ang alamat ng munting loro

Upload: florence-requilman

Post on 14-Feb-2018

479 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    1/14

    ANG ALAMAT NG

    MUNTING LORO

    David M. Rosal II, 4-St. Joseph

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    2/14

    Ito ay kuwento ng dalawangmagkasintahan na pilit pinaglalayo ng

    kani-kanilang mga magkaaway naangkan.

    Noong bata pa ang mundo, sa

    isang bayan ay may dalawangmakapangyarihang angkan na nag-aaway kung sino ang mas karapat-dapat na mamuno sa taong bayan.Parehas na makapangyarihan angbawat pamilya kung kayat hindisila magkasundo. Ito ay ang angkan

    nila Datu Dinaganda at Datu Manoo.

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    3/14

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    4/14

    Ang angkan ng mga Dinaganda ay maynag-iisang anak na dalaga na

    nagngangalang Marikit. Ang dalaga aymaganda at mabait. Mahal siya ngkanilang nasasakupan sapagkat siya aymatulungin at masayahin. Marami ring mgakalalakihan ang nanliligaw kay Marikit.

    Samantalang sa angkan naman ng mgaManoo, pinagmamalaki nila ang kanilangpanganay na anak na si Maksil. Ang binata

    ay makisig at matapang. Siya ay isangtunay na mandirigma. Dahil sa mgakatangiang ito, maraming babae at magingmga lalaki ang humahanga kay Maksil.

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    5/14

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    6/14

    Isang araw nang nangangaso angmagiting na binata ay nakita niya sa

    may talon ang magandang dalaga.Nagustuhan ni Maksil si Marikitkayat nilapitan niya ito atnagpakilala. Matapos noon ay hindi

    na nilubayan ng lalaki ang babae.indi naglaon naging magkasintahanang dalawa.

    Ngunit dahil nga sa mortal namagkaaway ang kani-kanilangangkan, sila ay palihim na nagkikita

    sa kung saan una silang nagkakilala.

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    7/14

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    8/14

    Isang araw, pinasundan ni DatuDinaganda si Marikit sa isang alipin.

    Nakita ng alipin na ang dalaga aynakikipagtagpo sa anak ng mortal nilangkaaway. Isinumbong ng alipin si Marikitsa kanyang ama.

    Nagalit si Datu Dinaganda atpinagbawalan ang dalaga namakipagkita sa kasintahan. Ngunit hindi

    papipigil ang dalaga sa kanyangnararamdaman para sa binata. Nag-isipito ng plano upang makatakas sapalasyo at makipagkita sa iniirog upangyayain itong lumayo sa kanilang nag-aaway na angkan.

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    9/14

    Isang tapat na alipin ni Marikit anglihim na nagbigay ng mensahe kay Maksilupang makipagkita sa dalaga sa datinilang tagpuan. Pumayag ang binata.

    Nang gabing magkita angmagkasintahan, sila ay nagsumpaan na

    walang sino man ang makapaghihiwalaysa kanila. Subalit lingid sa kanilangkaalaman ay sinundan silang parehas ngkanilang mga angkan.

    Pilit silang pinaglalayo sa isat isangunit nagpumiglas ang dalawa. Inilabasni Maksil ang kanyang sandata at

    naghamon sa sino man ang lalapit.

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    10/14

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    11/14

    Nang nakatakbo at nakapagtagoang dalawa mula sa mga humabol sa

    kanila. Inulit nila ang sumpaan nawala nang makapaghihiwalay sakanila.Napag-isipan nila na angtanging paraan upang hindi sila

    mapaglalayo ay kung parehas nasilang walang buhay. Sa gayon walanang magagawa ang kani-kanilangangkan.

    Sa oras ding iyon ay kinitil ngmagkasintahan ang kanilang buhayhabang magkahawak pa rin sa isatisa.

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    12/14

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    13/14

    Narinig ng mga diyosaang sumpaan ng dalawa.

    umanga ang mga ito sakanilang pagmamahalan at

    nanghinayang na hindinabigyan ng pagkakataon ang

    dalawa na magsama. Dahildito, ginawa nilang munting

    mga loro ang magsing-irog.

    !ulad ng sumpaan ng dalawa, angmga munting loro "lo#ebirds$ ay hindipuwedeng paghiwalayin kung hindimamamatay ang mga ito dahil sa

    lungkot na mawala ang kasintahan.

  • 7/23/2019 Ang Alamat Ng Munting Loro

    14/14

    Ang Wakas