sintaksis y1a management technology

Post on 22-Jun-2015

369 Views

Category:

Education

1 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

sintaksis

TRANSCRIPT

SINTAKS(Araling Filipino na Tumatalakay sa Uri, Gamit at Kayarian ng Pangungusap)

ANO ANG SINTAKS?

•Sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika.

TUNTUNING-GRAMATIKAL

•Tamang kombinasyon ng mga salita sa pagbuo ng pangungusap.

•Sinasabing tama o wasto ang pagkakabuo ng parirala/pangungusap kung kinikilala itong tama o wasto at katanggap-tanggap sa mga tagapagsalita ng wika.

TUNTUNING-GRAMATIKAL

Lans, naglalakad, Luneta, sa, si•1.a. Naglalakad si Lans sa Luneta.•1.b. Naglalakad sa Luneta si Lans•1.c. Sa Luneta naglalakad si Lans.•2.a. Naglalakad si Luneta sa Lans.•2.b. Lans si Luneta sa naglalakad.

BAHAGI NG PANANALITA

•Tayo ay mayroong sampung bahagi ng pananalita sa Filipino- ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy at pangawil o pangawing.

BAHAGI NG PANANALITA

1. Pangngalan - (noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.

Halimbawa: Mother Theresa, Pasko, hayop, sasakyan

BAHAGI NG PANANALITA

· Von ang panagalan ng aso nila.· Si MariCris ang pinakamabait sa lahat.· Sa Chez Rafael ay maraming tao.· Filione ang gusto ko sa lahat.· Ang lapis na hawak mo ay sa kanya.

BAHAGI NG PANANALITA

2. Panghalip - (pronoun) paghalili sa pangngalan.

Halimbawa: sila, tayo, ako, ikaw, natin, siya, atin, amin, kanya.

BAHAGI NG PANANALITA

· Ako ang mamumuno sa bayan na ito.· Tayo ay magtulungan.· Siya ang astig sa lahat.· Sa kanya ko binigay an gang aking bag.· Sa atin mapupunta ang kagalingan ng bayani

BAHAGI NG PANANALITA

•3. Pandiwa - (verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o gawa.

Halimbawa: kain, lakad, sulat

BAHAGI NG PANANALITA

· Sumasayaw ng low si Vonna.· Kumakanta si Janina ng fall for you.· Lumalangoy siya sa dagat.· Umaarte siya na parang artista.· Tumatakbo siya ng mabilis.

BAHAGI NG PANANALITA

4. Pangatnig - (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.

Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.

BAHAGI NG PANANALITA

· Magkaisa kayo upang umunlad ang bansa natin.· Mahal ka niya dahil mabait at maganda ka.· Nagalit siya sa iyo gawa ng siniraan mo siya.· Mag-aral ka ng mabuti upang tumaas ang iyong marka.· Lumapit ka para marinig mo.

BAHAGI NG PANANALITA

5. Pang-ukol - (preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.

Halimbawa: para, ukol, ayon

BAHAGI NG PANANALITA

· Bumili siya ng libro para kay Iarrah.· Ipinasa niya lahat ang kanyang marka liban sa Math.· Sumama siya kahit labag sa kanya.· Nagpaliwanag siya tungkol sa paksa.· Nakatanggap ako ng regalo mula sa iyo.

BAHAGI NG PANANALITA

6. Pang-angkop - (ligature) bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.

Halimbawa: na, ng, g. magarang kotse.

BAHAGI NG PANANALITA

· Magandang bata si Kylin.· Masipag na estudyante si Trisha.· Si Brenda ay mahinahong makipag-usap.· Marangal na pag-uugali ang meron kay Ivy.· Butihing anak si Bea.

BAHAGI NG PANANALITA

7. Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa: matangkad, mabango, mababaw

BAHAGI NG PANANALITA

· Mayabang si Ivan.· Malago ang puno.· Matangkad ang mga manlalaro ng basketball.· Mabait na bata si Romalyn.

BAHAGI NG PANANALITA

8. Pang-abay - (adverb) naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay

Halimbawa: taimtim, agad, tila, higit, kaysa

BAHAGI NG PANANALITA

· Mabilis tumakbo si Jona Pagdingalan.· Ang buong mag-anak ay nagsimba kahapon.· Maliligo kami sa ilog.· Sampung magagandang dalaga ang kalahok sa paligsahan.· Tunay na mapagkakatiwalaan ang kaibigan ko.

BAHAGI NG PANANALITA

9. Pantukoy - (article o determiner ) tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri sa pangungusap

Halimbawa: si, ang, ang mga, mga

BAHAGI NG PANANALITA

10. Pangawing - (linker) nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

PANGUNGUSAP

•ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.

MGA BAHAGI NG PANGUNGUSAP

•Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) Nagpapahayag ng pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa pangungusap.

•PINAG-UUSAPAN

HALIMBAWA

•Siya ay maganda.

Siya - simunomaganda - panaguri 

MGA URI NG PAKSA

Paksang Pangalan•Inaalagaan ni Josh ng mabuti ang manok.•Naghihintay ng uwian ang mga estudyante.

MGA URI NG PAKSA

Paksang Panghalip•Natapakan ko siya.

MGA URI NG PAKSA

Paksang Pang-uri•Binoto nila ang pinakamaganda sa lahat.

MGA URI NG PAKSA

Paksang Pandiwa•Binigyan niya ng pagkain ang nanlilimos na bata.

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

EKSISTENSYAL•May gumagamit ng kwarto ngayon.

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

PAHANGA•Kaytalino talaga ng anak niya!

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

MAIKLING SAMBITLA•Nako!

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

PAMANAHON•Maulan na naman.

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

PORMULASYONG PANLIPUNAN•Mano po.

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

MODAL•Gusto kong kumain.

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

PENOMENAL•Umulan kanina.

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

PAUTOS•Layas.

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

PAGYAYA•Tara na.

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

KA-PANDIWA•Kakagising ko lang.

PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

PANAWAG•Nene! Hoy! Psst!

MGA BAHAGI NG PANGUNGUSAP

•Panaguri (Predicate sa wikang Ingles)

Bahaging nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.

MGA URI NG PANAGURI

Panaguring Pangalan•Doktor ang bayaw ko.•Basketbolista ang mga babaeng iyan.

MGA URI NG PANAGURI

Panaguring Panghalip•Ako si Antoinette.

MGA URI NG PANAGURI

Panaguring Pang-uri•Puting-puti ang damit niya.

MGA URI NG PANAGURI

Panaguring Pandiwa•Naglalaba siya.•Umakyat ang mga bata sa bundok.

AYOS NG PANGUNGUSAP SA FILIPINO

Maipapakita ang dalawang ayos ng pangungusap sa Filipino sa balangkas na sumusunod:

AYOS NG PANGUNGUSAP SA FILIPINO

Pangungusap = Panaguri + Paksa Halimbawa:1. Maraming Koreano ang nag-aaral ngayon sa Pilipinas.

AYOS NG PANGUNGUSAP SA FILIPINO

Pangungusap = Paksa ay Panaguri

Halimbawa:1. Ang nasasakdal ay napatunayang nagkasala.2. Ang gusto ko ay ito.

MGA AYOS NG PANGUNGUSAP

Karaniwan - Nagsisimula sa Panaguri at Nagtatapos sa simuno.

Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Elsie.

MGA AYOS NG PANGUNGUSAP

KaraniwanGinagamit ito sa pang-araw-araw na usapan.

MGA AYOS NG PANGUNGUSAP

Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri.

Halimbawa: Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyan.

MGA AYOS NG PANGUNGUSAP

Di KaraniwanGinagamit ito sa mga pormal na sitwasyong komunikatibo.Halimbawa ay sa pakikipagpulong sa hukuman, o sa pakikipag-usap sa mga pinuno ng paaralan.

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT

1. Pasalaysay (Declarative sentence) - o ang tinatawag din na paturol. Ito ay pangungusap na nagsasalaysay at nagtatapos sa isang tuldok (.). 

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT

2. Patanong (Interrogative sentence) - ito ay pangungusap na nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?). 

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT

3. Pautos (Imperative sentence) – kung ang pangungusap ay nag-uutos at Pakiusap naman kung ito ay nakikiusap. Parating may kasamang mga salitang paki o kung maaari ang nakikiusap na pangungusap. Parehong nagtatapos sa tuldok ang pautos at pakiusap (.).

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT4. Padamdam (Exclamatory

sentence) - ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!). 

MGA KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

Payak - ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.

HALIMBAWASi Bb. Leonora ay maganda.

MGA KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

Tambalan - Ito ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap

HALIMBAWANagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang proyekto para sa mga kabataan ng kanilang pook.

MGA KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

Hugnayan - Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.

HALIMBAWAGaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.

MGA KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

Langkapan - Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa.

HALIMBAWA

Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.

SalamatPangkat Tatlo

http://sintaks-pangungusap.blogspot.com/

top related