nagbibihis na ang nayon

Post on 11-Feb-2017

2.709 Views

Category:

Education

11 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

NAGBIBIHIS NA ANG NAYON

Ni Brigido Batumbakal(1910-1994)

TALAMBUHAY

Si Brigido C. Batungbakal ay isang Pilipinong manunulat.

Ipinanganak noong 1910 sa Pulilan, Bulacan, si Batungbakal ay nag-aral sa San Sebastian Primary

School at Mabini International School. Unang nailathala ang

kanyang mga kwento sa magasin na Mabuhay. Isa rin siya sa mga bumuo ng Kapisanang Panitikan

noong 1935.

Nanalo si Batungbakal ng unang gantimpala sa isang timpalak ng magasin

na Taliba noong 1937 para sa kanyang kwentong “Busilak ng Sampaguita,” at

noong 1940 ay nanalo ng Commonwealth Literary Award para sa kanyang koleksyon ng mga maikling kwento, “Pula ang Kulay

ng Dugo at Iba Pang Kwento.”

Karamihan ng mga kwento ni Batungbakal ay umiikot sa tema ng pagsisikap para makamit ang mas

mabuting buhay, o kaya'y ang sitwasyong panlipunan sa kanayunan. Mula 1935 hanggang 1975 ay mahigit 175 na maikling kwento ang kanyang naisulat at lumabas sa mga pahina ng Liwayway, Mabuhay, Hiwaga, Taliba, Ilang-Ilang, Ang Mutya, at iba pang

magasin. Ilan sa kanyang mga kwento ay ang “Gabi sa Nayon” (1938),

“Aklasan” at “Ingkong Berto” (1940), at “Kalayaan” (1946).

Mayroon din siyang naisulat na limang nobela, ngunit tatlo

lamang ang nailathala bilang serye sa mga magasin: Ulap sa Kabukiran (Bituin, 1946), Uhaw

(Liwayway, 1959-1960) at Mapagpalang Lupa (Liwayway,

1960-61). Sila ni Eduardo de Leon ang nagsulat ng titik para sa

Pamaskong kantang “Payapang Daigdig” noong 1946.

Nagsilbi din siyang patnugot sa Sine Natin ni Alejandro Abadilla nong 1950, sa Mabuhay mula

1961 hanggang 1972, at naglingkod sa Department of

Public Information.Noong 1989 ay ginawaran siya ng Gawad Balagtas para sa kaniyang mga kontribusyon sa panitikang

Pilipino.

Uri ng maikling Kwento: Kwentong

pakikipag- sapalarang maromansa

TAUHAN: * Derang- isang babaeng kilala sa kanilang Nayon. Siya ay hinahangaan dahil sa kanyang angking kagandahan. *Inhinyero Rosauro Santos- ang lalaking nakakakuha ng pagmamahal ni Derang.*Tininti/ Mang Tiyago- Ama ni Derang.*Ka Tonyo- kasamahan ni Mang Tiyago sa pagsasaka

Si Derang ay kilala sa kanilang nayon dahil sa kanyang

kagandahan. "Kumare" ang tawag sa kanya ng mga babae at

"Ninang" o Inang Derang" naman ang tawag sa kanya ng mga bata. Kilalang-kilala siya sa nayon nila.

Lahat ng ito'y nagbago simula nang magsiibigan ang inhinyero na gumagawa ng lansangan para sa

Tulikan.

Tila nag-iba ang ugali ng Tininti na ama ni Derang. Hindi na gaanong bumabati sa dati niyang mga kasama. Ganoon din naman kay Derang, hindi na siya masyado pinapansin

ng mga taong dati'y bumabati sa kanya tuwing nagkikita sa

lansangan.

"Mahirap po makisama sa mga biglang-yaman" ani nga ng isa. Lumala

ang mga pangyayari nang matapos gawin ang lansangan sa Tulikan. Isang

babae ang dumating sa nayon at hinahanap ang bahay ng tininti. Umalis

ang inhinyero kasama ang babae na yun pala ay kanyang asawa. Bumaba

lalo ang tingin ng mga taga-Tulikan kay Derang dahil sa mga pangyayari.

top related