ang administrasyon ni benigno simeon aquino iii (2010-2016

15
ANG ADMINISTRASYON NI BENIGNO SIMEON AQUINO III (2010-2016) AT ANG ADMINISTRASYON NI RODRIGO ROA DUTERTE (2016– KASALUKUYAN)

Upload: others

Post on 02-Nov-2021

11 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

ANG ADMINISTRASYON

NI BENIGNO SIMEON AQUINO III (2010-2016) AT ANG ADMINISTRASYON NI RODRIGO ROA DUTERTE (2016– KASALUKUYAN)

Page 2: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016)

Page 3: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016)

•Si Benigno Simeon Aquino III ang ikalimang pangulo ng bansa sa ilalim ng Ikalimang Republika. Noong 2010 ay inihalal siya bilang pangulo ng bansa sa ilalim ng plataporma laban sa korupsiyon. Sa kaniyang unang SONA, binigyang-diin niya ang islogan na “Tuwid na Daan” na ukol sa pagpili ng angkop na aksiyon para sa ikabubuti ng interes ng nakararami, pagkapit sa mabuting prinsipyo, at ang pagiging tapat sa sinumpaang tungkulin bilang lingkod-bayan.

Page 4: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Mga Programa

•Pagpasok sa usaping pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF)

•Pagpapalakas ng kakayahan ng Armed Forces of the Philippines

•Pagpapataas ng kalidad ng edukasyon

• Pagpapatuloy ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program

•Paghahanda ng bansa sa kalamidad

Page 5: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Mga Suliranin •Manila Hostage Crisis– Noong Agosto 23, 2010, sapilitang

nang-hostage ng mga turista mula sa Hong Kong si Police Senior Inspector Rolando Mendoza upang hilingin na alisin ang kaniyang suspensiyon at ibalik muli sa kaniyang pagkapulis. Bagama’t napatay si Mendoza ng mga rumespondeng pulis ay nakapatay rin siya ng pitong turista. Hiniling ng pamahalaan ng Hong Kong na magpaumanhin si Aquino III dahil sa mabagal at di-tiyak na pagresponde sa sitwasyon. Lalong nagalit ang HongKong nang magkaroon ng pagkakamali sa pagkilala sa bangkay ng mga biktima at kunan ang mga ito ng larawan nang walang pahintulot mula sa mga pamilya nito. Nagpasiya ang pamahalaan ng HongKong na putulin ang ugnayang panlabas nito sa Pilipinas hanggang hindi humingi ng paumanhin ang pamahalaang Aquino.

Page 6: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

• Balitang Shoot-out Incident– Noong Mayo 9, 2013, namataan ng Philippine Coast Guard (PCG), ahensiya na nagbabantay sa mga dagat na nasa hangganan ng Pilipinas, ang isang barkong pangisda mula sa Taiwan. Nagpaputok ang PCG at namatay sa tama ng baril ang mangingisdang sakay ng barkong Taiwanese. Bagama’t humingi ng paumanhin ang pamahalaan ukol sa nasabing insidente ay pansamantalang pinutol ng Taiwan ang ugnayang panlabas nito sa Pilipinas at ipinagpaliban ang pagtanggap ng mga manggagawang Pilipino upang makapagtrabaho sa Taiwan. Nagsagawa ng imbestigasyon ang pamahalaan ukol sa naturang insidente at noong Marso 27, 2014, kinasuhan ang walong miyembro ng PCG na sangkot sa naturang insidente. Bunga nito ay muling binuksan ng Taiwan ang ugnayang panlabas nito sa Pilipinas.

Page 7: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Mga Kalamidad • Tatlong malalakas na bagyo ang sumalanta sa bansa sa

panahon ng panunungkulan ni Aquino III. Ang bagyong Sendong na sumalanta sa Iligan at Cagayan de Oro noong Disyembre 16, 2011, ay nagdulot ng pinsalang tinatayang umabot sa P2.06 bilyon halaga ng nasirang ari-arian at mahigit sa 1 200 taong namatay. Nasundan pa ito ng bagyong Pablo na sumalanta sa silangang bahagi ng Mindanao at Visayas noong Disyembre 4, 2012. Nasira ang P37 bilyong halaga ng ari-arian at nagdulot ng kamatayan sa 1 000 katao sa naturang bahagi ng bansa. Naranasan sa bansa noong Nobyembre 8, 2013 ang bagyong Yolanda na pinakamalakas sa kasaysayan ng mundo. Sumalanta ito sa buong bansa at nagdulot ng mahigpit sa P10 bilyong halaga ng nasirang ari-arian at pagkamatay ng mahigit sa 6 000 katao.

Page 8: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Mga Isyu at Hamon • Enero 25, 2015, nang sumalakay sa Mamasapano,

Maguindanao ang mahigit sa 100 miyembro ng Special Action Force (SAF), pangkat ng mga pulis na lumalaban sa mga grupong nagdudulot ng kaguluhan at takot o terorismo. Tangkang hulihin ng SAF ang teroristang si Zulkifli Abdhir at ang kaniyang mga kasama na nagkukuta sa Mamasapano.

•Ang Hacienda Luisita ay malawak na lupain sa Tarlac na pag-aari ng pamilya Cojuangco. Nang mahalal si Aquino III ay nagging pokus ng atensiyon ang naturang lupain dahil pag-aari ito ng kamag-anak niya at kasama ito sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng pamahalaan.

Page 9: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Ang Administrasyon ni Rodrigo Roa Duterte (2016– Kasalukuyan)

Page 10: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Administrasyon ni Rodrigo Roa Duterte (2016– Kasalukuyan)

•Si Rodrigo Roa Duterte ang kauna-unahang taga-Mindanao na nahalal bilang ikaanim na pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Sa pagsisimula ng kaniyang panunungkulan noong Hunyo 30,2016, ay positibong tugon ang ipinakita ng mga Pilipino upang malunasan ang lumalalang mga suliranin sa bansa.

Page 11: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Mga Programa

•Pagsugpo sa paglaganap ng illegal na droga

•Pagbubukas ng usaping pangkapayapaan sa MNLF at CPP

•Pagpapalakas ng malayang patakarang panlabas

•Paglagda sa Freedom of Information Order (FIO)

Page 12: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Mga Suliranin

•Pag-angkin ng Tsina sa lahat ng mga pulo sa Spratly at mga kapalit na dagat nito

• Terorismo ng Abu Sayyaf

Page 13: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Mga Kasalukuyang Isyu at Hamon

• Ang patakaran ni Duterte laban sa illegal na droga ay nagging daan sa pagkakatuklas ng mga pagawaan ng mga illegal na droga sa lungsod ng Paranaque, Valenzuela, at Maynila at sa mga lalawigan ng La Union, Pampanga, at Zambales. Naging sanhi rin ito ng pagkakahuli sa mga pinaghihinilaang pinuno ng mga sindikatong gumagawa at pagkakapatay sa mga nagbebenta ng illegal na droga sa bansa.

Page 14: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Mga Kasalukuyang Isyu at Hamon

•Ang naganap na pagpatay sa mga taong hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga sa Pilipinas ay nakarating sa kaalaman ng mga pandaigdigang samahan katulad ng United Nations (UN), European Union (EU), at Amnesty International (AI).

Page 15: Ang Administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III (2010-2016

Mga Kasalukuyang Isyu at Hamon

•Pumayag si Duterte na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang bangkay ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos. Hulyo 11, 2016, nang ipahayag ni Duterte ang pagpayag niya na mailibing ang bangkay ni Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio sa Taguig.