ang kartilla ng katipunan

28
Ang Kartilla ng Katipunan Jose Emmanuel G. Gana IV - Muon

Upload: parley

Post on 24-Feb-2016

724 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

Ang Kartilla ng Katipunan. Jose Emmanuel G. Gana IV - Muon. Ang Katipunan. KKK – Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan nang manga Anak nang Bayan - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

Page 1: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Ang Kartilla ng KatipunanJose Emmanuel G. GanaIV - Muon

Page 2: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Ang KatipunanKKK – Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan nang manga Anak nang Bayan

Itinatag nina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, atbp. sa isang bahay sa Kalye Azcarraga, Tondo, Maynila noong Hulyo 7, 1892Layunin:

Pulitikal: Mahiwalay ang Pilipinas sa EspanyaMoral: Tanggalin ang kahinaan sa pagkatao at ang pagiging bulag na alagad ng relihiyonSibiko: Protektahan ang mga mahirap at ang mga inaapi

Page 3: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Ang Katipunan3 Namamahalang Grupo:

Kataastaasang SanggunianSangguniang BayanSangguniang Balangay

Sangguniang Hukuman – DOJ ng KatipunanParaan sa recruitment – Pyramid Scheme

Hininto ni BonifacioBagong patakaran: The more the merrier

Page 4: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Ang KatipunanHazing – Sanduguan at pagpipirma sa kontrata gamit ang sariling dugoEntrance Fee – isang real fuente (25 sentimos)Bayad kada buwan – isang medio real (12 sentimos)Uri ng Miyembro:

Katipon (Password: Anak ng Bayan)Kawal (Password: Gom-Bur-Za)Bayani (Password: Rizal)

Page 5: Ang  Kartilla  ng  Katipunan
Page 6: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Andres Bonifacio

Ipinanganak sa Tondo, Manynila noong Nob. 30, 1863Natuto siyang magbasa at magsulat sa paaralan ni Guillermo Osmeña ng Cebu, ngunit huminto siya nang namatay ang kanyang mga magulang upang masuporta niya ang kanyang mga kapatidNagtrabaho siya sa Fleming and Company, ngunit dahil mababa ang sweldo niya doon ay lumipat siya sa Fresell and Company

Page 7: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Andres BonifacioNaimpluensiya siya ng mga binasa niyang libro:

Noli me Tangere at El Filibusterismo ni Jose RizalThe Ruins of PalmyraLes Miserables ni Victor HugoThe Wandering Jew ni Eugene SueAng mga buhay ng mga Pangulo ng Estados UnidosInternasyonal na BatasKodigong Sibil at PamparusaMga libro ukol sa rebolusyon sa Pransya

Page 8: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Andres Bonifacio

Naakit siya sa isang Monica, at sila’y naging mag-asawa. Ngunit, hindi ito nagtagal dahil namatay si Monica dulot ng ketong.

Noong 1892, ikinasal niya si Gregoria de Jesus (Lakangbini) sa Simbahan ng Binondo. Bukod dito, nagpakasal din sila batay sa mga ritwal ng Katipunan.

Page 9: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Andres Bonifacio

Siya ang isa sa mga nagtatag ng Katipunan, at naging Supremo nito noong 1895Dahil doon, siya ang tinuturingang “Ama ng Rebolusyon”Pinatay siya, kasama ng kanyang kapatid na si Procopio, ni Hen. Lazaro Makapagal sa Bundok Tala noong Mayo 10, 1897

Page 10: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Emilio JacintoSiya’y ipinanganak noong Dis. 15, 1875 sa Tondo, MaynilaNag-aral siya sa Kolehiyo San Juan de Letran at sa Pamantasan ng Santo Tomas (UST)Sumali siya sa Katipunan; at, sa edad ng 18, siya ang naging pinakabatang miyembro ng kapatiranSa Katipunan ay napilitan siyang magsalita ng Tagalog sa halip ng Espanyol kawayan o Pidgin Spanish

Siya ang naging matalik na kaibigan ni Bonifacio

Page 11: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Emilio Jacinto

Itinuring siyang “Utak ng Katipunan”Siya ang naging patnugot (editor) ng Kalayaan, ang opisyal na pahayagan ng KatipunanSiya ang may-akda ng Kartilla, Liwanag at Dilim, Pahayag, Ang Kasalanan ni Cain, Pagkatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng Silangan, at Samahan ng Bayan sa Pangangalakal

Namatay siya noong Abril 16, 1899 sa Mahayhay, Laguna, dulot ng isang lagnat

Page 12: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Ang KartilyaNilikha ni Emilio Jacinto

Hango sa Cartilla, isang gabay para sa mga mag-aaral sa elementarya

Nagsilbing gabay para sa mga miyembro ng Katipunan

Binubuo ng 13 aral

Page 13: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

IntroduksyonKATIPUNAN

NANG MGA

A. N. B.

SA MAY NASANG MAKISANIB SA KATIPUNANG ITO

Sa pagkakailangan, na ang lahat na nagiibig pumasuk sa katipunang ito, ay magkaroon ng lubos na pananalig at kaisipan sa mga layong tinutungo at pinaiiral, minarapat na ipakilala sa kanila ang mga bagay na ito, at ng bukas makalawa’y huag silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang mga tungkulin.

Ang kabagayang pinag-uusig ng Katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog* sa pamamagitan ng isang mahigpit na paunumpa, upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasan ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuwiran at Kalinawagan.

*Sa salitang tagalog katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, atbp., ay tagalog din.

Page 14: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

I“Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy

(puno) na walang lilim, kundi (man) damong makamandag.”

Kapag wala kang mabuting pangarap sa buhay, ikaw ay isang hadlang sa kaunlaran

ng lipunan.

Page 15: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

II“Ang gawang magaling na nagbubuhat sa

paghahambog o papipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi

talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.”

Ang kabaitan ay nagmumula sa puso at mabuting kaasalan, hindi lamang sa mga

kilos ng tao.

Page 16: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

III“Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos,

gawa’t pangungusap sa talagang Katuwiran.”

Nasa ugali ng isang tao ang tunay na kabanalan.

Page 17: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

IV“Maitim man o maputi ang kulay ng balat,

lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y hihigtan sa

dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.”

I am your brother, your best friend forever

-Renaldo Lapuz(aka) Pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo; samakatuwid, lahat ng tao ay may

karapatan.

Page 18: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

V“Ang may mataas na kalooban, inuuna ang

(dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang

pagpipita sa sarili sa puri.”

Inuuna ng isang mabuting tao ang mabuting kaasalan kaysa sa sariling hangarin.

Page 19: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

VI“Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.”

Tinutupad ng isang mabuting tao ang mga pinapangako niya (meron siyang

integridad).

Page 20: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

VII“Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli

pang magdadaan.”

Mahalaga ang iyong panahon.

Page 21: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

VIII“Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin

(labanin) ang umaapi.”

Tulungan natin ang mga naaapi.Tulungan natin ang mga taong nawawalan ng

mga karapatan dulot ng pag-aapi.

Page 22: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

IX“Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa

bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.”

Hindi basta-bastang sinasabi ang mga sikreto ng iba.

Page 23: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

X“Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang

patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, patutunguhan

ng inaakay ay kasamaan din.”

Ang tatay ng pamilya ang nagsisilbing gabay nito.

Page 24: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

XI“Ang babae ay huwag mong tingnang isang

bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga

kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyng (pisikal

na) kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhutan at nag-iwi sa iyong

kasanggulan.”

Respetuhin ang mga babae.

Page 25: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

XII“Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at

kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.”

Respetuhin ang mga pamilya ng ibang tao (at syempre ang mismong tao).

Page 26: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

XIII“Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa

tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na

kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang

pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdam-dam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.”

Ang isang mabuting tao sa sumusunod sa mga turo ng Kartilya.

Page 27: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

Kongklusyon“Paglaganap ng mga aral na ito, at

maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang

Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang

magkakalahi’t magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y

labis nang matutumbasan.”

Ipinapakita nito ang pag-asa ni Jacinto na makakamit ng Pilipinas ang ganap na

kalayaan mula sa Espanya.

Page 28: Ang  Kartilla  ng  Katipunan

SourcesThe History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo