seiko usui,gertrude jacobe

Post on 20-Feb-2015

80 Views

Category:

Documents

9 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

SEIKO USUI(O-SEI-SAN)

Si Seiko ay anak ng isang malungkuting Samurai.

Sa edad na 23 taong gulang niya nakilala ang bayaning si Rizal.

Sa Legasyon ng Espana sa Azabu, distrito ng Tokyo nagsimula ang pag-iibigang Rizal at Seiko.

Madalas silang mamasyal ni Rizal sa Imperial Art Gallery, Imperial Library, Mga Unibersidad, City Parks at Picturesque Shrine.

Sining umano ang nagbuklod kay Rizal at Seiko. Nakita ni Rizal ang mga katangian na

hinahanap nya sa isang babae: Maganda Kabigha-bighani Mahinhin Matalino Ang nagustuhan naman ni Seiko kay Rizal ay

ang pagiging maginoo, may dignidad, matapang at maraming talento.

Naging tutor ni Rizal si Seiko sa wikang Niponggo.

Bagama’t bibigyan na sana si Rizal ng trabaho sa Legasyon at makakasama na sana si Seiko mas pinili niya ang misyon na pagpapalaya sa Pilipinas. Si Rizal ay umalis at bumalik sa Europa.

Ayon kay Rizal walang ibang babae ang nagmahal at nagsakripisyo sa kanya tulad ng kay Seiko.

Taong 1897 ay nagpakasal si Seiko kay Ginoong Alfred Charlton, isang Briten na guro sa Kemistri Peers School sa Tokyo.

Noong May 1, 1947 sa edad na 80 namatay si Seiko Usui.

GERTRUDE BECKETT

Sa london nagtagpo si Rizal at Gertrude. Sa tahanan ni Ginoong Beckett, ama ni Gertrude nangupahan si Rizal.

Panganay si Gertrude sa 6 na magkakapatid.

Napili ni Rizal ang tahanan ng Beckett sapagkat malapit ito sa public parks at British Museum.

Si Gertrude ay magaling kumanta. Mula sa pagkakaibigan ay naging

magkasintahan sina Rizal at Gertrude.

Si Rizal ay biglang umalis natakot siya na kung sakaling makatuluyan nya si Gertrude ay hindi na niya matutuloy ang kanyang misyon.

Sinabi ni Rizal kay Valentin Ventura na umiiwas sya sa apoy sapagkat takot masunog.

SUSANNE JACOBE

Sa Belgium nagtagpo si Rizal at Susanne. May dalawang dahilan kung bakit masayang

nilisan ni Rizal ang Belgium: Una ay dahil nasaksihan niya ang

Summertime Festival kung saan ipinagdiriwang ito suot ang mga makukulay na damit at float.

Pangalawa ay dahil sa nakilala niya si Susanne Jacobe.

Nangupahan si Rizal sa isang bahay na pagmamay-ari ni Marie na pamangkin ni Susanne.

Si Susanne ay nabighani kay Rizal at na-ibigan nila ang isa’t- isa.

Hulyo 1890 ng bumalik si Rizal sa Madrid at ito ay lubos na ikinalungkot ni Susanne.

Sumulat si Susanne kay Rizal sa wikang Pranses ukol sa kanyang kalungkutan sa paglisan ni Rizal.

Noong Abril 1891 matapos isulat ang El Filibusterismo ay bumalik si Rizal sa Belgium na labis na ikinatuwa ni Susanne.

top related