ang buhay - panitikan.ph€¦ · ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba...

33
1

Upload: others

Post on 11-Jun-2020

28 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

1

Page 2: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

2

Ang Buhay Ako’y susulat ng mga salitang di-madaling maunawaan magpapanggap na marunong upang dakilain ng madlang may dunong tao’y nagsusulat sang-ayon sa taglay na talino mga nalalaman kahit wala sa tono animo’y sira na ang ulo. Ang mayaman o sobra sa yaman iba ang kapritso, iba rin ang pamumuhay Iba ang lebel ng antas ng kanilang buhay mga salita ng mga abogado de-kampanilya mga nakatuntong sa pang mayayamang eskwela matataas ang uri hindi alam ang paghihirap iba naman sa mga nagpapapanggap. Dios ba ay mali, may itinatangi Kung bakit ang mundo Kung bakit ang buhay Ay hindi talaga pantay-pantay. 1 Pebrero 2020

Page 3: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

3

Manalig Madalas wala ng magawa daming alalahanin at hilahil n’yaring buhay may mga kumikitil ng sariling buhay mayaman, mahirap, matagumpay man sa buhay Oo, sarili ay kinikitil di malaman ang gagawin tao nga’y walang kasiyahan yumaman man o magkandahirap makamtan man ang lahat di-parin mabibili ang katahimikan at kapayapaan. iisa lamang ang kasagutan matutong tumawag sa Poong Maykapal pananampalataya pa rin sa Dios na lumikha nang lahat ng may buhay dito sa langit at lupa ang nagpapatatag ng ating kalooban magkakaka- iba man ng paniniwala ang nagbubuklod nga ay ang pananampalataya na merong isang Dios na sa atin ay nagpapala 2 Pebrero, 2020

Page 4: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

4

“Tanging Dios Lamang” “Tanging ang Dios lamang ang nakakaalam kung ilan ang ibubunga ng isang buto ng mansanas” Siya lamang ang nakakaalam kung ilang kaing ng manga ang mapipitas Tanging Dios lamang ang may alam kung ilan ang hibla ng ating mga buhok Siya rin ang may alam kung sino ang mapapanot. Dios na buhay ang tanging may alam sino ang mabubuhay bukas at aling dahon ang malalagas. “O ang tao’y ano nga ba upang iyong alalahanin, ano nga ba sya upang Iyong kalingain. 3 Pebrero 2020

Page 5: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

5

Ating Isigaw Sumigaw tayo ng pagbabago ngunit hindi ng kasiraan ng isang tao lalong-lalo na sa mga liderato sya parin ang leader na binoto at nanalo. Pinauulan at pinasisikat ng Dios ang araw sa mga mabubuti at masasama hindi lamang sa mga santa at santo ang pagpapala ng Dios Ama ipinahahayag. Maniwala ka’t hindi s’ya ay hinirang ng Dios upang sa atin ay mamuno hindi lamang sa isang tao mangggaling ang pagbabago Kundi sa ‘ting lahat na pinamumunuan nito Kaya nga tayo ay inaanyayahang humabi ng mga tula tula ng pagbibigay pag-asa, kapayapaan at pagkakaisa sa ating mundo. 4 Pebrero 2020

Page 6: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

6

Nasaan ka? Matang mapanglaw nakatitig ngunit hindi nakatingin kasing lalim ng karagatan kasing layo ng abot-tanaw walang namang natatanaw. naghihintay hanggang gabi ang totoo sa malaking ilaw sa langit na lamang nakatingin mahal ay wala pa rin. kay ingay na ng mga tilaok nakakapasong init di parin antukin ang wala kang pera o sobra-sobra kung ang minamahal ay wala, nakababaliw nga 5 Pebrero 2020

Page 7: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

7

Panulaan Malapit ng masilayan ang bukang liwayway umaagos dumadausdos mga gintong laman ng puso sa kinang mo masusubok tibay nitong loob sa pakikibaka sa ginintuang entablado ng tulaan at mga taludtod 6 Pebrero 2020

Page 8: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

8

Natutuyo ba ang Ulan at dahil ayaw huminto ng ulan ang aking tanong na patula... Natutuyo ba ang Ulan #1? sa pag ngiti ng mainit na sikat ng araw sa paghuni ng mga pipit sa parang sa pagwagayway ng mga damit na isasampay. sa pamamaalam ng mga baha sa lansangan. 7 Pebero 2020

Page 9: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

9

Natutuyo ba ang Ulan 2? ulan na may hila -hilang makukulay na pinta sa kalangitan Oo! Natutuyo nga ba ang ulan? na sa bawat pagpatak nito ay ikaw ang tulang naaalala ko. 8 Pebrero 2020

Page 10: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

10

Natutuyo ba ang Ulan 3? gaya ng mga luha kong di-mahinto sa pagtulo natutuyo ba ang ulan? na sa likod ng mga ulap doon nagtatago mga ngiting anong tamis may kakambal na pagtangis. 9 Pebrero 2020

Page 11: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

11

Tayo ng tumula cge na isambulat na natin mga makata't matulain “Bayang magiliw” panulaan nga'y pukawin sa mga Tulang ating hahabiin uso-uso lang ba? palagay ko’y hindi na halika na humabi na sa halip na humilata. 10 Pebrero 2020

Page 12: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

12

Ang Hinahamon Hindi biro, hindi madali ang hamon ng isang hari ang hinahamon ay lugmok at namimighati sa likod ng kanyang mga matatamis na ngiti may pait at ngiwi subalit ang hinahamon ay pinagtitibay ng panahon. 11 Pebrero 2020

Page 13: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

13

Pang -alis inip Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y inilalagak sa pagbabasa’t pagsusulat kesa “kumuda ng kumuda” O, dili kaya’y makipagtsismisan o mag-isip ng masama sa kapwa sa ganyang mga bagay sadyang walang “time”. isip mo’y gagana, bokabularyo lalawak pa dadaloy mga sariwang ideya, hindi lamang tula ang magagawa ang pagiging malikhain lalong mahahasa. isip at kamay magta-tandem makalilikha din ng mga salawikain, bugtong at kwentong may aral na kapakipakinabang mga bagong salita “slang” kung tawagin. 12 Pebrero 2020

Page 14: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

14

BAKIT? O, Bakit? Pwedi namang mamili na lamang ng gustong araling "other foreign languages" gusto rin namin matututo ng salitang "Chinese" mahil bilyon ang pupolasyon ng mga Chinese mas maunawaan natin ang kanilang pinag-uusapan kung eto ba ay bisnis o tsismis makakasabay na bubulusok paitaas kahit saang larangan sila ay ating mauunawaan di na kailangan ng "interpreter" para lamang magkaroon ng kasunduan. dapat ibalik ang "Spanish" yan din ay hindi dapat inalis para lalong maging "competitive sa larangan ng globalisasyon wag magtitipid sa dapat matutunang "language". "PILIPINO" ay huwag alisin bagkus dapat tangkilikin Pilipino matagal na tayong namamangka kaya nga nagkalat tayo sa ibat-ibang bansa na kung saan lahat ay mayroong sariling "WIKANG PAMBANSA". 13 Pebrero 2020

Page 15: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

15

Paano? Paano pagagalingin ang sugat na ‘singlalim ng bangin paano paghihilumin ang nagnanaknak ga-bundok ang lawak ng mga suliranin at alalahanin paano pagtatagni -tagniin ang wasak na buhay ng bawat bansang pinulbos ng mga pag-aaway -away maapula pa ba ang kumalat na mga nagngangalit na ngipin bumubuga ng apoy ng kasamaan, nag-aalimpuyong dalampasigan ng patayan bumubulwak na bulkan ng pag-iimbot sa malalawak na bukirin, bulubundukin at tubig sa daigdig natin paano mapaghihilom damdaming nasaktan nasugatan dahil narin sa sariling pag-iimbot at kasakiman mapapawi nga ba ito ng panuluyan at palitan ng panulaan? 14 Pebrero 2020

Page 16: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

16

Retaso Kung retaso lamang ang pagchi-chikahan sangkaterbang retaso nga ang sakin ay naghihintay mga kamay na masipag humihilab, naninigas mga daliring nagtila luya na, wagas! retaso ng pagibig ang sakin ay kumakaway kuryenteng nanunulay nagbibigay buhay sa mga patay at walang buhay na kasama sa buhay at bahay reta - retasong pag-ibig na makukulay kulay puti ang kulay ng ulap na nakasilip, nakangiti simputi ng labanos ang pisngi at binti retasong naghihintay, iyo ng ngang isampay. 15 Pebrero 2020

Page 17: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

17

Makata Nagpapasikat nga ba sa madla kahit lumulubog na ang paa sa baha buti pa ang mga makata umulan man o umaraw cge pa rin ang pagkatha mga makata ay nabulabog nga dahil lamang sa isang tula ng mga modernong makata sa mabulabulaklak na salita malalalim at umaapoy nga mga makata'y napapahanga sa tinawag na “spoken poetry” nakakaaliw, damdami’y tuwang-tuwa. 16 Pebrero 2020

Page 18: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

18

O, Tula Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng tula mga makata walang oras na di-nakalilikha ng tula saan pinupulot magaganda at mabubulaklak na salita salamat may "social media" at teknolohiya Ang cellphone talaga namang di- mabitiwan maya’t maya tumutunog, kahit naglalalaba, namamlantsa at nagluluto nga ang cellphone ay hawak o kaya ay bulsa - bulsa Dahil maya't-maya may nakapost na bilis sa paglike, love at emoji pa tila wala ng ginawa ang mga manunula kundi sumulat at mag post mayat-maya. Habang panay ang sulat, nagiging malikhain nga mga makata ay di -na papipigil pa idinadaan sa pagtutula lahat ng damdamin lahat ng bagay ginagawang obra. 17 Pebrero 2020

Page 19: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

19

Puso Diko kayang hamunin ang

Langit kahit puso ay

nagdurugo dahil sa pagkawalay sa sinisinta n'yaring

Puso kumikirot nga sa tindi ng

Lungkot ang idinudulot sa puso

Pagkabalisa, at di-dalawin ang puso ng

Antok ay

mailap, madamot, at Tanging

pag-ibig mo Ang

papawi sa lungkot nyaring puso

Na ayaw tumigil sa pagtibok at ayaw mapagod

Ang puso

na ikaw lamang ang itinitibok ng aking

puso

18 Pebrero 2020

Page 20: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

20

Pagka-Malikhain Salamat sa walang pagtatangi Daan upang walang managhili Mga makata ay pantay-pantay Laman ng isipan ay isasalaysay. May laya ang bawat manunula Na isip at puso ay kumatha humabi ng mga tula Malalalim, mabibigat na talata O mga salitang nakakagaan ng buhay na tigib ng pagluha. Marubdob na damdamin di-kayang pigilin Oras na sumpungin ng pagkamalikhain Hindi mapapanuto hangga’t di-naisusulat Mga kamay ng may akda ay magsisiwalat. Ang lapis at papel may tinta o wala Malayang kaisipan magpipiglas. 19 Pebrero 2020

Page 21: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

21

Masamang Balita mahihintakutan ka sa mga balita lalo na kung makikinig at manonood sa kahong nagsasalita; umaalingawngaw araw-gabi ang balita magugunaw na ang mundo halikayo magsisi at manampalataya sadyang ipinapakita puro masamang balita at mga pagbabanta… ang magaganda at mabubuting ganap itinatago sa likod ng nakabitin na parihaba pero ako ay may bait sa sarili hindi naniniwala sa sabi-sabi… tunghayan ang susunod na kabanata… 20 Pebrero 2020

Page 22: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

22

“Jeep” maraming banyaga sa’kin ay nagtatanong… “nasaan na ang magaganda ninyong jeep? kaming mga banyaga ay labis ang paghanga, ako’y biglang napaisip? alin kayang jeep? yaong may mga kaba- kabayong nakasakay sa may harapan ng inyong mga jeep at napapalamutian, nakakaaliw nakaalis din ng inip yaon ay katangi-tangi ano’t ipinalit mga ordinaryong jeep ang jeep na yaon ay tatak Pilipino kinagigiliwan nga ng mga turistang tulad ko” 21 Pebrero 2020

Page 23: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

23

Batang Pag-ibig bahay -bahayan kasal-kasalan hinabing dahon ng niyog ang singsing diamenteng bato ang buko ng sampaguita isinuot sa’yo kwintas na tinuhog busilak na mga talulot hinahanap -hanap ang kalaro batang pag-ibig ano’t biglang naglaho inipit mo pa nga sa iyong “notebook” ang rosas na ngayo’y tuyong-tuyo tulad ng iyong puso na ayaw magpasuyo laman pa rin nito ang dating kalaro 22 Pebrero 2020

Page 24: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

24

Bulkan at muling "humalik ang abo" ng bulkang Taal sa pisngi ng kalangitan nagbabalik ang ala-ala, pagsabog ng Pinatubong bulkan akala ng karamihan yaon ay katapusan hindi na masisilayan- muling pagbubukang liwayway habang nakapikit ang mga mata nagbabalik mga ala-ala hirap at dusa sa tila parusa hindi pala... oo, hindi parusa ang lahat ay may dahilan Dios lamang ang nakakaalam 23 Pebrero 2020

Page 25: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

25

Luha at sa bawat pagpatak ng tubig mula sa langit man o nagmula sa mga matang basa ng luha ‘wag hayaang mawalan ng saysay paggalang ay ialay sa bawat patak ng pawis na dulot ng pagpapakasakit pagod mapapalis sa malamyos na dampi ng halik sa pisngi langit rin ay lumuluha sa habag at awa sa sa bawat pusong hindi humihinto at di- mapanuto may pagsusumamo ang tunay na umiibig sa’yo palaging may luhang hindi humihinto hanggang sa pagbabalik mo. 24 Pebrero 2020

Page 26: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

26

Tatsulok ba ang Pagibig? Tayo ay magpakatotoo tatsulok nga ang pag-ibig minsan… Oo, tayo ay magpakatotoo Sa mga damdaming pinaglayo na ng magkaibang mundo. nagbabalakatkayo, nagtatago sa mga kanto ng damdamin hindi maiwawaglit sa kaibuturan ng pusong dinilig ng hamog mapagbirong tadhana puso’y binibigo nahahalintulad sa batang paslit uhog ay tumutulo pinaghalong minatamis ng pagsintang umibig ng tapat sa binatang taring mga batang pag-ibig sumasabay sa huni ng mga kuliglig pagbabakasaling hahalimuyak muli marubdob na hangaring magtagpong muli kasinungalingan namumutawi mandin katotohana’y nagwawagi sa damdamin nangangarap ng gising kung minsan...tatsulok ang pag-ibig 25 Pebrero 2020

Page 27: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

27

Di-mapawi sa Puso Masakit mang limutin ka sinisikap i-delete sa puso at isip mukha mong nakaukit na nga sinusubukang i - archive nilinis ang recycle bin. damdaming ‘di-mapuknat ‘di-matunaw ng haba ng ‘di-pagkikita putulin na ang mga kamay, itapon ang mga cellphone upang ‘di-na magkausap man lang sa mga pook sapot, whats App, qqi, viber, skype at FB, messenger, wechat, IM at YM, twitter at instagram at mga pahina ng sulatroniko alaala natin ay pangangarapin makapupulot ng hugot makakahabi ng mga awitin at tula sa mga drama at tele-serye araw man o gabi. 26 Pebrero 2020

Page 28: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

28

Tula ng Pusa Noong una ako ay atubili na kumatha ng mga tula sa sarili kong ystilo at katha sa Sambal ang tawag ay “tula pusa” “tira ng pusa”, tula pusa ang katha. kaya’t ang aking mga tula ay matagal na nagtago nagkubli ayaw mailathala subalit tunay na kapalaran ay hindi mapipigilan mga tula ay umalagwa natigib ng tiwala sa karinyo ng kapwa makata hindi pala eto tula lamang ng isang pusa. 27 Pebrero 2020

Page 29: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

29

Kayamanan I Kayamanan ang pagmamahal na di-masusukat sa saligang batas batas na naglalayong mag mahal pati na ang bigas bigas, isda, gasolina, asukal pati na ang tinapay tinapay na nagpapataba ng aking mukha mukha ng pag ibig ang pagmamahal sa sariling wika wikang pambansa yan pa ba ang taglay mong salita? salitang umaalagwa na may kasamang mga mahihinhing palakpak palakpak para sa mga makata at manunula ng Bansang Pilipinas Pilipinas Kong mahal, minamahal nating bansa bansang Di magpapalupig sa mga makikisig na mangigibig mangingibig na puno ng lambing wag magpapaniwala magpapaniwala sa matatamis na pangako ng isang tula tula sa perlas ng silanganan na nabighani ng karangalan karangalan ay tataglayin nga sa dalisay na pagmamahal… 28 Pebrero 2020...

Page 30: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

30

Kayamanan II …pagmamahal at hindi inaanay na kasarinlan kasarinlan ng mga perlas na inapak- apakan apakan at yuyurakan ng mga alaga sa kulungan kulungan ng malalansang isda na nakaalpas sa karagatan karagatan kung saan ang tubig alat at tabang ay naghahalo naghahalo ang mga pag-aalinlangan sa katapatan at pagmamahal sa sariling bayan Bayan(g) maraming nag-aala Judas subalit, datapuwat mas marami parin ang tapat tapat sa sinumpaang tungkulin tungkulin natin ipagtangol ang ating bayan, ang ating karapatan at ang ating mga likas na kayamanan. 29 Pebrero 2020

Page 31: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

31

Blurb Kayamanan Kayamanan ang pagmamahal na di-masusukat sa saligang batas batas na naglalayong mag mahal pati na ang bigas bigas, isda, gasolina, asukal pati na ang tinapay tinapay na nagpapataba ng aking mukha mukha ng pag ibig ang pagmamahal sa sariling wika wikang pambansa yan pa ba ang taglay mong salita? salitang umaalagwa na may kasamang mga mahihinhing palakpak palakpak para sa mga makata at manunula ng Bansang Pilipinas Pilipinas Kong mahal, minamahal nating bansa bansang di-magpapalupig sa mga makikisig na mangigibig mangingibig na puno ng lambing wag magpapaniwala magpapaniwala sa matatamis na pangako ng isang tula tula sa perlas ng silanganan na nabighani ng karangalan karangalan ay tataglayin nga sa dalisay na pagmamahal pagmamahal at hindi inaanay na kasarinlan kasarinlan ng mga perlas na inapak- apakan apakan at yuyurakan ng mga alaga sa kulungan kulungan ng malalansang isda na nakaalpas sa karagatan karagatan kung saan ang tubig alat at tabang ay naghahalo naghahalo ang mga pag-aalinlangan sa katapatan at pagmamahal sa sariling bayan bayan(g) maraming nag-aala Judas subalit, datapuwat mas marami parin ang tapat tapat sa sinumpaang Tungkulin tungkulin natin ipagtangol ang ating bayan, ang ating karapatan at ang ating mga likas na kayamanan.

Page 32: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

32

Eden Soriano Trinidad

Siya ay isang pandaigdigang makata. Siya ay Punong-Tagapamahala ng Lucio Abrigo Memorial Learning Center, sa San Agustin, Iba, Zambales, Pilipinas na kanyang pinasimulan noong 1991. Siya ang kauna-unahang “Featured Cover ng “1st Album of Foreign Poets” na nilimbag ng “Influence of Chinese Poetry” sa bansang Tsina. Pinagkalooban siya ng iba’t-ibang sertipiko ng pagkilala at parangal mula sa iba’t ibang pandaigdigang samahan ng mga makata. Isa siya sa Board of Director ng Galaxy Poetic “Atunis” sa Belgium. Siya rin ang International Vice-President ng Jara Foundation Nepal sa bansang Nepal, 1st Holder of Goodwill Ambassador for Waheed Center Humanity and Humanitarian Development Center (WCHHD) sa Ghana Africa at Ambassador for Creativity and Humanity sa bansang Morocco sa ilalim ng International Forum for Creativity and Humanity (IFCH) at miyembro sya ng China Poetry Network at China Writer Network. Ang kanyang mga isinulat na mga tula ay isinalin at inilathala sa iba’t-ibang wika sa mga pandaigdigang website, at magazines gaya ng mga wikang Telugu at Hindi sa India, Chinese, Vietnamese, Russian, Polish, Nepali, Arabic at Spanish. Isinalin niya sa wikang Filipino ang epic na aklat ng tanyag na manggagamot sa puso, makata at manunulat na si Dr. Lanka Siva Rama Prasad na may pamagat na “Ang Dakilang Kahon ng Vermillion”, “Umaambon na Init ng Araw” mga tulang Zen ni Krishna Prasai na kilalang makata at manunulat sa Nepal. Isinalin at inilathala bilang aklat ng mga tanyag na mga makata at manunulat ang kanyang mga tula na may titulong Eden Blooms, Symphony of Souls, Eden Poems sa mga wikang Telugu- Dr. Lanka Siva Rama Prasad, sa wikang Hindi- Dr. Navin Kumar Upadhyay, sa wikang Serbian- Dr. Professor Milutin Djurickovic.

Page 33: Ang Buhay - panitikan.ph€¦ · Ang sarap magbasa ng mga tula nakakaaliw, inip nawawala sa haba nitong biyahe ko mula bayan ng IBA alalaong baga isip ko ay humahabi na ng tula. panaho’y

33