ang anting ni pepeng agimat

1
ANG ANTING NI PEPENG AGIMAT Sa baryong malayo sa kabihasnan ay naninirahan ang isang binatang may angking kakaibang kapangyarihan. Sinasabing nakuha niya ito sa isang kalabaw. Minsan habang nagpapakain siya ng kanyang alagang kalabaw na si Puti ay naisipan niya itong hamunin sa isang labanan. Kung sino ang unang makakakuha ng ngipin ng kalaban ang siyang magwawagi. Naunahan ni Pepe ang kanyang alagang kalabaw. Ubod bilis at ubod lakas niyang hinila ang isa sa mga ngipin nito. Nalaglag ito sa damuhan. Sinasabing kapag naunahan mo daw sa pagdampot sa ngipin ang kalabaw ay magkakaron ka ng pambihirang lakas na kayang bumuhat ng limang patong- patong na bigas sa balikat. Nagawa ngang unahan ni Pepe ang kanyang kalabaw bago siya suwagin nito. Buhat noon ay tinagurian na siya bilang si Pepeng Agimat – ang binatang may pambihirang lakas. Sumali siya sa palaro sa kanilang lugar. Ito ang nagdala sa kanya sa karangyaan. Nakilala siya sa buong bansa at naging World Champion sa larangan ng boksing. Walang sinumang kalaban ang tumagal sa bigat at lakas ng kanyang kamao.

Upload: mark-louis-magracia

Post on 08-Apr-2016

119 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

kwentofilipino

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Anting Ni Pepeng Agimat

ANG ANTING NI PEPENG AGIMAT

Sa baryong malayo sa kabihasnan ay naninirahan ang isang binatang may angking kakaibang kapangyarihan. Sinasabing nakuha niya ito sa isang kalabaw.

Minsan habang nagpapakain siya ng kanyang alagang kalabaw na si Puti ay naisipan niya itong hamunin sa isang labanan. Kung sino ang unang makakakuha ng ngipin ng kalaban ang siyang magwawagi. Naunahan ni Pepe ang kanyang alagang kalabaw. Ubod bilis at ubod lakas niyang hinila ang isa sa mga ngipin nito. Nalaglag ito sa damuhan. Sinasabing kapag naunahan mo daw sa pagdampot sa ngipin ang kalabaw ay magkakaron ka ng pambihirang lakas na kayang bumuhat ng limang patong-patong na bigas sa balikat. Nagawa ngang unahan ni Pepe ang kanyang kalabaw bago siya suwagin nito. Buhat noon ay tinagurian na siya bilang si Pepeng Agimat – ang binatang may pambihirang lakas.

Sumali siya sa palaro sa kanilang lugar. Ito ang nagdala sa kanya sa karangyaan. Nakilala siya sa buong bansa at naging World Champion sa larangan ng boksing. Walang sinumang kalaban ang tumagal sa bigat at lakas ng kanyang kamao.