walang nakalagay sa kontrata na Project Cost o gagastusin o pupuhunanin ng IBDC, pero kung susundan natin ang pahayag ng ating punong bayan, ang IBDC daw ay gagastos ng mahigit kumulang sa P600 million at kaya ang mga bonds na dapat ibigay ni IBDC sa Majajay ay ang mga sumusunod:

Cash Bond (P600,000,000.00x5%) = P30,000,000.00Bank Guarantee (P600,000,000.00x10%) = P60,000,000.00Surety Bond (P600,000,000.00x30%) = P180,000,000.00

T: Kailan po ba dapat ibigay ang mga nasabing bonds?S: Ang mga bonds na nasabi ay dapat ibigay bago simulan ipatupad ang kontrata dahil

ang mga nasabing bonds ang siyang magiging kasiguruhan na tutupad si IBDC sa kanyang mga obligasyon sa kontrata at kung hindi tumupad si IBDC ang mga nasabing bonds ang sasagot na pambayad sa penalty at damages na dapat ipataw kay IBDC sa hindi pagtutupad sa kontrata.

T: Sa kontrata ng Majayjay at Lumban marami po ang nakalagay doon na penalty kung hindi makatupad sa kontrata ang Majayjay at bakit po ang Majayjay ang magbabayad ng penalty?

S: Maraming klase ng penalty ang babayaran ng Majayjay sa Lumban kung hindi makatupad ang Majayjay sa pagsu-supply ng tubig sa Lumban. Ang ating bayan ang magbabayad ng penalty sa Lumban dahil inilagay at pinalabas sa kontrata na ang Majayjay ang Water Suppplier.

T: Bakit ang ating bayan ang pinalabas na Water Supplier sa Lumban?

Page 3: Ang Kikitain Sa Pagbebenta Ng Bulk Water

3

S: Ayon na rin sa ipinagmamalaking sinabi ng ating punong bayan sa kanyang pahayag, ang Majayjay ang Water Supplier dahil ito ang nakasaad rin sa Water Contract ng Majayjay at IBDC.

T: Sa Water contract sa pagitan ng ating bayan at IBDC, mayroon bang nakalagay na penalty kung hindi makatupad ang IBDC sa ilalim ng kontrata?

S: Wala.

T: Bakit walang nakalagay na penalty sa kontrata sa pagitan ng Majayjay at IBDC kung hindi makatupad ang IBDC sa responsibilidad?

S: Ito ang isa pang $100M na katanungan na tanging ang ating punong bayan lamang ang makasasagot. Kailangang ipaliwanag ng ating punong bayan kung bakit siya pumirma sa kontrata na walang nakasaad na penalty sa kontrata kung sakaling hindi makatupad si IBDC sa responsibilidad niya.

T: Totoo ba na nakasaad sa Water Contract ng Majayjay at IBDC na ang Majayjay ang siyang magsu-supply ng tubig sa kalapit bayan?

S: Ito ay hindi totoo dahil maliwanag na nakasaad sa Sec. 7 par. (a) ng Article IV ng Water Contract na ang IBDC ang siyang magsu-supply ng tubig sa Majayjay at mga karatig bayan. Ito po ay maliwanag na sinasabi ng Sec. 7 par. (a) ng Article IV ng Water Contract sa pagitan ng ating bayan at IBDC.

“Section 7. Pursuant to this Agreement, MAJAYJAY is obligated to:

a. Guarantee that as long as IBDC can supply potable water to residents of Majayjay, Laguna, it shall have the sole right and authority within the fifty (50) year agreed upon herein, to supply bulk water to Majayjay and its neighboring towns at minimum level and price (s) specified under Section 16, Article XI, subject to adjustments as may be necessary within the contract term period.”

T: Pagpalagay na natin na tama ang punong bayan na nakalagay sa Water Contract na ang Majayjay ang water supplier at hindi IBDC, tama ba na pumayag sa ganitong sistema/termino sa kontrata ang punongbayan?

S: Ito ay hindi tama. Isang malaking pagkakanulo sa bayan na pumayag ka na palabasin na water supplier ang Majayjay sa mga kalapit bayan na kung saan ang lahat ng gastos at responsibilidad ay naka-atas sa Majayjay subalit pagdating sa kikitain 10% lamang ng kikitain ang mapupunta sa Majayjay at 90% sa IBDC. Kaya dapat ipaliwanag ng ating punong bayan sa ating mga mamamayan kung bakit siya ay pumayag na ang lahat ng gastusin at responsibilidad sa mga karatig bayan ay nakakarga sa Majayjay pero ang lahat halos ng kikitain ay mapupunta sa IBDC.

T: Maliwanag sa kontrata na ang tubig ay mangaggaling sa ating bayan at ang ating bayan ang lumalabas na Water Suplplier sa mga kalapit bayan, ano naman ang hatian sa kikitain ng pagbebenta ng tubig sa kalapit bayan?

S: Ang magiging hatian pa rin ay 90% para sa IBDC at 10% para sa Majayjay dahil pagdatig sa kita ang masusunod ay ang nakasaad sa Kontrata sa pagitan ng Majayjay at IBDC.

T: Ano ang naging papel ng IBDC sa nasabing Water Contract sa Lumban?S: Ang IBDC ay WALANG KINALAMAN sa nasabing Water Contract sa Lumban, at

ang Majayjay ang nakasubo sa lahat ng responsibilidad sa nasabing Water Contract. Ang Majayjay ang pinalabas na Water Supplier sa nasabing water contract sa Lumban.

Page 4: Ang Kikitain Sa Pagbebenta Ng Bulk Water

4

T: Ano ba ang kahulugan pagsinabing walang kinalaman ang IBDC sa Water Supply Contract ng Majayjay at Lumban?

S: Ang ibig sabihin ang IBDC ay walang anumang pananagutan sa Lumban kung hindi makatupad ang Majayjay sa mga responsibilidad sa kontrata. Ang Majayjay lamang ang siyang ssagot sa lahat ng penalty o gastusin na ipapataw ng Lumban dahil sa hindi pagtupad sa kontrata. Kaya ito po ba ang sinasabing kontrata na magpapaunlad sa ating bayan.

T: Pag dating sa mapapagbilhan ng tubig sa Lumban, meron bang magiging kahati ang Majayjay?

S: OO. Ang magiging kahati ng Majayjay ay IBDC dahil sa pagdating sa hatian sa kita sa mapapagbilhan ng tubig, 90% ang para kay IBDC at 10% ang para sa Majayjay (nakasaad sa kontrata ng Majayjay at IBDC dated August 1, 2011). Ang ibig sabihin, pagdating sa hatian sa kita sa tubig, ang susundin ay ang nakasaad sa water contract ng Majayjay at IBDC na kung saan ang share ng Majayjay ay 10% lamang at ang 90% ay mapupunta sa IBDC. Nakalakip dito upang inyong mabasa ang buong Water Contract sa pagitan ng Majayjay at Lumban.

Ayon sa Water Contract ng Majayjay at Lumban, malinaw na lumalabas na pagdating sa responsibilidad at lahat ng gastusin para sa pagbebenta ng tubig sa kalapit na bayan, ang lahat ng responsibilidad at gastos ay naka-atang o naka-karga sa Majayjay. Pero pagdating sa kikitain, halos lahat ng kikitain ay mapupunta sa IBDC. Dahil dito, ang Majayjay ay sobra-sobrang nagisa sa sariling mantika at ng dahil dito pa rin, ang ating bayan ay hindi lamang matutuyuan ng tubig , ang ating bayan ay mababaon pa sa utang dahil kapag kinuwenta mo ng maigi ay WALA namang matitira sa 10% share ng Majayjay. Ito ba ang sinasabi ng mga namumuno ng ating bayan na pag-unlad na dala ng Water Contract at kaya BAYAN HUSGAHAN MO!!!!