ang iba’t ibang istilo ng mga sikat na pintor sa ating bansa arts quarter 2 week3
TRANSCRIPT
Ang pagpipinta ay isang visual art kung saan ang mga ideya
at ang mga damdamin ay
ipinapahayag sa pamamagitan ng
iba't ibang media at mga istilo.
Sa Pilipinas, may mga mahuhusay at
malikhaing pintor na ang mga gawa ay
maaaring makipagpaligsahan
sa mga pintor sa ibang bansa.
Sila rin ay tumutulong sa
pagpapaunlad ng sining at kulturang
Pilipino sa pamamagitan ng
kanilang mga obra
Narito ang iba pang likhang sining na mga
bantog na pintor ng bayan
Ilarawan at tukuyin ang istilo ng may
likha nito sa pagpipinta.
1. Umisip ng disensyo na nais ipinta.
Gamitin ang iyong imahinasyon.
Maaaring gawing inspirasyon ang
paboritong bagay-bagay, tao, hayop,
pangyayari o lugar na matatagpuan sa
iyong kapaligiran.
2. Iguhit sa pamamagitan
ng lapis. 3. Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang paggagawaan.
4. Isawsaw ang brush sa water color at
ipang-kulay. Maaaring gumamit ng iba’t
ibang istilo sa pagpipinta. Gawing gabay din ang mga
istilo inyong natutuhan.
Paglalahad ng likhang sining ng bawat isa.
Pumili ng pinakamaganda.Pag-usapan ang istilo ng may pinakamagandang
likhang sining.
Tandaan natin:Ang mga tanyag na mga pintor ay may iba’t ibang istilo sa pagpipinta upang magkaroon sila ng
sariling pagkakilanlan.
Ito rin ang nagdadala sa kanilang mga ipininta upang
mabigyan ng buhay ang mga larawan
sa kanilang mga obra.
Ang pagpapahalaga sa naiambag ng mga
pintor sa mundo ng sining ay tunay na kahanga-hanga at yaman ng ating
bansa.
Isa sa mga paraan upang maipakita
ang pagpapahalaga ay ang paggamit
ng kanilang disenyo sa iba’t-
ibang obra.
Dito din naipapahayag ang iyong damdamin o
saloobin sa pamamagitan ng
pagpipinta ng mga bagay-bagay na
naaayon sa iyong kagustuhan.
Suriin natinBigyan ng
kaukulang puntos ang antas ng iyong naisagawa batay
sa rubrik at pamantayang sumusunod.
2. Nakalikha ba ako ng isang larawan gamit ang sarili kong istilo? 3. Nasiyahan ba ako sa ginamit kong tema at istilo sa pagpinta?