tesis sa filipino
Post on 21-Apr-2015
690 Views
Preview:
TRANSCRIPT
1
Tsapter 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
A.Panimula
Sa kulturang Pilipino ang edukasyon ay maituturing na
isa sa mahalagang bahagi ng pagkatao ng bawat indibidwal.
Ginagampanan nito ang isa sa malaking bahagi sa paghubog ng
isipan at ugali ng isang kabataan upang magkaroon ng
magandang hinaharap. Kung titingnan, ito ay maituturing na
pundasyon ng isang bata sa paghubog ng kanyang katauhan. Sa
katunayan kung ang isang bata ay magkakaroon ng magandang
edukasyon malaki ang posibilidad na makakuha siya nang
maayos na trabaho na magagamit niya upang matulungan ang
kanyang sariling pamilya. Dagdag pa nito, ito ay kayamanang
hindi makukuha ng sinuman. Ito'y kayamanang madadala n'ya sa
kanyang pagtanda. Ang edukasyon ay tumutukoy ay ang pagkuha
ng kaalaman, kasanayan, at tamang pag-uugali upang maging
mahusay ang isang indibidwal. Hindi lamang ito isang
paghahanda sa darating na bukas bagkus ito mismo ang iyong
bukas.
Sa Pilipinas tunay na mahalaga ang pagtatamo ng
karunungan ng isang tao sapagkat sa paniniwalang ang
edukasyon ay susi upang makaahon sa kahirapan ng buhay.
2
Itinatag ang Saint Louis School noong Hunyo 1965. Mula
Saint Louis School, ito ay naging Saint Louis College of
Tuguegarao at ngayo’y kilala bilang University of Saint
Louis Tuguegarao.
Mula nang matatag ang institusyong ito, unti- unti
itong nakilala sa pagiging isa sa mga nagungunang
institusyon sa rehiyon at maging sa buong bansa. Ito ay
mapapatunayan ng mga pangunguna ng mga nagtapos nito sa mga
Board Examinations na isinasagawa taun- taon.
Higit pa itong napatunayan sa pagiging accredited ng
mga deparatamento ng unibersidad sa PAASCU. Ang High School
Department nito ay accredited na sa Level II ng dalawang
taon at maaari nang pumasok sa Level III. Samantalang ang
School of Business and Administration (SBAA) nito ay Level
III na nang mga ilang taon kasama ang ilan pang departamento
nito at ang iba ay Level II na nang mga ilang taon.
Dahil sa matagumpay at maayos na administrasyon nito,
handa nang magbukas ang unibersidad ng karagdagang mga
kurso. Ngayong darating na Hunyo 2012 ay bubuksan na ang
dalawang kurso, ang BS Medical Technology at BS Pharmacy.
Ngunit kung ang mga nagsitapos ang pagbabasehan, ito ay
iba nang usapan. Sapgkat sila’y nagsitapos na at inaasahang
3
marami nang nalikom na kaalaman. Kung kaya’t isinagawa ang
pag- aaral na ito ay upang malaman ang opinyon ng mga
kasalukuyang mag- aaral ng University of Saint Louis ukol sa
natatamo nilang kalidad ng edukasyon sa kasalukuyan. Sa
gayon, mapapatunayan kung ang nababalitang magandang imahe
ng institusyong ito bilang isang “school of topnotchers” ay
makakatotohanan sa mismong mga mag- aaral nito.
B. Layunin
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw ng mga
Mag- aaral sa Kalidad ng Edukasyon sa University of Saint
Louis Tuguegarao” ay naglalayong alamin kung ano nga ba ang
opinyon ng mag Luisyano ukol sa kalidad ng edukasyon na
natatamo nila sa USL.
Sa kabuuan, ang pag- aaral na ito ay inaasahang tutugon
sa mga susunod na katanungan:
1. Mataas ba ang kalidad ng edukasyon dito sa University of
Saint Louis?
2. Umuunlad ba ang kalidad ng edukasyong binibgay ng USLT sa
paglipas ng panahon?
3. Sapat ba ang kaalaman ng mga Luisyano upang
makipagsabayan sa mga mag- aaral ng ibang paaralan?
4
4. Pantay ba ang kalidad ng edukasyong ibinibigay sa lahat
ng kurso ng USLT?
5. Ang mataas na marka ba ng mga Luisyano ang pinakamabisang
batayan sa kalidad ng edukasyon sa USLT?
6. Maihahambing mo na ba ang kalidad ng edukasyon ng USLT sa
tatlong malalaking unibersidad sa Manila (Ateneo, UP, UST)?
7. Nakakatulong ba ang mga programa ng USLT sa pag- unlad ng
mga mag- aaral?
8. Karapat- dapat ba ang imahe ng USLT bilang “school of
topnotchers”?
C. Kahalagahan ng Pag- aaral
Ang pag- aaral na ito ay makakatulong sa sumusunod:
Administrasyon ng USLT- Malalaman ng administrasyon ang
opinyon ng mga mag- aaral nito dito. Sa gayon ay masusuri
nito kung may pagkukulang ba o sapat na ang kalidad ng
edukasyon sa USLT.
Mga Mag-aaral- Masusuri kung sapat na bao may ikauunlad pa
ang natatamo nilang kalidad ng edukasyon sa institusyong
ito.
5
Publiko- Mapapatunayan kung ang mga nababalita ukol sa
magandang imahe ng unibersidad ay makatotohanan sa mga
mismong mag- aaral nito.
D. Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral
Ang pag- aaral na ito ay tungkol sa kalidad ng
edukasyon ng University of Saint Louis Tuguegarao. Nakatuon
ito sa pananaw ng mga mag- aaral sa kalidad ng edukasyon
nito. Ang pananaliksik na ito ay hango sa opinyon ng mga
mag- aaral ng USLT. Ito ay isinagawa sa USLT ngayong Marso
2012. Napagdesisyunan ng mga mananaliksik na tanungin ang
opinyon ng siyamnapu’t walong (98) mag- aaral lamang mula sa
kabuuang populasyon ng USLT dahil na rin sa kakulangan ng
panahon upang mas mapagtuunan pa ang pag- aaral na ito.
E. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
Edukasyon- Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng
isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong
nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbabahagi ng
kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.
Tsapter 2
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
6
A. Kaugnay na Literatura
A.1 BANYAGA
Ayon sa www.answers.com, ang Harvard Univeristy ang
pinakamatandang institusyon ng kataasang pag- aaral sa
Estados Unidos at ang kinokosiderang pinakamalawakk at
pinakaprestihiyosong eskwelahan. Ito ay naging unibersidad
na nagkaroon ng establisyimento ng medical na paaralan noonh
1782. Ang Harvard rin ay nagkaroon ng impluwensiyang
pangnasyunal. Pito sa mga naging president ng Estados Unidos
ay nag- aral sa Hravard pati na rin mga “Supreme Court
Justices”, “Cabinet Officers” at “Congressional leaders” at
marami pang iba.
Ayon sa www.educationuk.org, Kahit na ang institusyon
sa United Kingdom ay responsible sa pamantayan at kalidad ng
programa nito, ang Quality AA ang karaniwang sumusuri rito.
Sinisigurado nitong ang mga institusyon sa UK ay nagbibigay
ng mataas na edukasyon at kwalipikasyon na katangga- tanggap
na kalidad at nararapat na akademikong pamantayan.
Ayon kay Sona Khudaverdiyeva, Ang edukasyon sa ibang
bansa ay nagbibigay sa mga karagdagang pagkakataon para sa
mga magiging mas matagumpay sa karera. Edukasyon sa bahay sa
kabilang banda ay hindi lang sapat para sa pahahanap ng
7
trabaho o pagiging isang propesyunal. Pagkatapos ng
pagtatapos mula sa isang paaraln sa ibang bansa, magiging
ganap na kwalipikado para sa iba’t- ibang propesyon.
Ayon sa www.education.com, ang mababang paaralan sa
Japan ay may kurikulum na sakop ang Japanese, Araling
Panlipunan, Matematika. Sa ngayon, mas malaking oras ang
inilaan sa musika, sining at edukasyong pampisikal.
Ayon sa, www.online universities.com, ang unibersidad
ng Hongkong ay nasa ilalim ng control ng mga Intsik. Sa
nakaraan, ang lungsod na ito ay isang British na
prinsipalidad. Bilang resulta, ang bialng ng coursework ay
isinasagawa na rin sa wikang Ingles.
A.2 LOKAL
Ayon sa www.wikimapia.org, ang Unibersidad ng San Luis
Tuguegarao ay ang kaisa-isang mataas na pribadong
institusyong edukasyonal sa Lambak ng Cagayan(rehiyon 2), at
isa sa sampu sa buong bansa na ginawaran ng full Autonomous
Status ng Commission on Higher Education para sa taong 2007-
2012. Gayundin, idineklara ito ng Department of Education
bilang teacher training institution.
Ang Unibersidad ang Pilot Higher Education Institution
sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa ikauunlad ng
8
abilidad ng mga guro sa Pilipinas. Ito ay may Soil and
Testing Laboratory na pinasinayaan ng bureau of Research and
Standards at mayroon rin itong Special Education Program
para sa mga taong may kapansanan sa pagsasalita at pandinig.
Ayon sa www.usl.edu.ph, pinatunayan na naman ng
Electrical Engineering Department ang kalidad ng edukasyon
na ibinibigay nito sa pamamagitan ng ipinamalas ng mga
nagtapos sa Licensure Examination for Registered Electrical
Engineering noong Setyembre 2011. Sa mga nakalipas na
taon,nakamit ng US Lang pinakamataas na passing rate sa
lahat ng paaralan sa Hilagang Luzon at isa rin ito sa mga
nangungunang institusyon sa bansa. Nagkamit ng gantimpala
ang USL bilang TOP Engineering School sa bansapara sa
pagtamo ng 100 porsyentong passing rate noong 2001 at 2002.
Ang Electrical Engineering ng USL ay isa ring Level 2
PAASCU-Accredited.
Ayon sa www.usl.edu.ph, nakakuha ng mataas na porsyento
na 96.97% ang Bchelor of Science in Nursing Batch 2011 sa
2011 Nursing Licensure Examination noong Disyembre na
isinagawa ng PRC. Ang kabuuang porsyento ng USL ay 94.2%.
Ayon sa www.usl.edu.ph, nakamit ng Unibersidad ng Saint
Louis ang ikatlong pwesto laban sa iba pang accountancy
9
schools sa nakaraang 2011 CPA Board Examination. Nanguna ang
UP Diliman at pangalawa naman ang Unibersidad ng Santo
Tomas. Noong Oktubre 2008, pinangunahan ni Richie Padilla,
isang Luisyano, ang CPA Board Examination.
Ayon sa www.usl.ed.ph, ngayong taon, Hunyo 2012, ang
College of Health and Allied Sciences ng Unibersidad ng
Saint Louis Tuguegarao ay magbubukas ng mga bagong kurso,
ang Bachelor of Science Medical Technology o Bachelor of
Science in Medicine Laboratory Science at ang Bachelor of
Science in Pharmacy. Ang kilos na ito ng institusyon ay
upang bigyan ang komunidad at ang mundo ng mga maabilidad na
tagapagsanay sa kalusugan na may pagkataong Kristiyano.
B. Kaugnay na Pag- aaral
B.1 BANYAGA
Ayon sa www.chinaeducenter.com, ang edukasyon sa China
ang pinakamalking sistema ng edukayson sa mundo. Mayroong
mahigit na 20 milyon na estuyante ang pumasok upang mag-
10
aral na kataasang institusyong pang- edukasyon ng China. Ang
investment sa edukasyon ang sumasaklaw sa apat na porsyente
ng GDP ng China. Noong 1986, ang gobyerno ng China ay
nagtalaga ng sapilitang bakas pang- edukasyon na nagsasabing
siyam na taong pag- aaral ng mga mag- aaral. Sa ngayon,
naestimang 99.7% sa populasyon ng China ay nakaabot na sa
siyam na taong pag- aaral.
Ayon sa www.silicondia.com, Ang Inndia ay nasa
pinahuling posisyon kung ang kalidad ng eduaksyon ang pag-
uusapan. Habang Russia at Brazil ang nagunguna rito. Ang
kalidad ng pangkolehiyong edulkasyon sa Induia ang
pinakamababa kung kakulangan sa ibang kalapit na bansa. Ang
bilang ng mga mag- aaral na pumapasok sa primary ay may
kabuuang enrollment ratio na 98%
Ayon sa www.eprints.com ,sa ibang bansa, naukol ang
pagkasali ng subordinate staff sa paggawa ng desisyon,
bilang parte ng grupo habang ginagabayan sila at ang
paghawak ng kanilang maayos na organisasyong trabaho ang
pribadong sector ng pangsekondaryang mga paaralan na mas
higit sa pampublikong sector ay mas kwalipikado sila sa
pang- akademikong at pang- propesyunal. Mas marami ding
karanasan ang pampubliko kumpara sa pribadong sector.
11
Ayon sa onlineuniversities.com, sa China, osang
pangunahing manlalaro sa ekonomiya ng mundo, ayon sa mga
mag- aaral nito, ito ay may mga paaralan na ang setting ay
mainam para sa pag- aaral.
Ayon sa onlineuniversities.com, ayon sa isang pag-
aaral, nararanggo ang University of Hongkong sa tuktok ng
dalawampung paaralan sa mundo. Ang unibersidad na ito ay
nakaakit ng higit pang Amerikano na nagnanais mag- aral doon
upang kumuha ng isang wika o ilang semester ng pag- aaral.
B.2 LOKAL
Ayon sa www.usl.edu.ph, ang Disater Risk Management
Research Program ng University of Saint Louis Tuguegarao ay
nagawaran ng National Citation (Incentive Award) sa Serach
for the Best HEI Research Program ng Commission on Higher
Education. Tatlumpu’t anim ang sumali sa patimpalak. Siyam
ang napili at isa na rito ay ang USLT.
Ayon sa DepED, Ang K+12 ay sistema ng edukasyon na
tumutukoy sa mga pampublikong sitema ng paaralan sa Estados
UNidos, Canada, Uk at ilan pang bahagi ng Europa.
Kinakatawan nito ang sappilitang edukasyong kinakailangan ng
lahat ng bata sa Amerika.
12
Ayon sa The Louisian Courier, ang USLT ay nagmula sa
kanyang nakalipas. Nagsimula lamang ito sa isang daan at
tatlumpu’t walonh lalaking estudyante noong HUnyo 1965. Mula
Saint Louis School sa Saint Louis College of Tuguegarao, ito
ngayon kinikilala bilang University of Saint Louis
Tuguegarao.
Tsapter 3
Metodo at Pamamaraan
A. Disenyo
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptiv.
Ginamit din ng mga mananaliksik ang metodong sarbey upang
13
mangalap ng mga kinakailangang datos para sa pag- aaral na
ito.
B. Respondente
Mula sa kabuuang populasyon ng USLT, ang mga
mananaliksik ay pumili lamang ng siyamnapu’t walo (98)
katao, kung saan labing- apat (14) katao bawat departamento
sa kolehiyo at sekondarya nito para sumagot sa sarbey.
C. Lugar
Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag- aaral at
pangakalap ng mga kinakailangang datos sa University of
Saint Louis Tugegarao, Tugegarao City, Cagayan.
D. Instrumento sa Pananaliksik
Talatanungan
Ito ay isang pangunahing instrumento na ginamit sa
aming pananaliksik. Ang talatanungan ay naglalaman ng mga
tanong na sasasutan ng mga respondent batay sa kanilang
pananaw.
Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang
instrumento sa pagkalap ng impormasyon. Pagkatapos itong
masagutan ng mga respondente ay agad isinagawa ang pagta-
tally sa bawat sagot ng mga katanungan.
14
E. Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos
Upang mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong na
inilahad upang matupad ang layunin ng pananaliksik papel na
ito, napili ng mga mananaliksik na magsagawa ng sarbey sa
piling populasyon ng University of Saint Louis.
Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at
pagsukat ng mga datos ang percentage technique sa
pananaliksik na ito.
Ginagamit ang percentage technique upang makita ang
kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga
respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang kalahatang
bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang
particular na tanong.
Tsapter 4
Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
Matapos isagawa ang sarbey, gumamit ang mga
mananaliksik ng percentage technique upang suriin ang mga
datos na nakalap. Ang datos sa ibaba ay nagpapakita kung
15
ilang katao mula sa siyamnapu’t walong (98) respondente ang
sumagot ng Oo o Hindi sa particular na tanong.
Upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-
parehong mga sagot sa isang partikular na tanong, gumamit
ang mga mananaliksik ng isang pormula. Ang ginamit na
pormula ay: Bahagdan = (n/N) x 100
Kung saan: n-bilang ng sagot N- bilang ng mga respondente
Sa pamamagitan ng pormulang ito,
nakuha ng mga mananaliksik ang
resulta sa ibaba.
Tanong Oo Hindi1. Mataas ba ang kalidad ng edukasyon dito sa University of Saint Louis?
96 2
2.Umuunlad ba ang kalidad ng edukasyong binibigay ng USL sa paglipas ng mga taon?
78 20
3. Sapat ba ang kaalaman ng mga Luisiano upang makipagsabayan sa mga mag- aaral ng ibang paaralan?
82 16
4. Pantay ba ang kalidad ng edukasyong ibinibigay sa lahat ng kurso g USL?
46 52
5. Ang mataas na marka ba ng mga Luisyano ang pinakamabisang batayan sa kalidad ng edukasyon sa USL?
56 42
6. Maihahambing mo na ba ang kalidad ng edukasyon ng USL sa tatlong malalaking unibersidad sa Manila (Ateneo, UP, UST)?
45 53
7. Nakatutulong ba ang mga programa ng USL sa pag- unlad ng mga mag- aaral?
69 29
8. Karapat- dapat ba ang imahe ng USLT bilang “school of top notchers”?
81 17
Tanong Oo Hindi1. 98 % 2 %
2. 80 % 20 %
3. 84 % 16 %
4. 47 % 53 %
5. 57 % 43 %
6. 46 % 54 %
7. 70 % 30 %
8. 83 % 17 %
16
1. Batay sa resulta, napag- alamang 98% sa mga mag- aaral
ang naniniwalang mataas ang kalidad ng edukasyon sa
University of Saint Louis at 2& ang hindi.
2. Batay sa resulta, napag- alamang 80% ang naniniwalang
umuunlad ang kalidad ng edukasyon sa USLT sa paglipas ng
panahon samantalang 20% ang hindi.
3. Batay sa resulta, napag- alamang 84% ang naniniwalang
kayang makipagsabayan ng mga Luisyano sa mga mag- aaral ng
ibang paaralan samantalang 16% ang hindi.
4. Batay sa resulta, napag- alamang 53% ang naniniwalang
hindi pantay ang kalidad ng edukasyong ibinibigay sa lahat
ng kurso sa USLT samantalang 47% ang naniniwala.
5. Batay sa resulta, napag- alamang 57% ang naniniwalang ang
mataas na marka ng mga Luisyano ang pinakamabisang batayan
sa kalidad ng edukasyon sa USLT samantalang 43% ang hindi.
17
6. Batay sa resulta, napag- alamang 54% ang naniniwalang
hindi pa maihahambing ang kalidad ng edukayson ng USL sa
tatlong malalaking unibersidad sa Manila (Ateneo, UP at UST)
samantalang 46% ang naniniwala.
7. Batay sa resulta, napag- alamang 70% ang naniniwalang
nakakatulong ang mga programa ng USLT sa pag- unlad ng mga
mag- aaral nito samantalng 30% ang hindi.
8. Batay sa resulta, napag- alamang 83% ang naniniwalang
karapat- dapat lang ang imahe ng USLT bilang “school of
topnotchers” samantalang 17% ang hindi.
Tsapter 5.
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
A. LAGOM
Nagsimula ang pananaliksik na ito sa layunin ng mga
mananaliksik na malaman anng pananaw ng mga Luisyano
patungkol sa kalidad ng edukasyon natatamo nila University
18
of Saint Louis Tuguegarao. Nagsimula ang mga mananaliksik sa
paghanap sa internet at mga aklat ng mga ideya at
impormasyon tungkol sa kanilang paksang kalidad ng edukasyon
sa University of Saint Louis sa mga nakaraang taon.Pumili
din ang mga mananaliksik ng paraan ng pananaliksik na
gagamitin at napili ang pagsasarbey. Sa pagsasarbey, pumili
sila ng mga kalahok sa pag-aaral na ito at napagdesisyunan
nilang magsarbey sa ilang mag- aaral sa bawat departamento
ng USLT. Sunod na ginawa ay ang paghahanda at paggawa ng mga
talatanungang pasasagutan sa mga respondente. Isinagawa ang
sarbey at matapos ay binilang at pinag-isa nila ang mga
magkakaparehong sagot sa bawat tanong. Sa mga pinag-isang
katanungan, kinuha ang bahagdan o porsyento nito sa
kalahatang bilang ng mga respondente. Masusing pinaghambing
ang mga resulta at inanalisa. Lumalabas sa pagsusuri ng mga
mananaliksik na karamihan sa mga respondente ay naniniwalang
mataas ang kalidad na natatamo nila sa nasabing unibersidad.
Sa mga mananaliksik naman, nakuha na nila ang kanilang mga
ninanais na mga kasagutan at katanungan nila. Higit sa lahat
nakamit nila at nagawa kung ano ang kanilang layunin sa pag-
aaral na ito.
B. KONKLUSYON
19
Batay sa mga inilahad na datos at resulta nito, ang mga
mananaliksik ay humantong sa konklusyon na ang mga mag-
aaral ng University of Saint Louis Tuguegarao na matatagpuan
sa Tugegarao City, Cagayan, Philippines ay nakakatamasa ng
mataas na kalidad ng edukasyon at patuloy pa itong umuunlad
sa paglipas ng mga taon. Nakakatulong rin ang mga programang
isinasagawa ng unibersidad sa pag- unlad ng mga mag- aaral
nito. Dahil rito, masasabing kayang makipagsabayan ng mga
mag- aaral nito sa iba pang mga mag- aaral ng mga paaralan o
unibersidad. Mapapatunayan ito ng kanilang matataas na
marka.
Dahil na rin sa mga nakamit na mga gantimpala at
parangal sa mga nakalipas na taon ng nasabing unibersidad at
sa kasalukuyang lagay ng kalidad ng edukasyon nito, masasabi
nating karapat- dapat nga ang imahe ng University of Saint
Louis Tuguegarao bilang “school of topnotchers”.
Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na kalidad ng
edukasyon ng nasabing unibersidad, hindi pa rin maituturing
na pantay ang kalidad ng edukasyong ibinibigay nito sa lahat
ng kursong inihahain nito at hindi pa rin maituturing o
maipapantay ang kalidad ng edukasyon nito sa tatlong
malalaki at tanyag na unibersidad sa Manila, ang Ateneo,
University of the Philippines at University of Santo Tomas.
20
C. REKOMENDASYON
Ayon sa pananaw ng mga mananaliksik na ibinatay na rin
sa pag- aaral na kanilang isinagawa, narito ang kanilang mga
rekomendasyon.
1. Para sa mga mananaliksik o nais magsagawa ng katulad
na pag- aaral, pumili ng mas maraming respondente na
magiging kinatawan ng unibersidad.
2. Magsagawa ng katulad na pag- aaral kung saan ang
magiging basehan ng kalidad ng edukasyon ay ang mga iba’t-
ibang particular na paktor tulad ng paraan ng pagtuturo,
pasilidad, mga programa, etc.
3. Para sa mga kabataang pumipili pa lamang ng
unibersidad na papasukan, hinihikayat ng mga mananaliksik
sila na mag- aral sa University of Saint Louis Tuguegarao.
4.Para sa mga guro, pagbutihin nila ang kanilang
pagtuturo . huwag nilang hahayaan ang mag-aaral na makatapos
ng isang antas ng edukasyon ng hindi naman angkop sa
kanilang abilidad.
5. Para sa mga mag-aaral, pagbutihin nila ang kanilang
pag-aaral nang sa gayun magkaroon sila ng magandang
kinabukasan at maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng
bansa.
6. Para sa iba pang mananaliksik , ipagpatuloy o
palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng
21
marami at higit pang mahahalagang datos o impormasyong
maaaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa
kalidad ng edukasyon sa University of Saint Louis o kung anu
mang unibersidad na kanilang kinabibilangan.
Bibliografi
*Sona Khudaverdiyeva, “Education for Career Success”, 2005
*D. Aguinaldo,et al, “Excellence: Our goal. Our Identity.
Our Legacy.” , 2nd Issue, S.Y. 2011- 2012.
*http://www.wikimapia.org/8289964/University-of-Saint-Louis-
Tuguegarao-City
*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=313
*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=312
22
*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=314
*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=315
*http://www.www.chinaeducenter.com/74629525968
*http://www.silicondia.com/486866593224
*http://www.education-in-japan.com/37737733
*http://www.onlineuniversities.com/3684664
*http://www.eprints.hec.gov.ph/64gefgd454
*http://www.answers.com/topic/harvard-university
*http://www.education.org
top related