grade 4 e.p.p quarter 3 week 4

Post on 12-Jan-2017

1.799 Views

Category:

Education

72 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

LAYUNIN:1. Naiisa isa ang mga uri ng halamang ornamental na maaaring itanim sa lata o paso.2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagpaparami ng halaman sa paraang layering/marcotting at pagpuputol3. Naisasagawa ang wastong paraan nang pagpaparami ng halaman sa paraang layering/marcotting at pagpuputol

1. Ano-ano ang hakbang sa pagpaparami ng halaman sa paraang layering/marcotting at pagpuputol? 2. Ano-ano ang uri ng halaman ang maaaring itanim sa lata o paso?3. Paano ito isinasagawa?

Nakakita na ba kayo ng isang halaman na maliit pa pero may bunga at may namumulaklak na?1. Paano isinasagawa ang pagpapaugat?2. Paano isinasagawa ang pagpuputol at pagtatanim sa paso?

Isa sa mga gawain sa pagnanarseri ay ang pagpaparami ng halaman. Iba-iba ang paraan ng pagpaparami ng halaman. Ang mga halaman na mahirap patubuin at paugatin sa pamamagitan ng pagpu- putol ay karaniwang pinauugat. Ang ilan sa mga paraang ito ay ating pag-aaralan, tulad ng pagpuputol, pagpupunla, at pagpapaugat.

Ang pagpaparami ng pananim ay nagagawa hindi lamang sa pagtatanim. Nagagawa rin ito sa pamamagitan ng ibang paraan. May dalawang uri ng pagpaparami ng pananim.Ito ang sumusunod:

1. Pagtatanim ng buto o butil

2. Paggamit ng ibang bahagi ng tanim tulad ng ugat, puno, sanga, at dahon. Ang mga ito ay ihinihiwalay at pinalalago upang maging bagong tanim. May dala- wang uri ng ganitongpagtatanim. Ang natural at artipisyal.

a. NaturalIto ay ang normal na pagtubo ng mga usbong ng halaman mula sa ugat o puno ng tanim. Nangyayari ito sa gabi, kawayan, luya, at saging.

b. ArtipisyalIto ay ginagawa na ang ginagamit ay sanga, dahon, o usbong ng tanim

1. Pasanga (cutting). Ito ang pinakamadaling paraan ng artipisyal na pagpaparami ng tanim. Ang sanga ay pinupu -tol, pinauugat, at itinatanim. Ginagawa rin ito sa dahon at ugat.

2. Marcotting o air layering. Ginagawa ito sa sanga o katawan ng punongkahoy habang ito ay hindi pa nahihiwalay sa puno.

Sa marcotting, sinusunod ang mga hakbang na ito:

• 1. Pagtatanggal ng balat

• 2. Pagkakaskas ng panlabas na hibla ng sanga

• 3. Paglalagay ng lupa at lumot

• 4. Pagbabalot nito ng bunot ng niyog/plastik

• 5. Pagtatali

Ginagawa ang marcotting sa mga punong namumunga tulad ng chico at manga.

3. Inarching Sa paraang ito, pinagsasama ang sanga ng isang puno at sanga ng isa pang punong nakalagay sa paso. Kadalasang ginagawa ito sa kaimito.

Ang inarching ay binubuo ng sumusunod na hakbang:

• 1. Gumawa ng pahabang hiwa sa puno o sangang pagsasamahin.

• 2. Pagharapin ang dalawang hiwa. Pagdikitin, at itali nang mahigpit.

4. GraftingSa paraang ito pinagsa- sama ang dalawang sa -ngang galing sa dalawang puno.

URI NG GRAFTING

Ang sumusunod ay iba’t ibang uri ng hala- mang ornamental at punongkahoy na maaaring itanim:

1. Halamang – dahon Ito ay mga halamang hindi namumulaklak ngunit may magaganda at malalapad na dahon. Karaniwang itinatanim ito sa harapan ng bahay. Maaaring itanim din ito sa paso at gamiting palamuti sa loob ng bahay. Ang halimbawa nito ay San Francisco, pako, five fingers, at iba pa.

2. Halamang namumulaklak Kabilang dito ang mga halaman na itinatanim dahil sa makukulay nilang bulaklak at mababangong halimuyak. Ang halimbawa nito ay ang rosas, kamya, sitsirika, bougainvillea, dapo, mirasol, at iba pa.

3. Halamang – palumponIto ay mga halaman na mayroong matitigas na sanga na maaaring gamiting pambakod. Ang ibang halamang-palumpon ay namu -mulaklak din.Ang halimbawa nito ay gumamela, adelfa, rosal, santan, sampaguita, at iba pa.

4. Halamang – baging Ito ay mga halaman na gu- magapang tulad ng kampanil- ya, niyug–nyogan, kadena de amor, at iba pa. Ang mga ito ay nagbibigay kulay sa bakod at pader ng bahay.

Maraming paraan ang pagpaparami ng halamang ornamental. Sa bawat paraan ng pagpaparami ay mayroon kaniya kaniyang hakbang na dapat sundin. Tandaan na mayroong mga halamang hindi napaparami sa pagpuputol, air layering o marcotting. Ang iba sa mga halaman ay buto ang gamit sa pagpapa- rami nito.

PAGTATAYA:Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod: Lagyan ng titik (T) kung tama ang pangungu- sap at (M) naman kung mali ito.___ 1. Ang air layering ay maaari din na tawaging marcotting.___ 2. Kailangan pumili ng matabang sanga, walang sakit para sa isasagawang marcotting.

___ 3. Ang butong ipupunla o itatanim ay kailangan magulang at galing sa malusog na bunga.___ 4. Mainam din na ibabad magdamag sa tubig na may kahalong kemikal ang butong itatanim.___ 5. Kailangan sundin ang lahat ng panuntunan sa pagpapaugat, pagpupunla, at pagpuputol.

TAKDANG-ARALIN:1. Bakit kailangan isagawa ang air layering o marcotting?2. Paano ito isinasagawa?3. Ano ang nararamdaman ninyo pag nakakakita kayo ng isang halamang tulad ng kalamansi na maliliit palang pero may bunga na?

FIN…..

Powerpoint source by:ARNEL C. BAUTISTADEPED. LUMBO E/SVAL. CITY, BUKIDNON

top related