modyul 9: pagsulat ng akademikong
Post on 03-Oct-2021
93 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Modyul 9: Pagsulat ng Akademikong
Sulatin: Panukalang -Proyekto
12
Filipino – Baitang 11/12 Self-Learning Module (SLM) Ikalawang Markahan – Modyul 9: Pagsulat ng Akademikong Sulatin: Panukalang
Proyekto
Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: GINA F. BALASOTO, MAT-FILIPINO
Editor: GILDA V. VILCHEZ
Tagasuri: NEREINE ROSEMAE A. CASTILLON
Tagaguhit: LHYRYN JARANILLA
Tagalapat: GINA F. BALASOTO
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Rommel G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Asst. Schools Div. Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Regional Filipino Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Division Filipino Coordinator
12
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 9:
PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN:
Panukalang Proyekto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang _Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang
Akademikong Pagsulat.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subikin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Alamin
Kapayapaan!
Upang mas maragdagan pa ang iyong pagkatuto, ang modyul na ito
ay inihanda para sa iyo. Layunin nitong magabayan ka sa pagbuo ng isang
panukalang proyekto gamit ang tamang pagkakasunodsunod na lilinang sa
kakayahan ng kalkulasyon, badyet at iba pa sa piniling larangan.
Ano ba ang ibig sabihin ng Panukala at ng Proyekto? Paano mo
masabi na ito ay isang proyekto? Nasubukan mo na bang magpatayo ng
isang gusali? Mahalaga ba ang isang maayos na paghahanda bago simulan
ang isang proyekto? Ano ang layunin ng Panukalang Proyekto?
Sa araling ito ay mararanasan mong maglahad ng isang Panukalang
Proyekto.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito ay mas mapalalim pa
ang iyong kasanayan sa mga dapat gawin sa pagbuo ng Panukalang
Proyekto. Narito ang ang mga iilang mga dapat mo tandaan sa pag-aaral na
ito.
Ang layunin ng modyul na ito makamit mo ang pinakamahalagang
kasanayang pampagkatuto na:
Nabibigyang -kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin. CS_FA11/12PT-OM-O-90
Tayo na at sumulat !
Subukin
Bago pa man natin isa-isahin ang nilalaman ng modyul, kailangan mo
munang sagutin ang paunang pagsubok.
I. Panuto: Basahin ang pahayag na may pag-unawa. Bigyang-kahulugan
ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin. Isulat sa patlang ang malaking titik T kung ang pahayag
ay tama, malaking titik M naman kung ito ay mali. Isulat ang
iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
_______1. Ang panukalang proyekto ay higit na sistematiko at pinag-aralan.
_______2. Ang panukala ay hindi tulad ng isang proposal na naglalayong
ilatag ang
mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
_______3. Ang panukalang proyekto ay isang kasulatan ng mga mungkahing
nagla
laman ng mga plano o gawaing ihaharap sa mga tao o samahan.
_______4. Ayon kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang di-
detalyadong deskripsiyon ng mga inihaing gawain.
_______5. Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng
panukalang proyekto
_______6.Tukuyin muna ang mga pangangailangan ng komunidad bago ang
panukalang proyekto.
_______7. Huwag ng tukuyin kung sino ang maka benepisyo ng panukalang
proyekto.
_______8. Ang pagsulat ng panukalang proyekto ay dapat makatulong at
makalikha
ng positibong pagbabago.
_______9. Higit na magiging di- tiyak ang panukalang proyekto.
______10. Ang pangangailangan ang maging batayan ng pagsulat ng
panukalang
proyekto.
II. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang salita/parirala ay
naaayon sapaksang panukalang proyekto, ekis (x) naman kung hindi
naayon.
_______1. Layunin _______4. specific
_______2. Di-pinlano and dapat gawin _______5. measurable
_______3. May badyet
Balikan
Natatandaan mo pa ba ang tungkol sa nakaraang pinag-aralan? Ang agenda at
katitikan ng pulong? Kung ganun, sagutin ang mga sumusunod.
1. Ano ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng agenda ng pulong?
1.1. __________________________________________
1.2. __________________________________________
1.3. __________________________________________
1.4. __________________________________________
1.5. __________________________________________
Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang agenda ng isang pulong?
___________________________________________________________________

Binabati kita sa iyong malalim na kaalaman batay sa paksa. Ipagpatuloy.
MODYUL
1 PANUKALANG PROYEKTO
Tuklasin
PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG MALALALIM AT MALALAWAK
NA KANAL SA BARANGAY LAGAO
Mula kay Tess F. Calledo
Espinosa Street
Purok 18, Nursery Road
Barangay Lagao, Lungsod ng Heneral Santos
Ika-25 ng Mayo 2020
Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Lagao sa mabilis at umunlad na barangay ng Lungsod
Heneral Santos. Ito ay nanatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring
nagsusulputan ang mga gusaling pabahay sa lugar na ito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Lagao sa kasalukuyan ay
ang pagbaha sa mga iilang bahagi ng Barangay tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagka antala sa
kanilang trabaho at pagkasira ng mga kalsada. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha
ay ang mababaw at maliit na kanal na dinadaluyan ng malakas na bolyum ng tubig.
Dahil dito, ang barangay ay nangangailangan ng malalim at malawak na
kanal upang di aapaw ang malakas na agos ng tubig na siyang dahilan ng pagbaha
sa mga kalsada. Kung ito ay maisasagawa, tiyak na di na magka problema ang
mamamayan sa nasabing baha at di na maaantala ang kanilang pagtatrabaho.
Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa
kapakanan at kailgtasan ng mga mamamayan.
II. Layunin
Makapagpagawa ng mga malalalim at malalawak na kanal na makatutulong
upang mapigilan ang pag-apaw ng malakas na tubig na siyang dahilan ng pagbaha
sa mga kalsada. Ito rin ay makakatulong sa mga mamamayan upang di maantala
ang kanilang paghahanap-buhay.
III. Plano na Dapat Gawin
1. Pagpapasa, pag-aaproba at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa
pagpapagawa ng malalalim at malalawak na kanal. (2 linggo)
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor ng gagawa
ng kanal (1 araw)
4. Pagpapagawa ng malalalim at malalawak na kanal sa ilalim ng pamamahala
ng konseho ng Barangay Lagao.
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng nasabing proyekto. (1 araw)
Ayon kay Dr. Phil Bartle, ang panukalang proyekto ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Kaya ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang
pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.
1. Ano ang nilalaman ng teksto?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga mahahalagang bahagi ng panukalang proyekto?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano ang panukalang proyekto?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
B. Balikan mo ang binasang pahayag. Mula rito ay maaari kang makabuo ng layunin
na maging pangalawang bahagi na ng pagsulat ng panukalang proyekto.
Ano kaya ang tiyak na layunin ng proyekto? Isulat ang iyong sagot sa speech
balloon.
b.1. Layunin: ___________
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner 2008, ang layunin ay kailangang maging
SIMPLE.
____________________________________
____________________________________
____________________________________
.
Measurable: patunay na
maisasakatuparan ang
nasabing proyekto
Practical: nagsasaad ng
solusyon sa nabanggit na
suliranin
Logical:nagsasaad ng paraan
kung paano makamit ang
proyekto
Evaluable: masusukat kung
paano makatutulong ang
proyekto
Specific: nakasaad ang bagay
na nais makamit sa
panukalang proyekto
Immediate: nakasaad ang
petsa kung kailan matatapos
ang proyekto
b.2. Plano ng Dapat Gawin
Matapos na maitala ang layunin ay maaari mo nang buoin ang talaan ng mga
gawain o plan of action gamit ang Sequence Chain na naglalaman ng mga hakbang
na isasagawa upang malutas ang suliranin.
b.3. Badyet – isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay
ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing pondo para dito.
Para sa iyong karagdagang kaalaman bisitahin ang site na ito
(http://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/
Gamit ang tsart, bumuo ka ng badyet na maaaring gamitin sa pagpapagawa ng
malalalim at malalawak na mga kanal sa Barangay Lagao.
Materyales Halaga Marka
Kabuuang Halaga
C. Kadalasan, ang panukalang proyekto ay naaaprubahan lamang kung malinaw na
nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto.
Basahin Mo ang talatang ito.
Ang pagpapagawa ng mga malalalim at malalawak na kanal ay
kapakipakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Lagao. Ang panganib sa
perwesyong baha ay ma solusyunan. Di na makaranas ang mga mamamayan sa
pagka antala sa kanilang pagtatrabaho. Higit sa lahat, maging mapanatag na ang
buhay nila kahit pa man darating ang malakas na ulan dahil alam nilang hinding
hindi na aapaw pa ang malakas na tubig mula sa isang makitid na kanal.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyal ng barangay sa
paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado sa pagbaha sa tuwing lumalaki ang
tubig sa mga kanal. Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng pananim ng mga
magsasakang karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito.
Tiyaking ligtas ang mga mamamayan ng Barangay Lagao. Ipagawa ang mga
malalalim at malalawak na kanal upang di na aapaw ang malakas na daloy ng tubig
sa tuwing tag-ulan.
Isulat sa loob ng kahon ang sagot sa mga tanong.
1. Ano ang proyektong isasagawa?
1. Ano ang proyektong isasagawa?
2.Ano ang dahilan kung bakit kailangang ipapagawa ang nasaning proyekto?
3. Sa anong lugar isasagawa ang nasabing proyekto?
4. Sino ang makikinabang o makakabenepisyo na nasabing proyekto?
Tutungo na naman tayo ngayon sa balangkas ng Panukalang Proyekto.
Panuto: Isulat sa loob ng hugis ang sarili mong pagka-unawa sa mga sumusunod
bilang balangkas ng panukalang proyekto. Tiyaking maging
makabuluhan ang
sagot.
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto -
2. Nagpadala-
3. Petsa-
4. Pagpapahayag ng suliranin-
5. Layunin-
6. Plano ng Dapat Gawin-
7. Badyet-
8. Paano mapapakinabangan ng mamamayan ang Panukalang Proyekto.
Mainit na pagbati para sa iyong kahusayan!
Suriin
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008), sa pagsulat n panukalang papel, ito
ay kinakailangang magtataglay ng tatlong mahahalagang bahagi. Ito ay ang
sumusunod:
a. Pagsulat ng b. Pagsulat ng Katawan c. Paglalahad ng
Panimula ng ng Panukalang benepisyo ng
Panukalang Proyekto Proyekto proyekto at
makikinabang
nito
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner 2008, ang layunin ay kailangang maging
SIMPLE.
Specific- nakasaad ang bagay na nais Immediate – nakasaad ang petsa
kung
makamit sa panukalang kalian ito matatapos
proyekto
Measurable- patunay na maisasa- Practical – nagsasaad ng solusyon
sa
katuparan ang nabanggit na suliranin
nasabing proyekto
A. Basahin ang sumusunod na talata at suriin kung anong bahagi ng panukala ito.
Isa ang Barangay Lagao sa mabilis at umunlad na barangay ng Lungsod
Heneral Santos. Ito ay nanatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring
nagsusulputan ang mga gusaling pabahay sa lugar na ito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Lagao sa kasalukuyan ay
ang pagbaha sa mga iilang bahagi ng Barangay tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagka antala sa
kanilang trabaho at pagkasira ng mga kalsada. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha
ay ang mababaw at maliit na kanal na dinadaluyan ng malakas na bolyum ng tubig.
Dahil dito, ang barangay ay nangangailangan ng malalim at malawak na
kanal upang di aapaw ang malakas na agos ng tubig na siyang dahilan ng pagbaha
sa mga kalsada. Kung ito ay maisasagawa, tiyak na di na magka problema ang
mamamayan sa nasabing baha at di na maaantala ang kanilang pagtatrabaho.
Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa
kapakanan at kailgtasan ng mga mamamayan.
1. Base sa iyong pagsusuri, anong bahagi ng panukalang proyekto ang pahayag?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
2. Ano ang napapansin mo sa paglalahad ng pahayag?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Natumbok mo ang tamang sagot. Binabati kita!
Pag-unawa
Sagutin mo ang mga sumusunod ayon sa iyong pagkaunawa mula sa talakayan.
1. Bakit mahalaga ang isang masusing paghahanda sa pagpapatupad ng isang
proyekto?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2.Alin sa katawan ng Panukalang Proyekto ang higit na kailangan sa pagpapagawa
ng nito? Badyet ba o Plano? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Tandaan: “Kailangan natin ang isang maayos na pagpaplano at paghahanda
sa anumang bagay. Lapatan ng isang mataimtim na panalangin
upang tayo’y magabayan ng Poong Maykapal at makamit ang
anumang pinapangarap sa buhay.”
Pagyamanin
Masusubok ngayon ang iyong katapatan at kalaliman ng iyong kaalaman batay sa paksang
tinalakay. Gawin ang mga sumusunod.
Gawain 1. Magbigay ng tatlong suliranin na nakita mo sa inyong purok na dapat
bigyan ng aksyon. Isulat ito sa loob ng kahon.
Gawain 2 . Pumili ng isang suliranan na iyong na makita sa itaas. Isulat sa chart ang
iyong sagot.
Pangalan ng proyekto
Nagpanukala o nanguna sa Proyekto
Haba ng panahon na iginugol para sa
proyekto
Layunin
Plano ng proyekto
Badyet
Makikinabang ng Proyekto
Isaisip
Ito ay isang kasanayan na iyong pakikinabangan.
Gawain 1: Malayang pamamahayag ng natutuhan.
1. Ilahad ang iyong natutuhan sa aralin na ito. ___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________
2. Magbigay ng isang pangungusap na lalagom sa kabuoan ng aralin na ito.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Saan mo magagamit ang natutuhan mo sa araling ito?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4,Ano ang masasabi mo sa ginawa mo sa araling ito?
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Ang bawat kaalaman na iyong
natutunan ay isang
kayamanan
na pakaingatan.
Isagawa
Ikaw ay nabigyan ng pagkakataong manguna sa paggawa ng isang proyekto
na kailangang maisakatuparan. Pumili ng isang proyekto na nais mong maipatupad
sa inyong purok . Isulat ang detalye sa papel.
Pangalan ng proyekto
Nagpanukala o nanguna sa Proyekto
Haba ng panahon na iginugol para sa
proyekto
Layunin
Plano ng proyekto
Badyet
Makikinabang ng Proyekto
Isaalang-alang ang pamatayan sa ibaba sa pagsulat.
Pamantayan Puntos
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang
panukalang proyekto
5
Makatotohanan at katanggap-tanggap ang panukalang proyektong
naisulat
5
Nakasulat ng panukalang proyektong batay sa maingat, wasto at
angkop na paggamit ng wika.
5
Nasasalamin sa kabuoan ng sulatin ang pagsasaalang-alang ng etika
sa binuong akademikong sulatin.
5
Kabuuang Puntos
20
Tayahin
I. Panuto: Basahin ang pahayag na may pag-unawa. Isulat sa patlang ang malaking
titik T kung ang pahayag ay tama, malaking titik M naman kung ito ay mali.
Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
_______1. Ang panukalang proyekto ay higit na sistematiko at pinag-aralan.
_______2. Ang panukala ay hindi tulad ng isang proposal na naglalayong ilatag ang
mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
_______3. Ang panukalang proyekto ay isang kasulatan ng mga mungkahing nagla
laman ng mga palo o gawaing ihaharap sa mga tao o samahan.
_______4. Ayon kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang di-
detalyadong deskripsiyon ng mga inihaing gawain.
_______5. Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng
panukalang proyekto
_______6.Tukuyin muna ang mga pangangailangan ng komunidad bago ang
panukalang proyekto.
_______7. Huwag ng tukuyin kung sino ang maka benepisyo ng panukalang
proyekto.
_______8. Ang pagsulat ng panukalang proyekto ay dapat makatulong at makalikha
ng positibong pagbabago.
_______9. Higit na magiging di- tiyak ang panukalang proyekto.
______10. Ang pangangailangan ang maging batayan ng pagsulat ng panukalang
proyekto.
II. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang salita/parirala ay naaayon sa
paksang panukalang proyekto, ekis (x) naman kung hindi naayon.
_______1. Layunin _______4. specific
_______2. Di-pinlano and dapat gawin _______5. measurable
_______3. May badyet
Karagdagang Gawain
Magsaliksik ng mga panukalang proyekto sa inyong paaralan o pamayanan.
Ihambing ang panukalang proyektong nasaliksik sa nasaliksik ng isa mong kamag-
aral gamit ang Compare and Contrast Diagram sa ibaba.
Panukalang Proyektong Aking Panukalang Proyektong
Nasaliksik
Nasaliksik
ng Aking Kamag-aral
Paano ito nagkatulad?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
Hanggang dito na lang.
Maraming salamat sa taus puso mong paglaan ng oras para sa iyong pagkatuto.
Pagpalain ka ng Poong Maykapal.
.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Batayang Aklat;Kagawaran ng Edukasyon). Quezon City: Vibal Group
Company. 2016
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.
For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph
top related